Téléchargez gratuitement le livre sur l'APP
CHAPTER 08
Auteur: Dare WritesMadilim na ang paligid at nagising si Kamille sa mahihinang tapik ni Franco mula sa tabi nya. Naalimpungatan sya at napagtantong hindi pa pala sila nakakauwi. Nakita nya ang sariling wala pa rin saplot kaya naman napabalikwas sya ng bangon.
Baka hinahanap na sya ng Yaya Hilda nya!
Hinagilap nya ang bestida na suot-suot nya kanina at inabot iyon sa kanya ni Franco.
Nakahubad pa rin ito at kahit madilim ay kita pa rin nya ang matipunong katawan ng binata. Napakagat sya sa ibabang labi nang maalala ang nangyari sa pagitan nila kanina.
Wala syang pinagsisisihan doon at kakaibang kasiyahan ang naramdaman nya sa binata.
Pansin nyang tahimik ang binata at malalim ang iniisip nito.
Nahihiya ba ito sa nangyari kanina?
"Franco okay ka lang?" tanong nya, hawak hawak pa rin nya ang damit nya.
Nilingon sya nito. Malamlam ang mga mata nito.
"Anong problema?" nag-aalalang tanong nya, hinawakan nya ang kamay nito.
Matagal bago ito nagsalita.
"Ayokong mapalapit sayo,"
Parang biglang nawasak ang tenga nya dahil sa sinabi nito.
Natahimik sya.
Sinasadya ba nitong sabihin iyon ngayon para ipaalam na wala lang para rito ang nangyari ngayon sa pagitan nila?
Nagdilim ang mukha nya dahil doon.
"Bakit-"
Hindi pa man sya nakakapagsalita ay nagsalita na ulit ito.
"Ayokong mapalapit sayo dahil alam kong pag nangyari yun, hindi ko na gugustuhin pang lumayo,"
Nakatitig ito ngayon sa kanya, di nya alam kung nananaginip lang sya pero base sa nakikita nya ay punong-puno ng pag ibig ang sinasabi ng mga mata nito. Nangangarap lang ba sya? Kung gayon ay ayaw na nyang magising.
Hindi nya alam kung matutuwa ba sya o malulungkot dahil sa binitawan nitong salita.
Nagsisisi ba ito sa nangyari sa kanila?
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong nya.
Bumuntong-hininga lamang ito. Bakit parang gusto nyang yakapin ang binata?
"Franco wala akong pinagsisisihan sa nangyari satin,"
Hinarap nya ito sa kanya. Aaminin nyang nasiyahan sya sa nangyari sa kanila ni Franco at tila napunan nito ang matagal ng kulang sa kanya.
Hinalikan nya ito at hindi ito tumutol bagkus ay ginantihan nito ang maalab na halik nya. Bigla na naman nag init ang katawan nya dahil sa halik nito. Halos ayaw na nyang maputol ang halik sa pagitan nilang dalawa pero ito ang unang bumitaw.
"Gusto ko man na angkinin ka pa ng paulit-ulit ay hindi na pwede. Baka mapagalitan ka na sa Mansyon, kelangan na natin umuwi gabi na," bulong nito sa tenga nya.
Sinuot nya ang damit na muling inabot sa kanya ng binata. Sigurado talagang hinahanap na sya ngayon sa Mansyon.
Nagbihis na rin si Franco at nilisan na nila ang lugar.
Pagkarating nya sa Hacienda ay naroon nga at nag-aalala na ang Yaya Hilda nya.
"Senyorita! Sus maryosep kanina pa kami nag aalala sa iyong bata ka!"
Sumulyap ito sa kasama nyang si Franco.
"Magkasama kayong dalawa?" takang tanong nito pagkatapos ay bumaling ulit sa kanya.
"Ah, nagpasama lang ho ako sa kanya na mamasyal. Ang kaso ay napasarap ang pamamasyal namin at hindi namin namalayan ang oras, pasensya na Yaya," hinging paumanhin nya.
"Nag-alala kami sa iyo! Di ka man lang nagpasabi, kaninang umaga ka pa daw wala,"
"Wala naman pong nangyari sa akin na masama dahil kasama ko naman po si Franco," sagot nya.
Si Franco ay tahimik lamang na nakikinig sa mga palusot nya, sinulyapan nya ito at nakita nyang nagpipigil ito ng ngiti. Hindi man lang nila nagawang magutom. Tanging umagahan lang ang kinain nya kanina. Para sa kanya ay parang ang bilis pa ng oras.
"Salamat sa iyo Franco. Mabuti naman pala at ikaw ang kasama nitong si Senyorita,"
"Wala hong ano man, mauuna na ho ako," paalam nito.
Tiningnan muna sya nito bago ito tuluyang umalis.
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi nya nang pumasok sya sa loob ng mansyon. Akala nya ay tuluyan na syang mabibigo sa binata pero heto at bumigay din ito sa kanya. Ang mga pagsusuplado nito noong mga nagdaang araw ay tila bulang naglaho dahil ibang-iba ang Franco na kasama nya kanina. Dagdag pa ang sinabi nito na wala itong kasintahan ay mas lalong sumigla ang puso nya.
Hindi nya maipaliwanag ang kasiyahang naramdaman sa piling nito. Para bang iba ang pakiramdam nya kay Franco kumpara sa mga lalaking nagdaan sa buhay nya noon.
Nagtungo sya sa banyo at naligo. May bahid pa ng putik ang paa nya. Ang damit nya ay lukot lukot. Buti at hindi ito nahalata ng Yaya Hilda nya.
Nakangiti sya habang bumabagsak ang tubig sa katawan nya. Tila lumulutang sya sa alapaap. Ngayon lang nya naranasan ang ganitong pakiramdam.
Muling naglakbay sa isipan nya ang katawan ng binata. Kung paano sya nito inangkin at halikan. Hindi nya maiwasang makaramdam ng init kahit na naliligo sya. Napasinghap sya sa sarili.
Bakit kaya ito biglang nagbago? Bakit nawala ang pagkasuplado nito sa kanya? Marunong naman pala itong makipag-usap at tumingin sa mata. Halos buong magdamag na magkatama ang mga paningin nila at hindi ito umiwas man lang bagkus ay parang sabik na pinagmasdan nito ang kabuuan nya.
Sa gitna ng pag-iisip nya ay nagulat sya nang makarinig ng ingay mula sa kwarto, dali syang lumabas ng banyo.
Gumagalaw ang bintana nya at tila ba may nagpipilit bumukas nun. Kinabahan sya kaya naman pasimple syang nagtapis at nagtago sa gilid upang pakiramdaman kung sino iyon. Kinuha nya ang baseball bat na nasa ilalim ng higaan nya.
Malapit ng mabuksan nito ang bintana at hinihintay na lamang nya ang sa tingin nya'y masamang loob na nagtatangkang pumasok sa kwarto nya, isang iglap lang ay hahatawin na nya ito pero ganoon na lamang ang gulat nya nang bumulaga mula sa harapan nya si Franco.
Nanlalaki ang mga mata nya pagkakita dito. Agad nitong tinakpan ang bibig nya dahil muntikan na syang mapasigaw sa nerbiyos.
"Franco anong ginagawa mo rito?" pabulong na sabi nya sa binata.
Pinagmasdan muna nito ang kabuuan nya bago ito nagsalita.
"Dinadalaw ka," ngumisi ito.
Hindi nya alam kung matatawa sya o ano sa isinagot nito. Magkasama lang sila kanina tapos ngayon ay dinadalaw daw sya nito.
"Anong tinatawa-tawa mo?" lumapit ito sa kanya at hinapit ang bewang nya.
"Franco ano ba!" suway nya sa binata, nakataas ang isang sulok ng labi nito at walang sabi sabing hinila nito ang nakatapis nyang twalya sa katawan.
"Franco!!!"
Siniil nito ng halik ang labi nya.
"Ilang araw mong pinasakit ang puson ko kaya oras na para bawian kita,"
Pinasadahan nito ng halik ang buong katawan nya at wala syang nagawa kundi damahin ang bawat halik nito.
Nabuhay muli ang init sa katawan nya at nagmamadaling hinubad nya ang suot ng binata.
Napangiti sya at hinila ito sa loob ng banyo.
Doon nila pinakawalan ang init na lumulukob sa katawan nila pareho. Hinalikan sya nito sa labi pababa sa leeg. At kahit bumubuhos ang tubig sa shower ay tila nag liliyab silang dalawa.
Muli nitong inangkin ang dibdib nya at minasahe iyon. Parang bata itong sabik na nagpakasawa sa malulusog nyang dibdib.
"Ohh Franco..." anas nya.
Naramdaman nya ang isang kamay nito na malayang naglalaro sa ibabang bahagi nya. Mas lalong kumawala ang mga ungol sa bibig nya. Lalo na nang bumaba ito roon.
Inangkin nito ang pagkababae nya at parang sabik na sabik itong pinasadahan iyon ng dila. Napahawak sya sa buhok ng binata
"Ohh Franco!" ungol nya at mas lalong dumiin ang pagkakasabunot sa buhok nito
Nababaliw sya sa labis na kasiyahang nararamdaman dulot ng labi nito na naglalaro sa pagkababae nya. Kaunti na lamang ay parang sasabog na sya.
"Uhmmm. Ahhh..."
Tumayo ito at pumwesto sa likuran nya, naramdaman nya ang matigas na tumutusok sa likuran nya. Napakagat labi sya.
Hinalikan nito ang balikat nya at niyakap sya nito, naramdaman nya ang pagpasok nito mula sa loob nya. Muling kumawala ang mahihinang ungol sa labi nya.
Dahan-dahan ang pag galaw nito sa una at naging mabilis iyon sa utos nya.
"Ohh Franco please!" pagmamakaawa nya.
Alam nito ang kinikilos ng katawan nya kaya naman mabilis itong naglabas-masok mula sa loob nya at gustong-gusto nya iyon.
Ikinawit nya ang kamay sa batok nito at hinalikan sya nito sa gilid ng leeg nya pababa sa balikat.
Napapikit sya hanggang sa marating nila pareho ang sukdulan.
Hinihingal na tumingin ito sa mga mata nya, ganoon din sya dito.
Kakaibang sensasyon ang naramdaman nya sa binata, marami na ang nagtangkang angkinin sya pero pagdating kay Franco ay katawan nya ang kusang sumusuko. Iba ang bugso ng damdaming lumulukob sa pagkatao nya kapag nakikita nya ito.
Pumikit sya ng dampian nito ng halik ang noo nya. Ramdam nya ang respeto nito sa pag iisang katawan nila.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 63
FINAL CHAPTER-Naka simpleng bestida lamang si Kamille na kulay puti at may manggas iyon. Papunta na sila sa Munisipyo ni Franco. Ang mga magulang nya ay nakasunod na rin sa kanila. Masayang-masaya sya dahil ngayong araw ay magiging ganap na silang mag-asawa ni Franco. Dadalhin na nya ang apeliyido nito at magiging may bahay na sya nito."Mahal are you okay?" untag sa kanya ni Franco at hinawakan nito ang kamay nya habang nagmamaneho ito. Nasa likod nila si Mathew at suot na nito
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 62
Dalawang linggo matapos alukin ng kasal ni Franco si Kamille ay nagdesisyon si Kamille na gawin na lamang simple ang kasal. Gusto nya ng civil wedding lang. Ayaw nya ng bongga, ang mahalaga para sa kanya ay kasama nya ang mga taong mahal nya sa buhay. Tumututol nga sa kanya si Franco dahil gusto nito na sa simbahan at dapat daw ay bongga iyon pero pinilit nya pa din ang gusto nya. Ayaw nyang gumastos pa ito ng malaki kahit na alam nyang balewala lang iyon kay Franco, ang importante para sa kanya ay maikasal sila. Bukas na ang kasal nila at tanging pamilya lang nya at pamilya ni Franco ang sinabihan nila.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 61
Alas-otso na ng gabi nang makauwi si Franco galing sa Maynila. Tahimik na ang mansyon at mukhang nagpapahinga na ang mag-ina nya sa itaas. Kaagad syang pumanhik sa hagdanan upang tunguin ang silid nila ni Kamille. Naabutan nya itong nakahiga habang nagbabasa ng libro. Si Mathew ay tulog na sa tabi nito."Mahal nandyan ka na pala. Bakit ginabi ka?" ani Kamille sa kanya nang pumasok sya sa silid.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 60
Kinabukasan ay maagang tinungo ni Paula ang Hacienda Monreal, talagang wala syang balak na sumuko para makuha ang mga gusto nya. Dadalhin nya ngayon si Amirah sa ama nito. Alam nyang maaawa si Franco sa bata kaya si Amirah ang magiging alas nya.Habang naglalakad sya ay agad nyang nakita ang mga tauhan sa Hacienda, nagkukumpulan ang mga ito sa bahay kubo at natanaw din nya si Kamille doon. Nakikipagtawanan ito sa mga tauhan, mukhang masayang-masaya ito. Napairap sya sa hangin.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 59
Nagtitingin si Kamille ng mga damit ni Mathew habang si Franco naman ay hawak-hawak ang kamay ng anak nila. Paminsan-minsan ay nagtatanong sya kay Franco kung bagay ba kay Mathew ang mga damit na napipili nya. Sumasang-ayon naman ito sa kanya. Nandito na sila sa Mall at nabilhan na din nila si Mathew ng sapatos kanina, kaya sa bilihan naman ng damit ang tinungo nila ngayon. Si Franco ang namili ng mga sapatos ni Mathew at tatlong pares ang napamili nila para dito.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 58
Kinabukasan ay naalimpungatan si Paula dahil sa mga katok na narinig nya mula labas. Tumingin sya sa orasan na nasa dingding. Alas-singko pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang damuhong ito na nang-iistorbo sa kasarapan ng tulog nya? Napailing na bumangon sya mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan nya iyon at tumambad sa kanya si Franco.Ang nakakunot nyang noo kanina ay agad na napawi ng masilayan nya
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 53
"Mahal kinakabahan ako," nag-aalangan na tiningnan ni Kamille si Franco habang lulan sila ng sasakyan patungo sa bahay ng magulang nito. Pinisil nito ang kamay nya kahit abala ang mga mata nito sa pagmamaneho ng sasakyan.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 52
Walang mapagsidlan ang kaligayahan ni Franco habang nakahiga sya sa tabi ni Kamille. Hinahagod naman nito ang buhok nya habang si Mathew ay doon natulog sa tabi ng lolo at lola nito.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 51
Bumaba si Kamille sa tapat ng bahay na tinutuluyan ng kanyang Mommy at Daddy, kasama nya si Franco at kinausap sya nito na ano man ang mangyari ay wag na wag syang magtatanim ng
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 50
"Shhh, low your voice Mahal ohh shit ahh!"Walanghiy
