Download the book for free
CHAPTER FIFTEEN [ PART TWO ]
Author: LabingAnimNaTinta
// "There are things that should be left unsaid even if it's the hardest thing to hide." \\
___
He should be happy, right? Maaaring hindi na ito makaligtas ngayon dahil sa mga natamo nito. At dapat ay hindi ganito ang nararamdaman niya, dapat hindi blanko, dapat ay may sumisilay ngayon na ngiti sa mga labi niya habang tinitignan itong nawawalan na ng buhay ngunit bakit?
Wala siyang maramdamang kahit na ano. Hindi siya makaramdam ng kasiyahan o kahit pag-alalala man lang para dito. He feels nothing.. he became blank all of the sudden.
"She's still alive." Parang bumalik siya sa tamang wisyo ng makita si Min sa harapan niya. Walang emosyon ang nasa mga mata nito ngunit bakas sa mukha ang pagkaginhawaan. Napakunot ang noo niya at hindi na napigilang tanungin na ito.
"Bakit ganito ang pakikitungo mo sa kaniya? Hindi ka galit. Hindi ka ba nagagalit sa kaniya dahil sa pagpatay niya--"
"I killed many people more than her so why would I?" Napatigil siya.
"Hindi ko tinutulungan ang may kasalanan. Sadyang alam ko lang na hindi pa siya dapat mamatay." Makahulugang ngumisi ito sa kaniya.
"Wala pa akong nalalaman tungkol sa pagkatao niya kaya hindi pa siya pwedeng mawala." Dagdag nito.
"That attitude again, Min. Ayan na naman ang ugali mong palaging inuusisa ang lahat ng bagay." Napatingin sila sa bagong dating, kay Chille.
"Kung ganoon ay ginagawa mo lang ang lahat ng'to dahil may gusto kang malaman?" Tanong niya.
"Paano kapag nalaman mo na ang lahat tungkol sa kaniya?" Mas lalo itong ngumisi.
"Then she'll have my punishment. I'll give her death, your majesty." malamig nitong saad at umalis na.
Napa-iling siya. "Sinasabi ko na nga ba. She's not worried about Sixteen. She just don't want her to die because of her questions at paniguradong kapag nalaman na niya lahat ay mawawalan na ng saysay si Sixteen para sa kaniya at--"
"Ito na mismo ang papatay sa doktora." dugtong ni Chille.
"She's just playing." napa-iling na lang sila at muling napadako ang tingin niya sa walang malay na doktora.
He sigh. Wala talaga siyang nararamdaman na kahit ano. He feels numb all of the sudden and it irritates him. Dapat ay masaya siya na nakikita ang hinagpis nito ngunit wala. Wala siyang nararamdaman maski isa man lang.
"Tsk!" Napaismid na lamang siya at umalis na. Pumunta siya sa sariling kwarto at doon nahiga sa kama. Napatitig siya sa kisame hanggang sa pumasok na naman sa isipan niya ang ngiti nito kanina bago mawalan ng malay.
Her smile.. that smile again, September. Marahas siyang napa-iling nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso.
"Tsk! Kung ano-ano na naman ang nararamdaman ko." sermon niya sa sarili at pinili na lang munang umalis sa underground basement at bumalik sa kwarto para makapagpahinga habang pilit winawaklis sa isipan ang ngiting ibinigay kanina ng doktora.
__
UNTI-UNTING minulat ni September ang mga mata. Mabigat parin ang pakiramdam niya dahil sa mga pasang nakuha pero pinilit niya paring bumangon.
Bakas sa mukha nito ang pag-aalala ngunit imbes na makaramdam ng kagalakan ay malamig niya itong tinignan.
"Tayong dalawa lang ang narito, Min. Hindi mo kailangang magpanggap." madiin niyang sambit at kagaya ng inaasahan ay bigla itong tumawa at lumayo na sa kaniya.
"Nakakahanga talaga ang isang propesyunal na kagaya mo, doktora. Alam na alam mo kung ano ang totoong nararamdaman ng isang tao." Napangisi siya sa narinig.
"Oo naman. Alam na alam ko.. lalo na yang nararamdaman mo." Ito naman ang natigilan sa sinabi niya. Umiwas ito ng tingin kaya napa-ismid na lamang siya.
Ang pinaka-ayaw niya talaga sa isang tao ay ang pagtatago nito ng mga tunay na emosyon. Nagagalit siya. Bakit kailangan pa nilang itago? Ang mga galit at pandidiri na nararamdaman ng mga ito sa kaniya ay hindi na kailangan pang itago pa sa kaniya. Alam na alam naman niya na ito talaga ang nararamdaman nito.
Bakit pa ba nila tinago? Wala naman silang magiging dahilan at wala rin iyong saysay. Sa buong buhay niya'y halos puro peke lang ang lahat ng nakikita niya.
Sampung taon pa siya noon ngunit ramdam na ramdam na niya kung paano siya tratuhin ng kakaiba ng mga magulang niya.
Ilag na ilag ito sa kaniya na para bang hindi siya kasali sa pamilya. Ang mga ngiti at pakikisama nito na sampung taon niyang nakikita ay puro pakitang-tao lamang. Halatang ayaw nila sa kaniya dahil sa oras na mawala ang lahat, ang mga ngiti ay nabubura sa mga labi nila. Nagiging malamig ang pakikitungo sa kaniya at ramdam niyang wala naman talaga itong paki-alam sa buhay niya.
Gusto niyang malaman kung bakit? Anong dahilan? Hindi ba siya totoong kasapi ng pamilya kaya ganoon na lamang ang turing sa kaniya? Hindi niya maintindihan ang lahat hanggang sa lumipas pa ang ilang taon.
Isang trahedy ang nangyari. At ang pangyayaring iyon ang tuluyang pumukaw sa mga damdamin nito. Kung noong bata pa lamang ay nakikisama pa ito ngunit nang mangyari ang lahat ay nawala na iyon. Tuluyan na siyang binasura at imbes na gumuho ang buhay niya'y doon na lamang siya nakahinga ng maluwag.
Na sa wakas ay nakawala na rin siya sa kaplastikan ng lahat. Nahulog na ang maskarang sinusuot nito at nakita na niya ang tunay na emosyong bumabalot dito.
Ang galit, takot, at pandidiri sa kaniya. Ganun sila kalupit sa kaniya. Ganun ang naging buhay niya.
"Why do you want to be a Psychologist?" Nabalik siya sa wisyo ng marinig ang tanong na iyon. Napangiti siya ng mapait.
"Simple lang naman. Gusto kong malaman ang totoong emosyon ng mga taong nakakasalamuha ko. Hindi ko gusto ang pinepeke ako. Kung hindi nila ako gusto ay dapat yun ang ipapakita nila sa'kin. Hindi dapat awa dahil alam ko namang hindi lahat yun ay totoo." Napatingin siya dito.
"Kagaya mo." Direkta niyang tinignan ito sa mga mata.
"Matibay sa lahat ng bagay ngunit nararamdaman ko naman ang pagiging mahina mo. Maswerte ka lang siguro at ganiyan ang mga mata mo. Hindi nila nakikita ang emosyon mo dahil sa takot na makasalubong ito." Pakiwari niya at ito naman ang tumawa.
"Sa tingin mo ba'y magaan sa pakiramdam na makita ang totoo nilang emosyon?" Kinuyom nito ang mga kamao.
"Araw-araw nanaisin mo na lang na sana hindi mo makita yun. Ang mga galit nila't oo nga nagpapakatotoo sila.." napayuko ito.
"Pero sakit naman ang hatid nun. Nakikita ko kung paano ako pinagtabuyan ng lahat. Sa tingin mo ba at hindi nakakapagod na maramdaman iyon? Nakakapagod, nakakasakit, at nakakasakal na nanaisin mo na lang na mawala ang lahat. Na sana hindi mo na iyon makita pa." Ramdam niya ang paghati sa boses nito kaya nakaramdam agad siya ng awa.
"Min, that's your painful truth. You're living in a real life that full of pain while I, this is my painful false. I'm living in a fake life that full of untruthfulness. We're both the same but opposite. You want to try how my life works while I want to be in your place.. but do you know our same? It's our feelings of desire to escape this sh*ts."
Katahimikan naman ang namayani sa kanila pagkalipas ng ilang minuto hanggang sa basagin niya iyon.
"You can still fight for yourself. Alam kong gusto mo pang lumaban." saad niya. Saglit naman itong natahimik ngunit nang muli itong magsalita gamit ang malamig na boses ay siya naman ang natahimik.
"Ikaw ba? Gusto mo pa?" Tanong nito na hindi niya magawang masagot. Alam niya sa sarili ang kasagutan dun.
I want to end this but I made a promised to live so I'll fight even if I'm all alone in this battle.
__
"DID YOU find anything about her past?" tanong niya kay Chille.
Morning came and they're in the living room, sitting on the couch and minding each other's business until he started the conversation by asking that question.
Nakita niyang bahagyang tumaas ang kilay nito at umangat ang tingin galing sa binabasa nitong libro.
"No." simple nitong saad. Napahinga naman siya ng malalim at hindi na lang umimik ngunit ito naman ang nagtanong.
"And why do you want to know about her past, Einver?"
Umiwas siya ng tingin. "I'm just curious."
"For a future Psychologist, you'll surely don't know how to lie. Dapat alam mo na ang mga ginagawa ng tao kapag nagsisinungaling sila at kung alam mo yun, hindi mo na ginagawa yun para hindi ka mapaghahalataang nagsisinungaling." mahabang lintanya nito at napailing.
"You're too obvious just by not looking at me while saying those words. Seryoso? Magsa-Psychologist ka talaga sa lagay na yan?"
He scoff in annoyance. "Just shut it, Chille."
Ngumisi ito. "Pikon ka lang."
Napailing siya. "Whatever."
Bumuntong hininga ito at binaba ng tuluyan ang libro at isinarado ito saka inilapag sa round table na nasa gitna nila bago pinagkrus ang mga braso at tinaasan siya ng kilay.
"Now answer my question. Why are you curious about her? I thought you don't care, Einver?" halata ang pang-uuyam sa boses nito na ikinasimangot niya.
"Wala ba akong karapatan? She caused to many mistakes at me. Isa pa ay may kinalaman siya sa nangyayari ngayon kaya natural lang na gusto kong malaman ang buong pagkatao niya. After all just like what you've said, may pinagsamahan din naman kami." ani niya.
Her lips twitch. "I can sense bitterness on your voice, dear brother. Talaga lang ah?" he sigh and stand up from the couch.
"You know what. Mas maiging ikaw na lang ang maging Psychologist. You're too observant, Chille." ngiwi niya at iniwan itong tumatawa sa sinabi niya.
Pupunta na lang sana siya sa kwarto pero natagpuan na lang niya ang sarili na binabagtas ang daan papunta sa ilalim kung saan naroon siya.
Or better yet, ako na lang ang magtatanong ng direkta sa kaniya.
Kagaya noon ay nanatiling walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin dito.
He sigh. Better go straight to the point.
Tinignan naman niya ito at nagsalita,
"Why did you killed them?" Direktang tanong niya at may diin din ang pagkasaad. Hindi na naman ito sumagot kaya napabuntong hininga siya at muli itong tinignan.
She's still in daze so he keep on staring intently at her at mukhang sa wakas ay napansin din siya nito. Bahagya pa itong napapiksi at agad na bumaling ang tingin sa kaniya ngunit sa pagkakataong ito ay nakita niyang bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita ang emosyon sa mga mata niya. And yes, he let her see his hidden emotions since that day.
"September.." tawag niya sa muling pangalan nito at mas lalo itong natigilan.
"Y-You called me that n-name again?" Gulat nitong tanong. He nod.
"Tell me. Sabihin mo sa'kin ang kung bakit mo ginawa yun? Magbigay ka sa'kin ng sapat na rason kung bakit mo ginawa ang lahat ng yun." mariin niyang utos dito pero hindi ito sumagot kaya unti-unti na naman siyang nakaramdam ng galit pero pinigilan niya ito.
"S-September.. I need reason." napayuko naman siya. "A-Ayoko ng magalit sa'yo.." he said truthfully and look at her again, pleading.
"B-Bigyan mo naman ako ng rason para muling ibalik yung nararamdaman ko para sa'yo." Paki-usap niya rito . Hinawakan niya ang rehas at tinignan ito ng may pagsusumamo.
"September naman.." muli niyang saad nang hindi ito sumagot pagkalipas ng ilang segundo.
Napahinga naman ito ng malalim at nakikita niya ang saglit na pagdaan ng mga emosyong hindi niya mapangalanan. It looks like she's struggling too but after a couple of seconds, those emotions faded on her face and it became blank again.
"Wala akong rason, McNamara." Malamig nitong saad at biglang ngumisi. Napaatras siya ng isang hakbang. Talagang nakakabigla ang daliang pagpapalit-palit ng mga emosyong pinapakita nito.
"Magalit ka kung gusto mo. Wala akong paki-alam. Ito ako.. isang mamatay tao." sa huling sinabi nito'y tuluyan nang bumagsak ang balikat niya.
"September--"
"It's Sixteen, McNamara." putol nito. "I prefer you calling me Sixteen than that name."
Natahimik naman siya at unti-unting kinuyom ang mga kamao. And when his eyes bored at her, there's lividness visible on his face.
He sigh."Sige." Pagpayag niya gamit ang walang buhay na boses.
"I gave you a chance to clean your name but you waste it. Fine! " Tinignan niya ito ng masama.
"Then die in this cage until forever, Sixteen!" parang may bumara sa lalamunan niya pero pinilit parin niyang sabihin ang mga huling salita habang tinitignan ito ng diretso sa mga walang buhay nitong mga mata.
"You're no longer my September."
***
Yassy💫 || Ika-LabingAnimNaTinta☕
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Assassinating Psychology SPECIAL CHAPTER
 | SPECIAL CHAPTER | // "Be the Queen to the King." \\ ___ "I now hereby declared as the new King, Einver Cruz McNamara of Zeus Organization. May you have a peaceful reign in your time as a King." the King announced and after that, everyone shouted in glee as they clap their hands to congratulate the newest King.Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya lalo na nang lumingon ito sa direksyon niya at nagtama ang mga mata nila.Another year had passed and everyone finally coped up from the happenings in the past. Naging mahirap lalo na kung paano tanggapon ng lahat ang isang katulad niya
Assassinating Psychology EPILOGUE
 | EPILOGUE | // "Still, an ending needs to solve everything." \\ ___"HYPNOTISM is actually a kind of psychological therapy but one of the most complicated methods of meditation. It includes highly concentration and determination to be able on succeeding doing this." panimula ni Dr. Kyle, a Hypnotist-- sa harap nila.Nasa isang conference room sila ngayon at nagmemeeting about sa bagong method na susubukan nila para sa mga pasyente niya. All of them in the room are Psychologist in McNamara Hospital. Completo silang lahat.. maliban sa isang tao.Ipinilig naman kaagad ni Einver ang ulo nang sumagli sa isipan niya ng taong yun at napagp
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART FOUR ]
 | CHAOS BATTLE | // "Climax doesn't end in one chapter so as the story. It'll just continue until death decides to end it." \\ ___ "Israel.." mahina niyang tawag sa pangalan nito. Hindi parin siya makahuma lalo na nang masaksihan niya ang ginawa nito. The Isreal that she knew would never do that. Aside from his profession as a Doctor, alam niyang may mabuting kalooban ang binata kaya naman laking gulat na niya lang nang makita ang ginawa nito. What he did earlier was not Israel anymore. Naging ibang tao ito at hindi niya maatim na makita ito."Tsk! My guts was right about him. He really has something, eh?" nap
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART THREE ]
 | ENEMY | // "The most unfortunate about having a companion, is having a friend who can also be your greatest enemy." \\ ___ "KAMUSTA, ATE?"Napaawang ang mga labi niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Hawak hawak nito ang baril na kailan ma'y hindi niya maisip na magagawa iyon nitong hawakan ang ganoong kadelikadong bagay. Halata pang nabibigatan ito dahil dalawang kamay ang hawak pero hindi parin nun mababawasan ang kabang nararamdaman niya. Bahagya muli siyang napaatras."M-Macky?"Humakbang naman ito palapit kaya
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART TWO ]
 | FEELINGS | // "Like in the weather. Sun might be the battles and the rain might be the breathing but the thing is, rain can only lasted for a few hours or minutes and again, Sun will begin showing so you have to face the battles again." \\ ___"ANONG GINAGAWA na'tin dito?" takang tanong ni September sa kasama.Nasa isang malawak na harden silang dalawa. Papalubog na ang araw pero kitang kita parin nilang dalawa ang mga iba't ibang klase ng mga bulaklak na nakapalibot sa kanila. Everything seems unreal. Parang nasa lugar sila ng imahinasyon at talagang napakaganda ng paligid."We're away from everyone, September. I think we both nee
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART ONE ]
 | CLOSURE | // "Starting a new chapter will help to reach the ending of the story." \\ ___A MORNING CAME after night, slowly she opened her eyes and found herself in an unfamiliar room. Her forehead wrinkled at that sight. She didn't know where she is."Hmm.." she lowly groaned and massage her temple slowly to ease the ache on her head. Nagtataka rin siya kung nakadapa siyang nakahiga at doon niya lang nalaman ang dahilan nang maramdaman ang kirot dito."A-Ahh.." daing niya sa sakit. Aakma na sana siyang susubok na bumangon nang mapatigil nang makita si Einver sa harapan. Nakahiga ito sa couch at nakaharap din sa kaniya."Ein.." natu
Assassinating Psychology CHAPTER NINETEEN
 | WHAT HAPPENED?| // "Will anger resurface again after the paths crossed again?" \\
Assassinating Psychology CHAPTER EIGHTEEN
 // "Will time forgets?" \\ _
Assassinating Psychology CHAPTER SEVENTEEN
 // "Even time can't heal your wounds easily when you aren't even willing. It'll leave scars eventually." \\ ___
Assassinating Psychology CHAPTER SIXTEEN
 // "Even death can't.." \\ __ AMONTH IN PRISON is
