Cargando
Inicio/ Todos /Love in Disguise (Filipino)/Chapter 2

Chapter 2

Autor: Yesha Lee
"Fecha de publicación: " 2020-08-01 04:42:17

“NARIYAN ka na pala, Elmira. Come here and join us,” said her mom who was preparing the table for dinner.

Karaniwan ay apat lang silang nagsasalong kumain tuwing gabi dahil sila na lamang ng kanyang kapatid na bunsong nasa high school ang kasama ng mga magulang sa bahay. Ang dalawa niyang kapatid na lalaki ay kapwa may asawa na pero tuwing weekends ay umuuwi sa kanila ang mga ito kasama ng buong pamilya. Nang nakaraang weekend ay hindi nakauwi ang isang kuya niya kaya muling nagpatawag ng dinner ang papa niya kahit pa nga Tuesday pa lang. Importante kasi sa mga ito na makita ang mga apo minsan man lamang sa isang lingo.

“Yes, ‘Ma. How’s your weekend?” She gave both her parents a kiss on the forehead and a tap on the brother’s shoulders. Nakipag-beso naman siya sa mga hipag at kapatid na bunsong si Donna.

“Naku, siyempre kagaya ng dati, nagyaya na naman si Kimberly na mag-mall kaya halos ay kadarating lang din namin.” Ang Ate Jenna niya na asawa ng panganay nilang si Kuya Chris ang sumagot. Ang Kimberly na tinutukoy nito ay ang nag-iisang anak na nasa Kinder 2. Ang kanya namang Kuya Mar ay may isa ring anak na lalaki sa kanyang Ate Mina at kasalukuyan na itong nasa Nursery, si Joshua na sa mga oras na iyon ay namamapak ng hita ng pritong manok habang nakakandong sa kanilang ama.

“Talaga, Kim? Mana ka talaga kay Papa ‘no, mahilig kang maglakwatsa,” biro niya sa pamangkin sabay buhat rito upang iupo sa kanyang kandungan.

“Hey, who’s talking here? Sino kaya ang ginagabi sa party ha, Elmira? ‘Yung tipo bang naghihintay na makatulog na ang lahat saka dadaan sa bintana?” Umani ng malakas na tawanan ang birong iyon ng kanyang Kuya Chris. Minsan lang niya iyon ginawa dala ng sulsol ng barkada. Batid niya kasing hindi siya papayagan ng mga magulang na um-attend ng party kaya mas pinili niya ang tumakas. Pero iyon ay naganap noong nasa high school pa siya.

“Tama na nga iyan, Kuya, kawawa naman si Ate Irah oh,” ani Donna.

“Naku, mabuti pa itong bunso natin, napakamaalalahanin. Kumusta naman ba, bunso? May umaakyat na ba ng ligaw sa iyo dito ha?” Ang Kuya Mar naman niya iyon na nakangiti.

“Kuya, hindi pa ako pwedeng magpaligaw sabi ni Ate Irah. Mag-aral daw muna ko kagaya ng ginawa niya kaya ngayon ay may maayos siyang trabaho ‘di ba, Ate?” Tumabi pa ito sa kanya.

“Naku sinabi lang iyon ng Ate Irah mo kasi nga e gusto niya na maparis ka sa kanya na matandang dalaga,” buska na naman nito. Iba talaga ang mga kapatid niya pagdating sa buskahan, gayunman ay ramdam naman niya ang pagmamahal ng mga ito.

“Tama na iyan, Chris. Mamaya niyan, biglang mag-asawa itong si Elmira ko eh ikaw pa ang pasagutin ko ng letsong baka!” sabad ng kanilang ama habang nakangiting pinanonood ang paraan ng pagkain ng apong nakakalong rito.

“Pero wala ka ba talagang balak mag-asawa, Elmira? Bigyan mo ng panahon ang sarili mo. May maganda ka ng trabaho at darating din ang araw na nanaisin mo ang magpamilya.” Ang Kuya Mar niya iyon na ‘di hamak na mas seryoso sa kanilang Kuya Chris.

“Siyempre meron naman, Kuya. Kaso lang, ako ba ang manliligaw? Eh sa wala talagang magkamali, ano ang gagawin ko?” Sa ganoong pagkakataon ay naaawa siya sa sarili dahil mas lalo niyang naiisip ang kakulangan sa kanyang buhay. Halos lahat ay meron siya, magandang pamilya, maayos na tirahan at trabaho. Tanging iyon na lamang ang kanyang hinihintay – ang lalaking makakasama sa kanyang pagtanda. Ipinanganak na kaya iyon?

“Sabi nga nila Hija, only fools rush in. Natutuwa lang ang mga kapatid mong biruin ka dahil napabuti sila sa pag-aasawa pero hindi lahat ay ganyan lalo pa at minadali ang lahat para lamang makasal hindi ba, Papa?” wika ng kanyang mama na madaling inayunan ng ama.

“Darating din ang lalaking para sa’yo, anak. Huwag mo siyang hanapin dahil kusa iyong darating sa panahon at lugar na hindi mo inaasahan,” makahulugang dagdag pa ng ama.

"COME here, Elmira, I’ve got something to tell you,” ani Conrad kay Elmira.

Tumayo siya at lumapit rito. “Ano po iyon, Sir?” Bahagya siyang nagtaka dahil hindi ito gumamit ng intercom at sinadya pa siyang puntahan sa puwesto niyang nasa labas ng opisina nito.

“Halika sa table ko at may importante akong sasabihin sa’yo.”

Nagulat siya nang umangat ang kamay nito at humaplos sa kanyang baba. Mukhang masaya ang amo niya nang umagang iyon; may papindot-pindot pa ito sa cleft chin niya!

Isinubo lang niya sa printer ang ilang piraso ng bond paper at pagkatapos i-press ang button ay lumakad na siya upang sumunod kay Conrad. Naratnan niya itong nakaupo sa swivel chair sa loob ng opisina nito at nakataas pa man din ang mga paa sa office table. Hay, kailan kaya magseseryoso sa trabaho ang amo niyang ito? Mahirap talagang pakitunguhan ang mga mayayaman!

“Yes, Sir?” tanong niya agad rito hindi pa man nakukuhang maupo sa upuan na nasa harap ng mesa ng lalaki. Nakita niya ang ngiti nitong parang nakakaloko. Masaya talaga ang pobre, at may pakindat-kindat pa ito! Magsalita ka na at tambak ang trabaho natin!

“You know what, Elmira? I’ve got the chance to meet Chamy last night!” Nagniningning pa ang mga mata nito habang nagkukuwento. Ayon dito ay nakilala na nito sa wakas ang modelo sa TV na matagal na nitong crush. Nang makasilip ito ng pagkakataong makilala ang babaeng iyon ay hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa at madaling sinamantala ang pagkakataon para makalapit dito. Pinsan pala ito ng may-ari ng bahay na nagpa-blessing at dinaluhan ni Conrad nang nagdaang gabi. Ngayon nga ay masayang-masaya ito at animo batang punung-puno ng kuwento sa kalaro.

“Wait a minute…” She raised her hand to stop him from talking. Tumayo siyang saglit at nang magbalik ay may dala ng organizer at pen. When she started to write, Conrad stopped her.

“Hey, what are you doing? I’m still talking to you, Elmira. Are you working already?”

“Sir, I’ve been working since you arrived, and until now while listening to your stories, nagtatrabaho pa rin ako!” She jotted down the mental notes she made a while ago, then spoke again. “Chamy, TV personality who happens to be the next prospect of my Boss Conrad, a La Sallite brunette from the elite clan of Madrigals. Did I get it right, Sir?” She was talking while jotting down information about Chamy.

“Seryoso ka ba?” He was trying to read her face. Marahil ay inaakalang nagbibiro siya.

“Ano ba kayo? Lagi ko naman itong ginagawa. Seryoso ako sa trabaho ko at para sa akin, bahagi niyon ang ginagawa kong pakikinig sa mga tantrums and caprices ninyo so, it is but proper then to do my job to the best of my efficiency!”

“And what could be the purpose of noting these things then?” He seemed really puzzled.

“So I wouldn’t mix them up, as simple as that! Para hindi ko napagpapalit ang mga gusto nila ‘pag inuutusan ninyo akong bumili ng gift, flowers or anything that concerns their taste. Gusto niyo bang mabuko, Sir Conrad?”

Sandali itong natigilan at saka bahagyang napailing. Maya-maya ay bigla itong dumukwang sa harap niya. “How old are you, Elmira?” bigla ay tanong nito. Ano naman ang kinalaman noon sa pinag-uusapan nila?

“Twenty-three, Sir,” alanganin niyang tugon.

“You don’t look like your age, really.”

Alam na niya ang tinutumbok ng usapang iyon. Inayos niya ang pagkakalagay ng salamin at saka muling nagsulat. Mahirap nang makalimutan niya pa ang mga mental notes niya kanina. Nasa ganoon siya kaseryosong tagpo nang lapitan nito at walang anu-ano ay tanggalin nang walang babala ng kanyang reading glasses.

“Hey, Sir, ano ba ang ginagawa ninyo?” Awtomatiko siyang napapikit habang inaaninaw ito. Nabigla kasi siya sa ginawa nito kaya hindi niya napaghandaan ang panlalabo ng kanyang paningin.

“Whoaa, you have a very nice pair of eyes, Ms. Pascual! Why are you hiding them behind these glasses?”

Hindi siya makatingin dito dahil nakadukwang na ito sa kanya habang binubusisi ang kanyang mga mata. Talagang napakakomportable yata nito sa kanya to the extent of moving his face just few inches away from hers. Patulisin lang niya nang bahagya ang kanyang nguso ay siguradong tatama na iyon sa ilong ng lalaki.

“Sir, ano ba?! Huwag niyong pakialaman pati mga mata ko! Please bring back my eye glasses!”

Inilahad niya ang kamay upang kunin mula rito ang kanyang salamin pero tila nanunuksong inilagay pa nito iyon sa likod nito. Dahil doon ay tumayo na siya at kumabila sa table na nakapagitan sa kanila. Hindi maaring matagal siyang walang salamin dahil tiyak na mamaya lang ay mananakit na ang kanyang sintido. Iyon nga lang, mukhang ngayon pa naisipan ng kanyang amo ang makipaglaro ng ‘agawan pong’ sa kanya. Kapag dumukwang siya ay bigla naman nitong ilalayo ang salamin. Ilalapit nito iyon at matapos ay muli na namang ilalayo. Dahil doon ay halos mayakap na niya ito sa gigil na makuha ang kanyang salamin.

“Sir, ibigay niyo sa akin iyan! Hindi na kayo nakakatuwa ha!”

“Sino ba ang nagpapatawa rito? Mas bagay sa iyo ang walang glasses, Elmira. Aba, maganda ka pala!” Saka sinabayan nito iyon ng malakas na halakhak.

Isang mariing yakap dito na ang intensiyon ay agawin nang sapilitan ang salamin ang nagpawala sa balanse nito at bumagsak sila sa mesa na nasa kanilang tagiliran. She was on top of him and their faces were just a few inches away from each other. Instinctively, she moved her head backward to yell at him, but she was stunned when she saw him staring at her lips.

“Elmira, never wear these glasses again, okay. That’s an order and not just a suggestion.”

She was shocked when the door suddenly opened and they heard the gasped of ‘OMG!’ from the person who entered the room. It was…

“May?”

Want to know what happens next?
Continuar Leyendo
Capítulo anterior
Capítulo siguiente

Compartir el libro a

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Último capítulo

Love in Disguise (Filipino)   Epilogue

ABALA ang lahat. Sa maliksing pagmamando ni Trixia De Vera ay nagawa ng bawat isang kasali ang humanay nang maayos para sa entourage procession. Kayganda ng ngiti ng lahat ng naroon. Nang magsimulang tumugtog ang wedding march ay natahimik ang loob ng simbahan. Maging ang mga batang kasama sa procession ay naging maayos din ang partisipasyon sa simula ng seremonya. Si Conrad kasama ng mga magulang ang nauna sa hanay. Matapos ang lahat ng

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 37

KASALUKUYANG nagmamando si Elmira sa mga tauhan na nakuha ng kanyang ama isang hapon ng Linggo. Suot ang isang malapad na salakot, kupasing kamiseta at hanggang tuhod na pinutol na pantalon ay kaisa siya ng mga magsasaka sa pag-aani ng mga natirang pananim. Sabayan nilang ginagawa ang pamimitas ng mangga at pagpapagiik sa bukid. Hindi naman kalayuan ang manggahan sa bukirin ng ama kaya hindi siya nahirapan sa pag-aasikaso ng dalawang gampanin.

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 36

“MARAHIL ay totoo nga ang sinabi mo na hindi ko lang magawang tanggapin na mahal ko pa ang mama mo. Napakarami na kasing nangyari at inakala kong mahirap nang itama ang lahat para sa amin.” Kasalukuyan silang nag-uusap ng ama habang umiinom ng paborito nitong alak. “I told you. Well, I was actually expecting this to happen.” Sum

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 35

“SIR, hindi pa po sumasagot si Elmira pero puwede ko po naman siyang tawagan para—”“No need. She’s no longer part of the company. Teka nga muna, akala ko ay naayos na ninyong lahat ang mga ‘yan bago siya umalis?”

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 34

GAYA ng gusto ni Conrad ay hindi na nga pumasok sa opisina si Elmira kinabukasan. Hindi na niya hihintaying ipagtabuyan pa nito. Isang malaking pagkakamali ang nasa isip nito tungkol sa kanya pero nakahanda siyang gawin ang lahat para malaman nito ang totoo. Sa sulok ng puso ay umaasa siyang may pagpapahalaga pa rin ito sa kanya kahit pa nga kasal na ito kay Ariana.Napabuntong-hininga siya. Tinanggap na niya sa sariling wala siyang magagawa subalit may paraan pa siya para magbayad sa inaakala ni Conrad na utang niya sa pamil

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 33

“PUWEDE na bang umuwi?” Nang hindi nakatiis ay tanong na ni Elmira kay Conrad. Ganap na alas-singko nang magbalik ito at ngayon nga ay halos alas-siyete na ng gabi subalit tila wala pa itong planong umalis ng opisina. Kumakalam na ang kanyang sikmura dala ng gutom.“Yeah, sure. Give me ten minutes and I’ll bring you home.”

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 28

“ATE IRAH, tama na iyan. Basang-basa na ang unan mo sa kaiiyak eh.

Última actualización : 2026-03-18

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 27

NAROON

Última actualización : 2026-03-18

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 26

“ELMIRA!”

Última actualización : 2026-03-18

Love in Disguise (Filipino)   Chapter 25

“HONEY

Última actualización : 2026-03-18
Más capítulos
Descargar el libro
GoodNovel

Descarga el libro gratis

Descargar
Buscar lo que desee
Biblioteca
Explorar
RomancexiyuHistoriaUrbanHombre loboMafiaSistemaFantasiaLGBTQ+ArnolDMM Romancegenre22- 西语genre26-Españolgenre27-请勿使用Españolgenre28-Español
Cuentos cortos
CieloMisterio y suspensoCiudad modernaSupervivencia apocalípticaPelícula de acciónPelícula de ciencia ficciónPelícula románticaViolencia sangrientaRomanceVida Escolar/CampusMisterio/SuspensoFantasíaReencarnaciónDrama RealistaHombres LoboesperanzasueñofelicidadPazAmistadInteligenteFelizViolentoDulcePoderoso红安Masacre sangrientaAsesinatoGuerra históricaAventura fantásticaCiencia ficciónEstación de tren
Géneros populares
RomancexiyuHistoriaUrbanHombre loboMafiaSistema
Contáctanos
Acerca de nosotrosAyuda y sugerenciasNegocios
Recursos
Descargar appsBeneficios para escritorPolítica de contenidoPalabras claveBúsquedas PopularesReseña de libroFicción de fansFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Comunidad
Facebook Group
Síganos
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Condiciones de uso|Privacidad