Download the book for free
Chapter 8
Author: Blu BerryHINDI ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Hindi ko rin alam kung anong oras nakauwi si Lance.
Wala rin akong ideya kung saan siya nagpunta.Mahihinang katok ang aking narinig. Hindi pa ako nakakasagot binuksan na nito ang pinto at tuluyan ng pumasok.
"Gising na po mahal na prinsesa."
Sa boses pa lang nito at ang kanyang sinabi alam kong si Cindy ito.
Lumapit siya sa mga bintana at hinawi ang mga kurtina doon. Tuluyan ng pumasok ang pang-umagang sinag ng araw at medyo sumakit ang mata ko. Wala na akong nagawa at bumangon na lang. Tiningnan ko ang orasan sa bed side table at nakitang alas-otso na pala.
Nakakahiya naman at medyo natagalan ako sa paggising. Baka akalain ng mga kasambahay namimihasa ako o nagiging abusado. Bago pa lang naman ang relasyon namin ni Lance pero ganito na ako umasta. Pekeng relasyon pala, pagtatama ko sa sarili.
"Bangon na kamahalan. Huwag po ninyong pahirapan ang inyong alalay. Ihahanda ko na po ang inyong pangligo." Hindi pa rin ako tinigilan ni Cindy.
Inikutan ko siya ng mata. "Tigil-tigilan mo nga ako Cindy. Saka maliligo akong mag-isa. Hindi na ako bata na dapat pang paligoan. Tinanghali lang ako ng gising pero hindi ibig sabihin inutil na ako."
Napabunghalit ito ng tawa. "Masama ang gising te? Hindi pa rin kayo okay? Sige na maligo ka na at magbihis kasi nandiyan na si Miss Ella sa ibaba. May klase ka ngayon Ma'am," sabi nito sabay bago lumabas ng kwarto.
Muntik ko nang makalimutan na kapag Lunes may klase kami ni Miss Ella.
Nagmamadali pa akong bumaba sa kusina para kumain ng agahan. Sobrang nakakahiya na talaga. Ako na nga ang tinutulungan ni Lance para mas ma-develop ang sarili ako pa 'tong late.
Halos hindi ko na naubos ang agahan sa pagmamadali. Pati sa pagpasok sa opisina ni Lance kung saan ginaganap ang aming klase nagmamadali pa rin ako. Hindi na ako nag-abalang kumatok pa.Muntik na tuloy akong matisod. Buti na lang nabawi ko ang aking balanse at hindi natuloy ang pagkakasubsob ko sa sahig. Kung nagkataon pahiya to the next level na naman.
Pero hindi ako nakapagsalita dahil paglibot ng aking paningin sa loob ng opisina walang ibang tao kung hindi ang striktong lalaki na nakaupo sa swivel chair at nakatingin sa akin.
Parang nagsilayasan ang laman ng isip ko at kahit isang salita wala akong masabi.
"Lumabas lang sandali si Miss Ella. May sinagot na tawag," saad niya kahit hindi ako nagtatanong.
Sunod-sunod na tango lang ang sinagot ko. Buhol-buhol ang aking paghinga at parang nabibingi ako sa kaba. Nanginginig pa ang tuhod sa hindi malamang dahilan.
"Kumusta ang tulog?" tanong niya. Iwan kung nagtanong lang siya para may mapag-usapan kami o halata lang talaga sa hitsura ko na wala akong matinong tulog.
"Ayos lang," maikling sagot ko. Mahirap habaan ang sinasabi ko kung hindi naman siya interesado.
Katahimikan ang sumunod. Sa sobrang tahimik halos marinig ko na ang sariling pintig ng puso.
Buti na lang may kumatok sa labas at pumasok si Miss Ella.
"Na istorbo ko ba kayo?" nakangiting tanong nito. Akmang babalik ito sa labas nang pigilan ko.
"Hindi Miss, ayos lang."
Ayokong maiwan sa opisinang ito na si Lance lang ang kasama. Parang nakakalason ang hangin. Ang hirap huminga."Maiwan ko na kayo."
Parang gusto kong tumalon sa tuwa nang marinig kong sinabi niya 'yon.
Dumiritso na ako ng upo sa sofa para tuloy-tuloy na siyang lumabas. Baka matulad na naman ito noong nakaraan na hinalikan pa talaga ako sa noo. Iwan ko na lang kung ano ang reaksiyon ko kung mauulit pa 'yon sa harap na naman ni Miss Ella.
Pero nang diretso lang siya sa paglabas at hindi man lang ako nililingon parang ang sakit naman.
Ayan na naman ang sakit na mula sa lalamunan papunta sa dibdib.Naikuyom ko ang aking kamao. Minsan hindi ko rin talaga alam kung saan ako lulugar.Mabuti na lang at hindi na pinansin 'yon ni Miss Ella. Siguro napansin niya pero mas pinili na lang niyang manahimik.
Buong klase ni Miss Ella lutang tuloy ako. Makailang ulit pa niya binabalik ang tanong bago ko masagot ng tama.
Buong araw na naman kaming hindi nagkita ni Lance. Buong araw wala rin siyang text at tawag sa'kin.
Ano pang silbi ng cellphone niyang binigay kung siya mismo walang planong mag-text at tumawag.Mabuti na lang at walang naglakas-loob na magtanong sa akin kung nasaan na siya.
Wala talaga akong maisasagot sa kanila. Ayoko rin namang sumagot sa kanila ng iwan dahil alam kong mas marami pang kasunod na mga tanong 'yon.Hihiga na sana ako at pipilitin ang sariling matulog. Tiningnan ko muna ang cellphone at nakitang may isang mensahe doon.
Akala ko ang network pero hindi pala. Kay Lance pala galing. Thirty minutes ago pa ito na-sent.
'Are you already asleep?'
Mas madali na lang siguro kung magkukunwari na lang akong tulog at hindi na nabasa pa ang text niya. Pero may isa na naman siyang mensahe.
'Mag-reply ka Sabrina. Alam kong hindi ka pa natutulog. I'm here in the garden at nakikita kong bukas pa ang ilaw ng kwarto mo.'
Kahit alam kong hindi niya ako nakikita dito sa loob ng kwaro pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya at mag-panic. Naglalaro sa aking isipan ang mapanuri niyang mata.
Magtitipa na sana ako ng isasagot kahit nanginginig ang mga dairi pero bigla itong tumawag at nagmamadali naman akong sumagot sa kanya."Hello?" maikling sagot ko. Baka mahalata niyang nanginginig ang aking boses.
Naghintay pa ako ng ilang segundo bago ko marinig ang boses niya.
"Kumusta ang klase niyo kanina?"
Ang sexy lang ng boses niya sa pandinig ko. May halong huskiness.
Nagdala ng kilabot sa aking buong pagkatao ang boses na 'yon. Parang nilalandi ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Seryoso? Landi talaga ang naisip ko?
"A-ayos lang. Mga proper etiquette if ever nasa party or formal events. Ang sabi kasi ni Miss Ella madalas ka ng um-attend sa mga ganyan kasi papasok ka sa pulitika. Hinahanda niya lang ako baka sakaling isasama mo ako doon."
"Good to here that. Maybe one of this days may mag-anyaya sa'tin. We can go together," simpleng sagot niya. Pero ako na naiisip ko na ang mangyayari.
Hindi ko alam kung kaya ko bang i-handle ang ganoong klaseng event lalo't nasa tabi ko lang siya.Katahimikan na naman ang sumunod. Parang pinapakinggan lang namin ang aming paghinga. Naghihintay kung sino ang mauunang magsalita.
Tiningnan ko ang cellphone kung may kausap pa ba ako. Baka naman kanina pa pala niya naibaba ang tawag at para akong timang na naghihintay na may magsalita.
Hindi pa naman niya ibinababa ang tawag kaya idinikit ko ulit sa tainga ang cellphone.
"I missed you," pabulong 'yon na pagkakasabi pero tama lang para marinig ko.
'Pagkatapos mo akong hindi kausapin ng matino, biglang I missed you?' pero mas pinili ko na lang manahimik at isarili na lang ang naisip na panunumbat.
"See you tomorrow Sab, matulog ka na. Good night."
Kanina pa natapos ang pag-uusap namin pero hindi pa rin nababawasan ang kaba ko.
Hindi ko lang talaga maintindihan minsan ang ugali niya.
Okay kayo ngayon, mamaya hindi na.Hindi naman niya kailangang magpanggap na boyfriend ko habang tumatawag. Wala na mang ibang makakakita sa amin.
Mabuti na lang pagkagising ko hindi na ako tinanghali. Mahirap na at baka si Cindy na naman ang gigising sa akin at kung ano-ano na naman ang sasabihin.
Pagpasok ko ng kusina si Manang Meldred ang naabotan ko.
"Dumiretso ka na sa garden Sab dahil doon pinahanda ni Lance ang agahan niyo."
Napakabihira ng ganito. Sa garden mag-aagahan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung anong meron.
Tinulungan ko na lang si Manang sa iba pang dadalhin. Ako na ang nagdala ng isang pitsel ng orange juice bago sumunod sa kanya sa garden. Nakahanda na ang mesa doon na may malaking payong.
Hindi halatang nasa loob lang kami ng mansiyon. Para kasing nasa mamahaling resort kami. Lalo na at malapit lang sa pool ang mesa. May nakapalibot pang iba't ibang mga bulaklak.
Ngayon lang din ako nagawi dito at natingnang mabuti ang lugar. Iba-iba ang mga bulaklak. May hardinero din namang nagmi-maintain ng garden kaya ganito ito kaganda.May bagong pitas pa na puting mga rosas ang mesa namin. Nagpalinga-linga ako kung nasaan si Lance dahil hindi ko siya nakikita.
May narinig akong tunog ng umaahon mula sa pool at nakita kong siya iyon.
Muntik ko ng mabitawan ang isang petsil ng juice. Naka-itim na swimming trunks lang ito. Wala ng ibang suot.
Malayang tumutulo ang tubig sa kanyang katawan mula sa paglangoy. Mula sa buhok, balikat, sa tiyan at sa isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, binilang ko talaga. Six packs abs lang naman ang meron siya.
Ang katawan niyang minsan ko nang napunasan.
Akala ko sa magazine o sa TV lang makikita ang ganitong katawan pero nag-exist pala talaga ito.
Nang iniwas ko ang tingin nakita kong hindi lang ako ang natulala sa kanya, pati sila Cindy at iba pang kasama namin. Napahawak pa sa kanyang dibdib si Joan. Si Manang Meldred lang yata ang walang pakialam sa nangyayari sa paligid.
"Sabrina ang juice, pakilagay dito Hija," utos sa akin ni Manang na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"Opo." Sabay lapit ko sa mesa at inilagay ang juice.
Dahan-dahan namang lumapit sa amin si Lance.
Bahagyang nagiging aligaga ang aking katawan. Hindi ko alam kung saang banda uusog para 'di niya masagi.Hindi ko alam kung saan ako takot, mabasa ng tubig mula sa kanyang katawan o sa katawan niya mismo."Paabot ng towel, Sab," utos niya at diretso lang ang titig sa akin.
Kinapa ko ang bakal na upoan sa aking likod at kinuha and towel na hindi inaalis ang paningin sa kanya. Inabot ko sa kanya ang puting tela sa nanginging na kamay.
"Thanks. Pakipunasan naman ang likod ko. Kakain na tayo pagkatapos nito," mahinang sabi niya.
Para lang akong robot na sumusunod sa kayang utos. Maingat ako sa aking kilos. Ayokong madampian ng kahit isang daliri ang balat niya sa likod.
Nagpasalamat ako nang pagkatapos ko siyang punasan kinuha niya ang towel at tinakip ito sa kanyang ma-muscle na likod.
Kinuha pa niya ang aking pinggan at pinagsandok ako ng pagkain.
"Is this enough?" tanong niya habang pinapakita niya ang lamang pagkain sa aking plato.
Tumango ako.
"No. Ang kunti lang ng kinakain mo. Dadagdagan ko ang pagkain mo at dapat maubos mo ito."
"Here." Sabay lapag niya sa plato kong puno ng pagkain.
Tinapunan ko ng tingin sina Cindy na nasa likod lang ni Lance at may nakakalokong mga ngisi.
Hindi ko mabasa kung ano na namang pakulo ito.
Pagkatapos nito balik na naman kami sa parang hindi magkakilala.Parang kailangan kong mabuhay sa dalawang katauhan.
Girlfriend niya kung maraming mata ang nakatingin at hindi kakilala kung kaming dalawa na lang.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
CHAINED (Tagalog) EPILOGUE
MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p
CHAINED (Tagalog) Chapter 37
Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.
CHAINED (Tagalog) Chapter 36
HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.
CHAINED (Tagalog) Chapter 35
PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan
CHAINED (Tagalog) Chapter 34
KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.
CHAINED (Tagalog) Chapter 33
DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a
CHAINED (Tagalog) Chapter 14
NAGSISISI ako sa inasta nang nasa manggahan kami. Napapanggap lang kami kaya wala akong karapatang masaktan o magalit kung may ibang babae mang lalapitan o kakaibiganin si Lance. Masyado lang talaga akong nag-assu
CHAINED (Tagalog) Chapter 13
Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong ni Lance kung sino si Carlo kahit alam ko kung sino ang kanyang tinutukoy.
CHAINED (Tagalog) Chapter 12
NAGAWA pang tumawag ni Lance pagdating ko ng mansiyon.
CHAINED (Tagalog) Chapter 11
MABUTI na lang at hindi pa ako tuluyang nabaliw nitong mga nagdaang araw. Sobrang seryoso na ni Lance sa palabas naming ito. Ginagampanan na niyang maigi ang pagiging responsableng boyfriend.&
