loading
Home/ All /Luring Virtues I/Chapter 3

Chapter 3

Author: erheoverdose
"publish date: " 2020-08-30 14:42:04

Hari

Tila isa akong batong nakahiga sa aking higaan. Pakiramdam ko ay naubos ang aking lakas na kumilos. Nakatulala lamang ako sa kisame habang pinapakiramdaman ang banayad na pagtibok ng aking puso.

Hindi ko pinirmahan ang kasulatan.

Kinailangan ko ng sapat na oras upang makapag-isip. Hindi naging mahaba ang usapan namin ng prinsipe. Ilang katanungan ang iginawad ko sa kanya ngunit ang kanyang mga sagot ay malalim na ingles, dahilan upang hindi ko ito maintindihan.

Isa lamang ang siyang nasisiguro ko: balak niyang sanayin si Aokio habang ako naman ay nais niyang maging kanyang tagasunod na siyang laging nakabuntot sa kanya umaga at gabi.

Binigyan niya ako ng dalawang buwan upang makapagdesisyon.

Siya na mismo ang nagsabing ikaliligaya ko ang pagiging kanyang tagasunod. Mapagsisilbihan ako ng mga tagapagsilbi at mamumuhay na parang isang maharlika.

Kahit kailan ay hindi ko iyon minithi.

Sa loob ng dalawang buwan ay ipaparanas niya sa amin magkapatid ang marangyang pamumuhay na siyang kaakibat ng pagpirma ko sa kanyang kasunduan. Kung matatapos ang dalawang buwan na hindi ko ito napirmahan ay magiging isang normal na tagapagsilbi ako, bagay na hindi ko tinutulan.

Ikinumbinsi ko siyang wag gawin ito ngunit sa ikalawang pagkakataon ay ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at posisyon, mapasunod lamang ako.

Ito ang dahilan kung bakit narito kami ng aking kapatid ngayon sa isang malaking silid na kasing laki ng bahay ni Tiya Danet. Mayroon itong malaking paliguan, balkonahe, mga porselanang kagamitan at isang malaki at malambot na kama.

Napalingon ako kay Kio nang bumagsak ito sa kama. Naipikit niya ang kanyang mga mata habang dinadama ang lambot ng kanyang hinihigaan. Ang makitang ganito kasaya ang aking kapatid ay nagpapalambot ng aking puso. Siguro nga ay isang biyaya na makaalis sa puder ni Tiya Danet.

"Ang lambot Ate!" mahina pa itong tumatawa habang tumatalon talon sa higaan.

Tumango na lamang ako at hinayaan siya. Bawat paglipas ng segundo ay tila langit sa aking kapatid. Magiging ayos lang kaya sa kanya kapag nalaman niyang dalawang buwan lamang kaming ganito? Hindi pa buo ang aking desisyon ngunit mayroong malaking parte sa akin na nagsasabing tanggihan ang alok ng prinsipe.

Ilang minuto itong tumalon sa kama hanggang sa bumagsak ang aking kapatid sa malambot na unan. Kasabay non ay ang pagbukas din ng pintuan.

Agad akong napatayo at yumuko nang makita ang Hari. "K-Kamahalan."

Tipid lamang itong tumango.

"Nais sana kitang ipasyal, maari ba?" alok nito.

Nakaramdam ako ng hiya. Ito ang unang pagkakataon na makakatanggap ako ng alok galing sa isang hari. Kagat labi kong liningon si Kio ngunit mahimbing na pala itong nakatulog, marahil dala sa pagod.

"Naipasyal na si Kio kanina. Siguro ay nararapat lang din na mapasyal ka upang maging patas, hindi ba?"

Tumango na lamang ako. Halos maiyuko ko pa ang aking ulo habang naglalakad papalapit sa kanya. Inilahad niya ang kanyang braso sa akin, mainam ko itong tinanggap at nagsimula na kaming maglakad.

"Hindi mo raw pinirmahan ang kasulatan ni Deo?" panimula niya.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nakatingin lamang siya unahan ngunit nang maramdaman niyang nakatingala ako sa kanya ay lumingon siya sa akin. Agad kong inilihis ang aking paningin bago sumagot.

"Pinagiisipan ko pa ito Kamahalan."

Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. "Bakit? Maraming kababaihan sa Dinlas ang ninanais makatanggap ng alok na ito. Sa tingin ko'y ikaw ang kauna-unahang nagdalawang isip sa kasunduan ni Deo, tiyak na nagdamdam ang aking kapatid." aniya at napatawa.

Ngumiti lamang ako.

"Patawad Kamahalan ngunit sa tingin ko'y hindi ko kakayaning mabuhay ng matagal habang nilalasap ang mga pribilehiyo ng kasunduang iyon."

Hindi ko kailanman naisip na mabubuhay ako gamit ang kapangyarihan ng iba nang wala man lang trabahong nagagawa. Nais kong mabuhay sa salapi na siyang pinaghirapan ko at inalayan ko ng aking dugo at pawis.

Nagulat ako nang ngumiti sa akin ang Hari. "Nasa iyo ang desisyon, hindi naman namimilit ang aking kapatid."

Lumukso ang aking puso. Isang maliit na galaw lamang iyon ng Hari ngunit ramdam ko ang sinsiridad. Simula sa unang pagtapak namin rito ni Kio sa Dinlas ay ngayon lamang ulit kami nakatanggap ng ngiti na totoo. Ang mas nakakapagpasaya pa sa akin ay ang ideyang galing ito mismo sa kanilang Hari, hindi gaya ng kanilang Prinsipe na puro ngisi.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa lumiko kami sa isang pasilyo kung saan nakahilera ang mga pinto. Di gaya ng mga tipikal na pinto ng kanilang palasyo na gawa sa makapal na kahoy ay ginto ang mga pintong nakahilera sa pasilyong ito.

"Anong mayroon sa loob ng mga pintong ito?" tanong ko habang isa isa namin iyong linagpasan.

"Nariyan ang mga silid namin magkapatid at iilang silid ng mga konseho."

Umawang ang aking bibig. Kung ganoon ay may sariling konseho pala ang Dinlas gaya ng Saban.

"Palagi bang narito sa palasyo ang mga konseho?"

Umiling ito. "Kadalasan ay nasa Sentro sila upang pangunahan ang mga maliliit na pagpupulong."

Tumango na lamang ako. Unti unti ko ng nakikita ang kaibahan ng magkapatid, mula sa kanilang kilos at pag-uugali. Kung si Prinsipe Deo ay may pagka-pilyo at kung ano-ano ang pinagsasalita, si Haring Rhiel naman ay malambot kumilos at tipid sumagot sa mga katanungan.

Ganoon pa man ay kapwa nananalantay ang kanilang dugo sa isa't isa na siyang dahilan ng kanilang pagkakahawig. Iyon nga lang ay mas lumilitaw ang itsura ni Prinsipe Deo kaysa kay Haring Rhiel.

Bakit ko nga ba sila pinagkukumpara?

Huminto kami sa pintong nasa dulo ng pasilyo. Binuksan ito ni Haring Rhiel at iginiya ako papasok. Inaasahan kong isa itong silid tulugan ngunit nagkamali ako.

Bumungad sa akin ang isang malaking bulwagan. Puno ito ng mga obra gaya ng rebulto at imaheng nakaukit sa bato. Sa gitna ay may malaking pabilog na mesa. Mayroon nakapatong na mapa rito na siyang sinakop ang buong mesa.

Iginiya ako ni Haring Rhiel palapit dito.

"Nais kong malaman mo ang nakaraan ng aming reyalmo," inilahad niya sa akin ang isang puti at makapal na libro na walang paksa.

Tumango ako at yinakap ang libro nang magsimula siyang maglahad ng impormasyon habang may itinuturong mga lugar sa mapa.

"Bago sumakabilang buhay ang aming mga magulang ay sinugod ang Dinlas ng isa sa mga mayaman at makapangyarihang reyalmo mula sa kabilang emperyo. Kapwa kami paslit ni Deo noong panahong iyon at walang ibang ginawa kundi sumunod sa utos ng aming mga magulang."

Hinila ko ang malapit na upuan at umupo habang pinapakinggan ang kanyang kwento.

"Saglit lamang ang labanang iyon dahil kaagad tumulong ang natitirang apat na reyalmo ng Sonali. Madaling naipit ang kalaban dahil ang Dinlas ay nasa hilagang bahagi ng Sonali at napapalibutan ng mga reyalmo. Ngunit ang inaakala naming pagtatapos ay siya palang simula ng pangmalakihang digmaan." lumingon siya sa akin at diretsong tumingin sa aking mga mata. "Pamilyar kaba sa ikatlong pangmalakihang digmaan?"

Tipid akong tumango. Imposibleng hindi ko malalaman ang ikalawang pangmalakihang digmaan. Minsan ng naikwento sa akin ni Tiya Hagda na ang aking Ama ay isa sa mga sumabak sa labanan at sinundan siya ni Ina habang ako'y nasa kanyang sinapupunan pa lamang.

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo. Matagal na panahon na iyon at may posibilidad na gawa gawa lamang iyon ni Tiya.

"That was one of the greatest downfall of Liris Sonali. Kapwa Dinlas at Phalmine ang pinuntirya dahil ito ang pinakamaliit at pinakamayamang reyalmo sa buong Sonali. Karamihan sa mga nawasak na istruktura ay hindi parin naisa-ayos. Hanggang ngayon ay mahina parin ang ekonomiya ng Dinlas, taliwas sa Phalmine na siyang muling lumago at agad na nakabawi."

Kumirot ang aking dibdib. Siguro ay napakahirap ng pinagdaanan ng bawat mamayaman noong panahon ng digmaan. Malaki ang pasalamat ko at hindi pa ako isinilang noong panahong iyon.

Ngunit ang tanong ay bakit sumugod ang ibang emperyo?

"Nalaman ba ang intensyon ng mga mananakop, kamahalan?"

Bumuntong hininga ito.

"Tanging teorya lamang ang kanilang iniwan. Bawat reyalmo ng Sonali ay mayroong sariling teorya kung bakit sumiklab ang gulo. Ako mismo ay hari at marami ng nalalaman tungkol sa aking emperyo simula pagkabata ngunit katanungan parin sa akin kung bakit hindi magtugma ang teorya ng bawat reyalmo."

Kumunot ang aking noo at sumabog sa aking utak ang napakaraming katanungan.

"Maari ko po bang mabasa ang teorya ng bawat reyalmo?"

Itinuro niya ang libro. "Nakapaloob diyan teorya ng Dinlas. Pasensya na at nakatala sa ibang libro ang teorya ng ibang reyalmo."

Pinagmasdan ko ang puting libro. Wala sa sarili ko itong hinaplos. Nasisiguro kong ang librong ito ay nilikha ilang taon o dekada na ang nakalipas ngunit humahalimuyak parin ito at tila kakagawa lamang.

"Pansamantala kong ipapahiram sa iyo ang librong 'yan." aniya habang nakangiti at sumandal sa mesa habang nakatayo.

Lumiwanag ang aking mukha. Ngunit agad akong natigilan nang may mapagtanto.

"Pero Mahal na Hari, natatakot akong baka masira o mawala ko ang librong ito."

"Iyan ay isang replika lamang. Maraming kopya ang silid aklatan ng palasyo, wala kang dapat ipangamba. Maari ko na ring ibigay sa iyo ang librong iyan kung iyong gugustuhin."

Mas lalong nagliwanag ang aking mukha. Noon pa man ay pangarap ko ng magkaroon ng maraming libro at makabuo ng munting silid aklatan. Talagang sinasanay ko ang aking sarili na magbasa at magsulat.

Tumayo ako at yumuko. "Maraming salamat, Mahal na Hari! Ikinagagalak kong mapasakamay ang librong ito."

Tuwid na siyang tumayo at muli niyang inilahad ang kanyang braso sa akin.

"Karapatan mo iyan. Ikaw ay isa ng opisyal na mamamayan ng lupang aking pinamumunuan. Nakapaloob sa librong yan ang batas at nakaraan ng Dinlas. Isang karangalang mapasaya ang personal na tagasunod ng aking kapatid." sambit niya ngunit napalitan ang kanyang ngiti ng malisyosong ngisi.

Hindi ko inaasahang mayroon ding mapaglarong ugali ang hari ng Dinlas. Hindi na nakakapagtakang magkapatid sila ni Prinsipe Deo.

Ikinawit ko na ang aking braso sa kanya at nagsimula na kaming lumisan sa bulwagan.

"Ngunit hindi ko pa pinipirmahan ang kanyang kasulatan at hindi pa buo ang aking pasya mahal na hari. Maaring tuluyang magbago ang ihip ng hangin at tanggihan ko ang kanyang alok."

Mahina siyang napatawa. "Labis akong nagdududa riyan Akira. Kahit kailan ay hindi pa natanggihan ang alok ng aking kapatid."

Umiling iling na lamang ako. Ilang pasilyo at kwentuhan pa ang dinaanan namin. Habang marahang naglalakad ay sinisimulan ko na ring ikwento sa kanya ang aking buhay na siyang hiniling niya.

Kahit papaano ay napapanatag ang aking loob at unti-unti ko ng naitatak sa aking isipan na ligtas kami ng aking kapatid dito. Mula sa kanilang hari na ubod ng bait at sa kanilang prinsipe na mainit kaming sinalubong ay tila napakaimposible na magagamitan kami ng dahas sa aming pananatili rito.

Pati ang kanilang mga tagapagsilbi ay tila laging masaya at malapit sa kanilang Hari. Naikwento rin sa akin ni Haring Rhiel na siya'y pihikan sa babae. Bilang lamang sa daliri ang mga babaeng malapit sa kanya at hanggang ngayon ay wala pa siyang napipiling mapapangasawa.

Natigilan lamang ako nang makita ang malaking obra maestra sa aking harap. Ito ay nakadikit sa gitnang bahagi ng pader sa isang pasilyo, kung saan kami kasulukuyang nakatayo.

Ito ay isang imahe ng apat na tao. Isang lalaking may malaking pagkakahawig kay Prinsipe Deo at isang babaeng napakapamilyar. Mayroong dalawang binatilyo sa kanilang magkabilang gilid na kapwa rin nakaupo sa kani-kanilang trono.

Ang binatilyong anyo ni Prinsipe Deo at Haring Rhiel.

Ilang segundo ko itong pinagmasdan maigi hanggang sa kusang kumunot ang aking noo. Nang lumingon ako kay Haring Rhiel ay nakangisi na ito sa akin at tila natatawa sa aking reaksyon.

"B-Bakit..." itinuro ko ang obra. "Bakit mas bata ka kaysa kay Prinsipe Deo sa litratong iyan?"

Kung pagmamasdang maigi ay mas maliit at mas bata tignan si Haring Rhiel kumpara kay Prinsipe Deo na ubod na ng tikas at may ekspresyong tila nang aakit.

Tumawa si Haring Rhiel. "Akala ko ay hindi mo mapapansin,"

Nang tumigil na ito sa pagtawa ay ngumiti ito sa akin. "Ako ang bunso sa aming dalawa. Ibinigay lamang sa akin ni Deo ang trono dahil sa tingin niya ay mas karapat dapat akong umupo rito. Iyon din ang isa sa mga hiling ng aking Ina sa aming Ama dahil mas nakikita niya ang kinabukasan ng Dinlas sa akin, taliwas kay Deo na puro pambabae lamang ang inaatupag."

Halos malaglag ang aking panga sa nalaman. Hindi ko inaasahang mas matanda pa pala si Prinsipe Deo kaysa kay Haring Rhiel!

"P-Pwede pala iyon?"

Muling napatawa si Haring Rhiel dahil sa aking reaksyon. Ngayon ko lang napagtanto na mayroon pala itong maliit na biloy sa kanyang kaliwang pisngi.

Muli kong pinagmasdan ang obra. Tiyak na nakakagulat nga ang katotohanang mas naunang naipanganak si Prinsipe Deo kaysa kay Haring Rhiel.

Ngunit wala namang nakakatawa rito.

Napailing iling na lamang ang Hari. "Nakakatuwang pagmasdan ang iyong reaksyon Akira,"

Blangko lamang akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay humihinga ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

"Tayo na nga at ihahatid na kita pabalik sa iyong silid." aniya at muling inilihad ang kanyang braso sa akin habang may ngiti sa kanyang mukha.

Tumulak kami patungo sa aking silid. Ako na ang bumukas ng pinto at pumasok bago hinarap ang Hari.

"Salamat sa pasyal Mahal na Hari. Labis kong ikinatuwa ang oras na pinagsamahan natin."

Ngumiti ito sa akin. "Isang karangalan,"

Akala ko ay aalis na ito ngunit saglit itong napahinto na tila may nakalimutang bagay.

"Muntik ko ng makalimutan,"

Nagulat ako nang hawakan nito ang aking kamay at dinala sa kanyang mapupulang labi. "Rhiel Allisandre Taliesin. Labis ding nagagalak ang hari ng Dinlas, binibini."

Maingat niyang binaba ang aking kamay tuwid na tumayo. Hinawakan niya ang pinto at dahan dahang sinira habang may naaliw na ngiti sa kanyang labi.

Naiiling na lamang ako. Talagang nawili sa akin ang hari ng Dinlas sa hindi ko malamang dahilan. 

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Luring Virtues I   Chapter 10

PuwangNaimulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang pagdampi ng sinag ng araw sa aking balat. Bumungad sa akin ang obra ng kalikasan.Bahagyang basa ang mga dahon dahil sa lamig ng madaling araw kanina. May kalamigan ang hanging umaga at mayroong manipis na hamog na siyang bumabalot sa paligid.Na apula na ang apoy kaninang madaling araw. Hinanap ng aking mga mata ang prinsipeng aking pinagsisilbihan ngunit walang bakas ni Deo sa kapaligiran.Agad akong napatayo.Lumingon ako sa aking likuran upang tingnan ang mala-kwebang ugat ng puno at napahinga ako ng maluwag nang makitang naroon pa ang aming mga kagamitan.Tuluyan na akong bumangon at inayos ang aking tinulugan.Nauna akong nakatulog kay Deo kagabi dahilan kung bakit hindi ko alam kung saan ito nagpahinga. Linigpit ko na lamang ang ibang kagamitan naming nagkalat sa lupa.

Luring Virtues I   Chapter 9

Patutunguhan"Are you sure this trip is effective? What if di pumayag sa alok ang La Paza, Rhiel? They might betray us instead once they knew they're both titled creatures from Sonali." tugon ni Xeamon sabay turo sa aming dalawa ni Deo. Narito kami ngayon sa labas ng palasyo. Natipon ang magkakaibigan sa hindi ko malamang dahilan. Parang kahapon lamang ay kaliwa't kanan ang batuhan nila ng opinyon na nagdulot ng 'di pagkakaintindihan. Nasabi na ni Rhiel sa akin ang kanyang buong plano. Gusto ng hari na kami'y magtungo sa La Paza ─ isang lugar na siyang pagawaan ng mga armas at mga kagamitan na karaniwang ginagamit sa digmaan. Pabirong tumaas ang kilay ni Rhiel. "Are doubting me Magnus?"Ang kanyang katanungan ay mabilis na inilingan ni Xeamon. "Im just giving second thoughts with your plan.""Yeah. La Paza has trust issues with its customers

Luring Virtues I   Chapter 8

MisyonSa maliit na panahon kong pananatili rito sa palasyo ng mga Taliesin ay unti-unti nang nagbabago ang aking pananaw sa mga maharlika.Dito ko rin nadiskubrihan ang kaibahan at pagkakapareho ng mga normal na mamamayan at mga nilalang na mayroong mataas na antas sa lipunan.Hindi man mawala wala sa aking isipan ang mga huling salita ni Deo kahapon, nanaig parin sa aking isipan ang kwento ng buhay ni Harloise.Hindi kagaya ni Aokio, wala siyang kapatid na maaring tumulong sa kanya. Ngunit naroon si Eleanor at siya mismo at ang kanyang pamilya ay buong pusong tinanggap si Harloise.Bata pa lamang si Harloise para sapitin ito. Mula pagkapanganak ay isang misteryo na ang sumalubong sa kanya na siyang magiging puwang tungkol sa totoo niyang pagkatao.Ako mismo ay naaawa sa kanya. Hindi ko matanggal sa sistema ko iyon. Siguro dahil sa kadahilanang pati ako a

Luring Virtues I   Chapter 7

PagkakahawigKasalukuyan kong inaayos ang mga panibagong damit ni Aokio nang bigla kong maramdaman ang marahang paghawi ng aking buhok mula sa likuran."Ate, humahaba na yung buhok mo. Hindi na siya ganoon ka maalon kagaya ng dati." anito at sinumulang itirintas ang aking buhok.Pansin ko ngang mas tumutuwid ito sa paglipas ng panahon. Kailan ko nga ba ito huling ginupitan?"Gugulo lamang ang aking buhok kapag ipinagpatuloy mo iyan Kio," babala ko rito.Naging gawain na ng aking kapatid ang pag tirintas ng aking buhok sa tuwing napapansin niyang ito'y tumutuwid.Ngunit kakaiba nga lang sa mga panahong ito dahil mas tuwid ito kung ikukumpara sa mga nagdaang buwan.Ang kulay ng aking buhok hindi purong pula. Nahahaluan ito ng kaunting kahel at madalas na kumikintab kapag tinatamaan ng liwanag.Hindi pinansin ni Kio ang aking

Luring Virtues I   Chapter 6

Walang Katumbas "Eww,"Doon lamang ako natauhan.Buong lakas kong itinulak si Deo ngunit bahagya lamang itong napa-atras. Tinanggal na niya ang pagkakapulupot ng kanyang mga kamay sa aking bewang.Ngayon ay hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Bagama't ganoon ay ramdam ko ang kanyang pag-ngisi. Mabilis kong isinara ang pinto at halos maiyuko ko ang aking ulo nang balingan si Eleanor.Nakasuot ito ng panibagong bestida na may burdang rosas, doon ko napagtantong mahilig si Eleanor sa mga bulaklak."K-Kanina ka pa ba riyan?"Ngumiti lamang ito. "Hindi na bago kay Deo. Noon pa man ay mapusok na ang isang iyon."Bigla na lamang akong nakaramdam ng bigat na tila nakadagan sa akin.Kung ganoon ay hindi lamang ako ang nahalikan niya.Hindi ko mawari kung bakit halo-

Luring Virtues I   Chapter 5

DeoKagat labi akong nagtungo sa pasilyo kung nasaan nakahilera ang mga gintong pinto. Nasa aking gilid ang tagapagsilbi at taimtim ko lamang itong sinusundan sa paglalakad.Kanina lamang ay hiniling kong sana'y hindi niya ituloy o kalimutan na lamang ang kanyang plano sa akin ngayong gabi, ngunit mukhang hindi ko na ito maiiwasan.Masama ang kutob ko rito.Akala ko'y papasok kami sa isang gintong pinto ngunit kumunot ang aking noo nang lagpasan namin ito ng tagapagsilbi at lumiko sa ibang pasilyo."Akala ko'y sa silid ni Prinsipe Deo tayo magtutungo?"Bahagya pang nagulat ang tagapagsilbi sa biglaang tanong.Nang makabawi ay ngumiti ito bago nagsalita. "Aniya'y sa kanyang silid aklatan ka na lamang dadalhin. Mahigpit rin na ipinagbabawal ni Prinsipe Deo ang pagpapapasok ng mga kababaihan sa kanyang silid kung ito'y hindi niya personal na

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy