loading
Home/ genre27-请勿使用菲语 /test one dongT AWAY (TAGALOG)/CHAPTER 5

CHAPTER 5

Author: PayneAzalea
"publish date: " 2020-07-30 10:39:36

Nagising siya ng maaga, hindi niya napansin na nakatulog na pala siya kagabi. Hindi niya nakita man lang si Lanche. Kaya naman matapos niyang mag ayos ay bumaba na siya. Subalit nasa sala pa lang siya ay amoy niya na ang mabangong niluluto sa kusina.

Pumunta siya roon at nakita niya si Lanche na busy sa pagluluto habang naka apron pa.

"You're awake," hindi niya namalayan na nakatingin na pala ito sa kaniya.

Paalis na sana siya ng pigilan siya nito at pinaupo sa upuan.

Hindi niya maiwasang hindi tumingin sa lalaki habang nagluluto ito. Naghihinayang siya sa samahan ni Lanche at Lauren. Alam niya rin na ito lang din ang makakapagpabago sa lalaki para bumalik ito sa dati.

Natapos itong magluto kaya naman tahimik silang kumain. Wala rin siya sa mood magsalita kaya naman tahimik ang hapag-kainan habang nakain silang dalawa.

"Are you okay?"

Hindi niya inaasahan na magsasalita ito habang nakatingin sa kaniya. Tunango na lamang siya at umiwas ng tingin. Masiyado siyang nanliliit ngayong kaharap si Lanche. Paano pa kaya kung ang ex na nito ang kaharap niya.Natapos sila ng hindi siya nagabalang magsalita. Hindi niya rin alam kung bakit ganon ang pakikitungo niya sa lalaki.

Dumiretso siya sa kwarto at isinara iyon. Naisip niya na naman ang babaeng yon. Hindi pa siya nakakatagal ay nagulat siya ng pumasok si Lanche sa kwarto.

"What's your problem?" tanong nito.

"W-wala naman," paiwas na sabi niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Then why are you did'nt talk to me?" tanong nito.

Huminga siya ng malalim, hindi niya alam kung sasabihin ba niya sa lalaki ang nakita niya. Natatakot siya. Natatakot siya na baka magbago ang isip nito.

"N-nothing. Masama lang pakiramdam ko," pagsisinungaling niya.

Hindi na siya pinilit ng lalaki at lumabas na ito.

Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit ba siya natatakot na baka maiwan siya nito? Kung sakaling itatanong niya ang tungkol sa babae? Hindi ba't mas mainam iyon para makalaya siya rito at hindi matuloy ang kasal nila?

Hindi niya alam kung bakit ganito siya.Kung bakit may takot sa puso niya na baka iwanan siya ng lalaki.

"Hindi ka naman siguro babalik dito para makipagbalikan kay Lanche hindi ba?" tanong niya habang hawak ang picture ng babae. 

"Argh! Brie ano ba yang iniisip mo? Ano naman kung bumalik siya? Edi maganda para maging malaya ka ulit!" Umiling-iling na lamang siya habang kinausap ang sarili.

Naguguluhan siya sa nararamdaman niya. Kaya minabuti na lamang niyang magbukas ng facebook at instagram.

Sinubukan niya i search sa intagram si Lanche pero walang lumabas. Pero nang i search niya si Lauren ay nakita niya ito na may check na blue.

Sinubukan niya itong i stalk. Pero nagulat siya ng may makitang picture nito at ni Lanche na magkasama. Sunod-sunod iyon kaya naman mas lalo siyang na curious. Nagpatuloy siya sa pag scroll down. Sinilip niya rin ang ibang comments at napagtanto niya ang isang unfamiliar na account. Kaya naman sinubukan niya itong buksan.

Pero naka private ito. Malakas ang kutob niya na si Lanche ito. Dahil siya ang madalas na mag comment sa lahat ng picture ni Lauren.

"Captain CLH"

Yan ang name ng account. Hindi niya batid kung tama ba siya dahil ang profile nito ay itim lang. naman mas lalo siyang kinabahan.

Nagulat siya ng bigla itong mag follow sa kaniya.Kaya naman mabilis niya itong na follow back.

"Are you stalking my account?"

Napatayo siya ng magsalita si Lanche sa likod niya. Hindi siya makapag react dahil totoo naman. Nahihiya siyang yumuko sa kahihiyan. 

"N-nacurious lang ako," palusot niya sa lalaki subalit hindi ito na kumbinsi sa sinabi niya dahil mas lalo itong lumapit sa kaniya.

"A-alam mo?" nagtatakang tanong niya.

"I saw you. "

Napalaki naman ang mata niya sa sinabi ng lalaki. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin kaya naman bahagya niyang inioff ang phone niya at inilapag iyon sa kama.

Tinitigan lang siya nito kaya naman tumayo na siya para idepende ang sarili subalit bigla na lamang itong umalis na ikinagulat niya.

Hindi pa ito nakakalabas, ay huminto ito at nagsalita.

"On wednesday.  Be ready," sabi nito na ipinagtaka niya.

"A-ang alin?" naguguluhang tanof niya subalit umalis na ang lalaki at marahang isinara ang pinto.

"Ang alin?" naguguluhang tanong niya habang malalim na nag-isip.Napanganga na lamang siya ng maalala ang kasal nila.

"S-sa wednesday?!" hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. 

May parte sa kaniya na nalulungkot dahil hindi na niya makikita ang mga kapatid. Pero may parte rin na masaya siya. 

Masaya siya dahil ikakasal siya sa lalaki na batid niya sa sarili na mahal na niya ito.

Maya-maya ay may kumatok mula sa pintuan. Agad siyang umayos, pumasok naman si Meshua na nakangiti sa kaniya.

"Madame, pinabibigay nga pala ni Captain."

Nagulat siya ng may iniabot si Meshua na isang isang kahon. Ibinuklat niya iyon, nakita niya ang isang malaking brochure ng mga gown.

"Sabi ni Captain ikaw daw ang pumili ng design, Madame."

Binuklat niya ito isa-isa. Halos lahat magaganda pero may isang gown doon na kakulay ng buwan. Dirty white kung tawagin. May design ito na parang buwan din. Napakaganda nito sa mata kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na piliin iyon.

"Sigurado ka na ba diyan Madame?" paninigurado ni Meshua habang nakatingin sa gown na itinuro nito.

Tumango at ngumiti lamang siya. May partner na rin itong necklace at wedding ring na design na buwan. Ngumiti si Meshua bago ito lumabas ng kwarto. 

Hindi niya alam kung bakit kailangan pang si Meshua ang mag tungo dito para iabot itong brochure sa kaniya. Nandito naman siya kanina at hindi na lamang siya ang nag abot nito. 

"Napipilitan ba siyang pakasalanan ako?" tanong niya sa sarili.

Hindi niya maiwasang hindi mag-isip. Mahal pa ba nito ang ex girlfriend na si Lauren? Hindi malabo iyon. Dahil nakasagap siya ng ilang impormasyon na sobrang mahal na mahal daw ni Lanche si Lauren. Kaya hindi malabong mahal niya pa ito kung kaya't si Meshua ang madalas mag asikaso ng kasal nila.

Bigla siyang nalungkot sa hindi maintindihang dahilan. Tila ba napakabigat ng paghinga niya ng maisip ang mga posibleng mangyari.

Paano kung bumalik si Lauren? Paano siya? Sila? Lubos na ikinatakot niya. Hindi niya pa naranasang masaktan dahil sa lalaki. At ayaw niya iyong mangyari. Pero sa pagkakataong ito, alam niya na si Lanche ang unang lalaki na makakagawa nito sa kaniya. 

Ilang araw ang lumipas. Masiyadong marami ang nangyari kung kaya't hin di niya namalayan ang mga araw sa sobra pagkabusy niya. Lunes na ngayon, at ilang araw na lang ay ikakasal na siya.

"Hoy Beshy kanina ka pa tulala diyan," sabi ni Chillet na nakabusangot sa harap niya.

"S-sorry besh." Umiwas siya ng tingin sa kaibigan at tumingin na lamang sa labas.

"Yung totoo? Nag d-drugs ka ba besh?" seryosong tanong nito habang nakatingin sa kaniya.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya alam kung bakit ganito bigla ang tanong kaibigan.

"Eh last week ka pa tuliro eh! Tapos kapag kakausapin ka, sasabihin mong wala. Yung totoo? Ano sininghot mo? Katol o shabu?" seryoso pa rin itong nakatingin.

"Loka ka talaga. Ewan ko sayo," sabi niya habang pasimpleng natawa sa sinabi ng kaibigan.

"Hoy beshy seryoso ako!" sabi nito habang hinahabol ang kaibigan.

Papasok na sila sa shop ng makasalubong nila ang manager nila.

"Ah Brie, may kailangan kang malaman," sabi ng manager nila na ikinagulat naman nila.

"Ano po iyon?" nagtatakang tanong niya sa manager.

"Kailangan mong umalis dito Brie. Pasensya na ako ang malalagot," malungkot na sabi nito.

"A-ano po? P-pero bakit po?" hindi niya alam kung bakit ganon na lang basta-basta ang pagpapaalis sa kaniya ng manager. Ginawa niya naman ang lahat kaya nagtataka siyang tumingin dito habang hinihintay ang sagot ng manager.

"Ako ang malalagot sa kay Mr. Cla--"

"Let's Go."

Napalingon sila ng magsalita si Lanche sa likod nito na ikinagat ni Brie.

"A-anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya dito. 

Nagulat siya ng hilahin siya nito papunta sa kotse. 

Gulat na nakatulala na lamang ang manager nila, at lalo na si Chillet na hindi alam kung paano nangyari ang lahat. Kung bakit naging ganon ang sitwasyon.

"Lanche ano bang ginagawa mo--"

"Stop calling my name. From now on,you're not working on my coffee shop."

Natigilan siya ng sabihin nito na kaniya ang shop na iyon.

"I-iyo yon? P-pag-aari mo?"ulit niya dito. Hindi ito sumagot at nag drive na lamang.

Sa loob ng ilang buwang pagtatrabaho niya doon ay ngayon lang niya nalaman na si Lanche ang may ari non.

"Are you not going to school?" tanong nito. Tumingin naman siya at umiling.

"Tapos na ang schedule ko for today kaya maaga ako pumasok sa shop"

" malungkot na sabi niya. 

Huminto sila kaya, bago siya hinarap ni Lanche.

"Okay fine. You can work on my shop. But finish your study first," sabi niya na ikinagulat ni Brie. niya akalain na sasabihin ito ni Lanche.

"T-talaga?" gulat na tanong niya rito. Gaya ng dati hindi ito sumagot.

Subalit nagulat na lamang ito ng yakapin niya ang lalaki sa sobrang tuwa.

Tsaka niya lang napagtanto ang position nilang dalawa.

"S-sorry," nahihiyang sambit niya habang umiiwas ng tingin sa lalaki.

"I already talked to your professors. you're two days absent,"sabi nito. Kaya naman may malaking question mark sa utak niya.

"We prepared our wedding," maiksing sagot nito bago nagsimula ulit mag drive pauwi ng bahay nila.

Tahimik lamang silang kumakain sa hapag-kainan. Ni isa walang gustong magsalita. Bigla na lamang naging awkward ang eksena sa di malamang dahilan.

Natapos silang kumain kaya naman umakyat na ang lalaki sa kwarto nito. Habang siya ay tinulungan maglipit ang mga yaya sa kusina.

"Madame ako na po diyan," sabi ng isang maid.

"Manang ako na po, isa pa wag niyo na po ako tawaging madame. Parehas lang tayo ng katayuan sa bahay na to," sabi niya habang nakangiti.

"H-hindi po, malayo po tayo.Kayo ang magiging asawa ng amo namin," sabi ng isa pang maid.

Asawa lang ako pero hindi ako ang amo, amo natin siyang lahat," nakangiting depensa niya.

"Pero Madame hindi po pwede kami ang malalagot kay Sir."

Hindi na siya umangal pa. Hindi lang siya sanay na tinatawag na ganon. Natapos ang sila at umakyat na siya sa kwarto. Naisip niya ang mga kapatid niya. Ilang araw na niya itong hindi nakikita.

"You can visit them after the wedding."

Nagulat siya at biglaan niyang itinago ang picture nilang pamilya. 

Nasa likod niya si Lanche habang nakatingin.

Hindi siya sumagot.

"Marunong ka bang kumatok at pasulpot-silpot ka bigla?"

Bulong niya habang nakatanaw sa labas ng bintana. Kita niya rito ang maliwanag na buwan.

"Meshua Pick you tomorrow, I have a flight. See you on Wednesday"

Matapos iyon sabihin ay umalis na ito. Naiwan siyang nakanganga habang iniisip ang sinabi ng lalaki. Ibig sabihin ay sa kasal na sila magkikita? 

"Ganon ba ko kawalang halaga sa kaniya? At maski ang trabaho ay hindi niya kayang tanggihan?" sabi niya sa sarili habang nakatingin sa pinto.

Nalungkot siya. Siguro nga ay hindi ito mahalaga sa lalaki. Dahil bayad lamang siya sa pagkakautang ng ama. Maski isang pagmamahal ay wala sigurong nararamdaman ang lalaki sa kaniya. 

Si Meshua ang kumilos ng lahat ng papers na kailangan nila. Kaya naman mas lalo siyang nalungkot. Hindi man lang ito nag laan ng kaunting oras para pag aksayahan siya ng panahon. Lagi itong wala sa mansion at minsan na lamang niya ito makita.

Maaga siyang gumising para pumasok sa school, sigurado siyang magtatanong ng bongga si Chillet kaya naman naghanda na siya ng mga sasabihin niya para dito.

Paalis na sana siya ng makita niya sa labas ng bahay si Meshua. Naka formal ito at nakangiti sa kaniya.

"Madame, ako na ang maghahatid sayo," nakangiting sabi nito. 

Hindi na siya nagtanong. Nakatoka si Meshua ngayon para bantayan siya. Hindi niya alam kung bakit napapapayag ni Lanche si Meshua sa mga bagay na yon.

"Meshua? Hindi ba mayaman ka? Bakit napayag ka alilain niya?" sabi nito na ikinagulat ni Meshua. Ngumiti ito bago nagsalita.

"Hindi ako mayaman Madame.HAHAHA" sagot niya.

"Piloto ka hindi ba? Edi mayaman ka!" sabi niya pa.

"Kakaumpisa ko lang sa pagiging piloto, hindi gaya ni Captain na matagal na siya sa airliners. Kaya ko to ginagawa bilang utang na loob sa kaniya," sabi ni Meshua kaya lalo siyang na curious.

"Utang na loob?" nagtatakang tanong nito.

"Oo, malaki ang utang na loob ko kay Captain. Siya ang dahilan bakit naabot ko ito. Dahil sa tulong niya kaya nakaahon ako, napagamot ang tatay ko," sabi nito habang mapait na ngumiti.

"Pasensya ka na Meshua. Hindi ko alam," sabi niya, tila para itong nalungkot ng banggitin ang tatay nito.

"Wala yon Madame. Andito na tayo," nakangiti ulit nitong tugon. Tumingin siya sa labas at nandito sila sa parking lot. 

"Girl hindi ba't si Meshua iyon?!"

"Yung hot pilot na kaibigan ni Mr. Claveria?"

"Oo siya nga iyon!"

Bigla siyang nakaramdam ng hiya ng ipagbuksan siya nito ng pinto. Lalo na't kilala din ito ng mga student dito sa school nila.

"Sino yung kasama niya? Girlfriend niya ba?"

Gusto niyang bumalik sa loob subalit huli na dahil nakalabas na siya. Hindi niya kayang harapin ang mga students dito sa parking dahil panigurado ay bubullyhin na naman siya.

"Madame? May problema ba?" tanong ni Meshua.

"W-wala.S-salamat," sabi niya.

Kailangan niyang pumasok dahil late na siya sa unang subject niya. Bigla niyang naisip ang sinabi ni Lanche. Dapat pala ay pumayag na siyang umabsent ngayon. Pero may quizes sila kaya hindi pwede.

"O-M-G! Si Brie yan diba?!"

"Anong ginagawa niya sa kotse ni Meshua?!"

Rinig naman ang usap-usapan dito habang naglalakad siyang nakayuko ng may humarang sa daan niya at itinulak siya dahilan para mapatumba siya.

"Hoy! Stupida! Bakit kasama mo si Meshua ko?!"

"Oo nga?! Anong gayuma ginamit at napasakay ka sa kotse niya huh?!" sabi ng mga babaeng nakaharang sa daanan niya. Mas lalong lumakas ang bulungan dito. Patayo na sana siya ng may tumulong sa kaniyang tumayo.

"Omg! Hinawakan siya ni Meshua!"

"Mang-aagaw!"

Nagulat na lamang siya ng makita si Meshua na itinayo siya at hinarap ang mga babae. 

"Anong problema niyo sa kaniya? Bakit niyo siga tinulak?" tanong nito pero rinig mo sa tono niya ang galit.

"M-meshua syet!" nagtitinili na lamang ang mga babae bago ito tumakbo paalis.

"Okay ka lang Madame?" tanong nito sa kaniya. Hindi siya makatingin dito dahil nahihiya siya sa nakita ni Meshua habang wala siyang laban na ina-api ng mga babae.

"Bakit hindi ka lumabas madame?" tanong ulit nito.

"Ah Meshua, aalis na ko huh? Maraming salamat talaga," mabilis na sabi niya bago tumakbo sa loob ng school. Konti na lang ang students dahil naguumpisa na ang klase ng iba.

Pag pasok niya sa loob ng room ay wala pa ang prof nila. Kaya naman umupo na siya. Habang papalapit siya sa upuan ay kita niya ang masamang tingin ng ibang students at yung iba naman ay natatawa.

"Feelingera at assumera!" singhal ng isa niyang kaklase habang sinisigaw iyon.

"Hoy tigil-tigilan niyo nga si Brie!"

Napalingon naman siya ng makita si Chillet habang seryosong nakatingin sa kaniya.

"Hoy babae, may utang ka sakin,"

maya-maya lang ay dumating na rin ang professor nila. Gaya noon, nakuha niya ang highest score.

"Inlove kasi siya HAHAHAHA!" sigaw naman ng isang lalaki na kaklase niya rin.

 Mas lalo siyang namula kahit alam naman niya na si Meshua ang tinutukoy non at hindi si Lanche.

"Hoy babae! explain!" seryoso itong nakatingin sa kaniya habang sinasandok ang carbonara.

Wala siyang choice kundi ang magpaliwanag sa kaibigan. Hindi rin siya makapagsinungaling dito dahil kilala siya nito.

"Ikakasal ka na bukas?!" sigaw nito kaya naman natigilan siya at tinakpan ang bibig ni Chillet.

Nakatingin ang buong students sa cafeteria dahil sa pagsigaw nito. Mabilis niya itong hinila sa labas.

"Beshy sorry!" sabi nito.

"Pabigla-bigla ka kasi eh. Anong kasal agad? Ganon kabilis?" sabi ni Chillet.

Hindi niya ikinwento ang tungkol sa utang ng tatay niya. Ang alam nito ay nakilala niya sa internet at unti-unti itong nahulog sa kaniya.

"Seryoso beshhy?! Maid of honor ako ah?!" pabiro nitong sabi.

"Sasabihin ko sa kaniya," nahihiyang sabi niya.

"Hoy beshy bahala ka diyan! Ako ang maid of honor dapat!" nagtatampong sabi niya.

Hindi niya alam kung papayag ba si Lanche na kasama ang kaibigan niya sa kasal nila bukas. Dahil sa pagkakaalala niya ay secret wedding iyon at si Meshua lang ang kasama.

Kaya kakausapin niya si Meshua bukas para ipasabi kay Lanche ang gusto niya. Kahit na alam niyang baka hindi ito pumayag. Maski ang  kapatid niya ay hindi imbitado. Ang tatay lamang niya ang maghahatid sa kaniya sa altar. Kaya mas lalo siyang nagisip na maaring dahilan kay Chillet kung sakaling hindi oumayag si Lanche. Dahil panigurado talaga na pito lang sila bukas sa kasal niya.

Hindi ito ang pangarap niyang kasal subalit wala na siyang magagawa pa. Gustuhin niya man ang normal na kasal ay hindi pwede dahil si Lanche ang masusunod. Kaya nalulungkot siya at hindi niya matutupad ang pangarap na iyon.

Malalim na ang gabi, kaya naman ay hindi siya makatulog, nasa kabilang kwarto lamang si Meshua nagbabantay dahil mahigpit na bilin iyon ni Lanche.

Bukas na ang kasal, may ilang oras pa siya bago magisip ng tamang desisyon. Kung tatakas ba siya o itutuloy iyon.

Hindi rin naman siya makaka-alis dito kung tatakasan niya si Lanche. Dahil panigurado ay ang pamilya niya ang babalikan nito. Hindi niya alam kung tama ba ang nasa isip niya. Nagtitiwala na agad siya ngayon pa lang kay Lanche. na magiging mabait ito sa kaniya kapag ikinasal na sila. Pero inisip rin niya ang sasabihin ng mga tao at kamag-anak nito. Ano na lamang ang sasabihin niya kung sakaling ikinasal sila ng ganon-ganon lang?

Mayaman si Lanche, at alam niya na hindi ordinaryo ang pamilya nito. Nabibilang ito sa pinakamayaman sa buong Asia. Kaya naman mas lalo siyang kinakabahan sa tuwing maiisip niya na balang araw ay haharapin niya ang mommy nito. Ayaw niyang makarinig ng kahit anong pang iinsulto galing sa kanila. Lalo kung lalaitin nito ang pamilya niya.

Na isa lamang iyong pam-bayad utang? Na pineperahan lamang nila si Lanche?

Sigurado rin siyang aalamin nito kung ano ang trabaho ng mga magulang niya.

At malalaman din nito kung ano talaga ang tunay na nangyari.

Muli siyang nahiga sa kama, mukhang hindi siya makakatulog buong gabi kakaisip sa kasal niya. She does'nt imagine in that age, na ikakasal siya. Marami siyang pangarap na gusto niya maabot. Alam din niyang hindi na sila maghihirap kung sakaling papakasalan niya si Lanche, pero hindi iyon ang gusto niya. 

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 25 (Last Chapter)

LANCHE's POV "I want to be selfish. I want you to be back. I want you to be mine again. I hate seing you like this. P-pero kung talagang..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumikip ang dibdib ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. "K-kung talagang nahihirapan ka na, t-tatanggapin ko. " naiyak na sabi ko habang hawak ang kamay niyang maputla. "Mahal na mahal kita Elle. Mahal na mahal kita!" Nakita ko naman na unti-unti siyang lumuha. Mabilis ko iyong pinunasan. "I was June and you were my Johnny CashNever one without the other, we made a pa

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 24

Pagabi na subalit hindi magawang matulog ni Lanche. Hindi siya makatulog dahil baka sumpungin na naman si Brie. Nasa labas siya nagpapahangin habang may hawak na sigarilyo. "Captain!" napalingon siya ng tawagin siya ni Meshua kasama nito ang kaibigan ni Brie na si Chillet. "Kanina ka pa ba dito captain?" tanong sa kaniya nito. Hindi siya sumagot, nanatili lamang siyang nakatanaw sa malayo. Nasa loob naman ang tatay ni Brie kaya mag magbabantay sa kaniya. Kagagaling lamang niya sa bahay ng mga kapatid nito dahil dinalaw nila si Brie Ilang minuto lang ay nagpasiya na silang pumasok sa loob. Bumungad sa kanila ang bagong gising na si Brie. Kita niya mga mata nito na nahihirapan ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Brie habang nakatingin it

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 23

Lumipas pa ang maraming araw. Marahan niyang inalalayan si Brie na makaupo sa wheelchair. Gusto nito makalanghap ng hangin mula sa garden. Kaya naman ay pinayagan siya ng doctor para ilabas sa garden. Nakarating naman sila doon. Wala gaanong tao at karamihan rin ay pasyente. Huminto sila sa ilalim ng puno. Maganda ang panahon kaya naman maaliwalas ang kalangitan. "Kaya magpagaling ka na para maigala kita " nakangiting sabi ni Lanche. Hindi alam ni Brie kung ano ang irereact niya sa sinabi nito. Dahil batid niya ang katotohanan. Batid niya na ilang sandali na lang siya magtatagal dito. Ayaw niyang paasahin ito na may himala na gagaling pa siya.Ngumiti na lamang siya. Naawa siya sa lalaki. Ayaw niyang dumating ang araw na maiiwan niya ito. Bumalik na sila sa kwarto. Ilang araw na niyang napa

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 22

Weeks passed... Habang tumatagal, palala ng palala ang kaniyang karamdaman. Pinili pa rin niyang itago kay Lanche ang tungkol dito. Kaya walang kaalam-alam ang lalaki tungkol sa kaniyang sakit. Nakaupo siya habang nakatanaw sa bintana ng kwarto. Hindi niya namalayan na unti-unting pumapatak ang mga luha niya galing sa kaniyang mata. Marahan niya itong pinunasan. Matagal na niyang pinaghandaan ang bagay na ito. Kaya naman masaya siya ng malaman mula kay Lauren na malapit na silang ikasal. Masakit man, pero mas pinili niyang suportahan at maging masaya na lamang para sa kanila. "Anak, kumain ka muna." aya sa kaniya ng kaniyang ama. Hindi niya ito sinagot bagkus ay patuloy niya pa ring pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata.

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 21

Muli siyang binalot ng lungkot ng bumalik siya sa apartment. Hawak niya pa rin ang folder na puti habang may luhang natulo sa pisngi niya galing sa mga mata niya. "Mesothelioma" Napapikit na lamang siya ng mabasa niya ito. Naka-third opinion na siya sa iba't-ibang mga doctor. Subalit iisa lang ang mga resulta nila. Muling sumakit ang kaniyang dibdib. Sobrang sakit niyon na para bang mamamatay na siya sa sobrang sakit. Nahihirapan na din siyang huiminga kaya kinuha niya ang pain reliever na mesa. Hindi pa rin nawala ang sakit sa dibdib niya at patuloy pa rin itong sumasakit pa. Napahawak na lamang siya habang namimilipit sa sakit. May luhang tumulo sa mga mata niya. "A-ahhh! P-please..." hawak-hawak niya parin ang kaniyang dibdib habang hinahaplos-haplos iyon para mawala ang pananakit. Tumagal ang pananakit ng dibdib niya ng ilang minuto bago ito nawala. Nakahinga na rin siya ng maluwag ng humup

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 20

Tahimik na nakadungaw sa bintana ng apartment niya si Brie. Habang nilalasap ang simoy ng hangin. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari. Tinatanaw niya ang mga building sa kalayuan habang naisisinagan ito ng palubog na araw. Mabuti na ang ganito. Ang tuluyang siyang kalimutan ng lalaki. Ilang araw na ang lumipas mula ng makausap niya si Lauren. At inaamin niya na hanggang ngayon ay sobrang sakit ng lahat. Sapilitin niyang binitawan ang unang lalaking minahal niya dahil kailangan. Muli siyang nakaramdam ng sakit at paghirap huminga. Madalas na rin siyang sumpungin ng pagpapalpitate niya. Bahagya siyang humiga sa kama niya habang hawak-hawak ang parte ng dibdib niya. Hindi pa rin humuhupa ang sakit ng dibdih niya.Para bang ilang beses ito tinutusok-tusok. "A-ahh!"

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 15

Maaga siyang nagising dahil na rin sa hindi siya makatulog kagabi. Maaga siyang pumasok,hinatid siya ni Vinz sa hotel. Masaya naman siyang sinalubong ni Kyla. "Shishi mabuti at andito ka na!" sabi niya.

Last Updated : 2026-03-16

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 14

Someone' s POV Nakatingin ako sa isang babaeng nasa kwarto ko ngayon. May mga galos at pasa pa rin ang kaniyang katawan. Pati na ang ilang parte ng kaniyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Nakita ko lang siya na palu

Last Updated : 2026-03-16

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 19

"Brie? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Lauren sa kaniya. Pinuntahan siya ni Brie sa condominium nito. Gaya ng ineexpect niya, mugto ang mata ni Lauren. "L-lauren

Last Updated : 2026-03-17

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 18

Weeks passed. Tahimik na naglalakad sa gilid ng daan si Brie. Naalala niya yung unang pagkikita nila ni Lanche. Muntik pa siyang sagasaan nito. Mabigat ang mga paghinga niya haban

Last Updated : 2026-03-17
More Chapters
You May Also Like
test one dong 菲语
xin yue share book 菲语test one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one do菲语test one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one do菲语test one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one do
genre27-请勿使用菲语
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy