Wird geladen
Startseite/ ALLE /Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)/CHAPTER 03

CHAPTER 03

Dare Writes
"Veröffentlichungsdatum: " 28.07.2020 09:19:23

Hapon na nang mapagpasyahan ni Kamille na lumabas ng kwarto. Nakaidlip na pala sya at naabutan nya ang isa pang katulong nila na nagluluto ng miryenda para sa mga tauhan ng hacienda.

"Ma'am gising na pala kayo, hali po kayo't magmiryenda muna," anyaya nito.

Bigla syang natigilan nang makita ang miryendang hinahanda nito.

"Yaya Luring dadalhin mo ba yan sa mga tauhan natin?" tanong nya.

"Oo Senyorita, oras na ng miryenda nila," sagot naman nito habang inaayos ang pagkakalagay ng mga iyon.

Napangiti sya at naisip na magprisinta upang dalhin iyon sa mga tao.

"Ah, Yaya Luring pwede bang ako na lang ang maghatid nyang miryenda sa kanila?" 

Sana ay nandoon pa si Franco, gusto nyang mapalapit sa lalaki. Parang gusto nya tuloy na magpapansin sa binata dahil sa pagiging suplado nito. Hindi kasi talaga sya maka-move on sa pang-iisnob nito sa kanya. 

"Sigurado po ba kayo Ma'am Kamille? Kayo na po ang magdadala? Mainit po sa labas Senyorita," pag-aalala nito.

Ngumiti sya at tumango. 

"Kaya ko po, saka gusto ko rin na ako ang magdala para sa kanila," sagot nya sa matanda. Pumayag naman ito kahit nag-aalangan pa sa gusto nyang gawin. Wala na itong nagawa kundi ang hayaan na lamang sya.

Dala ang miryendang niluto ng Yaya Luring nya ay dali dali nyang pinuntahan ang kubo kung saan nagpapahinga ang mga tauhan kapag oras na ng miryenda. Halos humaba na ang leeg nya sa kakahanap kay Franco pero wala ito doon. 

"Wow senyorita, ikaw ang nagluto nyan?" tanong nang makulit na si Elmer.

"Paborito ko yan banana cue!" dagdag ni James pero hindi nya pansin ang mga ito dahil may hinahanap ang mga mata nya.

Tumikhim ang mga ito nang mapagtanto kung sino ang hinahanap nya.

"Wala si Franco Ma'am Kamille. Sinundo sya ng kasintahan nya kanina. Mukang may lakad yata sila eh," sabi ni Elmer. Siniko ito ni James.

Bigla syang natigilan dahil sa sinabi ni Elmer.

"Mayroon syang nobya?" gulat na tanong nya, parang biglang nawalan sya ng gana sa sinabi nito lalo na nung tumango ito sa tanong nya.

"Oo naman, si Paula. Matagal na nyang kasintahan 'yon. Akala ko nga noon magpapakasal na sila pero hindi naman natuloy," paliwanag pa ni Elmer.

Ibinaba nya ang dalang tray ng miryenda,

"Aalis na kayo Senyorita?" habol nito.

"Ah oo, sumama kasi ang pakiramdam ko e. Kain lang kayo dyan," pilit syang ngumiti sa mga ito bago tumalikod.

-

Alas-syete ng gabi nang mapagpasyahan nyang gumimik, naiinip na sya. Wala naman syang magawa kundi ang magkulong lang sa kwarto, ang mga magulang nya ay sa isang linggo pa makakauwi.

"Aalis ka Senyorita?"

Nasalubong nya ang Yaya Hilda nya.

"Magpapalamig lang ho Yaya. Hindi naman ako aabutin ng gabi," sagot nya dito.

"Sino ang maghahatid sayo? Wala si Art. Tinawagan sya sa kanila dahil nilalagnat ang anak nya," sabi ng matanda.

"Ho? Ibig nyo pong sabihin wala tayong driver ngayon?"

Nalaglag ang balikat nya. Kahit naman marunong syang magmaneho ay hindi sya papayagan ng Yaya Hilda nya lalo na kapag gabi.

Tumango ito. 

Paano sya makakaalis ngayon? Wala pala si Art.

"Si Franco na lang ang paghahatirin ko sayo. Tutal ay sanay naman din iyon magmaneho," 

Biglang nagliwanag ang mga mata nya dahil sa narinig. 

"Nandyan pa ho si Franco?" wari naman ay pagsisiguro nya.

Tuwang tuwa ang kalooban nya dahil sa sinabi ng Yaya Hilda nya.

"Oo nandyan sya sa likod. Sandali at tatawagin ko lang,"

Tumalikod na ito at iniwan sya saglit.

Impit syang napatili sa sarili, nakaramdam sya ng excitement

Hindi magkamayaw ang mga bagay na pumapasok sa isipan nya. Si Franco ang maghahatid sa sa kanya. Sa wakas ay mukang macocorner na nya ang binata.

Napangisi sya.

Maya-maya ay dumating na si Yaya Hilda at kasama na nga nito si Franco. Saglit syang napatigil nang tumambad sa kanya ang hubad na katawan nito.

Para itong isang modelo dahil sa ganda ng katawan nito. Palibhasa ay binat sa trabaho dagdag pa ang pagiging matangkad at moreno nito. Napakalakas ng dating nito para sa kanya.

Napakagat sya sa ibabang labi.

"Franco ihatid mo si Senyorita, mag iingat kayo ha, gabi na," paalala ng matanda.

Tumalikod muna si Franco at sinuot ang kulay itim nitong t-shirt na nakasampay sa balikat nito. Nalanghap nya pa ang amoy nito. Bagong paligo.

"Tayo na Franco," sabi nya sa binata at hinila ang kamay nito.

Sa wakas ay tiningnan sya nito sa mga mata, pero saglit lamang iyon at agad na binitawan nito ang kamay nya.

Biglang bumalik sa isipan nya ang sinabi ni Elmer na may kasintahan na daw ito.

Naupo na sya sa tabi ng driver's seat, hindi man lang sya pinagbuksan ng pinto ng binata.

Tahimik lamang sila sa loob at wala itong kaimik-imik.

Nilingon nya ito sa gilid nya.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong nya.

Hindi ito nagsalita at diretso lamang ang tingin sa dinadaanan nila.

"Franco. May girlfriend ka na ba?" muli ay tanong nya, hinaplos nya ang kamay nito.

Kunot ang kilay na napatingin ito sa kamay nyang nakahawak sa isang kamay nito.

"Franco..." 

Sinadya nyang lamyusan ang tinig upang makita kung ano ang magiging reaksyon nito.

Lumapit sya sa binata at hinagip ang labi nito, hinalikan nya iyon. Marahan.

Naramdaman nya ang pag-iwas nito sa halik nya pero itinuloy lang nya ang nasimulan.

"Pwede mo naman ihinto muna ang sasakyan Franco," anas nya nang maghiwalay ang labi nila.

Hindi sya pinansin nito.

Muli nyang hinagip ang labi nito at sa oras na iyon ay naramdaman nyang tinigil nito ang sasakyan sa isang gilid.

Napangiti sya, akala nya kasi ay nagtagumpay na sya ngunit nagulat sya reaksyon nito.

"Ano bang ginagawa mo?"

Sa wakas ay nagsalita din ito. Napakalamig ng boses nito at lalaking-lalaki ang dating.

"H-huh? Ayaw mo ba ng kiss? Bakit ba ang ilap-ilap mo sakin?" di makapaniwalang tanong nya.

Tinitigan sya nito sa mata.

"Kung gusto mong mamatay, wag ka ng mandamay. Tigilan mo ang ginagawa mo," seryosong sabi nito.

Pero hindi sya nagpatinag, mas lalo nyang gustong gawin iyon.

Hindi nya alam kung anong nag-utos sa kanya upang hagilapin muli ang labi nito. This time mas malalim iyon at ikinawit nya ang dalawang kamay sa batok nito. 

Hindi ito gumaganti at maya-maya ay tinulak sya nito.

"What's your problem?!" 

Nainis sya sa ginawa nitong pagtulak sa kanya.

"Ikaw, anong problema mo? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?" 

Natigilan sya sa sinabi nito. Galit ang tinig nito at tila ba nadismaya ito dahil sa kanya.

"Bakit mo ba ko tinatanggihan?" di pa din sya makapaniwala sa pagiging bato nito sa kanya.

Hindi ito nagsalita at madilim pa rin ang ekspresyon ng mukha nito.

"Tigilan mo na to!" malamig na sabi nito at pagkatapos ay muling pinaandar ang sasakyan.

Nainis sya at nakaramdam ng hiya sa sarili dahil sa ginawang pagtanggi nito sa kanya. Talagang napakailap nito.

Hininto sya nito sa isang bar.

Nagtama ang paningin nila bago sya bumaba.

"Di pa tayo tapos Franco. Sa mga susunod na araw ay sigurado akong hindi mo na magagawa sakin ito," banta nya bago isinara ang pintuan ng sasakyan. Tinapunan nya ito ng nakakalokong ngiti bago lumayo.

Möchten Sie wissen, wie es weitergeht?
Weiterlesen
Vorheriges Kapitel
Nächstes Kapitel

Buch teilen mit

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Aktuellstes Kapitel

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 63

FINAL CHAPTER-Naka simpleng bestida lamang si Kamille na kulay puti at may manggas iyon. Papunta na sila sa Munisipyo ni Franco. Ang mga magulang nya ay nakasunod na rin sa kanila. Masayang-masaya sya dahil ngayong araw ay magiging ganap na silang mag-asawa ni Franco. Dadalhin na nya ang apeliyido nito at magiging may bahay na sya nito."Mahal are you okay?" untag sa kanya ni Franco at hinawakan nito ang kamay nya habang nagmamaneho ito. Nasa likod nila si Mathew at suot na nito

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 62

Dalawang linggo matapos alukin ng kasal ni Franco si Kamille ay nagdesisyon si Kamille na gawin na lamang simple ang kasal. Gusto nya ng civil wedding lang. Ayaw nya ng bongga, ang mahalaga para sa kanya ay kasama nya ang mga taong mahal nya sa buhay. Tumututol nga sa kanya si Franco dahil gusto nito na sa simbahan at dapat daw ay bongga iyon pero pinilit nya pa din ang gusto nya. Ayaw nyang gumastos pa ito ng malaki kahit na alam nyang balewala lang iyon kay Franco, ang importante para sa kanya ay maikasal sila. Bukas na ang kasal nila at tanging pamilya lang nya at pamilya ni Franco ang sinabihan nila.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 61

Alas-otso na ng gabi nang makauwi si Franco galing sa Maynila. Tahimik na ang mansyon at mukhang nagpapahinga na ang mag-ina nya sa itaas. Kaagad syang pumanhik sa hagdanan upang tunguin ang silid nila ni Kamille. Naabutan nya itong nakahiga habang nagbabasa ng libro. Si Mathew ay tulog na sa tabi nito."Mahal nandyan ka na pala. Bakit ginabi ka?" ani Kamille sa kanya nang pumasok sya sa silid.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 60

Kinabukasan ay maagang tinungo ni Paula ang Hacienda Monreal, talagang wala syang balak na sumuko para makuha ang mga gusto nya. Dadalhin nya ngayon si Amirah sa ama nito. Alam nyang maaawa si Franco sa bata kaya si Amirah ang magiging alas nya.Habang naglalakad sya ay agad nyang nakita ang mga tauhan sa Hacienda, nagkukumpulan ang mga ito sa bahay kubo at natanaw din nya si Kamille doon. Nakikipagtawanan ito sa mga tauhan, mukhang masayang-masaya ito. Napairap sya sa hangin.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 59

Nagtitingin si Kamille ng mga damit ni Mathew habang si Franco naman ay hawak-hawak ang kamay ng anak nila. Paminsan-minsan ay nagtatanong sya kay Franco kung bagay ba kay Mathew ang mga damit na napipili nya. Sumasang-ayon naman ito sa kanya. Nandito na sila sa Mall at nabilhan na din nila si Mathew ng sapatos kanina, kaya sa bilihan naman ng damit ang tinungo nila ngayon. Si Franco ang namili ng mga sapatos ni Mathew at tatlong pares ang napamili nila para dito.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 58

Kinabukasan ay naalimpungatan si Paula dahil sa mga katok na narinig nya mula labas. Tumingin sya sa orasan na nasa dingding. Alas-singko pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang damuhong ito na nang-iistorbo sa kasarapan ng tulog nya? Napailing na bumangon sya mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan nya iyon at tumambad sa kanya si Franco.Ang nakakunot nyang noo kanina ay agad na napawi ng masilayan nya

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 49

Kanina pa nagdadalawang-isip si Kamille kung susunod ba sya sa Hacienda. Kahapon umalis si Franco at ngayon na wala syang masyadong gagawin sa resto ay iniisip nya kung susu

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 48

"Aalis ka na naman?" tanong ni Kamille kay Franco. Ito na ang naghatid sa kanya sa Restaurant at pati na din kay Mathew sa school. Nauna nilang hinatid ang bata kasama ang Yaya n

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 47

Ipinalupot ni Kamille ang mga kamay sa batok ni Franco at sinalubong ang mainit na halik nito, rinig na rinig nya ang biglaang pagkapunit ng damit nya.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 46

Pag-mulat ng mga mata ni Kamille ay wala na si Franco sa tabi nya, tiningnan nya ang cellphone nya at may iniwan itong mensahe roon. Sinabi nito na kinailangan nitong dalawin ang

Weitere Kapitel
Buch herunterladen
GoodNovel

Buch kostenlos herunterladen

Download
Suchen
Bibliothek
Stöbern
RomantikAlternativgeschichteUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+
Kurzgeschichten
LiebeskummerGeheimnisModerne StadtApokalypse-Überleb1enshort-Science-FictionLiebesroman0
ErstellenVorteile für Autor:innenWettbewerb
Beliebte Genres
RomantikAlternativgeschichteUrbanWerwolfMafiaSystem
Kontaktieren uns
Über unsHilfe & VorschlägeGeschäft
Ressourcen
Apps herunterladenVorteile für Autor:innenInhaltsrichtlinieTop-SuchanfragenFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Folge uns
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Nutzungsbedingungen|Datenschutz