Download the book for free
Chapter 9
Author: Victoriaaa"Kamusta na si Spens?" tanong sa akin ni Megumi habang sabay kaming kumakain sa cafeteria. Pinatigil na kasi niya ako magbaon dahil may mga mura naman daw na tinda dito at tama nga naman siya dahil marami rin ang murang bilihin, yun nga lang mas marami ang mahal. "Nakakainis kasi iyon, ayaw akong pumupunta sa bahay niya" Paano, ang ingay niya kaya ayaw siya ni sir sa bahay.
"Pabayaan mo, papayagan ka rin nun pag naglaon" sagot ko sa kanya.
"Eh kayo Isha? Kamusta kayo? Kayong dalawa lang sa bahay niya tapos lalaki at babae pa kayo--" di ko na pinatapos si Megumi magsalita at sinalpakan ko na ng tinapay na binili ko ang bibig niya.
"Alam mo naman ang ugali ng pinsan mo, saka duh! Di ko type ang pinsan mo" pinakita ko pa sa kanya na tila imposible talaga ang iniisip niya. Well, gwapo si sir Spencer, kahit patpatin may dating pa rin ang katawan-- pero he's a beast! Kaya ekis siya sa mga type ko-- grr.. ekis na nga ba?
"Hi girls, pwede sumabay kumain?" may pagtataka akong napatingin kay sir Johan matapos niyang lumapit sa amin at magtanong.
"Sige ho sir" sagot ko saka umusog ng bahagya sa mahabang upuan na inuupuan ko.
"Bakit ka nandito, may sariling cafeteria ang mga teacher hindi ba?" matabang na sabi ni Megumi. Lagi na lang galit itong si Megumi kay sir Johan, pansin ko lang.
"So ayaw mo akong nandito?" tanong niya.
"Duh, sino bang may gustong nandito ang isang lalaking walang isang salita" pinaikot pa ni Megumi ang itim ng kanyang mata.
"Meg, that was year ago bakit hanggang ngayon iyan pa rin ang ikinagagalit mo?" mahinang sagot ni sir. Spell awkward?
"Pero yung sinasabi mong year ago, nandito pa rin" may diing sabi pa ni Megumi habang tinuturo ang kanyang dibdib o sabihin na nating kanyang puso.
Akma pa sanang magsasalita si sir Johan ng umeksena si Kenji. "Alam ninyo pinagtitinginan na kayo kahit pa sabihin ninyong mahina ang boses ninyo, obvious na obvious na nagtatalo kayo"
"I'm sorry, sige aalis na ako" mabilis na pagkilos ang ginawa ni sir Johan upang makaalis na sa cafeteria.
"Is he your ex?" may kahinaang tanong ni Kenji kay Megumi matapos umupo sa inalisan ni sir Johan. Amazing talaga itong lalaking ito, di pinapaupo, umuupo. "Silence means yes"
"Kenji" saway ko sa kanya. "Kumain na lang tayo"
"Lou, can I ask you something?" napabaling ako kay Kenji na patuloy lang na kumakain.
"Sige, ano iyon?" tanong ko pabalik.
"Kaano ano mo iyong lalaking iyon?" plain na tanong niya na ikinataka ko dahil sa pagkain lang naman siya nakatingin. "Iyong nasa kaharap nating table, yung maputing lalaki na nakataas ang buhok at nakabukas ang dalawang butones ng polo" otomatikong hinanap ng mata ko ang sinabi niyang lalaki at laking gulat ko ng mapansin na si sir Spencer ang tinutukoy niya. Matalim siyang nakatingin sa banda namin.
"Si Spencer?" tanong bigla ni Megumi.
"Kung iyon ang pangalan niya, so kilala ninyo pala" sabi pa ni Kenji saka tumingin sa amin ni Megumi.
"Pinsan ko iyon at malamang nakita niya ang naging pag-uusap namin ni Johan kaya iyan ganyan, alam niya kasi ang past namin ni Johan" paliwanag ni Megumi. So talagang may past sila.
"I think, hindi iyon ang dahilan" biglang ngumisi si Kenji saka itinuon ang atensyon sa akin. "Don't move" utos niya saka niya unti unting inilapit ang mukha sa akin.
OMG! Ano ang dapat kong gawin? Hahalikan ba niya ako?
Mariin akong napapikit habang hinihintay ang gagawin ni Kenji.
Eksakto matapos kong marinig ang isang padabog na pagtayo sa paligid ko at ilang yabag ay biglang tumawa si Kenji. "Now, I know"
"Huh?" pagtataka ko. Buti na lang, hindi niya tinuloy dahil pag nagkataon, siya ang magiging first kiss ko.
"Nothing, anyway anong naramdaman mo noong inilapit ko ang mukha ko sayo? Talagang pumikit ka pa ha" natatawa tawang tanong niya.
"Sira ka ba? Syempre kahihiyan!" giit ko matapos makitang nasa amin ang atensyon ng lahat at maging si Megumi ay nakatulala. "Earth to Megumi, hello"
"A-ano? Sorry nagulat lang ako sa biglang ginawa ni Kenji. Biglaan eh" sagot ni Megumi na lalong ikinatawa ni Kenji. Sira ulo talaga.
Inilibot ko muna ang paningin ko bago muling kumain para malaman kung may mga nakatingin pa. Well, marami pang nakatingin at lahat ng emosyon na inilalabas ng tingin nila ay negative. Pero laking dismaya ko ng pagbaling ko sa mesa na pinupwestuhan nila Spencer ay wala na sila.
Hindi ko maintindihan kung bakit ako nadismaya noong makita kong wala na siya doon. Nasisiraan na ba ako?
"Hindi ho sir, kaibigan ko lang ho iyon" sagot ko saka umayos ng tayo.
"So pagkaibigan pala, pwede ng humalik halik sayo, ganun ba yun?" may halong pangungutyang sabi niya.
"Hindi naman ho niya ako hinalikan, nagbibiro lang--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng walang anu-ano niya akong hinalikan.
Good bye first kiss...
"Sa susunod na gumawa ka ulit ng hindi ko magugustuhan, mas malala pa dyan ang gagawin ko sayo" saka siya tumalikod at pumanik sa kwarto niya habang naiwan naman akong tulala sa kusina.
Lumipas ang isang oras, hindi pa rin bumababa si sir Spencer kaya kahit ayoko ay inakyat ko na siya sa kwarto niya at kumatok sa pintuan.
"Sir, kumain na ho muna kayo sa baba bago kayo matulog" sabi ko mula sa labas ng kwarto niya pero kaysa sagutin ako ay wala akong natanggap na kahit anong ingay mula sa loob kaya pumasok na ako sa kwarto niya. Lumapit ako sa kama niya kung saan siya mahimbing na natutulog. Bawal siyang gisingin pero kailangan niyang kumain. "Sir, gising ho, kailangan mong kum--"
"Hindi mo pa ba alam na ayoko ng ginigising ako! Hindi ba nakasulat naman yun sa folder ko?!" sigaw niya saka binato ang unan sa akin.
"Kumain na ho kasi muna kayo!" pasigaw ko ring sagot na ikinaupo niya sa kama habang nakataas ang isang kilay. "Dadalhin ko na lang ho yung pagkain ninyo dito"
"Hindi na, bababa na ako, umalis ka na sa kwarto ko" pagtataboy niya.
Hanep! Matapos manghalik, masama pa rin ang ugali sakin. Ano ba talagang topak niya?
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG) Chapter 26
Di ko na inintay mag-umaga matapos ang madramang pag-uusap namin. Mabilis akong nag-impake at agad na ding bumyahe pauwi sa amin.Nag-iwan na rin ako ng mensahe kay Megumi at Kenji na aalis na ako. Maging kay donya Alicia ay nagpaalam na ako't nagpasalamat at sa reply niya sa akin ay napagtanto kong alam na niyang ganito ang mangyayari. Mukhang nag-usap na sila ni Spencer bago pa man kami nag-usap.Bandang alasingko ng umaga ako nakarating sa amin. Hindi man sadya ay masaya akong makauwi sa bahay namin."Inay" kasabay ng pagkatok ko sa pintuan ay ang pagtawag ko kay inay."Isha anak, di ka nagpasabing uuwi ka" agad kong niyakap si inay saka ako humagulgol ng iyak. "A-anak, anong nangyari?""Nay, ang sakit nay" patuloy akong umiyak hanggang makapasok kami ng bahay at mapagod ako kakaiyak."Makikinig si inay, ano ang nangyari sayo?" tanong niya habang nakaupo't nakaakbay sa
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG) Chapter 25
Dumaan ang December na hindi manlang ako nakauwi sa amin dahil sa pagkabusy sa school na maging ang sembreak namin ay damay dahil sa mga project. Malimit ko na rin matawagan sila inay dahil sa mga gawain ko dito sa bahay. Miss na miss ko na sila..Maaga akong pumasok dahil maaga umalis ng bahay si Spencer. Tahimik akong naglalakad papasok ng school ng mapansin ko ang isang lalaking tila may hinahanap. Nakatalikod siya sa banda ko kaya hindi ko siya makilala pero agad akong napahinto ng bigla itong pumaharap sa akin. Napangiti siya ng makita ako."Isha, kamusta?" Nakangiting lumapit sa akin si Gil na mukhang nag-iintay talaga sa labas ng gate ng school namin."Gil, napadalaw ka" bati ko sa kanya saka siya sumabay sa paglalakad ko papasok ng school. "Pwede ka ba ditong pumasok?" Tanong ko pa matapos mapahinto sa harap ng main gate ng school."Oo nama
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG) Chapter 24
"Pinayagan kita sumama sa camp para lalong matuto hindi para lumadi kung kanino!" bungad na pagalit sa akin ni Spencer matapos niya akong makitang bumaba sa kotse ni Gil. Hinatid kasi ako nito pauwi matapos ang camp. Kakauwi ko lang galing camp, ito na agad ang bungad niya."Hindi naman ho ako nakikipaglandian, hinatid niya lang ako kasi parehas kami ng daan pauwi" malumanay na paliwanag ko."At sinong niloloko mo? Kitang kita ko kung paano siya tumingin sayo! May gusto siya sayo!" kumunot pa lalo ang noo niya. Dahil di naman tinted ang kotse ni Gil, kitang kita nga naman ang loob nito na mukhang tinignan talaga ni Spencer."Eh ano naman ho ang problema? Dalaga naman ako at walang karelasyon! Mali ho bang tumanggap ako ng manliligaw? Wala naman ho sa trabaho ko ang ipaalam sa inyo ang
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG) Chapter 23
"Sa birthday party ni Spens kahapon, inannounce niya na sa oras daw na makagraduate na siya ng highschool ay magpapakasal na sila ni Carmen" kwento sa akin ni Megumi matapos kong magtanong ng nangyari sa party ng kaarawan ni Spencer kahapon. "Hindi ko alam kung bakit nagmamadali yung dalawang iyon magpakasal, porke ba disi-otso na sila parehas ay ganun na?"Sana pala hindi na ko nagtanong."Manhid ka ba Andes at talagang kinwento mo pa yang announcement ng gunggong mong pinsan" kunot noong sabi ni Kenji kay Megumi saka lang nagsink in kay Megumi ang sinabi niya."S-sorry Isha, nakalimutan ko ang nararamdaman mo" bahagya ko na lang siyang nginitian na sakto namang pagpasok ni sir Johan sa klase."Miss Makabajo and miss Andes, pwede ba kayong sumama muna sa akin sa offi
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG) Chapter 22
"Bakit ang tagal mo" di pa man ako nakakapagsalita ay nagreklamo na siya. Si Spencer pala ito, akala ko rapist na."B-bakit nandito ka?" tanong ko saka siya bahagyang itinulak papalayo sa akin."Bawal na ba akong umuwi sa bahay ko" napansin ko ang pagkakunot ng noo niya gamit ang sinag ng buwan na pumapasok sa bintana ng kusina."Ibig kong sabihin, diba dapat ay nasa bahay ka pa nila donya Alicia para sa birthday mo?" pagtatama ko saka ko bahagyang itinago sa likod ko ang paper bag na hawak ko."Dahil gusto na kita makita" sagot niya. Ang weird ha? Akala ko ba ay kalimutan na namin yung kami? "Don't get me wrong, alam kong tinapos ko na ang relasyon natin pero kasi--""Ano ba k
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG) Chapter 21
Tahimik akong umuwi sa bahay ni Spencer at naghanda ng hapunan. Pagdating niya, saglit niya lang akong tinignan bago umakyat sa kwarto niya.Napabuntong hininga ako. Ano ba talagang nangyari at naging ganito kami?Hanggang dumating ang linggo ng umaga ay hindi pa rin kami muling nakapag-usap tungkol sa nangyari. Ang pag-uutos niya lang sa akin ang pinakapag-uusap naming dalawa.Malalim akong nag-iisip habang nagwawalis sa labas ng bahay ng biglang may matinis na boses ang umagaw ng pansin ko."Ishaaa!" pasigaw na tawag ni Megumi habang patakbong palapit sa akin kasama si Kenji. Napatitig ako sa dalawa. Ngayon lang nangyari na nagsabay sila."Oh, guys" bati ko matapos nilang makalapit. "Anong meron, at napadaan kayo""Well, pupunta talaga ako dito para kausapin si Spens" sagot ni Megumi. Binitawan ko na ang walis na hawak ko't itinabi sa gilid.
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG) Chapter 20
Pagka uwi ko. Naabutan ko si Spencer na nakatungo sa lamesa. "Spencer.."Tumingin siya sa akin. Malungkot ang mukha niya't tila may gustong sabihin.Umupo ako katabi niya saka hinimas ang kanyang buhok. "Bati na tayo""I wasn't mad at y
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG) Chapter 19
Excited akong umuwi sa bahay para itanong si Spencer kung siya ba ang nagbigay sa akin ng isang kahong donuts na hanggang ngayon ay dala dala ko pa din. Hindi na naman kasi kami sabay sa pag-uwi dahil may aasikasuhin daw siya.Pag-uwi ko, agad akong nagluto't naglinis.
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG) Chapter 18
"Napatunganga ka" kumento ni Kenji sa akin ng mahinto ako sa pagsasalita't mapatulala sa kanya na nakabaligtad na nakaupo sa upuan at nakapaharap sa akin."May naalala lang" palusot ko saka siya nginitian."Pero napaisip ako doon sa sinabi ni Kenji. Pwe
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG) Chapter 17
"Hindi ako makakasabay pag-uwi mamaya" tugon ni Spencer na dinayo pa ako sa klase ko bago matapos ang lunch break."Busy?" tanong ko saka bahagyang sumandal sa frame ng pintuan."Medyo" kibit balikat niyang sagot."Nang galing ka ba sa
