GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Home / All / Magdalena
Last Updated : 2020-08-05
Magdalena

Magdalena

Filipino
·
18+
·
Ongoing
By:  Terra Incognito

30

Chapters
Ratings

175

Views
Synopsis
Paalala: Ang kwentong inyong matutunghayan ay produkto lamang ng malikot na pag-iisip ng may-akda. Ang ano mang pagkakapareho ng mga karakter, lugar o pangyayari sa totoong buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Ang kwentong nakapaloob rito ay kombinasyon ng drama, komedya, katatakutan, at malubhang SPG kaya naman ang pagbabasa nito ay alinsunod sa inyong discretion at ang pagbabasa nito ay at your own risk. Si Amanda, ay isang mapagmahal na anak at maasikasong panganay sa kaniyang dalawang kapatid. Dahil sa kahirapan sa buhay ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral at mamasukan bilang isang hostess sa isang bar para matustusan ang pangangailanagan ng kaniyang pamilya. Bagamat iniwan na ng kanilang ama, ay siya na ang tumayong ama ng kanilang tahananan. Subsob sa trabaho kaya naman wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang makalikom ng perang panggastos nila sa pang-araw-araw. Kaya naman nagbago ang lahat ng makilala niya si Randy, guwapo at matipunong lalaki. Sa kaniyang angking hitsura ay sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kaniyang nakakaakit na tindig. Bagamat hindi nagkulang sa pagpapaalala sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na si Edna, ay nagpursige parin siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal na nararamdaman para kay Randy. Ngunit, sa pakikipaglaban niyang ito ng kaniyang nararamdaman ay umusbong ang isang misteryo na hindi maarok ng pang-unawa ng sino man. Sa hirap na kinakaharap niya sa kaniyang pamilya, sa kaniyang buhay pag-ibig, at sa panibagong kinakaharap niyang misteryo, makakaya pa ba niya itong kaharapin at malagpasan? Halina't samahan natin ang natatanging kwento ni Amanda sa kaniyang mundo na puno ng kwela, puno ng drama at kababalaghan kasama ang kaniyang matalik na kaibigan na si Edna.
Share the book to

Chapter 1

Chapter 1a

                Madali lang sa tao ang magsabi ng mga bagay bagay patungkol sa kaniyang pananaw sa isang bagay, sa isang tao, sa isang lugar o sa isang pangyayari. Sa aking palagay nga ay normal na ito sa mga tao, ang manghusga. Minsan sa buhay natin, nakapagbibitiw tayo ng mga salita; mga masasakit na salita o kaya naman ay mga salitang mapanlait. Hindi na natin iniisip ang mararamdaman nung tao. Madali lang sa atin ang magsalita ng mga ganitong mga bagay-bagay sa iba sa kadahilanang hindi natin lubos na kilala ang taong punto ng ating opinyon.  Marahil nga ay ganiyan talaga ang buhay. Hindi ba natin naiisip na baka wala na talaga silang pagpipilian kundi gawin ang bagay na iyon dahil walang pinag-aralan ang tao at kailangan ng kaniyang pamilya ng pera para mabuhay? Masisisi ba natin sila kung ito ang kanilang tinahak na daan sa buhay? At the end of the day, hindi pa rin natin sila lubusang kilala. Kaya nararapat lang na pagtuunan natin ng pansin ang ating mga buhay at hindi ang buhay ng iba. Maaring kilala natin sila sa pangalan ngunit hindi natin sila kilala kung ano ang nasa puso at isipan nila. Hindi natin alam ang buong istorya ng kanilang buhay.

                Katulad na lamang sa sitwasyon ni Amanda, isa siyang prostitute. Hindi man niya kagustuhan na pasukin ang ganitong trabaho ay wala siyang magawa. Bukod sa wala siyang pinag-aralan ay mahirap lang din sila, isang kahig isang tuka kumbaga. Broken family at may pinag-aaral na dalawang kapatid. Bread winner siya sa kanilang tahanan. Siya ay nagtatrabaho sa isang hindi ganoon kasikat na bar, ngunit marami silang customers mapa foreigner man o mga big time na Pilipino. Karamihan ay mga businessman ang dumadayo sa kanilang bar. Nagbibigay siya ng pansamantalang kaligayahan sa bawat lalaking nakakasalamuha niya gabi-gabi. Pansamantalang kaligayahan lamang kapalit ng salapi. Ito ang kaniyang trabaho, ito ang kaniyang mundo.

“O, kumusta ka na? Mukhang matumal ang benta ngayon ha. hehe.” Ang pagbibirong sambit ni Edna; siya ang matalik na kaibigan ni Amanda at katrabaho din niya. “Hmft. Oo nga eh, magta-tatlong gabi na din. Hay naku, kung ganito lagi gabi-gabi, magsasara na ‘tong bar na 'to. Kung palaging ganito, saan na naman kaya ako kukuha ng gastusin sa bahay niyan?” malungkot na sagot ni Amanda. “Hay naku fren, di ka nag-iisa.” pinangalawahan naman ni Edna para damayan ang kaniyang kaibigan sa kaniyang naging tugon. Ilang sandali ang lumipas, “Uy! Tignan mo 'yon o! Yehey! May benta na ako ngayon!” Ang masayang sigaw ni Edna. “Sige grab the opportunity! Para may pag-uutangan ako mamaya!” sigaw naman ni Amanda habang naglalakad papalayo si Edna. “Tse!” ang tanging naisagot nito.

                Si Amanda ang katunggali ni Edna pagdating sa pagkuha ng mga customers. Syempre dahil mas bata si Amanda, edad 25. Maganda ang hubog ng kaniyang katawan, sexy kumbaga. Matangkad, nasa 5’8 ang tangkad, model na model ang dating. Mahaba ang buhok at maamong mukha, kaya naman pinipilahan siya. Bukod sa natatangi nitong ganda, ay may tinatago ding ganda ng kalooban. Mabait siya, maasikaso at maalalahanin. Kaya nga naging magkaibigan sila ni Edna, kasi nag-aalala si Amanda baka kutyain siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Syempre joke lang iyon. Mabait din si Edna. 5’6 ang tangkad, ‘di na masama. Morena at maganda din ang hubog ng kaniyang katawan. Maganda ang mga mata, matangos ang ilong at makinis ang mukha.

                Silang dalawa ang most requested na i-table ng mga kalalakihan sa bar na iyon. At medyo nakikilala na rin ang bar dahil sa kanilang dalawa. Kaya kahit puro absent sila minsan ay hindi sila pinapatalsik sa pwesto ng kanilang manager, mga special eh.

                Mabalik tayo. Pumasok na sa loob ng kuwarto sina Edna at ang kaniyang customer. Masayang-masaya silang pumasok sa loob ng kuwarto. Pagkaraan ng ilang minuto, nabigla ang manager dahil galit na galit ang customer ni Edna palabas ng kanilang bar! “Ay ano ba iyan Edna?! Bakit galit na galit ang customer mo?!” nagugulumihanang tanong ng manager. Napapakamot na lang sa ulo si Edna habang nagpapaliwanag. “Ah kasi sir, na misunderstand yata ng customer ang sinabi ko, hehe. “

“Ano ba kasi ang nangyari?” Nagtatakang tanong ng manager. “Ganito po kasi ang nangyari…” Pagsasalaysay ni Edna.

---..oOo..---

ang nakaraan

                Sa loob ng kwarto, kasalukuyang nagbibigay ng pansamantalang aliw si Edna. “Ilang taon ka na boy?” tanong niya habang tinatanggal ang botones sa damit ng customer. “Trenta anyos lang ako baby, I’m just thirty my baby!” bibong sagot ng customer. “Wow naman! Sa buhok mo para ka lang eighteen years old. Sa balat mo naman, para ka lang twenty years old. Sa mukha mo para ka lang twenty-five years old, so all in all….”

“So all in all mukha na akong sixty years old ganun ba ang ibig mong sabihin?!? Mukha na ba akong senior citizen?!? Ano bang klaseng customer service meron kayo! Makaalis na nga at makahanap ng ibang bar, kung saan mga babae dun hindi mapang insulto kagaya mo! Imbis na makapag relax ang tao. Hay naku!” Galit na sambit ng customer habang nag aayus ng damit at sinturon. At hayun na nga, umalis na nga siya.

---..oOo..---

kasalukuyan

                “Ang sasabihin ko naman po sana ay, ‘So all in all you look young’. Wala naman akong masamang intensyon dun eh. Pero sir, I’ll make sure, hindi na mauulit, promise!” ang marahang naisagot ni Edna. “Siguraduhin mo lang ‘yan Edna, kung hindi…..hay naku, tatanggalin talaga kita!” Syempre alam niyo naman joke lang iyon ng manager, hindi niya talaga kayang tanggalin si Edna o si Amanda sa kaniyang bar. Kumbaga, sila ang kaniyang promoters.

“Sorry po talaga sir. ‘Di na talaga mauulit.” Pagmamakaawa niya.

                Ilang sandali ang nakalipas, may dumating na bagong customer. “A, may bagong customer. Para bago pa ulit umalis ang customer, ipamimigay ko muna siya kay Amanda.” Ang sambit ng manager sa kaniyang isip. “ Amanda!” sigaw niya. “Yes po? Andiyan na!” Ilang segundo ang dumaan at nakarating na nga sa kinaroroonan ng kaniyang manager si Amanda. “Ano po iyon sir?”, tanong niya. “A, eto nga pala ang customer mo ngayon. Paligayahin mo siya ha.”

“Huwag po kayong mag-alala sir. Papaligayahin ko po siya ngayong gabi.” Ang nakangiting turan nito. Binigay na nga ng customer ang kaniyang bayad sa manager. At ng sandali ngang iyon ay pumasok na sila sa kuwarto kung saan nila gagawin ang mga nakaw na sandali, ang mga nakaw na oras.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

  • Magdalena   Chapter 15b

    “Ah…ah…ahhhh!!!” Malakas na sigaw ng rapist. “Ano’ng nangyari? Naputol ang ari ko? Anong klase kang nilalang? Akala ko ba pumapayag ka? Kasi sabi nila ‘Silence means Yes”? Silence means “NO” na ba ngayon ‘yon? Nagbago na ba?” dagdag na sambit ng rapist habang patuloy sa pagdaloy ng dugo sa kaniyang sugat. Nanghihina na ang rapist dahil sa dami na rin ng dugo na nawala sa kaniya. Kahit nanghihina ay pinilit na tumayo ni Amanda. Labis ang kaniyang pag-iyak dahil sa masaklap na pangyayari sa gabing iyon. Mag-uumaga na rin nun at naglalakad si Amanda. Patuloy parin siya sa paglalakad kahit hindi alam kung saan ang patutunguhan ng kaniyang mga paa. Wala sa sarili at malalim ang iniisip.

    Last Updated : 2020-08-05
  • Magdalena   Chapter 15a

    So natanggap na nga si Amanda sa trabaho. Nag-eenjoy naman siya kahit papaano. At kahit kaunti lang ang kinikita niya ay nagpapasalamat narin siya dahil mayroon siyang trabaho, may kita para pantustos sa kanilang bahay. Ang hirap talaga maghanap ng trabaho lalo na kapag walang pinag-aralan. Sa panahon ngayon, priority ka pag may natapos ka. Kahit mas nakakapagod ang trabaho sa karenderya ay kinakaya niya, kasi naman kapag hindi siya magtrabaho eh baka wala ng makain ang pamilya niya, lalong lalo na ang kaniyang mga kapatid. Ilang buwan na rin na panay kayod si Amanda. Hindi na sila madalas magkita ni Edna, kasi naman hindi katulad sa b

    Last Updated : 2020-08-05
  • Magdalena   Chapter 14b

    ---..oOo..--- kasalukuyan Nabighani si Amanda sa kwento ng kaniyang matalik na kaibigan. Tumaas ang pagtingin niya kay Edna. Sa kabila ng kaniyang naranasan na mga paghihirap ay nakakaya niyang lagpasan ito ng isang matagumpay na ngiti. “Ang galing mo naman fren!” Pagpupuri ni Amanda. “Hindi naman fren, naswertehan ko lang talaga at nakahanap ako ng isang taong nakakaintindi ng aking sitwasyon.”

    Last Updated : 2020-08-05
  • Magdalena   Chapter 14a

    Hindi man alam ni Edna kung ano ang ibig sabihin ng BPO Industry ay grinab na niya ang opportunity para mag apply, ngayon pa at desperada siyang makahanap ng trabaho. Dahil malaki ang offer at nakakainganyo ang perang suswelduhin, ay napa oo na lamang siya. Bihira na lang kasi siya makahanap ng ganitong opportunidad na sasahod ng ganoon kataas, 20, 000 a month sa educational attainment niyang 1 year lang in college. Syempre, kinkabahan sa interview si Edna. First ime niyang maexperience ang proseso ng hiring ng isang call center company. Lumalakas ang tibok ng kaniyang puso lalo na’t nakikita niyang papalapit na ng papalapit ang

    Last Updated : 2020-08-05
  • Magdalena   Chapter 13b

    “Fren, may nahanap na akong trabaho!”“Talaga fren, saan yan?”“Malapit lang din dito sa bahay niyo, walking dist

  • Magdalena   Chapter 13a

    Pagkadating nila sa kwarto ay naghubad na si Amanda at nahiga na sa kama. Halatang-halata na gusto na niyang tapusin agad ang k

  • Magdalena   Chapter 12b

    Dahil si Amanda mismo ay nakasaksi ng hindi pangkaraniwan sa buhay, ang kaniyang naging karansan mismo sa bar.

  • Magdalena   Chapter 12a

    Nababagabag itong si Amanda sa mga huling sinabi ni Edna. Tuliro, ‘di malaman ang gagawin. Kanta yata ‘yan ah? So n

More Chapters

Reviews

no comment
No comment yet

Chapters

Read

Download

You might like

Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)
Behind that mask (Tagalog)
Possessive (Dark Seduction Series#1) TAGALOG (COMPLETED)
Sweet Mistake (Tagalog)
Dominant Series 5: Intruder (Tagalog)
The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)
Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)

Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)

Li'l Lily

Mila Alfonzo transferred at Angel Clever University- isang kilalang pribadong eskuwelahan sa siyudad. Ang tanging makakapasok lamang ay ang mga taong matatalino at mayayaman.As a transfer student from rural, hindi naging madali ang lahat sa kaniya. No one wants to befriend on her just because of having a curly hair and brownish skin. At kung anu-anong klase na rin ng pambu-bully ang ginawa ng mga kaklase niya sa kanya.Sa kabila ng panlalait at pananakit na ginagawa sa kaniya, nagagawa pa rin niyang maging matatag. Pero anong mangyayari kapag makilala niya ang pitong nagguwa-guwapohang lalaki na hinahangaan ng lahat? Magbabago ba ang pakikitungo ng lahat sa kaniya? O mas lalong lumala lang ang sitwasyon niya?Written and Cover Artwork by Li'l Lily

download Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)Download the book on the App

To Readers

Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2  FEI

Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy