Download the book for free
Chapter 10
Author: Blu BerryHINDI ko alam kung ano ang una kong sasabihin.
Magdadahilan ba ako? Hihingi ng tawad dahil pumasok ako sa kwarto niya nang hindi nagpapaalam? Hihingi ng pasensiya dahil mas lalo pang nabasag ang picture frame? Magtatanong kung sino ang nasa picture?
Pinagpapawisan na ako mula sa noo at pati sa palad.
"What are you doing here Sabrina?" tanong niya ulit. Mahinahon ang pagkakasabi pero parang gusto kong tumakbo.
Mapanganib ang kanyang mga mata.
Parang may kinikimkim na galit na anumang oras ay pwede niyang ilabas.Pinulot ko ulit ang frame na nahulog mula sa aking kamay.
"M-m-may narinig akong nahulog kaya tiningnan ko. Itong frame pala," bumuntong-hininga ako pagkatapos kong sabihin iyon.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kinuha mula sa kamay ko ang larawang hawak.
Lumunok ako. Nakakatuyo ng lalamunan ang ganitong sitwasyon namin.
Nararamdaman kong marami rin siyang gustong sabihin pero pinipigilan lang niya.
Paano kung ipapakita niya ang galit niya ngayon? Kakayanin ko ba.
Huminga ito ng sobrang lalim at tumingala na nakapikit ang mata.
"This is the first time that I run out of plans. Unang pagkakataon na natatakot ako. Nagdadalawang-isip," saad niya at tiningnan ako.
Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mata.
Kailangan kong mag-isip ng paraan para makaalis dito."La-la-lalabas na po ako Sir," mabuti na lang at naagapan ko pang ituwid ang aking dila para masabi iyon.
"Sir? How many times do I have to tell you to drop the formality?" tanong niya.
Sinubukan kong ibalik ang mata sa kanyang mukha pero hindi ko talaga kaya. Maiihi yata ako sa kaba.
"Look at me." Hinawakan niya ang aking baba para i-angat ang mukha at nagkasalubong ang aming mga mata.
Gusto kong umiwas pero kusa naman akong tumitig.
Sobrang lapit na pala ng mga mukha namin.
Kahit madilim pero malinaw na malinaw ang hitsura niya.
Mula sa mahahabang pilikmata, matangos na ilong, perpektong labi. May papausbong na rin siyang mga bigote na hindi naman nakabawas sa kanyang kakisigan. Mas lalo lang itong nakadagdag sa kanyang istriktong personalidad.Parang maduduling na ako sa lapit ng mga mukha namin.
Natigil lang ang magulong iniisip ko nang maramdaman ko ang malambot na labing dumampi sa akin.
Sobrang bilis ng pangyayari pero hindi ako tanga para hindi malaman kung ano iyon.Ayokong mag-assume pero mas lalong hindi ako nananaginip ngayon.
Gusto kong sampalin ang sarili para masigurado kung totoo ba talaga iyon.
May ngiti na sumilay sa kanyang mukha.
"Fist time?" tanong niya.
Hindi ako makasagot. Pero ano nga bang isasagot ko? Oo? Hindi? Baka pagtawanan pa ako.
"Okay lang ba kung ako pa rin ang second time? Mas matagal nga lang." Bigla niya akong hinalikan ulit. Kagaya ng sabi niya mas matagal.
Nakakahingal. Nakakapagod. Nakakatakot. Nakakalunod.Mula sa mainit niyang mga labi hanggang sa mainit niyang palad na humawak sa aking batok.
Kusa akong napakapit sa kanyang balikat. Nanghihina ang aking tuhod na kung hindi ako kukuha ng anumang suporta mula sa kanya ay mabubuwal ako sa aking kinatatayuan.
Noong una hindi ko alam ang gagawin. Nakakahiya para sa isang tulad niyang magaling na sa ganitong larangan. Pero ginaya ko lang ang galaw ng kanyang labi at unti-unti na akong nakakasabay.
Ipinikit ko na ng kusa ang aking mga mata hanggang sa maramdaman kong pinakawalan na niya ako.
Hindi ko siya matingnan ng diretso pagkatapos ng naganap ngayon.
Ano na ang iisipin niya? Na marupok ako? Ang dali-dali ko lang utoin? Pekeng relasyon nga lang meron kami nagpapahalik na ako agad?
Pero bigla niya akong niyakap at sinubsob ang mukha sa aking leeg.
"Stay this way Sabrina. Iyong ako lang ang magpaparamdam sa'yo ng ganito." Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking balat.
Kahit nasa sariling kwarto na ako para pa rin akong lumulutang. Malabo na nga sa aking memorya kung paano ko nagawang lumabas sa kanyang kwarto.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin at hinawakan ang labing hinalikan kanina ni Lance.Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung bakit.
Sinubsob ko ang aking mukha sa unan at doon ako sumigaw para ilabas lahat ng nararamdaman ko.Hindi dahil sa galit o inis kung hindi dahil sa walang mapaglagyang saya. Hindi ko alam ang dahilan. Basta ang alam ko masaya ako. Sobrang saya.Nang mahimasmasan sa saya tumunog ang aking cellphone.
'Sleep well, Sab. Good night," text mula kay Lance.
Sleep well? Paano? Hinalikan mo ako tapos first kiss at second kiss ko 'yon. Tapos sleep well? Nagbibiro ba siya?
Pero kahit ganoon hindi ko magawang magalit.
Nilagay ko sa aking dibdib ang cellphone at napangiti na naman habang nakatingin sa kisame.
Hinalikan ka lang masaya ka na agad? Para akong nababaliw na nagtatanong sa sarili.
Paano kung may jowa siya na babalikan sa U.S.? Tanong ko na naman ulit sa sarili.Napapailing na lang ako.Nakakapraning pala ang ganito. Wala akong ibang mapagsasabihan kasi nag-iingat akong itago ang totoo na nagpapanggap lang kami.Nagpapanggap lang pala kami. Muntik na akong madala sa halik niya kanina.
Ang puno't dulo nito purong pagkukunwari lang.
Pero dahil lalaki si Lance kahit kunwari lang ito sinusubukan niya pa rin kung madadala ba ako.Kailangan talagang mag-ingat. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin.
Kung magpapadala ako sa mga pinapakita niya ako lang din ang masasaktan.
Kahit matagal nakatulog, maaga pa rin akong nagising.
Excited? Para saan? Sa pagkikita namin ni Lance? Pagkatapos ng nangyari kagabi parang ayaw ko na munang magpakita sa kanya.Wala akong mukhang maihaharap. Baka isipin niyang sa edad kong ito hindi pa ako nahahalikan. Ilan na rin kayang babae ang nahalikan niya. Kukulangin na siguro ang mga daliri ko kahit isama pa ang mga daliri sa paa kung bibilangin.
"Hoy! Anong nangyayari sayo? Kanina ka pa namin kinakausap wala kang kibo. Ang aga-aga nakanga-nga ka na dryan." Untag ni Cindy sa aking nagliliwaliw na diwa.
Umiling ako habang pimamulahan ng mukha.
Ayokong mag-share. Alam kong ako na naman ang tutuksuhin nila."Naku sa hitsura mo Sabrina parang nahalikan ka kagabi. Iyong tipong first kiss sa taong mahal mo" parang wala lang ang pagkakasabi ni Joan.
Pero nasapol ako. Sana hindi nila mahalata.
"Hindi nga?! Kailan? Saan? Paano? Masarap ba humalik si Sir?" sunod-sunod na tanong ni Kate.
Naghihintay sila sa sasabihin ko.
"A-ano ba kayo. Anong kiss ang sinasabi niyo? Wala namang ganyan sa'ming dalawa." Iniwas ko kaagad ang tingin. Pero parang hindi naniniwala si Cindy.
"So bakit ka tulala diyan? So anong nangyari? More than kiss?" malisyosong tanong ni Nina na pati yata tainga ko uminit.
"Mas lalong hindi!"
'Sige magsinungaling ka pa Sabrina,' panunumbat ko sa sarili.
"Kung ako may jowa na tulad ni Sir hahalayin ko talaga," si Joan na walang pakialam sa mga sinasabi niya.
"Sinabi mo pa. Iyong tipong araw-araw, oras-oras, hahalikan mo. Para hindi ka lugi." Humalakhak si Cindy na nakipag-high five pa kay Joan.
Mabuti na lang at biglang dumating si Manang Meldred at natigil na ang mga kahalayan nilang tatlo. Conservative pa naman si Manang kasi matandang dalaga.
Pagdating ng hapon may inutos na ipabili si Manang Meldred kay Joan. Nakiusap naman akong sasama sa kanya.
Mababaliw yata ako sa kakaisip sa nangyari sa amin kagabi ni Lance.Pinayagan akong sumama ni Manang pero dapat may driver daw.
Ang O.A. lang talaga nila. Dati rati naglalakad nga lang ako dahil wala na man akong pamasahe.
Ngayon dapat may maghahatid na driver at hihintayin ako kung kailan uuwi. Nakakahiya sa driver. Si Lance lang naman dapat nilang pagsilbihan.Pagkatapos bilhin ang inutos dumaan muna kami ng palengke. Unti-unti na rin akong nasasanay sa mga sinasabi ng tao.
May kaunting kirot pa rin sa aking dibdib pero wala rin namang mangyayari kung iisipin ko pa 'yon.Wala na nga akong halos pahinga sa kakaisip kay Lance idadagdag ko pa sila.
"Sino ba 'yang gwapo na nasa pansitan sa kabilang klasada?" tanong ni Joan habang nakatitig pa rin doon.
Sinundan ko ang tingin niya.
Napangiti ako sa nakita.
"Si Carlo. Anak ng may ari ng pansitan," sagot ko.
Ang laki na nang ipinagbago niya. Dati patpatin pa ito at lalampa-lampa.
Pero ngayon marami na rin itong mabibiktimang babae.Nandoon pa rin ang masiglang ngiti niya. Mabait na mukha. Kabaliktaran sa mukha ni Lance, striktong gwapo.Teka, bakit bigla siyang napasok sa isipan ko.
"Oie, kilala mo? Parang ngayon ko lang nakita rito." Si Joan na pilit pa ring tinitingnan ito kahit maraming tao ang dumadaan
"Seaman 'yan eh. Kakababa pa lang daw sa barko kaya ngayon lang ulit naka balik dito," sagot ko na hindi pa rin inaalis ang mata sa kanya.
Parang naramdaman naman ni Carlo na siya ang pinag-uusapan namin. Lumingon ito sa direksiyon namin at nang makasigurado na kakilala ako kumaway ito.
Kumaway na lang din ako pabalik. Masaya ako na kahit malayo na ang narating niya hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga pinagsamahan namin dati.
Gusto ko pa sanang lumapit sa kanya pero mas pinili kong huwag na lang.
Maraming nakapila sa tindahan nila."Gusto mong lapitan?" tinanong ako ni Joan.
"Huwag na. Marami pa namang pagkakataon. Hindi pa naman siguro 'yan sasampa agad sa barko. Makakapagkwentuhan pa kami sa mga susunod na araw. Naghihintay rin kasi ang driver. Itong mga binili natin baka kailangan na rin nila sa mansiyon," tanggi ko sa kanya.
"Dapat magpaalam ka rin sa Lance mo. Naku, mahirap na," dugtong niya sa mga sinabi ko.
Bakit kailangan kong magpaalam? Siya nga hindi ko naman pinipilit na magpaalam sa akin. Kaibigan ko naman si Carlo.
Pagbalik namin ng mansiyon bumalik na naman ang kaba ko lalo na nang makita ko ang sasakyan ni Lance na nasa parking area. Ibig sabihin nandito siya.
Ayoko siyang makasabay sa hapunan.
Ayoko munang makita siya.
Nagdahilan ako kay Joan na sa likod na dadaan para deritso sa kusina kung saan sila nagluluto at medyo marumi ang tsinelas na suot ko at ayokong pahirapan sila sa paglilinis ng sahig. Mabuti naman at naniwala kaagad ito na walang maraming tanong.
Pagpasok namin sa kusina agad sumalubong sa amin ang mabangong amoy ng niluluto nila.
"Masarap ang hapunan natin," sabi agad ni Cindy.
"Para sana ito kay Sir pero hindi naman siya kakain dito kaya para sa atin na lang daw ito," paliwanag naman ni Kate.
Itatanong ko sana kung saan na naman siya pupunta pero nagpapasalamat ako na hindi ko na ginawa iyon.
Hindi yata tamang sila ang tatanungin ko. Siyempre hindi na sila makikialam pa sa personal na buhay ni Lance. Kung may dapat makaalam tungkol sa buhay niya at mga ginagawa dapat ako iyon. Pero ayaw ko namang lumagpas sa linya kung hanggang saan lang ang pwede kong gawin at itanong.
Bahagya pa akong napa atras dahil sa biglaang pagpasok ng taong laman ng aking isip mula kagabi.
Mabilis pa sa alas-kuwatro silang humanap ng kanya-kanyang gawain pero alam ko namang nakikinig sila sa amin.
"Hindi na muna ako maghahapunan dito," paalam niya.
lilingon pa sana ako baka naman nandoon ang kinakausap niya. Pero sigurado ako na dingding na ang nasa likuran ko."Tumawag kasi si Gov. May pag-uusapan lang kami. Siguro sa opening ng bagong health center ngayong darating na Sabado."
Hindi ako nakapagsalita. Siya? Nagpapaalam sa akin?
"Sumabay ka na sa kanilang kumain. Huwag mo na lang akong hintayin mamaya baka kasi matagalan ako sa pag-uwi at mapuyat ka pa. Sleep early," dugtong pa niya.
Hinalikan pa niya ako sa noo at sa tungki na ilong bago lumabas.
Kung hindi ko pa narinig ang mga impit nilang sigaw dahil sa pinipigilang kilig nakatulala na naman siguro ako doon.
Kahit alam kung paggising ko bukas wala na mang magbabago dahil magkukunwari pa rin kami sigurado akong totoong kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon at baon ko sa pagtulog pati bukas dala-dala ko pa rin.
Hihiga na sana ako para magpahinga pero may natanggap pa akong message mula kay Lance.
'Hindi pa kami tapos. Mas mag i-enjoy pa siguro ako kung ikaw ang kaharap ko. Can't wait to see you again. Good night Sab.'
Tuluyan nang lumipad sa apat na sulok ng aking kwarto ang mailap kong antok.
Pati siguro katinuan sumama na rin.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
CHAINED (Tagalog) EPILOGUE
MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p
CHAINED (Tagalog) Chapter 37
Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.
CHAINED (Tagalog) Chapter 36
HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.
CHAINED (Tagalog) Chapter 35
PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan
CHAINED (Tagalog) Chapter 34
KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.
CHAINED (Tagalog) Chapter 33
DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a
CHAINED (Tagalog) Chapter 22
WALA akong pakialam kung saan dalhin ng aking mga paa. Gusto ko lang lumayo dahil sa nangyari kanina.Para
CHAINED (Tagalog) Chapter 21
ANO ang dapat kong isagot tungkol sa pag-alok niya ng kasal? Nakapagtataka lang dahil naisip pa niya ang tungko
CHAINED (Tagalog) Chapter 20
NAGISING ako at napansing hindi pamilyar ang kamang aking hinihigaan.Parang mas lumaki at iba ang amoy ng
CHAINED (Tagalog) Chapter 19
ILANG araw na akong nakatatanggap ng mga bulaklak mula kay Lance. Madalas may kasama itong mga chocolates at st
