loading
Home/ All /Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild/Chapter 2

Chapter 2

Author: Marie WP
"publish date: " 2020-09-03 09:00:37

"Where are you?" bungad niya sa akin.

"Behind your back,"

"I thought you ditched me!" she pouted.

I rolled my eyes at her. How can I do that if she threatens to send that photo to my Mom?

Dumaan muna kami sa CR bago kami dumiretso sa gymnasium. Tumingin ako sa salamin para tingnan ang itsura ko. Sinuklay ko ang maalon kong buhok gamit ang aking mga daliri. Inayos ko rin ang bangs ko dahil nakita kong medyo nagulo na ito. I re-applied my lipstick before we head out.

Nasa labas pa lang kami ng gym pero naririnig ko na ang malakas na tawanan ng mga lalaki sa loob. Napansin kong marami pa rin nakakalat na estudyante sa campus kahit ngayon ay sabado.

Ang mga third or fourth year ang madalas na nasa university kapag weekends bukod sa mga varsity players na buong linggo na narito.

Pagdating namin sa loob nakita namin na hindi lang pala kami ang manunuod ng practice. May ilan din na mga babae ang nakita kong nakaupo roon sa gilid.

Humanap kami ng mauupuan ni Maxine bago niya tinawag ang pangalan ng boyfriend niya. Umupo kami sa second row ng benches kung saan wala kaming katabi.

"Clark!" she shouted. Her hands are on both sides of her cheeks that made her voice louder.

Mabilis na lumingon sa kanya ang kanyang boyfriend at saka lumakad para lumapit. Masyadong malakas ang sigaw niya kaya nakuha niya ang atensyon nilang lahat. Tumigil sa paglalaro ang mga lalaki at tumingin din sa banda namin.

"Hi, babe!" bati niya sa kanyang boyfriend. Ngumiti ang lalaki sa kanya at hinigit para yakapin.

Matagal sila bago bumitiw sa isa't-isa na akala mo hindi nagkita ng isang taon kahit magkasama lang naman sila kahapon. Humarap silang dalawa sa akin at nagbulungan bago itinututok ang kanilang mga tingin sa akin.

Napansin kong parang nagulat pa si Clark nang makita niya ako dito. Umawang ang kanyang mga labi bago ngumisi. Lumingon siya sa kanyang teammates na may mapangasar na ngiti sa labi.

"Babe, si Avi nga pala kaibigan ko. Avi, this is Clark, my boyfriend" nilapat niya pa ang kanyang ulo sa balikat nito na parang pusa na naglalambing. Napangisi si Clark sa inasta ni Maxine at bumati sa akin.

"Hi, Avi!" may nakapaskil na ngisi sa kanyang labi ng sinabi niya ang pangalan ko. Hindi ko alam kung anong problema niya pero ngumiti nalang din ako sa kanya.

"Guys, lapit kayo rito!" tawag niya sa mga team mates niya.

"Girlfriend ko nga pala mga bro, si Maxine," nilagay niya sa baywang ni Maxine ang kanyang kanang kamay nang pinakilala niya ito.

"Oh, and that's her friend, Avi." sabay kumpas ng kamay sa gawi ko.

Nagkantyawan ang mga lalaki sa sinabi niya. Inalis ko ang tingin ko sa dalawa at nilibot ang paningin ko sa mga basketball players. Matatangkad silang lahat at hindi mapagkakailang lahat sila ay gwapo, makikita mong batak ang kanilang katawan sa training dahil sa hubog ng kanilang mga katawan.

Tumigil ang mata ko sa isang matipunong lalaking nakatitig sa akin ng mariin. Hindi niya ako binitawan ng tingin kahit nahuli ko na siyang nakatitig sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto. He's the guy from the parking lot!

A smirk was curved on his face that made him multiple times attractive. He's taller than the others that made him standout from the crowd. I raised a brow at him and brought my attention back to my friend. Nawala ang ngisi niya sa inasta ko at umawang ang kanyang labi.

What's their problem?

Pinakilala ni Clark ang mga teammates niya sa amin ni Maxine. Narinig kong Devon ang pangalan ng lalaking nabunggo ko kanina sa parking dahil narinig kong tinawag siya ng lalaking katabi niya.

May malaking ngisi na naman na nakaukit sa kanyang mga labi. Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga pangalan ng mga naunang nagpakilala dahil sa lalaking walang hiyang nakatitig sa akin hanggang ngayon.

Nakatuon ang tingin ko sa kanya kahit na may pinapakilala pa sa harap ko. Humakbang siya palapit sa akin nang siya na ang ipapakilala.

"Hi, Avi. I'm Devon," he said with a grin on his face. Nilahad niya ang kamay sa akin para makipagkamay ngunit tiningnan ko lang ito.

"I'm not interested," I quickly dismissed him and moved my attention to the guy behind him.

He laughed like I just cracked him a joke. I tilted my head to look at him again, this time I made a point that his presence was unwanted.

Naghiyawan ang mga lalaki sa tabi niya at inasar siya.

"Wala ka pala, pre!" narinig kong sigaw ng kaibigan niya. I think his name was Joseff?

"Mahina si Master!"

"Tiklop si Sandoval!"

Lumakas lalo ang hiyawan nila. Sinamaan niya ng tingin ang lalaking nagsabi nito at sinigawan.

"Gago!" sigaw niya bago humalakhak.

Humarap ulit siya sa akin na may nakakalokong ngiti sa labi at saka kumindat. I frowned at him but he just grinned at me. I gave him a death glare and he gave me a smirk.

He's so vexatious!

Nag-aya na ang ibang players na mag warm-up kaya unti-unti na rin sumunod ang iba. Ngumisi si Devon sa akin bago patalikod na lumakad sa kanyang mga kasama. Palagi ba talaga siyang nakangiti? Palibhasa maputi at pantay-pantay ang ngipin niya!

Nahagip ng mata ko ang paghalik ni Maxine sa pisngi ng boyfriend niya bago ito pinakawalan. Hindi ko na napigilan na umirap. Bumalik si Maxine sa tabi ko at parang bulateng binudburan ng asin sa sobrang likot habang pinapanuod ang boyfriend niya.

Kaya ayokong sumama rito dahil alam kong ganito ang mangyayari.

Pinatakbo sila ng coach nila paikot sa court dahil nahuli silang hindi nagpa-practice. Hindi ko alam kung ilang ulit silang tumakbo paikot pero parang sanay na sila sa ganoon dahil hindi man lang sila hinihingal.

Pagkatapos nilang magpaikot-ikot sa court nagsimula na silang mag-shoot ng bola sa ring. Nakapila sila ng isang linya para sa pagkakasunod-sunod ng bibigyan ng bola. Isa-isa silang nagpakitang gilas sa paghagis ng bola papunta roon.

Nang si Devon na ang titira tumingin muna siya sa gawi namin at hinanap ang tingin ko bago hinagis ang hawak na bola papunta sa ring. Sinundan ko ang bola at swabe itong pumasok sa ring ng walang kahirap-hirap.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at kumindat lang siya sa akin bago ngumisi ng nakakaloko.

Hinati sa dalawang grupo ang mga players para mag practice ng laro. My eyes darted to the devil who's speaking with Clark right now.

Nahagip ng aking mga mata ang pangalan na nakatatak sa likod ng kanyang jersey.

Sandoval, huh?

Where did I hear that again? I doubt it's from Maisie because there's no way he knows this annoying guy! Nakasulat iyon sa malalaking letra at sa baba naman ang malaking numerong 01.

Is that his birthday? Whatever! Why do I even care? Tss.

Hindi naman magkamayaw sa pagsigaw sa tabi ko si Maxine sa pagchi-cheer sa kanyang boyfriend. Nakatayo na ito ngayon at kumekendeng-kendeng pa na parang cheerleader. Practice lang naman ito, ah? Mas lalo lang akong nairita nang kada nakakashoot ng bola si Devon ay bigla itong titingin sa akin at ngingisi.

Mayabang!

Wala akong ibang ginawa roon kung hindi mag cellphone sa sobrang inis sa Devon na iyon. Gusto ko na sanang umuwi pagkatapos ng dalawang oras pero hindi ako hinayaan ni Maxine na umalis. Malapit na naman daw matapos kaya samahan ko na muna raw siya.

It was around 4:00 PM when the practice game ended. Nagpaalam si Clark na maga-ayos muna raw siya saglit dahil pawis na pawis siya sa laro. Nahagip ng paningin ko si Devon na kumakaway sa akin habang may malakin ngiti sa labi. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Ang epal naman.

Tumayo na ako para magpaalam kay Maxine na umuwi. Napagbigyan ko na siya kaya hayaan niya na dapat akong umuwi.

"I'll go now, Max," I told her.

"Hindi ka sasama sa amin sa mall?" she asked.

"No. Ayaw ko na maging third wheel sa date niyong dalawa,"

She grinned at me.

"Mukhang hindi ka naman magiging third wheel. Type ka yata ni Sandoval, ah! Iba makatingin sa'yo!" Sinabi niya yon habang sinusundot-sundot ang baywang ko at humagikgik.

Napairap nalang ako sa inasta niya.

"Before I forgot, delete the photo you used to me! Paano kapag kumalat iyon?"

Tinigil niya ang pangaasar sa akin at humalakhak. My forehead creased while watching her laughed in tears.

"Why are you laughing?" I asked annoyed.

"There's no photo, Avi. I tricked you!" she laughed.

"What?!"

"Sorry. Ayaw mo kasi akong samahan," she pouted like a kid.

Napasapo nalang ako sa aking noo. Natakot ako sa wala? I looked at her angrily.

"Sorry na, please?" she looked guilty now.

Huminga ako ng malalim bago tumango.

Alam din niya hindi ako basta-basta magagalit sa maliit na bagay. Nasanay na rin naman ako sa pabirong ugali niya dahil matagal ko na rin siyang nakakasama bukod kay Maisie.

Maxine was a socialite and a clubby woman. Halos lahat yata ng estudyante dito sa university kilala niya. Siya rin ang dahilan kung bakit nakakatanggap ako ng mga invites kahit hindi ko naman kilala ang may party.

Minsan nga kapag nasa mall kami akala mo nangangandidato sa dami ng taong kinakawayan at kinakausap. Talo niya pa ang kapitan sa amin sa dami niyang kakilala. Kapag tumakbo siguro siya bilang Mayor hindi na ako magtataka kung manalo siya.

Maxine has been my confidant since I entered college and I stick with her because she has always been leal with me.

"Fine. Pero uuwi na ako,"

Her face brightened with my answer and then she nodded.

"Okay, Avi. Bye!" she kissed my cheek before she waved her hand at me.

I turned around and started to walk out of the gym. Malamig na humaplos sa balat ko ang malakas na hampas ng hangin. Nagulo ang mahaba kong buhok dahil dito. I looked up the sky to see that the clouds are a bit dark. Mukhang uulan pa yata? Wala pa naman akong dalang payong ngayon.

Huminto ako sa paghakbang upang tingnan ang oras sa screen ng ang aking phone bago muling lumakad. May malapit na sa 7 Eleven sa university na lagi kong nadadaanan sa pag-uwi kaya humakbang ako patungo roon.

I hardly pushed the door with both of my hands before I go inside the store. Medyo maganit kasi iyong pintuan nila dito. Kailangan mong talagang itulak ng malakas para makapasok ka. 
Dumiretso ako sa banda kung saan nakapwesto ang hotdog sandwich ngunit walang available ngayon. Malungkot akong humakbang sa banda ng freezer para kumuha ng paborito kong flavor ng drumsticks.

Wala masyadong tao ngayon dahil weekend. Pagkatapos kong bayaran ang binili ko ay lumakad na ako palapit sa bakanteng upuan na aking nakita. Nilapag ko ang pagkain sa maliit na mesa bago ako naupo. Narinig kong tumunog ang pinto ng convenience store ngunit hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin. Nakatalikod ako sa bandang pinto kaya hindi ko makikita kung sino ang pumasok.

This will be my cheat day!

Masaya akong dumila sa ice cream ko nang biglang may umupo sa upuan sa harap ko. It's him again!

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Epilogue

"Sir, you left your wallet!"Palabas na kami ng fast food chain nang may narinig akong paulit-ulit na sumisigaw mula sa aking likuran."Dos, I think it's yours." Oliver stated.

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 50

|R-18| Read at your own risk.Limipat sa amin ang tingin ni Chesca nang bigkasin ko ang kanyang pangalan. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala niya kami na tila siya ay nakakita ng multo."A-Avianna,"

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 49

Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan. Ilang segundo pa ang nakalipas bago niya ibinalik ang yakap sa akin."Are you taking me back now, baby?" paos niyang tanong. Narinig ko ang pinaghalong saya at kaba sa kanyang boses.Tumango ako at narinig ko ang pagbuga niya ng malalim na hininga

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 48

"S-Stay away from me," my eyes shut down when I stammered."No," he chuckled beside my temple before facing me completely.Devon tucked some strands of hair at the back of my ear while gawking at me and biting his lower lip. Gumala ang mata niya sa aking kabuuan na nagpakabog sa dibdib ko nang m

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 47

I still love him but it doesn't mean I can be with him again. It's hard to be with him again. He crashed the faith I entrusted him like how he ripped my heart into diminutive pieces. Nonetheless, those pieces were thumping erratically for him after breaking me apart and it infuriates me.Humakbang ako palabas ng venue para lumayo muna sa kanya. Kailangan ko rin lumanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam ko ay kaunti nalang ay babagsak na ang luha mula sa aking mga mata.

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 46

Ilang beses pang naulit 'yon dahil sa mga kalokohan ni Maxine. Ang dami nilang sinasabing dahilan para maiwan kami na dalawa."I'll just go to the bathroom," paalam ni Maxine.Nanunood kami ng sine ngayon apat sa mall. Sinigurado nilang pagtabihin kami ni Devon sa upuan kaya wala na rin akong na

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 37

I found myself staring blankly at the screen of my phone until the c

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 36

I was surprised when Ella revealed that she knew my boyfriend since

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 35

"Mom, we're still going to XYLO later," he explained to his Mom

Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild   Chapter 34

"Go Clark!" Maxine yelled.

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy