Buch kostenlos herunterladen
CHAPTER 06
Dare Writes"Kailangan po ba talaga na isprayin ang mga puno ng mangga?" tanong ni Kamille kay Mang Nestor.
Nakakalumbaba sya habang pinagmamasdan ang ginagawa nito at ng mga iba pang tauhan nila. May takip na tela sa ilong ang mga ito dahil sa amoy ng gamot na inilalagay sa mga puno.
"Opo Ma'am Kamille para mas madaling magbunga. Lumayo ka Senyorita hindi mabuti para sayo ang amoy ng gamot," paalala nito at lumayo sa kanya upang hindi nya masyadong maamoy ang gamot.
Bahagya syang lumayo pero nanatiling pinagmamasdan ang nga ito. Ang daming puno ng mangga na kailangan lagyan ng gamot para daw mas maging mabilis at maganda ang pamumulaklak ng mga ito.
"Hindi ba nakakasama iyan Mang Nestor?" tanong nya, inaatake na naman sya ng kuryosidad pagdating sa ganitong mga bagay. Pero nagpapasalamat sya sa ugali niyang iyon dahil marami syang natututunan sa bawat pagtatanong nya. Sabi nga nila matalino daw ang taong pala-tanong.
"Hindi naman po Senyorita, karamihan talaga ay gumagamit ng ganito" sagot nito.
Nakangiting tinanaw nya ang malayong sila Franco. Abala rin ang mga ito sa pagtatrabaho. Kasama nito sila Elmer at James. Kahit malayo ay natatanaw nya ang salubong na kilay ng binata. Ganoon ba talaga ito? Hindi yata marunong tumawa. Bukod sa napakasuplado nito ay ang laki yata ng galit nito sa mundo.
Bumuntong hininga sya.
Naglakad-lakad sya habang nakasuot ang malapad na sumbrero.
"Senyorita masyadong tirik ho ang araw para maglakad lakad kayo," nag aalalang sabi ni Aling Eba.
"Okay lang po ako mamaya ay papasok na rin ho ako sa loob," nakangiting sagot nya.
Isang babae ang natanaw nya mula sa labas ng kanilang malawak na bakuran. Palinga-linga ito na tila ba may hinahanap. Simple lamang ang babae kaya nilapitan nya ito upang tanungin. Base sa nakita nyang kilos nito ay tila may hinahanap ito.
"Hello! Sinong hinahanap mo?" tanong nya kaagad sa dalaga. Bagsak ang itim na buhok nito at bumagay dito ang pagiging morena. Maganda rin ang mga mata nito at mahahaba ang pilikmata.
Tiningnan sya nito at tila ba namamanghang ngumiti ito sa kanya.
"Ikaw ba si Senyorita Kamille? Ikaw ang anak nila Sir Ricky at Ma'am Verna diba?" ngumiti ito sa kanya ng may pagkamangha, tila ilang saglit na kinabisado nito ang mukha nya.
Hindi sya nagtataka kung kilala man sya kaagad ng taong ito. Malawak ang lupain nila at mga magulang nya ang isa sa pinakamayaman na tao sa kanilang lugar.
"Oo ako nga," ngumiti sya.
"Tama nga pala sila na napakaganda mo at mukang mabait pa," nakarehistro pa rin sa muka nito ang matinding paghanga.
Ngumiti lang sya sa dalaga hanggang sa nagsalita muli ito.
"Ah oo nga pala nandyan ba si Franco?"
Bigla syang natigilan sa tanong nito.
"H-hinahanap mo si Franco?"
"Oo, dinalhan ko kasi sya ng miryenda," itinaas nito ang dalang plastic na may lamang kakanin para sa binata.
Unti-unting sumagi sa isip nya ang sinabi ni Elmer na may nobya si Franco.
"Ikaw si Paula?" tanong nya.
Nagulat naman ito.
"Oo. Bakit mo ako kilala?" nagtatakang tanong nito.
"Ah-"
"Anong ginagawa mo dito Paula?"
Naputol ang sasabihin nya nang sumulpot si Franco mula sa likuran nya.
"Franco! Dinalhan kita ng miryenda Mahal," nakangiti ang dalaga habang inaabot dito ang plastic na dala. Sya naman ay tila napapasong iniwasan ng tingin ang dalawa.
"Nag abala ka pa," sagot ni Franco. Wala itong anumang reaksyon at tinapunan sya nito ng tingin. Hindi nya mabasa ang sinasabi ng mga mata nito.
"Sige na aalis na ako Mahal. Dinala ko lang talaga sayo yan, sana ay maaga kang makauwi mamaya namimiss na kita," paglalambing nito kay Franco.
Para bang kinukurot ang pagkatao nya sa mga naririnig nya. Hindi nya alam kung bakit parang nasasaktan sya.
Pinawi nya ang mga sumasagi sa isip nya at tumalikod na. Kita nyang humalik pa ang babae sa labi ni Franco bago ito tuluyang umalis.
Nakaramdam sya ng pagkadismaya nang mapagtantong totoo ang sinasabi ni Elmer na may kasintahan na ito.
Eh ano naman Kamille? Kayang kaya mo agawin si Franco. Wag ka nga magpatalo sa babaeng yun. Isa pa ay hindi naman sila kasal.
Nakakaloko ang mga bagay na pumapasok sa isipan nya. Bakit parang gusto nyang magpakagaga ngayon para lamang maagaw ang lalaki?
Pakiramdam nya'y nasapawan sya kanina at kailangan niyang kumilos para makalamang sa babae.
Hindi naman sya kaano-ano ni Franco at wala naman namamagitan sa kanila, malinaw nga na may kasintahan ito pero bakit gusto yata nyang makipagkompitensya maagaw lang ito?
Nababaliw ka na Kamille. Nababaliw ka na!
Ipinilig nya ang ulo at dire-diretsong pumasok sa loob ng mansyon.
Nawalan tuloy sya ng gana at nagsalang na lang ng mapapanood.
Kumuha sya ng chips at nilantakan na lamang iyon. Paulit ulit pa rin sa isipan nya ang mukha ng babae kanina. Kung paano ito maglambing kay Franco at ang paghalik nito sa binata. Naiinis sya!
Kahit walang reaksyon si Franco kanina ay malinaw naman sa kanya na magkasintahan nga ang mga ito.
Tumunog ang seradura ng pintuan nya at niluwa nun si Yaya Hilda. May dala itong miryenda para sa kanya.
"Yaya nag-abala pa po kayo," sabi nya
Ibinaba nito ang tray ng pagkain sa side table ng kama nya.
"Bakit yan ang kinakain mo? Wala naman sustansya iyan," may tinig ng panenermon ang boses nito kahit na malumanay.
"Madalang lang naman po ito," pinilit nyang ngumiti.
"Bakit hindi yata maganda ang mood mo ngayon may problema kaba?"
Nahalata yata nito ang pananamlay nya. Naiinis sya sa sarili. Bakit ba kailangan nyang magpaapekto? Mukha lang syang tanga.
Sinikap nya muling ngumiti sa matanda.
"Ho? Yaya okay na okay ako. Wala po akong problema," pagsisinungaling nya.
"Naku ikaw talaga! Akala ko ay may problema ka, bigla ka kasing nawala sa labas kanina,"
"S-sumakit po kasi ang puson ko Ya," pagdadahilan nya.
"Naku! siguro ay malapit ka ng datnan,"
"Opo nga po" sagot nya.
"O sya sige at maiwan na kita dyan. Malapit ng umuwi ang Daddy at Mommy mo, kumain ka ng kumain," paalala nito.
Oo nga pala, ilang araw na lang ay babalik na ang mga magulang nya. Pati graduation nya ay malapit na. Siguradong hindi na muna sya makakauwi sa Hacienda dahil sasabak agad sya sa paghahanap ng trabaho, kahit hindi naman kailangan ay ito ang pinili nyang propesyon. Marangya ang buhay nila, pero gusto pa rin nyang magtrabaho para sa sarili.
Naiisip pa lang nya na aalis sya ay tiyak na mamimiss na kaagad nya ang mga tauhan ng Hacienda, ang rancho at ang mga hayop doon. Ang mga katiwala na lagi nyang kabiruan. Iniisip pa lamang nya ang mga iyon ay parang naninikip na ang dibdib nya. Nalulungkot sya.
Buch teilen mit
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Aktuellstes Kapitel
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 63
FINAL CHAPTER-Naka simpleng bestida lamang si Kamille na kulay puti at may manggas iyon. Papunta na sila sa Munisipyo ni Franco. Ang mga magulang nya ay nakasunod na rin sa kanila. Masayang-masaya sya dahil ngayong araw ay magiging ganap na silang mag-asawa ni Franco. Dadalhin na nya ang apeliyido nito at magiging may bahay na sya nito."Mahal are you okay?" untag sa kanya ni Franco at hinawakan nito ang kamay nya habang nagmamaneho ito. Nasa likod nila si Mathew at suot na nito
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 62
Dalawang linggo matapos alukin ng kasal ni Franco si Kamille ay nagdesisyon si Kamille na gawin na lamang simple ang kasal. Gusto nya ng civil wedding lang. Ayaw nya ng bongga, ang mahalaga para sa kanya ay kasama nya ang mga taong mahal nya sa buhay. Tumututol nga sa kanya si Franco dahil gusto nito na sa simbahan at dapat daw ay bongga iyon pero pinilit nya pa din ang gusto nya. Ayaw nyang gumastos pa ito ng malaki kahit na alam nyang balewala lang iyon kay Franco, ang importante para sa kanya ay maikasal sila. Bukas na ang kasal nila at tanging pamilya lang nya at pamilya ni Franco ang sinabihan nila.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 61
Alas-otso na ng gabi nang makauwi si Franco galing sa Maynila. Tahimik na ang mansyon at mukhang nagpapahinga na ang mag-ina nya sa itaas. Kaagad syang pumanhik sa hagdanan upang tunguin ang silid nila ni Kamille. Naabutan nya itong nakahiga habang nagbabasa ng libro. Si Mathew ay tulog na sa tabi nito."Mahal nandyan ka na pala. Bakit ginabi ka?" ani Kamille sa kanya nang pumasok sya sa silid.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 60
Kinabukasan ay maagang tinungo ni Paula ang Hacienda Monreal, talagang wala syang balak na sumuko para makuha ang mga gusto nya. Dadalhin nya ngayon si Amirah sa ama nito. Alam nyang maaawa si Franco sa bata kaya si Amirah ang magiging alas nya.Habang naglalakad sya ay agad nyang nakita ang mga tauhan sa Hacienda, nagkukumpulan ang mga ito sa bahay kubo at natanaw din nya si Kamille doon. Nakikipagtawanan ito sa mga tauhan, mukhang masayang-masaya ito. Napairap sya sa hangin.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 59
Nagtitingin si Kamille ng mga damit ni Mathew habang si Franco naman ay hawak-hawak ang kamay ng anak nila. Paminsan-minsan ay nagtatanong sya kay Franco kung bagay ba kay Mathew ang mga damit na napipili nya. Sumasang-ayon naman ito sa kanya. Nandito na sila sa Mall at nabilhan na din nila si Mathew ng sapatos kanina, kaya sa bilihan naman ng damit ang tinungo nila ngayon. Si Franco ang namili ng mga sapatos ni Mathew at tatlong pares ang napamili nila para dito.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 58
Kinabukasan ay naalimpungatan si Paula dahil sa mga katok na narinig nya mula labas. Tumingin sya sa orasan na nasa dingding. Alas-singko pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang damuhong ito na nang-iistorbo sa kasarapan ng tulog nya? Napailing na bumangon sya mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan nya iyon at tumambad sa kanya si Franco.Ang nakakunot nyang noo kanina ay agad na napawi ng masilayan nya
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 57
Maingat na inilagay ni Franco ang lahat ng gamit nila sa likod ng sasakyan. Uuwi na sila ngayon at sa Hacienda muna sila tutuloy. Gusto daw ni Kamille na puntahan muna ang Hacienda at hindi nya naman ito masisisi dahil giliw na giliw ito sa lugar
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 56
Abala si Kamille sa pagsasalansan ng mga skin care products nya, hindi nya pinapansin si Franco na prenteng nakaupo sa kama nila habang nakatutok sa laptop nito. Siguro ay may inaayos ito sa trabaho. Abot ang sulyap nito sa kanya kanina pa pero h
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 55
"Anak mag-stay naman muna kayo dito kahit mga tatlong araw pa,"
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 54
Kinagabihan ay tinawagan ni Franco si Yael mula sa telepono. Sinabihan nya ito na ito muna ang bahala sa kompanya. Madali naman syang naunawaan ni Yael at mukhang excited pa nga ito sa binabalak nya. Ikinuwento nya kasi dito ang kasal na binabala
