loading
Home/ All /Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez /Chapter 7

Chapter 7

Author: KCMaeC
"publish date: " 2020-08-29 16:12:30

Third Person's POV

"Check his pulse and oxygen saturation!" mabilis na utos ng doktor sa nurse.

"Oxygen saturation is critical!" mabilis na sagot ng nurse matapos nitong i-monitor ang pasyente.

"I need the defibrillator!" utos ng doktor sa isa pang nurse. 

Mabilis namang ibinigay ng nurse ang hinihingi ng doktor. 

"200 joules...Charge...Clear!" sabi ng doktor. 

Pero hindi parin nadugtungan ang nag-aagaw buhay na pasyente at tuluyan na nga itong namaalam sa mundo...

Bagsak ang balikat na lumabas ang doktor habang may lungkot sa mga mata nito, pero hindi siya pwedeng magpa-apekto sa mga nangyayari dahil isa siyang doktor. 

Tungkulin niya ang magligtas ng buhay pero kung oras na talaga ng pasyente ay wala na siyang magagawa pa ron dahil ginawa na nila ang abot ng kanilang makakaya. 

Naglakad siya patungo sa waiting area kung saan naroroon ang mga magulang ng pasyenteng pumanaw. Sinalubong agad siya ng mga nag-aalalang magulang ng pasyente.

"Dok! kumusta po ang anak ko?" naluluhang tanong sa kanya ng may edad na babae.

Ayaw niya itong tignan sa mga mata maski ayaw rin niyang marinig ang nag-pipigil na mga hikbi nito...Pero kailangan nitong malaman ang totoo. Tinignan ng doktor ang babaeng naghihintay ng kanyang kasagutan.

"I'm sorry, Mrs. Fuentabella." yun na lamang ang kanyang nasabi dahil humagulgol na sa iyak ang ina ng pasyente.

'Yun naman talaga ang mga katagang palaging sinasabi ng mga tulad niyang namamatayan ng pasyente. 

"Hindi! ang anak ko! bakit? Dok bawiin mo ang sinabi mo! Hindi 'yan totoo!" nagmamakaawang sabi sa kanya ng ina ng pasyente. 

"I'm sorry, Mr. and Mrs. Fuentabella pero... ginawa na po namin ang lahat ng makakaya para isalba ang anak ninyo." yumuko siya sa mga ito para magbigay galang at tuluyan nang umalis.

**

Ayon ang eksenang nasaksihan ng magkakaibigan, habang hinihintay ang doktor na umasikaso kay Kent. 

Pare-pareho silang naaawa sa kalagayan ng mga magulang na iniwanan ng pasyente. Sobrang sakit para sa mga ito ang mamatayan ng anak. 

Bigla silang napatayo nang may lumapit na doktor sa kanila.

"Hi, Uncle John!" sabi agad ni Jeo sa doktor na nasa harapan nila. Nginitian naman ng doktor si Jeo. 

Pagmamay-ari kasi ng uncle niya ang private hospital na iyon at kasosyo rin ng mga magulang nila pagdating sa business.

"Ano na pong nangyari kay Kent, Dok?" agad na tanong ni May.

"Well, wala namang nangyaring masama sa kanya he just collapsed, but now gising na siya. Ano bang ginawa niyang nakakapagod at nahimatay siya? He looks exhausted kanina." tanong sa kanila ng doktor. 

Nagkatinginan naman sina Kath, May, Faith at Sha...

Hindi nila alam kung sasabihin ba nila o hindi ang ginawa nilang pangingiliti kay Kent.

"Doc? Is it possible if Kent collapsed just because...because we tickled him?" nag-aalinlangang tanong ni Kath sa doktor. 

Bigla namang natawa sa kaniya sina Josh, Jeo, at Jem. 

"HAHAHAHA so kayo pala may pakana kung bakit nahimatay si Kent ah!" natatawang sabi sa kanila ni Josh.

"Kaya pala ang tahimik niyo kagabi sa Van may mga balak pala kayo kay Kent!" pang-aasar naman ni Jem sa mga girls pero tinarayan lang siya ng mga ito.

"Kiniliti lang naman namin yon! Malay ba naming hihimatayin siya sa sarili niyang kiliti!" depensa naman ni May.

"Hmm! So kiniliti niyo pala siya...wala naman akong nakitang ibang sign ng pagkahimatay niya. So it's possible, lalo na't kiliti yun eh! Hindi niyo ba tinantanan?" nakangiting sabi sa kanila ng doktor.

"Hhhmmm...hindi po doc hahahah!" sabay-sabay na sabi ng mga girls habang nag-pipigil ng tawa dahil sa ginawa nila kay Kent.

Nakikitawa narin sa kanila ang doktor nang biglang may lumapit rito.

"Doc! pinapatawag po kayo sa room 110." sabi sa kanya ng nurse pagka-lapit na pagka-lapit nito. 

"Okay, susunod na ako." sabi ng doktor sa nurse. 

"...pano ba 'yan may gagawin pa ako, puntahan niyo na ang kaibigan niyo baka hinahanap na kayo non." sabi naman nito sa kanila.

"Sige po, thank you po Doc!" sabay sabay na sabi nilang magkakaibigan at naglakad na ang ito papunta sa kwarto kung saan naroroon si Kent.

"Jeo!" tawag ng doktor sa papalayong bulto ng pamangkin niyang si Jeo.

Mabilis naman itong lumingon sa kinaroroonan niya.

"Yes, uncle?" nakangiting tanong sa kanya ng pamangkin.

"Take care of yourself!" sincere na sabi nito sa kanyang pamangkin.

Nginitian naman siya ni Jeo bilang tugon at tuluyan na nga itong naglakad papalayo.

Kathryn's POV

Nandito na kami ngayon sa harap ng kwarto kung saan naka-admit si Kent. It's a private room, ang uncle ni Jeo which is yung Doctor na nakausap at nakatawanan namin kanina ang may gusto na dito siya ilagay at wag ihalo sa ibang pasyente. Well, siguro kasi kasosyo nya ang mga magulang namin kaya ganon...

*knock knock knock 

Pagkatapos kong kumatok ay binuksan ko kaagad ang pinto at pumasok na kaming lahat. Pagkapasok namin ay bumungad agad sa amin ang maingay na sound ng TV. "As The God's Will" ang palabas at tutok na tutok si Kent sa panonood.

Hala! Baka galit to sa amin...

After an hour...

Natapos na ang movie na pinapanood ni Kent pero hindi parin niya kami pinapansin. 

"Okay kana Kent?" tanong sa kanya ni Josh. 

Tinanguan naman siya ni Kent bilang sagot.

Ako naman tinititigan ko siya para tumingin sa akin kaso mailag yung mata niya. Galit nga talaga siya. 

Siniko ko si Sha na katabi ko lang dito sa sofa. Tumingon siya sakin.

"Galit si Kent." naka-pout kong sabi sa kanya.

"Hayaan na lang muna natin siya." sabi na lang niya sakin. 

Hayaan? Parang hindi ko naman kayang hayaan siya na hindi namamansin sa amin. Nagi-guilty tuloy ako sa pinag-gagagawa namin sa kanya! 

"Tara! let's buy foods?" yaya ni May sa amin.

"Sama ako!" sabi sa kanya ni Faith.

Tumayo naman ang katabi ko na si Sha, sasama din siguro siya. 

"Oy kayong tatlo di niyo kami sasamahan? Ikaw Kath? lets go!" yaya sakin ni Faith pero umiling lang ako at sinenyasan ko siya tungkol kay Kent.

Tinanguan naman niya ako at umalis na sila kasama sina Josh, Jeo at Jem. 

Madaling araw pa lang ngayon at wala pa kaming tulog simula nang dalhin namin si Kent sa Hospital. Pero pwede na siyang makalabas mamaya, sadyang kailangan niya lang talaga ng pahinga. 

Hindi ko talaga akalaing mahihimatay siya sa sobrang kiliti namin sa kaniya. Nagi-guilty ako! Hindi ko naman kayang magalit siya sa amin ng ganito katagal. 

"Kent?" tawag ko sa kanya, kahit na walang kasiguraduhan kung gising nga ba siya or tulog. 

Nakahiga na kasi siya ngayon at naka-talikod sa akin.

"...uy! galit ka ba sa ginawa namin? Kent?

*sniff

sorry na...*sniff

wag ka na magalit samin

*sniff "sabi ko sa kanya habang nakatalikod parin siya sakin.

Sana naman narinig niya diba! Kaso wala parin siyang imik kaya naman yumuko na lang ako at palihim na umiyak.

*sniff

*sniff

*sniff

Naramdaman kong biglang gumalaw yung kamang niyuyukuan ko, senyales na nagising ko siya or naririnig niya kong umiiyak.

"Oo na! Hindi nako galit! wag ka na umiyak Kathryn!" boses ni Kent habang ginugulo-gulo ang buhok ko.

Pero patuloy parin ako sa pagiyak HAHAHA!

*sniff *sniff

"Kathryn! di na nga ako galit! wag ka na umiyak diyan!" nag-aalala niyang sabi sakin.

Tumigil naman ako sa pag-iyak at kinusot-kusot ang dalawa kong mata na parang bata at tumingin sa kanya.

"Hindi kana galit?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Putik! akala ko umiiyak ka!" hahahaha nagiyak-iyakan lang naman ako eh! 

"Bati na kasi tayo!" pangungulit ko sa kanya.

"Oo na! bati na!" sabi niya sakin sabay ngiti. 

Hihihi 'di rin niya ko matiis.

"Pero sorry talaga ah!? Okay ka na ba ngayon?" sincere kong tanong sa kanya.

"Okay na 'ko." sagot naman niya.

"Sa susunod kasi Kent wag mong kakalimuta ang huminga, nahimatay ka tuloy hahaha!" biro ko sa kanya na ikinatawa rin naman niya.

"Bwiset ka talaga Kathryn!" sabi niya sakin habang ngingiti-ngiti. 

Hay! thank god! bati narin kami sa wakas.

"We're here!" sigaw ng kakapasok lang na sina May at Faith habang nakataas ang tig-dadalawang plastic ng Jollibee na hawak nila.

Sunod namang pumasok ay si Sha na may dalang S&R pizza at ang boys na may bitbit na milk tea. 

Oh! Heaven!

Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom. 

***

Time check 7:51 am at kakalabas lang namin ng hospital. Grabe...wala pa kaming tulog at mukha na kaming pagala-galang zombies dito sa daan HAHAHA! 

Maganda ang weather ngayon hindi masyadong mainit at katamtamang lamig lang...ang saya gumala ng maaga.

Wala kasi kaming kotseng dala dahil wala pa naman kami sa legal age para mag drive ng kotse, kaya tatawag na lang kami mamaya kapag gusto na naming umuwi. Sa ngayon kasi halata naman samin na ayaw pa naming umuwi.

Dahil sa saturday naman ngayon, napag-desisyunan naming pumunta sa simbahan para magpasalamat sa kanya. 

Pero wala naman kaming dalang sasakyan kaya mag ga-grab na lang kami papunta sa simbahan.

After 15 mins...

Huminto ang sinasakyan naming kotse sa maraming tao at puro paninda na naka-latag sa gilid ng kalsada.

Baclaran Church...

Pagkatapos nilang mag bayad ay bumaba na kaming lahat, buti na lang talaga at may sarili kaming dalang pera na hindi rin naman nabawasan kanina sa hospital bill ni Kent dahil free na lang daw yon sabi ng uncle ni Jeo.

"Sampaguita!"

"Bili na kayo ng sampaguita!"

May lumapit na bata sa harapan namin habang may hawak-hawak na maraming sampaguita. 

"Mga ate, kuya! bili na kayo ng sampaguita sampung piso lang po." alok niya sa amin.

"Sige, pabili kami." sabi ko naman sa kanya at kumuha ako ng walong sampaguita.

"Oh! sayo na lang ang sukli." sabi ko sa kanya sabay abot ng 100 pesos at pumasok na kami sa malaking gate ng simbahan kasabay ang maraming tao. 

"Maraming salamat po!" pahabol niyang sabi sa amin, nginitian na lang namin siya bilang tugon.

***

Kakatapos lang ng misa at dumiretso kami dito sa mga nagsi-sindi ng kandila, kumuha ako ng four candles para 'yon kay Lolo, Lola sa side ni Dad at sa mga kamag-anak naming namaalam na, sinindihan ko 'yon gamit ng kandilang may apoy na nakatirik din dito.

Mabuti na lang at naabutan pa namin kanina yung 2nd batch ng misa, kaso wala na kaming ma-upuan kaya nakatayo kaming walo pati ang ibang mga tao hanggang sa matapos ang misa.

"Where's May?" tanong sa akin ni Sha, nag sign of the cross muna ako bago ko siya sinagot.

"Baka nag CR?" sabi ko na lang sa kanya.

"Mmm! speaking of May." pahabol ko dahil bigla kong nakita ang taong hinahanap ni Sha.

Papalapit na siya sa'min...

"Mag-wish tayo dun oh!" yaya agad ni May sa amin pagka-lapit na pagka-lapit niya sa kinaroroonan namin. 

Hinintay muna naming matapos yung mga boys saka pumunta sa sinasabi ni May. Ang daming mga tao, picture dito picture doon, may mga couples din at yung iba masayang kasama ang kanilang mga pamilya. 

Nakakainggit silang lahat...

Ang daming tao ang nag-huhulog ng barya sa small fountain, ang dami ring pera. 

Sabi nila kapag nai-shoot mo raw yung barya doon sa maliit na butas or kahit sa mga bato bato ay may chance raw na matupad ang wishes mo. 

Pero kapag nahulog siya sa net hindi daw matutupad. Kaya heto kaming lahat trying hard sa pag-shoot HAHA!

"MOA tayo pagkatapos nito!" yaya nanaman sa amin ni May.

Wait! kanina pa 'to nagyaya ah! hindi ko pa nga ma-shoot yung pera may bago nanaman siyang gustong puntahan! Kaloka!

"May, kain muna tayo pwede?" sabi sa kanya ni Kent. Gutom nanaman ang pasyente.

"Oo nga! Kaninang madaling araw pa yung last na kain natin eh!" pagsang-ayon naman ni Josh sa sinabi ni Kent. 

"Edi let's go! gusto ko na ring kumain." payag din naman ni May sa kanila.

Pero hindi! hindi ako titigil hanggat hindi 'ko naii-shoot 'tong pera sa kamay ko! Kung bakit ba naman kasi ang hirap hirap i-shoot to.

"Kath! sumuko ka na ang dami mo na kayang nahulog na pera." sabi sakin ni Sha. 

Ahh! Ayoko! No way!

"Na-shoot mo na yung iyo?" tanong ko sa kanya.

"Oo kanina pa! sinabi ko pa nga sayo hindi mo lang narinig kasi trying hard ka sa pag-shoot diyan!" lecture niya sakin.

Napa-pout na lang ako sa kanya dahil hindi ko talaga ma-shoot yung barya. 

"Guys! Look!" sabi naman ni Faith habang hawak yung cellphone niya at nag groupfie kami.

Pero tumingin lang ako sa camera at nag-pout.

"Ay, bakit naka-pout ka dito Kath?" kunot noong tanong ni Faith sakin habang tinitignan yung picture namin.

"Di niya kasi ma-shoot yung pera haha!" pang-aasar na sagot ni Sha sa tanong ni Faith.

"Akin na Kath ako mag shu-shoot." sabi naman ni Jem sakin.

"Mmm? Edi para sayo na yung wish, hindi na para sakin...wag na lang!" tanggi ko sa kanya, mas maganda parin kasi yung pinaghirapan mong matupad yung sarili mong wish diba!?

"Edi hihilingin ko na sana matupad wish mo!...ayiee!" banat niya sa sinabi ko. 

"Yieee TIGILAN MO KO JEM!" sabi ko sa kanya sabay talikod.

"Ano bang wish mo?" habol niya sakin.

"Walaa! Bakit ba!?" irita kong sabi sa kanya.

"Para ako na lang tutupad..." hirit nanaman niya sakin habang nakangiti.

"Ang landi mo talaga." sabi ko na lang sa kanya sabay irap.

"Bleh!" pahabol nina May, Faith at Sha kay Jem at naglakad na kami papalayo sa kanya. 

Tsk! Babalikan ko talaga 'yon at sa pagbalik ko sisiguraduhin kong ma-ishushoot ko na talaga yun.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 17

Third Person's POV Naglakad papalapit sina Sha, May, Faith, Kent, Jem, Jeo, Josh, Lee, Denver, Chris Tan, Mark, JC, Stephen, Jake, Harry, Calvin, and Ian sa kinaroroonan nila Kath habang bakas parin sa pagmumukha nito ang pagka-gulat na makita silang lahat na magkakasama at higit sa lahat ay ang makita siya ng nga ito na kasama si Silver. Well, ano namang issue kung makita sila nitong magkasama? Si Silver nga kalma lang ang tingin sa kanila. "Kanina kapa namin hinahanap, Kath!" bungad agad sa kanya ni Faith. Halata ang inis sa boses nito nang sabihin iyon at wala naman ni isang salita ang lumabas sa bibig ni Kath.

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 16

Kathryn's POV "Kuya!" tawag ni Denver sa dumaang waiter. Huminto naman ito sa table namin. "Yes, po?" mabilis niyang tanong. Dumarami na kasi ang mga taong dumarating at umo-order sa greenwich dahil pasado alas-dose na, kaya lahat ng mga crew ay kanya-kanya ng asikaso sa mga customers. Yung iba kumukuha ng order sa mga malayo pa ang pila at yung iba naman ay naghahatid ng mga in-oder na food sa table ng customer."Pwede po humiram ng isa pang chair, 8 po kasi kami." tanong niya kay Kuya Jasper,

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 15

Kathryn's POV Sunday, Fun Run Day.Time check, 3:15 am.Extra t-shirt and pants, check.Face powder, cologne and liptint, check.Handkerchief, hair tie, and hair comb, check.Power bank, ear pods and phone, check.School ID, and myself?"All check." sabi ko sa sarili sabay lagay ng mga iyon sa dadalhin kong bag.Malalaking hakbang ang ginawa ko palabas ng condo unit papuntang elevator.

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 14

Silver's POV "Silv! tapos mo na ba 'yung sa calculus?" tanong sakin ni Den."Pre, nagpasa kana ba nito kay panot?" sunod naman na tanong ni Lee."Par, notebook mo pahiram." habol pa ni Tan."Silver!" sigaw nilang lahat sakin.Tinanggal ko muna ang earphone sa tenga ko at tinigil ang pagbabasa, saka ako tumingin sa kanila. Kung makikita niyo lang sila, para silang mga tuta na nag-aabang ng buto mula sa kanilang amo.

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 13

Chapter 11Third Person's POV Makalipas ang isang buwan...Matapos ang awkward moment sa cafeteria ay hindi na ito muling naulit pa dahil sa pagiging busy nilang lahat as a senior high students.Parang kailan lang ay ayaw na ayaw pa ni Kathryn na umuwi ng Pinas dahil sa 'di malamang dahilan. Ang masamang kutob na kanyang naramdaman nung araw ng kanilang flight ay napalitan ng hindi inaasahang kasiyahan nang lumapag ang sinasakyan nilang eroplano sa bansang kanyang pinagmulan. Dito niya nasaksihan at naramdaman ang pakiramdam ng isang happy and contented person. Tipong panatag na yung loob niya basta kasama niya lang yung mga importanteng tao sa buhay niya. Yung pakiramdam na wala na s

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 12

Kathryn's POV Last subject na namin ngayon at wala pa ang magiging teacher namin sa Earth and Life Science. May mga naririnig ako na masungit daw yung teacher na 'yon. Sino ba naman ang may gustong magkaroon ng masungit na teacher? Wala naman diba! Kahit ako ayoko rin ng masungit. Speaking of masungit...(Flashback)"Silv, bakit hindi kapa kumakain?" narinig kong tanong sa kanya ni Lee.Pero kahit naririnig ko silang dalawa ay nag-focus parin ako sa pagkain ko. Sa totoo lang hindi na nga ako umaangat ng tingin dahil ayokong magkatinginan nanaman kami. Sige lang Kat

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 11

Silver's POV Mabilis kong pinaharurot papuntang SWISC ang sinasakyan kong kotse. Kung bakit kasi ngayong first day pa ako na-late ng gising! Peste talag

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 10

Kathryn's POV "Tsk! they are not still h

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 9

Kathryn's POV

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 8

Third Person's POV After an hour...BUSOG.

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy