loading
Home/ All /Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)/CHAPTER 09

CHAPTER 09

Author: Dare Writes
"publish date: " 2020-07-28 18:20:59

"Masaya ka ba?"

Sumulyap  sya sa binata nang magsalita ito habang nakahiga sya sa braso nito.

"Masaya?" ulit nya. Hindi nya kasi maintindihan kung ano ang tinutukoy nito.

"Sa buhay mo, nag iisa ka lang diba?" parang naging interesado naman ito bigla sa buhay nya.

"Masaya naman ako kahit pa wala akong mga kapatid. Nandyan naman ang mga tauhan ng Rancho at Haciend sila na ang pamilya ko," sagot nya, pansin nyang ngumiti ito.

"Ikaw nag iisa ka lang ba?" tanong nya sa binata.

Hindi ito kumibo at parang nalungkot ang mga mata nito.

"Si Tatay Isko lamang ang pamilya ko," sagot nito pero tila nandoon ang pait at lungkot sa boses nito. Parang umiiwas ito pagdating sa usapan tungkol sa sariling buhay nito.

Hindi sya kumibo at nanatili lamang silang tahimik, mga ilang saglit pa ay bumangon na ito sa pagkakahiga. Alas dose na ng madaling araw.

"Kailangan ko ng umalis," paalam nito. Kinuha nito ang damit na nakakalat sa sahig at isinuot iyon. Pinagmasdan lamang nya ito.

Kung pupwede lang ay wag na nyang paalisin ang binata pero mas mabuti na rin na mag ingat sila dahil baka mamaya ay mahuli sila ng Yaya Hilda nya.

"Mag iingat ka," yun lamang ang tanging nasabi nya. Nag iwan ito ng munting halik sa noo nya bago ito lumabas mula sa bintana kung saan ito dumaan kanina. Napapikit lamang sya hanggang sa mabilis na itong naglaho sa paningin nya.

Tumagilid sya at mahigpit na yumakap sa unan nya.

Sumapit ang umaga at ramdam pa rin nya ang naiwang bakas ni Franco sa kanya kagabi. Pati ang natural na amoy ng binata ay naiwan na yata sa ilong nya.

Tatlong katok ang narinig nya mula sa pintuan ng kwarto kaya naman nagmamadali syang bumangon upang isuot ang kanyang damit.

"Senyorita, nakahain na ang umagahan sa lamesa," ang Yaya Hilda nya ang kumakatok sa pintuan.

"Opo Yaya susunod na ho ako," sagot nya.

Saglit na inayos nya ang sarili at pagkatapos ay lumabas na din sya ng kwarto upang tunguin ang hapag kainan.

"Tumawag ang Daddy mo kanina. Bukas ay uuwi na sila dahil isang importanteng tao na naman ang kailangan daw nilang kausapin," 

Napatingin sya sa Yaya Hilda nya.

"H-ho? Uuwi na sila?" ulit nya.

"Oh, bakit parang nagulat ka naman yata? Oo uuwi na sila, base sa tinig ng Daddy mo kanina ay parang may problema,"

Napatigil sya.

Tiningnan lamang sya ng Yaya Hilda nya.

"Kung tatanungin mo ako tungkol doon Senyorita ay wala din naman akong alam. Basta ramdam ko lamang ang Daddy mo," inuhan na sya nito bago pa man sya magtanong.

Parang biglang tumabang ang kinakain nya, bigla tuloy ay napaisip sya kung anong problema ang tinutukoy ng Yaya Hilda nya. Sana naman ay wala, baka masyado lang nag iisip ang Yaya nya. Lihim tuloy syang nanalangin para sa Daddy at Mommy nya, sana ay nasa maayos na kalagayan ang mga ito. Namimiss na nya ang mga ito pero kahit gustuhin man nya na makasama ng matagal ang mga magulang nya ay naiintindihan nyang masyadong abala ang mga ito dahil sa trabaho. Nahihirapan man syang pagkasyahin ang kakarampot na oras na madalang maigugol ng mga ito sa kanya ay balewala na iyon basta't makita lang nyang okay ang mga ito.

Ang Rancho at Hacienda nga ay hindi na naaasikaso ng mga ito, pasalamat na lamang sya at may mga mabubuti silang tauhan na hindi na rin tinuring na iba ang kanilang pamilya. Kung wala ang mga ito, siguro ay matagal ng wala sa kanila ang Hacienda at Rancho Monreal. 

Tumunog ang telepono at naputol ang kanyang malalim na pag iisip.

"Hello?" sagot nya mula sa kabilang linya.

"Ikaw ba ang anak ni Mr.Monreal? Nais kong ipaalam mo sa magaling mong ama na hindi magtatagal ay mapapasakin na ang lahat ng lupain nya, kailangan ko ng maningil!"

Nakakatakot ang tinig mula sa kabilang linya kaya naman halos mapako sya sa kinatatayuan nya. Namatay na ang tawag sa kabilang linya ilang ulit pa syang nag hello pero wala na ito, nanatili lamang sya sa kanyang pwesto. Naguguluhan sya at nabigla dahil sa sinabi nito.

Anong ibig nitong sabihin? May hindi ba sinasabi ang kanyang Daddy sa kanya? Sino ang taong ito?

Sunod-sunod ang tanong sa isipan nya.

Nanlulumong napaupo sya sa malaking sofa ng kanilang sala. Kasalukuyang nasa itaas ang kanyang Yaya Hilda kaya hindi sya nito nakita.



-



"Mahal isama mo naman ako sa Hacienda,"

Pilit na iniiwasan ni Franco ang makulit na si Paula. Gusto nitong sumama sa kanya sa Hacienda pero hindi nya ito pinapansin. Matabang ang pakikitungo nya dito dahil sa mga nangyari. Hindi nya rin alam kung bakit nakakayanan pa nitong tumagal sa panunuyo sa kanya kahit ang totoo'y matagal nang sarado ang puso nya para rito.

Kung bakit ba naman kasi may mga taong pipiliin ang kahangalan, tapos kapag natauhan ay babalik sayo na para bang walang nangyari. Winasak na sya nito, napatawad na nya ito sa puntong iyon. Pero ang pagmamahal nya para dito noon ay mukang malabo nang maibalik pa.

"Hindi ka pwedeng sumama," malamig ang boses nya, parang linta naman ito na kumapit sa braso nya.

"Sige na mahal gusto kong sumama sayo,"

Naiirita sya sa pagtawag nito ng "mahal" sa kanya palagi.

Inilayo nya ito sa kanya.

"Wag kang makulit hindi ka pwedeng sumama,"

Naglakad na sya palayo pero hindi nya namalayang sinusundan din pala sya nito.

Nasa Hacienda na sya nang muli itong humawak sa kamay nya at bumulaga. Nagtatago lamang pala ito kanina at nakasunod pa rin sa kanya.

"Bakit ka ba sumama dito? Diba sabi kong hindi ka pwede dito?" tinitimpi lamang nya ang sarili.

Imbes na sumagot ay kumapit ito sa braso nya at inakay na sya papasok sa loob ng Hacienda. Naiiling na lamang sya sa ikinikilos nito. 

"Naks ang sweet!"

Narinig nya ang dalawang mokong na sina James at Elmer. Nakatingin ang mga ito sa kanila ni Paula. Napabuga sya ng hangin at kahit anong waksi nya sa babae ay mas lalo lang itong pumulupot sa kanya na parang bata. Ganito naman talaga ito noon pero iba na ngayon, kung noon ay natutuwa sya dito at tanggap nya lahat kung saan mas lalo nya itong minamahal dahil sa pagiging makulit nito, ngayon naman ay kabaligtaran na ang nararamdaman nya.

Nakalapit na sya sa dalawa nang mapansin nya si Kamille. Nakatayo ito ngunit kitang-kita nya ang kunot na noo nito habang nakatanaw sa kanilang dalawa ni Paula. Mabilis syang kumalas sa pagkakahawak ni Paula at napalakas yata yung pwersa nya dahil halos tumilapon ito sa ginawa nya.

Gulat na napatingin si Paula sa kanya.

"Aray ko! Ang sakit nun ha! Daig mo pa ang nakakita ng multo, ano bang nangyari sayo?" nagtatakang tanong nito at sumulyap sa direksyon na tinitingnan nya, pero wala na roon si Kamille. Nakapasok na ito sa loob at tila may naghahabulang mga kabayo sa dibdib nya ngayon. Kita nya ang paniningkit ng mata ni Kamille kanina, tila ba hindi nito nagustuhan ang nasaksihan ng mga mata. Muli syang napabuga ng hangin. Baka kung ano ang isipin nito sa kanilang dalawa ni Paula. Matalim na sinulyapan nya ang babae mula sa gilid nya.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 63

FINAL CHAPTER-Naka simpleng bestida lamang si Kamille na kulay puti at may manggas iyon. Papunta na sila sa Munisipyo ni Franco. Ang mga magulang nya ay nakasunod na rin sa kanila. Masayang-masaya sya dahil ngayong araw ay magiging ganap na silang mag-asawa ni Franco. Dadalhin na nya ang apeliyido nito at magiging may bahay na sya nito."Mahal are you okay?" untag sa kanya ni Franco at hinawakan nito ang kamay nya habang nagmamaneho ito. Nasa likod nila si Mathew at suot na nito

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 62

Dalawang linggo matapos alukin ng kasal ni Franco si Kamille ay nagdesisyon si Kamille na gawin na lamang simple ang kasal. Gusto nya ng civil wedding lang. Ayaw nya ng bongga, ang mahalaga para sa kanya ay kasama nya ang mga taong mahal nya sa buhay. Tumututol nga sa kanya si Franco dahil gusto nito na sa simbahan at dapat daw ay bongga iyon pero pinilit nya pa din ang gusto nya. Ayaw nyang gumastos pa ito ng malaki kahit na alam nyang balewala lang iyon kay Franco, ang importante para sa kanya ay maikasal sila. Bukas na ang kasal nila at tanging pamilya lang nya at pamilya ni Franco ang sinabihan nila.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 61

Alas-otso na ng gabi nang makauwi si Franco galing sa Maynila. Tahimik na ang mansyon at mukhang nagpapahinga na ang mag-ina nya sa itaas. Kaagad syang pumanhik sa hagdanan upang tunguin ang silid nila ni Kamille. Naabutan nya itong nakahiga habang nagbabasa ng libro. Si Mathew ay tulog na sa tabi nito."Mahal nandyan ka na pala. Bakit ginabi ka?" ani Kamille sa kanya nang pumasok sya sa silid.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 60

Kinabukasan ay maagang tinungo ni Paula ang Hacienda Monreal, talagang wala syang balak na sumuko para makuha ang mga gusto nya. Dadalhin nya ngayon si Amirah sa ama nito. Alam nyang maaawa si Franco sa bata kaya si Amirah ang magiging alas nya.Habang naglalakad sya ay agad nyang nakita ang mga tauhan sa Hacienda, nagkukumpulan ang mga ito sa bahay kubo at natanaw din nya si Kamille doon. Nakikipagtawanan ito sa mga tauhan, mukhang masayang-masaya ito. Napairap sya sa hangin.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 59

Nagtitingin si Kamille ng mga damit ni Mathew habang si Franco naman ay hawak-hawak ang kamay ng anak nila. Paminsan-minsan ay nagtatanong sya kay Franco kung bagay ba kay Mathew ang mga damit na napipili nya. Sumasang-ayon naman ito sa kanya. Nandito na sila sa Mall at nabilhan na din nila si Mathew ng sapatos kanina, kaya sa bilihan naman ng damit ang tinungo nila ngayon. Si Franco ang namili ng mga sapatos ni Mathew at tatlong pares ang napamili nila para dito.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 58

Kinabukasan ay naalimpungatan si Paula dahil sa mga katok na narinig nya mula labas. Tumingin sya sa orasan na nasa dingding. Alas-singko pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang damuhong ito na nang-iistorbo sa kasarapan ng tulog nya? Napailing na bumangon sya mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan nya iyon at tumambad sa kanya si Franco.Ang nakakunot nyang noo kanina ay agad na napawi ng masilayan nya

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 24

Mag aalas-otso na ng gabi nang makabalik sa loob ng Mansyon si Kamille. Sumama pa sya kila Aling Eba upang kausapin ang mga taong nakausap ng mga ito tungkol sa mga prutas. Nagin

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 23

"Kamille kailangan mong pakasalan si Edward kung ayaw mong mawala satin ang Hacienda! Hindi kaba naaawa sa mga tauhan natin? Akala ko ba mahal mo sila? Ikaw na lang ang pag asa p

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 22

Alas kwatro pa lamang ng umaga ay nakaimpake na si Franco upang lumuwas sa Maynila. Kailangan na nyang harapin ang mundo. Lalo na kung para ito sa mga taong mahal nya.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 21

Buong magdamag syang naglalakad sa kahabaan ng daan hindi nya alintana ang ngawit na mga binti at paa. Pakiramdam nya'y manhid na sya sa sakit na nararamdaman na syang unti-untin

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy