Download the book for free
CHAPTER 6
Author: PayneAzaleaNakatingin siya sa sarili habang nakaharap sa salamin. Ito ang araw na magbabago ang buhay niya. Ito ang simula ng pagbabago ng lahat.Batid niya na ilang sandali na lamang ay pupunta na dito ang driver na naka assign sa kaniya. Hindi niya pa rin nakikita si Lanche. Hindi ito umuwi kagabi o maski kanina. Kaya naman hindi niya alam kung ano ang pinaplano nito. Tanging si Meshua ang nagpaliwanag ng lahat.
Huminga siya ng malalim, upang maalis ang nararamdamang kaba mula sa kaniyang dibdib. Hindi rin siya mapakali. Kaya naman maya-maya siya umiinom ng tubig. Madalas siya makaranas ng heart palpitation kaya kailangan niyang pakalmahin ang sarili.
Muli niyang inayos ang sarili ng pumasok ang nag m-make up sa kaniya. Kahit nawala namang makakakita rito. Sinabi niya rin kay Meshua na inimbitahan niya ang kaibigan at laking gulat niya ng pumayagsi Lanche.
Sinimulan na siyang make up-an ng babae. Ilang oras na lamang ay maguumpisa na anh kasal niya. Gaya ng pinili niya, ito ang suot niyang design. Ang moon set. She loves Moon,noong bata pa siya, pangarap niya maglakbay sa buwan. Nakakatawa man isipin pero hindi pa rin naalis sa kaniya iyon.Alam niyang imposible siya maging astronaut, kaya naman pagmamasdan na lamang niya ang buwan mula sa eroplano.
"Madame okay na po ba iyan?"
Dumilat siya at dahan-dahang humarap sa salamin.Namangha siya sa itsura niya. Nagmukha siyang mayaman tignan at desente.Iba talaga ang nagagawa ng make up.Ngumiti na lamang siya sa makeup artist.
Maya-maya lamang ay sinundo na siya ng driver para ihatid sa simbahan.Ilang oras ang lumipas subalit hindi pa rin sila nakakarating. Hindi niya batid kung saan iyon kaya naman nanahimik na lamang siya. Tumingin siya sa labas at kita niya ang malinis na daan. Sobrang ganda non habang may mga lagas na bulaklak ng puno sa gilid nito. Namangha siya sa ganda ng lugar. Maya-maya lamang ay huminto sila sa isang gate.
"Madame andito na po tayo"
Napalingon naman siya at nagtaka. Dahil isang malaking gate lamang ang nandon. Sobrang tago ng lugar na iyon. Kaya naman my lungkot siyang naramdaman.Ganon ba talaga kawalang gana si Lanche na pakasalan siya? At sa ganitong lugar pa talaga para walang makaalam?
Inalalayan siya ng driver pababa. Pumasok sila sa gate. May isang malaking espasyo doon. Subalit walang tao. Nang lumiko sila, ganon na lamang ang gulat niya ng may mga tao. At nakita niya ang tatay niya na naghihinta sa pintuan ng venue. Pati na rin si Chillet na grabe ang ngiti.
Hindi niya kilala ang ibang nandito pero nakita niya ang ilang VIP costumer ng shop nila. Pati na ang manager nila.At laking gulat niya ng makita ang mga kapatid niya sa gawing kanan na nakangiti sa kaniya.Nakaupo na ang lahat at nakatingin sa kaniya
"Ang ganda mo beshy! Ikaw na!" sabi nito sa kaniya habang niyakap siya.
May malaking katanungan sa isip niya. Kung bakit may mga ibang tao dit.Ang buong akala niya at pito lang silang makakaalam nito.Pero mali siya dahil may mga tao.
"Congratulation anak."
Malungkot na sabi ng papa niya sa kaniya.Batid niya na nakokonsensya ito sa ginawang pangbabayad-utang sa kaniya.Subalit hindi naman niya ito matitiis kaya ngumiti siya at niyakap ito.
"Okay lang po ako pa. Basta ligtas kayo." Sabi niya habang nakangiti sa ama.
"Maraming salamat anak. Patawarin mo ako."
Niyakap na lamang niya ito. Maya-maya lang ay tumunog na ang piano.Ngayon lamang niya napansin ang paligid. Mula rito ay tanaw mo ang magkabilang bundok.Kita mo rin ang paglubog ng araw.Ang ganda ng tanawin dito lalo na't malinisat sariwang hangin ang malalanghap mo. Sa baba naman, makikita mo ang mga building.Napakagandang tanawin. Sadya siyang namagha sa lugar na ito.Naglakad siya habang nasa likod niya ang kaibigan at nakakapit siya sa tatay niya. Mula rito, tanaw niya si Lanche sa unahan na naka suit katabi si Meshua. Seryoso lang itong nakatingin habang nakangiti si Meshua.
Ilang hakbang pa ay nakarating siya sa gitn. Nakaharap siya ngayon sa nakatulalang si Lanche. Hindi niya alam kung bakit parang wala ito sa sarili. Siguro ay hindi pa ito handa na pakasalan siya. Ngumiti na lamang siya ng mapait sa kaibigan at sa tatay niya ng kuhain ni Lanche ang kamay niya.
Nagmisa ang pari, pero parang wala na rin siya sa sarili niyaNag dadalawang isip ba si Lanche na pakasalan siya? Kung kailan handa na siyang mahalin ito? Ganito a ang magiging sitwasyon niya.
"Miss De Villa?"
Napalingon siya ng tawagin ang apelyido niya ng pari Bago lumingon kay Lanche na nagtatakang nakatitig sa kaniya.
"I-I Do Father." Sabi niya habang nauutal na yumuko. Sa sobrang pag iisip niya ay hindi niya namalayan na tinatanong na siya ng pari. Patay siya panigurado kay Lanche nito.
"Okay May I announce that you are husband and wife.You may kiss the bride" sabi ng father.
Napanganga siya sa sinabi nito.Nawala sa isip niya ang scene na ganito. Pero mas lalo siyang nabigla ng hilahin siya ni Lanche at hinalikan. Nakatitig siya dito habang magkadikit ang labi nila.Seryoso itong nakatingin sa kaniya.Parang tumigil ang mundo niya sa ginawa ng lalaki. Marahan lang ang halik nito pero ramdam mo ang sinseridad.
Narinig niya ang malakas na palakpakan ng mga bisita.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya habang nakatingin sa mga mata ni Lanche. Ilang minuto nagtagal ang ganong posisyon nila.Kaya naman ay nang humiwalay ito mula sa labi niya ay napatahimik siya. Hindi niya mawari ang nararamdaman niya. Hindi niya expected na hahalikan siya ng ganon ni Lanche. Dahil masyado itong naging busy sa trabaho kaya hindi na niya ito nakita.
"Are you with me?"
Nagbalik siya sa reyalidad ng magsaita ito.Magkayakap pa rin sila. Kahit na anong ingay ng mga tao tila ba ay wala silang marinig at tanging sila lang ang tao sa buong venue.
"O-oo Hehehe" palusot niyasa lalaki. Ngunit tumango na lamang ito bilang pag-sang ayon. Nagulat na lamang si Brie ng buhatin siya ni Lanche kaya naman todokilig ang ibang mga kababaihan sa ginawa ng lalaki. Ibinaba na lamang siya nitonang makarating sila sa kotse.
"Saan tayo pupunta?" tanong nia.
"We're already married. What do you think?"balik na tanong ng lalaki sa kaniya.
Bigla naman siyang kinabahan.Hindi pa siya handa ibigay ang pagkababae niya. Hindi pa siya handa sa bagay na ganito.
"P-pero--"
"What?" Hinihintay ni Lanche na sumagot ito. Subalit bahagyang natakot si Brie kaya hindi na siya nakasagot pa.
Nagpatuloy siya sa pag drive hanggang sa makarating sa lugar na iyon.Habang nababa si Brie sa kotse ay hindi niya maitago ang kabang nararamdaman niya. Natatakot siya, hindi niya batid kung ano ang magaganap ngayong gabi. Subalit tama si Lanche.Kasal na sila, kaya wala siyang lusot doon. Masyado pa siyang bata sa edad na dise-nwebe.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 25 (Last Chapter)
LANCHE's POV "I want to be selfish. I want you to be back. I want you to be mine again. I hate seing you like this. P-pero kung talagang..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumikip ang dibdib ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. "K-kung talagang nahihirapan ka na, t-tatanggapin ko. " naiyak na sabi ko habang hawak ang kamay niyang maputla. "Mahal na mahal kita Elle. Mahal na mahal kita!" Nakita ko naman na unti-unti siyang lumuha. Mabilis ko iyong pinunasan. "I was June and you were my Johnny CashNever one without the other, we made a pa
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 24
Pagabi na subalit hindi magawang matulog ni Lanche. Hindi siya makatulog dahil baka sumpungin na naman si Brie. Nasa labas siya nagpapahangin habang may hawak na sigarilyo. "Captain!" napalingon siya ng tawagin siya ni Meshua kasama nito ang kaibigan ni Brie na si Chillet. "Kanina ka pa ba dito captain?" tanong sa kaniya nito. Hindi siya sumagot, nanatili lamang siyang nakatanaw sa malayo. Nasa loob naman ang tatay ni Brie kaya mag magbabantay sa kaniya. Kagagaling lamang niya sa bahay ng mga kapatid nito dahil dinalaw nila si Brie Ilang minuto lang ay nagpasiya na silang pumasok sa loob. Bumungad sa kanila ang bagong gising na si Brie. Kita niya mga mata nito na nahihirapan ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Brie habang nakatingin it
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 23
Lumipas pa ang maraming araw. Marahan niyang inalalayan si Brie na makaupo sa wheelchair. Gusto nito makalanghap ng hangin mula sa garden. Kaya naman ay pinayagan siya ng doctor para ilabas sa garden. Nakarating naman sila doon. Wala gaanong tao at karamihan rin ay pasyente. Huminto sila sa ilalim ng puno. Maganda ang panahon kaya naman maaliwalas ang kalangitan. "Kaya magpagaling ka na para maigala kita " nakangiting sabi ni Lanche. Hindi alam ni Brie kung ano ang irereact niya sa sinabi nito. Dahil batid niya ang katotohanan. Batid niya na ilang sandali na lang siya magtatagal dito. Ayaw niyang paasahin ito na may himala na gagaling pa siya.Ngumiti na lamang siya. Naawa siya sa lalaki. Ayaw niyang dumating ang araw na maiiwan niya ito. Bumalik na sila sa kwarto. Ilang araw na niyang napa
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 22
Weeks passed... Habang tumatagal, palala ng palala ang kaniyang karamdaman. Pinili pa rin niyang itago kay Lanche ang tungkol dito. Kaya walang kaalam-alam ang lalaki tungkol sa kaniyang sakit. Nakaupo siya habang nakatanaw sa bintana ng kwarto. Hindi niya namalayan na unti-unting pumapatak ang mga luha niya galing sa kaniyang mata. Marahan niya itong pinunasan. Matagal na niyang pinaghandaan ang bagay na ito. Kaya naman masaya siya ng malaman mula kay Lauren na malapit na silang ikasal. Masakit man, pero mas pinili niyang suportahan at maging masaya na lamang para sa kanila. "Anak, kumain ka muna." aya sa kaniya ng kaniyang ama. Hindi niya ito sinagot bagkus ay patuloy niya pa ring pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata.
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 21
Muli siyang binalot ng lungkot ng bumalik siya sa apartment. Hawak niya pa rin ang folder na puti habang may luhang natulo sa pisngi niya galing sa mga mata niya. "Mesothelioma" Napapikit na lamang siya ng mabasa niya ito. Naka-third opinion na siya sa iba't-ibang mga doctor. Subalit iisa lang ang mga resulta nila. Muling sumakit ang kaniyang dibdib. Sobrang sakit niyon na para bang mamamatay na siya sa sobrang sakit. Nahihirapan na din siyang huiminga kaya kinuha niya ang pain reliever na mesa. Hindi pa rin nawala ang sakit sa dibdib niya at patuloy pa rin itong sumasakit pa. Napahawak na lamang siya habang namimilipit sa sakit. May luhang tumulo sa mga mata niya. "A-ahhh! P-please..." hawak-hawak niya parin ang kaniyang dibdib habang hinahaplos-haplos iyon para mawala ang pananakit. Tumagal ang pananakit ng dibdib niya ng ilang minuto bago ito nawala. Nakahinga na rin siya ng maluwag ng humup
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 20
Tahimik na nakadungaw sa bintana ng apartment niya si Brie. Habang nilalasap ang simoy ng hangin. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari. Tinatanaw niya ang mga building sa kalayuan habang naisisinagan ito ng palubog na araw. Mabuti na ang ganito. Ang tuluyang siyang kalimutan ng lalaki. Ilang araw na ang lumipas mula ng makausap niya si Lauren. At inaamin niya na hanggang ngayon ay sobrang sakit ng lahat. Sapilitin niyang binitawan ang unang lalaking minahal niya dahil kailangan. Muli siyang nakaramdam ng sakit at paghirap huminga. Madalas na rin siyang sumpungin ng pagpapalpitate niya. Bahagya siyang humiga sa kama niya habang hawak-hawak ang parte ng dibdib niya. Hindi pa rin humuhupa ang sakit ng dibdih niya.Para bang ilang beses ito tinutusok-tusok. "A-ahh!"
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 17
Ilang araw ang lumipas at umiwas na si Brie kay Vinz dahil sa nangyari.May hinala siya na ay tinatago sa kaniya si Vinz kaya mas lalo siyang naging alerto. Hindi parin tumigil si Lanche
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 16
Ngayon ang uwi ni Lanche galing sa America. Ilang buwan din ang lumipas bago siya bumalik sa Pinas. "Good morning sir," nakayukong sabi ng mga maid. Dumiretso na lamang sila. Dumiretso siya sa kwarto ni Brie. Ang sabi ni Meshua, may magan
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 15
Maaga siyang nagising dahil na rin sa hindi siya makatulog kagabi. Maaga siyang pumasok,hinatid siya ni Vinz sa hotel. Masaya naman siyang sinalubong ni Kyla. "Shishi mabuti at andito ka na!" sabi niya.
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 14
Someone' s POV Nakatingin ako sa isang babaeng nasa kwarto ko ngayon. May mga galos at pasa pa rin ang kaniyang katawan. Pati na ang ilang parte ng kaniyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Nakita ko lang siya na palu
