loading
Home/ All /CHAINED (Tagalog)/Chapter 6

Chapter 6

Author: Blu Berry
"publish date: " 2020-08-01 14:18:01

GAYA ng inaasahan hindi nila ako tinigilan hangga't wala akong inaamin sa kanila.

Kahit hindi ako sanay at ayokong magsinungaling wala na akong pagpipilian. Inamin ko na lang sa kanila na may relasyon kami ni Sir.

Ang dami nilang mga haka-haka. Kaya pala simula nang dumating ako rito hindi na masyadong mainitin ang ulo ng lalaki at madalas na ring nananatili sa mansiyon.

Kahit hindi ko naman napapansin ang mga sinasabi nila, sinang-ayunan ko na lang para matapos na ang pagtatanong ng lahat.

Kahit hindi pa ako inaantok ginawa ko na lang itong dahilan para takasan ang interview nila sa akin.

Pinigilan nila ako dahil marami pa raw kaming dapat pag-usapan pero hindi na ako nagpadala sa mga salita nila.

Una sa lahat may itinatago kami. Kaya kailangang maingat ako sa mga ikikilos at sasabihin.

Pati sa pagtulog hindi ko maiwasang isipin ang bukas. Paano kung papalpak kami? Paano kung hindi mananalo si Lance sa eleksyon? Hanggang kailan kami pwedeng ganito. At paano kung totoong magkagusto ako sa kanya?

Natigilan ako sa huling naisip. Magkagusto? Baliw na siguro ako kung hahayaan ko ang sariling mahulog sa kanya. Langit at lupa ang agwat namin. May kinalaman lang ako sa buhay niya ngayon dahil pinapakinabangan pa namin ang isa't isa. Pinapakinabangan ko siya para sa mga kapatid ko. Pinapakinabangan niya ako dahil sa pulitika.

Nagsimula kami sa pagpapanggap at hindi ako dapat mahulog sa kanya. Dahil kung mangyayari 'yon ako pa rin ang masasaktan.

Kung estado ng buhay namin ang pagbabasehan, malabong mangyari ang iniisip ko. Ang mga mayayaman ay para lang din sa mayayaman.

Siguro dapat may rule din ako sa sarili. Bawal akong magkagusto sa kanya. Hindi dapat. Hindi pwede.

Pagkababa ko nang umagang 'yon ipinahanda ni Lance ang almusal niya sa dining area. Ngayon lang nangyari ito.

Pinuntahan ko sila sa dirty kitchen para tanungin kung anong meron. Wala pang nakakasagot sa kanila pero bigla na lang pumasok si Lance.

"Good morning," bati niya sa akin sabay hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Nanigas ako. Parang lumipat ang kalan sa aking mukha dahil sa init na nararamdaman.

"She will be joining me for breakfast," deklara niya sa mga taong nasa kusina na natigilan din sa mga nangyayari.

Sunod-sunod na tango lang ang isinagot nila.

Tiningnan ko si Manang Meldred para malaman kung ano ang reaction niya pero nanatili lamang ang kanyang mapanuring tingin sa amin ni Lance.

Kinabahan ako. May alam ba siya sa palabas na ito? Papagalitan ba niya ako dahil pinatulan ko ang kalokohang 'to? Ipagsasabi ba niya kung sakaling alam niya ang totoo?

Natigil ako sa malalim na pag-iisip dahil hinawakan na ni Lance ang aking kamay papunta sa dining area.

Sumunod naman ang iba sa amin dala ang mga pagkain.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin habang kumakain.

Nasa gilid lang silang tatlo naghihintay ng pwedeng iutos ni Lance habang si Manang Meldred naman ay siyang lumalapit sa mesa para dagdagan ang pagkain kung kumukunti na lang at naglalagay ng inumin sa mga baso.

Hindi ko alam kung nabusog ba ako sa kinakain o nagsawa na lang ako sa kakalingon sa aking mga kasama.

Alam kong nakapagpaliwanag na ako kagabi pero parang hindi na yata ako masasanay.

Pagkatapos naming kumain nagsalita si Lance.

"Alam niyo na siguro kung ano ang namamagitan sa amin ni Sab at gusto kong respitohin niyo 'yon. Siya ang babaeng pinili ng puso kong mahalin at masaya ako doon. Sana ganoon din kayo para sa amin. Ituring niyo na rin siyang amo ninyo. Kung wala ako at nagdadalawang isip gawin ang isang bagay pwede niyong itanong 'yon kay Sab," sabi niya na nakahawak ang kamay sa akin.

Kumunot ang kilay ko. Parang hindi namin napag-usapan ito. Pagpapanggap lang naman bilang girlfriend ang gagawin ko pero wala sa planong pati mga desisyon niya makikialam ako.

Bahala na nga. Kung aabot na ako sa sitwasyon na ganoon pwede naman sigurong si Manang Meldred na lang ang tanungin.

Pagkatapos ng agahan  pumunta pa kami sa opisina niya.

"Here, I want you to have this," sabay abot niya sa isang android phone.

Alam kong hindi mumurahin ang cellphone na ito. Pwede na nga sana ang di-keypad lang. Pero hindi na lang din ako nagreklamo.

"Naka-save na riyan ang number ko. Personal number ko actually. Walang ibang may alam sa number na 'yan kung hindi mga piling tao lang. Mga importanteng tao lang sa buhay ko," pagbibigay diin niya sa mga sinabi.

Kasali ba ako sa mga importanteng tao na iyon dahil binigyan niya ako ng personal number.

Agad kong naalala ang pagpapanggap namin. Ang dahilan ng lahat.

"Kapag tumatawag ako sagutin mo kaagad. Kung mag ti-text ako mag-reply ka. At higit sa lahat huwag mong ibibigay ang number mo kung kani-kanino lang. Kung maaari ipaalam mo sa akin ang manghihingi ng number mo," sabi niya na tila isang napakaselosong boyfriend.

Nagpapanggap na boyfriend. Itinama ko agad ang sarili.

Sunod-sunod akong tumango na parang bata na tinuturuan niya.

"Mamaya nga pala doon ako magtatanghalian sa taniman ng mangga. Gusto kong dalhan mo ako doon ng lunch." Utos 'yon na hindi pwedeng suwayin.

"Ano bang gusto mong ulam para mahanda ko?" tanong ko sa kanya. Mabuti na ang manigurado. Baka naman magdadala ako roon ng pagkain pero hindi naman niya kakainin. Mapapahiya lang ako.

"Anything. I'm more into veges. Hindi ako masyadong mahilig sa mga karne,," sagot naman niya.

Nag-isip ako ng pwedeng lutuin.

"Ipapakilala na rin kita sa ibang mga trabahador at kung ano ka sa buhay ko. Kaya sinadya ko talagang doon mag-lunch," paliwanag niya.

Muntik ko na naman makalimutan na pagkukunwari lang lahat ng ito.

Hinding-hindi magiging totoo.

Nagpatulong ako kina Joan sa paghahanda para sa lunch. Pinakbet ang naisip kong lutuin.

Sana ayos lang sa kanya 'to. Mahilig naman daw siya sa gulay kaya bahala na.

Wala pa naman si Manang Meldred para tanungin dahil may importanteng lakad.

Bago mag alas-dose nagpahatid na ako sa manggahan. Buti na lang at makakapasok ang sasakyan hanggang doon sa kubong sinisilongan at pinagpahingaan ng mga tao.

Pagdating ko normal pa ang tingin ng mga trabahador sa akin.

Pero ng sinalubong ako ni Lance ng halik sa pisngi doon na nagsimula ang ilang bulong-bulongan at mapanghusgang mga tingin nila.

Hindi ko rin sila masisi. Sa lugar na ito bihira ang pagkakataong umangat sa buhay. Kaya iniisip nilang ginagamit ko si Lance para maambonan ng kanyang yaman.

Natahimik silang lahat nang magsalita na si Lance. Inulit niya ang sinabi sa iba pang mga kasambahay kaninang umaga.

Tumahimik ang bulong-bulongan pero mas naging mapanglait ang mga tingin.

May ibang tiningnan ako mula talampakan hanggang ulo.

May ibang inirapan ako.

Biglang tumunog ang cellphone na bigay ni Lance kaya kinuha ko ito sa aking bulsa.

Mensahe mula sa kanya.

'Eyes here Sabrina.

'Wag mo na lang pansinin ang mga 'yan.

Hindi ako pwede magalit sa kanila, for my image.'

Mag ri-reply sana ako tulad ng gusto niya pero wala na man akong maisip na isagot kaya ibinalik ko na lang ulit sa bulsa ang cellphone.

Nagsimula na silang kumain. Akala ko hindi niya kakainin ang dala ko dahil bahagya siyang natigilan nang buksan niya ang sisidlan.

Pero nakahinga ako ng maluwang ng nag-umpisa na siyang sumubo at parang sarap na sarap sa pinakbet.

"Iba po talaga Sir kung may nag-aalaga," sabi ng matandang lalaki.

"Sino ba naman ang mag-aakala Sir na dito mo lang pala makikita ang babaeng magiging nobya mo?" singit ng isang matabang babae. Hindi ko alam kung pinuri ba niya ako o ininsulto.

"Hindi rin naman ako lugi sa babaeng minahal ko 'di ba? Swerte ko nga sa kanya." Sinakyan naman ni Lance ang sinasabi ng mga tao.

"Uso pa rin pala hanggang ngayon ang true love," sabi naman ng isang babaeng hindi nalalayo sa edad ko.

"Kaya kung ako sa'yo Sabrina, 'wag mo ng pakawalan itong si Sir. Para ka na ring nakahukay ng ginto sa bakuran mo kung siya makatuluyan mo," sabi ng isang ale na may pagkamasungit ang mukha. Alam na alam ko na sa puntong 'yon insulto na talaga ang sinabi niya.

"Hindi naman po dahil mayaman ang isang tao pwede mo ng sabihin na papakasal ka sa kanya. Hindi naman pera ang kasama mong mangangako sa harap ng Dios. Kung may pera o wala dapat sigurado po tayo sa nararamdaman natin," sagot ko sa kanya na ikinatahimik ng lahat.

Pati si Lance hindi naka-imik. Nakatingin lang siya sa'kin na parang tinitimbang ang mga sinabi ko.

Nahuli ko talaga ang pag-ikot ng mata ng babae. Naisip ko bahala na ang lintik na imahe na 'yan ni Lance. Hindi namam masama kung ipagtanggol ko ang sarili minsan.

Pagkatapos ng tanghalian sabay na kaming bumalik ni Lance sa mansiyon.

Napapansin kong parang kanina pa siya hindi mapalagay.

Kamot siya ng kamot sa leeg at braso.

"Ayos ka lang?" tanong ko nang hindi na makatiis.

"May bagoong ang pinakbet mo 'di ba?"

"Oo," nakakunot-noong sagot ko.

Hindi na siya umimik. Napansin kong pumupula na ang kanyang mga balat.

"I'm allergic sa bagoong. And also shrimps and crabs," sabi niya na ikinagulat ko. Sa bawat minutong dumaan nadadagdagn ang mga pula sa katawan niya.

Medyo natataranta na ako. Anong gagawin ko ngayon na ako ang dahilan ng pag-atake ng allergy niya?

Natatanaw ko na ang mansiyon. Pero parang ilang kilometro pa ang layo namin dahil sa binibilang kong minuto bago makarating mismo doon.

Inalalayan ko siyang bumaba mula sa sasakyan at tinulungan hanggang sa makapasok sa loob.

"Nasa kwarto ang gamot ko Sab," nanghihinang sabi niya paglagpas namin sa sala.

Walang ibang tao doon maliban sa aming dalawa. Siguro may kanya-kanyang ginagawa o baka kumakain pa ng tanghalian.

Wala akong choice kung hindi samahan siya at tulungan paakyat ng kanyang kwarto.

Humiga siya sa kama.

"Nasa drawer diyan sa mesa ang mga gamot ko. Pakihanap ang anti allergy."

Nagpa-panic akong pumunta sa sinabi niyang lagayan ng gamot.

Kung para saan ang panic hindi ko alam ang mismong dahilan. Dahil ba sa pagkaing ako ang nagluto na sanhi ng allergy niya? O dahil nandidito kami sa kwarto niya na kami lang dalawa?

Nang makita ko ang hinahanap pinainom ko agad sa kanya.

Unti-unting nawawala ang mga pula sa balat niya.

"Bakit hindi mo sinabing allergic ka pala sa bagoong?" nang-aakusa kong tanong. Kaya pala natigilan siya kanina pagbukas niya sa lalagyan.

"Hindi ko rin ini-expect na may bagoong ang lulutuin mo."

"Bakit kumain ka pa rin kahit alam mong magiging ganito ang epekto sa katawan mo?" hindi pa rin ako nahihimasmasan sa takot na naramdaman.

"Ikaw kasi ang nagluto. Kung hindi ko kinain 'yon baka hindi ka na magluluto ulit. Alam ko ring masarap 'yon," simpleng sagot niya.

"Hindi naman lahat ng masarap na makita mo susunggaban mo na lang palagi." Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko sa kanya.

"Oo na, sige na. Hindi na," malumanay niyang sagot.

Katahimikan ang sumunod.

Inilibot ko ang tingin sa kwarto niya. Black and white ang theme. Lalaking-lalaki ang dating.

May malalaking bintana na may makapal na kurtina. May sariling banyo at may malaking walk in closet na hindi niya naisara ang pinto kaya nalaman kong closet 'yon.

May malaking flat screen tv sa harap ng king size bed. May study table na may nakasaradong laptop sa ibabaw nito. May black leather sofa sa may gilid. May bote pa ng alak na nangangalahati ang laman sa ibabaw ng lamesita kaharap ng sofa. Siguro madalas din siyang umiinom dito. May bed side table na may lampshade na kulay itim din. May malaking salamin at katabi nito ay lumang kabinet na may mga makakapal na libro.

"Done checking out my room?" hindi ko man lang napansin na nakatingin siya sa akin. Saka ko lang naibalik ang mga mata sa kanya.

Nagkatitigan kami at ako ang unang nagbawi ng tingin. Hayan na naman ang matinding kaba ko.

"Sa labas lang ako. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako," paalam ko sa kanya.

Hindi ako pwedeng magtagal malapit sa kanya. Pakiramdam ko parang may mangyayaring hindi maganda.

Hindi na siya nagsalita ulit at hinayaan na akong umalis doon.

Pagkalabas ko nadatnan ko si Manang Meldred sa harap mismo ng pinto ng kwarto ni Lance.

May dala siyang maliit na palangganang may lamang mainit na tubig at bimpo.

"Ako na ang naghatid nito. Pampunas sa katawan ni Lance. Nakita ko kayo habang paakyat ng hagdan. Sa hitsura pa lang niyang namumula alam ko na kung anong nangyari sa kanya."

Inabot ko naman ang palanggana.

"Ikaw na ang magpunas sa kanyaz" nakangiti niyang sabi. "Nagpapasalamat ako at may iba ng mag-aalaga sa kanya bukod sa akin," parang guminhawa ang pakiramdam niya pagkasabi ng mga katagamg 'yon.

Hindi ako nakapagsalita. Nakokonsensiya ako sa kanya. Kung alam lang nila ang totoong set up namin.

Pilit kong nilalagyan ng pader ang pagitan namin ni Lance. Para sa akin. Para sa kanya. Hindi ako magtatagal sa buhay niya. Pero paano kung laging ganito? Binibigyan naman nila ako ng dahilan para lumapit sa kanya. Sobrang lapit pa nga.

Pumasok ako sa loob at nilagay ang palangganang dala sa mesa katabi ng kanyang kama.

"Ayos na ako Manang. Nakainom na rin ako ng gamot. Matutulog lang ako sagli,." sabi niya habang nakapikit. Akala siguro niya ako si Manang.

"So hindi ka na dapat pupunasan nitong maligamgam na tubig? Sige at ibabalik ko na to sa labas," sabi ko habang nasa gilid pa rin ng kama niya.

Tatalikod na sana ako para kunin ang palanggana, pero hinawakan ako ni Lance sa kamay.

"Teka lang. Medyo makati pa rin pala. Magpapapunas na lang ako." Pigil niya sa akin sabay hubad ng T-shirt niya.

Iniwas ko ang mga mata sa katawan niya na walang damit.

"Pwede mo na akong punasan," sabi niya na bumalik sa pagkakahiga.

Kaya naman siguro niyang punasan ang sarili niya. Masyado lang talagang nag-iinarte.

Wala na akong nagawa kung hindi kunin ang towel at pinunasan siya.

Mula sa mukha pababa sa leeg, sa magkabilang braso, sa dibdib pababa sa tiyan, sa pusod,sa abs, pababa sa may waistline ng pantalon niya at bigla niyang pinigilan ang kamay ko.

Ibinuka niya ang mata na kanina ay nakapikit pa.

"Stop doing that Sabrina," namumungay ang mata niya habang nagsasalita.

Ayaw ko naman talaga sanang punasan siya o malapitan siya ng ganito.

Inutusan niya ako kaya ginawa ko na lang. Tapos biglang stop doing that?

"Ikaw naman ang nag-utos sa akin na gawin to 'di ba?" nagtataka kong tanong.

"God, what are you doing to me?" bulong niya pero narinig ko pa rin ito.

Hindi ko siya maintindihan. Inutusan akong punasan siya tapos ngayon parang ako ang may ginawang mali.

"Just go out Sabrina," sabi niya sa akin. Nahalata ko pa ang irita sa mukha niya.

Ganoon ba kabilis magbago ang mood niya? Kanina sobrang okay niya ngayon naman galit. Ano ba talaga ang gusto niya?

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

CHAINED (Tagalog)   EPILOGUE

MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p

CHAINED (Tagalog)   Chapter 37

Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 36

HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 35

PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan

CHAINED (Tagalog)   Chapter 34

KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 33

DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a

CHAINED (Tagalog)   Chapter 13

Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong ni Lance kung sino si Carlo kahit alam ko kung sino ang kanyang tinutukoy.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 12

NAGAWA pang tumawag ni Lance pagdating ko ng mansiyon.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 11

MABUTI na lang at hindi pa ako tuluyang nabaliw nitong mga nagdaang araw. Sobrang seryoso na ni Lance sa palabas naming ito. Ginagampanan na niyang maigi ang pagiging responsableng boyfriend.&

CHAINED (Tagalog)   Chapter 10

 HINDI ko alam kung ano ang una kong sasabihin.

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy