GoodNovel

Buch kostenlos herunterladen

Download
Suchen
Bibliothek
Stöbern
RomantikAlternativgeschichteUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+
Kurzgeschichten
LiebeskummerGeheimnisModerne StadtApokalypse-Überleb1enshort-Science-FictionLiebesroman0
ErstellenVorteile für Autor:innenWettbewerb
Startseite / ALLE / Love in Disguise (Filipino)
Zuletzt aktualisiert : 18.09.2020
Love in Disguise (Filipino)

Love in Disguise (Filipino)

Filipino
·
18+
·
Laufend
Von:  Yesha Lee

43

Kapitel
10
Bewertungen

601

Aufrufe
Zusammenfassung
Conrad Perez – the playboy and younger descendant of the Perez Empire. Para dito ay tila damit lang na maaaring palitan gaano man kadalas ang isang babae. Girls come and go, iyan ang katwiran niya. Elmira Pascual – the old looking secretary who was the only one having the capabilities to manipulate Conrad, the heartbreaker boss. She's very efficient in her job up to the point of jotting down even the details of her boss' prospective girls. Siyempre, kailangan niya iyon para manatiling malinis hindi lang ang schedule kundi pati maging ang image ng kanyang boss sa lahat. Until one day, these two people ended up kissing. Hanggang saan sila magagawang dalhin ng damdaming estranghero kapwa sa kanila?
Buch teilen mit

Kapitel 1

Chapter 1

"PLEASE make coffee for two, Elmira.”

“Both black, Sir?”

“Yes, please.”

It was one Monday morning inside the office of Mr. Conrad Perez, Elmira’s boss for almost two years now. Kagaya ng dating routine niya, matapos maibigay ang schedule ng mga meeting nito for the day ay sisimulan naman niyang asikasuhin ang conflict sa schedule nitong personal.

Kabisado na niya ang lahat, mula sa pagkakaroon nito ng tatlong girlfriends simultaneously hanggang sa iba pang mga babae na natitipuhan nito. Ganoon katinik ang kanyang Boss Conrad. One quick glance at him, nobody would notice he was a heartbreaker. Sa three piece suit ba naman nito sa araw-araw at sa paraan ng pakikitungo nito sa mga empleyado, sino nga ba ang mag-iisip na palikero ang lalaki? But because she was the secretary, natural na alam niya kaliit-liitang likaw ng bituka nito. Of course, because again…she was the secret…ary.

Thanks to her dahil hindi magkakaroon ng masigasig at excellent boss ang kanilang departamento kung hindi dahil sa kanya. Kung hindi niya inaayos sa araw-araw ang schedule nito, tiyak na nagkagulo na ang mga meeting and dinner date ng kumag niyang amo. Aba, hindi yata biro ang mag-intindi ng tatlong girlfriend nang hindi ito mamumroblema sa isa man sa kanila. Surely they didn’t know the true color of the man they adored. Buong akala ng mga ito ay one-woman-man si Boss Conrad. Mga malas na babae. Tulad ngayon na kay agang narito sa loob ng opisina ang ikalawang girlfriend nitong si May.

Si May ay anak ng isang kaibigan ni Mr. Perez, ang ama ni Conrad at presidente ng Perez Empire. She was considered ikalawa dahil may iba pang nobya ang lalaki na nauna rito. Nakilala ito ni Conrad nang minsang sumama ang dalaga sa ama nito sa pamimili ng kabayo. To make the story short ay hindi na ito pinalampas ng boss niya. Sa kabila ng paalala ng ama nitong si Mr. Perez ay hindi ito nagpapigil. Ang babae namang may gusto rin dito ay hindi na nagpakipot pa at agad ay nakipagmabutihan sa lalaki.

Ngayon ay narito ito ngayon sa opisina at kapag ganito kaaga ang oras ng dalaw sa kanyang amo, mas malamang sa hindi ay may ‘trouble’ ito! Hayun nga at nang dalhan niya ng kape ang dalawang nag-uusap sa opisina ng lalaki ay naabutan pa niya ang pag-iyak ni May. Kunwa ay may hinahanap siyang kung ano sa file cabinet nito, pero wala naman talaga doon ang focus ng kanyang atensiyon kung hindi sa pinag-uusapan ng amo at bisita nito.

“You can’t just do this to me, Conrad! Hindi maaring sa ganitong kabilis na panahon ay iwan mo na ako ng ganoon lang!” Sa tono ng boses nito ay natiyak niyang nakikipaghiwalay ang boss niya.

“I’m sorry May, but it’s over. Please try to understand.We both enjoyed but everything is over.”

Hanep din naman ang amo niyang ito, ‘we both enjoyed daw,’ Ano kayang enjoyment ang tinutukoy nito?

“So how can you explain those times you told me you loved me?”

“I never lied to you, May. I meant it when I said that but now that I’m telling you it’s over, I’m also telling the truth. Minahal naman kitang talaga.”

“So, it’s past tense now, huh! Minahal mo ako at tapos na ang kung anong klaseng pagmamahal na tinutukoy mo ngayon, ganoon ba?”

“Sorry talaga. Please don’t make it hard for both of us. Let’s just part ways being still friends, can we?” Iyon ang huling salitang sinabi ni Conrad bago mabilis na tumayo ang babae at sampalin ito nang malakas sa pisngi.

“Read my lips, Conrad! Go to hell for all I care!” Matapos ay walang sabi-sabing nilisan na nito ang silid na iyon matapos mag-iwan ng mapanuring tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Obvious na nahuli nitong nakatulala siya habang nanood sa mga eksenang katatapos lang. Pero sino ba naman ang hindi matutulala sa eksenang ginawa nito?

Pag-alis ng babae ay madali niyang isinara ang pinto at hinarap ang boss. “It’s nine quarter now and you’re having a brunch date with one of our good clients, Sir. That literally means fifteen minutes from now,” parang walang nangyaring sabi niya rito.

Maging ito man ay tila hindi rin masyadong apektado sa katatapos lang na eksena o marahil ay sanay na sanay na rin ito sa mga ganoong situwasyon. Matapos bahagyang himasin ang panga ay muli itong naupo sa swivel chair nito at tila handa nang makinig sa anomang sasabihin niya. Ilang sandali rin silang nag-usap tungkol sa mga appointments nito bago nagawa ng lalaki na iliko ang kanilang paksa.

“How about Lucille? ‘Di ba sinabi ko sa iyong bigyan mo ko ng brunch date sa kanya today?” nakakunot ang noong tanong nito habang nakatingin sa kanya.

Ang Lucille na tinutukoy nito ay ang latest nitong girlfriend. Halos ay wala pang isang linggo nitong constant date ang babae. Nakilala naman nito iyon sa isang party ng kaibigan nito. Model ng isang prestihiyosong skin care product si Lucille kaya’t hindi na siya nagtaka nang halos ay walang makita kahit isang pekas sa balat nito.

“Sir naman, you can’t start the day bringing your girls out. Hindi ba ilang beses ko na kayong pinagbigyan sa ganyang klaseng pakiusap niyo at lagi naman kayong hindi nakababalik? Paano naman ang trabaho natin, dito?” mahinahon niyang sabi. “Tapos, ang aga-aga eh may trouble na naman kayo. Sa halip na nakapag-sign na kayo ng mga papers kanina eh inilaan niyo pa sa May na ‘yun ang time—”

“Wait a minute, pinagagalitan mo ba ako, Elmira?” Nahaplos nito ang baba habang nakatingin sa kanya.

Noon naman siya natauhan. Kung bakit ba naman kasi nakasanayan na niya ang magtaas ng boses sa tuwing naiimbiyerna siya. Nalimutan yata niya ang posisyon at ngayon ay nagawa niyang diktahan ang lalaki. “Ay, hindi po, Sir. Sorry po,” nakayuko niyang sabi.

“Okay. So, anong oras ako pwedeng lumabas kasama si Lucille?”

She drew a deep breath and replied. “If you can take her out within only an hour and be back here right after, you may leave the office at exactly three in the afternoon, but…”

“…but?” Nalukot ang mukha nito.

“But if you can’t Sir, better to reset the date tomorrow at one in the afternoon or you could go home as early as four o’clock dahil wala na kayong commitment noon.”

Napasipol ang lalaki habang marahang napapailing. “You can’t do this, Elmira! It’s been three days since we’ve last seen each other at bukas pa kami magkikita ulit? Inaaway na nga ako noong tao sa telepono eh. Gawan mo naman iyan ng paraan.”

“Sir, hindi po yata puwede. You can still take her out naman, iyon nga lang at isang oras lang dahil may date naman kayo sa Café Kabana ni Ms. Glenda mamaya. ‘Di ba kayo na nga ang nagsabi Sir, hindi niyo pwedeng pagalitin si Miss Glenda dahil sa lahat ay ito ang pinaka-ideal na maging girlfriend? Isa pa, gusto siya ng inyong mama, remember?”

“Pero puwede pa naman kaming mag-dinner tomorrow ‘di ba?”

“We can not cancel your date with her this afternoon dahil baka by this time ay nagpa-grocery na ang mama niyo intended for that dinner.”

“Okay, so this argument is useless now?” Alanganin ang ngiti nito. Marahil ay naisip na wala naman itong ibang magagawa kung hindi ang sumunod sa schedule niyang inihanda para rito.

She shrugged. “Anyway, I made a mental note to send Ms. May her part of the bargain now that it’s off to both of you.” Ang tinutukoy niya ay ang mamahaling bracelet at bulaklak na palaging ipinapadala nito sa mga babaeng hinihiwalayan nito.

Napangiti ang lalaki sa tinuran niya. “Okay so the first part of your plan for my day is now settled. Let’s move on with the other half.”

Erweitern
Nächstes Kapitel
Download

Aktuellstes Kapitel

  • Love in Disguise (Filipino)   Epilogue

    ABALA ang lahat. Sa maliksing pagmamando ni Trixia De Vera ay nagawa ng bawat isang kasali ang humanay nang maayos para sa entourage procession. Kayganda ng ngiti ng lahat ng naroon. Nang magsimulang tumugtog ang wedding march ay natahimik ang loob ng simbahan. Maging ang mga batang kasama sa procession ay naging maayos din ang partisipasyon sa simula ng seremonya. Si Conrad kasama ng mga magulang ang nauna sa hanay. Matapos ang lahat ng

    Zuletzt aktualisiert : 2020-09-18
  • Love in Disguise (Filipino)   Chapter 37

    KASALUKUYANG nagmamando si Elmira sa mga tauhan na nakuha ng kanyang ama isang hapon ng Linggo. Suot ang isang malapad na salakot, kupasing kamiseta at hanggang tuhod na pinutol na pantalon ay kaisa siya ng mga magsasaka sa pag-aani ng mga natirang pananim. Sabayan nilang ginagawa ang pamimitas ng mangga at pagpapagiik sa bukid. Hindi naman kalayuan ang manggahan sa bukirin ng ama kaya hindi siya nahirapan sa pag-aasikaso ng dalawang gampanin.

    Zuletzt aktualisiert : 2020-09-18
  • Love in Disguise (Filipino)   Chapter 36

    “MARAHIL ay totoo nga ang sinabi mo na hindi ko lang magawang tanggapin na mahal ko pa ang mama mo. Napakarami na kasing nangyari at inakala kong mahirap nang itama ang lahat para sa amin.” Kasalukuyan silang nag-uusap ng ama habang umiinom ng paborito nitong alak. “I told you. Well, I was actually expecting this to happen.” Sum

    Zuletzt aktualisiert : 2020-09-18
  • Love in Disguise (Filipino)   Chapter 35

    “SIR, hindi pa po sumasagot si Elmira pero puwede ko po naman siyang tawagan para—”“No need. She’s no longer part of the company. Teka nga muna, akala ko ay naayos na ninyong lahat ang mga ‘yan bago siya umalis?”

    Zuletzt aktualisiert : 2020-09-18
  • Love in Disguise (Filipino)   Chapter 32

    “MALI na naman?!”

    Zuletzt aktualisiert : 2026-03-18
  • Love in Disguise (Filipino)   Chapter 31

    “PAPA

    Zuletzt aktualisiert : 2026-03-18
  • Love in Disguise (Filipino)   Chapter 34

    GAYA ng gusto ni Conrad ay hindi na nga pumasok sa opisina si Elmira kin

    Zuletzt aktualisiert : 2026-03-18
  • Love in Disguise (Filipino)   Chapter 33

    “PUWEDE

    Zuletzt aktualisiert : 2026-03-18
Weitere Kapitel

Rezensionen

no comment
Noch kein Kommentar

Kapitel

Lesen

Download

Das könnte dir gefallen

My Dark Past
One Innocent Night (TagLish)
Hiding The Billionaire's Son
Fated to Marry the Devil [Tagalog]
Shadows of Sandoval #1: Chasing the Wild
The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)
My Dark Past

My Dark Past

Nihc Ronoel

"Could you ever forgive that someone who ruined your past?" Diane is trapped in the past she can't even remember. How can she live her life again once she figures out what really happened? [You can listen to my international radio interview in the U.K. here: https://soundcloud.com/ian-johnson-75/friday-31st-october-fridays-afternoon-evening-late-show-1029pm-1208am-uk-time-part-4 (29:00 to 33:00)]

download My Dark PastBuch in der App herunterladen

An die Leser

Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2  FEI

Beliebte Genres
RomantikAlternativgeschichteUrbanWerwolfMafiaSystem
Kontaktieren uns
Über unsHilfe & VorschlägeGeschäft
Ressourcen
Apps herunterladenVorteile für Autor:innenInhaltsrichtlinieTop-SuchanfragenFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Folge uns
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Nutzungsbedingungen|Datenschutz