Download the book for free
PROLOGUE
Author: Franz ValleyMUNTIK nang mapatili si Jercelle ng mula sa likuran ay may yumakap sa kanya. Mahigpit. Nilingon niya ito at nasambit ang pangalan ng malaman kung sino.
"Nakakainis ka. Ginulat mo ako..."
Tumawa ang asawa niya at hinalikan siya sa pisngi. A sweet smack kiss, na nagpalambot ng husto sa pagkatao niya.
"Rexter, naman, e..."
"Sorry, mahal, kung nagulat ka. Na-miss kasi kita."
"Na-miss?" Humahagikhik na ini-off niya ang stove at binitiwan sa ibabaw ng nilulutong fried rice ang sandok. Humarap siya rito. Lumuwag ang pagkakayakap nito pero nanatiling nakakulong siya sa mga braso nito.
"Mister Frias," Pinisil niya ang ilong nito. "Magkasama tayo sa buong magdamag. At dahil tayo lang dalawa ang nasa ating room ay nilingkis mo ako ng todo."
Napakamot sa batok si Rexter. "Para naman akong ahas na nanglilingkis..."
"Eh, totoo naman po. At gustung-gusto ko po 'yon, my dear husband."
Tinitigan siya nito ng tuwid sa mga mata. Halos mapunit ang labi nito sa luwang ng pagkakangiti.
"Kaya nami-miss kita, e, kahit buong magdamag tayong magkasama lalo na paggising ko sa umaga ay wala ka na sa tabi ko."
"Taong 'to..."
Yumakap siya rito at inilapat ang pisngi sa dibdib nito. She really loves her husband... she truly loves this man. Sobra. Sobrang minahal niya si Rexter sa kabila ng kakulangan nito. Hindi kalabisang sabihin na wagas ang pag-ibig niya rito. Maging sino o ano pa ito ay pinahalagahan niya at inirerespeto.
"Jercelle, mahal, thank you so much for loving me. For accepting me. Ang totoo, hindi sapat ang word na salamat sa pagtanggap mo sa akin as your husband. Sana... sana'y totoong masaya ka sa piling ko."
"Oo, naman."
Bumitiw siya sa pagkakayakap dito. Tiningala niya ito.
"I'm so happy and contented as your wife. Wala akong masasabi o mairireklamo sa pagmamahal mo sa akin. Bigay ka sa akin ni God. You're from heaven and a big and a great blessing in my life. Tandaan mo 'yan. Okay?"
Tumango ito. "Opo." Masuyo siyang hinalikan sa noo. "I love you."
Muli siyang yumakap dito. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Ewan ba. Bigla ay parang na-miss din niya ito ng todo kahit magdamag silang magkasama kagabi at mahigpit na magkayakap.
Ang totoo'y ayaw pa niyang bumangon kanina para magluto ng breakfast. Kasi naman, halos hindi niya matanggal ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Si baby?"
Napatingala siya ng marinig ang tanong nitong iyon. "Sinilip ko siya kanina bago ako magluto. Mahimbing pang matutulog sa tabi ni yaya Sally."
"Buti naman." Kinalas nito ang pagkakayakap niya.
"Puntahan ko muna si Rexcelle. Miss ko na din ang baby natin, e."
Hinalikan niya ito sa pisngi. She really blessed for having a lovable husband. Araw-araw siyang maligaya sa piling nito. Napaka-suwerte nila ni Rexcelle sa asawa niya.
Sana... sana'y mahabang panahon pa silang magkasama nito. Kung may forever, sana'y mangyari iyon sa kanila ni Rexter.
Pero ang hinahangad niyang iyon at pinapangarap ay hindi natupad. Sobrang sakit. A, walang kasing sakit! Walang-wala sa isip niya na iyon na pala ang huling araw na kasama itong buhay.
Kung alam lang sana niya na nang umagang iyon ang huling sandali na magkakasama sila ay hindi na niya ito pinaalis para pumasok sa trabaho.
Halos mawalan na rin siya ng buhay nang mabatid niyang namatay na ito ng araw na iyon dahil sa car accident.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
SOMETIMES HEART GOES WRONG CHAPTER TWENTY TWO
"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P
SOMETIMES HEART GOES WRONG CHAPTER TWENTY ONE
"PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-
SOMETIMES HEART GOES WRONG CHAPTER TWENTY
LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho
SOMETIMES HEART GOES WRONG CHAPTER NINETEEN
"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
SOMETIMES HEART GOES WRONG CHAPTER EIGHTEEN
NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal." Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang." Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
SOMETIMES HEART GOES WRONG CHAPTER SEVENTEEN
MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K
SOMETIMES HEART GOES WRONG CHAPTER SIXTEEN
"MATINDI ka talaga, Salve." Pinilit ni Jercelle na magpakatatag. Ayaw niyang makita ni Salve na labis siyang nabigla at totoong apektado. "Talaga bang lahat ay gagawin mo, makamit mo lang ang gusto mo?""Ayaw mong maniwala na si Bricko ang tunay na ama ng anak ko? Tawagan mo siya. Tanungin
SOMETIMES HEART GOES WRONG CHAPTER FIFTEEN
"IYAN ba ang sinasabi mong hindi mo niloloko si Jercelle, Mokong?" Tinanong ni Julan ng ganoon si Bricko dahil kitang-kita niya sa reaction nito ang pagkabigla -- pagkabigla ng isang taong nabisto!"Alam mo ang nasa isip ko ngayon? May alam ka sa ginawa ng babaing iyon kay Rex
SOMETIMES HEART GOES WRONG CHAPTER FOURTEEN
"PLEASE, Jercelle. Sabay na tayo papunta sa office." Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Julan. "For our friendship."Narinig niyang may diin sa last word nito. Friendship. Dapat niyang isa-alang-alang ang pagiging magkaibigan nila. Kaya napilitan siyang sumakay."Thanks, bestfrie
SOMETIMES HEART GOES WRONG CHAPTER THIRTEEN
AGAD na nag-alala si Bricko nang lumabas si Jercelle sa kuwarto na umiiyak. Kasunod nito si yaya Sally na halos namamaga na ang mga mata."Mommy is crying, tito Brick." Sabi ni Rexcelle na kumalas sa pagkakayakap niya. "Mommy ko..."Lumapit ito sa ina at yumakap sa hita nito. "Anak.
