GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest

All Chapters of SOMETIMES HEART GOES WRONG: Chapter 11 - Chapter 20

Home /  All /  SOMETIMES HEART GOES WRONG /  Chapter 11 - Chapter 20
23 Chapters

CHAPTER TEN

HALATA ni Jercelle na iniiwasan siya ni Julan. Ilang beses na kasing nangyari na magkakasabay sila o magkakasalubong sa office pero bigla itong nawawala sa kanyang paningin. Binabalewala lang niya iyon dahil naiisip niyang baka may personal itong dahilan at mas gusto nitong mapag-isa. Para sa kanya, mas makabubuti na mangyari ang gusto nito kesa sa may ibang taong umeksena.Pero ngayong umaga, na nakita niya itong nakatayo at naghihintay sa harap ng elevator ay tinabihan niya."Hi, Julan." Ngiting-ngiti siya nang batiin ito. "Good morning."Pilit ang ngiting iginanti nito sa kanya. Hindi niya nagustuhan iyon. Hindi siya sanay sa ganito nitong presensiya."May problema ba?"Lumabi ito at ikinibit ang balikat."B-bakit..?"Hindi pa rin suma
Read more

CHAPTER ELEVEN

TUWANG-TUWA at sabik na niyakap ni aling Helen si Rexcelle. "Apo ko..."Nanlaki ang mga mata ni Jercelle sa nakita at narinig. Gulat at nagtatakang napatingin siya kay Bricko. Namula naman ang mukha nito at nilapitan ang ina."Inay...""Huh?" Tila nagulat itong napatingin sa anak at binitiwan ang bata. "S-siya pala si Rexcelle. Ang gandang bata."Tumingin ito sa kanya."Pasens'ya ka na, Jercelle. Sabik na kasi ako sa bata. Dalaga na ang bunso ko at ito namang panganay kong si Bricko ay hindi pa ako nabibigyan ng apo..."Tumingin ito kay Bricko na buhat na si Rexcelle. Hindi nito napigilan ang sarili na hagurin ang likod ng anak niya."Ito pala ang magiging instant apo ko..."Napaawang ang mga labi niya dahi
Read more

CHAPTER TWELVE

SINALUBONG ni Julan si Jercelle sa lobby ng company ng umagang iyon. Ngiting-ngiti niya itong binati at iniabot ang isang pirasong red american rose."This is from me. A single rose but filled with love and caring. Jercelle, please accept it and forget all the bad things I did. Puwede ba?"Tinanggap nito ang bulaklak. Nagpasalamat. Pero nanatiling pinid ang mga labi. Sinabayan niya ito sa pagpasok sa elevator."Peace na tayo?""Wala naman talagang war na namamagitan sa ating dalawa, di ba? But Julan...""Hindi ko mapipigilan ang Mokong na 'yon sa panliligaw sa 'yo. Pero hayaan mo rin sana akong patunayang mahal kita. Ang kaya ko'y makipagsabayan sa kanya sa panliligaw sa 'yo.""Nasabi ko na sa 'yo ang damdamin ko kay Bricko. At ang plano ko. Julan, stop it. Set me free. Please."Nang bumukas ang metal door ng elevator sa third floor ay agad itong lumabas. Hindi na niya ito sinundan pa. Pero hindi ibig sabihin ay sumuko na siya. 
Read more

CHAPTER THIRTEEN

AGAD na nag-alala si Bricko nang lumabas si Jercelle sa kuwarto na umiiyak. Kasunod nito si yaya Sally na halos namamaga na ang mga mata."Mommy is crying, tito Brick." Sabi ni Rexcelle na kumalas sa pagkakayakap niya. "Mommy ko..."Lumapit ito sa ina at yumakap sa hita nito. "Anak..." Napilitan si Jercelle na buhatin ang bata. Hinalikan ito at niyakap. "I love you so much, baby."Lumapit siya sa mag-ina."Jercelle, puwede ko bang malaman ang problema?"Tinawag ni Jercelle si yaya Sally at ibinigay si Rexcelle. Sinabi nitong ihahatid na siya sa labas para makauwi na. Hindi naman siya tumutol at inakbayan na lang ang babae habang palabas sila sa bahay."Kung gusto mong mapag-isa at makapagpahinga na ay mas mabuting umuwi na ako..."Biglang humagulhol si Jercelle at yumakap sa kanya. Isinubsob nito ang mukha sa dibdib niya. Tuluyan na siyang naawa dito kaya niyakap niya. Hinayaan niyang umiyak ito upang maibsan ang bigat ng kalooban.
Read more

CHAPTER FOURTEEN

"PLEASE, Jercelle. Sabay na tayo papunta sa office." Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Julan. "For our friendship."Narinig niyang may diin sa last word nito. Friendship. Dapat niyang isa-alang-alang ang pagiging magkaibigan nila. Kaya napilitan siyang sumakay."Thanks, bestfriend." Sabi pa nito bago isara ang pinto. Saka dali-dali umikot sa unahan ng sasakyan. Mabilis itong umupo sa driver's seat."This is my great morning." Masaya nitong sabi na pina-start ang ignition. "My great day, rather.""Sabi ko naman na huwag ka nang mag-abala sa akin. Pero ang kulit-kulit mo. Paano kung sinundo ako ngayon ng boyfriend ko?""Hindi mo talaga ako papansinin, Jercelle?""Sorry na lang. Hindi naman puwedeng sa 'yo ako sasabay kung sinundo ako ni Bricko.""Hindi ka niya sinundo ngayon.""Maaga siyang tumawag at sinabing may emergency siyang lakad. Naka-timing ka, Julan.""Baka naman may extra activity na pinuntahan si Mokong kag
Read more

CHAPTER FIFTEEN

"IYAN ba ang sinasabi mong hindi mo niloloko si Jercelle, Mokong?" Tinanong ni Julan ng ganoon si Bricko dahil kitang-kita niya sa reaction nito ang pagkabigla -- pagkabigla ng isang taong nabisto!"Alam mo ang nasa isip ko ngayon? May alam ka sa ginawa ng babaing iyon kay Rexcelle. Magkasabwat kayo."Dinuro siya ni Bricko. "Wala akong alam sa sinasabi mo, Julan!""Itinatanggi mong kilala mo ang babaing 'yon? Mokong, huwag! Nang makita ko kayong magkasama ay halatang close kayo. Hindi ako malisyosong tao pero parang may kakaiba kayong relasyon.""Shit, Julan!" Pinitsarahan siya nito. Galit na galit ito at napakahigpit ng pagkakahawak sa kuwelyo ng polo niya. "Huwag na huwag mong babanggitin 'yan kay Jercelle. Gago ka!""Bitiwan mo ako!" Sinuntok niya ito sa tiyan kaya nabitiwan siya. "Ang kapal ng mukha mo, Mokong!"Nakangiwi si Bricko habang sapo ang sariling tiyan. Ininda nito ang malakas niyang suntok. Umurong din ito para iw
Read more

CHAPTER SIXTEEN

"MATINDI ka talaga, Salve." Pinilit ni Jercelle na magpakatatag. Ayaw niyang makita ni Salve na labis siyang nabigla at totoong apektado. "Talaga bang lahat ay gagawin mo, makamit mo lang ang gusto mo?""Ayaw mong maniwala na si Bricko ang tunay na ama ng anak ko? Tawagan mo siya. Tanungin mo. At paaminin mo ng totoo kapag tumanggi.""Umalis ka na!"Umiling-iling ito. Pagak na tumawa."Alam mo, Jercelle, galit na galit ako. Alam mo kung bakit? Dahil hihiwalayan na daw ako ni Bricko dahil sa 'yo. Mahal ka daw niya at seryoso siya sa 'yo."Hindi na niya napigilang pumatak ang mga luha. Hindi pa man niya tiyak kung totoo ang mga sinasabi nito ay labis na siyang nasasaktan."Tama na, Salve. Umalis ka na. Please lang!""Sana kinilala mo munang mabuti si Bricko, Jercelle. Hindi mo sana siya pinagkatiwalaan agad.""Umalis ka na!" Sigaw niyang hinampas ang gate. "Ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin mo. Alis!""Kausapin mo si
Read more

CHAPTER SEVENTEEN

MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K
Read more

CHAPTER EIGHTEEN

NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal." Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang." Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
Read more

CHAPTER NINETEEN

"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
Read more
Previous Page
Next Page
Download the Book
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy