loading
Home/ All /Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino/Chapter 5

Chapter 5

Author: Yesha Lee
"publish date: " 2020-07-30 17:16:21

"AKO ang kinakabahan sa ginagawa mo, Anastacia. Pinag-isipan mo ba talaga 'yan?"

"No choice na ako, bff."

"Paanong no choice? Puwede ka pang umatras. Una, hindi ka naman pala desidido. Pangalawa, mas lalo namang hindi desidido si Carlo."

Napatingin siya rito. "Tingin mo?"

Umikot ang eyeball ni Chikki. "Ano ka ba naman? Aba'y nagsisimula pa lang dumiga 'yung tao, gusto mo nang magpatanan!"

"Tanan?" kunot-noo niyang sabi.

"Tan-ji-a ka, 'day! Tanan as in elope!"

"At 'yung tan-ji-a, tanga ang ibig sabihin noon, di ba? Excuse me, hindi ako tan-ji-a!"

"Hindi daw pero tanan lang ay hindi alam."

"Alam ko iyon, ano ka ba! Nagulat lang ako sa sinabi mo."

Kinutusan siya sa ulo ni Chikki. "Nagulat ka pero sa sinabi mo kay Carlo ay hindi ka nagulat? Sure ka bang talagang nasabi mo iyon sa kanya?"

"Oo nga!"

"Hindi ka talaga nag-iisip kung minsan eh, 'no. Kung ano ang masabi mo ay pinangangatawanan mo na. Puwede ba, bff, kahit minsan naman ay mag-iisip ka lalo at ganyan kaseryoso ang sasabihin mo."

Nagkibit siya ng balikat. "Ano naman ang gusto mong gawin ko? Gusto ko nang makalayo sa poder ng mag-iinang iyon."

"Kahit bahay ninyo iyon at ang mismong kinatatayuan ay lupa ng nanay mo na sabi mo ay ipinamana na sa'yo ng nanay mo?"

Totoo ang sinasabi nito. Kahit noong nabubuhay pa ang ina ay madalas nitong sabihin na siya ang magmamana ng bahay at lupa nila. Ang dalawa naman niyang kapatid ang siyang mangangasiwa ng mga bukid na ngayon ay sinasaka ng ama.

"Hindi naman mahalaga sa akin ang materyal na bagay, Chikki."

"Hindi naman iyong materyal na bagay ang tinutukoy ko, friend, kundi 'yung idea na bigay iyon ng nanay mo sa'yo. Ganoon mo lang ba kadaling isusuko iyon?"

Nangilid ang luha niya sa katotohanan ng sinabi ng kaibigan. "Siyempre ay hindi ko naman gustong umalis sa bahay ng Nanay. Kaya lang, ano ba ang gagawin ko? Mahirap nang itama ang mga maling bagay na ipinasok ng mag-iinang iyon sa isip ni Tatay. Baka lalo pang lumala ang away namin ni Marsha kung magtatagal pa kami sa iisang bahay."

"So, sure ka na talaga? Ano ang plano mo ngayon kung sasama ka kay Carlo?"

"Bahala na, friend. Malay mo, mapabuti ako sa gagawin kong ito. Isa pa ay babalik naman ako pagdating ng takdang panahon. Just wish me good luck, okay."

Napailing muna si Chikki bago sumagot. "Kinakabahan ako sa gagawin mo, bff pero nakasuporta ako sa'yo. Ano man ang mangyari ay tawagan mo lang ako, okay. Pupuntahan kita agad."

"Salamat," aniya kasabay ng pagpatak ng tinitimping luha.

"O, ano 'yan? Huwag ka nang umiyak at baka magbago ang isip ko ay gumawa pa ako ng paraan para pigilan ang gagawin mo. Ikaw rin, baka mugto ang mata mo mamaya kapag nagkita kayo ng mister mong si Carlo."

"Sira ka talaga!" aniya sabay tampal sa braso nito.

Sinikap niyang ngumiti kahit ang totoo ay kinakabahan siya. Bakit ganoon ang naramdaman niya sa sinabi ni Chikki? Tila biglang dinagsa ng samu't-saring alalahanin ang dibdib niya. Ang isiping mapagsosolo sila niya si Carlo sa ilalim ng iisang bubong ay bumubuhay sa iba't-ibang klaseng emosyon sa kanyang sistema.

Napailing siya sa sarili. Bahala na.

ANG usapan nila ni Carlo ay alas-onse ng gabi sila magkikita. Ang sabi niya rito ay hintayin siya sa likod-bahay dahil doon niya idadaan ang mga gamit niya. Pagkatapos niyang ihulog ang gamit ay saka siya bababa at saka tuluyang lalabas sa back door. Hindi niya kasi puwedeng dalin ang bag dahil kung sakaling may makakasalubong siyang kasambahay sa pagbaba ay agad siyang magigibikan.

Ganap na alas-diyes ay tin-ext na niya ang lalaki.

'Psssst, Carlo! Tuloy ba tau?'

Ang totoo ay kinakabahan siya sa isasagot nito pero kailangan niyang makompirma kung wala itong planong umatras sa kanilang plano.

Ilang minuto rin ang hinintay niya pero walang sagot buhat dito. Ten ten...ten fifteen...ten twenty...Tumunog ang cellphone niya.

'Nervous?' reply nito.

Daig pa niya ang nahulasang isda sa simpleng tugon na iyon. Mukha namang walang planong umatras ang lalaki kahit pa nga may himig-pambubuska ang text nito.

'Nasaan knb?'

'D2 haus.'

'What tym k punta d2?'

'I'll just take my shower, okay.'

'What tym k nga punta d2?'

'Don't worry...I'll be there.

That message hit her. Isang simpleng mensaheng may dalang nakakikiliting emosyon sa kanya. Hindi na niya iyon sinagot. Baka isipin ni Carlo na sobrang excited siya kahit pa nga totoo naman iyon.

FIFTEEN minutes before eleven o'clock ay nagsimula nang dagain ang dibdib niya. Sinulyapan niya ang bag na kanyang dadalin at saka pumikit. Umusal siya ng maikling dasal para sa nanay niya at para sa kahihinatnan ng kanyang gagawin. Ipinagdasal din niyang sana ay mapabuti ang kanyang ama sa gagawin niyang ito. Sana, oras na umalis siya sa poder nito ay maging maayos na ang lahat. Mahal naman niya itong talaga kahit ganoon pa ang nangyari sa pamilya nila. Ang importante, masaya ito at nasa maayos namang kalagayan.

Pagmulat ng kanyang mga mata ay awtomatikong bumalong ang kanyang mga luha. Ni minsan ay hindi niya naisip na darating siya sa ganoong situwasyon. Simple lang naman ang pangarap niya - makatapos ng pag-aaral at mapaunlad ang mga mumunting ari-ariang minana ng kanyang ina sa mga ninuno pa nito. Gusto niyang mabigyan ng higit na maayos na buhay ang ama dahil nakita naman niya kung paano itong nagpunyagi noon para sa kanilang magkakapatid. Kulang man ito sa lambing sa kanyang ina ay nasaksihan naman niya kung paano nito ginampanan ang pagiging mabuting asawa sa nanay niya at pagiging ama sa kanilang tatlo.

Muli niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Mami-miss niyang tiyak ang kuwartong iyon. Lahat ng bagay roon maging kaliit-liitang punda ng unan o kurtina ng mga bintana ay siguradong mami-miss niya. Pinahid niya ng likod ng palad ang mga luhang nag-uunahang gumulong sa kanyang mga pisngi. If this was the best thing to do, she would do it. Kahit pa masakit sa kalooban niya, kung iyon ang tanging paraan para ikatatahimik ng lahat.

Ten fifty-five, ready na siya. Pinagpatung-patong niya ang mga unan sa ibabaw ng kanyang kama at saka iyon kinumutan. Humugot siya ng isang malalim na paghinga at saka tinapik ang touch lamp sa bedside table. Bahagyang pumusyaw ang liwanag sa loob ng silid. Humakbang siya palapit sa bintana at saka iyon binuksan, matapos ay saka siya tumingkayad upang silipin si Carlo.

Napasulyap siya sa bilog na buwan sa kalangitan at saka muling napabuntong-hininga.

'Carlo, nasaan ka na?'

Sumipol siya para kung naroon na si Carlo ay maramdaman nito ang kanyang presensiya. Nakabibinging katahimikan ang naging tugon sa kanya ng malamig na gabi.

NANLALAMIG na sa nerbiyos si Orange pero wala pa ring kahit anong palatandaang naroon na sa ibaba si Carlo. She was beginning to get nervous. What if he change his mind? Baka umatras ito at iwan siya sa ere.

Muli siyang napasulyap sa kanyang mga gamit. Pa-emote-emote pa siya kanina pero heto at mukhang hindi naman yata siya matutuloy.

'Subukan mo lang akong hindi siputin, Carlo...lagot ka sa akin!'

Muli niya itong tinext. 'Nsan kn???'

Still no response from him. 'Grrrr...Carlo, nasaan ka na ba?!'

Nagpalakad-lakad siya sa loob ng silid. Naroong muling mahiga sa kama, maupo, tumayo at muling magpalakad-lakad.

Eleven ten...eleven fifteen...eleven thirty...Nagsimula na siyang maiyak nang bigla siyang makarinig ng isang sipol. Dali-dali siyang tumayo at halos magkandarapa marating lang ang bintana.

"Carlo!" mahina man ay mariin niyang sabi.

"I'm here!" ganti nitong sabi na tulad niya ay ingat na ingat rin sa pagsasalita. "Throw your bags now!"

Madali siyang tumalima sa sinabi nito. Agad niyang binalikan ang mga gamit at saka iyon ipinatong sa bintana. Bumilang siya ng tatlo at saka inihagis ang travelling bag kay Carlo. Napauklo ang lalaki nang masalo ang bag niya.

"Anastacia, are you sure temporary lang ito? Bakit...bakit dala mo na yata ang buong closet mo?"

"Tse! Basta itabi mo na ang mga gamit ko at bababa na ako diyan!"

Maingat siyang lumabas ng pinto ng silid at saka bumaba. Tinawid niya ang mahabang salang humahantong sa kusina. Tutunguhin na lang niya ang backdoor nang bumuglaw sa kusina si Hanna.

"Hoy," anito, "baka galawin mo 'yung vegies ko sa ref, ha. Pinabili ko pa iyon sa bayan!"

Pinigilan niya ang sariling mapaismid. "Hindi ako kumakain ng damo kaya iyong-iyo na ang mga iyan," aniya. Kanina ay nakita niya si Mang Ambo na may uwing mga lettuce, carrot, pipino at parsley. Pabili raw iyon diumano ng magkapatid na bruha.

"Damo ka diyan! Palibhasa ay puro karne ang alam mong kainin! Ni hindi mo nga kilala ang lettuce!"

"Ano naman ngayon sa'kin? Ako ba, kilala ng lettuce mo?

"Ang yabang mo ah! Akala mo kung sino kang umasta eh puro ka naman bilbil!"

Hinarap niya ito at saka siya nameywang. "At least, ako, malaman. At nasa tamang lugar ang taba ko. Ikaw, diyan ka lang sa dibdib mo biniyayaan ng taba! Daig mo pa ang batang hindi nakakatikim ng yakult at combantrin sa sobrang kapayatan!"

Madaling dumukwang si Hanna para abutin ang buhok niya pero mabilis na siyang lumayo rito. Talo siya kung si Hanna ang bubuno sa kanya. Hinaharap pa lang nito ay malamang na pitong kilo na.

Nang marating ang silid ay hinihingal na siya. Napatingin siya sa bintana nang maisara ang pinto. Hindi siya puwedeng magdaan sa backdoor. Gising pa si Hanna kaya malamang ay gising pa rin si Marsha. Baka mahuli siya ng mga ito.

Madali niyang tinungo ang bintana at saka muling sumipol nang mahina. "Carlo!"

"O?"

"Saluhin mo 'ko!"

"Ano?" Kahit madilim ay halatang nagulat ito.

"Saluhin mo 'ko! Hindi ako puwedeng dumaan sa backdoor!" Pigil na pigil ang salita niya sa takot na mabuking ng mga kasambahay. Mabuti na lang at sala ang ibabang bahagi ng silid niya kaya tiyak na wala namang makakarinig sa kanila.

"Kaya mo ba? Kumapit kang mabuti! Kukuha ako ng tuntungan." Nawala itong saglit at pagbalik ay dala na ang bangkitong marahil ay nakuha nito sa garden ng madrasta niya. Tumuntong si Carlo doon at saka inilahad ang mga kamay sa kanya. "I'm ready!"

Napangiti siya at saka dahan-dahang bumaba sa bintana habang mahigpit ang hawak sa bawat makapitan niya. 'Help me, Bro...makababa lang po ako nang maayos dito ay magpapakabait na ako. Amen.'

"Sige, itapak mo sa balikat ko ang mga paa mo," ani Carlo.

"Sure ka? Kaya mo ba 'ko?"

"Oo. Dahan-dahan ha. Oras na makatapak ka, gumawa ka ng paraan na makaupo para maibaba kita nang maayos."

Sinunod naman niya ang lalaki. Hindi humihingang itinapak niya ang mga paa sa balikat nito. Maya-maya ay unti-unti naman siyang naupo. Nang tuluyang makababa sa lupa ay nayakap niya ang lalaki.

"Oh my, thanks, Carlo!" bulalas niya.

Gumanti rin ng yakap sa kanya si Carlo at naramdaman pa niya nang hagkan nito ang ibabaw ng kanyang ulo. Laking gulat niya nang dumapo sa kanyang mga labi ang halik na iyon nang tingalain niya ito. Sa sobrang pagkagulat ay umigkas ang palad niya sa pisngi ng lalaki.

"Bakit?" tanong nito nang makabawi. Hawak pa rin nito ang pisnging nasaktan.

"Bakit mo 'ko hinalikan?"

"What's wrong?" taka nitong tanong.

"Alam mo bang wala pang nakakahalik sa akin kahit minsan?!" gigil niyang sita rito. Gayunman ay hindi niya pa rin mailakas ang boses.

"Wow, I'm flattered-"

"Tse! Flattered ka diyan! Hindi mo dapat ginawa iyon!"

Napahaplos sa batok si Carlo. "Sasama ka nga sa akin at iuuwi kita sa bahay ko, tapos ay hindi kita puwedeng halikan? Ano iyon?"

Napabuga siya ng hangin sa pagkagulat. "Pumayag ka bang tumuloy ako sa inyo dahil lang doon, Carlo?"

"No!" Mabilis itong napailing. "Of course not, pero siyempre, ano ba ang konotasyon ng pag-uwi mo sa amin? Ano ang mangyayari oras na malaman ng parents mo na ako ang kasama mo sa iisang bubong? Iisipin nilang nag-asawa ka na at iyon naman ang plano mo, hindi ba?"

Napaisip siya. Iyon nga ba ang plano niya? Bigla tuloy siyang nalito sa sarili.

'Umatras ka na Anastacia, hanggang may panahon ka pa.'

'Gaga, bakit ka aatras? Gusto mo bang habampanahon na maliitin ng mag-iinang bruha? Umalis ka at buuin mo ang sarili mong sinira nila.'

'May iba pa namang paraan. Hindi lang pag-aasawa ang dapat mong gawing solusyon. Bata ka pa.'

'Iyon lang ang paraan. Tiyak na hahanapin ka ng papa mo at pauuwiin nang paulit-ulit pero kung mag-aasawa ka na, valid na ang dahilan mo para lumayo sa kanila.'

"Ano? Bakit parang undecided ka?"

"Carlo..."

"Don't tell me na umuurong ka na?"

Hindi agad siya nakapagsalita.

"Ano? Naghihintay na sa labas ang tricycle na inupahan ko." Tila naiinip na rin ito sa kanya.

"Ikaw, sure ka na ba sa gagawin nating ito?"

"Hindi na ako nag-isip eh. Basta sinunod ko na lang kung ano ang nararamdaman ko."

Sa sinabing iyon ni Carlo ay bigla siyang nakabuo ng isang desisyon. Sasama siya rito. Isa na lang ang problema niya...kung paanong ipaliliwanag rito ang setup na nasa isip niya.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 15

“HEY, ‘Ma, what are you laughing at?” tanong ni Carlo nang mabungaran ang ina na humahagikgik. Nasa likod ito ng pinto ng dirty kitchen at nakatingkayad pa habang may kung anong sinisilip. Tila gulat na gulat naman ito nang makita siya, inayos ang sarili at saka tumikhim.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 14

NAKALILIYONG sensasyon ang ngayon ay nararamdaman ni Anastacia. Carlo was staring at her as if she was the prettiest woman living on Earth. Hindi magkasya ang tuwa sa puso niya. Ang makasama lang si Carlo ay masaya na siya, ang matitigan pa kaya nito!

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 13

“ANONG oras ba darating ang parents mo?” Pabalik-balik sa paglalakad sa kabuuan ng sala ni Carlo si Orange, animo hinahabol ng kung ano.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 12

“KAWAWA naman pala ang Tiya Rosa mo, Beshie. Hindi ko naman akalaing ganoon pala ang lovestory nila ni Tito Romy,” malungkot na sabi ni Chikki kay Orange habang magkasama silang nagme-merienda sa cafeteria ng university campus.Napailing s

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 11c

NAPAILING siya nang makailang ulit habang lumuluha. “Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi kayo dumating sa buhay namin! Masaya kami ng tatay ko! Masaya kami kahit wala na si Nanay dahil magkakasama kami pero ano ang ginawa ninyo? Nang dumating kayo, nasira na ang lahat! Mas pinili kayo ng Tatay kaysa sa amin! Simula pa lang, Tiyang, alam ko nang ganito ang mangyayari. Galit kayo sa akin, ‘di ba? Hindi ninyo ikinatuwa ni minsan nang iwan ako ng mga kapatid ko kay Tatay! Galit kayo dahil nakakahati niyo ako sa pagmamahal ng tatay ko!”

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 11b

MARAHAN siyang napailing. Mabuti pa ang panyolito at sa lahat ng oras na kailangan ng dalaga ay naroon, samantalang siya…Nagtagis ang kanyang mga ngipin dahil sa guilt na agad niyang nadama.Anastacia trusted him. Ipinagtiwala nito ang sarili sa kanya. She was totally naïve…very innocent at sinamantala naman niya iyon para paikutin ito. Naisip niya, ano naman kung malaman nitong kasama niya si Portia nang gabing iyon? Alam naman nito ang relasyon niya sa dalaga. Ang mahalaga ay naging tapat siya pero hindi nga gayon ang nangyari. Ngayon ay wala siyang maidahilan sa sarili kung bakit siya nagsinungaling rito.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 7b

“LALAKI ako kaya natural lang iyon sa akin!

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 7a

SABAY-SABAY silang napalingon sa likuran. Papalapit si Carlo kasama ang team nito.

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 6b

“ANONG

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino   Chapter 6a

Normal 0

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy