Download the book for free
Chapter 2
Author: erheoverdoseKasunduan
"Maligayang pagdating,"
Halimuyak ng preskong bulaklak ang bumalot sa aking pang-amoy. Boses niya lamang ang umalingawngaw sa buong kapaligiran ngunit tila may gumalaw na sa aking tiyan. Tila may halong lambing ang kanyang mga salita ngunit mayroong emosyong mas nanaig na hindi ko mawari.
Wala akong ibang nararamdaman kundi kaba. Amoy at boses pa lamang iyon ngunit natitiyak kong ang lalakeng nasa aking harapan ang prinsipeng aking pagsisilbihan.
Sinagot siya ng katahimikan.
Akala ko ay magagalit siya ngunit rinig ko kaagad ang mahina niyang pagtawa.
"'Wag kayong matakot, hindi ako umaatake sa mga panauhin." aniya
Nakatitig lamang ako sa kanyang sapatos. Tiningala siya ni Aokio at ilang segundong tinitigan bago muling yumuko.
Muli ko na namang narinig ang kanyang mahinang pagtawa dahil sa ginawa ng aking kapatid.
Bigla niyang hinawakan ang aking baba upang magtama ang aming mga mata. Ipipikit ko sana ang aking mga mata o ilihis ito sa ibang direksyon ngunit nang masilayan ko ang kanyang mukha ay tila nahipnotismo na lamang ako.
Unang kumuha ng aking pansin ay ang kanyang maliit na nunal sa tuktok ng kanyang matangos na ilong, ang kanyang itim na buhok at ang kanyang mapupulang labi na bahagyang naka-awang.
Wala siyang suot na korona ngunit mayroong maliliit na gintong pabilog na siyang nakaburda sa kanyang kasuotan, isang palatandaan ng mga dugong bughaw.
Halos maipikit ko ang aking mga mata nang dahan dahan niyang inilagay ang kanyang daliri sa aking labi. Ang kanyang haplos ay nakakahalina. Tila bulak na maingat na dumausdos sa aking balat.
Tila may sariling buhay ang aking kamay, unti-unti itong tumataas na tila inaabot ang mukha ng prinsipeng nasa aking harapan. Walang kapintas pintas ang kanyang mukha, tila perpektong─ bigla akong napasinghap at napaatras nang mapagtanto ang aking ginawa.
Kailan ako natutong pumuri ng mga dugong bughaw?!
Pati si Aokio ay napaatras rin. Napakagat labi ako at inilihis ang tingin sa prinsipeng ngayon ay nakasuot ng seryosong ekspresyon.
"P-Paumanhin sa aking inasa─" agad niya akong pinutol.
"Birhen..."
Kumunot ang kanyang noo.
"Bakit birhen ang ipinadala ni Danet?" dismayado niyang bulong na siyang rinig ko.
Nanatiling tahimik ang paligid. Muli niya kaming sinulyapan at lumambot ang kanyang ekspresyon nang makita si Aokio. Lumampit siya sa gawi namin at yumuko upang suriin si Aokio.
Ngumiti siya. "Kio ang iyong ngalan hindi ba?"
Nanatiling tahimik si Aokio kaya ako na ang sumagot. "P-Paano mo nalaman?"
Tumayo siya ng tuwid at tipid na tinuro ang kahoy na kwintas ni Aokio, roon ay naka-ukit ang kanyang pangalan. Tumango na lamang ako.
Muli siyang bumaling sa akin.
"Sumama kayo sa akin." agad niya kaming tinalikuran at naglakad papasok sa palasyo.
Sumunod kami ni Aokio sa kanya. Halos malula ako dahil sa ganda ng palasyo. Marmol ang sahig, ang mga kagamitan ay gawa sa porselana at may nakaukit na ginto. Mayroon ding mga kandila at simbo na siyang nagsisilbing liwanag bukod sa liwanag na nangagaling sa labas. Ang bawat babaeng tagapagsilbi ay nakaputi at nakasuot ng saya. May roon ding mga imaheng nakaukit sa kisame na may bahid din ng ginto.
Ang istruktura ng buong paligid ay nakapagpangiti sa akin. Dumiretso ang prinsipe sa magarbong hagdanan. Kumapit ng mabuti sa akin si Kio dahil sa takot na mahulog. Nang maka apak kami sa ikalawang palapag ay humiwalay na sa amin ang mga tagapagsilbi.
Dumaan kami sa isang pasilyo kung saan makikita mo ang mga nagtatayugang puno sa labas. Umihip rin ang hangin dahilan kung bakit sumayaw ang aking pulang buhok.
"Nasaang reyalmo kami?" tanong ko nang magpantay kami ng lakad ng prinsipe.
Nagulat ako nang ngumisi ito sa akin. "Hindi ba nasabi sa iyo ni Danet?" tanong niya na ikina-iling ko. "Kung ganoon ay narito kayo sa Dinlas."
Nakagat ko ang aking pang ibabang labi. May kalayuan pala ang nilakbay namin.
Muli ko siyang pinantayan. "K-Kailan ba kami magsisimula sa pagsililbi?"
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin kami ni Kio. Laking dismaya ko nang ngumisi lamang ito sa akin at binuksan ang pintuan sa kanyang likuran.
"Mamaya na natin pag-usapan iyan. Ayusin niyo muna ang iyong itsura. May mga tagapagsilbi na sa loob, sila na ang bahala sa inyo. Magkita nalang tayo sa hapag kainan," muli niyang hinawakan ang aking baba at ngumisi. "Sabay tayo mag aagahan."
Tumalikod na siya at naglakad papalayo. Nakasunod lamang ang aking mga mata sa kanya hanggang mawala siya sa aking paningin. Nang tuluyan na siyang naglaho ay saka ko lamang hinigit si Kio papasok.
Sinalubong ako ng isang maliit na babae. May katandaan na ito ngunit nanatili parin ang kanyang pambatang kutis.
"Maligayang pagdating," ngumiti ito sa akin. "Naihanda na namin ang inyong mga kasuotan. Inihabilin rin ng mahal na Prinsipe na 'wag kayong pagsabayin sa isang paliguan."
Napasulyap ako kay Kio na nakatingala pala sa akin. "Ayos lang ba sa iyong sa ibang paliguan ka?"
"Opo. Mabait naman siguro sila Ate."
Ginulo ko ang kanyang buhok at binalingan ang babae. "Para saan ba ito? Hindi naman namin kailangan ng mag aasikaso sa amin."
Umiling lamang ito ngunit nanatili sa kanyang labi ang ngiti. "Utos po ng mahal na Prinsipe."
Mukhang wala na akong magagawa.
Kinuha na ng isa pang tagapagsilbi si Kio. Ipinasok naman ako ng ginang sa isang silid kung saan may paliguan. Puno ito ng tubig at may mga bulaklak pang nakalutang doon.
Nakaramdam ako ng hiya. Talaga bang pinahanda ito ng prinsipe para sa akin? Hindi naman kami isang importanteng panauhin. Tanging pagsisilbi gaya ng isang normal na tagasunod ang siyang tungkulin namin dito. Ito ay isang kalabisan na.
Nang maiwan mag-isa sa loob ng paliguan ay hinubad ko na ang aking kasuotan at nagdalawang isip kung ibababad ko ba ang aking katawan sa paliguan. Sa huli ay natagpuan ko ang aking sariling nakapikit habang dinadama ang lamig ng tubig na bumabalot sa aking katawan.
Ngayon ay alam ko na kung bakit gustong gusto ito ng mga maharlika. Talaga palang nakakapagpakalma ito.
Tanging tunog lang ng tubig ang siyang naririnig ko. Ngunit lumipas ang ilang minuto ay kumunot ang noo ko nang makaramdam ng hangin sa aking tenga, tila inihipan ito.
Napadilat ako at dumako ang paningin ko sa bintana. Mahigpit itong nakasirado.
Ipinikit ko nalang muli ang aking mga mata at pilit na ipinagsawalang bahala iyon.
"Hindi ko alam na ganito pala katagal bumabad sa paliguan ang mga birhen." ani pamilyar na boses.
Bigla akong napadilat. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ngunit walang bakas ng tao.
"N-Nasaan ka?!"
Bastos.
Nakarinig ako ng pamilyar na halakhak. Mas lalo kong inilublob sa tubig ang aking katawan sa takot na baka makita ng prinsipe ang aking kahubaran.
"Sinisilipan mo ba ako?" mahinahon ngunit may diin kong sambit.
Muli siyang tumawa. "Hindi. Hindi ako interesado sa mga birhen."
Sumimangot ako. Bakit napaka walang kwenta sumagot ng prinsipeng aking pagsisilbihan?
"Mabuti naman kung ganoon." sarkastiko pa akong ngumisi kahit wala siya sa paligid.
Ang aking pagsagot ang naging dahilan ng kanyang pagtahimik. Bigla akong kinabahan.
Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Be fast, narito na ang iyong kapatid."
Nasa hapag kainan na nila si Aokio?
Bago ko makumpirma ang aking tanong ay nagpaalam na ang prinsipe. Doon ko napagtantong kinausap niya ako sa aking isipan.
Ilang segundo muna akong napatulala hanggang sa naisipan kong magpatuyo. Pagkalabas ko ay sinalubong muli ako ng babae at may inilahad siyang puting bestida sa aking harapan. May ginto itong laso sa dibdib at hanggang siko ang haba.
Kinuha ko iyon at muling pumasok sa paliguan upang makapagbihis. Mayroon itong salamin kaya saglit kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili. Mukha na akong disente. Ngunit magarbo ang bestida at hindi gaya noong uniporme ng mga tagapagsilbi, bagay na mas lalong nagpataka sa akin.
Nang lumabas ako ay sinamahan na ako ng babae pababa sa kanilang hapag kainan. Tahimik lamang kami habang naglalakad ngunit ako ay taimtim na kinakabisado ang bawat pasikot sikot ng palasyo.
Kapwa nakadaop ang aking mga kamay sa likuran habang pinagmamasdan ang mga obra maestra sa mga pader. Unang kumuha ng aking atensyon ang isang imahe ng babae na may kulay lilang bestida. May hawak itong bulaklak habang naka upo sa berdeng damo.
Sunod ay ang lalaking may korona sa kanyang ulo. Agad kong nakumpirma na ito ang lalaking sumilip sakin mula sa veranda ng palasyo kanina. Agad mong mapapansin ang pagkakahawig nila ng prinsipeng aking pagsisilbihan.
Ang ikatlo ay talagang nakapagpatigil sa akin. Isang imahe ng binatang bersyon ng prinsipeng sumalubong sa akin. Ang kanyang kulay abong mga mata ay nakatingin sa malayo habang siya'y nakasandal sa isang bato. Nakapaligid sa kanya ang umaasul na tubig. Basa ang kanyang buhok at mukha, pati rin ang kanyang puting kasuotan na bahagyang nakabukas, dahilan para sumilip ang kanyang dibdib.
Ramdam kong tumabi sa akin ang ginang.
"Bata palang si Prinsipe Deo ay lumilitaw na ang kanyang dugong Taliesin," panimula niya kaya napatingin ako sa kanya. "Kaiba siya sa kanyang kapatid na kapwa namana ang itsura ng kanilang ama at ina. Talagang nakakagaw ng pansin ang itsura ng prinsipeng iyon." aniya at mahinang natawa.
Agad akong kinain ng mga katanungan. "Ang kanyang kapatid po ba ang hari ng Dinlas?"
Ang katanungan kong iyon ay nagpasulyap sa kanya sa akin. Saglit na napakunot ang kanyang noo. "Hindi kaba taga rito, hija?"
Umiling ako at nahihiyang ngumiti. "Kapwa kami lumaki ng aking kapatid sa Saban."
Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Malayo pala ang linakbay niyo. Hindi na nakakapagtakang naka huli na naman ng babae si Prinsipe Deo mula sa kabilang reyalmo."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Palagi po ba siyang nagdadala ng babae rito?"
"Oo hija, taliwas kay Haring Rhiel na pihikan at tila takot sa babae." muli siyang napatawa kaya napatawa rin ako.
"Nasaan po ba ang kanilang mga magulang?"
Pansin kong saglit na natigilan ang ginang sa aking katanungan. Babawiin ko sana iyon ngunit naunahan niya ako.
Malungkot siyang ngumiti. "Kapwa nahulog sa tulay ang hari at reyna nang minsan silang naglakbay... Sa kasamaang palad ay hindi natagpuan ang kanilang mga labi dahil sa lalim ng tulay na tila walang hanggang kadiliman."
Napatahimik ako. Kaya pala masyado pang bata si Haring Rhiel para maging hari, maaga pala silang nawalan ng mga magulang.
"Lubos na nanghina ang magkapatid. Mabuti nalang at kaagad na inangkin ni Rhiel ang trono at pinamunuan ang buong Dinlas." patuloy niya. "Ang buong reyalmo ay nagdamdam din. Pati ang mga kaibigan ng Hari at Reyna na kasama sa paglalakbay na iyon ay kinain ng kalungkutan. Tila nawalan ng kulay ang Dinlas at ibang reyalmo dahil doon..."
Ngunit bakit hindi umabot sa Saban ang balitang ito? Kung kasali ang hari at reyna ng ibang reyalmo ay isa itong malaking usap-usapan.
Kung sabagay ay hindi ko naman masyadong pinagbibigyan ng pansin ang mga dugong bughaw noon.
Kahit nakakalayo na ay itinuro parin ng ginang ang obra ng babaeng may lilang damit. "Iyon si Reyna Celeste. Ang obrang iyon ay gawa noong panahon ng kanyang kabataan. Saksi ako ng pagkakagawa niyan."
Namamangha kong binalingan ang ginang. "Talaga po? Kung ganoon ay matagal na pala kayong nagsisilbi rito."
Nakangiti siyang tumango. "Oo,"
Huminto na siya at itinuro ang isang bukana ng bulwagan. "Pumasok kalang doon, hija. Naroon na ang iyong bunso at ang magkapatid."
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Salamat po,"
Akala ko ay tatalikuran na niya ako ngunit inilagay niya sa kanyang bibig ang kanyang hintuturo. "Huwag mong sabihin kay Prinsipe Deo ang pinagusapan natin, baka lumaki lamang ang ulo ng prinsipeng iyon." aniya at mahinang humagikhik.
Hindi ba at malaki na ang ulo ng prinsipeng iyon?
"Sinong lalaki ang ulo?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita ito sa aking likuran. Napakurap kurap ako at kalaunan ay umiling.
"W-Wala, kamahalan." binalingan ko ang ginang. "Sige po, salamat po ulit ginang..."
Matamis itong ngumiti sa akin. "Ginang Sara."
"Ginang Sara." ulit ko at kumaway bago hinarap ang prinsipeng nakataas ang kilay.
"Kanina pa kita hinihintay."
Halos mapasinghap ako nang marahan niyang hinigit ang aking kamay at iginiya ako papasok. Bigla akong nakaramdam ng ilang. Hindi ako sanay na mahawakan ng mga kalalakihan, lalo na ng mga dugong bughaw.
Naabutan kong kumakain ng prutas si Kio habang sumisimsim naman sa kanyang kopita si Haring Rhiel. Ang hapag ay maaring upuan ng bente ka tao. Sagana ito ng mga pagkaing tanging may mataas na antas lamang sa lipunan ang nakakabili. May iilan ding tagapagsilbi na nakatayo hindi kalayuan sa mesa.
Iginiya ako ng prinsipe sa isang upuan. Akmang tatayo na sana ako para lumipat ng pwesto at tabihan si Kio ngunit hinawakan niya ang magkabila kong balikat.
"Dito ka lang." aniya at umupo sa tabing silya.
Napahinto sa pagkain si Kio at tumitig sa akin. Ganoon rin si Haring Rhiel habang pinupunasan ang kanyang mga labi. Naputol lamang iyon nang tumikhim si Prinsipe Deo.
"How's my pick Rhiel?"
Pinagtaasan siya ng kilay ni Haring Rhiel.
"Not bad." anito na mahinang ikinatawa ni Prinsipe Deo. "You must not get too fond with personal servants Damiene, nakakarami kana."
Ngayon ay si Prinsipe Deo na ang nakataas ng kilay. "They don't last too lang brother."
Tahimik akong nagulat. Kaunti lamang ang siyang nalalaman ko sa ingles ngunit sigurado akong tama ang aking pagkakaintindi.
Ngayon ay talagang buo na sa aking isipan ang katanungang bumabagabag sa akin.
Ano ba talaga ang tungkuling nag-aantay sa amin ni Kio?
Tiyak na hindi ko magugustuhan ang trabahong ihahandog sa akin kung ito ay ang pagsisilbi sa isang dugong bughaw araw at gabi.
Kalabisan na ang paliguang iginawad sa amin. Kalabisan na ang pagkain ng agahan sa iisang mesa kasama ang hari at prinsipe ng isang reyalmo. At ang pinakamalaking kalabisan sa lahat, ang hawakan sa kamay ng isang dugong bughaw.
Pagak akong natawa sa aking utak. Bakit ngayon ko lang napagtanto ang mga bagay na ito?
Humigpit ang kapit ko sa aking kubyertos nang bigla akong pinagsandok ng isang tagapagsilbi sa utos ni Prinsipe Deo.
Hindi. Mali ito. Pati ang pagsilbi sa akin ay kalabisan na.
Huminga ako ng malalim at liningon ang prinsipeng nahuli kong nakatitig sa akin. Hindi niya man lang inilihis ang kanyang titig sa akin nang magtagpo ang aming paningin.
"Ano ba talaga k-kami ni Kio?"
Sinabayan ko ang kanyang titig. Nakapanglumbaba siya sa mesa gamit ang isang kamay habang nakatingin sa akin.
Napalunok ako nang maramdaman ko ang kanyang mga daliri sa dulo ng aking buhok.
"Tagapagsilbi." tipid niyang sagot.
Humalakhak si Haring Rhiel at napangisi naman si Prinsipe Deo.
Iyon lang ba ang kaniyang sagot?
Pinigilan ko ang pagtalim ng aking mga mata sa kanya, bagkus ay sumimangot na lamang ako.
"Ngunit ang iyong paraan ng pagsalubong ay kalabisan na..."
Itinuon ko nalang ang pansin sa pagkaing nasa aking harapan. Hindi ko man lang malasahan ang putahe dahil sa aming usapan.
Mula sa gilid ng aking mata ay kita ko ang kanyang pag ngisi. Binitawan niya ang aking buhok at umayos ng pagkakaupo.
"Nagbibiro lamang ako Akira. Mamaya ay pag-uusapan natin ito ng masinsinan." aniya at kumain.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang enerhiya na dumaloy sa aking katawan nang sandaling sambitin niya ang aking pangalan.
Napalingon ako kay Haring Rhiel nang tumayo ito.
"Mag ingat ka Akira, baka mauwi sa ibang landas ang inyong usapan."
Sunod sunod na napa-ubo si Prinsipe Deo na ikinangisi ni Haring Rhiel.
"Mauna na ako,"
Sa isang iglap ay naglaho na ito. Naiiling na lamang ako. Alam ko ang kahulugan ng kanyang mga salita.
Ang aking pagkabirhen ay nararapat lamang ibigay sa lalaking papangakuan ko ng pang habam-buhay na pagmamahal. Kahit anong temptasyon pa ang susubok sa akin ay alam ko sa sarili kong kaya ko itong pigilan.
Unang tingin ko lamang kay Prinsipe Deo ay alam ko ng marami na itong nadalang babae sa kanyang silid. Gustuhin ko mang sabihin iyon ngunit pilit kong isiniksik sa aking isipan na hindi lamang kami ang narito sa hapag.
Dumako ang aking paningin kay Kio. Tuloy tuloy ang kain nito. Kumirot ang aking dibdib nang mapagtantong ngayon lamang ito nakakain ng ganito karami. Simula kahapon ay wala na kaming kinain kundi ang tinapay na ibinigay sa amin ni Tiya Danet na siyang inagahan at itinanghalian namin.
Tahimik na kami sa pagkain. Nauna lamang si Prinsipe Deo at bigla akong nakaramdam ng tensyon nang maramdaman ang kanyang titig. Muli ko ring naramdaman ang kanyang mga kamay sa dulo ng aking buhok.
Pinilit kong ubusin ang aking pagkain at sabay kaming natapos ni Kio. Kagat labi akong lumingon kay Prinsipe Deo na nahuli ko na namang nakatitig sa akin.
"Ano?"
Ngumisi siya at umiling.
"Tayo na," aniya at naunang tumayo.
Sabay kaming tumayo ng aking kapatid.
"Tayo lang ba?"
Tumango siya. "Ipapakuha ko si Aokio sa isang tagapagsilbi upang libangin."
Nasunod nga ang kanyang kagustuhan. Kinuha ni Ginang Sara si Aokio habang ako naman ay dinala niya sa isang silid aklatan.
May mesa sa gitna at dalawang upuan. Iginiya niya ako papunta doon at inilapag ang isang papel, kung saan niya nakuha iyon ay hindi ko alam.
"Ano ito?" hinaplos ko ang papel.
Humahalimuyak ito ng amoy ng rosas. Ito ang klase ng papel na siyang ginagamit ng mga maharlika sa mga importanteng papeles.
"Iyan ang kasulutan. Kailangan ko ang iyong pirma riyan at nang sa ganoon ay magiging opisyal na kitang tagasunod." paliwanag niya.
Kumunot ang noo ko. "Lahat ba ng nagiging tagapagsilbi, dumadaan dito?"
Umiling siya. "Hindi."
Mas lalo akong nagtaka. Kung ganoon ay bakit mayroong ganito? Tila nabasa niya ang aking isip dahil nagsimula na siyang magpaliwanag.
"Nagkaroon ng utang na loob si Danethalia sa akin. Nangako siyang babayaran niya ako ng malaking halaga ng salapi ngunit lumipas ang anim na buwan na wala akong natanggap. Depensa niya ay may ipinagagawa siyang bahay, tama ba iyon?"
Tumango ako. Tipid kaming gumastos nitong mga nakaraang buwan dahil sa pagpapatayo niya ng bahay. Siguro ay iyon ang rason kung bakit hindi nakapagbayad ng salapi si Tiya Danet.
"Sinulatan ko siya na ibahin ang kanyang bayad o doblehin ang halaga. Pinili niya ang una. Naibanggit niya sa aking may dalawa siyang pamangkin na maaring magsilbi rito."
"Ngunit nasisiguro kong ibang paraan ng pagsisilbi ang siyang gusto mo para sa amin."
Tipid siyang tumango. "You're not wrong."
Dumako ang aking paningin sa papel na nakalatag sa mesa. Piilit ko itong basahin ngunit hindi ko ito maisa-isip. Ang tanging naintindihan ko lamang ay ang aking pangalan at ang kanya na mayroong pirma.
Herdeo Damiene Taliesin
Napalunok ako at muling tumingin sa kanya. "Ano ba talaga ang iyong plano sa aming magkapatid?"
Humalukipkip siya. "Nais kong sanayin si Aokio bilang isang magiting na kawal."
Magiting na kawal? Mukhang hindi ko kakayanin ang ideya na isasabak ang aking kapatid sa isang gyera.
"N-Ngunit, siya'y bata pa lamang. Baka hindi nais ng aking kapatid ang sumabak sa isang labanan..."
Umiling lamang ito. "Ang desisyon ko ay desisyon ko. Kayo'y isa ng mamamayan ng Dinlas at nararapat lamang na sundin niyo ang utos ng kanilang prinsipe."
Ngumuso ako. Nagsisimula na akong mainis sa ugali ng prinsipeng ito. Siya'y umaasa lamang sa kanyang posisyon, bagay na kinamumuhian ko sa mga dugong bughaw.
"Tapos ako?" tumaas ang isa sa aking kilay.
Marunong akong sumagot kahit sa mga mas matataas ang antas.
Umawang ang kanyang labi at gumuhit sa kanyang mukha ang pagkamangha. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang tumayo siya at inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"You're my personal servant. Exclusively for me..." isinumping niya ang takas na hibla ng buhok sa aking mukha at bumulong. "...alone. "
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Luring Virtues I Chapter 10
PuwangNaimulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang pagdampi ng sinag ng araw sa aking balat. Bumungad sa akin ang obra ng kalikasan.Bahagyang basa ang mga dahon dahil sa lamig ng madaling araw kanina. May kalamigan ang hanging umaga at mayroong manipis na hamog na siyang bumabalot sa paligid.Na apula na ang apoy kaninang madaling araw. Hinanap ng aking mga mata ang prinsipeng aking pinagsisilbihan ngunit walang bakas ni Deo sa kapaligiran.Agad akong napatayo.Lumingon ako sa aking likuran upang tingnan ang mala-kwebang ugat ng puno at napahinga ako ng maluwag nang makitang naroon pa ang aming mga kagamitan.Tuluyan na akong bumangon at inayos ang aking tinulugan.Nauna akong nakatulog kay Deo kagabi dahilan kung bakit hindi ko alam kung saan ito nagpahinga. Linigpit ko na lamang ang ibang kagamitan naming nagkalat sa lupa.
Luring Virtues I Chapter 9
Patutunguhan"Are you sure this trip is effective? What if di pumayag sa alok ang La Paza, Rhiel? They might betray us instead once they knew they're both titled creatures from Sonali." tugon ni Xeamon sabay turo sa aming dalawa ni Deo. Narito kami ngayon sa labas ng palasyo. Natipon ang magkakaibigan sa hindi ko malamang dahilan. Parang kahapon lamang ay kaliwa't kanan ang batuhan nila ng opinyon na nagdulot ng 'di pagkakaintindihan. Nasabi na ni Rhiel sa akin ang kanyang buong plano. Gusto ng hari na kami'y magtungo sa La Paza ─ isang lugar na siyang pagawaan ng mga armas at mga kagamitan na karaniwang ginagamit sa digmaan. Pabirong tumaas ang kilay ni Rhiel. "Are doubting me Magnus?"Ang kanyang katanungan ay mabilis na inilingan ni Xeamon. "Im just giving second thoughts with your plan.""Yeah. La Paza has trust issues with its customers
Luring Virtues I Chapter 8
MisyonSa maliit na panahon kong pananatili rito sa palasyo ng mga Taliesin ay unti-unti nang nagbabago ang aking pananaw sa mga maharlika.Dito ko rin nadiskubrihan ang kaibahan at pagkakapareho ng mga normal na mamamayan at mga nilalang na mayroong mataas na antas sa lipunan.Hindi man mawala wala sa aking isipan ang mga huling salita ni Deo kahapon, nanaig parin sa aking isipan ang kwento ng buhay ni Harloise.Hindi kagaya ni Aokio, wala siyang kapatid na maaring tumulong sa kanya. Ngunit naroon si Eleanor at siya mismo at ang kanyang pamilya ay buong pusong tinanggap si Harloise.Bata pa lamang si Harloise para sapitin ito. Mula pagkapanganak ay isang misteryo na ang sumalubong sa kanya na siyang magiging puwang tungkol sa totoo niyang pagkatao.Ako mismo ay naaawa sa kanya. Hindi ko matanggal sa sistema ko iyon. Siguro dahil sa kadahilanang pati ako a
Luring Virtues I Chapter 7
PagkakahawigKasalukuyan kong inaayos ang mga panibagong damit ni Aokio nang bigla kong maramdaman ang marahang paghawi ng aking buhok mula sa likuran."Ate, humahaba na yung buhok mo. Hindi na siya ganoon ka maalon kagaya ng dati." anito at sinumulang itirintas ang aking buhok.Pansin ko ngang mas tumutuwid ito sa paglipas ng panahon. Kailan ko nga ba ito huling ginupitan?"Gugulo lamang ang aking buhok kapag ipinagpatuloy mo iyan Kio," babala ko rito.Naging gawain na ng aking kapatid ang pag tirintas ng aking buhok sa tuwing napapansin niyang ito'y tumutuwid.Ngunit kakaiba nga lang sa mga panahong ito dahil mas tuwid ito kung ikukumpara sa mga nagdaang buwan.Ang kulay ng aking buhok hindi purong pula. Nahahaluan ito ng kaunting kahel at madalas na kumikintab kapag tinatamaan ng liwanag.Hindi pinansin ni Kio ang aking
Luring Virtues I Chapter 6
Walang Katumbas "Eww,"Doon lamang ako natauhan.Buong lakas kong itinulak si Deo ngunit bahagya lamang itong napa-atras. Tinanggal na niya ang pagkakapulupot ng kanyang mga kamay sa aking bewang.Ngayon ay hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Bagama't ganoon ay ramdam ko ang kanyang pag-ngisi. Mabilis kong isinara ang pinto at halos maiyuko ko ang aking ulo nang balingan si Eleanor.Nakasuot ito ng panibagong bestida na may burdang rosas, doon ko napagtantong mahilig si Eleanor sa mga bulaklak."K-Kanina ka pa ba riyan?"Ngumiti lamang ito. "Hindi na bago kay Deo. Noon pa man ay mapusok na ang isang iyon."Bigla na lamang akong nakaramdam ng bigat na tila nakadagan sa akin.Kung ganoon ay hindi lamang ako ang nahalikan niya.Hindi ko mawari kung bakit halo-
Luring Virtues I Chapter 5
DeoKagat labi akong nagtungo sa pasilyo kung nasaan nakahilera ang mga gintong pinto. Nasa aking gilid ang tagapagsilbi at taimtim ko lamang itong sinusundan sa paglalakad.Kanina lamang ay hiniling kong sana'y hindi niya ituloy o kalimutan na lamang ang kanyang plano sa akin ngayong gabi, ngunit mukhang hindi ko na ito maiiwasan.Masama ang kutob ko rito.Akala ko'y papasok kami sa isang gintong pinto ngunit kumunot ang aking noo nang lagpasan namin ito ng tagapagsilbi at lumiko sa ibang pasilyo."Akala ko'y sa silid ni Prinsipe Deo tayo magtutungo?"Bahagya pang nagulat ang tagapagsilbi sa biglaang tanong.Nang makabawi ay ngumiti ito bago nagsalita. "Aniya'y sa kanyang silid aklatan ka na lamang dadalhin. Mahigpit rin na ipinagbabawal ni Prinsipe Deo ang pagpapapasok ng mga kababaihan sa kanyang silid kung ito'y hindi niya personal na
