loading
Home/ All /Assassinating Psychology/CHAPTER SIX

CHAPTER SIX

Author: LabingAnimNaTinta
"publish date: " 2020-07-31 18:22:16



// "Always remember to be careful even if it's your colleagues." \\

KUNOT NA KUNOT ang noo ni Einver habang pinapanood ang doktora na basta basta na lang pumasok sa opisina at dumiretso sa swivel chair nito na para bang hindi siya nakita.. o talagang sinasadya siyang hindi tignan.

Pero ang ipinagtataka niya, bakit? May nagawa na naman ba siya at hindi siya pinapansin nito? May nasabi ba siya o ano?

Simula kahapon pagkabalik niya matapos mananghalian kasama si Nana ay hindi na siya nito pinapansin. Parang may nangyari dito.

Isa pang kakaiba ay ang mga mata nito. May nakikita siyang emosyon dito at hindi niya nga lang mapangalanan dahil halatang pilit nitong tinatago sa kaniya. Hindi ito tumitingin sa mga mata niya at palaging iwas ang mukha.

He sigh in frustration. Ano ba talaga ang nagawa niya at ginaganito na naman siya ng doktora? The first and last time she did is when he said that they're just co-workers. Ngayon naman ay hindi niya alam kung ano.

Napa-isip siya ng mabuti. Ano ba ang ginawa niya kahapon? Then he remembered his wounded hand. Teka, nakokonsyensiya parin ba ito tungkol kahapon? Bakit naman? Wala naman itong kasalanan sa kung ano man ang nangyari sa kaniya. It was all an accident and besides, nakita naman niyang hindi na ito nabahala ng sabihin niyang maayos lang siya. Mahina siyang umiling. 'No, hindi iyon ang rason nito. Maybe iba ang dahilan. Ano nga ba?'

"Einver.."

Hindi pa ba ito maayos matapos ang nangyari? Na-trauma ba ito? Pero bakit hindi siya pinapansin? Wala naman siyang kinalaman sa nangyari kahapon ah?

"Einver?"

"Hmm.." he think another possible reason again at sa hindi malamang kadahilanan ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng may maalala.

'W-Wait! D-Does she know about the incident yesterday? Yung aksidente namin siyang nakita ni Israel na nagbibihis? Nahihiya ba siya kaya siya nagkaganiyan? But.. why is she's not like this to him? Parang hindi naman siya nahihiya sa doktor. Sa akin lang ba? How come that--'

"EINVER CRUZ!"

"W-What?!" Napaigtad siya ng makarinig ng isang sigaw. Para siyang nabalik sa realidad kung saan nakita niya ang doktora na nakatayo sa harapan niya. Kunot na kunot ang noo nito na para bang nagtataka sa kaniya.

"Anong nangyayari sa'yo? Anong problema mo?" Takang tanong nito sa kaniya. He gulp. 'I think I need to say sorry. Baka nauna ng humingi ng tawad si Israel kaya pinapansin siya nito.'

Napabuga siya ng hangin at tumayo. "Ahm.." Teka? Paano nga ba siya magpapaliwanag?

"Einver?"

"Y-Yes?"

"Anong nangyayari sa'yo? Bakit ang lalim ng iniisip mo? Hmm.." tinitigan siya nito ng mabuti.

"Iniisip mo siguro yung tungkol sa lunch niyo kahapon--"

"I didn't mean it!" Diretsong saad niya.

"Ha?"

"A-Ahm, I swear. I didn't mean to look at you yesterday when you were changing! And hwag kang mag-alala! Wala akong nakita--Ahm, maybe your waist but hey! It was just your waist and it was an accident. Chineck kalang namin kahapon ni Israel and it was in timing that your changing back then so ahm, yeah. I-I'm sorry." Dire-diretso niyang pahayag sa doktora.

"H-Ha? What are you--WHAT?!" Biglang sigaw nito. Nanlaki ang mga mata nito at malakas na napasinghap.

"P-Pervert!" Sigaw nito at niyakap pa ang sarili. Napabuga siya ng hangin.

"H-Hey! Ahm, Wala naman akong nakita sa'yo eh. It was just your waist, okay? Nothing more! I swear for that, Sept!" Paliwanag niya dito. Sumama ang tingin nito.

"You sure?!" He sigh.

"A-Ahm.." napahawak naman siya sa batok niya at napa-iwas ng tingin.

"Einver?!" Tawag nito pero napayuko na lang siya at bahagyang napangiwi.

"A-Ahm, Hindi ko talaga nakita but ahm, I saw a glimpse of your bra--"

"PERVERT!" Sigaw nito. Namumulang lumayo ito paatras sa kaniya at mas lalong tumalim ang tingin sa kaniya.

"Hey, it was really an accident. Swear, Sept! And besides.." bahagya siyang napasimangot.

"Bakit ganiyan na lang ang reaksyon mo? Ganiyan ka rin ba ng sinabi sa'yo si Doc Salvador? Bakit mukhang hindi naman? Hindi ka na mukhang naiilang--"

"W-What do you mean? S-So kayong dalawa ni Israel ang nambuso sa'kin kahapon?!" Nanlalaking mga matang tanong nito.

"Yes--Wait! Hindi nga nambuso! It was an accident--" napatigil siya.

"W-What?" Tanong ng doktora ng huminto siya bigla.

Kumunot ang noo niya. "Hindi ba sinabi sa'yo si Israel ang tungkol diyan?" Umiling ito.

"Hindi pero ugh! Patay sa'kin yung mamaya--"

"Then that is not the reason why you are acting like that." napatigil silang dalawa.

"H-Ha? A-Acting like what?" Nauutal nitong tanong. Siya naman ay nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bewang at matiim itong tinignan.

"There's another reason why you are acting like that. You're avoiding me, again!" Inis niyang sambit. "Tell me! May nagawa ba ako?"

Sa sinabi niya ay kitang kita niya kung paano ito napatulala. Ilang saglit pa ay bigla itong tumikhim at tumalikod sa kaniya. Bumalik ito sa pwesto kanina. Umupo ito sa swivel chair at naka-iwas tingin na nagsalita gamit ang pormal na boses.

"It's not important. Anyway, we need to go back to work--"

"September!" Hindi mapigilang usal niya aa buong pangalan nito.

"What?" Naka-iwas tingin nitong tanong. Napabuga siya ng hangin at pumunta sa harap nito. Tinukod niya ang dalawang kamay sa lamesa at bahagyang yumukod.

"What's up? Ano ba talaga ang problema na'ting dalawa?" Mahinahong tanong niya. Umatras naman ang mukha nito at umiwas.

"Wala." pag-iiwas nito.

"Sept--"

"Isipin mo na lang na hindi ka nangako sa'kin. Isipin mo na lang na walang nangyaring panunumpa kahapon at bumalik na lang tayo sa dati." direktang sabi nito sa mga mata niya at doon na niya tuluyang nalaman kung ano ang emosyon na pilit nitong tinatago sa kaniya.

Isang emosyon na hindi niya inakalang magpapasikip ng damdamin niya. She's hurting.. yan ang nakikita niya. Halata din sa boses nito ang lungkot at disappointment ng marinig niya ang mga salita nito.

Napipilan naman siya at biglang naalala ang sinabi kahapon habang pinapatahan ito sa pag-iiyak.

'Promise. We'll have some lunch together, okay? Kaya tahan na. Nandito ako'

He sigh. "Sept--"

"It's fine now." bahagya siyang natigilan ng marinig ang masiyahin nitong boses. Tumayo na ito sa pagkaka-upo.

"Hindi mo naman kasalanan yun. Well, partly but it's okay. Hindi mo naman kailangang tuparin ang pangakong yun. It's just a promised luch and nothing more." Saad nito habang naglalakad palapit sa kaniya. Nang makarating ay bahagya nitong tinapik ang balikat niya.

"Actually, naghihintay lang talaga ako ng pagkakataon na sabihin ito sa'yo kasi paghindi ko nalabas yung saloobin ko ay baka hindi talaga kita papansinin. But anyway, it's alright now. No need to worry--"

Natigil ang sasabihin nito sa ere ng mahigpit niya itong niyakap.

"I-I'm sorry.." paghingi niya ng paumanhin gamit ang sensiro na boses.

"Einver, it's fine. Kasama ko naman si Israel na kumain kahapon kaya ayos na--"

"Sorry.." mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap dito at napapikit.

"I'm sorry for not remembering my promise." she tap his shoulders lightly.

"It's fine. Just don't do it again, okay? Please? Please don't promise anymore, okay? Baka kasi makalimutan mo na naman at kung sa susunod ay talagang hindi na talaga kita papansinin kahit kailan! Naku!"

He nod. "Yes, I prom--"

"Einver. Don't promise."

He sigh. "Okay. I will not do it again."

"Great!" Humiwalay na ito at ngumiti ng napakalapad.

"Thank you."

He nod again and then, doon na bumukas ang pinto at pumasok doon ang hinihingal na si Israel.

"Israel? Bakit? May problema ba at hiningal ka?" Nag-aalalang tanong ni Sept pero walang imik na lumapit si Israel dito. Bahagya pa silang natigilan nang yumakap ito sa doktora ng mahigpit.

"Israel?"

Bahagya silang nagkatinginan ng doktora na para bang naguguluhan sa inakto nito. Narinig nila ang marahas nitong pagbuntong hininga at nagsalita gamit ang mababang boses.

"Aria.. She's dead."

___

"SHE WAS POISON. Yan ang lumabas na autopsy kanina." nanlulumong saad ni Dr. Salvador sa kaniya matapos sabihin ang pagkamatay ni Aria kani-kanina lang.

"P-Poison? Anong-- Paano nangyari yun?" Gulat na sambit ni Sept na hanggang ngayon ay mukhang hindi makapaniwala sa narinig. Maski rin siya ay nagulat sa binalita nito. Naka-usap na lang niya ang nurse kahapon at ngayon ay nabalitaan niya na lang ang pagkamatay nito.

"Ang sabi ay doon daw niya nakuha ang lason sa iniinom niyang juice and which is, yung juice na yun ay ako pa ang may bigay kaya Sept kinakabahan ako. Maaaring ako ang maging suspect nila. I don't know what to do. And I swear to my life, hindi ko nilagyan ng kung ano ano ang inumin niya." nababahalang saad nito sa kanila.

Napabuntong hininga naman si Sept at inalo ulit ang kasamahang doktor.

"Everything will be fine, Is. Just relax, okay? Mapapatunayan din na wala kang kasalanan." mahinahon nitong saad at binigyan ng ngiti ang doktor. Napatango ito.

"Thank you, Sept." muling nagyakapan ang dalawa kaya naman kumuha siya ng tubig para sa lalaking doktor.

"Here." bigay niya dito. Napatingin naman ito sa kaniya kaya bahagya niya lang itong tinanguan. Tipid itong ngumiti at uminom na ng tubig para kumalma.

Siya nama'y nahulog ang isip sa mga sinabi nito. Poison, ito ang naging sanhi ng pagkamatay nito. Ang nakapagtataka ay kung paano nalagyan ng lason ang iniinom nito? Sino ang may gawa nito?

"Israel. You should take a rest. Gusto mo bang magpahinga sa Hypnos?" Alalang payahag ng doktora ngunit marahang umiling ang doktor.

"Hindi na. I'll go back to my office now. Thank you for the comfort and water, by the way." saglit itong tumingin sa kaniya.

"It's nothing but sigurado ka ba?"

"Oo. Sige, I'll go ahead." humalik ito sa noo ng doktora bago tumayo. Pagkatapos ay tinapik nito ang balikat niya bago umalis.

Napabuntong hininga naman si Sept. "Hayy.. ang lungkot ng nangyari kay Aria." Saad nito. Lumapit naman siya at umupo sa tabi nito. He tap her head.

"Everything's gonna be fine." ngumiti ito at sumandal sa sofa.

"Sana nga."

___

I groaned in annoyance. Namatay kaagad siya sa simpleng paglason ko lang? How weak! Tsk! Ni hindi ko man lang napaglaruan kahit saglit!

Winaksi ko na lang iyon sa isipan at pasimpleng pumasok sa loob ng morgue. Kaagad kong hinanap ang katawan nito at inalis ang telang tumatakip sa mukha nito.

Napangisi ako ng makita itong wala na talagang buhay.

"Yan ang mga napapala ng mga taong nakiki-alam sa palabas na ginagawa ko." ngisi ko dito.

Nakakapanghinayang ang taglay niyang ganda ngunit hindi ako makakapayag na masira ang lahat ng plano ko kapag sinabi niya sa lahat ang sekreto ko. Magkakamatayan muna bago nila ako mahuli.

Inilabas ko ang pocket knife sa bulsa at itinutok iyon sa dibdib ni Aria. Bahagya kong itinusok ang kutsilyo sa katawan niya at pinalandas ito hanggang sa makagawa ako ng numero.

12. My 12th victim.

I smirk. Who will be the 13th?

__

"12? WHAT'S WITH the number?" Nagtatakang tanong niya.

Lumipas ang isang oras ay nabalitaan na lang nila na may pumasok sa loob ng morgue. At hindi lang yun, ginuhitan pa nito ng numerong 12 ang dibdib ni Aria.

"I don't know either, Sept." sagot ni Israel sa kaniya. Nandito sila sa opisina niya at nag-uusap tungkol sa bagong nangyari.

"12?" Napalingon siya kay Einver na mukhang nalunod na naman sa pag-iisip kaya naman ay tinapik niya ang balikat nito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya dito. Mahina itong tumango.

"I was thinking about the 'Death Of Ten' three years ago." seryosong saad nito. Kumunot ang noo niya.

"Huh? Anong meron diyan? At ano yan?" Napatingin ang dalawa sa kaniya.

"Hindi mo ba alam ang tungkol diyan?" Tanong ni Einver. Marahan siyang umiling.

"No. You said three years. Wala ako dito ng three years." saad niya.

"Oo nga pala. 2 years ka lang dito sa McNamara." Saad ni Israel.

"The Death Of Ten. Isa itong krimen tungkol sa sunod sunod na pagkamatay ng mga nurse at doctor sa Carranza Hospital. Kaya tinawag na Death Of Ten ay sampu lahat ang namatay. Nabalitaan ko pa nga na sa bawat biktima ay may nakasulat na numero sa katawan nito." Paliwanag ni Israel. Napatango siya.

"Well?" Tumingin siya kay Einver. "Anong kinalaman nun sa pinag-uusapan na'tin?" Tanong niya.

"As you can notice, Sept. May numerong 12 ang dibdib ni Aria. May posibilidad na baka ito yung pagpapatuloy ng Death Of Ten." sagot nito.

"How can you say that? Well, let's say na yun nga.. but where is the number 11?" Muli niyang tanong. Natahimik naman ang dalawa hanggang sa nabasag ang katahimikan ng makarinig sila ng isang tinig.

"The number 11 was Ms. Edogawa, your friend Dra. Sobejana." sabay silang napalingon at nakita si Dra. Jerra Lin, isang cardiologist.

"Jerra?" Tawag niya. Ngumiti ito sa kanila at umupo sa tabi niya.

"How can you say that? Bakit si Van ang 11?" Tanong ni Israel.

"My brother is a police officer. Siya ang naka-atas sa kaso ni Ms. Edogawa and he found out the number 11 in the nape of the victim. Hindi lang nakita noon kasi natatakpan iyon ng buhok niya pero ayon sa kaniya ay may nakasulat nga dun." Paliwanag nito sa kanila.

Natahimik sila sandali. "Kung ganun ay makalipas ng tatlong taon.. bakit bumalik pa siya?" Tanong niya.

"Walang nakaka-alam kung sino. Tanging siya lang ang makakasagot sa lahat." sagot naman ni Jerra.

"Dra. Lin? Can you please update us tungkol sa kasong'to?" Paki-usap ni Israel sa doktora. "We need to know about this case. Biktima dito ang mga naging kaibigan namin." napangiti naman ito at tumango.

"Oo naman. Tutulungan ko kayo sa abot ng makakaya ko."

"Salamat.." medyo nakahinga naman siya ng maluwag ng malamang may tutulong sa kanila. Malaking tulong yun para makakuha sila ng impormasyon tungkol sa kaso dahil talagang hindi siya matatahimik kapag hindi niya malalaman ang lahat ng tungkol sa nalalaman nila.

She will make sure of it.

***

Yassy💫 || Ika-LabingAnimNaTinta☕

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Assassinating Psychology   SPECIAL CHAPTER

 | SPECIAL CHAPTER | // "Be the Queen to the King." \\ ___ "I now hereby declared as the new King, Einver Cruz McNamara of Zeus Organization. May you have a peaceful reign in your time as a King." the King announced and after that, everyone shouted in glee as they clap their hands to congratulate the newest King.Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya lalo na nang lumingon ito sa direksyon niya at nagtama ang mga mata nila.Another year had passed and everyone finally coped up from the happenings in the past. Naging mahirap lalo na kung paano tanggapon ng lahat ang isang katulad niya

Assassinating Psychology   EPILOGUE

 | EPILOGUE | // "Still, an ending needs to solve everything." \\ ___"HYPNOTISM is actually a kind of psychological therapy but one of the most complicated methods of meditation. It includes highly concentration and determination to be able on succeeding doing this." panimula ni Dr. Kyle, a Hypnotist-- sa harap nila.Nasa isang conference room sila ngayon at nagmemeeting about sa bagong method na susubukan nila para sa mga pasyente niya. All of them in the room are Psychologist in McNamara Hospital. Completo silang lahat.. maliban sa isang tao.Ipinilig naman kaagad ni Einver ang ulo nang sumagli sa isipan niya ng taong yun at napagp

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART FOUR ]

 | CHAOS BATTLE | // "Climax doesn't end in one chapter so as the story. It'll just continue until death decides to end it." \\ ___ "Israel.." mahina niyang tawag sa pangalan nito. Hindi parin siya makahuma lalo na nang masaksihan niya ang ginawa nito. The Isreal that she knew would never do that. Aside from his profession as a Doctor, alam niyang may mabuting kalooban ang binata kaya naman laking gulat na niya lang nang makita ang ginawa nito. What he did earlier was not Israel anymore. Naging ibang tao ito at hindi niya maatim na makita ito."Tsk! My guts was right about him. He really has something, eh?" nap

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART THREE ]

 | ENEMY | // "The most unfortunate about having a companion, is having a friend who can also be your greatest enemy." \\ ___ "KAMUSTA, ATE?"Napaawang ang mga labi niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Hawak hawak nito ang baril na kailan ma'y hindi niya maisip na magagawa iyon nitong hawakan ang ganoong kadelikadong bagay. Halata pang nabibigatan ito dahil dalawang kamay ang hawak pero hindi parin nun mababawasan ang kabang nararamdaman niya. Bahagya muli siyang napaatras."M-Macky?"Humakbang naman ito palapit kaya

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART TWO ]

 | FEELINGS | // "Like in the weather. Sun might be the battles and the rain might be the breathing but the thing is, rain can only lasted for a few hours or minutes and again, Sun will begin showing so you have to face the battles again." \\ ___"ANONG GINAGAWA na'tin dito?" takang tanong ni September sa kasama.Nasa isang malawak na harden silang dalawa. Papalubog na ang araw pero kitang kita parin nilang dalawa ang mga iba't ibang klase ng mga bulaklak na nakapalibot sa kanila. Everything seems unreal. Parang nasa lugar sila ng imahinasyon at talagang napakaganda ng paligid."We're away from everyone, September. I think we both nee

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART ONE ]

 | CLOSURE | // "Starting a new chapter will help to reach the ending of the story." \\ ___A MORNING CAME after night, slowly she opened her eyes and found herself in an unfamiliar room. Her forehead wrinkled at that sight. She didn't know where she is."Hmm.." she lowly groaned and massage her temple slowly to ease the ache on her head. Nagtataka rin siya kung nakadapa siyang nakahiga at doon niya lang nalaman ang dahilan nang maramdaman ang kirot dito."A-Ahh.." daing niya sa sakit. Aakma na sana siyang susubok na bumangon nang mapatigil nang makita si Einver sa harapan. Nakahiga ito sa couch at nakaharap din sa kaniya."Ein.." natu

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY THREE [ PART THREE ]

 | SURRENDER TO LIVE | // "Is death can really end the pain?" \\

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY THREE [ PART TWO ]

 | RUN AND RUN | // "Run, as fast as you can to escape." \\

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY THREE [ PART ONE ]

 | CLAIM | // "Now things will turned ito chaos. Are you willing to fight?" \\

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY TWO [ PART THREE ]

 | WHERE IT STARTED | // "Memories can still triggered your past even if you already had buried it." \\

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy