Download the book for free
Chapter 5
Author: KCMaeCKathryn's POV
Napag-desisyunan kong libutin na lang ang buong SABAR, baka kasi may iba pang comfort room dito.
Sa gilid ako dumaan para hindi maka-istorbo sa mga sumasayaw sa gitna. Palinga-linga ang ginagawa ko habang naglalakad, hindi ko na nga pinapansin yung nakakaindak na tugtog eh!Lakad...Lakad...Lakad...Lak---Natigilan ako sa paglalakad dahil sa may biglang humawak sa wrist ko.Lumingon ako sa humawak non..."Hi miss! Ako ba ang hanap mo?" sabi niya sakin habang nakangisi.Kumunot ang noo ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sakin.Pervert!"Sino ka ba?! bitiwan mo nga ako!" galit kong sabi sa kanya habang pilit kong kinakalas ang kamay niya sa pagkakahawak sa wrist ko.Pero ang buwiset ayaw akong bitawan, ang higpit narin ng pagkakahawak niya sa wrist ko! "Wag ka na ngang magkunwari Miss!" natatawa niyang sabi sabay hila sakin. Putek ano ba akala niya sakin mahina? "Pag hindi mo pa 'ko binitawan masasaktan kana talaga sakin!" banta ko sa kanya pero ang mokong hindi ata natinag dahil nginisihan niya lang ako.Akala niya siguro nagbibiro lang ako, puwes etong sayo! Dahil nga sa hinila niya ako palapit sa kanya hinawakan ko naman ang kanan niyang balikat gamit ang kaliwa kong kamay at nginitian siya. Napa-smirk siya sa ginawa ko, akala niya siguro papatol nako sa kanya! Not even in his dreams!"Ahh! Arrayy!" namilipit siya sa sakit dahil sa ginawa ko.Tinuhod ko lang naman siya. Dahil nga sa hawak niya ang right wrist ko, ginamit ko ang kaliwa kong tuhod para malakas na maangat yon papunta sa gitna at maselang parte ng katawan niya.Kaya ayun namimilipit siya sa sakit habang hawak-hawak ang junior niya.Tumingin siya sakin nang masama...Tinaasan ko naman siya ng kilay habang nakangisi ang sarap niyang asarin."Don't you EVER MESS ON ME!" sabi ko sa kanya na may kasamang diin sa huling apat na word at tinalikuran na siya. Mahirap na baka gumanti pa siya sakin at tumawag ng ibang tao, ayoko ng gulo lalong lalo na at nasa teritoryo ako ni tita.Mabilis akong naglakad papalayo sa lalaking 'yon, lumilingon-lingon din ako baka kasi sinusundan niya ako. Saan na ba ako pupunta? Nagpapalinga-linga rin ako baka sakaling makita ko sila. Then suddenly may nakita akong mga nagkukumpulan. Anong meron don? Dahil sa curious ako kung anong meron ron ay hindi na ako nag dalawang isip na puntahan yung mga nagkukumpulan, baka sakali naring doon ko sila makita.Third Person's POVNasa isang seryosong sitwasyon sina May, Faith, Sha at KJ's kung saan may mapapanalunan silang pera kapag natalo nila ang kabilang panig.Pero kapag sila naman ang natalo dobleng halaga ng isang daang libo ang ibabayad nila sa kalaban.Dahil lang naman iyon sa kayabangan ni Kent, siya lahat ang may pakana kung bakit sila naroroon at naiipit sa labanan. Imbis kasi na si Kath ang hanapin at makita ay tournament ng UNO ang nakita ng malaki niyang mata. (Flashback)Kanina pa hinahanap ng buong tropa si Kath. Kanila lang ay kasama pa nila ito papasok ng bar, pero ngayon hindi na nila alam kung saan ito pumunta. "Guys! may tournament ng ML dun oh!" sabi ni Kent kasama sina Jem Jeo at Josh na kapwa bagong dating lang.Inutusan kasi nilang tatlo ang mga boys na hanapin si Kath sa buong paligid ng SABAR. "Nasaan si Kath?" tanong ni Sha."Wala." kibit-balikat na sagot naman ni Jeo."Ang sabi namin hanapin niyo si Kath! hindi yung tournament ang nakikita ninyo!" inis na sabi ni May sa mga boys.Kaya naman napag-desisyunan ni May na tawagan ang number ni Kath na naka-save sa phone niya."Sana sagutin mo..." bulong niya sa sarili at sinimulan na niyang i-dial ang number nito.Agad naman itong sinagot ni Kath, hindi pa ito natatapos magsalita ay tinadtad agad siya ni May ng mga katanungan. At napag-kasunduan nilang sa labas sila ng comfort room maghihintay kay Kath. Pero hindi nangyari 'yon dahil bigla silang nilapitan ng nakasabay nila kanina. "Pre! kasali kayo sa tournament ng UNO diba? hinihintay na kayo don." sabi niya kay Kent. "What do you mean?" takang tanong ni Sha sa lalaki."Maglalaro kayo ng UNO, nilista kaya ni Kent ang mga pangalan ninyo." sagot niya kay Sha."Anooo? Pano si Kath pag dumating dito tapos wala tayo?!" bulyaw niya habang nakaharap kay Kent."Aatras ba kayo?" singit na tanong nung lalaki."Wait! what's your name again?" tanong naman ni Sha sa lalaki.Kanina pa kasi ito nasa harapan nila pero hindi man lang nila alam ang pangalan ng lalaki."Mj nga pala, MJ Garcia" pagpapakilala niya kina Sha, May at Faith maliban sa KJ's na kanina pa siya kilala."Pero kasi hindi kayo pwedeng umatras don." dugtong pa niya."We can't? why?" takang tanong naman ni Sha.Samantala, pinukol naman ni May ng masamang tingin si Kent."Malilintikan ka talaga sakin Kent humanda ka!" nanggigigil niyang sabi dito at akmang susuntukin si Kent pero mabilis itong naka-ilag."Kasi mahigpit ang rule nila don kapag nag-back out ka sa laro hindi sila papayag, kailangan may kapalit, its either magbabayad ka ng malaking halaga or tatanggapin niyo ang delikadong dare nila." paliwanag ni MJ sa tanong ni Sha."Kita mo na Kent! Mapapahamak tayo sa ginagawa mo eh!" bulyaw ulit ni May kay Kent at sa pagkakataong ito ay wala ng takas si Kent sa mga kamay ni May dahil sinasabunutan at binabatukan na siya nito. Nakisali rin sa kanila sina Sha at Faith na kapwa inis na inis na rin sa pinag-gagagawa ni Kent.Napapailing na lang sina Josh, Jeo, Jem at MJ habang nakatingin sa kanila.At sa huli wala rin silang nagawa kundi sunggaban ang tournament na pakana ni Kent, dahil pag-uwi nila mamaya ay si Kent naman ang susunggaban nila.(End of Flashback)Walang kumukurap sa kanila...Lahat ng naglalaro ay seryoso pati narin ang mga nanonood ay sa kanila talaga naka-focus ang tingin. Halos pigil-hininga na ang kanilang mga ginagawa.Wala ring umiimik maski ang mga nanonood...Tanging pagbagsak lang ng mga baraha ang maririnig nang biglang..."May? Faith? Sha? KJ's? haha! Comfort room?" nagtatakang sabi ni Kath sa kanila habang may halong sarkasmo sa huling word na binanggit nito.Kathryn's POV
May? Faith? Sha? KJ's? haha! Comfort room?Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon...Seryoso? Nasa comfort room raw sila naghihintay, pero ano 'tong nakikita ko? Nasa tournament sila ng UNO naglalaro!Buti na lang at matangkad ako, thanks to my stiletto, kaya kahit nasa ground floor sila at ako naman ay sa itaas at malayo sa kinarororoonan nila ay nakikita ko parin silang pito.Pero bakit ang tahimik naman nila masyado? Napansin ko lang kasi, simula nang makita ko itong mga nagkukumpulan, wala man lang akong ingay na naririnig ni isa sa kanila hanggang sa makalapit ako.Ganon ba sila kaseryosong manalo sa tournament? Madali lang naman ang UNO ah!Tumingin ako sa right side ko at bumungad sa akin ang isang magandang babae, morena siya, may makakapal na eyelashes at kamukha niya si Moana!"Excuse me, Miss? tanong ko lang bakit sobra namang tahimik dito?" halos pabulong ko nang tanong sa kanya dahil siya ay kapwa tahimik ding nanonood ng tournament.Tumingin siya sakin...Nang nakangiti! mukhang mabait naman siya, lalo niya tuloy naging kamukha si Moana!"Ahh! Actually ngayon lang to naging tahimik, first time mo lang sa SABAR right?" mahina pero malinaw na malinaw sa pandinig ko ang mga sinabi niya."If I'm not also mistaken that seven are your friends." nakangiting dugtong pa niya habang nakaturo sa mga kaibigan ko."Yes, you're right." nakangiti kong sagot sa kanya.Pero paano niya kaya nalaman? Stalker ba si Moana?"By the way, I'm Althea but you can call me Thea." pagpapakilala niya sa akin sabay lahad ng kamay right hand niya.Friendly din pala si Moa--ayy Thea pala!"Kathryn, Kath na lang." sabi ko naman at nag-shakehands kaming dalawa."About pala kanina yung sinabi mong 'ngayon lang to naging tahimik'?" tanong ko nanaman sa kanya, curious talaga kasi ako eh!"Ah! as you can see yung mga kalaban ng mga kaibigan mo is mga classmates ko since grade 7, magaling sila pagdating sa mga competitions like this tournament. Mga competitive ang mga 'yan, highest section kasi. And...it looks like your friends are the so called "contenders", kaya mainit ang labanan ngayon. And, your friends need to win..."Need to win? Tournament lang naman 'yon bakit pa nila kailangang manalo? I mean hindi lang naman 'yan ang tournament dito sa mundo, so it's okay kung hindi man sila ang manalo."Kasi, if ever na matalo ang mga friends mo magbabayad sila ng doble sa prize na mapapanalunan ng kabilang panig, at hindi pa don natatapos..." sagot niya na parang nabasa niya ang katanungan sa isip ko.Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Bago pa ako magsalita ay tumingin siya sakin ng makahulugan, parang sinasabi ng mga mata niya na 'dapat hindi na lang sumali ang mga kaibigan mo sa tournament' bakit kaya?"They need to do the dangerous dare." dugtong pa niya sa huling sinabi.DANGEROUS DARE...DANGEROUS DARE...DANGEROUS DARE...DANGEROUS DARE..."May nanalo na, Kath." boses ni Thea 'yon.
Agad akong lumingon sa kanya ng nagtataka, paulit-ulit kasi sa utak ko ang dangerous dare na sinabi niya. Kung bakit pa kasi may dangerous, para tuloy akong kinakabahan sa mga nangyayari pero teka?"Huh--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa sunod-sunod na mga sinasabi ng mga tao."Sayang pre!" (Boy 1)"Panalo na sana e!" (Boy 2)"Pero in fairness ah! maganda ang ipinakita nilang laban!" (Girl 1)"Uy! abangan natin yung dare nila!" (Boy 3)"Oo nga no? ano kayang klaseng dare ang ibibigay sa kanila?" (Girl 2)"Hey Kath! you ok--"Hindi ko na pinakinggan at pinatapos ang sinasabi ng mga tao pati ni Thea dahil agad akong umalis sa harap niya para pumunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.
Dahil nasa ground floor sila kailangan kong bumaba, pero ang tagal bumukas ng elevator kaya napilitan akong makipag-siksikan sa mga taong bumababa at umaakyat sa iisang hagdan.Ano nang mangyayari sa kanila?
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez Chapter 17
Third Person's POV Naglakad papalapit sina Sha, May, Faith, Kent, Jem, Jeo, Josh, Lee, Denver, Chris Tan, Mark, JC, Stephen, Jake, Harry, Calvin, and Ian sa kinaroroonan nila Kath habang bakas parin sa pagmumukha nito ang pagka-gulat na makita silang lahat na magkakasama at higit sa lahat ay ang makita siya ng nga ito na kasama si Silver. Well, ano namang issue kung makita sila nitong magkasama? Si Silver nga kalma lang ang tingin sa kanila. "Kanina kapa namin hinahanap, Kath!" bungad agad sa kanya ni Faith. Halata ang inis sa boses nito nang sabihin iyon at wala naman ni isang salita ang lumabas sa bibig ni Kath.
Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez Chapter 16
Kathryn's POV "Kuya!" tawag ni Denver sa dumaang waiter. Huminto naman ito sa table namin. "Yes, po?" mabilis niyang tanong. Dumarami na kasi ang mga taong dumarating at umo-order sa greenwich dahil pasado alas-dose na, kaya lahat ng mga crew ay kanya-kanya ng asikaso sa mga customers. Yung iba kumukuha ng order sa mga malayo pa ang pila at yung iba naman ay naghahatid ng mga in-oder na food sa table ng customer."Pwede po humiram ng isa pang chair, 8 po kasi kami." tanong niya kay Kuya Jasper,
Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez Chapter 15
Kathryn's POV Sunday, Fun Run Day.Time check, 3:15 am.Extra t-shirt and pants, check.Face powder, cologne and liptint, check.Handkerchief, hair tie, and hair comb, check.Power bank, ear pods and phone, check.School ID, and myself?"All check." sabi ko sa sarili sabay lagay ng mga iyon sa dadalhin kong bag.Malalaking hakbang ang ginawa ko palabas ng condo unit papuntang elevator.
Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez Chapter 14
Silver's POV "Silv! tapos mo na ba 'yung sa calculus?" tanong sakin ni Den."Pre, nagpasa kana ba nito kay panot?" sunod naman na tanong ni Lee."Par, notebook mo pahiram." habol pa ni Tan."Silver!" sigaw nilang lahat sakin.Tinanggal ko muna ang earphone sa tenga ko at tinigil ang pagbabasa, saka ako tumingin sa kanila. Kung makikita niyo lang sila, para silang mga tuta na nag-aabang ng buto mula sa kanilang amo.
Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez Chapter 13
Chapter 11Third Person's POV Makalipas ang isang buwan...Matapos ang awkward moment sa cafeteria ay hindi na ito muling naulit pa dahil sa pagiging busy nilang lahat as a senior high students.Parang kailan lang ay ayaw na ayaw pa ni Kathryn na umuwi ng Pinas dahil sa 'di malamang dahilan. Ang masamang kutob na kanyang naramdaman nung araw ng kanilang flight ay napalitan ng hindi inaasahang kasiyahan nang lumapag ang sinasakyan nilang eroplano sa bansang kanyang pinagmulan. Dito niya nasaksihan at naramdaman ang pakiramdam ng isang happy and contented person. Tipong panatag na yung loob niya basta kasama niya lang yung mga importanteng tao sa buhay niya. Yung pakiramdam na wala na s
Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez Chapter 12
Kathryn's POV Last subject na namin ngayon at wala pa ang magiging teacher namin sa Earth and Life Science. May mga naririnig ako na masungit daw yung teacher na 'yon. Sino ba naman ang may gustong magkaroon ng masungit na teacher? Wala naman diba! Kahit ako ayoko rin ng masungit. Speaking of masungit...(Flashback)"Silv, bakit hindi kapa kumakain?" narinig kong tanong sa kanya ni Lee.Pero kahit naririnig ko silang dalawa ay nag-focus parin ako sa pagkain ko. Sa totoo lang hindi na nga ako umaangat ng tingin dahil ayokong magkatinginan nanaman kami. Sige lang Kat
Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez Chapter 10
Kathryn's POV "Tsk! they are not still h
Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez Chapter 9
Kathryn's POV
Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez Chapter 8
Third Person's POV After an hour...BUSOG.
Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez Chapter 7
Third Person's POV "Check his pulse and oxygen
