Download the book for free
PROLOGUE
Author: Gret San DiegoAlam ni Shelby na ikakasal na ang lalaking labis-labis niyang minahal, pero iba pa rin pala ang dating nang makita niya mismo sa labas ng chapel ng isang five star hotel sa New York ang wedding sign board ng dalawa: Welcome to our Wedding, Teresa & Alfonso.
May narinig na ingay ang dalaga mula sa kanyang likuran. Paglingon niya sa pinagmulan no’n nakita niya ang masasayang mukha ng mga bisita ni Alfonso. Mayamaya pa, lumitaw na rin ito na katulad ng mga kasama ay hanggang tainga rin ang ngiti. Bago pa siya makita nito’y dali-dali na siyang lumayo roon.
“Why do you need to go there? You were not even invited?” sabi ng kaibigan niyang si Dane kanina nang umalis siya sa shared condo nilang dalawa sa Manhattan. “You’re just putting yourself in so much pain.”
“I have to see him for the last time, Dane. Hangga’t hindi ko siya nakikitang ikinakasal sa iba ay hindi ako maniniwalang wala na siya sa buhay ko.”
Iyon ang balak niya kanina. Ang saksihan mismo ang pag-iisang dibdib ni Alfonso sa babaeng ni sa panaginip ay hindi niya inakalang aagaw sa kanya sa pagmamahal ng lalaking itinatangi. Sino ba naman si Teresa Filomena Quezada kung ikompara sa kanya? Isa lamang itong ordinaryong nilalang na sinuwerte lang at nakapuntang Amerika. Pero siya? Siya ay Si Shelby Madeline Mariano San Diego, ang kaisa-isang anak na babae ni Magnus San Diego, isa sa mga tinitingalang pangalan sa larangan ng negosyo sa Pilipinas. Hindi lamang iyon. Kahit hindi niya gamitin ang pangalan ng pamilya, kilala na rin siya sa bansa maging sa Europa at America bilang rising star in fashion design. Kahit saang anggulo tingnan, lamang na lamang siya kay Teresa. Subalit...
“Are you okay, Miss?” tanong ng lalaking puti na nakasalubong niya paglabas na paglabas ng hotel. He looked a bit concerned. Isang marahang tango lang ang isinagot niya rito bago ibigay ang hawak niyang ticket na may nakasulat na numero.
The guy did a double take at the ticket number she gave him. Nangunot pa ang noo nito. Ang lalaking katabi nito ang nagpaliwanag dito kung ano ang ibig sabihin no’n. Hindi na siya nakapag-explain na kailangan na niyang umalis sa hotel na iyon dahil sa tindi ng nararamdamang emosyon.
“All right,” sabi ng lalaki.
Nang bumalik ito sa harapan niya, pinagmamaneho na nito ang kulay puti niyang Mercedes-Maybach. Itinigil nito sa harapan niya mismo ang nasabing sasakyan. Daig pa niya ang isang lasing na halos ay gumiwang-giwang palapit sa sasakyan sa tindi ng pagkahilo. Nang hawakan na niya ang pintuan sa tabi ng driver’s seat para pumasok na sa loob, pinigilan siya ng lalaki.
“Do you think you can drive?” tanong nito.
“Yeah,” sagot niya sa mahinang tinig.
Imbes na umatras ang lalaki para magbigay-daan sa kanya, inalalayan siya nito na umikot sa passenger’s seat. Wala nang lakas tumutol pa ang dalaga. Pagpasok na pagpasok nga niya sa loob ng kanyang sasakyan ay napapikit siya at nanangis muli. Siguro matagal-tagal na rin ang nilakbay nila nang matauhan siya at biglang mapasigaw dahil kakaiba ang tinatahak nilang direksiyon sa pauwi sa condo niya.
“Stop the car!”
The car made a screeching halt.
“My God, woman!” naibulalas ng lalaki. “You’ll give me a heart attack.”
No’n lang ito napansin ni Shelby. Hindi niya ito namumukhaan.
“Who are you?” tanong niya nang may pagdududa.
Napangiti ang lalaki showing his perfect white teeth. Shelby noticed his beautiful smile along with his cute dimples. He reminded her of a Nordic prince. A handsome, blond man with blue eyes. Bago pa ito makasagot, naalala na niya ang huling kaganapan sa hotel. Kinabahan siya at natakot na rin para sa kasama. Malamang ay pinaghahanap na ito ng head butler nila dahil bigla itong nawala. Tiyak masisisante ang lalaki nang wala sa oras.
“I’m sorry, Mister. I should have known better than to ask you to drive for me. Don’t worry I’m willing to pay you extra.” At dumukot na ang dalaga ng sampong tig-iisang daang dolyar para ibayad sa inaakala niyang butler ng hotel na nagmagandang loob para ipagmaneho siya.
“Albrecht.”
“What?” nalilitong tanong ng dalaga rito.
“Gunter Klaus Albrecht. That’s my name.”
Pinangunutan ng noo si Shelby.
“Oh,” sabi niya nang maunawaan ang ibig sabihin ng lalaki. “I’m sorry, Mr. Albrecht. I should have not asked you to drive for me.”
“You didn’t. I volunteered.”
Tumangu-tango ang dalaga. Inabot niya sa lalaki ang isang libong dolyar na tip niya rito. Tiningnan lang nito ang bigay niyang pera saka nginitian siya ulit.
“Don’t worry, Miss---?”
“San Diego. Shelby San Diego.”
“Keep the money, Miss Shelby San Diego. I don’t need it.”
“But---”
Nagtaas ng kamay ang lalaki saka bumaba na ng kotse niya. No’n lang napansin ng dalaga ang suit na suot nito. He was wearing a very expensive custom-made suit! Nang iangat nito ang isang kamay para tumawag gamit ang cell phone, nakita rin niya ang limited edition ng Rolex GMT Master II sa left hand nito. Afford ba iyon ng mga butlers? Kahit isipin pang sa five-star hotel siya nagtatrabaho.
Tila sinagot ang katanungan ng dalaga. May huminto kasing isang pink na pink na Mercedes Benz sa harapan ng lalaki. Umibis mula roon ang isang extravagantly dressed middle-aged woman.
“Oh, Gunter, darling. What are you doing here?” maarteng bati rito ng puting socialite. She kissed the guy on the cheeks and pulled him towards her car.
Tila nahihiyang kumaway sa kanya ang lalaki bago pumasok sa sasakyan ng sugar mommy nito. Tinanguan ito ni Shelby bago pinaandar din ang kanya. Napailing-iling siya.
Pambihira. Wala na bang lalaking matino ngayon?
**********
Humahangos na sinalubong ng assistant niya si Gunter pagbalik niya ng hotel. Tinanong siya agad nito kung saan nagsuot gayong magkasama naman daw silang umibis kanina sa sasakyan nito. Hindi pa niya ito nasasagot ay nagsalita itong muli. Tila kabadong-kabado pa.
“Sir, all the board of directors are already in the conference room. They are all angry for being asked to wait. They are asking for an explanation.”
“Why should the chairman explain to them?” aroganteng sagot ni Gunter at mabilis itong nagtungo sa private elevator na nilalaan lamang ng hotel na iyon para sa kanya.
Hindi na sumagot pa ang assistant. Nagkumahog na lang ito na sundan ang amo na daig pa ang cheetah sa bilis maglakad.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Twenty-Four Seconds EPILOGUE
Umiinat-inat pa lamang si Shelby sa kama nang may marinig na sunud-sunod na katok. Para bagang may something urgent. Kinapa niya ang katabi. Wala na si Gunter sa kama. Napatingin siya sa orasan sa bedside table. It was almost one o’clock in the afternoon!“Ate Shelby, sina Kuya Morris at Kuya Moses po ay nasa ibaba. Aakyat nga po sana sila rito kaso ang sabi ko po bawal po kayong istorbohin dahil iyon ang bilin ni Kuya Gunter bago umalis kanina papuntang work,” bungad ng katulong nang pagbuksan niya ito. Napahikab si Shelby habang napatangu-tango. She was wondering what made her brothers come visit her in her
Twenty-Four Seconds CHAPTER FIFTY
Napanganga si Shelby nang makitang halos kompleto ang buo niyang pamilya sa kanilang living room sa pangunguna ng mga kuya niya. Nandoon din si Gunter. Nasa bandang likuran ito nila Moses at Morris. Ang Kuya Marius at Markus niya ang may hawak ng chocolate cake. Maluha-luha sa tabi nila ang kanyang mga magulang. Hawak na ng mommy niya si Shy. Pati ang bulinggit ay tila may alam sa ginawang pa-surprise ng pamilya niya sa kanya. Tumitili-tili na ito habang nagka-clap-clap. “You guys are crazy,” mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kanila. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa para tuluyang makababa ng hagdanan. Bigla kasing nanlambot ang mga tuhod niya at animo’y bibigay na ang mga ito. Siguro natumba siya roon kung hind
Twenty-Four Seconds CHAPTER FORTY-NINE
Naging laman na naman ng headlines ng mga dailies sa NYC ang pamilya Albrecht matapos mailibing ang patriarch nito na si Henry Klaus Albrecht. Pormal kasing pinahayag ng publicist ng korporasyon pagkatapos ng libing na naayos na raw ang gusot ukol sa problemang pinansiyal ng Skylark Quandt Corporation. Kahit hindi nabanggit ang tungkol sa pagpapanggap na na-bankrupt ito, lumabas pa rin ang usap-usapan na niloko raw ng matandang Albrecht ang lahat. May umugong na alingasngas mula sa mga nagsipag-alisang executives at stockholders. Nagalit ang iba sa panlilinlang diumano ng former president ng korporasyon. Mayroon pa ngang mga news outlet na nabwisit din dahil pati raw sila ay nauto ng matanda. Sa lahat ng may negatibong reaksiyon sa pang
Twenty-Four Seconds CHAPTER FORTY-EIGHT
Shelby stiffened upon seeing Albus Smith, Jr. Awtomatiko siyang napalapit kay Gunter saka agad na kinuha si Shy. Ang asawa nama’y natigilan din, pero mukhang nakabawi agad ito. May pinindot itong numero sa intercom at makaraan ang ilang sandali’y nagmamadaling pumasok sa loob ng upisina nito ang bagong assistant na sa tanda ni Shelby ay nagngangalang Jackson. May sinenyas dito si Gunter at agad namang pinakita ng lalaki ang tablet nito. Saglit na pinasadahan ng asawa ang tantiya ni Shelby ay listahan ng appointment nito nang araw na iyon at ito’y napangiwi.“You didn’t tell me he was this guy,” pabulong na sabi ni Gunter sa assistant.
Twenty-Four Seconds CHAPTER FORTY-SEVEN
My Dearest Shelby,I hate to break this news to you a few days before the New Year, but I’m a signatory to all of Dad’s loans. So I’ll be inheriting all of them---all twenty billion US dollars! Not to mention the corporate loans…I would understand it if you backed out of our wedding. But always remember that I love you to the moon and back.Your loving husband,
Twenty-Four Seconds CHAPTER FORTY-SIX
Tila naalimpungatan si Shelby nang hawakan siya ng yaya ni Shy sa pisngi. Ang lamig ng kamay nito and she was screaming like crazy.“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong niya rito.“Ms. Shelby! Oh my God! Thank God that you’re conscious now.” Humagulgol na ito at napayakap sa kanya nang mahigpit. “You scared the hell out of me!” At kinuwento nitong nawalan daw siya ng malay dahil sa balita. Pagkarinig sa salitang ‘balita’ napapiksi siya sabay tingin sa telebisyon. Tapos na ang flash report. Tungkol na sa weather ang binabalita.
Twenty-Four Seconds CHAPTER FORTY-FIVE
“Ser Gunter, you ned toh practez des. You hataw-hataw des like des.”
Twenty-Four Seconds CHAPTER FORTY-FOUR
Nagising si Shelby sa tila isang mahimbing na tulog. Pinangunutan siya ng noo nang makitang puro puti ang paligid. Dumagundong sa kaba ang puso niya. Lalo na nang tila bahang rumagasa sa
Twenty-Four Seconds CHAPTER FORTY-THREE
Nahuli ni Shelby na mataman siyang pinagmamasdan ni Lyndie habang nagtuturo siya sa isang mananahi nila kung paano ang pagburda sa mga bridal gowns na ira-rampa nila sa kanilang bridal s
Twenty-Four Seconds CHAPTER FORTY-TWO
Hindi naniwala si Shelby na walang iniinda si Gunter dahil noong binalita ang tungkol sa pagkaka-aresto sa ina nito sa salang pagpatay kay Amy Brown ay halos namamaos ang tinig nang tawa
