loading
Home/ All /Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild/Chapter 3

Chapter 3

Author: Marie WP
"publish date: " 2020-09-03 09:00:57

Ibinaba ko ng bahagya ang hawak na ice cream. What does he need?

"Hey, Avi..." bati niya na akala mo matagal na kami mag kaibigan.

Kumunot ang noo ko sa asta niya. Naguguluhan kung bakit nasa harap ko siya ngayon at ginugulo ang tahimik kong mundo.

"What?"

Binigyan niya lang ako ng ngiti at tahimik na tumingin sa akin. Pinatong niya ang isang bote ng energy drink sa mesa bago humalumbaba at walang hiya na tumitig sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at tahimik na kumain. Mas mabuti pang hindi kami mag-usap at baka mainis lang ako sa kanya. Mukhang masaya pa naman siya kapag nakikitang naiinis ako.

Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo roon habang tumutugtog ang isang kantang tungkol sa pag-ibig. Mukha kaming nasa music video na dalawa dahil sa kami lang ang tao doon bukod sa lalaking cashier na mataman kaming pinapanuod.

Hindi ko napigilan na umirap sa kawalan. Akala ko kakayanin kong hindi siya pagtuonan nang pansin ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin niya inaalis ang mga mata niya sa akin.

Naubos ko na ang ice cream pero hindi man lang siya nagbago ng kanyang posisyon. Hindi ko na natiis na lingunin siya at inis na tiningnan.

"What are you doing?"

"I'm not doing anything," nakangiti niyang sambit.

"Stop staring,"

"I don't wanna,"

"Stop it, Devon!"

May umukit na ngiti sa labi niya nang sabihin ko ang pangalan niya. May bakas ng pagkamangha roon na tila may narinig siyang napakagandang musika. Mukhang wala siyang pakealam na pinapakita kong ayaw ko sa presensya niya. I grimaced at him.

Naiilang ako sa kanyang mga tingin lalo na kapag tinititigan niya ako gamit ang kanyang malalim na mga mata.

"Ang ganda mo," bigla niyang sabi.

Umawang ang labi ko. Hindi ko inaasahan na iyon ang isasagot niya sa akin. Hindi na naman bago sa akin na sabihan niyon pero hindi ko alam kung bakit kumabog ang dibdib ko roon. I pursed my lips.

"Umalis ka nga sa harapan ko," Inirapan ko siya.

"Bakit ba ang sungit mo pagdating sa akin?"

"Ano?"

His eyes roamed around my face before it gets back to my eyes. Devon bit his lower lip to hide his smile.

"You know...it's fine." he gurgled.

"What do you mean?"

Kumunot ang noo ko. What's fine? Hindi ko na siya maintindihan. Ano bang sinasabi niya?

"Mas gusto ko 'yung nagtataray ka." Kinagat niya ang kanyang labi habang mataman na nakatitig sa akin. "Magtaray ka pa..."

Bumagsak ang panga ko sa kanyang sinabi. What the hell?

Tiningnan niya ako at bahayang tumawa nang makita ang reaksyon ko. Tinignan ko siya nang masama ngunit binigyan niya lamang ako ng kanyang nakakalokong ngiti.

Tumunog muli ang pinto kaya napabaling ang tingin ni Devon doon. Ibinuka ko ang bibig ngunit napatigil din nang marinig ang boses ng isang babae na tumawag sa pangalan niya.

"Devon!"

Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang isang babaeng nakasuot ng napaka-iksing skirt at sleeveless top na pinatungan ng crop denim jacket.

Umayos sa pagkaka-upo si Devon nang makita ang babaeng iyon. Hindi ko maintindihan kung masaya ba siya o naiinis sa ekspresyon na pinapakita niya.

Bakit naman siya maiinis? Mukhang girlfriend niya pa naman 'to.

Ganito ba ang mga tipo niya? Tss.

"Babe, I miss you..." malanding tawag ng babae nang makalapit sa mesa namin.

"Hey-,"

Sa harap ko pa talaga nila napili na magyakapan? Ang landi!

Hindi na tapos ni Devon ang sasabihin nang niyakap siya ng babae. Tinaasan ko ng kilay si Devon nang bumaling ang kanyang mga mata sa akin.

Kinalas niya ang kamay na nakapulupot sa kanyang leeg at inilayo sa kanya ang babae.

"Don't you miss me, babe?"

"Nica-,"

"What? It's Anika, asshole!" nagmamaktol na sambit niya.

Hindi ko na napigilan ang paglabas ng tawa ko nang marinig iyon.

Napatingin sila sa akin dalawa at nakita kong umawang ang labi ni Devon at may aliw sa mukha habang ang kaharap niyang babae ay masamang nakatingin sa akin.

"Why are you laughing?" the flirt asked.

"Nothing," ngumisi ako sa kanya.

"Hey, let's go," singit ni Devon at hinawakan ang babae sa braso bago binaling ang tingin sa akin. "I'll leave now."

I just shrugged my shoulders.

Bakit ba nagpapaalam pa siya? Wala akong pake kung saan siya pupunta at kung umalis man siya kasama ang bisugong iyon.

I don't care, Devon.

Umalis na silang dalawa sa harap ko at humakbang na palabas. Biglang napalitan ng malungkot na kanta ang tugtog kasabay ng pagbuhos nang malakas na ulan.

Shit! Wala akong payong. Paano na 'yan?

Hindi ko naman pwedeng takbuhin iyong sasakyan ko dahil ang lakas ng ulan. Bukod pa roon, nakasuot din ako ng skirt at heels ngayon. Wrong timing naman, oh!

Mukhang matatagalan pa ako bago makaalis dito dahil bumuhos pa lalo ang malakas na ulan. Kinuha ko ang phone ko sa loob ng maliit kong bag at binuksan ang aking social media accounts. Mabuti na lang nai-charge ko kanina ang phone ko bago umalis ng bahay.

Hindi ko na nabilang kung ilang meme post ang nai-share ko bago tuluyang tumila ang ulan. Pinatay ko ang phone ko at inilagay sa bag bago tumayo at naglakad palabas ng pinto.

Umaambon pa ng kaunti pero hindi naman ganoon kalakas. Nagsimula na akong humakbang papunta sa lugar kung saan ko pinarada ang sasakyan kanina.

I pulled my key fob out of my skirt when I'm already near my car. I was about to press it when suddenly a guy came out of nowhere beside me.

"Hey," he called.

Nabitawan ko iyon sa sobrang gulat.

"What the fuck? You scared the fucking shit out of me!" I shouted angrily.

He only laughed at me. Asshole!

I hit his chest with my fist to stop him from chuckling.

Bakit ba pasulpot-sulpot siya? May lahi ba siyang kabute?

Paanong lagi niyang alam kung nasaan ako? Nakakainis!

"Ouch!" he massaged the part on where I hit him. A smirk was curved in his face while staring at my face.

Pinulot niya ang key fob sa harap niya bago humarap ulit sa akin.

"You're leaving?" he asked.

"Isn't it obvious?" I answered him angrily. His jaw dropped with my answer before he smiled.

"Sungit."

Umirap ako dito at hinablot ang key fob na nasa kanyang kamay. Pinindot ko iyon at binuksan ang pinto.

"Bye, baby."

Baby? I'm not his damn baby!

Inirapan ko siya bago tumalikod ulit at ipinagpatuloy ang pagpasok ng sasakyan. Nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa bubong ng kotse habang ang kabila ay nakahawak sa pinto.

He looks amused while staring at me. I wanna wipe that smirk on his lips!

"No kiss?"

"Gago!"

He growled and gawked at me. Tinanggal niya na ang kanyang kamay sa kotse at dahan-dahan na umatras.

"Take-,"

Sinara ko na ang pinto at hindi na tinapos ang sasabihin niya. I know it's rude but he's fucking annoying me!

Pinaandar ko na agad ang kotse ko at umalis doon. I glanced at the side mirror and saw Devon still standing from where I left him with a wide smile on his face.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Epilogue

"Sir, you left your wallet!"Palabas na kami ng fast food chain nang may narinig akong paulit-ulit na sumisigaw mula sa aking likuran."Dos, I think it's yours." Oliver stated.

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 50

|R-18| Read at your own risk.Limipat sa amin ang tingin ni Chesca nang bigkasin ko ang kanyang pangalan. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala niya kami na tila siya ay nakakita ng multo."A-Avianna,"

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 49

Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan. Ilang segundo pa ang nakalipas bago niya ibinalik ang yakap sa akin."Are you taking me back now, baby?" paos niyang tanong. Narinig ko ang pinaghalong saya at kaba sa kanyang boses.Tumango ako at narinig ko ang pagbuga niya ng malalim na hininga

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 48

"S-Stay away from me," my eyes shut down when I stammered."No," he chuckled beside my temple before facing me completely.Devon tucked some strands of hair at the back of my ear while gawking at me and biting his lower lip. Gumala ang mata niya sa aking kabuuan na nagpakabog sa dibdib ko nang m

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 47

I still love him but it doesn't mean I can be with him again. It's hard to be with him again. He crashed the faith I entrusted him like how he ripped my heart into diminutive pieces. Nonetheless, those pieces were thumping erratically for him after breaking me apart and it infuriates me.Humakbang ako palabas ng venue para lumayo muna sa kanya. Kailangan ko rin lumanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam ko ay kaunti nalang ay babagsak na ang luha mula sa aking mga mata.

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 46

Ilang beses pang naulit 'yon dahil sa mga kalokohan ni Maxine. Ang dami nilang sinasabing dahilan para maiwan kami na dalawa."I'll just go to the bathroom," paalam ni Maxine.Nanunood kami ng sine ngayon apat sa mall. Sinigurado nilang pagtabihin kami ni Devon sa upuan kaya wala na rin akong na

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 45

Pinatay ko ang makina ng sasakyan nang makarating ako sa bahay ng ak

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 44

It was around two o'clock when I finished evaluating the documents o

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 43

A couple of weeks had passed after the proposal got approved and we

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 42

The asshole walk faster and began to march towards his office. Sinun

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy