Download the book for free
Chapter 7
Author: Blu BerryHindi na kami nagkita ulit ni Lance simula kahapon.
Pagkatapos niya akong palabasin sa kanyang kwarto iniwasan kong mag-cross ang mga landas namin.Ang alam ko hindi siya dito naghapunan sa bahay.
Kung anong oras siya umuwi kagabi wala rin akong alam. Maaga rin siyang umalis kaninang umaga.Kahit isang text wala akong natanggap mula sa kanya. May number ako sa kanya pero ayaw kong magtanong. Baka isipin niyang masyado akong nanghihimasok sa personal niyang buhay.
Habang kumakain ng agahan pagsisilbihan pa sana ako ni Joan pero hindi ako pumayag.Dinala ko ang aking plato sa dirty kitchen at nakikipagkwentuhan sa kanya habang naghuhugas siya ng mga plato.Nadatnan kami ni Manang Meldred na nagkakatuwaan.
"Sabrina may inutos nga pala si Lance sa akin," magalang na sabi ng matanda.
"Ano po 'yon Manang?"
"Hindi ka na nagtatrabaho bilang katulong dito kaya pinapahanap niya ako ng kapalit mo. Hindi kasi ako basta-bastang kumukuha ng kahit na sino. Ang gusto kasi ni Lance ay iyong mapagkakatiwalaan. Baka may kakilala kang gustong manilbihan?"
Bigla kong naisip si Cindy. Baka gusto niyang magtrabaho rito.
"May kakilala po ako Manang, matalik ko pong kaibigan. Tatanongin ko siya."
"Papuntahin mo rito mamaya para makilala rin ni Lance."
Pagkatapos ng agahan lumabas na ako ng mansion para magpunta kay Cindy.
Gustong-gusto ko na siyang makausap at makita. Pero bago pa man makalabas ng gate nilapitan na ako ng guwardiya."Ma'am, lalabas po kayo?" tanong ng guard.
"Opo. Babalik din naman ako mamaya. May pupuntahan lang."
"Alam na po ba ito ni Sir?" nakakunot-noong tanong niya sa akin.
Doon ako natigilan. Kailangan pa bang magpaalam sa kanya? Siya nga hindi ko alam kung saang lupalop pumupunta.
"Hindi po kasi kayo pwedeng lumabas kung walang pahintulot ni Sir. Kailangan magpaalam po muna kayo sa kanya."
Makikipagsagutan pa sana ako pero naaawa naman ako sa guwardiya.
Naalala ko kung paano ko pinahamak si Mang Tasyo dahil nahuli ako ni Lance na nagnanakaw sa palaisdaan. Mabuti na lang hindi tinanggal si Mang Tasyo at nilipat lang ng ibang trabaho.Wala akong nagawa kung hindi i-text ito.
'Lalabas ako. May pupuntahan lang at babalik din mamaya.'May reply kaagad ito.
'With who?'Napaikot na lang ako ng mata. Pwede or hindi lang naman ang isasagot niya.
'Pupunta ako sa kaibigan ko.'
Naghintay ako ng kanyang sagot. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone nang makita na tumatawag siya.
"Hello," napipilitan kong sagot.
"Where the hell are you going? Lalaki bang kaibigan 'yan?" matigas ang boses niyang tanong.
"Babae. Si Cindy," walang ganang sagot ko.
"Hindi kita masasamahan because I'm in the middle of a very important meeting. Magpahatid ka sa bahay ng kaibigan mo. May driver naman diyan."
Hindi ako naka-imik. Kaibigan lang ang pupuntahan dapat talaga may driver? Nasa importanteng meeting pala siya pero tumawag pa.
"Hello? Sabrina?" pukaw niya sa akin.
"Oo na. Magpapahatid na ako. Ibababa ko na 'to," paalam ko sa kanya.
Hinintay ko kung kailan niya tataposin ang tawag. May narinig pa akong nagsalitang babae, 'Mr. Natividad? Is there something wrong?'
'Everything is fine. Tumawag lang ang girlfriend ko.' sagot niya.
Hindi na ako nakinig sa iba pa nilang usapan at ibinaba na ang tawag.Halata sa mukha ni Cindy ang gulat nang makita akong bumababa mula sa sasakyang huminto sa tapat ng kanilang bahay.
Nagpalinga-linga pa siya sa paligid bago kami pumasok.
"Marami kang dapat sabihin sa aking bruha ka. Ikaw ang pinag-uusapan sa buong bayan. Sa buong probinsiya pa nga siguro," wika niya habang nanlalaki ang mata.
Nakakunot ang aking noo na tumitig sa kanya. Sobra naman kung buong probinsiya talaga.
"Bakit hindi ka man lang nagkwento na may something na pala sa inyo ni Lance Natividad?" may pagtatampong saad niya.
"Hindi ko tuloy alam kong ano ang magiging reaksiyon nang binalita sa akin ng mga chismosang kapitbahay natin na jowa ka nga raw ni Mr. Natividad.""Hayaan mo na nga sila. Alam mo naman ang mga kapitbahay natin. Minsan kahit walang kwentang bagay pilit pa ring pinapalaki," simpleng sagot ko.
"Anong walang kwentang bagay? Naririnig mo ba ang sarili mo? Diyos ko Sabrina, ang daming naghahabol at nangangarap kay Sir Lance. Kahit kunting oras lang siguro ang ibibigay niya sa isang babae pag-aagawan na!" Halos maputol ang litid sa kanyang leeg.
Hindi ko naman nararamdaman ang sinasabi niya. Alam ko naman na binibigyan ako ng oras ni Lance dahil sa plano niyang sumali sa pulitika pero hindi dahil may gusto siya sa akin.
Kahit kailan hindi naman siya magkakagusto sa akin. Imposible ring magkagusto siya sa akin.Pamumulitika lang lahat ng ito. Kung malalaman kaya ni Cindy ang totoong dahilan ng relasyon namin masasabi pa kaya niyang napakasuwerte ko?
Sa mga telenovela lang nangyayari na ang mga mayayamang lalaki ay nagkakagusto at nai-inlove sa mga mahihirap na babae.
Sa totoong buhay hindi nangyayari 'yon. Malabong mangyari lalo't sa panahon ngayon na pera at yaman ang basehan ng lahat. Nagkibit-balikat na lang ako.
"Oy, ang yabang ng isa diyan oh. Nag-uumapaw sa self confidence. Gandang-ganda sa sarili kasi alam niyang mahal siya ng Lance niya," pang iinis sa akin ni Cindy na hindi ko na pinatulan.
Hindi ako affected sa mga simasabi niya. Mahal? Nagpapatawa ba siya? Pero syempre sinarili ko na lang 'yon dahil baka magkamali pa ako.
"So paano ka niligawan ng isang Lance Natividad?" pangungulit pa rin niya.
"Cindy huwag na nga natin pag-usapan," palusot ko. Medyo kinabahan ako dahil wala naman akong makikwento sa kanya. Wala naman talagang ligawang nangyari, kontrata siguro, meron.
"Ang makasarili naman nito. Hindi nang si-share ng mga kilig moment nila."
Dahil wala naman talaga akong isi-share. Tahimik kong sagot sa isip.
"Sino ba naman ang mag-aakala, na ang sinasabi mong problemang napasukan magiging forever pala." Akmang mangingisay pa siya sa kilig.
Hinayaan ko lang siya sa mga kadramahan niya. Titigil din naman siya kung hindi ko na sasagutin ang mga tanong niya.Nang mahimasmasan sa kilig, sinabi ko na kay Cindy ang totoong sadya ko.
Siyempre hindi ko na siya dapat pang pilitin dahil pumayag na ito kaagad.Habang nag-aayos ng gamit may tumawag naman sa'kin.
"Hello," sagot ko. Hindi ko na kailangang tingnan ang caller dahil wala namang ibang nakakaalam ng number ko, si Lance lang.
"Where are you?" halata sa boses nito ang pagod.
"Nandito pa sa kaibigan ko."
"I'm on my way home now. Dadaanan na lang kita diyan."
Tututol sana ako pero alam kong wala rin namang pupuntahan 'yon.
"Ikaw. Pero baka matagalan ka sa pag uwi," sinubukan ko pa ring tumutol.
"Sabay na tayong umuwi," pamimilit nito at tinapos na ang tawag.
Medyo kinabahan ako. Dahil simula ng nangyari kahapon na pinaalis niya ako sa kanyang kwarto hindi na kami nagkaharap ulit, ngayon pa lang.
"Anong nangyari sayo? Bakit parang hindi ka mapakali?" tanong ni Cindy pagkakita sa akin.
Ganoon ba kahalata ang panic ko?
"Ihanda mo lang ang mga gamit mo diyan. Dadaanan tayo ni Lance ngayon."
"Talaga? Wow ha, tinamaan talaga 'yang si Sir Lance sa'yo. May pa sundo-sundo pa kayong nalalaman." Malaki ang ngiti nito.
Hindi nagtagal may sasakyang huminto at lumabas na kami ni Cindy.
Pero mas nauna pa yatang lumabas ang ilang mga chismosang kapitbahay namin.May ilang bumati. Pero mas marami ang nakiki-usyuso lang.Pagkakita ng iba sa akin puro irap at lait ang mga tingin. Pero pinili ko na lang 'wag silang pansinin.Pinagbuksan niya kami ng pinto.
Kahit nasa loob na ako nakikita ko ang mga mukha ng iilang kapitbahay namin na naiinggit.Akala nila madali ang buhay ko. Pero mali sila.Pagdating namin sa mansiyon agad kong sinabi kay Lance na si Cindy ang papalit sa akin at pumayag naman siya. Wala na siyang maraming sinabi at umakyat na sa kwarto.
"Problema niya?" nagtatakang tanong ni Cindy.
"Hayaan mo na. Baka pagod lang. Dinaanan pa kasi tayo," pagsisinungaling ko. Pero kahit ako hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging ganoon.
"Mahirap siguro makarelasyon ang ganyang lalaki. Okay siya kanina tapos biglang hindi na. Buti na lang gwapo siya at least 'di ka lugi," kibit-balikat niyang sabi.
Mahirap talaga. Sobrang hirap. Lalo't may hangganan ang pakikitungo namin sa isa't isa.
Natatakot akong paki-alaman ang buhay niya kasi pagpapanggap lang ang papel ko. Pati pagtatanong magdadalawang isip ka kasi baka isipin niyang masyado ka ng nanghihimasok sa buhay niya. Sumabay na rin ako sa kanila sa hapunan.Pumasok si Lance sa kusina at nagpaalam na aalis muna.
"Saan ka pupunta?" saglit siyang natigilan. Saka ko lang na-realize kung ano ang tanong ko nang makita ang reaksiyon niya. Gusto kong batukan ang sarili kung bakit nagtanong pa ako.
"Diyan lang," maikling sagot niya at umalis na.
Matagal nanatili ang mga tingin nila sa akin.
Bakit parang ang sakit?
Magtatanong ka pero parang wala ka na man talagang karapatan malaman ang nangyayari sa buhay niya.
Para akong maiiyak sa bawat paglunok ko ng pagkain. Bakit pati lalamunan ko masakit?
Napa-inom ako ng isang basong tubig. Parang nawalan ako ng kakayahang kumain at lumunok ng mabuti.
"Ganyan talaga 'yan, Sab. May mga panahon talagang hindi kayo nagkaka-unawaan pero sa susunod na araw maaayos din kayo." Alam kong pinapagaan lang ni Joan ang aking loob.
"Oo nga Sab. Intindihin mo na lang si Sir," nakangiting sabi ni Kate.
Nanatili namang walang imik si Cindy. Kumakain lang siya. Ganoon din si Manang Meldred.
Sino bang niloloko nila? Alam naman naming lahat na ang daming nagkakagusto kay Lance.
Malay ko ba kung sinong pinuntahan niya? Baka nga may ibang kasama na 'yon kaya ayaw niyang magpaalam ng maayos.
"Huwaag mo ng masyadong dibdibin ang LQ niyo. Hindi ka niya papalitan," nakangising sabi ni Cindy. Akala ko talaga hindi na siya magsasalita at papalagpasin na lang ang nangyari.
"Kaya kumain ka na diyan. Hindi mauubos ang pagkain mo kung tutunganga ka na lang. Hingang-malalim. Sa dami ng babae sa mundo ikaw ang na-jowa niya. Kaya ikaw ang pinakamaganda sa paningin niya teh," dugtong niya na may nakakalokong ngisi.
Hindi ko alam kung magiging okay ba ako dahil sa sinabi niya o mas dadami pa ang iisipin ko.
Tama ba talaga itong napasukan ko?
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
CHAINED (Tagalog) EPILOGUE
MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p
CHAINED (Tagalog) Chapter 37
Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.
CHAINED (Tagalog) Chapter 36
HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.
CHAINED (Tagalog) Chapter 35
PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan
CHAINED (Tagalog) Chapter 34
KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.
CHAINED (Tagalog) Chapter 33
DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a
CHAINED (Tagalog) Chapter 10
HINDI ko alam kung ano ang una kong sasabihin.
CHAINED (Tagalog) Chapter 32
Sobrang tahimik na ng paligid at kahit ang mga yapak ko'y dinig na dinig sa buong bahay.Parang nagising ako sa isang mahimbing na pagtulog nang mapansin ang tinatahak ko'y papunta
CHAINED (Tagalog) Chapter 30
"Since I was a kid. But I'm improving now, iyon ang sabi niya. Kaya dalawang beses na lang kaming nagkikita
