loading
Home/ All /Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)/CHAPTER 07

CHAPTER 07

Author: Dare Writes
"publish date: " 2020-07-28 18:17:41

Kinabukasan ay maaga syang nagtungo sa rancho upang mamasyal at sumakay sa kanyang kabayo na pinangalanan nyang Jewel. Namiss nya ang ganitong gawain. Hindi muna nya inisip si Franco at winalang-bahala nya muna ang pagngingitngit ng loob nya.

Sa ngayon ay hinihiling nyang sana ay hindi nya muna makita ang binata.

Ang kanyang Kuya Roger na nag aasikaso sa mga kabayo ang nakita nyang nag iisang tao sa rancho. May munti itong bahay doon at isa rin ito sa katiwala nila.

"Senyorita ano hong ginagawa nyo rito?" nagtatakang sinalubong sya nito. Nagulat siguro ito dahil ngayon nalang ulit sya napasyal sa rancho. Dati kasi ay halos tatlong beses sa isang linggo sya kung magpunta dito. Hindi kalayuan ang rancho sa kanilang Hacienda.

May edad na rin si Roger at mas matanda pa ito kila Mang Nestor.

"Gusto ko lamang pong makasama ngayon si Jewel," nakangiting sabi nya.

Nakasimpleng puting bestida lamang sya na hanggang tuhod at nakalugay ang kanyang natural na kulot na buhok.

Napangiti sya habang pinapanood si Kuya Roger na pinaliliguan ang mga kabayo. Parang gusto nya rin subukan ang ginagawa nito. Naaliw syang makita ang pagpapaligo sa mga kabayo.

"Kuya Roger pwede bang subukan ko rin na paliguan sila?"

Takang tiningnan naman sya ng matanda.

"Naku Senyorita! Marurumihan lamang kayo," sagot nito.

"Hindi po. Gusto ko lang subukan muka kasing nakakaenjoy," pangungulit nya. Sa huli ay pumayag rin naman ito at ibinigay sa kanya ang hose.

"Stallion Shampoo," 

Basa nya sa bote kung saan ginagamit iyon para sa mga kabayo.

Nakangiting pinaliguan nya ang dalawang kabayo. Si Jewel ay tapos na daw paliguan kanina pa.

Nag-eenjoy sya kahit na nababasa na sya ng tubig at tumatalsik na sa puting damit nya ang nagpuputik na lupa.

"Ang saya po pala magpaligo ng mga hayop. Parang nag eenjoy din sila," manghang sabi nya sa matanda.

"Oo naman Senyorita parang tao lang din sila. May isip, damdamin at pakiramdam," malalim na sabi nito.

Hinubad nya ang suot na tsinelas at parang batang nagyapak na lamang sya. Tapos na nyang paliguan ang ibang kabayo kaya naman nilapitan nya si Jewel.

"Hello Jewel! Na-miss kita mamasyal tayo," tila taong kinakausap nya ang kabayo at hinimas-himas ang ulo nito.


-

Hindi nya pansin ang lalaking kanina pa sya pinagmamasdan habang nakasandal sa isang malaking puno.

Si Franco. Nakangiti ito kanina habang pinagmamasdan syang nagpapaligo ng mga kabayo. Pilit nitong tinatago ang kasiyahan habang tinitingnan ang dalaga pero hindi kayang alisin sa labi nito iyon.

Hanggang sa sumampa ang dalaga sa kabayo na muntikan pang ikalaglag nito ay kulang nalang takbuhin nya ang kinatatayuan ng dalaga.

Nilapitan nya ito at nagulat pa ito nang makita sya.

"Franco? Anong ginagawa mo rito?" puno ng pagtatakang tanong nito.

Hindi nya ito sinagot bagkus ay hinawakan nya ang maliit na baywang ng dalaga at isinampa ito sa kabayo.

Nagniningning ang mga mata nito ng tingnan sya, hindi nya kayang labanan ang mga tingin nitong nanunukso.

"Franco kanina ka pa ba dyan?"

"Kadadating ko lang," tipid nyang sagot kahit ang totoo ay kanina pa nya ito pinapanood, nakatago lamang sya sa puno.

"Samahan mo akong mamasyal," anyaya nito.

Basa ang damit nito at muli nyang nabanaag ang kagandahang nakatago roon.

Sa unang pagkakataon ay hindi nya tinanggihan ang dalaga.

Kinuha nya ang isang kabayo pero pinigilan sya nito.

"Pwede bang dalawa na lang tayo dito? Sige na para may umalalay sakin," sabi nito.

Mataman nya itong tinitigan sa mga mata at sa isang ngiti lamang nito ay di sya nagdalawang-isip na sundin ang nais nitong mangyari.

Sumakay sya sa kabayo at naramdaman nya ang pagsandal ng dalaga sa dibdib nya.

Naamoy nya ang mabangong buhok nito at ngayon ay magkalapat ang mga katawan nila. Hindi nya alam kung sinasadya iyon ng dalaga.

Nagtungo sila sa mapuno at malawak na lupain ng mga Monreal, lupain na hindi nya akalaing matatapakan ng mga paa nya.

"Franco may nobya ka pala," bigla ay sabi nito.

Natigilan sya.

Si Paula ba ang tinutukoy nito? Oo nga pala at nakita nito iyon kahapon nang dalhan sya ng miryenda ni Paula.

Hindi naman na nya nobya si Paula. Sadyang makulit lamang ito at ayaw umalis sa tinutuluyan nya. Magmula ng pagtaksilan sya nito ay nawala na ang pagmamahal nya rito. Kaya hindi natuloy ang kasal nila ay dahil may lalaki pala ito sa probinsya, at heto ngayon hindi ito tumitigil sa panunuyo sa kanya. Pero alam niyang malabo ng maibalik sa dati ang lahat, hinahayaan na lamang nya ito. Dadating ang araw na magsasawa rin ito sa kanya dahil hindi na nya kaya pang ibigay ang pagmamahal na hinahanap nito. Pagmamahal na ito mismo ang sumira.


"Hindi ko sya nobya," sagot nya.

Nilingon sya ng dalaga at muntikan nang magtama ang mga labi nila. Napatigil ito sandali bago kumurap.

"Hindi mo nobya si Paula? Hindi ba't kahapon ay may dala pa sya sayong miryenda. Hinalikan ka pa nga eh,"

Pansin nya ang pananabang sa boses nito.

"Makulit lang sya pero hindi ko sya nobya,"

"Talaga? Eh bakit nagsasama pa rin kayo?"

Bumuntong hininga sya.

"Kailangan ko bang magpaliwanag? Hinahayaan ko lamang sya dahil magsasawa rin naman sya,"

Iniwas nya ang tingin sa dalaga dahil tila may apoy na lumulukob sa katawan nya kapag nakatingin ito.

"Nalaman ko na ikakasal na pala kayo dapat. Anong nangyari?" 

Bakit ba ang dami nitong tanong?

Napailing na lang sya at bumaba sya sa kabayo nang huminto ito sa isang ilog.

May maliit na kubo roon.

"Ang ganda dito!" manghang sabi ng dalaga. Inalalayan nya ito makababa.

Napatingin ito sa mga kamay nilang magkahawak.

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko," ngumuso ito ngunit nakatanaw na sa malinaw na tubig ng ilog.

"Wala naman kwenta ang tanong mo. Enjoyin na lang natin ang nakikita ng mga mata natin," sagot nya.

Ngumiti ito at hinaplos ang dibdib nya.

"Paano kung sayo ako nag-eenjoy?" napangisi ito at naramdaman nya ang pagtaas ng mga balahibo nya. 

Umarangkada na naman ang kapilyahan ng dalaga. Nahihirapan na syang magpigil sa mga pang-aakit na ginagawa nito sa kanya. Kung hindi lamang nya ito amo ay tuluyan na nya itong lalayuan pero alam nyang wala syang magagawa.

Nanunukso pati ang nakatambad na dibdib nito, manipis pa naman ang damit na suot nito at sa tingin nya'y wala man lang itong suot na bra. Paano na lang kung may mga gagong lalaki rito? Malamang na mapahamak pa ito dahil sa pananamit nitong hindi tama. 

Nag iwas sya ng tingin.

"Halika dun tayo," nakangiting hinila sya nito sa kamay at naupo sa gilid ng ilog. Tago ang lugar kaya walang tao.

Magkatabi silang naupo roon habang pinagmamasdan ang malinaw na tubig na dumadaloy dito. Tila kumikinang pa iyon dahil sa sikat ng araw. Sumandal ang dalaga sa balikat nya.

Ilang oras silang nasa ganoon lamang na posisyon hanggang sa hawakan nito ang pisngi nya at iharap sya nito.

Alam nyang hindi na nya kaya pang labanan ang mga tingin nito sa kanya, at sa unang pagkakataon ay sabik na sinakop nya ang labi ng dalaga. Nagulat ito ngunit ilang saglit lamang ay gumanti ito ng halik. Mas mapusok at maalab.

Ang pagtitimpi nya para rito ay tuluyan ng nawasak.

Matagal bago naghiwalay ang mga labi nila. Tila ba uhaw na uhaw sya at binuhat nya ito patungo sa kubo.

Sabik na sabik ang dalaga ng kumandong ito sa harapan nya at muling sakupin ang labi nya. Naramdaman nya ang kamay nitong inaangat ang damit nya at tinulungan nya itong matanggal iyon.

Walang sabi-sabing ngumiti ito ng haplusin ang hubad nyang katawan.

Mabilis nyang tinanggal ang manipis na bestida ng dalaga at pinasadahan ng halik ang labi nito pababa sa leeg. Dinig nya ang malalim na paghinga nito.

"Franco..." anas nito.

Tumambad sa kanya ang malulusog na dibdib nito at walang sawang hinalikan nya iyon habang nakakulong sa mga palad nya. Bahagyang gumalaw ang katawan nito.

"Hmmn Franco..."

Lalo syang nag init sa mahihinang ungol ng dalaga kaya naman hiniga na nya ito sa papag na naroon.

Tiningnan nya ito at siniguro nya kung handa ba ito sa mangyayari.

"Franco angkinin mo ako," pagmamakaawa nito, mababasa sa mga mata nito ang labis na pangangailangan.

Hindi na sya nagdalawang isip pa at inangkin nya ang kabuuan ng dalaga. Napuno ng mga halinghing at ungol ang munting bahay kubo.

Sa isang iglap ay naramdaman nyang may napunit sa loob ng dalaga. Hindi sya makapaniwalang birhen pa ito.

"Bakit di mo sinabing ako ang nakauna sa iyo?" gulat na nakatitig sya sa mga mata nito. May pangingilid ng luha roon.

Nakunsensya sya dahil alam nyang nasaktan nya ito.

"Franco balewala ang sakit kapag ikaw ang kasama ko,"

Nakuha pa nitong gumalaw sa ibabaw nya at pagpalitin ang pwesto nila.

Nakapikit ito habang kumakawala sa labi nito ang mga impit na ungol. Hindi nya mapigilan ang madala.

Niyakap nya ang dalaga at hinalikan ang labi nito. Nagpatuloy ang ginagawa nito sa ibabaw nya at ibayong sarap ang nararamdaman nya ng mga sandaling iyon. Napakaganda ng dalaga, ang kutis nito na napakaputing tila porselana ay lalong nagpadagdag sa alindog nito.

Napaungol sya sa sensasyon na nararamdaman at nakangiting tinitigan sya nito, tila ba natutuwa ito na nakikitang nasisiyahan sya.

Mga ilang saglit pa ay naramdaman nya ang pamumuo sa loob nya at ang panginginig ng katawan ng dalaga.

"Ahhh Franco!" hindi magkamayaw ang pag ungol nito.

Ramdam nyang malapit na ito at ganoon din sya, napapikit ito ng muli nya itong halikan. Namumuo ang pawis sa noo nito.

Mas lalong humigpit ang pagyakap nya dito at naramdaman nya ang paglabas ng mainit na likido mula sa kanya.

Napabilis ang pagpapakawala nya ng hangin, habol nya ang hininga pagkatapos niyon.

Di makapaniwala ang tingin na ibinigay sa kanya ni Kamille ngunit nababasa nya sa mga mata nito ang labis na kasiyahan..

Hindi na sya nagsalita pa at niyakap lamang nya ang dalaga matapos nyang halikan ang noo nito.

Nakatulog sila sa ganoong posisyon.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 63

FINAL CHAPTER-Naka simpleng bestida lamang si Kamille na kulay puti at may manggas iyon. Papunta na sila sa Munisipyo ni Franco. Ang mga magulang nya ay nakasunod na rin sa kanila. Masayang-masaya sya dahil ngayong araw ay magiging ganap na silang mag-asawa ni Franco. Dadalhin na nya ang apeliyido nito at magiging may bahay na sya nito."Mahal are you okay?" untag sa kanya ni Franco at hinawakan nito ang kamay nya habang nagmamaneho ito. Nasa likod nila si Mathew at suot na nito

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 62

Dalawang linggo matapos alukin ng kasal ni Franco si Kamille ay nagdesisyon si Kamille na gawin na lamang simple ang kasal. Gusto nya ng civil wedding lang. Ayaw nya ng bongga, ang mahalaga para sa kanya ay kasama nya ang mga taong mahal nya sa buhay. Tumututol nga sa kanya si Franco dahil gusto nito na sa simbahan at dapat daw ay bongga iyon pero pinilit nya pa din ang gusto nya. Ayaw nyang gumastos pa ito ng malaki kahit na alam nyang balewala lang iyon kay Franco, ang importante para sa kanya ay maikasal sila. Bukas na ang kasal nila at tanging pamilya lang nya at pamilya ni Franco ang sinabihan nila.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 61

Alas-otso na ng gabi nang makauwi si Franco galing sa Maynila. Tahimik na ang mansyon at mukhang nagpapahinga na ang mag-ina nya sa itaas. Kaagad syang pumanhik sa hagdanan upang tunguin ang silid nila ni Kamille. Naabutan nya itong nakahiga habang nagbabasa ng libro. Si Mathew ay tulog na sa tabi nito."Mahal nandyan ka na pala. Bakit ginabi ka?" ani Kamille sa kanya nang pumasok sya sa silid.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 60

Kinabukasan ay maagang tinungo ni Paula ang Hacienda Monreal, talagang wala syang balak na sumuko para makuha ang mga gusto nya. Dadalhin nya ngayon si Amirah sa ama nito. Alam nyang maaawa si Franco sa bata kaya si Amirah ang magiging alas nya.Habang naglalakad sya ay agad nyang nakita ang mga tauhan sa Hacienda, nagkukumpulan ang mga ito sa bahay kubo at natanaw din nya si Kamille doon. Nakikipagtawanan ito sa mga tauhan, mukhang masayang-masaya ito. Napairap sya sa hangin.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 59

Nagtitingin si Kamille ng mga damit ni Mathew habang si Franco naman ay hawak-hawak ang kamay ng anak nila. Paminsan-minsan ay nagtatanong sya kay Franco kung bagay ba kay Mathew ang mga damit na napipili nya. Sumasang-ayon naman ito sa kanya. Nandito na sila sa Mall at nabilhan na din nila si Mathew ng sapatos kanina, kaya sa bilihan naman ng damit ang tinungo nila ngayon. Si Franco ang namili ng mga sapatos ni Mathew at tatlong pares ang napamili nila para dito.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 58

Kinabukasan ay naalimpungatan si Paula dahil sa mga katok na narinig nya mula labas. Tumingin sya sa orasan na nasa dingding. Alas-singko pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang damuhong ito na nang-iistorbo sa kasarapan ng tulog nya? Napailing na bumangon sya mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan nya iyon at tumambad sa kanya si Franco.Ang nakakunot nyang noo kanina ay agad na napawi ng masilayan nya

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 32

"Mommy bakit naman hindi nyo sinabi sa akin agad na ganoon na pala ang nangyari at bumalik na naman si Daddy sa pagcacasino?"

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 31

*FRANCO's POV*

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 30

Mabilis na narating ni Kamille ang Hacienda Monreal, matagal ng wala roon ang mga dating tauhan nila dahil nga hinayaan nyang ang ama nya ang mamahala ulit noon. Hindi na nito pi

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 29

*FRANCO's POV*

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy