loading
Home/ All /In Another Life/CHAPTER 3

CHAPTER 3

Author: Jelai
"publish date: " 2020-08-16 21:26:16

CHAPTER 3

Quinn

It’s really a bad idea na pumunta ako rito. Para akong nag aksaya ng oras para lamang sa wala. I’m still here outside of that freaking mansion. I must commend those security guards. Sa sobrang higpit nila pati may ari ng bahay hindi rin makapasok. Hindi ba nila ako kilala? Seriously?!

And damn, kinakagat na ako ng lamok! I sighed. I guess wala na talaga akong choice kundi tawagan si Kuya Riggs huh? Iyon lang kasi ang pinakamadaling gawin sa lahat ng choices ko. Siguro ihahanda ko na lamang ang aking sarili sa sandamakmak na sermon.

Nagsisimula na rin kasing dumilim and natatakot na ako. Kung kakainin ako ng mga lamok baka wala ng matira para sa future husband ko…baka masira pa ang balat ko. No way! I turned on my phone, parang sasabog ang cellphone ko sa sobrang dami ng messages. I called Kuya Riggs on messenger pero hindi siya online. Naalala kong hindi nga pala niya trip gumamit ‘non. Mas prefer niya ang instagram tss. So I searched Kuya Rehan’s name instead at siya ang tinawagan ko. Ilang ring pa lang ay agad na din niyang sinagot.

“Where the hell are you, Quinn!”

Wow ang gandang bati.

“I miss you din Kuya.” Malambing kong sabi at sinundan pa ng isang malakas na halakhak.

“Is that Quinn?” Dinig kong tanong ni Kuya Riggs mula sa kabilang linya. “Ask her where is she! Damn that girl.”

Bahagya ko pang inilayo ang cellphone sa aking tenga dahil mukhang nagtatalo ang dalawa.

“Give me the phone!” Kuya Riggs shouted.

“Ano ba! Dun ka nga! Ako na ang kakausap kay baby bunso! Sa akin siya tumawag.” Kuya Rehan shouted back. “Baby bunso nasaan ka ba?”

Hay! Kahit kailan talaga ʻtong dalawang ito.

“Lumayas ako, Kuya.”

“Yeah, I heard what happened. Bakit hindi ka nagpaalam? We’re worried.”

Naglayas nga diba? Common sense!

Tumayo ako at pinagpagan ang pantalon ko. Tiningala ko ang matayog na gate ng mansion. “Kuya, I’m here at En Fuego.”

“What?! Anong ginagawa mo dyan?!”

“Where is she?” Kuya Riggs again.

“En Fuego, dude.” Kuya Rehan.

“What?! Anong ginagawa niya doon?!”

I scratched my brow, “Kuya Rehan please help me. Ayaw kasi akong papasukin ng guard.” Then I glanced at the guard who’s looking at me.

I heard him sighed. May pinag usapan sila ni Kuya Riggs na hindi ko maintindihan. After a while ay nagsalita na rin siya.

“Okay. Riggs is already informing the security guards.” He sighed again. “Take care of yourelf baby bunso, okay? Once na natapos itong project namin, pupunta kami dyan.”

I smiled. They are the best talaga!

“Opo Kuya.”

Marami pa siyang binilin bago tapusin ang tawag. Ilang saglit pa ay nilapitan na ako ʻnung dalawang security guards at humingi ng dispensa. Bago lang daw kasi sila kaya hindi nila ako kilala. Si Kuya Riggs at Kuya Rehan lamang daw ang pamilyar sa kanila. It’s just small thing, though. Kahit inabot ako ng tatlong oras sa labas ng mansion ay ayos lang. Oo, ayos lang talaga. Insert the sarcasm.

Tinulungan nila akong dalhin ang maleta ko papasok sa mansion. Nalaglag ang mga panga ko habang inilibot ang tingin sa kabuuan ng mansion. I’m not good on describing but sa garden pa lang ay alam mo nang sumisigaw ng karangyaan sa buhay si Mommy. May malaking fountain sa gitna, mga benches na pwedeng tambayan at sari-saring mga bulaklak. Mommy Allana really loves it. Naaalala ko pa noon na tuwing umaga ay palagi siyang nagdidilig ng mga halaman at bulaklak. Minsan pa nga ay kinakausap niya ang mga ito eh.

The two maids in their uniform bowed their head at me. They opened the double doors. Tumingala ako at ang unang tumambad sa akin ay ang isang napakalaki at napakagandang chandelier. Kulay white and black ang wall. Mayroon ding napakalaking family portrait ni Mommy kasama ang grandparents ko, katabi noon ay ang family portrait namin.

Pinasadahan ko ang mga gamit na gawa sa ginto. Nakakasilaw!

“Ayos pala dito eh!” I smirked.

Kapag naubusan ako ng pera, pwede ko siguro isangla ang mga ito then tenen! Instant money na!

“Señorita Quinn.” Magalang na pagpukaw ng atensyon ng isang katulong. Mukha siyang nasa 50’s na at medyo naiiba ang suot niyang uniporme kumpara doon sa mga katulong na sumalubong sa akin kanina.

Hindi ko mapigilang umismid sa narinig. “Quinn na lang.” Para kasing iba ang dating sa akin ng Señorita eh.

Para bang ang tamad tamad ko?

“Oh sige Quinn.” She nooded her head, “Ako nga pala si Belinda, ang mayordoma ng bahay na ito pero pwede mo akong tawaging Bel, Linda o kahit ano.”

I gave her a small smile, “Sige po kahit ano.”

“Ha?”

Halamang gamot para sa tatay mong panot. Charot!

“Diba sabi niyo po pwede ko kayong tawagin na kahit ano?”

Napakamot siya sa kaniyang pisngi at alanganing ngumiti sa akin, “Linda na lang.”

Tumango ako at pinigilan ang sariling matawa. “Sige ho, Momshie Linda. Saan ang kwarto ko?”

Nilampasan ko siya at umakyat sa pampalasyong hagdan. Taray, may red carpet! Para tuloy akong isang reyna habang umaakyat sa grand staircase.

“Jusko pasaway nga pala talaga. Mukhang itong bata na ito ang uubos ng pasensya ko.” Bulong niya sa kaniyang sarili na narinig ko naman.

Nilingon ko siya, “Po?”

“Ha? Wala.” Aniya, may pekeng ngiti sa labi.

Tumigil kami sa isang kwarto. Naunang pumasok doon ang mga katulong na dala ang aking gamit.

“Ito ang magiging kwarto mo…”

Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. May malaki at malambot na kama. Mayroon ding sofa, walk-in closet, comfort room, mini-fridge at kung anek-anek pa. Tanaw na tanaw sa veranda ang paglubog ng araw. The walls and ceiling were black and white. Plain and boring.

Hinarap ko si Momshie Linda, “Pwede bang ipaayos ‘to? Gusto ko kulay ang pink lahat. Ayoko nitong black and white. Ang boring!” Saad ko.

Kumurap-kurap siya bago tumango. Agad niyang inutusan ang isang katulong upang tumawag ng interior designer.

“Doon muna ako sa kwarto ni Kuya Rehan.”

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

In Another Life   CHAPTER 13

CHAPTER 13Quinn “Memorize the vision, mission and quality policy of Gauni and recite it tomorrow. It will be recorded as your quiz. You may go home now.” Zyair announced before leaving the classroom. Kinuha ko ang aking bag at mabilis na sinundan si Zyair. Hindi pa naman siya nakakalayo kaya tinakbo ang distansya namin. “Zyair!” I called him. Kunot noo niya naman akong nilingon. His face remain expressionless.

In Another Life   CHAPTER 12

CHAPTER 12Quinn “Enjoy your first day bebe.” Kuya Reh reminded me while driving. “Of course!” Kahit na ang totoo ay tinatamad ako at gusto kong matulog na lang maghapon. First day naman so maybe I can ditch the class later. “And please behave.” Kuya Riggs added, nakatingin siya sa akin mula sa rear mirror. Kanina ko pa rin napapansin na panay ang pagsusuklay ng kaniyang buhok gamit ang mga

In Another Life   CHAPTER 11

CHAPTER 11QuinnThe house was not that big, enough lang para sa aming dalawa ni Zai. Kompleto ang mga appliances at mukhang bago pa rin naman. Dalawang kwarto sa baba at sa taas naman ay tatlo. Mas pinili ko ang pinakadulo sa taas. Dating kwarto ni Kuya Reh. “Ako na ang bahala mag ayos ng mga gamit mo at sina Kalen naman ang maglilinis, Quinn. Samahan mo na lang si Kuya maggrocery. Pwede ba?” Awtomatiko akong napatingin kay Kalen na nagwa

In Another Life   CHAPTER 10

CHAPTER 10 QuinnI took up my dream course, which is BS Entrepreneurship habang si Zaire naman ay BS Business Administration. Same department kami but medyo magkalayo ang building.

In Another Life   CHAPTER 9

CHAPTER 9QuinnI pouted my lips, pinipigilan ang matawa sa kaniyang sinabi."Alam mo bang ka

In Another Life   CHAPTER 8

CHAPTER 8Quinn Can you believe it? I'm so stupid. Binigay ko ang first kiss ko sa isang gwapong lalaki na ngayon ko lang nakita. I am mesmerized by his charms and looks. Hindi niya yat

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy