loading
Home/ All /Assassinating Psychology/CHAPTER SEVEN

CHAPTER SEVEN

Author: LabingAnimNaTinta
"publish date: " 2020-07-31 18:22:58



// "When someone says you should be careful in a carefree way, beware because jokes are half meant true." \\

___

"HINDI KA PA ba uuwi?" Tanong ni Einver sa kaniya.

Pasado alas dyes na ng gabi at hanggang ngayon ay nasa ospital parin sila. Naka-upo parin siya sa swivel chair at naghahanap ng impormasyon tungkol sa Death Of Ten.

"Mamaya na, Einver. May ginagawa pa ako." seryosong sabi niya habang nakatutok parin sa computer na kaharap. Rinig niya ang pagbuntong hininga nito at naramdaman niya ang paglapit nito.

"What are you doing? Bakit mo hinahanap yan?" Tanong nito ng makita ang ginagawa.

She sigh. "I want to know more about the case, Ein. Sangkot si Vanessa dito and she is my friend. Kailangan kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay niya." Saad niya.

"Alam ko pero it's already pass 10. Kailangan mo nang magpahinga."

"Then I'll rest later in my room. Dito na lang ako magpapalipas ng gabi." sabi niya. Ramdam niya ang pagkagulat nito.

"What? Are you serious? Alam mo namang delikado ngayon dito sa ospital. Baka kung ano ang mangyari sa'yo dito, Sept." ramdam niyang nag-aalala ito kaya hindi niya maiwasang mapangiti ng simple.

"I will be fine, okay?" She said and give him a reassuring smile but he groan in annoyance.

"September Sobejana--"

"Einver Cruz." madiin niya ding tawag dito. Marahas siyang umiling.

"It's a NO." pinal niyang saad. Napabuga naman ito ng hangin at nagulat na lang siya ng umupo ito sa patient's chair na nasa may gilid lang niya.

"Then I'll wait for you." napaawang ang labi niya.

"Einver.."

"I'll wait, September." madiin nitong sambit ngunit napa-iling siya.

"No need, okay? Dito nga ako matutulog kaya mabuti pa ay umalis ka--"

"I got it." she paused for a bit.

"Then you'll go home now?" Tanong niya ngunit sa gulat niya'y ngumisi ito.

"Nope. You'll stay here, right? Then I'll stay here too."

"WHAT?!" Gulat niyang sambit at bahagyang napanganga.

"Y-You'll stay here?" Tumango ito.

"Yes."

"But Einver--"

"Kailangan kitang bantayan. Remember that you were attacked by those psycho. It means that you were his/her target. Baka umatake iyon knowing that you are alone."

"Pero paano naman niya malalamang ako lang mag-isa dito? Baka iniisip nun na nasa bahay ako diba?" Argumento niya na ikina-iling nito.

"Stop arguing with me, Sobejana. I'll stay here and that's final." napabuga siya ng hangin.

"Fine. Let's say that you'll stay here but how about--"

"Sobejana! I said stop--"

"Hindi naman ako makikipagtalo but I have--"

"September Sobejana--"

"Saan ka matutulog?!" Inis niyang sambit. There, she finally said it. Napatigil ang kausap dahil sa sinabi niya.

"See? Isa lang ang kwarto at kama ko. Hindi--"

"I'll sleep in Hypnos."

"What?"

"In Hypnos. May pahingahan naman dun diba? I'll stay there." napabuga siya ng marahas na hangin.

"Einver.."

"Nope. You can't make me leave, Sept." pinal nitong sabi kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango dito.

__

HE YAWNED again. Pumungay ang mga mata niya at pilit niyang nilalabanan ang antok.

It's already 2:00 A.M. at hanggang ngayon ay wala pa rin atang balak na matulog ang doktor na kasama. He yawned a bit.

"September. Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong niya ngunit mahina lang itong umiling. He sigh.

Napagpasyahan niyang tumayo na lang at magtimpla. Mas mabuting uminom na lang siya ng kape para mawala ang antok na nararamdaman.

He stir his creamed coffee and make another which is for September. Kaya nga lang ay choco drink ito.

Pagkatapos magtimpla ay nilagyan din niya ng maraming marshmallows ang ibabaw nito. Then, he went to his doctor and place the drink infront of her.

Sandaling napatigil ang doktora bago tumingin sa kaniya. Ngumiti ito ng matamis.

"Thank you! I need this one." tumango lang siya bilang sagot at muling bumalik sa pwesto.

Kaagad niyang ininom ang kape sa pagkaka-akalang makakatulong ito.. ngunit hindi. Hindi nabawasan ang antok na nararamdaman niya.

He groaned. 'Bwesit na kape!'

"Magpahinga ka na, Ein. Halatang inaantok ka na eh." napatingin siya sa doktora.

"I'm fine--" natigil siya sa pagsasalita nang mapahikab siya. He groaned again.

"Sh*t!"

"Einver. Sige na, magpahinga ka na." pilit nito.

"Ikaw? Bakit mukhang hindi ka pa inaantok?" Napatingin siya sa pambisig na relo.

"It's already 2:10 in dawn. Matulog ka na rin." saad niya ngunit umiling ito.

"I'm not sleepy."

"You sure?"

"Yes, very sure." sagot nito. Napatitig naman siya sa babae hanggang sa may mapagtanto siya.

"I can see that you are not really sleepy. How's that? Ahm.. September. Do you have an insomnia?" Hindi mapigilang tanong niya. Natigilan naman ito ngunit pagkakunwa'y napatango.

"I have a sleeping disorder." sagot nito. Kumunot ang noo niya.

"What?"

She sigh. "Sleeping disorder is a condition were in a person is having a hard time taking a nap. This occur when a person is stress and always thinking about his/her problem." paliwanag nito. Napatango siya.

"It's the same as insomnia."

"Yeah, that's the result of having a sleeping disorder, Insomnia."

"I see. But ahm, wala ka bang gagawin para mawala yan?"

"Meron namang mga therapy para dito but dahil sa marami akong ginagawa ay nakakaligtaan ko ng pansinin ang mga bagay na'to. Nasanay na rin kasi ako ng late na matulog o talagang hindi na matutulog." Kwento nito.

"But you should take a rest. Ang daming nangyari ngayong araw na ito." Saad niya. Tumango ito.

"I know, but I can't help it. Hindi ako makakatulog ng maayos paghindi ko nalalaman ang tungkol sa kaso ni Vanessa at Aria." He sigh.

"But there are times that I pushed myself to sleep even though I have an insomnia. Kaso nga lang ay noong high school pa yun, I think."

"Ano naman? Gawin mo para makatulog ka na." mabilis niyang saad. Alam niyang pagod na pagod na ito at gusto ng magpahinga ngunit hindi magawa dahil nga sa disorder.

"A-Ahm.. No, thanks. It's fine." biglang iwas nito na siyang ikinakunot ng noo niya.

"September.."

"It's fine. Malapit na ring mag-8, diba? It's ahm, 2:18. Kukulangin parin ako sa pagtulog kaya no need to do it."

"But at least you sleep. 5 hours siguro ka makakatulog at makakatulong yun kahit papaano." mabilis itong umiling.

"No need." mas lalo siyang nagtaka dito.

"Why are you like that? Bakit ayaw mo?"

"Kailangan ko pa kasing mag-imbestiga at--"

"Sobejana--"

"Fine! I'll try it but who will do it?"

"Huh?" Napapantastikuhang tinignan niya ito.

"I don't understand you." she sigh heavily.

"When I was in high school. My grandma always sing a song, caress my hair and hug me. It helps me to relax and calm so that I'll be able to sleep. So yes, Einver Cruz. I'll sleep but who will do those things?" Dire-diretso nitong pahayag. Napaawang ang labi niya.

"I-I don't know.." naiilang niyang sagot.

"See? No one will do it kaya hindi rin ako makakatulog. Mabuti pang pagkatapos mong inumin yang kape mo ay matulog ka na, maliwanag?" Wala sa sarili siyang napatango.

"Good." he sip his coffee when a question pop up in his mind.

"Ganun ba yung ginagawa mo sa makalipas na taon?" Tanong niya. Muli itong natigilan. Saglit itong tumahimik bago siya sinagot.

"No. When my grandma died, I haven't take a good sleep. Paputol-putol ang tulog ko. Minsan din ay saglit lang akong matulog o kaya nama'y hindi ako matutulog." mahina nitong paliwanag.

"Ahm, may I ask why you can't sleep and when did it started?" May pag-aalinlangan niyang tanong.

"Ahm, it started when I was just 16 years old and ahm.." napayuko ito. "P-Pwede bang h-hindi ko na lang sabihin ang dahilan? I-I don't want to talk about it." mahinang paki-usap nito. He smile, an apologic one.

"I'm sorry for asking." umiling ito at ngumiti ng tipid.

"It's fine."

Natahimik naman sila pagkatapos ng magdaang minuto hanggang sa naubos na niya ang tinimplang kape. Pagkatapos niyang iligpit ito ay napagpasyahan niyang matulog na lang.

Pumasok siya sa Hypnos at humiga doon sa isang pang-isahang kama.

As he stared in the ceiling, he thinks about the doctor.

Halatang masakit ang kung anong pinagdaanan nito. Nakita niya ang emosyong iyon sa mga mata ng doktora. She's in pain. He can feel it but he can't understand why she's in pain. He don't know her story.. and it's as much as she don't even know his story.

Kagaya niya ay may pinagdaanan din siya. Duwag man kung titignan ay hanggang ngayon ay pilit niya paring tinatakasan ang problemang iyon. He don't want that big responsibility but does he have a choice? Kahit magtago o umalis siya sa kinatatayuang mundo ay hindi niya parin ito matatakasan.

Lalo na't nandito siya. Nasa hospital kung saan alam niyang may kaugnayan sa kaniya lalo na sa buhay niya.

He sigh. He can't sleep now. Muli siyang tumayo at lumabas sa Hypnos. Nadatnan niya ang doktora na hanggang ngayon ay kaharap ang computer but she's wearing a headset. Mukhang nakikinig ito ng musika.

Umupo siya sa sofa kaya napatigil ito at napatingin sa kaniya.

Tinanggal nito ang suot na headset at nagtatakang nagsalita.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong nito.

"I can't sleep." napangiwi ito.

"Mukhang dalawa na tayong hindi makatulog." he nod.

"Anong pinapakinggan mo?" Sumandal siya sofa at pumikit.

"I was listening to the song that my grandma used to sang before. Para narin siguro makaramdam ako ng antok. Kahit paunti-unti basta makatulog ako." he smile upon hearing it.

"That's good."

"Ikaw? Bakit hindi ka makakatulog?" Tanong niya. Hindi naman siya makasagot. Iniisip niya parin kung tama ba ang gagawin niya. Nakakahiya man pero sa tingin niya ay yun ang tamang gawin para sa doktora.

"I was thinking if.." nakaramdam siya ng pag-aalinlangan.

"You were thinking about?" He gulp and look at her eyes.

"I was thinking if can I do it for you." Napakunot ang noo nito.

"What?" Umiwas siya ng tingin at bahagyang nakahawak sa tengang umiinit na dahil sa kahihiyan.

"Y-Yung ginagawa ng lola mo sa'yo. H-Hindi ba't nakakatulog ka kapag ginagawa yun sa'yo? A-Ahm, H-How about if I'll do it for you? Para makatulog sa sana." nauutal at naiilang niyang saad.

Napaawang naman ang labi nito at napasinghap.

"H-Ha?" He sigh. Tumayo siya at nilapitan ito.

"Let's sleep." hinila niya ito papunta sa kwarto nito.

Wala sa sariling sumunod ito sa kaniya at humiga sa kama. He sit at the side and caress her hair.

"Just listen to your headset. I can't sing for you and it will be awkward if I hug you while in bed. I'm still a man, okay? Ahm, I'll just caress your hair though. Makakatulong ba yun kahit papaano?" Tanong niya. Napatitig naman ito sa kaniya.

"September.." she smile.

"Thank you, Ein." siya naman ang napangiti.

"Sleep now, Sept." she just nod. Binalik nito ang headset sa tenga at pumikit na. Umisod siya palapit at hinaplos ang buhok nito.

Makalipas ang ilang sandali ay nanatili parin siya sa ginagawa habang nakatitig dito nang bumukas ang mga mata nito. Nagtaka naman siya ng umupo ito.

"Hindi ka parin ba makatulog?" Tanong niya. Hindi ito sumagot.

"Ahm, ano pa bang kailangang gawin--" he paused. Napaawang ang labi niya ng bigla itong kumilos. Lumapit ito sa kaniya at sa gulat niya'y yumakap ito bigla.

"Sept.."

"I can't sleep. I need a hug." bulong nito. He sigh.

"Okay.." hinawakan niya ang buhok nito at hinaplos.

Naramdaman naman niya ang paghigpit ng yakap nito kaya pinagpatuloy niya ang ginagawa.

Habang ginagawa ito ay hindi niya maiwasang mailang. He's not used of being sweet to a woman. Iba ang trato niya sa mga babae noon. Hindi naman siya playboy pero sa mundong ginagawalan niya noon ay hindi ganito. Walang ganito.

Aside from that, he can feel his heart. It's pounding fast like crazy. Nakaka-kaba sa pakiramdam pero mas magaan. Habang lumilipas ang ilang minuto ay nagiging komportable siya dito. Hanggang sa naramdaman niyang humiwalay ito. Bumitaw ang mga braso nito sa kaniya ngunit nanatili parin sa pwesto.

Alam niyang nakatulog na ito kaya maingat niya itong hinigang muli at pinagkatitigan.

Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito.

"Masyado ka ng nagiging komportable sa akin, Sept." Hinawakan niya ang kamay nito.

"Please don't do that.." maingat niyang hinalikan ang pulso nito at muling napatitig sa kasama.

"Don't be comfortable with me. It might hurt you soon if you'll find out who really am I."

***

Yassy💫 || Ika-LabingAnimNaTinta☕

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Assassinating Psychology   SPECIAL CHAPTER

 | SPECIAL CHAPTER | // "Be the Queen to the King." \\ ___ "I now hereby declared as the new King, Einver Cruz McNamara of Zeus Organization. May you have a peaceful reign in your time as a King." the King announced and after that, everyone shouted in glee as they clap their hands to congratulate the newest King.Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya lalo na nang lumingon ito sa direksyon niya at nagtama ang mga mata nila.Another year had passed and everyone finally coped up from the happenings in the past. Naging mahirap lalo na kung paano tanggapon ng lahat ang isang katulad niya

Assassinating Psychology   EPILOGUE

 | EPILOGUE | // "Still, an ending needs to solve everything." \\ ___"HYPNOTISM is actually a kind of psychological therapy but one of the most complicated methods of meditation. It includes highly concentration and determination to be able on succeeding doing this." panimula ni Dr. Kyle, a Hypnotist-- sa harap nila.Nasa isang conference room sila ngayon at nagmemeeting about sa bagong method na susubukan nila para sa mga pasyente niya. All of them in the room are Psychologist in McNamara Hospital. Completo silang lahat.. maliban sa isang tao.Ipinilig naman kaagad ni Einver ang ulo nang sumagli sa isipan niya ng taong yun at napagp

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART FOUR ]

 | CHAOS BATTLE | // "Climax doesn't end in one chapter so as the story. It'll just continue until death decides to end it." \\ ___ "Israel.." mahina niyang tawag sa pangalan nito. Hindi parin siya makahuma lalo na nang masaksihan niya ang ginawa nito. The Isreal that she knew would never do that. Aside from his profession as a Doctor, alam niyang may mabuting kalooban ang binata kaya naman laking gulat na niya lang nang makita ang ginawa nito. What he did earlier was not Israel anymore. Naging ibang tao ito at hindi niya maatim na makita ito."Tsk! My guts was right about him. He really has something, eh?" nap

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART THREE ]

 | ENEMY | // "The most unfortunate about having a companion, is having a friend who can also be your greatest enemy." \\ ___ "KAMUSTA, ATE?"Napaawang ang mga labi niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Hawak hawak nito ang baril na kailan ma'y hindi niya maisip na magagawa iyon nitong hawakan ang ganoong kadelikadong bagay. Halata pang nabibigatan ito dahil dalawang kamay ang hawak pero hindi parin nun mababawasan ang kabang nararamdaman niya. Bahagya muli siyang napaatras."M-Macky?"Humakbang naman ito palapit kaya

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART TWO ]

 | FEELINGS | // "Like in the weather. Sun might be the battles and the rain might be the breathing but the thing is, rain can only lasted for a few hours or minutes and again, Sun will begin showing so you have to face the battles again." \\ ___"ANONG GINAGAWA na'tin dito?" takang tanong ni September sa kasama.Nasa isang malawak na harden silang dalawa. Papalubog na ang araw pero kitang kita parin nilang dalawa ang mga iba't ibang klase ng mga bulaklak na nakapalibot sa kanila. Everything seems unreal. Parang nasa lugar sila ng imahinasyon at talagang napakaganda ng paligid."We're away from everyone, September. I think we both nee

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART ONE ]

 | CLOSURE | // "Starting a new chapter will help to reach the ending of the story." \\ ___A MORNING CAME after night, slowly she opened her eyes and found herself in an unfamiliar room. Her forehead wrinkled at that sight. She didn't know where she is."Hmm.." she lowly groaned and massage her temple slowly to ease the ache on her head. Nagtataka rin siya kung nakadapa siyang nakahiga at doon niya lang nalaman ang dahilan nang maramdaman ang kirot dito."A-Ahh.." daing niya sa sakit. Aakma na sana siyang susubok na bumangon nang mapatigil nang makita si Einver sa harapan. Nakahiga ito sa couch at nakaharap din sa kaniya."Ein.." natu

Assassinating Psychology   CHAPTER NINETEEN

 | WHAT HAPPENED?| // "Will anger resurface again after the paths crossed again?" \\

Assassinating Psychology   CHAPTER EIGHTEEN

 // "Will time forgets?" \\ _

Assassinating Psychology   CHAPTER SEVENTEEN

 // "Even time can't heal your wounds easily when you aren't even willing. It'll leave scars eventually." \\ ___

Assassinating Psychology   CHAPTER SIXTEEN

 // "Even death can't.." \\ __ AMONTH IN PRISON is

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy