Download the book for free
Kabanata 2
Author: ZanicoletteHistory
Does not repeat itself
It is men who never learned
From the past
Who repeat history
2020, Disyembre 21
"Alam mo ba kung ano ang pinakanakakatakot na mangyayari sa'yo?"
Tandang-tanda ko pa noong magkasama kami ni Ina na tanawin ang bayan sa munting burol. Tandang-tanda ko rin ang kaniyang sagot.
"Ang mawala."
Hindi ako nalagutan ng hininga, hindi rin ako nagkasakit at namatay... Nawawala ako.
Z
Nawawala na ako sa panahong kinagisnan ko.
Mabilis akong napalingon nang biglang lumitaw si Tiya Alondra sa hangin. Gulat man, pilit kong nikalasan ang loob upang magsalita. "B-bakit ako naandito?!" Inilibot ko ang aking paningin; simple ngunit eleganteng bahay, isang lalaking mahimbing na natutulog at iba na ang kaniyang katauhan.
Hindi na ba ako si Catalina?
"Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sayong idinala kita rito upang magsanay para sa nalalapit mong pag-aasawa." Ngumisi s'ya at mariing tumingin.
"Kalokohan! Bakit nasa ibang katawan ako? A-at sino s'ya?! Sino 'to?!"
"Maiintindihan mo rin ang lahat habang ginagawa mo ang iyong misyon."
"M-misyon?" Halos pabulong kong sabi.
Ngumiti s'ya sa akin. "Misyon mo ay alagaan ang iyong asawa." Tumalikod na s'ya at bago pa tuluyang maglaho, narinig ko ulit s'yang nagsalita, "S'ya nga pala, kung may kakaiba kang nararanasan, pansamantala lamang iyan para lalo kang masanay sa bago mong buhay."
Napaatras na lamang ako sa takot at kaba. Anong nararanasang kakaiba? Hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat...
Makakaalis pa rin ba ako rito?
Nilibot ko ang buong silid. Nakita ko ang isang larawan na nakasabit sa dingding, hindi ito katulad ng dati na malabo -- makulay na ito. Larawan ng dalawang magkasintahan...
"Nathan Hernandez and Sierra Hernandez Nuptial"
Sierra... Ang pangalan ng kung nasaan mang katawan ako ngayon?
Napansin kong hindi s'ya nakangiti. Walang bakas ng kagalakan o kung ano man. Si Nathan naman, o ang lalaking natutulog ngayon sa kama ay ngiting-ngiti sa larawan.
Tinignan ko ang katawan ko. Aaminin kong mas malaki ang dibdib ko kaysa kay Sierra. Magkasing haba lamang kami ng buhok ngunit mas makinis at maputi s'ya kaysa sa akin.
Lumapit ako sa posibleng lalagyanan ng mga damit ni Sierra. Maraming magagandang damit ngunit hinahanap ko ang Trahe De Mestiza o Terno rito, ngunit wala ni isa.
Kinuha ko ang hanggang tuhod na damit ngunit walang manggas, kulay-rosas ito. Kumuha na rin ako ng isang itim na belo. May nakita akong damit pang ibaba sa gilid ng kabinet, sa bulsa nito ay maraming pipisuhin kaya't kinuha ko. Marami-rami rin akong mabibili sa baryang ito!
"Sierra?"
Agad akong napalingon sa lalaking kabahangon lang.
"Ay Diyos ko, susmaryosep!" Halos madali ko na ang kabinet dahil sa gulat. "B-bakit wala kang damit?!" Tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa; matangkad, maputi at makisig s'yang binata.
'Huh? May short naman ako, ah. Tsaka kailan pa s'ya natutong tumawag sa Diyos?'
"A-anong sabi mo?" tanong ko pa habang hawak ang aking dibdib.
Kumunot ang kaniyang noo at pumaewang. "H-huh? Hindi naman ako nagsasalita ah. Teka nga, bakit ganyan ang suot mo? Sisimba ka ba?"
"Pwede bang magsuot ka muna ng damit? Nagt-trabaho ka ba sa palengke para maghubad ka? Diyos ko!" Napa-tanda ng Krus na lamang ako at umiwas ng tingin.
'She's weird.'
"A-anong wird?!"
'Huh? Pano n'ya nalaman kung anong iniisip ko?'
A-ano? Iniisip n'ya?
'Weirdo talaga.' Tapos ay dumiretso s'ya sa isa pang silid sa loob ng kwarto.
Lalo akong napasinghap nang mapagtanto ko na naririnig ko ang iniisip n'ya kahit hindi naman bumubuka ang kanyang bibig! O Diyos ko! Tulungan mo ko!
Ito na ba iyong tinutukoy ni Tiya Alondra? Ano ba talaga s'ya? Anong klaseng tao o engkanto siya?
"A-ano ang iyong ginagawa?" Pagtukoy ko nang pumunta s'ya sa isa pang silid.
"Maliligo na 'ko, maaga ako ngayon. Gutom ka na ba?" Dumungaw s'ya sa pintuan. "Ipagluluto muna kita."
"H-ha?" Kailan pa natutong magluto ang mga kalalakihan? At kailan pa naging sunod-sunuran ang lalaki sa kababaihan?! "H-hindi na kailangan! Sa katunayan... lalabas ako ngayon para mamili sa palengke, nais ko kasing pumasyal ngayon."
'At bakit naging manang ang style ng babaeng 'to? Hinding hindi nga s'ya nakatapak sa palengke kahit kailan, tss.'
Napaiwas ako ng tingin. Bakit ba naririnig ko ang iniisip n'ya? O baka guni guni ko lang 'yon?
"Okay... May pera ka ba?" Nakadungaw pa rin s'ya sa pintuan habang salubong ang kilay.
"Oo, may pera ako," ani ko at ngumiti. Marami akong mabibili sa perang ito, hindi ko naman akalain na mayaman pala ang mag-asawang ito.
'Hindi ba dapat ginagamit n'ya yung credit card?' rinig kong tanong n'ya sa sarili.
Credit card?
Napatigil ako saglit nang hawakan ako sa kamay ni Nathan. Nagutla ako doon kung kaya't inalis at lumayo ako kaagad. Hindi naman porque mag-asawa na kami ay hahawakan n'ya na lang ako basta-basta!
"S-sorry..." Bahagyang kinagat n'ya ang kanyang labi. "T-take care of yourself, iyon lang ang gusto kong sabihin." Tuluyan na n'yang isinara ang pinto ng palikuran.
Buti na lang ay nakapag-aral ako at alam ko ang ibig n'yang sabihin. Ngunit...
Sinasakop pa rin ba kami ng mga Amerikano ngayon? Bakit puro Ingles ang sinasalita n'ya? O minsan hinahalo n'ya iyon sa Tagalog... Ano bang mayroon sa panahong ito?
Pagkalabas ko ng aming bahay, nanibago ako sa aking nakita. Imbes na mababagal na kalesa ang dumaraan, bus, kotse, at iba pang pampublikong sasakyan ang aking nadatnan. Magaganda na rin ang disenyo ng mga bahay malapit sa amin.
Napatingin ako sa hindi kalayuan, naroon lang pala ang palengke! Maraming tao at iba't ibang tindahan ang nakapuwesto roon.
Hinintay kong mawala ang mga sasakyang nadaan bago tumawid sa kalsada. Uminit na ang Pilipinas, tiniis ko ang maglakad at pagpawisan upang marating ang palengke.
Magagaslaw na kababaihan.
Magkadikit na magkakasintahan.
Hagikgik ng mga dumaraan.
Hindi ko mapigilan madismaya sa galaw ng mga kababaihan ngayon. Mga wala sa tamang postura at maikling pananamit ang nagpapasakit ng ulo ko.
Mayroon pang mga tinderang pasimpleng sumusulyap sa'kin at pinipigil ang matawa.
Ano bang mayroon? Pinagtatawanan ba nila ako?
"Miss, hindi ka ba naiinitan? Aba kahit pasko mainit pa rin sa Pinas!" ani ng tindera habang nagtatadtad ng baboy. Inalis ko ang aking belo na nakapandong sa aking ulo.
'Siguro nauulol na ang dalagang ito. Kay gandang bata pa man din!'
Narinig ko ang iniisip n'ya ngunit hindi ko maintindihan kaya hindi ko na lamang pinansin.
Sa totoo lang ay sanay na ako sa amoy ng palengke, kasa-kasama ako ng aming kasambahay tuwing Linggo mamili sa aming bayan. Ngunit tama nga sila, hindi na ganoon kalimlim ang temperatura sa Pilipinas.
Nag-iba rin ang pananalita at gawi ng tao.
"Ano, Miss, bibili ka ba?"
"Sige po, Manang. Isang kilong tilapya," ngiting sagot ko.
"Babe! Anong gusto mong ulam natin mamaya? Baboy o Isda?" tanong ng katabi kong lalaki na mukhang wala pa sa wastong edad para mag-asawa. May katabi s'yang babae na hawak ang kanyang braso.
"Uhm, sige, babe! Kahit ano na lang, ang importante kasama kita, hihi!" ani ng babae dahilan para kurutin ng lalaki ang pisngi n'ya na kinabigla ko.
Hindi ba masakit iyon? Subukan ko rin kayang kurutin ang pisngi ko?
Napansin kong napatingin sa akin ang babae ng masama ngunit hindi iyon nagtagal. Narinig ko ang naisip n'ya.
'Yari ka sa'kin mamaya, babe. Ikaw ang kakainin ko, rawr!'
Napalunok ako nang marinig 'yon. Nababaliw na ba ako? Kasalanan ni Tiya Alondra kung bakit ako nagkakaganito!
"Ito, miss. 200 pesos." Inabot sakin ng tindera ang plastik ng tilapya.
"T-two hundred?" Nakita kong napatingin sa'kin ang katabi kong magkasintahan. "Ngunit dalawampung piso lang ang aking dala, hindi na ba sapat ito?"
Akala ko sa halagang piso ay makakabili na ako ng higit sa isang kilong isda. Bakit parang lumaki ang halaga nito?
Tinaasan ako ng kilay ng tindera dahilan para simulan akong kabahan. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Miss. Anong mabibili mo sa bente pesos, aber?! Ang bobo mo naman kaganda-ganda mong babae! Napaglipasan ka ba ng panahon?"
Lahat ng malapit samin, maging ang iba pang tindera ay napako ang tingin sa'min.
"Ale, 200 lang pala eh, pagpasensyahan n'yo na kaibigan ko, kuripot talaga 'yan pagdating sa pera. Sorry, ale, ito 500 oh," boses 'yon ng lalaking kakadating lang at lumapit sa'kin.
Galit na inabot sa akin ng tindera ang isda at tinanggap ang pera ng lalaking hindi ko naman kilala. Nakasuot s'ya ng hawig sa Americano na madalas suutin nila Isagani noong nag-aaral pa lamang kami.
Naalala ko na naman ang hindi makakalimutang ala-ala ko kasama s'ya...
"Sierra, are you fine? Ano, nababaliw ka na ba?" Mahinang sabi sa'kin ng kaibigan ko 'raw'. Matangkad rin s'ya at moreno. Mukhang mayaman kaya't nabayaran n'ya pa ng halos triple ng binibili ko.
"I-i'm fine, thank you," sagot ko. Natuto akong mag Ingles noong mag-aral ako sa Unibersidad ng Pilipinas.
Inakbayan n'ya ako at dinala malayo roon sa nagtitinda ng isda.
"S-sandali!" Inalis ko ang kamay n'ya sa balikat ko. "Sino ka para hawakan ako?"
'Ang weird naman nito.' Rinig kong sabi n'ya sa isip.
"Bakit? Kaibigan kita. Ikaw, sino ka? Si Maria Clara? Si Nathan si Crisostomo? Pfft!" Aniya habang pinagmamasdan ang aking damit.
Napakunot ang aking noo. "Paano mo nakilala ang mga karakter sa kwento ni Rizal?"
"Huh? Malamang pumasok ako ng high-school. Ano bang pinupunto mo? You're weird. You're whole existence today is weird."
Itinuro ang mga nobelang isinulat ni Rizal?
"Nakikita mo ba 'yon?" tanong ng lalaking kasama ko at itinuro sa hindi kalayuan ang larawan ni Jose Rizal. May nakasulat sa tabi nitong, "Ika-124 na pagkamatay ng ating bayaning si Jose Rizal."
Isang taon pa lamang ako noong barilin si Rizal sa Bagumbayan. Kinse anyos naman ako noong itayo ang monumento ni Rizal.
"Sa katapusan ng December 'yan, pero nagkalat na sa poste ang picture ni Rizal. Lalo na doon sa kapitolyo sa probinsya namin," aniya.
Ngumiti na lamang ako bilang tugon. Masaya ako... Dahil kahit papaano hindi nila nakalimutan ang isa sa mga nagtanggol sa Pilipinas.
Marahil masaya na akong mamamatay dahil...
H'wag n'yong hayaan
Na pagdating ng panahon,
Sisihin kayo ng susunod na henerasyon,
Dahil wala kayong ginawa.
Ang kasabihang iyan ay naisakatuparan namin, naisakatuparan ko, ako na nalipasan na ng panahon.
"Sierra?"
"N-nathan..."
Kakalabas lang n'ya sa kan'yang kotse suot ang Tuxedo na madalas suotin ng mga Amerikano noong panahon ko. Lalo kong nasinagan kung gaano s'ya kaputi dahil sa sinag ng araw. Tama lang ang kaniyang pangangatawan at katangkaran.
Masasabi ko ring magkasing-tanda lamang kami kung susumahin.
'So she really did...' sabi ni Nathan sa isip-isip n'ya.
"Mabuti naman nasamahan ka ni Daryl dito, hindi ko kasi alam kung anong pumasok sa isip mo at--"
"Ano ka ba, pare. Okay na yun, Christmas vacation naman!" Inakbayan na naman ako ng lalaking nagngangalang Daryl na kinainis ko.
Ngumiti si Nathan. Bakit parang lalo s'yang nagiging guwapo sa paningin ko?
"It's good to know you guys are fine... Paano, Sierra... Magkita na lang tayo mamaya, may aasikasuhin pa akong meetings."
"O-oo, s-sandali lang!" pagpigil ko nang akma na s'yang babalik sa kotse. Napatingin muna s'ya sa hawak kong balot ng isda bago tumingin sa akin. "May kasama pa ba tayo sa b-bahay... Bukod sa atin?"
Napatawa si Daryl dahil sa sinabi ko.
'I thought she changed... Tamad pa rin talaga at iaasa pa sa iba ang pagluluto. God... Why I still love this woman against her weirdness today?'
A-ano? Mahal n'ya ako?
"Why would you get a yaya, Sierra? Hindi yung si Nathan ang nagiging yaya kaysa sa pagiging asawa."
Ganoon tratuhin ni Sierra si Nathan?
Pilit na ngumiti si Nathan. "It is fine... I'll go ahead. Daryl, ihatid mo na s'ya sa bahay." Tumalikod na s'ya at sumakay sa kotse.
Bakit sa dinami dami ng taong puwede kong maging katawan...
Bakit si Sierra pa na magaspang ang katauhan?
Bigla kong naalala ang naikwento sa amin ng isa kong Propesor noon. Ang 'pagkabuhay muli' kung saan ang mga namatay noon, ay mabubuhay ulit pagkatapos ng ilang daang taon ngunit magkaiba ng katauhan.
Paano kung... narito ako sa panahong nabuhay na akong muli?
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
The 125-Year-Old Wife Kabanata 19
Kailangan bang gawin moAng lahat upang matanggap kaSa lipunangpuno ng mapanghusga?1914.Isang linggo ang lumipas.Nobyo.Paulit-ulit kong inisip ang huling sinabi ni Ate Clarita.May nobyo na s'ya? "Ina, Ama, manliligaw ko po... Si Adam," pagpapakilala ni Ate sa mga magulang namin. Nagsama-sama kami ngayon sa sala dahil sa 'di inaasahang bisita.Katabi n'ya ang maputi at matangkad na lalaki. Amerikano nga s'ya. Hindi nakapagdududa. "Hi, Madamme and Mister Fernandez. Nice to meet you all," wika ng kanyang nobyo. Ngumiti naman si Ina at Ama."Manliligaw? N-ngunit akala ko'y--" Pinanlakihan ako ng mata ni Ate. Senyales na hwag ko munang ibunyag na mag nobyo na sila. "A-ang ibig kong sabihin... Bakit ngayon mo lamang s'ya pi
The 125-Year-Old Wife Kabanata 18
Ibabalik kita sa nakaraan,Nang bumalik sa'yo ang lahat,Kung saan ka nagmula,Hanggang sa kung ano ka ngayon.1914."A-ate..."Para bang nagunaw ang mundo ko nang makita si Ate Clarita. Parang kanina ay kausap ko si Isagani tungkol sa kaniyang pagbalik... P-pero ngayon ay nandiyan na siya."Mukhang ako na lamang ang hinihintay ninyo sa inyong kasal. Masaya ako dahil halatang mahal na mahal niyo ang isa't isa," sabi ni Ate Clarita nang makalapit sa amin. "C-clarita." Napatayo si Isagani mula sa kaniyang pagkakaluhod."Naririto ka na pala," hindi ko makapaniwalang sabi. "B-bakit hindi mo kami pinadalhan ng sulat nang sa gayo'y nasundo ka namin sa daungan," dagdag ko. Tumingin sa akin si Ate... Na parang wala na sa kaniya ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon. "Wala na akong oras para sula
The 125-Year-Old Wife Kabanata 17
Huwag kang matakot Na harapin ang buhaySapagkat ang nakakatakotAy ang hindi mo na magawaAng dapat mong gawinBago ka pa mamatay1914"Puwede ba kitang... M-makausap?"Napalingon sa akin si Isagani. Pinuntahan ko siya rito sa kanilang silid-aralan. May nais akong sabihin. Pumayag naman s'ya. Naglakad kami patungo sa hardin rito sa Unibersidad -- kung saan kami nahuli ni Don Emilio. Tumigil sa paglalakad si Isagani. "Ano'ng sasabihin mo?" "A-ah, uh..." Nauubusan ako ng salita sa harapan niya. "D-dalawang taon na." Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig. Bumuntong hininga si Isagani. Pinagkrus niya ang kaniyang braso at mariing tumingin sa akin. Kinagat ko ang aking labi. "Hanggang kailan ba tayong ganito, Isagani?" Diretso kong tingin sa kaniya. "
The 125-Year-Old Wife Kabanata 16
Sa sampung taong makikilala mo,Iyong lima, nakakain na.Iyong dalawa, nakabili na. Iyong tatlo, mangungutang pa lang.1913, Disyembre 24"Isagani, mamasyal muna kayo ni Catalina. Basta't bago mag alas-dyis, naririto na kayo, ha?" "Po?" Bumuntong hininga si Dona Isabel. "Ano ba anak, ngayon lang uli kayo lalabas ni Catalina. Tamang tama at pasko," aniya habang nagluluto ng handa."M-masusunod po, Ina." Hinila ako ni Isagani palabas ng kanilang bahay. Pasko na bukas. Plano ng mga magulang namin na magsimba mamaya. Sasalubungin namin ang pasko sa aming hacienda. "Gusto kong pumasyal sa parke. Mauuna na ako. Magkita na lamang tayo sa unang kanto pagkatunog ng kampana ng simbahan," wika ko."Huwag." Bahagya akong nagulat. "B-bakit?" Huming
The 125-Year-Old Wife Kabanata 15
Mapanganib ang mga tao, Hindi natin alam kung ano ang iniisip nila, Dahil madalas… Kung sino pa ang akala nating kakampi, Sila ang sisira sa tiwalang binigay natin. 1913“Bakit ka naparito?”“Burda mo iyan?”Halos sabay naming tanong nang makaalis si ama.Bumuntong hininga ako. “Oo, burda ko ito.” Pagtukoy ko sa aking hawak na tela. Dinisenyuhan ko ito ng iba’t ibang uri ng halaman. Tulad ng rosas, sampaguita at santan. Madalas ko silang makita sa Los Banos.Tumango-tango si Isagani. “Maganda. Napunta ako rito dahil pinilit ako ng aking ama na bisitahin ka.”Pinilit…“Alam mo ba kung kalian ang uwi ni Clari
The 125-Year-Old Wife Kabanata 14
Hindi tayo hinihintay ng pagtanda,Tayo ang naghihintay sa kanila.1913Isang taon na."Hindi pa po ba nagpapadala ng liham si ate Clarita?" tanong ko kay Ina. Naka upo kami sa may bintana habang nagbuburda. Makulimlim ang kalangitan.Napatigil siya sa pagtatahi. Bumuntong hininga at tumingin sa akin. "Hindi ko mawari kung anong nangyayari. Tatlong buwan na tayong walang balita sa kaniya."Hulyo pa ang kaniyang huling liham. Kaarawan iyon ni ama. Nagbigay siya ng munting regalo pati na kay Crustacia. Labis ang pagtataka ni Ina nang kami lamang ang walang regalo noon."Kailan po kaya makakauwi si ate?"Ngumiti si Ina. "Marahil ikaw ay hindi na mapakali na ikasal kay Isagani," panunukso pa niya.Lumuwa ang aking mata at mabilis na umiling. "H-hindi po iyon ang aking ibi
The 125-Year-Old Wife Kabanata 12
Ang kalahating kasinungalinganAt kalahating katotohananAy buo pa ring kasalanan.1919"Hayaan mo muna akong maipakita kay Clarita kung gaano ko siya kamahal. P-pakiusap, kahit isang buwan lamang. Pagkatapos niyon ay sasabihin ko na sa kaniya ang lah
The 125-Year-Old Wife Kabanata 11
Kung walang kurap,Walang mahirap. 1912 "A-ate," tanging nai
The 125-Year-Old Wife Kabanata 10
Ang sikreto ay parang sakit sa kaluluwa,Kinakain nila ang mabuti,At pinananatili ang kasamaan sa likod nito.1912TILA NATAWA ang lahat nang marinig ng mga magulang
The 125-Year-Old Wife Kabanata 9
Kung naniniwala kayongAng intensyon ng mga AmerikanoAy ang tulungan tayo,Pwes!Para kayong mga birhenNa naniniwala sa pagibigNg isang puta!
