Buch kostenlos herunterladen
CHAPTER 04
Dare Writes"Infairness ang lambot at ang sarap ng labi nya," bulong nya sa sarili at nakangising pumasok sa loob ng bar. Hindi parin sya maka-move on sa ginawa nya kanina kahit na nilamon sya ng pagkapahiya dahil kay Franco. Wala syang pinagsisisihan doon. Ibang-iba ang pakiramdam nya habang iniisip na matagumpay nyang nahalikan ang labi nito
"Kamille is back!" sigaw ng mga kaibigan nya nang makita sya ng mga ito.
Nag-iinuman ang mga ito sa isang table at alam nyang medyo lasing na ang iba. Nagsasayawan ang iba pa nyang kaibigan na agad lumapit sa kanya para hilahin sya sa dance floor.
"Oh no! Later na lang guys," she rolled her eyes at naupo sa bakanteng upuan. Nandoon ang dalawang kaibigan nya na sina Farah at Cath kasama ang boyfriend ng mga ito. Masyadong matamis ang lovelife ng mga kaibigan nya, hindi katulad nya na madalas ay laro laro lang ang nangyayari. Iyon naman kasi ang gusto nya eh. Sawain sya sa isang relasyon kaya walang tumatagal.
"Hey Kams! Bakit mukang late ka yata?" tanong ng mga ito.
Wala naman kasi talaga syang planong gumimik pero inatake sya ng matinding pagkabagot. Mas okay na din iyon, atleast ay natikman nya ang labi ni Fraco. Napangiti na naman sya ng maalala ang bagay na iyon.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan Kams? Nababaliw na yata ang kaibigan nating 'to," biro ni Cath .
"Mukhang ang ganda ng ngiti mo ha? Anong meron?" pag uusisa ni Farah.
"Nah. I'm just happy," tipid na sagot nya.
"Ows? Happy ka dahil?"
"Bakit ba ang tanong nyo? Asikasuhin nyo na lang kaya ang mga boyfriend nyo," pabirong inirapan nya ang mga ito at ininom ang alak na nasa table nila.
"Sus ang sungit mo naman friend, magjowa kana kasi ng seryosohan para hindi ka ganyan," tumawa si Farah, hindi nya iyon pinansin at inagaw ang isa pang bote ng alak.
"Woooo! Let's party!" sigaw nya at winagayway ang bote niyon bago tumayo at sumayaw-sayaw.
Nagsigawan din ang mga kaibigan nya at nagpadala sa agos ng tugtugin. Sayaw dito sayaw doon, hanggang sa hindi nya namamalayang napaparami na din pala ang inom nya.
Nakaramdam sya ng bahagyang hilo kaya naupo muna sya at sumandal sa upuan. Iniinit na din sya dala ng epekto ng alak.
Naramdaman nyang may tumabi sa kanya, akala nya ay kaibigan lamang nya ito pero pansin nyang amoy lalaki ang pabango nito.
"Alone?" tanong nito.
"Mind if I join you?" dagdag pa nito.
Napatingin sya sa mukha ng lalaki. Hindi ito pamilyar sa kanya. Lahat pala ng mga kaibigan nya ay nagsasayawan na at sya na lang ang bagsak sa upuan. Nahihilo na sya.
"Who are you?" she asked. Lasing na sya.
Ngumiti ito bago inilahad ang kamay. Tiningnan nya iyon.
"I'm Mark," pagpapakilala nito.
"Mark?" ulit nya.
"Yes Mark Fernando. Nakita kasi kita kanina and agad mong nakuha ang atensyon ko," he smirked.
"Bakit naman?" tanong nya, talagang nahihilo na sya. Hindi na nya ito matingnan ng diretso sa mata.
"Ang ganda mo kasi,"
Napatawa sya ng pagak.
"Sus! Gasgas na ang linyang yan," pambabara nya dito, mariin nyang ipinikit ang mga mata.
"Ayos ka lang ba? Mukhang marami ka ng nainom ha, gusto mo ihatid na kita?" pagpiprisinta nito, at hindi man lang pinansin yung sinabi nya.
"Okay lang ako," sagot nya.
"Sige na, ihahatid na kita. Wag kang mag alala hindi naman ako masamang tao,"
Tumayo sya para sabihing okay lang talaga sya pero agad naman syang natumba at naalalayan sya nito.
"Hatid na kita, hindi mo na talaga kaya baka mapaano ka pa," ulit nito at inalalayan syang makatayo, hindi na nya nagawang sumagot pa. Alalay na sya nito hanggang sa makalabas sila ng bar.
Gegewang-gewang pa sya habang bitbit sya nito.
"San mo sya dadalin?"
Bigla ay parang nagising ang diwa nya sa tinig na narinig mula sa labas ng bar.
Naulinigan lang ba nya iyon? Bakit parang boses iyon ni Franco?
"Sino ka?" tanong nung lalaking kasama nya.
"Hindi na mahalaga kung sino ako. Ikaw sino ka? At saan mo sya dadalhin?" tanong ni Franco kay Mark.
Napaangat sya ng tingin sa mukha ng binata.
"Franco? Franco ikaw ba yan?" kinapa kapa nya ang mukha nito. Namumungay na ang mga mata nya pero malinaw sa kanya ang boses nito. Hindi nga sya nagkakamali. Si Franco nga ito.
"Ako na ang maghahatid sa kanya," sabi nito sa lalaking kasama nya at naramdaman nyang hinatak sya nito.
"Teka, ano bang problema mo? Ako ang maghahatid sa kanya. Sino ka ba? Bakit ka ba umeeksena?" naaasar na sabi ni Mark.
Umiinit na ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki, niyakap nya si Franco. Hindi na nya nakita kung ano ang naging reaksyon ni Mark dahil sa ginawa nya.
"Franco uwi na tayo," parang batang sabi nya sa binata.
Napailing na lamang si Mark nang makita ang pagyakap nya kay Franco, parang nagulat pa ito at tila napahiyang tumalikod na ito sa kanilang dalawa. Marahil ay nalinawan ito na magkasama sila, o kaya ay baka inisip nitong magkasintahan sila ni Franco. Nadismaya ang lalaki sa kanya.
Amoy pa rin nya ang natural na bango ni Franco. Ano kaya ang sabon nitong paligo? Nakakaadik langhapin!
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" suplado pa rin ang tono ng pananalita nito nang makaalis na si Mark at silang dalawa na lang ang naiwan.
Binuksan nito ang pintuan sa tabi ng driver's seat at pinasakay sya nito roon.
Lupaypay na pumasok sya sa loob at bagsak ang katawan.
"Iinom-inom ka hindi mo naman pala kaya, paano na lang kung pinagsamantalahan ka ng lalaking iyon? Basta-basta ka na lang sumasama sa hindi mo kilala,"
Nanenermon ang boses nito pero bagsak na talaga ang diwa nya kaya hindi na nya nagawa pang sagutin ang mga sinasabi nito.
Hinatid sya nito hanggang sa makauwi sila ng Mansyon, buhat buhat sya nito dahil sa matinding kalasingan nya. Dagdag pa ang pagsasayaw nya kaya naman hilong-hilo sya.
Hindi na nya namalayan ang mga sumunod na nangyari, nagising na lang sya kinabukasan na nasa sariling kwarto nya sya.
Nasapo nya ang ulo dahil sa matinding kirot nito.
Bigla nyang naalala ang mga nangyari kagabi.
Hinatid sya ni Franco papunta sa bar at hndi pala ito umuwi.
Hinintay sya nito sa labas ng bar. Buong akala nya ay umalis din ito pagkahatid sa kanya.
Unti-unti rin bumalik sa isipan nya kung paano nya ito hinalikan. Napahawak sya sa ibabang labi. Totoo ang lahat ng nangyari at hindi isang panaginip lang. Mukhang ito na ang umpisa ng magandang simula nila ni Franco.
Buch teilen mit
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Aktuellstes Kapitel
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 63
FINAL CHAPTER-Naka simpleng bestida lamang si Kamille na kulay puti at may manggas iyon. Papunta na sila sa Munisipyo ni Franco. Ang mga magulang nya ay nakasunod na rin sa kanila. Masayang-masaya sya dahil ngayong araw ay magiging ganap na silang mag-asawa ni Franco. Dadalhin na nya ang apeliyido nito at magiging may bahay na sya nito."Mahal are you okay?" untag sa kanya ni Franco at hinawakan nito ang kamay nya habang nagmamaneho ito. Nasa likod nila si Mathew at suot na nito
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 62
Dalawang linggo matapos alukin ng kasal ni Franco si Kamille ay nagdesisyon si Kamille na gawin na lamang simple ang kasal. Gusto nya ng civil wedding lang. Ayaw nya ng bongga, ang mahalaga para sa kanya ay kasama nya ang mga taong mahal nya sa buhay. Tumututol nga sa kanya si Franco dahil gusto nito na sa simbahan at dapat daw ay bongga iyon pero pinilit nya pa din ang gusto nya. Ayaw nyang gumastos pa ito ng malaki kahit na alam nyang balewala lang iyon kay Franco, ang importante para sa kanya ay maikasal sila. Bukas na ang kasal nila at tanging pamilya lang nya at pamilya ni Franco ang sinabihan nila.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 61
Alas-otso na ng gabi nang makauwi si Franco galing sa Maynila. Tahimik na ang mansyon at mukhang nagpapahinga na ang mag-ina nya sa itaas. Kaagad syang pumanhik sa hagdanan upang tunguin ang silid nila ni Kamille. Naabutan nya itong nakahiga habang nagbabasa ng libro. Si Mathew ay tulog na sa tabi nito."Mahal nandyan ka na pala. Bakit ginabi ka?" ani Kamille sa kanya nang pumasok sya sa silid.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 60
Kinabukasan ay maagang tinungo ni Paula ang Hacienda Monreal, talagang wala syang balak na sumuko para makuha ang mga gusto nya. Dadalhin nya ngayon si Amirah sa ama nito. Alam nyang maaawa si Franco sa bata kaya si Amirah ang magiging alas nya.Habang naglalakad sya ay agad nyang nakita ang mga tauhan sa Hacienda, nagkukumpulan ang mga ito sa bahay kubo at natanaw din nya si Kamille doon. Nakikipagtawanan ito sa mga tauhan, mukhang masayang-masaya ito. Napairap sya sa hangin.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 59
Nagtitingin si Kamille ng mga damit ni Mathew habang si Franco naman ay hawak-hawak ang kamay ng anak nila. Paminsan-minsan ay nagtatanong sya kay Franco kung bagay ba kay Mathew ang mga damit na napipili nya. Sumasang-ayon naman ito sa kanya. Nandito na sila sa Mall at nabilhan na din nila si Mathew ng sapatos kanina, kaya sa bilihan naman ng damit ang tinungo nila ngayon. Si Franco ang namili ng mga sapatos ni Mathew at tatlong pares ang napamili nila para dito.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 58
Kinabukasan ay naalimpungatan si Paula dahil sa mga katok na narinig nya mula labas. Tumingin sya sa orasan na nasa dingding. Alas-singko pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang damuhong ito na nang-iistorbo sa kasarapan ng tulog nya? Napailing na bumangon sya mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan nya iyon at tumambad sa kanya si Franco.Ang nakakunot nyang noo kanina ay agad na napawi ng masilayan nya
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 53
"Mahal kinakabahan ako," nag-aalangan na tiningnan ni Kamille si Franco habang lulan sila ng sasakyan patungo sa bahay ng magulang nito. Pinisil nito ang kamay nya kahit abala ang mga mata nito sa pagmamaneho ng sasakyan.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 52
Walang mapagsidlan ang kaligayahan ni Franco habang nakahiga sya sa tabi ni Kamille. Hinahagod naman nito ang buhok nya habang si Mathew ay doon natulog sa tabi ng lolo at lola nito.
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 51
Bumaba si Kamille sa tapat ng bahay na tinutuluyan ng kanyang Mommy at Daddy, kasama nya si Franco at kinausap sya nito na ano man ang mangyari ay wag na wag syang magtatanim ng
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG) CHAPTER 50
"Shhh, low your voice Mahal ohh shit ahh!"Walanghiy
