loading
Home/ All /Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)/CHAPTER 05

CHAPTER 05

Author: Dare Writes
"publish date: " 2020-07-28 12:26:40

Sinadya ni Kamille na magsuot ng manipis na damit at maiksing short. Lumabas sya ng bahay upang magpapansin kay Franco. Wala syang schedule ngayon sa iskwela. Naayos na nya ang mga dapat nyang ayusin kaya naman malayang-malaya ang bawat araw nya para magpapansin sa binata.

Hinanap agad ng mga mata nya ang binata sa labas, wala pa ang ibang mga tauhan ng Hacienda dahil alas syete dumarating ang mga ito. Alas sais pa lamang pero mukhang nakikisama sa kanya ang tadhana dahil nahagip agad ng mga mata nya si Franco. Pinaliliguan nito ang isang kabayo na sa tingin nya ay dadalhin sa kanilang rancho. Mas maaga yata ito ngayon?

Lumapit sya dito at naramdaman nito ang paglapit nya, nilingon sya nito. Bahagyang nakalitaw ang bungad ng dibdib nya dahil sa suot nya. Sinadya nya iyon. Ang makinis na balat nya ay mas lalong nangibabaw dahil sa short na suot nya.

Napangiti sya nang makitang natigilan ang mata nito sa bandang dibdib nya.

"Like the view?" tukso nya sa binata at mas lalong lumapit dito

"Huwag mo akong lapitan mababasa ka," sabi nito, napatawa sya.

"Nababasa na nga ako," pilyang sagot nya.

Hindi nya mapigilan ang mapangiti dahil sa mapaglarong utak nya. Alam nyang alam nito kung ano man ang tinutukoy nya.

Bumuntong-hininga ito,

"Ano bang kailangan mo?"

"Wala lang. Masama bang makausap ka? Gusto ko lang magpasalamat kagabi dahil hindi mo ko iniwan,"

Nag iwas ito ng tingin sa kanya pero hinuli nya muli ang mga mata nito.

"Sa susunod ay hindi na kita hihintayin kaya wag mo akong pasalamatan," sarkastikong sabi nito.

Suplado talaga ito pero nilabanan nya iyon.

Hindi nya pinansin ang sinabi nito, bagkus ay iniba nya ang usapan dahil sa naisip nya.

"Franco pwede bang pakibuhat mo yung sofa ko sa kwarto, ang bigat kasi e. Hindi ko kaya tutal ay ililipat lang naman ng pwesto," 
Sana ay epektibo ang pag arte nya.

Ang totoo kasi ay may binabalak lang sya.

Tumingin ito sa kanya.

"Di mo ba nakikita na may ginagawa ako?" tanong nito sa paraang maiinis sya.

Tumaas ang isang kilay nya at nag isip ng sasabihin. Medyo nauubos na rin ang pasensya nya sa pagiging malamig nito.

"Bilang Senyorita mo, inuutusan kita at susundin mo ako," wari ay naging seryoso sya at nakita nya ang pagbabago ng reaksyon nito. Parang nagulat ito.

Binitawan nito ang dalang pampaligo at walang imik na sinundan sya papasok ng mansyon. Sinadya nyang magpatiuna dito.

Hindi maalis ang kapilyahan sa labi nya habang umaakyat sa hagdanan papunta sa kwarto nya. Nakasunod si Franco sa kanya.

Pagpasok nila sa loob ng kwarto ay natigilan ito nang makitang nilock nya ang pintuan.

"Nasaan ang ililipat?" seryosong tanong nito.

Lumapit sya sa binata at hinaplos ang pisngi nito.

"Relax! Masyado ka namang hot,"

Bumaba ang paghaplos nya sa leeg nito at muling tumaas sa tenga ng binata.

Naaakit na naman sya sa labi nito kaya naman walang sabi sabi ng halikan nya muli iyon.

Hindi ito gumagalaw at tila natigilan, para bang nagtitimpi lang.

Kaya mo yan Kamille. Kaya mo yan.

Bulong ng utak nya.

Maya maya ay kumalas ito.

"Tigilan mo na 'to," suway nito sa kanya, pero hindi nya ito pinansin at tinuloy lamang ang ginagawang paghalik sa labi ng binata.

Pakiramdam nya'y nag aapoy sya sa biglang init na dumaloy sa katawan nya.

"Franco..." anas nya.

Idinikit nya ang dibdib sa katawan nito at naramdaman nya ang pigil na pagsinghap nito. Napangiti sya.

Pero agad din nawala ang ngiting iyon ng ilayo nito ang katawan sa kanya.

"Tigilan mo na to!" mas naging matigas ang tinig nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto nya.

Parang napasong iniwan sya nito bigla sa isang iglap.

Hindi sya nakagalaw at natulalang sinundan na lamang ito ng tingin palayo. Napakabilis nitong naglaho sa paningin nya.

Nadismaya na naman sya at nakaramdam ng inis sa sarili.

Pakiramdam nya'y sya na naman ang pinakapangit na babae sa buong mundo dahil sa ikinilos nito.

Inis na naupo sya sa kama at humalukipkip.

"Masyado ka talagang mailap Franco. Pero mas makulit ako. Hindi ko basta-basta matatanggap lahat ng pagtanggi mo sakin,"

Nasuklay nya ang sariling buhok dahil sa inis.

-

Alas-dose na ng tanghali at alam nyang oras na ng kainan ng mga tauhan kaya naman lumabas muli sya ng bahay. Nakaspaghetti strap lang sya na damit at simpleng short, kitang kita ang makinis na balat nya dahil doon.

Natanaw nyang patapos na pala ang iba sa pagkain at isa-isa ng bumabalik ang mga ito sa trabaho.

Natanaw din nya si Elmer nasa gilid nito si Franco habang seryosong sumusubo ng pagkain.

Napangiti sya.

Lumapit sya sa mga ito at walang pakundangan na naupo sya sa harap ng lamesa kung saan kumakain si Franco at Elmer.

Salubong ang kilay ni Franco nang magtama ang mga mata nila pero hindi nya iyon inalintana.

"Hi Franco," nakangiting bati nya, tila ba walang nangyari kaninang umaga sa pagitan nilang dalawa. Wala naman talaga. Sadyang napahiya lang sya.

Hindi sya tinapunan nito ng tingin at tinuloy lang ang ginagawang pagkain.

Sige lang wag mo akong pansinin tingnan natin!

Nakita nyang busy si Elmer sa paglalaro sa cellphone nito dahil oras pa naman ng pahinga, nauna lamang ang ibang tauhan sa trabaho.
Sinamantala nya ang pagkakataon sa ilalim ng lamesa kung saan sila magkaharap ni Franco.

Dahan dahan nyang inangat ang isang paa at hinaplos ang binti nito.

Natigilan ito sa pagsubo ng kanin at napatingin ito sa kanya.

Nginitian nya ito ng nakakaakit.

Mas inangat pa nya ang paghaplos sa mismong harapan nito at noon ay nasalat nya ang namumukol doon.

Napakagat labi sya.

"God Kamille! Hindi ikaw yan!" sigaw ng utak nya.

Napasinghap si Franco at saglit na napapikit ng mariin, tila ba asar na nagtimpi ito. Tiningnan sya ng may pagbabanta sa mata pero hindi sya tumigil at sa halip ay nakakalokong kinagat pa nya ang ibabang labi.

Nagpatuloy sya sa paglalaro ng paa sa harapan nito.

Minsan na napasulyap si Elmer sa kanila pero nginitian lamang nya ito at kunwaring walang nagaganap sa ilalim ng lamesa.

Nag init sya ng maramdamang parang mas lalong tumigas ang sinasalat ng paa nya, napariin ang pagkagat nya sa ibabang labi. Kitang kita nya ang pamumula ng mukha ni Franco dahil sa ginagawa nya, lalo na ang pagpipigil nito ng malalim na buntong hininga. Natigilan lamang sya nang dumating sila Mang Nestor upang tawagin ang dalawa. Mabilis nyang ibinaba ang isang paa.

Tumayo na ito kasama si Elmer, tinapunan muna sya nito ng masamang tingin bago tumalikod at naglakad kasunod si Mang Nestor. Nakangising sinundan na lamang nya ito ng tingin palayo.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 63

FINAL CHAPTER-Naka simpleng bestida lamang si Kamille na kulay puti at may manggas iyon. Papunta na sila sa Munisipyo ni Franco. Ang mga magulang nya ay nakasunod na rin sa kanila. Masayang-masaya sya dahil ngayong araw ay magiging ganap na silang mag-asawa ni Franco. Dadalhin na nya ang apeliyido nito at magiging may bahay na sya nito."Mahal are you okay?" untag sa kanya ni Franco at hinawakan nito ang kamay nya habang nagmamaneho ito. Nasa likod nila si Mathew at suot na nito

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 62

Dalawang linggo matapos alukin ng kasal ni Franco si Kamille ay nagdesisyon si Kamille na gawin na lamang simple ang kasal. Gusto nya ng civil wedding lang. Ayaw nya ng bongga, ang mahalaga para sa kanya ay kasama nya ang mga taong mahal nya sa buhay. Tumututol nga sa kanya si Franco dahil gusto nito na sa simbahan at dapat daw ay bongga iyon pero pinilit nya pa din ang gusto nya. Ayaw nyang gumastos pa ito ng malaki kahit na alam nyang balewala lang iyon kay Franco, ang importante para sa kanya ay maikasal sila. Bukas na ang kasal nila at tanging pamilya lang nya at pamilya ni Franco ang sinabihan nila.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 61

Alas-otso na ng gabi nang makauwi si Franco galing sa Maynila. Tahimik na ang mansyon at mukhang nagpapahinga na ang mag-ina nya sa itaas. Kaagad syang pumanhik sa hagdanan upang tunguin ang silid nila ni Kamille. Naabutan nya itong nakahiga habang nagbabasa ng libro. Si Mathew ay tulog na sa tabi nito."Mahal nandyan ka na pala. Bakit ginabi ka?" ani Kamille sa kanya nang pumasok sya sa silid.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 60

Kinabukasan ay maagang tinungo ni Paula ang Hacienda Monreal, talagang wala syang balak na sumuko para makuha ang mga gusto nya. Dadalhin nya ngayon si Amirah sa ama nito. Alam nyang maaawa si Franco sa bata kaya si Amirah ang magiging alas nya.Habang naglalakad sya ay agad nyang nakita ang mga tauhan sa Hacienda, nagkukumpulan ang mga ito sa bahay kubo at natanaw din nya si Kamille doon. Nakikipagtawanan ito sa mga tauhan, mukhang masayang-masaya ito. Napairap sya sa hangin.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 59

Nagtitingin si Kamille ng mga damit ni Mathew habang si Franco naman ay hawak-hawak ang kamay ng anak nila. Paminsan-minsan ay nagtatanong sya kay Franco kung bagay ba kay Mathew ang mga damit na napipili nya. Sumasang-ayon naman ito sa kanya. Nandito na sila sa Mall at nabilhan na din nila si Mathew ng sapatos kanina, kaya sa bilihan naman ng damit ang tinungo nila ngayon. Si Franco ang namili ng mga sapatos ni Mathew at tatlong pares ang napamili nila para dito.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 58

Kinabukasan ay naalimpungatan si Paula dahil sa mga katok na narinig nya mula labas. Tumingin sya sa orasan na nasa dingding. Alas-singko pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang damuhong ito na nang-iistorbo sa kasarapan ng tulog nya? Napailing na bumangon sya mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan nya iyon at tumambad sa kanya si Franco.Ang nakakunot nyang noo kanina ay agad na napawi ng masilayan nya

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 51

Bumaba si Kamille sa tapat ng bahay na tinutuluyan ng kanyang Mommy at Daddy, kasama nya si Franco at kinausap sya nito na ano man ang mangyari ay wag na wag syang magtatanim ng

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 50

"Shhh, low your voice Mahal ohh shit ahh!"Walanghiy

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 49

Kanina pa nagdadalawang-isip si Kamille kung susunod ba sya sa Hacienda. Kahapon umalis si Franco at ngayon na wala syang masyadong gagawin sa resto ay iniisip nya kung susu

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 48

"Aalis ka na naman?" tanong ni Kamille kay Franco. Ito na ang naghatid sa kanya sa Restaurant at pati na din kay Mathew sa school. Nauna nilang hinatid ang bata kasama ang Yaya n

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy