Descarga el libro gratis
Chapter 3b
Autor: Terra IncognitoSa mga sandali ding iyon ay napaisip si Amanda, dahil minsan ‘pag may hindi magandang nangyayari sa ating buhay, sinisisi na natin agad ang Panginoon. Hindi ba natin naiisip na ang nararanasan nating sakit o mapait na karanasan sa buhay ay gawa din ng ating sariling desisyon? Katulad na lamang kay Amanda, hindi niya dapat sinisisi ang Panginoon sapagkat siya rin ang may kasalanan. Nag assume siya na mahal siya ng lalaki, ibinigay niya ang kaniyang lahat lahat sa taong hindi naman niya tiyak kung paninindigan siya. Minsan, nagpapadala ng mga instrumento ang Panginoon para bigyan tayo ng paalala. Maaring si Edna pala ang ipinadala ng Diyos na gumabay kay Amanda sa kaniyang magiging desisyon at hindi maranasan ang sakit sa dulo nito, sa sakit na nadarama nito ngayon. Ganyan din sa iba, nagpapadala ng mga instrumento ang Panginoon para bigyan tayo ng guide para hindi tayo mapahamak. Pero sadyang matitigas lang talaga ang ulo natin minsan. Ano nga bang magagawa natin, mga tao lang naman tayo. Nagkakasala at nagkakamali rin. Pero hindi pa naman huli ang lahat, kung kaya pang itama, eh di itama na natin. Kung hindi na, eh di just go with it. Ang ending, move on parin.
Sa sobrang pagod ni Amanda sa kaiiyak, hayun nakatulog na siya. Sobra ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Nakakaawa mang makita, pero kung ako rin ang nasa sitwasyon niya siguro ay pag-iyak na lang din ang tangi kong magagawa. Iniwanan ka na nga lang ng boyfriend o girlfriend mo eh, hindi ka na makakakain ng tama. ‘Di ka na makatulog ng tama . ‘Di ka na makahinga ng tama, joke. Si Amanda pa kaya na iniwanan na, iniwanan pa na may dala-dala. Na may karga sa kaniyang sinapupunan.
Dahil nakatulog na nga siya ay nagtuloy-tuloy na iyon hanggang umaga. So kinaumagahan, wala siyang ganang tumayo ng higaan. Wala siyang ganang kumain. Wala siyang gana lahat. Fresh parin sa kaniya ang mga nangyari sa park, ang mga binitiwang salita ni Randy. Ewan ko ba, pero lumuluha na naman ang mga mata ni Amanda, wala na yata siyang kapaguran sa pag-iyak. Saan ba nagmumula ang kaniyang mga luha at hindi ito nauubos? Siguro ay hindi ko siya masisisi, madali lang sa akin ang sabihin na “tama na yan, okay lang yan Amanda.” Kaso hindi ko naman talaga alam ang tunay na nadarama niya. Wala naman ako sa sitwasyon niya, at hindi ko pa naman naranasan ang mabuntis at iwanan ng nakabuntis sa akin. Kaya shut up na lang ako.
Isang araw na ang lumipas at hindi parin umaalis sa kwarto si Amanda. Umaga na naman at sumunod ay tanghali. Hindi parin natayo at nakain si Amanda. Ang tibay naman niya. Mag-aalas-5 na ng hapon at naalimpungatan si Amanda. Grabe, simula pa nung isang gabi hanggang kahapon at ngayon di pa siya kumakain o nainom man lang, nanghihina na siya, as in. Hindi ka pa nga lang nakain ng breakfast at Lunch ay nanginginig na buong kalamnan mo. Hindi na sana siya babangon at wala na talaga siyang planong bumangon at ipagpatuloy ang kaniyang buhay dahil sa sakit na kaniyang nadarama nang biglang tumugtog ang videoke ng kanilang kapit-bahay ng napakalakas na parang wala ng bukas at kinanta ang Bridge Over troubled Water:
When you walk through the storm
Hold your head up high
And don’t be afraid of the dark
At the end of the storm
Is a golden sky
And the sweet silver song of the lark
Walk on through the wind
Walk on through rain
Though your dreams be tossed and blown
Walk on, walk on with hope in your heart
And you’ll never walk alone
You’ll never walk alone.
Iminulat niya ang kaniyang mga nanghihinang mga mata. Napaisip siya sa kantang iyon. Nilalasap at isinasapuso ang bawat letra sa kantang iyon. At maaring isa rin ito sa mga instrumento ng Panginoon para ipaalala sa kaniya na kahit anong mangyari, na habang may buhay, life must go on. Naisip din niya na ang ibang tao ay nagdarasal na sana ay dagdagan pa ng Panginoon ang kanilang buhay dahil gusto pa nilang makasama ng mas matagal ang kanilang mga mahal sa buhay, samantalang ang iba naman ay kinikitil ang kanilang buhay. Life is really full of irony.
Kahit nanghihina ang kaniyang buong katawan ay pinilit parin niyang tumayo mula sa pagkakahiga. Makikitang nahihirapan siya mula sa pag-upo hanggang sa kaniyang pagtayo. Nahihirapan man ay sinusubukan parin niya ng buong lakas dahil inisip na rin niya na mayroon parin siguro siyang mahalagang papel na dapat gampanan sa mundong ibabaw. Kahit walang umaalalay ay pinilit niyang maglakad patungo sa kusina. At nakarating na nga siya doon at humawak sa upuan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadulas ang kaniyang kamay at natumba kasama ang upuan. Maririnig ang malakas na pagbagsak ni Amanda at ng upuan sa sahig. Dahil sa malakas na pagbagsak niya ay narinig ito ng kaniyang kapatid, 8-taong gulang na kapatid. Dali-dali nitong pinuntahan ang kaniyang ate. “Ate! Okay ka lang ba?” Nung makita ni Amanda ang sumasaklolong kapatid ay napaisip siya. “Ito na siguro ang mahalagang papel na aking gagampanan.” Ang wika niya sa kaniyang isipan nang makita niya ang musmos at inosenteng mukha ng kaniyang bunsong kapatid. “Masyadong umikot ang mundo ko kay Randy at nakalimutan kong may pamilya pa pala ako, may mga kapatid at ina pa pala ako.” Ang sambit nito sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan niya ang slow motion na pagtakbo ng kaniyang bunsong kapatid papunta sa kinaroroonan niya. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Amanda ang sarap ng may nagmamalasakit sa kaniya at nag-aalala. Iyong hindi puro lang siya ang nagmamahal, hindi puro lang siya ang nag-aasikaso, hindi puro lang siya ang nag-aalala.
Minsan kasi sa buhay natin, ‘pag alam mong mahal ka ng isang tao, iyong alam mong importante ka sa kaniya at alam mong hindi ka niya iiwan, nagiging kampante ka na eh. Kasi alam mo naman na nandiyan siya parati, kaya minsan ‘yong pag-ibig natin, ‘yong concern natin, ‘yong pag-aalala natin sa taong iyon ay nawawala na. Kaya minsan, ‘pag ang taong iyon naramdaman na hindi mo na siya pinahahalagahan o kailangan, kusang umaalis ‘yan. Doon mo na lang marerealize ang tunay na kahalagahan ng taong iyon, ‘pag wala na siya. Iyon nga lang huli na ang lahat, and we can’t turn back time. Kaya habang nariyan ang mga taong sumusuporta sa atin, nagmamahal sa atin, nagbibigay importansya sa atin, ibalik natin sa kanila ang mga bagay na ito para naman maramdaman din nila ang nais mong maramdaman sa kanila.
Compartir el libro a
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Último capítulo
Magdalena Chapter 15b
“Ah…ah…ahhhh!!!” Malakas na sigaw ng rapist. “Ano’ng nangyari? Naputol ang ari ko? Anong klase kang nilalang? Akala ko ba pumapayag ka? Kasi sabi nila ‘Silence means Yes”? Silence means “NO” na ba ngayon ‘yon? Nagbago na ba?” dagdag na sambit ng rapist habang patuloy sa pagdaloy ng dugo sa kaniyang sugat. Nanghihina na ang rapist dahil sa dami na rin ng dugo na nawala sa kaniya. Kahit nanghihina ay pinilit na tumayo ni Amanda. Labis ang kaniyang pag-iyak dahil sa masaklap na pangyayari sa gabing iyon. Mag-uumaga na rin nun at naglalakad si Amanda. Patuloy parin siya sa paglalakad kahit hindi alam kung saan ang patutunguhan ng kaniyang mga paa. Wala sa sarili at malalim ang iniisip.
Magdalena Chapter 15a
So natanggap na nga si Amanda sa trabaho. Nag-eenjoy naman siya kahit papaano. At kahit kaunti lang ang kinikita niya ay nagpapasalamat narin siya dahil mayroon siyang trabaho, may kita para pantustos sa kanilang bahay. Ang hirap talaga maghanap ng trabaho lalo na kapag walang pinag-aralan. Sa panahon ngayon, priority ka pag may natapos ka. Kahit mas nakakapagod ang trabaho sa karenderya ay kinakaya niya, kasi naman kapag hindi siya magtrabaho eh baka wala ng makain ang pamilya niya, lalong lalo na ang kaniyang mga kapatid. Ilang buwan na rin na panay kayod si Amanda. Hindi na sila madalas magkita ni Edna, kasi naman hindi katulad sa b
Magdalena Chapter 14b
---..oOo..--- kasalukuyan Nabighani si Amanda sa kwento ng kaniyang matalik na kaibigan. Tumaas ang pagtingin niya kay Edna. Sa kabila ng kaniyang naranasan na mga paghihirap ay nakakaya niyang lagpasan ito ng isang matagumpay na ngiti. “Ang galing mo naman fren!” Pagpupuri ni Amanda. “Hindi naman fren, naswertehan ko lang talaga at nakahanap ako ng isang taong nakakaintindi ng aking sitwasyon.”
Magdalena Chapter 14a
Hindi man alam ni Edna kung ano ang ibig sabihin ng BPO Industry ay grinab na niya ang opportunity para mag apply, ngayon pa at desperada siyang makahanap ng trabaho. Dahil malaki ang offer at nakakainganyo ang perang suswelduhin, ay napa oo na lamang siya. Bihira na lang kasi siya makahanap ng ganitong opportunidad na sasahod ng ganoon kataas, 20, 000 a month sa educational attainment niyang 1 year lang in college. Syempre, kinkabahan sa interview si Edna. First ime niyang maexperience ang proseso ng hiring ng isang call center company. Lumalakas ang tibok ng kaniyang puso lalo na’t nakikita niyang papalapit na ng papalapit ang
Magdalena Chapter 13b
“Fren, may nahanap na akong trabaho!”“Talaga fren, saan yan?”“Malapit lang din dito sa bahay niyo, walking distance lang.”“Ganun ba? Anong work naman ‘yan?”“Uhm, dish washer sa isang karenderya. Okay ba sa’yo ‘yon?” Halos lahat ng mga bar sa lugar nilang iyon ay pagmamay-ari ng manager nila Amanda kaya naman hindi na siya makabalik-balik pa sa bar at naghahanap na ng ibang trabaho. “Oo naman, okay ako dun fren. Basta may trabaho” syempre, 2nd year high school lang natapos ni Amanda kaya hindi na siya makakapagreklamo. &n
Magdalena Chapter 13a
Pagkadating nila sa kwarto ay naghubad na si Amanda at nahiga na sa kama. Halatang-halata na gusto na niyang tapusin agad ang kanilang session. Session talaga? “No kissing. I have tonsillitis.”“Okay baby. No problem.” Sagot ng negro. At ipinikit na nga ni Amanda ang kaniyang mga mata. Syempre, hindi niya mapagbawalan ang foreigner na walang romansahan sigurado kasi magsusumbong ito sa manager nila kaya ang ginawa na lang niya is pumikit, at least wala ng kissing. Hinahalikan ng negro ang leeg ni Amanda, ni roromansa ito ng mabuti, ‘yong minimake sure ba ng negro na masasatisfy din niya si Amanda. Bumaba sa mga utong niya, nilaro-laro ito. “Aaaahhh.” Napaungol si Amanda. Nilil
Magdalena Chapter 9b
“Ay naku walang anuman fren. Salamat din fren.” Ang tugon ni Edna. At nang paalis na nga sana sila ulit ay biglang, “At isa pa Amanda….”“Na ano po?”
Magdalena Chapter 9a
At ayun sa wakas! Nakahanap na nga sila ng perfect na manghuhula. Syempre andami naman kasing pumupuri sa manghuhula sa reviews
Magdalena Chapter 8b
Napakunot ng noo itong si Edna, weird itong kinikilos ng kaniyang kaibigan. Kaya naman inusisa pa nito ng mabuti. “Anong ibig mong sabihin? Ano bang napanaginipan mo kagabi fren?” paguusisa niya. At isinalaysay nga n
Magdalena Chapter 8a
So iyon na nga, pagkapikit na pagkapikit ng kaniyang mga mata at tutuloy na sana ang kaniyang paglalakbay sa kaniyang pagtulog ng biglang may narinig siyang isang malakas na pag-uwak ng isang ibon, (Kwak! Kwak! Kwak!) Nagpaikot-
