GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Home / All / SOMETIMES HEART GOES WRONG
Last Updated : 2020-09-04
SOMETIMES HEART GOES WRONG

SOMETIMES HEART GOES WRONG

Filipino
·
18+
·
Ongoing
By:  Franz Valley

23

Chapters
Ratings

167

Views
Synopsis
Biyuda si Jercelle ni Rexter Frias, na nag-iwan sa kanya ng isang batang naging daan para malampasan niya ang matinding kalungkutan, si Rexcelle na apat na taong gulang. Na naging close agad sa good looking taxi driver na si Bricko, na nagmalasakit at tumulong ng ito ay mawala. She found out that this man is very thoughtful and charming that's why she fell-in-love with him. Pero ng maging boyfriend niya ito ay nanligaw ang bestfriend niyang si Julan kaya nalito ang puso niya. But at the end of the day, natuklasan niyang malaki pala ang kaugnayan ng boyfriend niya sa babaing gustong magwasak ng buhay niya, si Salve.
Share the book to

Chapter 1

PROLOGUE

MUNTIK nang mapatili si Jercelle ng mula sa likuran ay may yumakap sa kanya. Mahigpit. Nilingon niya ito at nasambit ang pangalan ng malaman kung sino.

"Nakakainis ka. Ginulat mo ako..."

Tumawa ang asawa niya at hinalikan siya sa pisngi. A sweet smack kiss, na nagpalambot ng husto sa pagkatao niya.

"Rexter, naman, e..."

"Sorry, mahal, kung nagulat ka. Na-miss kasi kita."

"Na-miss?" Humahagikhik na ini-off niya ang stove at binitiwan sa ibabaw ng nilulutong fried rice ang sandok. Humarap siya rito. Lumuwag ang pagkakayakap nito pero nanatiling nakakulong siya sa mga braso nito.

"Mister Frias," Pinisil niya ang ilong nito. "Magkasama tayo sa buong magdamag. At dahil tayo lang dalawa ang nasa ating room ay nilingkis mo ako ng todo."

Napakamot sa batok si Rexter. "Para naman akong ahas na nanglilingkis..."

"Eh, totoo naman po. At gustung-gusto ko po 'yon, my dear husband."

Tinitigan siya nito ng tuwid sa mga mata. Halos mapunit ang labi nito sa luwang ng pagkakangiti.

"Kaya nami-miss kita, e, kahit buong magdamag tayong magkasama lalo na paggising ko sa umaga ay wala ka na sa tabi ko."

"Taong 'to..."

Yumakap siya rito at inilapat ang pisngi sa dibdib nito. She really loves her husband... she truly loves this man. Sobra. Sobrang minahal niya si Rexter sa kabila ng kakulangan nito. Hindi kalabisang sabihin na wagas ang pag-ibig niya rito. Maging sino o ano pa ito ay pinahalagahan niya at inirerespeto.

"Jercelle, mahal, thank you so much for loving me. For accepting me. Ang totoo, hindi sapat ang word na salamat sa pagtanggap mo sa akin as your husband. Sana... sana'y totoong masaya ka sa piling ko."

"Oo, naman."

Bumitiw siya sa pagkakayakap dito. Tiningala niya ito.

"I'm so happy and contented as your wife. Wala akong masasabi o mairireklamo sa pagmamahal mo sa akin. Bigay ka sa akin ni God. You're from heaven and a big and a great blessing in my life. Tandaan mo 'yan. Okay?"

Tumango ito. "Opo." Masuyo siyang hinalikan sa noo. "I love you."

Muli siyang yumakap dito. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Ewan ba. Bigla ay parang na-miss din niya ito ng todo kahit magdamag silang magkasama kagabi at mahigpit na magkayakap.

Ang totoo'y ayaw pa niyang bumangon kanina para magluto ng breakfast. Kasi naman, halos hindi niya matanggal ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Si baby?"

Napatingala siya ng marinig ang tanong nitong iyon. "Sinilip ko siya kanina bago ako magluto. Mahimbing pang matutulog sa tabi ni yaya Sally."

"Buti naman." Kinalas nito ang pagkakayakap niya.
"Puntahan ko muna si Rexcelle. Miss ko na din ang baby natin, e."

Hinalikan niya ito sa pisngi. She really blessed for having a lovable husband. Araw-araw siyang maligaya sa piling nito. Napaka-suwerte nila ni Rexcelle sa asawa niya.

Sana... sana'y mahabang panahon pa silang magkasama nito. Kung may forever, sana'y mangyari iyon sa kanila ni Rexter.

Pero ang hinahangad niyang iyon at pinapangarap ay hindi natupad. Sobrang sakit. A, walang kasing sakit! Walang-wala sa isip niya na iyon na pala ang huling araw na kasama itong buhay.

Kung alam lang sana niya na nang umagang iyon ang huling sandali na magkakasama sila ay hindi na niya ito pinaalis para pumasok sa trabaho.

Halos mawalan na rin siya ng buhay nang mabatid niyang namatay na ito ng araw na iyon dahil sa car accident.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

    Last Updated : 2020-09-04
  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

    Last Updated : 2020-09-04
  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

    Last Updated : 2020-08-27
  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

    Last Updated : 2020-08-27
  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga i

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SIXTEEN

    "MATINDI ka talaga, Salve." Pinilit ni Jercelle na magpakatatag. Ayaw niyang makita ni Salve na labis siyang nabigla at totoong apektado. "Talaga bang lahat ay gagawin mo, makamit mo lang ang gusto mo?""Ayaw mong maniwala na si Bricko ang tunay na ama ng anak ko? Tawagan mo siya. Tanungin

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER FIFTEEN

    "IYAN ba ang sinasabi mong hindi mo niloloko si Jercelle, Mokong?" Tinanong ni Julan ng ganoon si Bricko dahil kitang-kita niya sa reaction nito ang pagkabigla -- pagkabigla ng isang taong nabisto!"Alam mo ang nasa isip ko ngayon? May alam ka sa ginawa ng babaing iyon kay Rex

More Chapters

Reviews

no comment
No comment yet

Chapters

Read

Download

You might like

Fulfilled Duties (Tagalog)
GENTLE DESIRE FROM A RAKE (TAGALOG)
What You Give Is What I Give
The Night Before Summer Ends  (TAGALOG)
 Red Rose [Filipino/Tagalog]
His Sadist Bed Spacer
Fulfilled Duties (Tagalog)

Fulfilled Duties (Tagalog)

disguisedname

Kahit panay ‘No results found’ ang napapala ni Byeongyun gamit ang kaniyang mga robot sa paghahanap niya sa nobya niyang misteryosong inilayo sa kaniya apat na taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Kahit kasi iniwan na niya ang South Korea para manirahan sa Pilipinas upang magsimula muli ay hindi siya iniiwanan ng bangungot ng kaniyang nakaraan. Ngunit sa tulong ni Deborah ay marami ang mahahalungkat na sikreto at mga tanong na unti-unti ng mabibigyan ng sagot. Bukod sa may babalik upang manira ay maraming magbabalat-kayo para lamang makapaghiganti.

download Fulfilled Duties (Tagalog)Download the book on the App

To Readers

Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2  FEI

Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy