loading
Home/ All /Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez /Chapter 3

Chapter 3

Author: KCMaeC
"publish date: " 2020-08-29 13:01:23

May's POV

Pagkatapos naming kumain ay napag-desisyunan kong mag libot-libot muna dito sa mansiyon nila Kath tutal pahinga lang naman kami ngayong araw. Pumunta muna ako sa exclusive room para kunin ang CANON EOS 90D ko.

Maliit pa lang ako hilig ko na ang pagkuha ng mga litrato, lalo na kapag pumupunta kaming ibang bansa. Gustong-gusto ko talagang kuhanan ng litrato yung mga tanawin ng iba't- ibang bansa. Isa akong batang photographer sa states. Wow! bata talaga? Hahaha well I'm just a 16 years old so sa murang edad kong ito may isa na 'kong na achieve sa buhay. Bumida narin sa mga exhibit ang mga works ko and hindi naman sa pag mamayabang pero I already had my own exhibition of works and it went success dahil may mga bumili non at mga sikat na tao pa.

Click dito, click doon kahit saang sulok ng mansiyon basta magandang spot hindi ako tumitigil sa pagkuha ng litrato. Kung dito sa loob ng mansiyon maganda na what more pa kaya kung lalabas ako at pupunta sa iba't ibang lugar ng Pilipinas diba!? I'm so excited na talaga!!

"Ehem! Baka bumida yan sa next exhibit mo, don't forget the credits" sabi ni Kath at tumabi sakin habang ako patuloy parin sa pag take ng shots.

"...just kidding hehehe!" bawi niya sabay akbay sakin, ngumiti na lang ako sa sinabi niya.

"May school na ba silang napili para satin?" tanong ko sa kanya, dito na kasi ipagpapatuloy ang pag-aaral namin...for good.

Ang gulo nga ng buhay namin eh puro kami transfer dito, transfer doon. Kung saan magulang namin, naroon din kami. But now we're free to do what ever we want here sa Pinas, mababait naman kasi kami eh Mabait ba talaga? Hahaha!

"I don't know, but they can take care of it. Sila pa they have many ways kaya!" sagot ni Kath sabay hablot ng camera ko Shit! Buti na lang mahigpit ang pagkakahawak ko Strict kasi ako pagdating sa mga gamit ko.

"Wow! I like this shot!" nakangiting sabi ni Kath sabay pakita sakin ng nagustuhan niyang shot ko.

Yung shot na nagustuhan niya ay yung sa may hagdan kung saan kita sa shot yung mamahaling chandelier, malalaking paintings na galing sa isang auction at ang mga antique na kagamitan na nakapalibot sa bawat sulok ng nakuha kong shots. 

"Hindi naman masyado." pagtutol ko sa sinabi niya, ewan pero sa tuwing may nagagandahan sa shots ko pag ako na ang tumingin laging kabaliktaran yung nasasabi ko. Pag may shots naman akong nagagandahan, minsan may sumasang-ayon minsan wala 50/50 lang HAHAHA!

"Hay naku May! you know what? Nasasabi mo lang yan kasi ikaw yung nag take ng shots, pero totoo magaganda ang shots mo hindi iyon maitatanggi ng kahit na sino" paliwanag ni Kath sakin.

Well ganon naman talaga ang mga tao, kahit na alam nating totoo yung sinasabi nila, may hesitation na nangyayari if paniniwalaan ba natin yon or pilit na itatanggi. That's life.

Third Person's POV

Dahil nga sa napag-desisyunang magpapahinga muna ngayon ang magkakaibigan, lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa. Yun siguro ang pagpapahinga para sa kanila. Si May at Kath ay masayang nagpi-pictorial, ang KJ's naman ay naglalaro ng mobiles games, si Sha busy rin sa cellphone at si Faith naman ay kanina pa hindi alam ang gagawin kung matutulog ba siya or what.

Sa kabilang dako naman... 

*knock knock knock

"Come in." ma-awtoridad boses ng isang babae. 

She's Alexa Glenn Clier.

"Ate!" boses ng apat na nagwa-gwapuhang mga lalaki at sabay-sabay na pumasok sa office niya.

Mukhang mang-gugulo nanaman sila sa isip-isip niya.

"What are you guys doing here?" kunot noong sabi ni Alexa habang nakatutok parin sa ginagawa niya. She's the head of the school at inaasikaso niya ngayon ang mga bagong transferees na both incoming grade 11 at same strand ng kinuha.

"Busy?" tanong ng isa sa mga lalaking pumasok at umupo sa single couch. 

"Hindi pa ba obvious ang ginagawa ko? Now, kung wala naman kayong gagawing importante sa office ko GET OUT!" pasigaw na niyang sinabi ang huling dalawang salita dahil ayaw na ayaw niya ang iniistorbo siya lalo na't kailangan niyang asikasuhin ang walong transferees na nakapatong sa table niya.

"Ate kalma! Walang sasalo diyan sa puso mo kundi kami lang." pa cool na sabi naman nung isa habang nakaupo sa table niya.

"That's why we are here, right?" dagdag pa ng isa habang nakatayo sa harap niya.

"So!, what can we do to help our beautiful ate?" palambing na sabi naman nung isa habang bumubuklat ng libro sa bookshelves niya. 

Bumuntong hininga na lang si Alexa dahil wala naman siyang magagawa sa apat na gwapong lalaki na nasa harapan niya. Mga pinsan niya ito at ang tawag sa kanya ay ate sa kadahilanang siya raw ay mas matanda, pakiramdam niya tuloy ay sobrang tanda na niya sa edad na 30 years old. Well, may point naman ang mga pinsan niya dahil 18 years old pa lang ang mga ito. Katanggap tanggap naman pala. 

"Ok fine! dahil gusto ninyong tumulong..." natigilan siya. Ano naman kaya ang maitutulong nila? tanong niya sa sarili.

"You need to accompany these transferees on the first day of school, is that alright my handsome cousins?" nakangiti niyang sabi sa mga ito with her all charm. Alam niyang hindi ito makaka-tanggi dahil ito naman ang mga nag-alok ng tulong. 

"Okay!" sabay-sabay nilang sabi.

"Want to see their informations?" dagdag pa ni Alexa habang wini-wave yung folder na naglalaman ng informations about sa mga transferees.

"Sure!" sabi ng lalaking naka-upo sa table niya.

Binuklat nung lalaki yung folder at tinignan isa-isa ang mga transferees.

"There's no picture pano namin sila makikilala?" kunot-noo nitong tanong.

"Don't worry my dear Chris Tan, didiretso muna sila dito sa office ko to introduce myself and also to welcome them." sagot ni Alexa sa tanong ng lalaking naka-upo sa table niya kanina. He's Chris Tan.

Tumango tango naman sila sa sinabi niya. 

"By the way how's the trip?" tanong niya kay Chris Tan, kakarating lang kasi nito kahapon galing Hawaii.

"It's...nice!" ngumiti ito kapagkuwan ay nagsalita ulit "Very nice!".

"Gosh! what's with the smile? guys did you saw it?" hindi makapaniwalang sabi ni Alexa, she never saw Chris Tan smiling crazy for no reason or maybe theres a reason behind that crazy smile and she better know that. 

"Ate, believe us or not pero kahapon pa 'yan ganyan kapag napag-uusapan yung trip niya sa Hawaii." pailing-iling na sabi ng lalaking nasa bookshelve. 

"Share it!" excited niyang sabi kay Chris Tan na hindi niya namalayan ay nasa pintuan na pala ngayon at akmang pipihitin ang doorknob para siguro makaiwas.

Humarap ito sa kanila at napahawak na lang sa sariling batok. 

"It's confidential, Ate." sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko at tuluyan na ngang pinihit ang doorknob at lumabas. Pero bago pa man nito isara ang pinto ay dumukwang muna ito at sinabing...

"Sorry, but it's for me to keep and for you NOT to find out." sabay wink at tuluyan na ngang isinara ang pinto.

Nabaling ang tingin niya sa tatlong lalaking natira sa loob ng office niya. 

"Hey! Silver may alam ka ba?" tanong niya sa lalaking nakaupo kanina sa single couch na ngayon at nakatayo na. Nagkibit-balikat lang ito at umalis na din.

"How about you Lee?" tanong niya sa lalaking bumubuklat ng libro sa bookshelves. Ngumiti lang din ito sa kanya at binalik na ang librong hawala at umalis.

Humarap siya sa nag-iisang lalaki na nakatayo sa harap niya.

"Den---" naputol ang sasabihin niya dahil nginitian lang rin siya nito gaya ng ginawa ng tatlo at nag-wave sa kanya at umalis na.

Kung ang mga babae may tinatagong sikreto siguro ay sapat nang dahilan ang nasaksihan niya ngayon-ngayon lang...

Na may pinoprotektahan ding sikreto ang mga lalaki.

"Denver bumalik ka ditooo! Nakakainis kayo!" sigaw niya sa mga ito kahit wala nang makakarinig ng sigaw niya.

May araw din kayong apat sakin!

Kaya bumalik na lang siya sa ginagawa niya at nagpaka-busy.

Kathryn's POV

4 days had passed at Friday na ngayon hindi ko alam kung hanggang kailan kami mag se-stay dahil konti na lang maloloka na'ko dito sa mansiyon. Pagdating sa umaga, gigising tapos babangon at kakain ng umagahan. Sa tanghali, maliligo pupunta sa garden lalanghap ng fresh air tapos balik sa kwarto, then lalabas ulit at kakain ng tanghalian. Sa gabi, lalabas ng kwarto manonood ng TV, magkukwentuhan kami tapos kakain ng dinner and last matutulog! Ni Hindi man lang tumatawag si Mama para i-update kami sa kung anong klaseng school ang papasukan namin.

Nga pala nandito kami ngayon...sa kwarto at hindi na namin alam ang gagawin, daig pa namin ang sardinas na nasa malaking can sobrang luwag nga pero feeling ko ang sikip parin. Nakakasawa na kasing mag paikot-ikot, gusto ko na talagang makalabas ditooo! 

"Guys...I can't take it anymore!" sabi ko sa kanila, for sure ganon din ang nararamdaman nila.

"Me too, Kath." sabi sakin ni May kaya naman tumabi ako sa kanya ng upo.

"Ako din." sabi naman ni Faith sabay lapit samin ni May.

Ano to kampihan? Hahaha!

"Kayo?" tanong ko kina Sha, Kent, Josh, Jeo at Jem. 

Biglang tumayo si Sha at umupo sa tabi ko...that means kampi siya samin, Yes! 

"Saan naman tayo pupunta?" tanong sakin ni May.

Napaisip ako dahil don, saan nga naman kami pupunta e gabi na? Wait! Parang...alam ko na!

"Let's go to SABAR!" yaya ko sa kanila, sigurado akong mawawala ang pagka-boring namin dito pag pumunta kami sa bar. 

"Wait! SABAR? You mean yung pinakasikat na bar worldwide at dito lang matatagpuan sa Pinas?" gulat na tanong ni May. Tinanguan ko siya bilang sagot.

That's true. May dalawang malalaking building ang SABAR at ang may-ari non? Hindi ko kilala. Pero isa siyang transgender na nag-sumikap hanggang sa maabot ang mga pangarap niya, at ngayon eto na meron na siyang pinaka-sikat na Bar sa buong mundo located only here sa Pilipinas. Sabi niya pa nga sa isang interview ayaw niyang magkaroon ng branch sa ibang bansa kasi mas maganda raw ang dinadayo kesa siya ang dumadayo. At nag-tagumpay siya dahil don, kasi ang daming mga foreigners ang pumupunta dito para lang ma-experience ang SABAR. At macu-curious ka talaga sa SABAR kasi hindi nila pinapakita kung anong meron sa dalawang building na iyon. Ika nga ng may-ari sa interview "The only thing to know, is to experience". At ang lahat ng iyan ay based sa ginawang research ni Sha these past few days. Dulot rin kasi ng boredom. 

Kaso may problema...

Pano kami makakapasok sa SABAR? eh we're just 17 and 18 years old?

"Ano? Tara bihis na tayo." yaya ni Faith sa amin na nauna nang tumayo para nga magbihis.

Sunod-sunod na tumayo ay ang KJ's tapos sina Sha at May. Naiwan naman akong naka-upo sa kama niya.

"Ano naman kayang isusuot ko?" bulong ko sa sarili.

Para namang hindi ako pumupunta sa mga bar eh sa States nga suki kami lagi don, wala lang trip lang naming tumambay as in tambay lang talaga. Hindi naman kami nagpapaka-wild pag nasa bar kami, tamang sayaw lang sa gitna kasama ng iba't ibang tao tapos pag napagod uupo na lang at iinom ng juice. Alam naman namin ang limitations, kaya naman nangako kami sa isa't-isa na pag tungtong namin ng 18 ay don lang kami iinom ng iba't ibang klase ng liquor. Maliban pala sa mga boys kasi 18 na sila ngayon. Pero ayos lang naman sa amin 'yon, hindi naman kasi kami nagmamadali atsaka bata pa kami marami pa kaming pwedeng maranasan.

Kaya naman tumayo na'ko para mag-hanap ng maisusuot...

(After an hour)

"Uy ano ba? Papasok ba tayo o hindi?" inip na tanong samin ni Josh.

Nandito na kasi kami ngayon sa harap ng SABAR at ang kulang na lang talaga ay pumasok don hayyyy pano ba to?

"Guys look!" sabay turo ni Kent sa grupo ng mga kalalakihan malapit samin. Tumingin naman kami sa kanila, may mga kasama rin silang mga babae.

"Looks like we're at their same age." kumento sa kanila ni Sha.

"Wait! Try ko silang kausapin." paalam samin ni Kent sabay takbo sa kinaroroonan nila. 

Dahil hindi naman namin marinig ang pinag-uusapan doon at ang naiintindihan lang namin ay ang palitan ng pagtango ay siguro naman may mapapala si Kent sa pakikipag-uusap nito sa kanila.

Hindi nagtagal ay natapos din silang mag-usap at heto na nga papalapit na sa'min si Kent. 

"Ano daw sabi?" unang tanong agad ni Josh, halata sa mukha niya ang pagkainip.

"May pa-welcome party daw yung schoolmate nila dito sa SABAR kaya pwedeng pumasok kahit sino, kaya no worries pwede tayong pumasok." explain ni Kent samin. 

"Kung ganon..." pabitin pa na sabi ni May.

"Let's go PARTY!" dugtong niya na may halong excitement.

So ayun, pumila na kami para makapasok at kasabay din namin yung mga kausap ni Kent kanina, mukhang close na agad si Kent sa kanila dahil hindi namin siya kasama ngayon kasi nandon siya nakikitawa. Friendly naman kasi yang si Kent may pagkamayabang lang talaga na sobrang nakakainis. 

After 15 minutes of standing ay sa wakas pinapasok na kaming lahat. Napansin ko lang...soundproof pala itong SABAR hindi tulad ng ibang bar na nasa labas ka pa lang rinig na rinig na agad yung ingay. Nice!

Pagpasok namin...madilim...tapos sobrang tahimik dahil nga sa soundproof yung bar, then habang naglalakad kami sa pa-curve na daan unti-unti kaming nakakarinig ng sounds and the next thing I knew...



Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 17

Third Person's POV Naglakad papalapit sina Sha, May, Faith, Kent, Jem, Jeo, Josh, Lee, Denver, Chris Tan, Mark, JC, Stephen, Jake, Harry, Calvin, and Ian sa kinaroroonan nila Kath habang bakas parin sa pagmumukha nito ang pagka-gulat na makita silang lahat na magkakasama at higit sa lahat ay ang makita siya ng nga ito na kasama si Silver. Well, ano namang issue kung makita sila nitong magkasama? Si Silver nga kalma lang ang tingin sa kanila. "Kanina kapa namin hinahanap, Kath!" bungad agad sa kanya ni Faith. Halata ang inis sa boses nito nang sabihin iyon at wala naman ni isang salita ang lumabas sa bibig ni Kath.

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 16

Kathryn's POV "Kuya!" tawag ni Denver sa dumaang waiter. Huminto naman ito sa table namin. "Yes, po?" mabilis niyang tanong. Dumarami na kasi ang mga taong dumarating at umo-order sa greenwich dahil pasado alas-dose na, kaya lahat ng mga crew ay kanya-kanya ng asikaso sa mga customers. Yung iba kumukuha ng order sa mga malayo pa ang pila at yung iba naman ay naghahatid ng mga in-oder na food sa table ng customer."Pwede po humiram ng isa pang chair, 8 po kasi kami." tanong niya kay Kuya Jasper,

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 15

Kathryn's POV Sunday, Fun Run Day.Time check, 3:15 am.Extra t-shirt and pants, check.Face powder, cologne and liptint, check.Handkerchief, hair tie, and hair comb, check.Power bank, ear pods and phone, check.School ID, and myself?"All check." sabi ko sa sarili sabay lagay ng mga iyon sa dadalhin kong bag.Malalaking hakbang ang ginawa ko palabas ng condo unit papuntang elevator.

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 14

Silver's POV "Silv! tapos mo na ba 'yung sa calculus?" tanong sakin ni Den."Pre, nagpasa kana ba nito kay panot?" sunod naman na tanong ni Lee."Par, notebook mo pahiram." habol pa ni Tan."Silver!" sigaw nilang lahat sakin.Tinanggal ko muna ang earphone sa tenga ko at tinigil ang pagbabasa, saka ako tumingin sa kanila. Kung makikita niyo lang sila, para silang mga tuta na nag-aabang ng buto mula sa kanilang amo.

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 13

Chapter 11Third Person's POV Makalipas ang isang buwan...Matapos ang awkward moment sa cafeteria ay hindi na ito muling naulit pa dahil sa pagiging busy nilang lahat as a senior high students.Parang kailan lang ay ayaw na ayaw pa ni Kathryn na umuwi ng Pinas dahil sa 'di malamang dahilan. Ang masamang kutob na kanyang naramdaman nung araw ng kanilang flight ay napalitan ng hindi inaasahang kasiyahan nang lumapag ang sinasakyan nilang eroplano sa bansang kanyang pinagmulan. Dito niya nasaksihan at naramdaman ang pakiramdam ng isang happy and contented person. Tipong panatag na yung loob niya basta kasama niya lang yung mga importanteng tao sa buhay niya. Yung pakiramdam na wala na s

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 12

Kathryn's POV Last subject na namin ngayon at wala pa ang magiging teacher namin sa Earth and Life Science. May mga naririnig ako na masungit daw yung teacher na 'yon. Sino ba naman ang may gustong magkaroon ng masungit na teacher? Wala naman diba! Kahit ako ayoko rin ng masungit. Speaking of masungit...(Flashback)"Silv, bakit hindi kapa kumakain?" narinig kong tanong sa kanya ni Lee.Pero kahit naririnig ko silang dalawa ay nag-focus parin ako sa pagkain ko. Sa totoo lang hindi na nga ako umaangat ng tingin dahil ayokong magkatinginan nanaman kami. Sige lang Kat

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 11

Silver's POV Mabilis kong pinaharurot papuntang SWISC ang sinasakyan kong kotse. Kung bakit kasi ngayong first day pa ako na-late ng gising! Peste talag

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 10

Kathryn's POV "Tsk! they are not still h

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 9

Kathryn's POV

Circle of Trust: Kathryn Chandria Vasquez    Chapter 8

Third Person's POV After an hour...BUSOG.

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy