Download the book for free
CHAPTER FIVE
Author: LabingAnimNaTinta
// "Even if it's just a childish promise, you need to keep it. A promise is a promise." \\
Tumango lang ito at sinubsob na ang mukha sa lamesa. He sigh. Dalawang oras makalipas ang nangyari kanina at ngayon ngayon lang niya napatahan ang doktora galing sa pag-iyak.
Ang mga pulis naman ay tuloy parin sa pag-iimbestiga sa basement ng hospital at mukhang nahihirapan dahil talagang malinis ang pagkakagawa ng krimen. Bukod pa doon ay wala pang record sa CCTV, mukhang may nagbura nito para mawala ang ebidensiya.
Napatingin naman siya sa pintuan ng bumukas ito at pumasok doon si Aria. Tumingin ito at ngumiti sa kanila.
"Dra? Ang sabi daw ni Dr. Salvador na kung pwede po bang sabay kayong mag-lunch?" Tanong nito. Umangat naman ang mukha nito.
"Ahm, pwedeng paki-sabi na sa susunod na lang? Ayoko kasing lumabas muna ngayon." sagot nito. Tumango naman si Aria.
"Sige po, Dra." Magalang nitong sagot at ngumiti sa kanila bago umalis. Siya nama'y binalingan ito.
"Hindi ka kakain?" Tanong niya at tumingin sa relong pambisig. "It's already 11. Malapit-lapit na ang lunch."
Mahina itong umiling. "I'm fine. Wala akong ganang kumain." lantang sagot nito at muling bumalik sa pwesto kanina. Napabuntong hininga siya.
"Then rest in your office. Ako na lang ang bibili ng makakain para sa'yo." Saad niya. Muli itong umiling.
"No need to buy for me. I'm fine, Einver." tanggi nito sa kaniya ngunit hindi siya nakinig. Hinawakan niya ito sa braso at maingat nitong hinila patayo.
"Einver.."
"Hwag matigas ang ulo. Kakain ka." dahil sa sinabi niya ay ito naman ang napabuntong hininga at tumango na lamang sa kaniya. Nakahinga siya ng maluwag dun at inalalayan ito papunta sa kwarto.
"Pahinga ka na." Saad niya ng makarating sila sa tapat ng pintuan. Hindi ito sumagot at saglit siyang natigilan ng yumakap ito.
"Salamat." pagod nitong sambit. He gently tap her head.
"Gusto mong sabay tayong kumain?" Tanong niya at naramdaman niya ang pagtango nito.
"Talaga? Promise? Kagaya nung si Van pa ang nandito? Na sabay kaming mag-lunch?"
He sigh. "Promise. We'll have some lunch together, okay? Kaya tahan na. Nandito ako." seryoso niyang saad.
"Sige na." saad niya pero nanatili parin itong nakayakap.
"Sept.."
"B-Bakit si Van, Ein?" Saglit siyang natigilan ng marinig ulit ang basag nitong boses.
"S-Sino ang gawa nun? Bakit niya ginawa yun? W-Wala naman siguro siyang kasalanan dun diba?" Sunod sunod nitong tanong sa kaniya at muli na naman niyang narinig ang mahinang paghikbi nito.
"Sept.." mas lalo siyang nakaramdam ng awa para dito.
"A-Ang sakit mawalan ng kaibigan. Mas masakit pa sa ginawa nila." kumunot ang noo niya nang hindi masyadong maintindihan ang huling binulong nito ngunit ipinasawalang bahala niya na lang ito at binuksan ang pintuan para dito.
Maingat niyang hiniwalay ang dalaga sa kaniya at inalalayan ito papunta sa kama.
"Magpahinga ka na." Saad niya at mahina lang itong tumango bago ipinikit ang mga mata.
Siya nama'y inilibot ang tingin sa loob ng kwarto. Ito ang unang beses na nakapasok siya dito at masasabi niyang simple lang ito.
Maraming mga librong tungkol sa psychology at may maliit pang mukhang study table sa gilid. Parang maliit na kwarto lang para sa doktora.
Itinigil na niya ang pagtingin tingin at napagpasyahang lumabas na ng kwarto.
Kaagad siyang dumiretso sa canteen at bumili ng pagkain. Pagkatapos ay naglakad na siya pabalik ngunit nakasalubong niya ang nagmamadaling si Dr. Salvador.
"Nasa kwarto ba si Sept?" Tanong nito. Tumango siya bilang sagot.
"Nagpapahinga." napabuntong hininga ito.
"Ikaw na lang ang sumama sa'kin kung ganun." kumunot ang noo niya.
"Saan?" Tanong niya ngunit hindi siya nito sinagot at hinila na lang papunta sa kung saan.
Ilang minutong paglalakad ay huminto sila sa isang pintuan na may nakasulat na 'Control Room'.
"Anong ginagawa na'tin dito? Hindi ba ang sabi ay wala naman nakuha na ebidensiya sa CCTV?" Taka niyang tanong ngunit muli lang siyang hinila nito at pinapasok.
Kaagad silang dumiretso sa monitor at may kinalikot doon ang doktor. Maya maya'y lumabas sa screen ang record kanina sa baba mga dalawang oras na makalipas.
"Yan." turo nito sa dalawang tao. Kumunot ang noo niya. Ito yung mga taong nakita niya kanina na mukhang kahina-hinala.
"Napansin mo ba sila kanina?" Tanong nito. Tumango siya.
"Oo."
"Hmm.. Kahina-hinala talaga sila eh. May alam kaya sila?" Hindi siya sumagot. Pinause siya ang record at zinoom niya ang dalawang taong nakita sa gilid. Pinagkatitigan niya ito at sa mga lumipas na segondo ay unti-unti niyang nakilala kung ang mga sino ito.
Napaawang ang mga labi niya ng mapagtanto ang isang bagay.
"Sh*t!" Mahina na lamang siyang napamura ng may maalala.
"Ano na namang ginagawa nila dito?" Inis niyang bulong sa sarili.
"Ha? May sinasabi ka na?" Biglang tanong ng doktor. Agad siyang umiling.
"Wala." sagot niya. Napatango naman ito.
"Tara na." yaya nito at binalik na sa dating oras yung CCTV.
Naglakad na sila palabas ng Control Room ng bumalik ang doktor sa harap ng monitor.
"Sandali. Tignan ko muna kung anong ginagawa ni Sept." Saad nito.
Bumalik din siya sa harap ng monitor at tinignan din kung ano ang ginagawa ng doktora ngunit sabay silang napa-iwas ng tingin ng doktor na kasama ng makita nila kung ano ang ginagawa nito.
"Sh*t!" Sabay nilang mura at mabilis na lumayo sa monitor.
Sabay ulit silang napabuga ng hangin. Napakamot naman siya sa batok ng maramdamang medyo uminit ang tenga niya.
"W-Wala bang C.R. sa loob ng kwarto niya?" Naiilang na tanong ng doktor sa kaniya.
"M-Meron naman siguro pero siya lang naman mag-isa diyan kaya siguro diyan na lang siya nabihis." ilang din niyang sagot. Muli itong napabuga ng hangin.
"Tsk! Mabuti na lang at bewang lang niya yung nakita kanina." tumango siya bilang pagsang-ayon.
"Exit mo na." Saad nito na ikinatingin niya.
"What?"
Ngumuso ito sa monitor. "Exit mo na yung kwarto ni Sept para maka-alis na tayo." tumaas ang kilay niya.
"Bakit ako?"
"Bakit hindi?"
"Bakit hindi ikaw?"
"Oo nga naman. Bakit nga ba hindi-- Gag*! Ikaw na." namumula nitong tanggi sa kaniya ngunit umiling siya.
"No way." sumimangot ito.
"Tayong dalawa na lang ang lumapit para walang gulo." Saad nito at hinila siya papunta sa monitor. Saglit silang nag-alinlangan ngunit ng makitang muli ang nasa monitor ay nakahinga sila ng maluwag ng makitang bihis na ito at nagbabasa na ng libro.
"Exit mo na." Saad niya.
"Okay." aakmang pipindutin na sana ng doktor ng mapatigil sila ng makitang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at may pumasok doon na isang lalaking naka-hood. Naka-mask ang buong mukha nito kaya hindi nila makita ang mukha nito.
"Anong-- F*ck!" Sabay silang napamura ng maglabas ito ng patalim.
Mabilis pa sa alas kwatro silang lumabas ng control room at tumakbo patungo sa kwarto ng doktora.
Habang papalapit doon ay hindi niya maiwasang kabahan ng todo para sa doktora. Na baka kung ano na ang nangyari dito at baka sinasaktan na ng kung sino.
Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo at ng tuluyang makarating sa opisina ay agad niya itong binuksan ay dumiretso sa kwarto.
"AHHH!" Rinig niyang sigaw ng doktor. Madali niyang binuksan ang pintuan at nakita niyang aakma na sanang sasaksakin na ng bagong dating ang doktora ngunit mabilis siyang kumilos at sinipa ito.
Kaagad namang tumilapon ang patalim at gulat na napabaling sa kaniya ang salarin.
"Who the hell are you?!" Galit niyang tanong ngunit hindi ito sumagot at unti-unti pang umaatras.
"Tch!" Walang pag-alinlangan niya itong nilapitan at malakas na sinuntok sa mukha.
"F*ck!" Rinig niyang mura nito at napaatras. Galit itong tumingin sa kaniya ngunit nginisihan lang niya ito at muling sinuntok.
"F*ck!" Mura na naman nito at sinubukan din siyang suntukin ngunit mabilis siyang naka-ilag.
"Sept!" Rinig niyang tawag ng kasamang doktor kanina na mukhang dinaluhan ang sugatang doktora.
Hindi niya muna ito pinansin at inatake ang salarin ngunit malakas siya nitong tinulak. Napa-upo naman siya sa may sahig at naka-igik ng mapansing may natapakan ang kamay niya.
Nang tignan niya ito ay may mga bubog palang nakakalat kaya nagkasugat-sugat ang kanan niyang kamay. Hindi niya ito pinansin at binalingan ang salarin ngunit nakatakbo na ito palabas. Kaagad siyang tumayo at lumabas ng opisina ngunit hindi na niya ito naabutan.
Napabuga naman siya ng hangin at muling pumasok sa kwarto. Nakita niyang magkayakap ang dalawang doktor kaya umiwas siya ng tingin at lumabas na lang muna.
Lumapit siya doon sa mga nurse at pinagamot ang sugatang niyang kamay. Kaagad naman ring kumilos ang mga ito at mabilis na natapos ang paggamot sa kaniya.
Pagkatapos ay kaagad siyang bumalik doon sa kwarto at nilapitan ang dalawa.
"Kamusta na siya?" Tanong niya at pinasok ang kanang kamay sa bulsa.
"Ayos na pero mukhang gulat na gulat parin siya sa nangyari." sagot ni Dr. Salvador habang naka-akbay sa doktora.
Umupo siya sa tabi nito. "Sept? Kung umuwi ka na lang kaya muna." suhestyon niya sa doktora pero mahina itong umiling.
"May mga pasyente pa akong kailangang asikasuhin." Saad nito gamit ang matamlay na boses.
"But you need to rest." sabat naman ng doktor. Ngumiti ito sa kanila.
"I'm fine. I can manage."
"Sept--"
"I'm really fine. Okay?" Saad nito kaya napabuntong hininga na lang siya nang may mapansin.
Hinawakan niya ang siko nito at tinignan ang braso. Saglit siyang natigilan ng makitang may maliliit na sugat dito.
"Teka, may sugat ka." tarantang saad ng doktor na nakatingin din sa kabilang braso ng doktora. Mukhang may mga sugat ito sa magkabilang braso.
"Ayos lang--"
"NO!" Tumingin si Israel sa kaniya. "Paki-tawag ang mga nurse. Kailangan niyang magamot." taranta nito.
Walang pag-alinlangan siyang tumayo at kaagad tumawag ng mga nurse para magamot ang doktora.
___
"AYOS KA NA BA?" Tanong ni Dr. Salvador.
"Salamat." ngiting wika ni Sept at ngumiti sa dalawang lalaking kaibigan na kung maka-alaga sa kaniya ay wagas.
"You should go home, Sept." suhestyon ni Israel sa kaniya.
"Hindi na talaga, okay? Ayos na ako." pagpapakalma niya dito at mahina pang tumawa para ipaalam niyang ayos na talaga siya.
Totoo naman talagang ayos na siya ngunit may halo paring kaba dahil sa nangyari kanina. Hindi niya inasahang may taong mananakit sa kaniya kanina. She just want to take some rest dahil napagod siya kakaiyak. Namatayan siya ng isang kaibigan at kanina pa'y may nagtangkang saktan siya. So much for this day, September.
"Einver! Ayos ka lang? Anong nangyari sa kamay mo?" Umangat ang tingin niya ng marinig iyon at nakitang hawak ni Aria ang kamay ni Einver na naka-bondage.
"It's fine." pilit na ngiting sagot ni Einver at binawi ang kamay ngunit muli itong kinuha ni Aria.
"Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong nito habang nakatingin sa kamay ng binata.
"Wala. Nabubog lang." simpleng sagot nito. Tumayo naman siya at lumapit saka kinuha ang kamay nito.
"Ayos ka lang?" Tanong niya. He smiled and nod.
"I'm fine, Sept."
"Sure? San ba-- Omy!" Bigla niyang naalala ang basag na baso na natapon kanina ng magpumiglas siya sa paghawak ng lalaki.
"S-Sorry about that. I--"
"It's fine." putol nito. Nakahinga naman siya dun ng maluwag.
"Salam--"
"EINVER!" Nagulat na lang silang lahat ng biglang may pumasok na babae. Hinihingal pa ito at mukhang tumakbo.
"Einver!" Takbo nito at biglang yumakap sa binata.
"Nana?" Gulat ding saad ni Einver.
"What the hell are you--"
"I miss you! Sabay tayong mag-lunch!" Masiglang sabi nung Nana at hinila palayo ang assistant.
Humawak naman siya sa braso ni Einver kaya napatigil ito at tumingin sa kaniya.
"Ahm, may nakalimutan ka ata?" Alinlangan niyang tanong. Kumunot ang noo nito.
"Nakalimutan? Ano?" takang tanong nito sa kaniya. Napabitaw siya sa braso nito.
"W-Wala kang nakalimutan?" umaasang tanong niya ngunit mas lalo lang kumunot ang noo nito na parang hindi siya naiintindihan.
Mahina siyang umiling at pilit na ngumiti dito.
"W-Wala. Sige na, see you later." paalam niya at kaagad na tumalikod dito.
'Promise. We'll have some lunch together, okay? Kaya tahan na. Nandito ako'
She sigh when she remembered what he said and promised.
"Promises are really meant to be broken, huh?"
***
Yassy💫 || Ika-LabingAnimNaTinta☕
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Assassinating Psychology SPECIAL CHAPTER
 | SPECIAL CHAPTER | // "Be the Queen to the King." \\ ___ "I now hereby declared as the new King, Einver Cruz McNamara of Zeus Organization. May you have a peaceful reign in your time as a King." the King announced and after that, everyone shouted in glee as they clap their hands to congratulate the newest King.Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya lalo na nang lumingon ito sa direksyon niya at nagtama ang mga mata nila.Another year had passed and everyone finally coped up from the happenings in the past. Naging mahirap lalo na kung paano tanggapon ng lahat ang isang katulad niya
Assassinating Psychology EPILOGUE
 | EPILOGUE | // "Still, an ending needs to solve everything." \\ ___"HYPNOTISM is actually a kind of psychological therapy but one of the most complicated methods of meditation. It includes highly concentration and determination to be able on succeeding doing this." panimula ni Dr. Kyle, a Hypnotist-- sa harap nila.Nasa isang conference room sila ngayon at nagmemeeting about sa bagong method na susubukan nila para sa mga pasyente niya. All of them in the room are Psychologist in McNamara Hospital. Completo silang lahat.. maliban sa isang tao.Ipinilig naman kaagad ni Einver ang ulo nang sumagli sa isipan niya ng taong yun at napagp
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART FOUR ]
 | CHAOS BATTLE | // "Climax doesn't end in one chapter so as the story. It'll just continue until death decides to end it." \\ ___ "Israel.." mahina niyang tawag sa pangalan nito. Hindi parin siya makahuma lalo na nang masaksihan niya ang ginawa nito. The Isreal that she knew would never do that. Aside from his profession as a Doctor, alam niyang may mabuting kalooban ang binata kaya naman laking gulat na niya lang nang makita ang ginawa nito. What he did earlier was not Israel anymore. Naging ibang tao ito at hindi niya maatim na makita ito."Tsk! My guts was right about him. He really has something, eh?" nap
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART THREE ]
 | ENEMY | // "The most unfortunate about having a companion, is having a friend who can also be your greatest enemy." \\ ___ "KAMUSTA, ATE?"Napaawang ang mga labi niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Hawak hawak nito ang baril na kailan ma'y hindi niya maisip na magagawa iyon nitong hawakan ang ganoong kadelikadong bagay. Halata pang nabibigatan ito dahil dalawang kamay ang hawak pero hindi parin nun mababawasan ang kabang nararamdaman niya. Bahagya muli siyang napaatras."M-Macky?"Humakbang naman ito palapit kaya
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART TWO ]
 | FEELINGS | // "Like in the weather. Sun might be the battles and the rain might be the breathing but the thing is, rain can only lasted for a few hours or minutes and again, Sun will begin showing so you have to face the battles again." \\ ___"ANONG GINAGAWA na'tin dito?" takang tanong ni September sa kasama.Nasa isang malawak na harden silang dalawa. Papalubog na ang araw pero kitang kita parin nilang dalawa ang mga iba't ibang klase ng mga bulaklak na nakapalibot sa kanila. Everything seems unreal. Parang nasa lugar sila ng imahinasyon at talagang napakaganda ng paligid."We're away from everyone, September. I think we both nee
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART ONE ]
 | CLOSURE | // "Starting a new chapter will help to reach the ending of the story." \\ ___A MORNING CAME after night, slowly she opened her eyes and found herself in an unfamiliar room. Her forehead wrinkled at that sight. She didn't know where she is."Hmm.." she lowly groaned and massage her temple slowly to ease the ache on her head. Nagtataka rin siya kung nakadapa siyang nakahiga at doon niya lang nalaman ang dahilan nang maramdaman ang kirot dito."A-Ahh.." daing niya sa sakit. Aakma na sana siyang susubok na bumangon nang mapatigil nang makita si Einver sa harapan. Nakahiga ito sa couch at nakaharap din sa kaniya."Ein.." natu
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY TWO [ PART TWO ]
 | ESCAPED | // "Who's truly lying?" \\
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY TWO [ PART ONE ]
| APOLOGY | // "Can a word sorry change everything?" \\ ___
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY ONE [ PART FIVE ]
 |FIFTH PAGE | // "If it means to live again, then live." \\
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY ONE [ PART FOUR ]
 | FOURTH PAGE | // "Acceptance is the hardest thing to do when you already had enough because of pain." \\
