Memuat
Beranda/ Semua /Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez /Chapter 6

Chapter 6

Penulis: KCMaeC
"Tanggal publikasi: " 2020-08-29 15:29:08

Kathryn's POV 

Magbabayad na nga sila ng doble sa presyong mapapanalunan ng mga nakalaban nila tapos kailangan pa nilang tumanggap ng isang delikadong dare!

It's absurd!

Malapit na ako sa kanila...

Konti na lang kaso ang daming tao ang nagsisiksikan at....kumpulan nanaman?

Hayst! Bahala na nga

"Excuse...excuse meee...ex--Aray!"

Ano ba naman 'to! nag-excuse na nga tapos mang-babangga pa, sino ba kasi yung pinagkukumpulan nila! 

May artista ba? Si Jimin ba 'yan? 

Hayst! Ang daming nangyari sakin ngayong gabi! 

Lumingon ako sa gawi nila May at nakita kong nag-uusap sila ng mga nakalaro nila kanina. I guess, pinag-uusapan na nila ang tungkol sa dare.

"May!" tawag ko sa kanya habang naglalakad papunta sa kinaroroonan nilang lahat.

Napatingin naman silang lahat sa gawi ko...

Hanggang sa makarating ako sa kanila ay nakatingin parin silang lahat sa akin, ni wala man lang 'Kath! nandyan ka na pala' or 'Sorry Kath, sumali kasi kami sa tournament' hayst!

"Wala kayo sa comfort room, what happened?" sarcastic kong tanong sa kanila habang ngumingiti-ngiti.

"Eto kasing si Kent! yang mokong na'yan ang may pakana ng lahat ng 'to eh!" sabi ni May sa akin habang dinuro-duro si Kent. 

Hhhmm...parang mangangamoy tournament mamaya sa mansiyon.

Kaming pito VS. Kent

Huh! mukhang magandang labanan to mamaya...

Napatingin ako sa mga nakalaban nila hmmmm...halata ngang mga competitive at may mga appeal din, cute nga yung isa eh HAHAHAH!

"By the way, this is Stephen, Jake, Harry, JC, Calvin, Ian, and I'm Mark." pagpapakilala isa-isa nung Mark sa mga kaibigan niya at sa sarili niya sa amin.

So kanina pa sila magkakaharap tapos ngayon lang nila naisipang magpakilala.

Speaking of magpakilala, JC pala ang pangalan ng cutie na iyon. Minsan talaga ang attractive tignan ng mga moreno at morena, kanina lang na meet ko si Moan--aishh! Thea, tapos ngayon another moreno nanaman na ang pangalan ay JC tsk! Mga nilalang talaga dito sa mundo ang gaganda!

"I'm Kathryn." pagpapakilala ko habang wine-wave ang kanang kamay ko sa kanilang pito.

"Ako nga pala si May, it is nice to play with you guys!" pagpapakilala niya sa kanila.

I wonder, if magiging nice parin ba to kay May kapag natanggap na nila yung dare para sa kanila huhuhuhu!

"Faith nga pala!" medyo boyish na pagpapakilala ni Faith.

"Juliana." tipid na sabi ni Sha sa pito.

Mukha namang magkakilala na sila ng KJ's, sa mga tinginan pa lang kasi nila alam na. 

"So paano niyo kami babayaran?" maangas na tanong ng katabi ni JC, I guess he's Calvin?

His name suits him well...Very very well

Tinaasan ko siya ng kilay hmp! Anong akala niya sa tinalo nila? Poor? That can't spend thousands of money? 

"Before you get the money, tell us first the dare that my friends need to do." seryoso kong sabi sa kanila. 

Naba-badtrip tuloy ako dahil sa maangas na pagmumukha ng Calvin na iyon! 

"Meme, here!" napalingon kaming lahat sa tinawag ni Stephen. 

Omg! kilala niya si Tita? But how? Couple ba sila? CS ba nila yung 'meme'?

"Guys, siya ang CEO ng SABAR." pagpapakilala ni Mark sa mga kaibigan ko kay Tita na naglalakad na ngayon papalapit sa amin.

Feeling ko sa kanilang pito ito lang ang may nice personality. Yung iba kasi snob lalo na yung JC tsk! Cute pa naman niya!

"Mga anak congratulations kayo nanaman ang panalo!" sabi ni Tita sabay yakap at beso sa kanilang pito. 

Anak? Seryoso?

Pagkatapos silang yakapin at i-beso ni Tita ay bigla naman itong lumingon sa gawi namin.

"Kath?" gulat na banggit niya sa pangalan ko nang makita niya ako.

What now? Magagalit ba siya sa akin? 

"Yes tita!" sabi ko sa kanya habang pilit na ngumingiti sa mga kaibigan kong naguguluhan na kung anong nangyayari pati narin sina Mark.

"I thought you're leaving na kanina, are they your friends?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga katabi ko.

"Yes po tita, they are my friends at ngayon ko lang po sila nakita dahil sumali po pala sila sa tournament." paliwanag ko sa kanya. 

Sana maniwala siya totoo naman yun eh!

"Meme? bakit tita ang tawag niya sayo? Sabi mo wala kang kamag-anak?" takang tanong naman sa kanya ni Mark.  

Well ngayon meron na hahaha chour! 

"I'm sorry mga anak the truth is...she is my niece." tapos bigla siyang humarap sa mga kaibigan ko.

"...kanina lang kami nagkita that is why nawala ang kaibigan ninyo. Pasensya na sa abala." paliwanag niya sa mga ito.

"Ah! wala po iyon masaya po kami at nagkita na po kayo sa wakas. Wala man pong nababanggit sa amin na problema si Kath ay naiintindihan naman po namin iyon." natatarantang sabi ni May kay Tita.

Akala niya siguro may problema akong nililihim hahahah!

"Actually ngayon lang ito nalaman ni Kath." nakangiting sabi ni tita kay May.

"Ay ganon po ba? Sige po hahaha." natatawa na may halong hiya na sabi ni May.

Natatawa naman akong binalingan ni Tita.

"Kath, I like your friend she's so funny!" sabi niya habang natatawa rin. 

"Like? Edi dun kana sa kaniya!" sabat naman sa kanya ni JC.

Ay! Seloso pala si cutie hahaha!

"Nga pala mga inaanak ko silang pito at dito sila laging tumatambay tuwing bakasyon." habang sinasabi 'yon ni Tita ay pinanggigigilan niya ang pisngi ni JC wahh so cute!

"Excuse me lang po." 

Napatingin kaming lahat sa nagsabi non.

Huh! Nagsalita ang may pakana ng lahat...it's Kent.

"Yes hijo?" agad namang tanong ni Tita.

Ano nanaman kayang gagawin nito! Humanda talaga sakin to mamaya pag-uwi!

"About po sana sa perang ibabayad namin dahil kami ang nata--" naputol ang sasabihin ni Kent dahil nagsalita na agad si Tita.

"Don't worry! hindi na kayo magbabayad. Like Kath para ko narin kayong pamangkin so you are free here in my SABAR." masaya niyang sabi kay Kent.

"Tita? Sigurado po ba kayo?" tanong ko sa kanya, nakakahiya!

"Yes my niece, I'm sure of it." nakangiti niya paring sabi sakin.

"Yes! wala na 'kong kasalanan sa inyo ahh!" nagwawala at tuwang-tuwa na sabi ni Kent sa amin.

Hindi pa 'to tapos Kent...

Nagsitawanan naman silang lahat sa inasal ni Kent, samantala kaming mga girls naman ay makahulugang nagtinginan. Humanda lang talaga siya mamaya sa amin at nakitawa na rin kami sa kanila.

Bigla ko pa lang naalala! Paano na yung dangerous dare nila? 

Ahh baka exempted narin kami don? Oo nga exempted na kami!! hindi naman siguro kami ipapahamak ni Tita eh! Tama...yes! no worries na ako wala ng dare! 

****

Pagkababa namin ng Van ay agad kaming nagkatinginan nina Faith, May at Sha. Ibig sabihin lang naman non ay sisimulan na namin ang kanina pa namin binabalak para kay Kent.

"Ahhhh! nakakapagod!" sigaw ni Kent pagpasok na pagpasok pa lang namin sa mansiyon.

Sige lang i-enjoy mo lang...

Dumiretso naman kaagad sina Josh, Jeo at Jem sa exclusive room, samantala kaming mga girls ay tumambay muna sa may mahabang sofa.

"Kent!" sigaw sa kanya ni Sha.

Lagot ka ngayon...

"Why?" tanong naman ni Kent kay Sha.

Sinenyasan naman siya ni Sha na lumapit sa kinaroroonan namin dito sa sofa.

"Kanina pa talaga ako nagtitimpi diyan kay Kent eh!" bulong sa akin ni May na katabi ko ngayon.

"Ako din, ang kulit!" dagdag pa ni Faith sa sinabi ni May.

Huminto naman sa harap namin si Kent habang nakangiti.

Tignan lang natin kung magagawa mo pang ngumiti!

Tumayo si Sha na nasa kaliwa ko nakaupo at pumunta sa likod ni Kent. 

"Bakit ano--ahhhhhh!" namimilipit sa sakit si Kent dahil sa ginawa sa kanya ngayon ni Sha. 

HAHAHAHAHA!

Binalibag lang naman siya ni Sha habang nakaharap samin si Kent, kaya ayan bumagsak siya sa sahig, buti na lang at may carpet kaya hindi masyadong mada-damage ang likod niya HAHAHA!

"Arrayy! ano nanaman bang kasalanan ko!? Bati na tayo dibaa!" namimilipit siya sa sakit habang sinasabi 'yon.

Tumayo naman si May at sinugod si Kent na nakahandusay parin sa sahig.

"Ikaw kanina pa talaga ako nagtitimpi sayo!" nanggigigil na sabi ni May habang kinikiliti niya si Kent.

"Ahhh tamaaa naaa ayyookko naa Mayy wagagahahahah!" sigaw ni Kent.

Halos mamaos na siya kakasigaw kay May dahil halos mamatay na siya sa sariling kiliti niya sa katawan.

Pero hindi siya pinakinggan ni May dahil tuloy-tuloy parin ang pagkiliti nito sa kanya.

"Faith, dalii hawakan mo yung kamay niya." tumayo naman si Faith at tinulungan narin si May.

Natatawa akong lumapit kay Kent at binigyan siya ng nakakalokong ngiti.

"Kathrynnnnnnnn!! wwwaaagg kaa lalaaapiitt aahahahah!" sigaw sa akin ni Kent habang nagpupumiglas sa pangingiliti nina May at Faith. 

"Ako na sa paa!" natatawa kong sabi sa kanila at hinawakan ko na nga ang naninipang paa ni Kent hahaha!

"Aaaaaa KATHRYN waggggahahah asdeizswksmahahahah ayoookuuu naaaa!" nagmamakaawang sigaw ni Kent sa amin habang si Sha naman ay kinukuhanan kami ng litrato at video. 

Ganito kasi kami kapag may ginawang hindi maganda si Kent, maliban kay Sha. Kung sa akin nangungurot si Sha pagdating naman kay Kent nambabalibag yan papaano nag-aral ba naman ng taekwondo.

"Wait! nag shutdown yung phone ko low battery, charge ko lang!" paalam sa amin ni Sha habang patuloy parin kami sa pagkiliti kay Kent.

"Be right back!" sabi ko na lang sa kanya.

"Ahhh ayaaawwkonaaahahahha!" pagmamakaawa naman sa amin ni Kent

After 3 minutes...

"Ahahhahaha tama na nga 'to kawawa na si Kent." pagod na sabi ni May sa amin sabay lumpiga sa carpet.

Ako naman nakasandal na sa may paanan ng sofa katabi ng paa ni Kent.

Speaking of Kent hahahahha alam niyo ba kung anong itsura niya? Hahaha para lang naman siyang sinapian ng isang daang masamang espirito dahil sa sobrang lupaypay ng katawan at garalgal na boses. Naka-pikit ang dalawa niyang mata habang habol ang sariling hininga, ikaw ba naman pag-tulungan na kilitiin ng tatlong babae. 

"Hoy Kent? okay ka pa diyan?" natatawa kong tanong sa kanya pero dinedma niya lang ako. 

"Castro!! May round 2 pa! Haha!" sigaw naman sa kanya ni May.

"Hindi pa tayo tapos Kent Hahaha! uy Kent! Kent..." yugyog sa kanya ni Faith na nasa gilid lang ni Kent naka-indian sit. 

"Hoy Marc Kent!?" umalis ako sa pagkakasandal at gumapang papalapit sa kanya, nanghihina kasi ang tuhod ko dahil sa pwersang nilabas ko kanina, pano ba naman ang lakas ng mga binibitawang sipa ni Kent plus yung mga tawa pa namin na lalo talagang nakakapanghina.

"Ayaw sumagot?" naka-ngiti kong tanong kay Faith.

"Ayaw nga eh syete baka nagkukunwari lang 'to tapos biglang manugod hahaha!" sagot sakin ni Faith na ikinatawa naman naming tatlo. 

Iniisip ko pa lang parang gusto ko na agad tumakbo hahha baka kasi bigla na lang talaga manugod 'tong si Kent.

"Kent? Hoy ano ba? wag ka ngang magbiro ng ganyan! Kent!?" tinutusok tusok ko ang tiyan niya na may kiliti pero hindi man lang siya gumagalaw or nagrereklamo. Nakapikit din ang mga mata niya takte! Baka naman ng go-good time lang to?

Shit! Bigla akong kinabahan...

"Uyy! Kent! May si Kent oh ayaw magsalita!" nag-aalalang boses ni Faith habang tinatawag si May na nakahiga parin.

Ako naman patuloy ko paring niyuyugyog ang balikat ni Kent pero di parin siya dumidilat or nagrereklamo man lang...lalo tuloy akong kinakabahan!

Bumangon naman si May sa pagkakahiga at tinignan kami nang nagtataka, while Faith and I both look at her in a worried face. 

"May! si Kent!" nanginginig ang boses kong sabi sa kanya.

Agad naman siyang tumayo at mabilis na lumapit sa amin.

"Kent? Kent! Kent!" sigaw sa kanya ni May pero still wala pa ring imik na nanggagaling mula kay Kent. 

Shit! kapag may nangyaring hindi maganda kay Kent lagot kami nito!

"Oh!? ano nang nangyari?" boses ni Sha na kakababa lang ng hagdan.

"Sha, si Kent!" sigaw ni May.

Ingin tahu kelanjutannya?
Lanjutkan Membaca
Bab Sebelumnya
Bab selanjutnya

Bagikan buku ke

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Bab terbaru

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 17

Third Person's POV Naglakad papalapit sina Sha, May, Faith, Kent, Jem, Jeo, Josh, Lee, Denver, Chris Tan, Mark, JC, Stephen, Jake, Harry, Calvin, and Ian sa kinaroroonan nila Kath habang bakas parin sa pagmumukha nito ang pagka-gulat na makita silang lahat na magkakasama at higit sa lahat ay ang makita siya ng nga ito na kasama si Silver. Well, ano namang issue kung makita sila nitong magkasama? Si Silver nga kalma lang ang tingin sa kanila. "Kanina kapa namin hinahanap, Kath!" bungad agad sa kanya ni Faith. Halata ang inis sa boses nito nang sabihin iyon at wala naman ni isang salita ang lumabas sa bibig ni Kath.

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 16

Kathryn's POV "Kuya!" tawag ni Denver sa dumaang waiter. Huminto naman ito sa table namin. "Yes, po?" mabilis niyang tanong. Dumarami na kasi ang mga taong dumarating at umo-order sa greenwich dahil pasado alas-dose na, kaya lahat ng mga crew ay kanya-kanya ng asikaso sa mga customers. Yung iba kumukuha ng order sa mga malayo pa ang pila at yung iba naman ay naghahatid ng mga in-oder na food sa table ng customer."Pwede po humiram ng isa pang chair, 8 po kasi kami." tanong niya kay Kuya Jasper,

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 15

Kathryn's POV Sunday, Fun Run Day.Time check, 3:15 am.Extra t-shirt and pants, check.Face powder, cologne and liptint, check.Handkerchief, hair tie, and hair comb, check.Power bank, ear pods and phone, check.School ID, and myself?"All check." sabi ko sa sarili sabay lagay ng mga iyon sa dadalhin kong bag.Malalaking hakbang ang ginawa ko palabas ng condo unit papuntang elevator.

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 14

Silver's POV "Silv! tapos mo na ba 'yung sa calculus?" tanong sakin ni Den."Pre, nagpasa kana ba nito kay panot?" sunod naman na tanong ni Lee."Par, notebook mo pahiram." habol pa ni Tan."Silver!" sigaw nilang lahat sakin.Tinanggal ko muna ang earphone sa tenga ko at tinigil ang pagbabasa, saka ako tumingin sa kanila. Kung makikita niyo lang sila, para silang mga tuta na nag-aabang ng buto mula sa kanilang amo.

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 13

Chapter 11Third Person's POV Makalipas ang isang buwan...Matapos ang awkward moment sa cafeteria ay hindi na ito muling naulit pa dahil sa pagiging busy nilang lahat as a senior high students.Parang kailan lang ay ayaw na ayaw pa ni Kathryn na umuwi ng Pinas dahil sa 'di malamang dahilan. Ang masamang kutob na kanyang naramdaman nung araw ng kanilang flight ay napalitan ng hindi inaasahang kasiyahan nang lumapag ang sinasakyan nilang eroplano sa bansang kanyang pinagmulan. Dito niya nasaksihan at naramdaman ang pakiramdam ng isang happy and contented person. Tipong panatag na yung loob niya basta kasama niya lang yung mga importanteng tao sa buhay niya. Yung pakiramdam na wala na s

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 12

Kathryn's POV Last subject na namin ngayon at wala pa ang magiging teacher namin sa Earth and Life Science. May mga naririnig ako na masungit daw yung teacher na 'yon. Sino ba naman ang may gustong magkaroon ng masungit na teacher? Wala naman diba! Kahit ako ayoko rin ng masungit. Speaking of masungit...(Flashback)"Silv, bakit hindi kapa kumakain?" narinig kong tanong sa kanya ni Lee.Pero kahit naririnig ko silang dalawa ay nag-focus parin ako sa pagkain ko. Sa totoo lang hindi na nga ako umaangat ng tingin dahil ayokong magkatinginan nanaman kami. Sige lang Kat

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 11

Silver's POV Mabilis kong pinaharurot papuntang SWISC ang sinasakyan kong kotse. Kung bakit kasi ngayong first day pa ako na-late ng gising! Peste talag

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 10

Kathryn's POV "Tsk! they are not still h

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 9

Kathryn's POV

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 8

Third Person's POV After an hour...BUSOG.

Bab Lainnya
Unduh Buku
GoodNovel

Unduh Buku Gratis di Aplikasi

Unduh
Cari
Pustaka
Pencarian
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Cerita Pendek
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
MenulisKeuntungan PenulisLomba
Genre Populer
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Hubungi kami
Tentang kamiHelp & SuggestionBisnis
Sumber
Unduh AplikasiKeuntungan PenulisKebijakan KontenKata kunciPencarian PopulerUlasan bukuFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Komunitas
Facebook Group
Ikuti kami
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Syarat Penggunaan|Kebijakan Privasi