تحميل
بيت/ الجميع /Love in Disguise (Filipino)/Chapter 3

Chapter 3

مؤلف: Yesha Lee
"تاريخ النشر: " 2020-08-02 02:07:20

“SORRY na Elmira, hindi na mauulit, sorry na talaga,” alo ni Conrad sa kanya nang makalabas si May.

Halos ay panawan siya ng malay sa ginawa ng babaeng iyon sa kanya kanina. Matapos kasi nitong abutan ang kanilang eksena sa mesa ng binata ay walang anu-anong hinila siya nito sa buhok at isinalya sa steel cabinet na nasa gilid ng opisina. Umawat naman si Conrad pero nangyari na nga ang pagsalya sa kanya nito na sa tingin niya ay nag-dislocate sa kanyang gulugod.

“Ang tigas kasi ng ulo ninyo eh. Sinabi nang akin na ‘yung salamin ko.” Maiyak-iyak siya sa sakit ng likod na sinapit sa kamay ng babae. Pero mas masakit ang sinabi nitong haliparot siya at kaya diumano pala siya nakikinig sa pag-uusap nito at ni Conrad nang nakaraang araw ay dahil siya raw pala ang ipinalit dito ng kanyang boss.

Siyempre ay tinangka niyang magpaliwanag pero wala ring nangyari dahil talagang nagwawala ang babae. Napatahimik lang ito nang may dumating na ilang security guards at hinamon ito ni Conrad na ipakakaladkad papalabas kung hindi ito titigil.

Hindi nagpaliwanag ng kahit ano si Conrad kay May. Palaisipan iyon sa kanya pero naisip niyang marahil ay minabuti na rin ng lalaking hindi na lang itama ang iniisip ni May upang sa gayon ay tumigil na rin ito sa pangungulit. Bigla ay nainis siya sa binata. Hindi man lamang nito binigyang halaga ang kanyang puri! Ginamit pa nito iyon sa pansarili nitong interes!

Doon na siya naiyak talaga, hindi niya napigil ang pagtulo ng luhang kinikimkim niya kanina pa. Hindi biro ang masigawan sa mukha at sabunutan ng tila wala ng bukas ng babaeng iyon dahil lang sa maling bintang nito.

Madali namang siyang inalalayan ni Conrad na maupo sa sofa. Tumabi ito sa kanya at saka kinuha ang panyo nito sa bulsa upang iabot sa kanya. Sisinghot-singhot niyang tinanggap iyon.

“Akala naman niya ay agrabyado na siya kung sakali mang may relasyon tayo eh hindi lang niya alam na tatlo pa ang karibal niya sa inyo,” wika  niyang masama pa rin ang loob.

“Huh? Sino ang pangatlo?” nagtatakang tanong nito.

Oo nga pala, tatlo nga pala ang girlfriends nito kasama si May pero bakit ba tatlo ang nasabi niya? Naisali ba niya ang sarili sa bilang?

“S-si Chamy kaya!” Mabuti at naisip niya agad ang babaeng kani-kanina lang ay masiglang ibinibida nito. Hindi naman kumibo ang lalaki. Nakatitig lang ito sa kanya. He looked apologetic at konsolasyon na iyon para sa kanya.

Saglit na wala silang kibuan ni Conrad sa loob ng ilang sandali. Ang sa kanya ay pinagsamang lungkot at awa sa sarili, ang dito naman ay hindi niya alam. Perhaps, guilty rin ito sa nangyari. Malinaw na kung hindi nito inagaw ang eye glasses niya ay hindi sila aabutan sa ganoong eksena ni May. Speaking of…

“Wait, Sir, nasaan nga pala ang salamin ko?” Muntik na itong mangudngod sa table nang marahas niya itong tabigin sa pag-iisip na naupuan nito ang kanyang salamin.

“Ano ba naman, Elmira, dahan-dahan nama!” asik nito.

“’Yung salamin ko kasi, baka naupuan niyo na eh…”

“Bakit ko naman uupuan, eh ‘di nabasag iyon?”

Hindi niya inintindi ang sinasabi nito. Tumayo siya at muling lumigid sa tabi ng office table ng boss niya. Naging maasim ang ngiti niya kay Conrad nang makita ang hinahanap. Hindi naman pala nito naupuan iyon. Oo nga naman! Natapakan lang at walang lens nito ang mapakikinabangan pa niya! Kagat-labing ngumiti ito nang alanganin sa kanya na sinimangutan lang niya.

“HAY naku, ewan ko nga ba, Donna! Asar na asar nga ako sa Conrad na iyon kanina eh! Isipin mo ba namang nabasag niya ang matagal ko nang iniingatang salamin!” himutok niya sa kapatid nang makauwi ito ng bahay.

Agad siyang nagsumbong ng hinanakit dito pagkalapag ng bag sa mesita nila. Nasa high school pa lang ang kapatid na si Donna pero aminado naman siyang nagma-mature na ang isip nito, bukod pa sa wala naman siyang ibang mapagkuwentuhan ng mga nangyari. Ang mga kaibigan niya sa opisina kanina ay maagang nagsipagpaalam na umuwi at hindi na siya nahintay sa kanyang karaniwan nang over time.

“Eh ate, ‘yun na nga eh, sa iyo na nanggaling na matagal mo nang iniingatan iyon, as in super tagal na nga. Don’t you think it’s about time for you to change your frame? Eh wala na sa moda ate! O mag contact lenses ka na lang kaya, ‘di ba mas maganda pa yon?”

“Hay naku! Hindi ako sanay magsuot niyon at baka hindi ko pa maingatan ay mabulag pa ako!”

“Papalitan mo na lang ang frame kung ganoon. Pero suggestion lang naman ha, mas bagay sa iyo ang walang salamin, Ate. Sa totoo lang, natatago sa salamin ang magaganda mong mga ganda mata eh,” nakangiting sabi ng kanyang kapatid.

You have a very nice pair of eyes, Ms. Pascual.’

Maniniwala na nga ba siyang maganda nga ang mga mata niya? Lihim siyang napangiti.

“GOOD morning, Elmira! Can you show me my schedule for today?” Masigla na naman ang boss niya. It was one Wednesday morning.

“Ok. I’ll check it out for you,” she replied without looking at him. “Oh, I just called Dr. Villena and told the old man that I will attend his daughter’s birthday party next Saturday,” wika nito nang mabasa ang schedule nito sa palm gadget niya.

“November 20 at Dr. Villena’s daughter’s birthday party. At what time, Sir?”

“Six o’clock. You have to remind me three days before so I can get her a birthday gift, or if you have time, please do it yourself.”

Nag-note siya sa kanyang gadget:  11.17.07 Buy a birthday gift for Dr. Villena’s daughter.

“Hey! 12:30 pm lunch with John Caricativo? I forgot to inform Glenda about this. Please call her and cancel the supposed lunch date she scheduled last night. Please ask her to just wait for me at home instead.”

“I’ll call her now, Sir. Wala tayong oras na ipapalit dito? So I’ll just ask her to stay in your place? Don’t you think it’s a bit awkward? Maghapon siya sa house ninyo?” Sobra naman yata ang babae na iyon, ganoon nito kamahal ang boss niya? Siya kaya, magagawa ba niya iyon kapag dumating ang time na nagmahal na rin siya? ‘I don’t think so…’

“Yes but you can tell her to call back during lunchtime so that we can talk, ourselves. By the way, write an appointment letter to Miss Olga Lasic whom I interviewed yesterday morning. She may start reporting to her work beginning next week.” Ang tinutukoy nito ay ang aplikanteng nagpunta nang nakaraang araw. Maganda ang aplikante at malamang sa hindi ay iyon ang naging advantage nito upang madaling matanggap sa trabaho.

Talaga naman ang boss niya pagdating sa magaganda! “Lucky her for being sexy and pretty,” nasambit niya nang hindi sinasadya.

“Elmira…” May babala sa himig nito pero hindi na siya nagawang pagsabihan ng lalaki dahil ilang saglit lang ay kausap na nito ang nobyang si Glenda.

هل تريد معرفة ما سيحدث لاحقا؟
واصل القراءة
الفصل السابق
الفصل التالي

مشاركة الكتاب إلى

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

أحدث فصل

Love in Disguise (Filipino)   Epilogue

ABALA ang lahat. Sa maliksing pagmamando ni Trixia De Vera ay nagawa ng bawat isang kasali ang humanay nang maayos para sa entourage procession. Kayganda ng ngiti ng lahat ng naroon. Nang magsimulang tumugtog ang wedding march ay natahimik ang loob ng simbahan. Maging ang mga batang kasama sa procession ay naging maayos din ang partisipasyon sa simula ng seremonya. Si Conrad kasama ng mga magulang ang nauna sa hanay. Matapos ang lahat ng

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 37

KASALUKUYANG nagmamando si Elmira sa mga tauhan na nakuha ng kanyang ama isang hapon ng Linggo. Suot ang isang malapad na salakot, kupasing kamiseta at hanggang tuhod na pinutol na pantalon ay kaisa siya ng mga magsasaka sa pag-aani ng mga natirang pananim. Sabayan nilang ginagawa ang pamimitas ng mangga at pagpapagiik sa bukid. Hindi naman kalayuan ang manggahan sa bukirin ng ama kaya hindi siya nahirapan sa pag-aasikaso ng dalawang gampanin.

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 36

“MARAHIL ay totoo nga ang sinabi mo na hindi ko lang magawang tanggapin na mahal ko pa ang mama mo. Napakarami na kasing nangyari at inakala kong mahirap nang itama ang lahat para sa amin.” Kasalukuyan silang nag-uusap ng ama habang umiinom ng paborito nitong alak. “I told you. Well, I was actually expecting this to happen.” Sum

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 35

“SIR, hindi pa po sumasagot si Elmira pero puwede ko po naman siyang tawagan para—”“No need. She’s no longer part of the company. Teka nga muna, akala ko ay naayos na ninyong lahat ang mga ‘yan bago siya umalis?”

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 34

GAYA ng gusto ni Conrad ay hindi na nga pumasok sa opisina si Elmira kinabukasan. Hindi na niya hihintaying ipagtabuyan pa nito. Isang malaking pagkakamali ang nasa isip nito tungkol sa kanya pero nakahanda siyang gawin ang lahat para malaman nito ang totoo. Sa sulok ng puso ay umaasa siyang may pagpapahalaga pa rin ito sa kanya kahit pa nga kasal na ito kay Ariana.Napabuntong-hininga siya. Tinanggap na niya sa sariling wala siyang magagawa subalit may paraan pa siya para magbayad sa inaakala ni Conrad na utang niya sa pamil

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 33

“PUWEDE na bang umuwi?” Nang hindi nakatiis ay tanong na ni Elmira kay Conrad. Ganap na alas-singko nang magbalik ito at ngayon nga ay halos alas-siyete na ng gabi subalit tila wala pa itong planong umalis ng opisina. Kumakalam na ang kanyang sikmura dala ng gutom.“Yeah, sure. Give me ten minutes and I’ll bring you home.”

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 14

KINABUKASAN ng umaga na dumating si Conrad. Kitang-kita niya ang panlalalim ng mga mata nito. Ano kaya ang ginawa nito sa loob ng magdamag habang kas

آخر تحديث : 2026-03-17

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 13

HINDI

آخر تحديث : 2026-03-17

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 12

“KAILANGAN kong panagutan ang nangyari, Elm,” wika ni Conrad habang magkaharap silang nakaupo sa mesa ng isang restaurant.

آخر تحديث : 2026-03-17

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 11

BILANG sekretarya ay natural lamang na asikasuhin ni Elmira ang bisita ng

آخر تحديث : 2026-03-17
فصول أخرى
تحميل الكتاب
GoodNovel

تحميل مجاني للكتاب على التطبيق

تحميل
ابحث في ما تريد
مكتبة
تصفح
الرومانسيةالتاريخ الافتراضيالمذؤوبمافياالخيال الغربيآرنولدMM Romancegenre27-请勿使用阿语
قصص قصيرة
سكاي天空المنطق المعلقالمدينة الحديثةعمل فيلمفيلم الخياليلم الخيال العلميعشق .عنيف言情العريس الهارب والعشقالحرم الجامعيالتشويق\الرعبالعريس1العريس العريسnu红安
خلقفائدة الكاتبمنافسة
الأنواع الأكثر شعبية
الرومانسيةالتاريخ الافتراضيالمذؤوبمافياالخيال الغربيآرنولد
اتصل بنا
معلومات عناالمساعدة & الاقتراحاتعمل
موارد
تنزيل التطبيقاتفائدة الكاتبسياسة المحتوىالكلمات الرئيسيةFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
مجتمع
Facebook Group
تابعنا
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
مصطلح الاستخدام|خصوصية