loading
Home/ genre27-请勿使用菲语 /test one dongT AWAY (TAGALOG)/CHAPTER 7

CHAPTER 7

Author: PayneAzalea
"publish date: " 2020-07-31 07:26:51

Nandito sila sa isang rest house. Nakita niya ito kanina bago sila pumunta dito ng driver. 

"S-sayo yan?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Lanche. Hinila lamang siya ng lalaki,subalit dahil mahaba ang gown niya, binuhat na lamang siya ni Lanche. Hindinniya maiwasang hindi mapatingin dito. Lalo na at malapit ito sa kaniya. Napakagwapo niya lalo na sa malapitan, kaya hindi na siya nagtataka kung ma in love si Lauren dito.

"You'll free to stare at me whole night." sabi niya habang naka tuon ang paningin sa daan. 

Bahagya siyang umiwas ng tingin. Hindi niya napansin na nakatingin sa kaniya si Lanche.Hindi niya rin ito maiwasan isipin.Isa na siyang Claveria. Hindi na siya isang ordinaryong babae ngayon, dahil nakadikit na ang apelyido ni Lanche sa pangalan niya. Isa na siyang Mrs. Claveria. Pumasok sila sa pinto. Sadyang maganda ito kumpara sa mansion. Hindi man kasing laki ng mansion pero nakakarelax. Tanaw mo ang mga building sa ibaba. Tanaw na tanaw rito ang kabilang bundok na sobrang sarap sa mga mata kung titigan mo ito sa palubog na araw. 

Naglakad-lakad pa siya at nilibot ang buong rest house. Napakaganda nito, hindi niya inaasahan na makakarating siya sa ganitong lugar. Hanggang pangarap lang niya ito noon, subalit heto na. Nagulat siya ng hilahin siya ni Lanche papunta sa kwarto. Isinandal siya nito sa pader na mas lalong ikinakabog ng dibdib niya. Hindi niya alam ang gagawin dahil wala pa siyang experience sa ganito.Tanging paghinga lang ni Lanche ang dumapo sa leeg niya. Amoy niya ang pabango. Napapikit na lamang siya.Subalit naramdaman niya ang pag tigil ng binata sa paghalik sa leeg niya.Huminga ito ng malalim bago tuluyang lumayo sa kaniya.

"S-sorry,you may sleep here. I Sleep outside." sabi nito at lumabas na ng kwarto.

Nabunutan siya ng tinik sa dibdib.Hindi niya alam kung bakit ganon ang ginawa ng binata. Kung bakit hindi nito itinuloy ang gusto nito sa kaniya.Hindi pa talaga siya handa kaya mas minabuti na lamng niya ang mag shower. Dama niya ang maligamgam na tubig na tumatama sa balat niya. Gustuhin niya mang kausapin si Lanche, subalit nahihiya siya dito. Para kasing si Lanche pa ang nag a-adjust.Nahiga siya sa kama matapos mag shower.Ilangboras ang lumipas subalit hindi siya makatulog.Lumabas siya para silipin ang binata, timambad sa kaniya ang namamaluktot na si Lanche mula sa sofa. Tulog na ito at mahimbing na natutulog. Hindi niya sinayang ang pagkakataon para tignan ito ng malapitan. Dumako ang tingin niya sa labi nito na mapula. Sa matangos na ilong at mahabang pilik mata. Hindi niya rin maikaila na sobrang gwapo nito lalo na sa malapitan. Kaya naman ay napaisip niya. Mayaman, gwapo at may respeto. Ano pa nga bang kulang dito para hindi siya tuluyang mahulog sa mga ipinapakita nitong kabutihan sa kaniya at sa pamilya niya? 

Bigla na lamang siya na curious kung bakit nagawang iwanan ni Lauren ang binata Sa anong dahilan? Kung ano ang dahilanat naghiwalay silang dalawa. Gayong alam niya na mahal na mahal nito ang isa't-isa.

"L-lanche?" 

Bahagyang namulat ang binata at nagulat ito ng makita siya sa tabi niya. 

"Malaki naman ang kama, pwede ka don matulog. Malamig dito sa labas, baka magkasakit ka." 

Maski siya ay giniginaw sa sobrang lamig dito. Wala pa ito sa labas, nasa poob pa sila at nakalock ang mga pinto at bintana pero tagos pa rin ang lamig dito sa loob.

"Im fine here--"

"You're not. Kaya sige na. Baka magkasakit ka pa rito. " sabi niya at ngumiti. Tinitigan lang siya ni Lanche dahilan para mapatayo siya para hindi niya makita ito. 

Pumasok silang dalawa sa kwarto ng walang ni isang nagsasalita. Humiga siya sa kanang bahagi habang si Lanche naman ay nasa kaliwang bahagi nito.

"Why are still awake?" tanong nito.

"H-hindi ako makatulog eh." sagot niya at marahang pinikit ang mata. Hindi na muling nagsalita pa si Lanche. Pinipilit niyang matulo, at hindi rin ngtagal ay dinalaw na siya ng antok.

Nagising na lamang siya ng nakayakap sya kay Lanche. Tumambad sa kaniya ang gwapong mukha nito na nakapikitm Napatayo siya ng mapagtanto niya ang posisyon nila. Dahilan oara magising si Lanche.

"S-sorry heheheh" sabi niya at nagmamadaling tumayo ng magsalita si Lanche.

"Why are you saying sorry?That is a normal for the newly wedded." 

Hindi niya alam pero may konting kilig siyang naramdaman. Nagalakad na lamang siya palabas habang may ngiti sa labi. Nagsimula na siyang gawin ang routine niya.Palabas na siya ng maamoy niya ang niluluto ni Lanche dahilan para sundan niya ang amoy na iyon, naabutan niya si Lanche na busy sa pagluluto. 

"Sit there. I will cook." nakangiti nitong sabi. 

First time niya makita itong nakangiti sa kaniya kaya naman mas lalo siyang nahulog sa ginawa ng lalaki. Sa ilang panahong pagsasama nila ngayon lamang niya nakita iyong ngumiti.

Ilang minuto lang ay natapos rin ito magluto at pinaghain siya sa mesa.

"A-ah, A-ano pala dapat ang itawag ko sayo?" pagtatanong niya.Napatingin sa kaniya ang binata.

"Ayaw mong tinatawag ka sa name mo hindi ba? Dahil baka may makaalam. So ano ang gusto mo itawag ko sayo?"tanong niya ulit.

"Anything you want." sagot nito habang nakatingin sa kaniya. 

"Dine. I will call you dine." sabi niya at ngumiti.

"Dine? tanong ng binata na ikinalaki ng pagnvmgiti niya.

"You're name is Lanche, So I will call you dine." 

Mukhang na gets naman ng lalaki dahilan para pumayag ito.Habang nakain sila, hindi niya maiwasan tignan ito dahil napapangiti ito ng wala sa oras kahit hindi naman sila nag uusap.

Napaisip na lamang siya kung para saan iyong ngiting iyon. Matapos silang kumain, nagulat siya ng nagiimpake ito.Kaya naman tinanong niya ang lalaki.

"Were going to vacation. On baguio" sabi niya at ngumiti.

Madalas na itong nangiti kaya naman nakakapanibago sa paningin niya. Nagimpake na rin siya,nagulat na lamamg siya ng nakaready na ang gamit niya.Ipinadala pala ito ni Lanche para hindi na sila umuwi sa mansion.

Ilang oras ang lumipas at nakarating sila sa baguio. Sadya siyang namangha sa ganda ng tanawin doon. Una nilang pinuntahan ang strawberry farm dahil yon ang una niyang nakita sa internet Halosagtitinalon siya ng makta ang farm ng strawberry. May dala silang basket ni Lanche. Habang busy sila sa paglalakad at pamimitas ng strawberry. 

Tinuturuan rin sila ng tour guide nila kung paano ang tamang pagpitas ng mga ito. Saglit lang ay natuto na sila. Hindi naman niya pinalampas ang pagkakataon. Masaya silang namimitas ni Lanche. Gusto niyang pasayahin ito,dahil alam niyang hindi niya nagawa ang best niya kagabi as their honeymoon dahil lang sa hindi pa siya handa kaya nais niyang bumawi kahit sa simpleng bagay na ito mapasaya niya ang binata.

Sumunod naman ang Bahong Flower Farm.Mahilig siya sa mga ganito lalo na noong nasa probinsya pa lang sila ay namimitas na sila ng mga prutas. Jaya naman namiss niya ang mga farm.

Maraming lugar silang pinuntahan sa Baguio. Sa unang araw nila doon, hindi nila napansin ang oras. Masaya lamg silang namamasyal na para bang mag asawa na nagmamahalan. 

Umuwi sila sa hotel, halos hindi na siya maghilamos dahil sa pagod. Agad siyang nakatulog sa sofa. Lmapit naman si Lanche ng makita ito sa sofa. Napangiti na lamamg siya habang binubuhat ang dalaga papunta sa kama nila.Dahan dahan niya itong ibinaba at pinagmasdan. Nakita niya kung gaano kaamo ang mukha nito. Ilang minuto niya iyon tinitigan. Iyon lang ang pagkakataon niya para titigan ang dalaga ng malapitan.Kaya naman ay susulitin na rin niya.Hinaplos nito ang buhok ng dalaga bago niya kumutan. Wala siyang balak galawin ito kahit na kasal na sila. Kahit na isa na itong Mrs. Claveria.Malaki ang respeto niya sa dalaga kaya hindi niya kayang gawin iyon. Alam niya rin na wala pa itong karanasan o naging boyfriend kaya napaka swerte niya ditoDahilan para lalo siyang na motivate na alagaan at mahalin ito ng patago. Kahit alam niya na may gusto sa kaniya ang dalaga.Hindi na siya magdadalawang isip pa na angkinin ito sa tamang panahon. Ngunit sa ngayon, ay kailangan niyang respetuhin ito gaya ng pagrerespeto niya noon sa ex niya. Ayaw niya rin ito pilitin kahit na gustong-gusto naniya galawin ang dalaga. Sadyang napamahal na nga siya dito noong unang kita pa lamang niya. Mula ng mabangga niya ito sa daan, hindi na it nawala pa sa isipan niya.Palagi niyang iniisip ito kaya naman ng malaman niyang doon ito nagt-trabaho sa shop niya, ay natuwa siya. Nagkaraoon siya ng pag asa para alamin ang lahat tungkol dito. Hindi niya rin hahayaan na mawala pa ito. Hindi niya hahayaan na masira ang lahat ng ginawa niya para lang makuha ang babae.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 25 (Last Chapter)

LANCHE's POV "I want to be selfish. I want you to be back. I want you to be mine again. I hate seing you like this. P-pero kung talagang..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumikip ang dibdib ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. "K-kung talagang nahihirapan ka na, t-tatanggapin ko. " naiyak na sabi ko habang hawak ang kamay niyang maputla. "Mahal na mahal kita Elle. Mahal na mahal kita!" Nakita ko naman na unti-unti siyang lumuha. Mabilis ko iyong pinunasan. "I was June and you were my Johnny CashNever one without the other, we made a pa

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 24

Pagabi na subalit hindi magawang matulog ni Lanche. Hindi siya makatulog dahil baka sumpungin na naman si Brie. Nasa labas siya nagpapahangin habang may hawak na sigarilyo. "Captain!" napalingon siya ng tawagin siya ni Meshua kasama nito ang kaibigan ni Brie na si Chillet. "Kanina ka pa ba dito captain?" tanong sa kaniya nito. Hindi siya sumagot, nanatili lamang siyang nakatanaw sa malayo. Nasa loob naman ang tatay ni Brie kaya mag magbabantay sa kaniya. Kagagaling lamang niya sa bahay ng mga kapatid nito dahil dinalaw nila si Brie Ilang minuto lang ay nagpasiya na silang pumasok sa loob. Bumungad sa kanila ang bagong gising na si Brie. Kita niya mga mata nito na nahihirapan ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Brie habang nakatingin it

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 23

Lumipas pa ang maraming araw. Marahan niyang inalalayan si Brie na makaupo sa wheelchair. Gusto nito makalanghap ng hangin mula sa garden. Kaya naman ay pinayagan siya ng doctor para ilabas sa garden. Nakarating naman sila doon. Wala gaanong tao at karamihan rin ay pasyente. Huminto sila sa ilalim ng puno. Maganda ang panahon kaya naman maaliwalas ang kalangitan. "Kaya magpagaling ka na para maigala kita " nakangiting sabi ni Lanche. Hindi alam ni Brie kung ano ang irereact niya sa sinabi nito. Dahil batid niya ang katotohanan. Batid niya na ilang sandali na lang siya magtatagal dito. Ayaw niyang paasahin ito na may himala na gagaling pa siya.Ngumiti na lamang siya. Naawa siya sa lalaki. Ayaw niyang dumating ang araw na maiiwan niya ito. Bumalik na sila sa kwarto. Ilang araw na niyang napa

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 22

Weeks passed... Habang tumatagal, palala ng palala ang kaniyang karamdaman. Pinili pa rin niyang itago kay Lanche ang tungkol dito. Kaya walang kaalam-alam ang lalaki tungkol sa kaniyang sakit. Nakaupo siya habang nakatanaw sa bintana ng kwarto. Hindi niya namalayan na unti-unting pumapatak ang mga luha niya galing sa kaniyang mata. Marahan niya itong pinunasan. Matagal na niyang pinaghandaan ang bagay na ito. Kaya naman masaya siya ng malaman mula kay Lauren na malapit na silang ikasal. Masakit man, pero mas pinili niyang suportahan at maging masaya na lamang para sa kanila. "Anak, kumain ka muna." aya sa kaniya ng kaniyang ama. Hindi niya ito sinagot bagkus ay patuloy niya pa ring pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata.

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 21

Muli siyang binalot ng lungkot ng bumalik siya sa apartment. Hawak niya pa rin ang folder na puti habang may luhang natulo sa pisngi niya galing sa mga mata niya. "Mesothelioma" Napapikit na lamang siya ng mabasa niya ito. Naka-third opinion na siya sa iba't-ibang mga doctor. Subalit iisa lang ang mga resulta nila. Muling sumakit ang kaniyang dibdib. Sobrang sakit niyon na para bang mamamatay na siya sa sobrang sakit. Nahihirapan na din siyang huiminga kaya kinuha niya ang pain reliever na mesa. Hindi pa rin nawala ang sakit sa dibdib niya at patuloy pa rin itong sumasakit pa. Napahawak na lamang siya habang namimilipit sa sakit. May luhang tumulo sa mga mata niya. "A-ahhh! P-please..." hawak-hawak niya parin ang kaniyang dibdib habang hinahaplos-haplos iyon para mawala ang pananakit. Tumagal ang pananakit ng dibdib niya ng ilang minuto bago ito nawala. Nakahinga na rin siya ng maluwag ng humup

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 20

Tahimik na nakadungaw sa bintana ng apartment niya si Brie. Habang nilalasap ang simoy ng hangin. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari. Tinatanaw niya ang mga building sa kalayuan habang naisisinagan ito ng palubog na araw. Mabuti na ang ganito. Ang tuluyang siyang kalimutan ng lalaki. Ilang araw na ang lumipas mula ng makausap niya si Lauren. At inaamin niya na hanggang ngayon ay sobrang sakit ng lahat. Sapilitin niyang binitawan ang unang lalaking minahal niya dahil kailangan. Muli siyang nakaramdam ng sakit at paghirap huminga. Madalas na rin siyang sumpungin ng pagpapalpitate niya. Bahagya siyang humiga sa kama niya habang hawak-hawak ang parte ng dibdib niya. Hindi pa rin humuhupa ang sakit ng dibdih niya.Para bang ilang beses ito tinutusok-tusok. "A-ahh!"

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 17

Ilang araw ang lumipas at umiwas na si Brie kay Vinz dahil sa nangyari.May hinala siya na ay tinatago sa kaniya si Vinz kaya mas lalo siyang naging alerto. Hindi parin tumigil si Lanche

Last Updated : 2026-03-17

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 16

Ngayon ang uwi ni Lanche galing sa America. Ilang buwan din ang lumipas bago siya bumalik sa Pinas. "Good morning sir," nakayukong sabi ng mga maid. Dumiretso na lamang sila. Dumiretso siya sa kwarto ni Brie. Ang sabi ni Meshua, may magan

Last Updated : 2026-03-17

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 15

Maaga siyang nagising dahil na rin sa hindi siya makatulog kagabi. Maaga siyang pumasok,hinatid siya ni Vinz sa hotel. Masaya naman siyang sinalubong ni Kyla. "Shishi mabuti at andito ka na!" sabi niya.

Last Updated : 2026-03-16

test one dongT AWAY (TAGALOG)   CHAPTER 14

Someone' s POV Nakatingin ako sa isang babaeng nasa kwarto ko ngayon. May mga galos at pasa pa rin ang kaniyang katawan. Pati na ang ilang parte ng kaniyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Nakita ko lang siya na palu

Last Updated : 2026-03-16
More Chapters
You May Also Like
test one dong 菲语
xin yue share book 菲语test one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one do菲语test one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one do菲语test one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one dongtest one do
genre27-请勿使用菲语
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy