Download the book for free
Kabanata 3
Author: ZanicoletteIkaw?
Gaano mo kamahal
Ang ating bansa?
Kaya mo bang mamatay
Para rito?
O isa ka rin sa mga duwag
Kagaya ko?
1898
"Gaano mo ba kamahal ang ating bansa, Conrado, at nagagawa mong hindi ako sundin?" Nanglilisik ang mga mata ng aking ama habang hawak-hawak n'ya sa kwelyo ang aming Kuya, ang panganay at nagiisang lalaki sa magkakapatid.
Tila ba nanlamig ang mga kamay ko habang nagtatago sa gilid ng pinto, sa kwarto ni Ama. Hating-gabi na at aksidente kong narinig ang pinaguusapan nilang dalawa.
"Mahal ko ang ating bansa... Kung kaya't nag-aral ako ng abogasya para ipaglaban ang mga naaapi, a-ama..."
Lalong hinigpitan ni ama ang kuwelyo ni kuya. "Anong magagawa ng pagtatanggol mo kung mamamatay rin naman tayong lahat?!" Nanggagalaiting sigaw ni Ama. Lalo akong nagtago ng maigi upang hindi maputol ang kanilang pinaguusapan.
Ano ba ang tinutukoy ni ama na hindi s'ya sinusunod ni kuya? Hindi ko maintindihan... Wala akong maintindihan!
"N-ngunit patawarin n'yo ako... D-dahil hindi ganoon kalaki ang pagmamahal ko sa ating bansa para magpakamatay nang dahil sa mga Amerikano..." sagot ni Kuya Conrado dahilan para lalong magalit at sapakin s'ya ni Ama ng napakalakas.
Napatakip ako sa aking bibig.
"Hindi nagpakamatay ang mga bayani natin para sa mga duwag na kagaya mo," huling sabi ni Ama at umalis na.
×××
2020, Disyembre 21
"Narito ka na pala..." Agad akong napatayo sa sopa nang makita si Nathan na kakapasok lamang ng bahay.
Kanina pa ako nagbabalak na magluto ngunit hindi ko alam kung paano. Wala silang kahoy man lang upang makapagpaliyab ako kahit papaano. Lalo lang akong nagtaka kung ano pang silbi ng mga nakasabit na kaserola malapit sa hapagkainan.
"Have you eaten?" Inalis ni Nathan ang suot n'yang itim na amerikana. Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa at narinig ko ang nasa isip n'ya, 'bakit hindi pa s'ya nagpapalit?'.
"D-dahil hindi ko na alam ang ipapalit ko," sagot ko na ikinagulat ni Nathan.
Lumapit s'ya sa'kin na nakasalubong ang kilay. "Anong sinasabi mo? Bakit mo alam kung anong iniisip ko?"
"H-ha? Ano... Ahh--" Bilisan mo ang pagpapalusot, Catalina! "D-dahil tinignan mo ako! Oo, tama! Tinignan mo ako mula ulo hanggang paa."
Napangisi s'ya at nagtungo sa kusina. Malaki ang pinagkaiba ng bahay niya sa hacienda namin, mas sopistikada ito ngunit simple. Hindi masakit sa mata, walang masyadong disenyo ngunit malalaman mong mayaman ang nakatira.
"I said, have you eaten? Mukhang maputla ka na. Didn't you went to a fast food? Or ordered something?" Naglakad uli s'ya palapit sa'kin, naka-tupi na ang kaniyang puting polo, dahilan para lalo akong makaramdam ng iba. Magluluto ba s'ya? Para sa'kin? "Hey, Sierra, wala ka bang dila?"
'This is odd. Dati naman hindi n'ya ako tinititigan ng ganito, did she just have... An interest with me?'
A-ano?! Napaiwas ako ng tingin, alam n'ya palang tinititigan ko s'ya?
"M-magluto ka na, gutom na ako," sabi ko na lang at umupo sa sopa.
×××
Hindi na pala kailangan ng kahoy upang magpaliyab, sa panahong palang ito ay uso na ang isang pihit, isang lagay, at wala pang kalhating minuto, may pagkain ka na.
Sinundan ko si Nathan umakyat ng hagdan papuntang kwarto, kung saan nangyari ang nakahihiyang pangyayari kanina, sanay ba talaga s'yang walang saplot pang-itaas tuwing matutulog?
Binuksan n'ya ang isang malaking rektanggulong bagay, at lumiwanag iyon, lumabas ang mga tao na nagsasalita. May tagalog, ingles, kadalasan pinaghalo. May kinuha s'yang maliit na bagay para ilipat ang palabas, sa isang pelikulang mukhang Amerikano ang bida.
Nakaupo kami sa magkabilang dulo ng kama.
"H-hindi ka ba magpapalit? Hindi naman 'yan ang sinusuot mo tuwing m-matutulog ka..." Hindi s'ya makatingin sa akin kaya nanood na lamang s'ya sa palabas.
"Ganoon ba? Kung gano'n, maliligo na ako mamaya," sagot ko. May mahahanap pa ba akong katulad ng ganitong suot ko? O bumili na lamang kaya ako bukas?
"S'ya nga pala, nakita ko si Papa, kinakamusta ka n'ya. I s-said you're fine... Hinihintay ka rin n'ya kung kailan ka uuwi--"
Itinaas ko ang kaliwa kong kilay nang matigil s'ya sa pagsasalita. Bakit s'ya tumigil? At parang hindi s'ya kumportable sa pinaguusapan namin? Sino si Papa?
"Oh, sorry... I-it's okay, alam kong hindi mo pa kayang pag-usapan ang tungkol sa daddy mo." Bumalik na s'ya sa panonood at hindi na muli nagsalita pa.
May hindi rin pagkakaintindihan si Sierra at ng kaniyang ama?
Hindi ko maiwasang isipin na magkapareho lamang kami ng kalagayan. Hindi rin maayos ang pakikitungo namin ni ama sa isa't isa, lalo na nang mamatay si Kuya Conrado...
Paano kung ang katauhan talaga ni Sierra ang s'yang pangalawa kong buhay?
"Sierra, maybe you want to rest now, matulog ka na," sabi sa akin ni Nathan. 'Will she sleep here? I knew she hate this...'
"Mamaya na ako mahihiga, lalagyan ko ng hati itong kama pagkatapos kong maligo," sagot ko at ngumiti.
'What the? Hati daw? The heck is that? Pfft.'
Hindi ko maintindihan ang sinabi n'ya kung kaya't nagtungo na ako sa banyo.
×××
2020, Disyembre 22 --> Manila Bay
Umupo ako sa harapan ng ngayo'y tinatawag nilang Manila Bay. Noong bata pa ako, madalas kaming nagpupunta sa daungang ito tuwing bibisitahin ang aming mga pinsan.
Madumi. Maraming tao. Ngunit malamig.
Maraming disenyong pamasko ang nagkalat sa gilid ng siyudad at matataas na gusali, may nakatayo ring belen sa hindi kalayuan. Ramdam na ramdam ko ang pasko sa mga tao.
Napalingon ako sa lalaking batang paslit na katabi ko ngayon. Nagtapon s'ya ng isang maliit na plastik sa tubig at parang walang pakialam sa kaniyang nagawa. "Bata... Hindi ko na iuuutos na pulutin ang itinapon mo ngunit huwag mo nang ulitin pa, naiintindihan mo?"
Lumingon sa akin ang bata. "Bakit ko hindi uulitin, eh wala akong nakitang basurahan e!" Ipinagkrus n'ya ang kaniyang braso. Marumi s'ya at pawis na pawis. "Tiga-saan ka, ate? Dito ka rin ba magpa-pasko? Mas ok dun sa Luneta, maraming paywoks do'n."
"Paywoks?" Pag-ulit ko sa sinabi n'ya.
"Oo, yung may shing~ shing~ boom!" aniya. "Hindi mo alam 'yun, ate?"
"S-syempre, alam ko ang b-bagay na iyon," pagsisinungaling ko upang hindi ako mahalata.
Bumuntong-hininga ang batang paslit at niyakap ang kaniyang mga binti. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapansin kong pareho sila ng kilos ng aking Tito Rodi -- ang bunsong kapatid ng aking ama.
Nilibot ko ang aking paningin at dinama ang paghampas ng hangin. "Maniniwala ka ba kung... Nakakulong ako ngayon sa hinaharap?"
Bata naman s'ya, alam kong makakapaglabas ako ng aking nararamdaman.
"Po?" Napatingin s'ya sa akin at mukhang nagugulumihanan. "Sabi ni nanay, okay na ho yung mastuck sa future kaysa sa past."
Kumunot ang aking noo. Ano ba ang tinutukoy n'ya?
"Ano bang ibig mong--"
"Sabi ni nanay sa ate ko mas okay na yung umuusad kaysa hindi maka move-on sa nakaraan. May mga bagay daw talagang nagbabago... Tulad ng pagmamahal nung bad na lalaking yun... Iniwan nya si ate. Pangit n'ya, lul," aniya.
Hindi ko man maintindihan ang sinasabi n'ya, alam kong malayo ang pinupunto nya sa sinasabi ko... Dahil sa mundong ito ako lang ang nakakaalam kung tiga saan ako... Kung paano ako napunta rito.
Pero hindi ko na alam kung paano pa bumalik.
"Sige, ate. 'Di ko gets sinasabi n'yo e, mukha namang hindi kayo baliw, at nakagawa ng taym maching. Una na 'ko, ate. Ingat ah!" Tumayo na s'ya at tumakbo palayo. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil magkasing kulit rin sila ni Tito Rodi.
Nilibot kong muli ang aking paningin sa mga nagtataasang gusali. Hindi man ako pamilyar sa lahat, hindi ko na gagawin ang tumakas pa, dahil sa una pa lamang si Tiya Alondra na ang nakakaalam ng lahat. Bumuntong hininga ako, Pilipinas pa rin ba ito?
"Oo, ito pa rin ang Pilipinas."
Dahan-dahan kong nilingon ang pamilyar na boses na nagsalita mula sa aking likuran. Nakatayo s'ya, suot ang kaniyang itim na Trahe de Mestiza at madilim na aura. Nakatingin lamang s'ya sa maulap na kalangitan.
"Sa panahong ito, umusbong ang teknolohiya at komunikasyon sa pagitan ng mga tao. Mas dumami ang tao, lumakas ang ekonomiya ngunit lumalaglag na ang agrikultura."
Pamilyar sa akin ang kaniyang tinuran, para bang narinig ko na iyon sa kung saan.
"Tiya Alondra..."
"Ngunit ang nakakatawa, ay hindi na nakakasabay ang ating bansa sa iba pang maunlad na bansa. Hindi ba't nakakahiya?" Ngumisi s'ya at sa wakas, tumingin na rin s'ya sa akin.
B-bakit hindi ko marinig ang iniisip n'ya?
Hindi ko inaasahan na matawa s'ya nang makita ang aking suot.
"Binibini, sa panahong ito hindi na uso ang makakapal at mahahabang damit sa mga kababaihan, hindi mo ba naririnig ang mga iniisip ng ibang tao?"
Iniwas ko ang aking tingin dahil sa kahihiyan. "N-naririnig ko lang sila tuwing tinitignan nila ako."
Inikot n'ya ang kaniyang mata at pinaypay ang dalang abaniko. "Weirdo."
"T-tiya? Pati ikaw ay nagsasalita na rin ng ganoon? B-bakit naiintindihan n'yo sila?"
Tiga rito ba s'ya sa panahong ito?
"Haay, Catalina. Marami nang nagbago sa gawi at pananalita ng mga Pilipino. Kaya nga binigyan kita ng kakayahang marinig ang iniisip nila upang bumagay ka sa pamumuhay nila, hindi mo ba naiintindihan?"
"Ngunit... Iminulat mo lamang ang aking mga mata sa kung gaano mapanghusga ang mga tao sa panahong ito, hindi n'yo ba napapansin?" Nagsimula na akong mainis nang naalala ko ang mga iba't ibang uri ng taong nakilala ko.
"Hija, ayusin mo na ang iyong pananamit. Hindi na isyu ang paglalantad ng iyong kutis, ngunit mag-iingat ka sa mga lalaki sa paligid. Itigil mo na ang pagsasalita ng purong Tagalog dahil may halo ng Ingles ang mga iyon. At ang pinakahuli..." Lumapit s'ya sa akin at tinignan ako ng mariin. "Pinakahuli ay huwag kang umastang boba."
B-boba?
"Huwag mong ipakitang wala kang alam sa mundong ito kung hindi ay tatawanan ka nila." Ngumisi s'ya at ipinaypay ang kaniyang abaniko.
"S-sino ka ba talaga? Imposibleng nanggaling ka rin sa panahong ipinanganak ako... Ano ba ang iyong plano? Tiyak na nag-aalala na sa akin ang mga magulang ko!"
"Huwag ka nang magalala pa, dahil si Sierra na ang napunta sa iyong panahon." Ngumisi s'ya at mas lalo akong nilapitan. "Marahil kailangan mo s'yang pasalamatan pagdating ng panahon na magkita kayo, dahil s'ya ang dadalo sa altar upang makipagisang-dibdib kay Heneral Rafael."
I-ibig sabihin ba nito, hindi si Sierra ang ikalawa kong buhay...?
"A-ano?! Tiya -- bakit mo ginagawa sa amin ito? Bakit mo pinagpalit ang aming kaluluwa?! Ibalik mo na kami!"
Inilayo na n'ya ang kaniyang mukha sa akin at dinama ang humahampas na hangin. Para bang pinapakalma n'ya ang kaniyang sarili.
"Sinabi ko na sa iyo, Catalina. Makakabalik ka lamang kapag nagawa mo na ang iyong misyon na alagaan si Nathan, hanggang sa makabalik na ang kaniyang asawa." Tinignan n'ya ako at ngumisi. "Naiintindihan mo?"
"N-ngunit-- sandali!"
Huli na ako... Dahil tuluyan na s'yang nawala na parang bula.
"B-bakit..." Bigla akong nanghina. Matatagalan pa ba ako sa panahong ito? "Bakit ako pa..."
Bakit ako ang pinili n'ya?
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
The 125-Year-Old Wife Kabanata 19
Kailangan bang gawin moAng lahat upang matanggap kaSa lipunangpuno ng mapanghusga?1914.Isang linggo ang lumipas.Nobyo.Paulit-ulit kong inisip ang huling sinabi ni Ate Clarita.May nobyo na s'ya? "Ina, Ama, manliligaw ko po... Si Adam," pagpapakilala ni Ate sa mga magulang namin. Nagsama-sama kami ngayon sa sala dahil sa 'di inaasahang bisita.Katabi n'ya ang maputi at matangkad na lalaki. Amerikano nga s'ya. Hindi nakapagdududa. "Hi, Madamme and Mister Fernandez. Nice to meet you all," wika ng kanyang nobyo. Ngumiti naman si Ina at Ama."Manliligaw? N-ngunit akala ko'y--" Pinanlakihan ako ng mata ni Ate. Senyales na hwag ko munang ibunyag na mag nobyo na sila. "A-ang ibig kong sabihin... Bakit ngayon mo lamang s'ya pi
The 125-Year-Old Wife Kabanata 18
Ibabalik kita sa nakaraan,Nang bumalik sa'yo ang lahat,Kung saan ka nagmula,Hanggang sa kung ano ka ngayon.1914."A-ate..."Para bang nagunaw ang mundo ko nang makita si Ate Clarita. Parang kanina ay kausap ko si Isagani tungkol sa kaniyang pagbalik... P-pero ngayon ay nandiyan na siya."Mukhang ako na lamang ang hinihintay ninyo sa inyong kasal. Masaya ako dahil halatang mahal na mahal niyo ang isa't isa," sabi ni Ate Clarita nang makalapit sa amin. "C-clarita." Napatayo si Isagani mula sa kaniyang pagkakaluhod."Naririto ka na pala," hindi ko makapaniwalang sabi. "B-bakit hindi mo kami pinadalhan ng sulat nang sa gayo'y nasundo ka namin sa daungan," dagdag ko. Tumingin sa akin si Ate... Na parang wala na sa kaniya ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon. "Wala na akong oras para sula
The 125-Year-Old Wife Kabanata 17
Huwag kang matakot Na harapin ang buhaySapagkat ang nakakatakotAy ang hindi mo na magawaAng dapat mong gawinBago ka pa mamatay1914"Puwede ba kitang... M-makausap?"Napalingon sa akin si Isagani. Pinuntahan ko siya rito sa kanilang silid-aralan. May nais akong sabihin. Pumayag naman s'ya. Naglakad kami patungo sa hardin rito sa Unibersidad -- kung saan kami nahuli ni Don Emilio. Tumigil sa paglalakad si Isagani. "Ano'ng sasabihin mo?" "A-ah, uh..." Nauubusan ako ng salita sa harapan niya. "D-dalawang taon na." Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig. Bumuntong hininga si Isagani. Pinagkrus niya ang kaniyang braso at mariing tumingin sa akin. Kinagat ko ang aking labi. "Hanggang kailan ba tayong ganito, Isagani?" Diretso kong tingin sa kaniya. "
The 125-Year-Old Wife Kabanata 16
Sa sampung taong makikilala mo,Iyong lima, nakakain na.Iyong dalawa, nakabili na. Iyong tatlo, mangungutang pa lang.1913, Disyembre 24"Isagani, mamasyal muna kayo ni Catalina. Basta't bago mag alas-dyis, naririto na kayo, ha?" "Po?" Bumuntong hininga si Dona Isabel. "Ano ba anak, ngayon lang uli kayo lalabas ni Catalina. Tamang tama at pasko," aniya habang nagluluto ng handa."M-masusunod po, Ina." Hinila ako ni Isagani palabas ng kanilang bahay. Pasko na bukas. Plano ng mga magulang namin na magsimba mamaya. Sasalubungin namin ang pasko sa aming hacienda. "Gusto kong pumasyal sa parke. Mauuna na ako. Magkita na lamang tayo sa unang kanto pagkatunog ng kampana ng simbahan," wika ko."Huwag." Bahagya akong nagulat. "B-bakit?" Huming
The 125-Year-Old Wife Kabanata 15
Mapanganib ang mga tao, Hindi natin alam kung ano ang iniisip nila, Dahil madalas… Kung sino pa ang akala nating kakampi, Sila ang sisira sa tiwalang binigay natin. 1913“Bakit ka naparito?”“Burda mo iyan?”Halos sabay naming tanong nang makaalis si ama.Bumuntong hininga ako. “Oo, burda ko ito.” Pagtukoy ko sa aking hawak na tela. Dinisenyuhan ko ito ng iba’t ibang uri ng halaman. Tulad ng rosas, sampaguita at santan. Madalas ko silang makita sa Los Banos.Tumango-tango si Isagani. “Maganda. Napunta ako rito dahil pinilit ako ng aking ama na bisitahin ka.”Pinilit…“Alam mo ba kung kalian ang uwi ni Clari
The 125-Year-Old Wife Kabanata 14
Hindi tayo hinihintay ng pagtanda,Tayo ang naghihintay sa kanila.1913Isang taon na."Hindi pa po ba nagpapadala ng liham si ate Clarita?" tanong ko kay Ina. Naka upo kami sa may bintana habang nagbuburda. Makulimlim ang kalangitan.Napatigil siya sa pagtatahi. Bumuntong hininga at tumingin sa akin. "Hindi ko mawari kung anong nangyayari. Tatlong buwan na tayong walang balita sa kaniya."Hulyo pa ang kaniyang huling liham. Kaarawan iyon ni ama. Nagbigay siya ng munting regalo pati na kay Crustacia. Labis ang pagtataka ni Ina nang kami lamang ang walang regalo noon."Kailan po kaya makakauwi si ate?"Ngumiti si Ina. "Marahil ikaw ay hindi na mapakali na ikasal kay Isagani," panunukso pa niya.Lumuwa ang aking mata at mabilis na umiling. "H-hindi po iyon ang aking ibi
The 125-Year-Old Wife Kabanata 8
Bakit ang mga namamatay lamangAng nagiging bayani,Bakit hindi pati ang mga taongNabubuhay sa pagdurusa,Dahil sa gobyernongMagnanakaw sa bayang sinilangan.1912"I-isagani..."Naistatwa ako sa tapat niya pagkabuk
The 125-Year-Old Wife Kabanata 13
Hindi ako natulogSa takot na magising ako Upang hanapin ang lahat ng ito Sa isang panaginip1919"Totoo ba ito? Kung gayon ay nahuhulog na si Isagani kay Catalina!" masayang sabi ni ina.
The 125-Year-Old Wife Kabanata 12
Ang kalahating kasinungalinganAt kalahating katotohananAy buo pa ring kasalanan.1919"Hayaan mo muna akong maipakita kay Clarita kung gaano ko siya kamahal. P-pakiusap, kahit isang buwan lamang. Pagkatapos niyon ay sasabihin ko na sa kaniya ang lah
The 125-Year-Old Wife Kabanata 11
Kung walang kurap,Walang mahirap. 1912 "A-ate," tanging nai
