Download the book for free
Chapter 4
Author: erheoverdoseUtos
Wala akong ibang ginawa kundi magbasa ng libro buong maghapon. Ang librong ibinigay sa akin ni Haring Rhiel ay talagang nakatulong sa akin upang mas lumawak ang aking kaalaman, hindi lamang tungkol sa Dinlas kundi pati na rin sa ibang reyalmo at emperyo.
Ang Gallia Liris ay tahanan ng mga nilalang na mayroong mga abilidad na higit pa sa normal na tao: ang pakikipag-usap gamit ang sariling utak.
Binubuo ito ng limang naglalakihang emperyo: ang Liris Sonali, Liris Caliban, Liris Acanon, Liris Elysia at Liris Acheron.
Bawat emperyo ay binubuo ng tatlo o higit pang bilang na mga reyalmo. Ang Liris Sonali ay binubuo ng Saban, Apinone, Phalmine at Dinlas. Ang emperyong aking kinalakihan ay ang may pinakamalawak na sakop ng teritoryo. Pangalawa ang Apinone, na siyang sinundan naman ng Phalmine at pang huli ang Dinlas.
Karamihan rin sa mga nakatala sa librong ito ay mga batas at ang kanilang parusa. Hindi ko na masyadong naisa-ulo ang iba dahil sa tingin ko'y sapat na ang pagiging pamilyar sa ilan.
Naitiklop ko lamang ang aking libro nang lumapit sa akin si Aokio.
"Ate, kanina pa kumakalam ang aking tiyan."
Ngunit ilang oras pa lamang ang lumipas matapos kaming mananghalian dalawa.
Wala na akong nagawa nang hilahin na ako ni Aokio pababa. Tila naisa-utak na ng aking kapatid ang bawat pasikot sikot ng palasyo dahil agad kaming nakarating sa hapag.
Puno ito ng mga matatamis na pagkain, dahilan upang kumislap ang mga mata ng aking kapatid. Agad siyang umupo at sumubo ng pagkain. Nanatili lamang akong nakatayo sa kanyang gilid habang pinagmamasdan siyang kumain.
Tunog lamang ng kubyertos ang umaalingawngaw sa buong bulwagan ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang biglang nabasag ang bintana. Nagkalat ang bubog at sunod sunod na pumasok ang mga tagapagsilbi.
Agad na lumapit sa amin si Ginang Sara.
"Anong nangyari? Ayos lang ba kayo, hija?" kapwa niya sinuri ang itsura namin ni Aokio.
"Biglang may bumato sa binatana, hindi naman kami tinamaan."
Ang mataas na binatana'ng halos umabot sa kisame ay nabasag. Nasa dulo ito ng bulwagan at laking pasalamat ko na sa unahan nakaupo si Aokio.
Agad na nilinis ng mga tagapagsilbi ang mga bubog sa utos ni Ginang Sara. Nang magkumpulan sila roon ay wala sa sarili akong lumapit. Hawak ng isang tagapagsilbi ang isang maliit na bolang kulay puti. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang siyang tumama sa bintana.
Bumalik na ako sa pwesto ni Aokio na kasulukuyan ng nagpupunas ng bibig, bagay na ngayon niya lamang ginagawa.
"Ayaw ko ng kumain Ate. Baka magalit ulit yung babaeng bumasag ng bintana." inosente niyang sambit.
Kumunot ang aking noo. Hindi ko naman nasilayan ang babaeng nagpatama sa bintana kahit magkatabi kami ng pwesto ni Aokio.
"Nakita mo ang bumasag?" aniko na ikinatango niya.
"Nasaan na siya?" luminga linga ako sa paligid, nagbabakasakaling mahagilap ang babaeng tinutukoy niya.
"Agad siyang tumakbo Ate. 'Wag nalang natin pansinin iyon." aniya sabay higit sa akin palabas sa bulwagan.
Maghapon lamang kaming nanatili sa aming silid. Huling silay ko sa magkapatid ay kaninang tanghali. Utos lamang ng Prinsipe ang siyang hinihintay ko.
Takipsilim na nang napagdesisyunan kong bumaba. Nakabukas na ang liwanag ng palasyo at may iilang simbo na rin sa labas na siyang sumasayaw dahil sa ihip ng hangin.
Lahat ng mga tagapagsilbing aking nasasalubong ay abala sa kani-kanilang mga gawain. Sinubukan ko ring silipin ang mga bulwagang nilagpasan namin kanina ni Haring Rhiel. Mayroong iba't ibang klase, disenyo at laki ang bawat bulwagan na natitiyak kong para sa iba't ibang klase ng okasyon o seremonyas.
Dinala ako ng aking mga paa sa bukana ng pangunahing bulwagan. Umawang ang aking mga labi nang masilayan ko ang dalawang tronong nakapwesto sa gitna.
Wala sa sarili ko itong nilapitan. Pinaglakbay ko ang aking mga daliri sa bawat trono na siyang dahilan ng unti-unting pagsilay ng ngiti sa aking labi. Kahit kailan ay hindi ako nakatapak sa palasyo ng Saban, taliwas sa mga normal na mamayaman na laging naroon sa tuwing binubuksan sa publiko ang palasyo kada tatlumpung araw.
Binubuksan rin kaya ang palasyong ito sa publiko?
Ang okasyong ganoon ay isa sa mga tradisyon ng Saban. Ito ay ginaganap upang mapakinggan ang hinaing ng mga mamamayan at magawan ng solusyon ang kanilang problema. Isang gantimpala na sa akin ang mailabas ang aking saloobin sa prinsipe ng Saban ngunit tutol si Tiya Danet sa ideyang ito.
Nang makuntento na akong pagmasdan ang mga trono ay linakbay ko ang daan palabas ng palasyo. Naabutan ko ang kumpol ng mga tagapagsilbi hindi kalayuan sa bukana ng palasyo, agad akong lumapit upang tignan ang kanilang ginagawa.
Halos lahat ng narito ay kababaihan. Ang ilan sa kanila ay inilalabas ang mga sariwang bulaklak mula sa hugis parisukat na kahon habang ang iba naman ay masayang pinuputol ang mga tinik at dahon nito.
Bigla kong naalala ang mga simpleng gawain namin sa bahay ampunan noong mga panahong nabubuhay pa si Tiya Hagda. Siya'y mahilig maglagay ng mga bulaklak sa mga porselanang plorera at kami mismo ni Aokio ang uutusan niyang pumutol ng mga tinik at dahon.
Nakangiti kong nilapitan ang numumuno sa kanila. "Maari ba akong tumulong?"
Bahagya pa itong nagulat sa biglaang pagsulpot ng aking presensiya, kalaunan ay napangiti ito at tumango. "Kung iyong nanaisin binibini!"
Lumiwanag ang aking mukha. "Salamat!"
Binigyan niya ako ng maliit at patulis na bagay na siyang aking gagamitin upang alisin ang mga tinik.
"Dahan dahan lang binibini, matutulis ang tinik ng mga bulaklak ngayon." paalala ng tagapagsilbing na sa aking gilid.
"Sanay na ako,"
Napapasulyap sa akin ang ibang tagapagsilbi at malugod ko naman silang nginingitian. May posibilidad na sila ang aking magiging kaibigan pagdating ng panahon na ako'y magiging isang normal na tagapagsilbi na lamang.
Bumaling sa akin ang isang tagapagsilbi. "Naninibago ako. Ang iyong mga kamay ay tila sanay gumawa ng mga gawaing kagaya nito. Kadalasan sa mga nagiging personal na tagasunod ni Prinsipe Deo ay pihikan sa mga gawaing ganito at kung minsan pa ay masungit pagdating sa amin." matamis itong ngumiti. "Masaya ako't taliwas ka sa kanila."
Napakagat labi ako. Bakit parang ako ang pinakakaiba sa lahat ng mga naging personal na tagasunod ni Deo?
"Sa totoo lang ay hindi ko pa talaga pinipirmahan ang kanyang kasulatan. Maaring maging isang normal tagapagsilbi lamang ako ng palasyo." tipid akong ngumiti. "Siguro nga ay ayaw rin ng Prinsipe sa akin. Taliwas ako sa tipikal na kasarian ng mga binibining kanyang pinipili. Baka ay hindi niya magustuhan ang aking katangian."
Halos mapasinghap ang karamihan sa mga kababaihan at ang iilan ay napakunot noo.
"Seryoso?"
"Tatanggihan mo?"
"Magdadamdam ang prinsipe!"
Sunod sunod na rekasyon ang aking narinig. Ang ilan sa kanila ay nagtawanan nang marinig ang biro ng isang tagapagsilbi. Napapailing na lamang ako.
Siguro nga ay ayaw ako ng prinsipe kaya nabigyan niya ako ng dalawang buwan upang magdesisyon. Siguro ay nagdadalawang isip din siya kung ako'y nararapat nga ba bilang kanyang tagasunod. Hindi na nakakapagtaka, ang aking katangian ay taliwas at naiiba sa mga binibining kanyang napipili.
Marahang hinaplos ng isang ginang ang aking buhok. "Ngunit isa kang kawalan sa prinsipe, hija. Ang iyong kagandahan ay mas lamang kaysa sa kanyang mga naunang tagasunod. Bihira lamang ang mga babaeng may natural na ganda at hindi inaasa sa kolorete ang mukha."
"Oo nga hija. Kung ako ang prinsipe ay hindi na kita pakakawalan pa! Bukod sa iyong itsura ay mabait karin sa amin at bihasa gumawa ng mga bagay katulad nito. Tiyak na mapagsisilbihan mo ng maayos ang prinsipe."
Kasulukuyan ko ng tinatanggalan ng tinik ang isang rosas.
"Balita ko ay taga ibang reyalmo ka hija, tama ba ang rinig ko sa bali-balita?" tanong ng isang ginang na siyang nakakuha ng atensyon ng ibang tagapagsilbi.
Kapwa na silang lahat nakatingin sa akin, inaantay ang aking sagot.
Ngumiti ako. "Totoo po iyon. Kami ng aking kapatid ay ibinayad ng aming Tiya kay Prinsipe Deo dahil sa kanyang utang na ilang buwan ng hindi nababayaran. Tiyak na nagdadalawang isip rin ang prinsipe sa akin dahil hindi niya ako personal na pinili."
Napatango tango na lamang sila. Inilihis na sa ibang bagay ang aming usapan at taimtim lamang akong nakikinig sa kanila. Minsan ay sinasabayan ko ang kanilang biro. Nagpakilala rin ang ibang tagapagsilbi sa akin at nabanggit nilang nais nilang makipag lapit sa akin. Hindi ko naman tinutulan dahil iyon din ang siyang nais ko.
Ilang bulaklak na ang natanggalan ko ng tinik at dahon nang makarinig ako ng yabag ng kabayo. Sabay sabay kaming napalingon dito at tuwid akong napatayo nang makita si Deo na bumaba sa kanyang puting kabayo sa pinaka-eleganteng paraan.
"Oh look who we have here," sinalubong niya ako ng isang ngisi habang pinapagpagan ang kanyang mga braso.
"Anong sumanib sa iyo at tumulong ka sa kanila?" napataas ang kanyang isang kilay.
Rinig ko ang mahinang hagikhik ng iilang mga dalagita sa aking likuran.
Pinagtaasan ko rin siya ng kilay. "Hindi mo naman sinabing bawal."
Mahina siyang napatawa at umiling iling. Hinubad niya ang kanyang amerikana at ang tanging naiwan na lamang sa kanyang pang-itaas ay ang kanyang uniporme. Inilihad niya ito sa aking harapan.
"Anong gagawin ko rito?" takang tanong ko.
Muling tumaas ang isa niyang kilay. "Kunin mo."
Sinunod ko ang kanyang utos. Inilahad niya sa akin ang kanyang braso at nang tanggapin ko ito ay halos mapapikit na lamang ako nang magsi-tilian ang mga dalagita sa likuran.
"Ingatan mo iyan Akira! Hindi naglalahad ng braso ang Prinsipe sa kanyang mga tagsunod."
Taranta kong binalingan si Deo. Ngumisi lamang ito at umiling iling.
Nagsimula na kaming maglakad papasok sa palasyo.
"N-Nasaan kaba galing?"
Pilit kong buksan ang usapan sa gitna naming dalawa at pilit ko ring ipag-sawalang bahala ang aking narinig kanina lamang.
Inilihis ko ang aking paningin nang sumulyap siya sa akin. "Pinuntuhan ko ang mga konseho sa Sentro. Narinig kong ilang linggo na nilang hindi pinapansin ang aberya sa pamilihan."
"Aberya?"
Tumango ito.
"May pumipigil sa pagpapasok ng mga hilaw na sangkap mula sa ibang reyalmo."
Tumango na lamang ako. Siguro ay labas na ako sa problemang iyan.
Bigla na lamang huminto sa paglalakad si Deo. Nang sulyapan ko ito ay nag-alab ang kanyang kulay abong mata, hudyat na may kumakausap sa kanya sa kanyang isipan.
Nang bumalik ito sa normal ay bumaling siya sa akin. "Hinihintay tayo ni Rhiel sa hapag."
Kaagad naming tinungo ang pasilyo papunta sa hapag. Naabutan kong naroon na rin si Aokio. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagguhit ng kaunting aliw sa mukha ni Haring Rhiel nang dumako ang kanyang paningin sa braso kong nakakawit kay Deo.
Umupo kami malapit sa kanyang inuupuan. Magkatabi ang magkapatid. Magkaharap si Deo at Kio habang nakaupo naman sa gitna si Haring Rhiel.
Marahan kong inilapag sa kabilang upuan ang amerikana ni Deo.
"Kamusta ang konseho?" pormal na tanong ni Haring Rhiel kay Deo.
Umiling ito. "Slow. As always."
"Minsan ay naiisip ko kung may silbi ba talaga sila o wala." anito at mahinang napatawa. "Nga pala, makikisalo ulit sila."
Kumunot ang noo ni Deo. "Na naman? Pang ilang salo naba natin ito ngayong linggo?" napa-iling ito. "Nauubusan naba ng pagkain ang ibang reyalmo?"
Mahinang napatawa si Haring Rhiel. "Ngayon ka pa ba naninibago?"
Umihip ang malamig na hangin. Nang sulyapan ko ang pinanggalingan ay bumungad sa akin ang basag na bintana.
Kita ko kaagad ang pagsimangot ni Deo. "Kanina pa pala sila andito."
Umawang ang aking bibig para sana magtanong ngunit natigilan ako nang bumukas ang pintuan ng bulwagan. Nanigas ako sa aking kinauupuan nang makita ang sunod sunod na pagpasok ng mga maharlika.
Nang makita ko ang prinsipe ng reyalmong aking kinalakihan ay doon ko napagtantong sila ang mga dugong bughaw mula sa natitirang reyalmo. Apat na makikisig na prinsipe ang pumasok. Ang isa sa kanila na mayroong puting buhok ay natitiyak kong pinakabata sa kanila.
Kaswal silang umupo sa hapag. Ang isa ay agad na nakatangay ng kopita na may lamang mamahaling alak.
Nakangiting sumulyap ang isa kay Haring Rhiel. "Asan na ang bago mong tagasunod?"
Umiling ang hari at tipid na tinuro si Deo na nakaangat na naman ang dalawang kilay. "It was his. You know I never liked personal servants Magnus."
Mahinang itong napatawa at bumaling sa akin. "I suppose its you?"
Wala sa sarili na lamang akong tumango.
Dahil sa ginawa niyang iyon ay agad niyang nakuha ang atensyon ng tatlo pang kalalakihan. Nakaramdam ako ng ilang nang isa isa nila akong tinitigan.
"Wow. Ngayon ay mga babaeng may pulang buhok na pala ang tipo mo Damiene." ani nung isa at kumindat sa akin.
Matalim siyang sinulyapan ni Deo. "Shut up."
Ngumiti sa akin ang lalaking may puting buhok. "Ano ang iyong ngalan?"
Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ni Deo.
"Akira,"
Hindi napawi ang ngiti sa kanyang labi. "Nagagalak akong makilala ka Akira." tumayo ito at lumapit sa akin upang maglahad ng kamay.
Nang ibigay ko ito sa kanya ay dinala niya ang aking kamay sa kanyang labi. "Karson Emmanuel Larklaurent."
Tumango ako at sinuklian din siya ng ngiti.
Sunod na kumuha ng aking mga kamay ay ang lalaking nasa aking tabi.
"Xeamon Magnus Semiramis, binibini. Maari kitang ipasyal sa Apinone kung iyong nanaisin."
Nginitian ko rin siya. "Isang karangalan."
Sunod na lumapit sa akin ang lalaking may tangay na kopita. "Edvis Kiellion Larklaurent, Hari ng Phalmine."
Halos malaglag ang aking panga nang banggitin niya ang salitang Hari. Hindi na natanggal ang galak sa aking puso.
"Nagagalak akong makilala ka Haring Keillion!"
Gumuhit sa kanyang mukha ang pagka-aliw. "Sounds good."
Nang makabalik ito sa kanyang pwesto ay wala sa sarili akong napalingon sa pwesto ni Haring Rhiel. Isang kalabisan na para sa akin ang makasama ang dalawang hari sa iisang hapag.
Ngunit kumunot lamang ang aking noo nang makitang kagat labi itong nagpipigil ng tawa habang sinusulyapan ang kanyang nakatatandang kapatid. Nang lingonin ko si Deo ay madilim na ang ekspresyon nito habang nakatingin sa prinsipe ng Saban.
Nang magtugma ang aming paningin ay ngumiti ito sa akin. "Yoswen Amias Croughwell binibini. Ikinagagalak kong makilala ka." dumapo ang kanyang tingin kay Deo at napalunok. "Hindi ko na nanaisin pang halikan ang iyong mga kamay."
Hindi na napigilan ni Haring Rhiel ang kanyang sarili. Pati ang natitirang prinsipe ay napahalakhak din habang napangisi na lamang ang hari ng Phalmine habang umiinom sa kanyang kopita.
"Mabuti at alam mo." malamig na tugon ni Deo.
Napalingon ako sa kanya ng maramdaman ang kanyang kamay sa aking bewang. Pinagtaasan niya lamang ako ng kilay kaya pinagtaasan ko rin siya pabalik.
"What?" inis na tanong ni Amias. "Alam niyo namang bawal akong humawak ng mga babae..."
"Oh right. Your princess is still inside that jar. You have to preserve yourself." ani Magnus nang kumalma sa pagtawa.
"Hindi paba talaga nabubuksan ang garapon?" tanong ni Karson na ikina-iling ni Amias.
"I still can't find the relics Karson. Malabo ang mga iniwang bugtong nina Ama at Ina."
Napatahimik sila. Wala na akong maintindihan sa kanilang pinag-uusapan. Doon ay napagtanto kong talagang malapit ang mga ito sa isa't isa. Alam nila ang problema at hinaing ng bawat isa na siyang palatandaan ng malalim na pagkakaibigan.
Nawasak lamang ang katahimikan nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang babaeng mas bata ng ilang taon sa akin. May hawak siyang kahoy na tila pamalo. Nakaramdam ako ng panliliit sa sarili nang masilayan ang kanyang pigura.
Napapalibutan na ako ng mga magagandang nilalang.
Kaswal itong umupo sa tabi ng Hari ng Phalmine at kumunot ang kanyang noo nang makita ako.
"Siya ba ang bagong tagasunod mo Deo?" takang tanong nito.
Hindi na niya inantay ang sagot ni Deo dahil matamis itong ngumiti sa akin at nagpakilala. "Eleanor Clovenille Larklaurent."
Inilihad nito ang kanyang kamay sa akin na malugod kong tinanggap.
"Akira Isidore Alcastor."
Naikagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. "We should go out sometimes!" bumaling siya tabi ni Haring Rhiel. "At sino naman ito?"
Kamuntikan ko ng makalimutan na narito rin pala sa hapag ang aking kapatid. Ako na ang sumagot.
"Aokio Lewis. Kapatid ko."
Tumango tango naman ito.
"Cute." puri nito at ngumiti.
Naagaw ang kanyang atensyon nang magsalita si Karson. "Venille, why you are here?"
"I played baseball with Harloise, why?" kaswal na sagot nito na ikinasimangot ng kanyang kapatid.
"Tss. Nambasag naman ng bintana." rinig kong bulong ni Magnus sa aking tabi.
Doon ko napagtantong siya ang sinasabi ni Kio'ng nagalit at nambasag ng bintana kaninang hapon.
Kalagitnaan ng pagkain nang maramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Deo sa aking bewang. Isang kamay lamang ang gamit niya sa pagkain dahil tila lintang nakadikit sa aking bewang ang isa niyang braso. Hindi ko na napigilan ang pagsulyap sa kanya.
"Oh?"
Lumingon ito sa akin at linapit ang kanyang bibig sa aking tenga.
"Later."
Tumindig ang aking balahibo. Hindi nakatakas sa aking paningin ang kanyang pagngisi na tila nasisiyahan sa aking reaksyon.
Natapos ang hapunan na puno ng tawanan at kwentuhan. Hindi na ako nakisali pa at wala rin naman akong nalalaman sa kanilang usapan. Nanatili si Prinsipe Karson at Prinsesa Eleanor sa palasyo habang nagsi-uwian naman sa kanya-kanyang reyalmo ang ibang panauhin.
Kasalukuyan akong nakababad sa paliguan habang umiikot sa aking isipan ang bulong ni Deo sa akin. Hanggang sa pagpapatuyo ko ay iyon ang laman ng aking isip.
Kakatulog pa lamang ni Aokio sa kama nang may kumatok sa pintuan. Nang buksan ko ito ay bumangad sa akin ang isang tagapagsilbi.
"Magandang gabi Akira, pinapatawag ka ni Prinsipe Deo sa kanyang silid."
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Luring Virtues I Chapter 10
PuwangNaimulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang pagdampi ng sinag ng araw sa aking balat. Bumungad sa akin ang obra ng kalikasan.Bahagyang basa ang mga dahon dahil sa lamig ng madaling araw kanina. May kalamigan ang hanging umaga at mayroong manipis na hamog na siyang bumabalot sa paligid.Na apula na ang apoy kaninang madaling araw. Hinanap ng aking mga mata ang prinsipeng aking pinagsisilbihan ngunit walang bakas ni Deo sa kapaligiran.Agad akong napatayo.Lumingon ako sa aking likuran upang tingnan ang mala-kwebang ugat ng puno at napahinga ako ng maluwag nang makitang naroon pa ang aming mga kagamitan.Tuluyan na akong bumangon at inayos ang aking tinulugan.Nauna akong nakatulog kay Deo kagabi dahilan kung bakit hindi ko alam kung saan ito nagpahinga. Linigpit ko na lamang ang ibang kagamitan naming nagkalat sa lupa.
Luring Virtues I Chapter 9
Patutunguhan"Are you sure this trip is effective? What if di pumayag sa alok ang La Paza, Rhiel? They might betray us instead once they knew they're both titled creatures from Sonali." tugon ni Xeamon sabay turo sa aming dalawa ni Deo. Narito kami ngayon sa labas ng palasyo. Natipon ang magkakaibigan sa hindi ko malamang dahilan. Parang kahapon lamang ay kaliwa't kanan ang batuhan nila ng opinyon na nagdulot ng 'di pagkakaintindihan. Nasabi na ni Rhiel sa akin ang kanyang buong plano. Gusto ng hari na kami'y magtungo sa La Paza ─ isang lugar na siyang pagawaan ng mga armas at mga kagamitan na karaniwang ginagamit sa digmaan. Pabirong tumaas ang kilay ni Rhiel. "Are doubting me Magnus?"Ang kanyang katanungan ay mabilis na inilingan ni Xeamon. "Im just giving second thoughts with your plan.""Yeah. La Paza has trust issues with its customers
Luring Virtues I Chapter 8
MisyonSa maliit na panahon kong pananatili rito sa palasyo ng mga Taliesin ay unti-unti nang nagbabago ang aking pananaw sa mga maharlika.Dito ko rin nadiskubrihan ang kaibahan at pagkakapareho ng mga normal na mamamayan at mga nilalang na mayroong mataas na antas sa lipunan.Hindi man mawala wala sa aking isipan ang mga huling salita ni Deo kahapon, nanaig parin sa aking isipan ang kwento ng buhay ni Harloise.Hindi kagaya ni Aokio, wala siyang kapatid na maaring tumulong sa kanya. Ngunit naroon si Eleanor at siya mismo at ang kanyang pamilya ay buong pusong tinanggap si Harloise.Bata pa lamang si Harloise para sapitin ito. Mula pagkapanganak ay isang misteryo na ang sumalubong sa kanya na siyang magiging puwang tungkol sa totoo niyang pagkatao.Ako mismo ay naaawa sa kanya. Hindi ko matanggal sa sistema ko iyon. Siguro dahil sa kadahilanang pati ako a
Luring Virtues I Chapter 7
PagkakahawigKasalukuyan kong inaayos ang mga panibagong damit ni Aokio nang bigla kong maramdaman ang marahang paghawi ng aking buhok mula sa likuran."Ate, humahaba na yung buhok mo. Hindi na siya ganoon ka maalon kagaya ng dati." anito at sinumulang itirintas ang aking buhok.Pansin ko ngang mas tumutuwid ito sa paglipas ng panahon. Kailan ko nga ba ito huling ginupitan?"Gugulo lamang ang aking buhok kapag ipinagpatuloy mo iyan Kio," babala ko rito.Naging gawain na ng aking kapatid ang pag tirintas ng aking buhok sa tuwing napapansin niyang ito'y tumutuwid.Ngunit kakaiba nga lang sa mga panahong ito dahil mas tuwid ito kung ikukumpara sa mga nagdaang buwan.Ang kulay ng aking buhok hindi purong pula. Nahahaluan ito ng kaunting kahel at madalas na kumikintab kapag tinatamaan ng liwanag.Hindi pinansin ni Kio ang aking
Luring Virtues I Chapter 6
Walang Katumbas "Eww,"Doon lamang ako natauhan.Buong lakas kong itinulak si Deo ngunit bahagya lamang itong napa-atras. Tinanggal na niya ang pagkakapulupot ng kanyang mga kamay sa aking bewang.Ngayon ay hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Bagama't ganoon ay ramdam ko ang kanyang pag-ngisi. Mabilis kong isinara ang pinto at halos maiyuko ko ang aking ulo nang balingan si Eleanor.Nakasuot ito ng panibagong bestida na may burdang rosas, doon ko napagtantong mahilig si Eleanor sa mga bulaklak."K-Kanina ka pa ba riyan?"Ngumiti lamang ito. "Hindi na bago kay Deo. Noon pa man ay mapusok na ang isang iyon."Bigla na lamang akong nakaramdam ng bigat na tila nakadagan sa akin.Kung ganoon ay hindi lamang ako ang nahalikan niya.Hindi ko mawari kung bakit halo-
Luring Virtues I Chapter 5
DeoKagat labi akong nagtungo sa pasilyo kung nasaan nakahilera ang mga gintong pinto. Nasa aking gilid ang tagapagsilbi at taimtim ko lamang itong sinusundan sa paglalakad.Kanina lamang ay hiniling kong sana'y hindi niya ituloy o kalimutan na lamang ang kanyang plano sa akin ngayong gabi, ngunit mukhang hindi ko na ito maiiwasan.Masama ang kutob ko rito.Akala ko'y papasok kami sa isang gintong pinto ngunit kumunot ang aking noo nang lagpasan namin ito ng tagapagsilbi at lumiko sa ibang pasilyo."Akala ko'y sa silid ni Prinsipe Deo tayo magtutungo?"Bahagya pang nagulat ang tagapagsilbi sa biglaang tanong.Nang makabawi ay ngumiti ito bago nagsalita. "Aniya'y sa kanyang silid aklatan ka na lamang dadalhin. Mahigpit rin na ipinagbabawal ni Prinsipe Deo ang pagpapapasok ng mga kababaihan sa kanyang silid kung ito'y hindi niya personal na
