Download the book for free
Chapter 7
Author: VinsletteMarkPARANG kailan lang no'ng nag-transfer ako sa Simpkins Academy. Ngunit tingnan mo nga naman, isang buwan na pala akong opisyal na estudyante ro'n.
Hindi ko rin akalain na sa loob ng isang buwan ay nagawa kong i-lugar ang aking sarili sa bago kong mga kaklase, maliban kay Lux. Maging ang aming mga guro'y mabilis ko lamang silang nakamabutihan sa hindi ko malaman na dahilan.
Ngunit hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa 'king isipan ang lahat ng mga nalaman ko. Hindi ko alam pero, mahirap paniwalaan ang lahat ng mga 'yon. Mahirap itong intindihin dahil wala akong makitang patunay na totoo nga ang lahat ng aking mga nalaman.
Kung bakit kasi tinanong ko pa't inalam ang lahat ng mga 'yon? Maaari naman na hinayaan ko na lang, at bahala na silang lahat sa kung ano ang gusto nilang isipin tungkol sa 'kin. Ngunit hindi ko naman maaatim na pinag-uusapan ako ng iba nang hindi ko alam kung bakit. Dahil ayoko sa lahat ay ang hinuhusgahan ako nang hindi man lang nila alam ang totoong mga nangyari. Tsaka curious talaga. Gan'yan naman talaga 'di ba? Kung matalino ka, ma ko-curious ka talaga sa lahat ng mga bagay. Pero hindi naman ako gano'n katalino. Slight lang.
"Greyn? Let's go now!" rinig kong sigaw ni Mom sa baba.
Mabilis kong kinuha ang aking mga gamit sa kama't lumabas sa 'king silid.
"Coming," Tumakbo ako nang matulin, hanggang sa makarating ako sa harap ng mga magulang ko.
"Mom," I look at my Mom, "Dad," next to my dad.
Ngumiti sila sa 'kin, at inabot nila ang dalawa kong mga kamay.
I smiled, "Let's go?" sabi ko't nagsimulang maglakad papunta sa'ming sasakyan.
WE'VE consumed fifteen minutes bago kami nakarating nila mom, and dad dito sa parking lot ng Simpkins Academy.
Inilibot ko ang aking paningin sa palagid. Parang bagong-bago ulit sa 'king paningin ang lugar, though ilang oras ko palang itong hindi nakikita.
But seriously, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakapasok ako rito. Being a student in this Academy is a pleasure for me.
Hindi ko alam kung bakit ang gan'to ang nararamdaman ko rito, ngunit napakasaya ko dahil parang unti-unting nabubuo ang kasiyahan sa 'kin. Parang dito ko nahanap ang saya sa 'king buhay. Ang kapiraso ng aking buhay. Dito ko unti-unting nahanap ang saya na no'n pa man ay hinahanap-hanap ko pa. Pero hanggang ngayon ay pakiramdam ko may kulang pa rin.
"Sweetie? Hindi ka pa ba bababa?" Nakangiting tanong ni Dad na nakayakap kay Mom sa labas ng sasakyan.
Napakamot na lang ako ng ulo. Hindi ko sila napansin na bumaba ng sasakyan dahil sa lalim ng aking iniisip.
"Bababa syempre, may pasok kaya ako." I laughed sarcastically as well as my parents.
"Kung gayon ay halika na, pupunta pa kasi kami ng Mom mo sa Ninong Israel mo," ani Dad, at inabot ang dala kong mga gamit.
"Bakit po kayo pupunta ro'n?" nagtatakang tanong ko kay Sad habang naglalakad kasama sila.
"Kakamustahin lamang namin ang Ninong Israel mo, tsaka ibinilin ko na sa Secretary ko ang lahat ng gawain sa opisina. Kaya ngayon ay magbo-bonding naman kami ngayon ng Mom mo kasama ang Ninong mo," nakangiting saad ni Dad.
"Good thing," I smiled also, "Ikamusta mo na lang ako kay Ninong." They gave me a nodded.
"But anyways, dito na pala ako Mom, Dad. I need to go," m ani ko kaya humalik na ako sa kanilang dalawa. "Bye," tuloy ko pa, at nagsimula nang maglakad palayo.
Napangiti na lang ako nang tuluyan na kaming makalayo sa isa't isa. Natutuwa ako na mayro'n akong mga magulang na gan'yan. Truly that God gave me a wonderful life with a wonderful parents.
"Sana lang ay 'wag kayong magba---"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang may humila sa 'kin, at tinakpan pa ang aking bunganga upang hindi ako makagawa ng ingay.
Nagpumiglas ako upang makawala sa kung sinuman ang gumagawa nito sa 'kin, ngunit bigo ako dahil lubha siyang malakas.
"Tumahimik ka, wala akong gagawing masama sayo," boses ito ng isang lalaki na kilalang-kilala ko.
Pansin ko ang mabilis, at malakas na kaba sa'king puso. Para itong tumatalon dahil sa kagalakan nang marinig kung sino'ng lalaki ang gumawa nito sa 'kin.
"May gusto lang akong malaman tungkol sayo," tuloy pa nito bago ako bitawan.
Nang mabitawan niya ako ay mabilis kong iginala ang mga mata upang alamin kung nasa'n kami. Pansin ko naman na parang walang estudyanteng naglalakad sa paligid. Hindi rin pamilyar ang lugar sa 'kin, ngunit nakakasigurado akong nasa loob pa rin kami ng campus.
"Narito tayo ngayon sa likod ng bodega," bumaling ang aking tingin kay Luxurious na hindi man lang kinakabahan sa kanyang ginawa sa 'kin.
"Kung gayon ay bakit mo 'ko dinala rito?" Pinilit kong maging mataray sa kaniya, ngunit bigo ako. Nanlalambot ako sa kaniya. Parang 'pag tumagal pa kami rito ay baka magahasa ko siya.
Fvck! Bakit kasi gan'to ang nararamdaman ko sayo, Lux?
"Upang walang makarinig sa 'ting pag-uusapan," wika nito na ipinagtaka ko. Gaan ba 'to ka-importante?
Pero sa halip na matakot ako sa kaniya'y naging kalmado lang ako because I know that I'm safe with him.
Marupok ka self?
"Gano'n ba ka-bribado ang pag-uusapan natin kaya dinala mo pa ako rito? O baka naman gusto mo lang akong ma-solo?" Napatakip ako ng bunganga dahil sa sinabi. Hindi ko akalain na 'yon ang lalabas sa'king bunganga.
"Both," aniya sa baritonong boses dahilan upang mapapikit ako nang mariin dahil sa kilig.
So, I'm right, may gusto sa 'kin ang tukmol na'to?
"But I'm serious here, nagkakilala na ba tayo rati? I mean kilala ba kita, at kilala mo 'ko bago pa tayo maging magkaklase?" seryosong tanong niya dahilan upang mapatigil ako.
'Yan din ang gusto kong malaman sa kaniya pero naunahan niya ako. Pero hindi rin pala ako ang nakakaramdam, at nakakapansin nito? Maging siya rin pala?
Gosh! What the hell is happening?
"N-nakakasigurado akong h-hindi p-pa." I chuckled. Bakit ba ako na-uutal?
"Pero gan'yan din ang katanungan ko sa 'king sarili kasi parang kilala kita. I mean parang magkakilala na tayo rati pero hindi ko alam kung paano," nagtataka kong turan, hanggang sa maramdaman ko ang napakalambot niyang labi sa 'kin.
Napapikit ako dahil sa hindi malaman na dahilan, at tumugon sa kaniyang nakakabaliw na halik.
Hindi ko alam pero nagustuhan ko ang kaniyang ginawa. Parang dati na namin itong ginagawang dalawa, kung kaya't kumportableng-kumportable kaming ginagawa ito.
Para akong naglalakabay sa langit dahil sa sensasyon, at sarap na aking nararamdaman. Hindi rin magkamayaw sa pagtalon ng aking puso dahil sa galak.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, at makita ang na mata ni Lux. Parang sa kaniya ko nahanap ang saya na tuluyang bumuo sa 'king pagkatao.
Mahirap paniwalaan ngunit parang kilalang-kilala ko na siya noon pa man. Parang minsan ko na siyang minahal nang lubusan, at nagbigay sa 'kin ng isang hindi matutumbasang pagmamahal.
Parang sa muling pagkakataon ay maisusulat muli ang aming pag-iibigan.
Lux, sana'y gan'to na lang tayo parati.
Muli'y ipinikit ko ang aking mga mata, at dinama ang sarap na dulot ng aming ginagawa.
"Mahal na mahal kita," rinig kong wika niya.
"Mahal na mahal din kita," wika ko rin bago ko maramdaman na binuhat niya ako, at pumasok sa isang madilim na silid.
HINDI ko alam kung anong tumakbo sa'king isipan kung bakit ko nagawa 'yon kanina. Nagmumukha tuloy akong lumilipad na balloon ngayon dito sa loob ng klase dahil pilitin ko mang umayon sa klase ay hindi ko magawa. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala sa 'king isipan ang nangyari sa'min ni Lux. Tapos dito pa talaga sa School huh? I can't imagine that.
Nawala ako sa pag-iisip nang malalim nang may tumapik sa 'kin.
"Anong drama 'yan, huh?" masungit na tanong ni Dwight.
"H-huh?" Balisa kong tanong.
"Really? Ngumi-ngiti ka kaya nang walang dahilan diyan sa upuan mo. Mabuti na lang at hindi ko napansin ng Prof, dahil kung oo, siguradong madadala ka sa Chairperson Office nang wala sa oras," aniya na nakakunot ang noo.
"S-sorry, may i-iniisip lang." Ngumiti ako nang pilit sa kaniya. "Pero p'wede ba kitang maka-usap mamaya?" I asked.
He nodded, "Yeah! Tungkol saan ba 'yan?"
"P'wedeng mamaya ko na lang sabihin sayo? Tsaka maaaring ikaw lang, I mean 'wag nating isama si Jonel?" I requested.
Hindi ko na kasi masyadong pinagkakatiwalaan ang baklang 'yon. Parang namamlastic lang siya sa 'kin, hindi siya tunay na kaibigan. Hindi ako sigurado.
"Sige ba, pero may kapalit huh?" makulit niyang sabi.
I arched my right brow, "Okay. Any payment will do."
He grinned, "Sabi mo, huh? Wala na pang bawian," aniya habang nakangiti nang nakakaloko.
"Gusto mo ba bawiin ko?" pang-iinsulto ko sa kaniya.
Sumigaw siya, "No!"
Dahil sa lakas ng sigaw niya'y bumaling sa 'ming dalawa ang mata ng lahat ng kaklase namin. Maging si Luxurious din ay seryosong nakatingin sa gawi namin ni Dwight. Ngunit mabilis din siyang umiwas ng tingin nang magtama ang may kasingkitan naming mga mata
Hell! Bakit gan'to ako karupok?
Napatakip na lang ako dahil sa kilig, kaya isang tapik ulit ang inabot ko kay Dwight.
"Napapansin na kita, huh?" malungkot niyang wika, but I just smiled at him.
~ginisamyxx
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Heart Knows (R-16) (Filipino) Chapter 18
GREYN Isang linggo na ang nakalilipas mula nang may manyari sa 'min ni Lux. Isang linggo na rin na bumabagabag sa 'kin ang mga narinig na pag-uusap ng mga magulang ko no'ng gabing 'yon. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa kanila kung bakit kailangan naming bumalik agad sa Texas. Kaya napapatanong na lang ako... Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan masaya na ako'y saka kami babalik do'n. Bakit kung kailan naging magulo na ang lahat ay saka kami aalis?
Heart Knows (R-16) (Filipino) Chapter 17
LUXURIOUS NANG MAKALABAS si Greyn mula rito sa loob ng office ni kuya Joven ay napabuntong hininga ako't naikuyom ang mga kamao. Gusto kong magalit kay kuya, pero 'di ko magawa! Sino ba naman kasi ang matinong lalaki na bigla-bigla na lang pumapasok nang walang pahinlot! Well, he has the right to enter in this room because for fvck sake it's his office. Pero mali pa rin ang ginawa niya! Maling-mali! Fvck shít!
Heart Knows (R-16) (Filipino) Chapter 16
AGAD NAMAN akong nakarating dito sa bahay nang hindi namamalayan dahil sa kamamadali. Hanggang ngayon kasi ay hindi maalis sa 'king isipan ang nangyari kanina sa'min ni Lux. Habang nagtatalik kami'y isang pangyayari ang bigla kong naalala, ngunit 'di ko alam kung nangyari ba 'yon talaga o hindi. Para itong alaala na naman, ngunit wala akong matandaang ginawa ko 'yon. I mean is, isang buwan mahigit pa lang na magkakilala kami ni Lux, kaya't malayong dati pa man ay nagtalik na kami. Maliban na lang kung... Dati pa man ay magkakilala na kami. But that's impossible! Kung hindi ko ito maalala'y dapat naaalala ni Lux. Kasi paanong wala kaming maalalang dalawa? An
Heart Knows (R-16) (Filipino) Chapter 15
Halos manlaki ang aking mga mata nang makita ko kung gaano kalaki ang bukol na nagtatago sa loob ng boxer ni Lux. Wala akong nagawa kun'di lumunok na lang kasi hindi ko akalaing gan'yan pala ka-aktibo ang kaniyang bataan. I mean, pumasok na no'n ang bataan niya sa 'king kaselan, ngunit no'ng panahon na 'yon ay madilim kaya'y hindi ko napansin ang kalakihan nito, maliban na no'ng ipasok na niya ito sa 'kin. Kaya naman ay hindi ko maiwasang magulat ngayon. This is actually my second time around to have sex. At hindi ko akalain na siya rin pala ang makakasunod sa una kong karanasan sa pakikipagtalik. Well, siya lang din naman ang kauna-unahang lalaking umangki
Heart Knows (R-16) (Filipino) Chapter 14
GREYN I WAS NOW walking alone here at this empty covered walk while thinking deep. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin maintindihan ang lahat. Mahigit isang buwan na rin palang gan'to ang buhay ko. Maraming katanungan sa sarili na hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na mga sagot. Mga pangyayaring dumadaloy sa 'king isipan na sa tingin ko'y mga alaalang pilit bumabalik, ngunit hindi pa ito malinaw sa 'kin.
Heart Knows (R-16) (Filipino) Chapter 13
WALA NAMAN talagang mali sa kasuotan ko ngayon. I'm still wearing my uniform, as well as Dwight, and Klein. Mas maganda nga ito, kasi malalaman agad ng mga tao na nag-aaral kami sa isang pinakasikat, at pinakamatayog na Akademya sa buong Asia. At hindi sa ipinagmamalaki ito pero parang gano'n na rin. Kasi sino'ng estudyante ang hindi magmamalaking nag-aaral siya sa Simpkins Academy? Pepektusan ko kung sinuman 'yan. Tanyag ito't kilala sa buong mundo. Though nakapag-aral na rin naman ako sa isa pang kilalang University sa States. Pero iba pa rin kasi ito ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa t'wing nababanggit ko o naririnig ang pangalan
Heart Knows (R-16) (Filipino) Chapter 10
ANG pag-uusap namin ni Dwight sa kaniyang kotse ay nauwi sa k'wentuhan. After kasi ng aming kissing scene kuno ay nagtanong-tanong pa 'ko tungkol sa buhay ni Kolyn, at Shunter. Kailangan ko pa
Heart Knows (R-16) (Filipino) Chapter 12
Chapter 12
