Download the book for free
Kabanata 5
Author: Cheng Montevista“FREE taste kayo diyan! Free taste!”
Malakas na bulahaw ni Olivia sa harapan ng mamimili. Halos mautas na siya kakalako ng paninda sa mga ito upang bumili ng mga binebenta niya. Isa siyang promodizer ngayon. Pansamantala lang naman ito dahil nahihirapan siyang mag-apply sa mga kilalang kompanya dahil kulang siya sa karanasan. Nanghihinayang kasi siya sa kikitain ng raket niya ngayon kaya pinatos na niya. Isa pa ang kuya Brando niya ang nagrekomenda ng trabahong ito sa kanya. Nahihiya naman siyang tumanggi.
“Miss, magkano ang produkto niyo?” Sa wakas ay may nagtanong rin na customer sa kanya.
“400-hundred pesos po madam per pack.” Sagot niya. Mga preservative foods ang binebenta niya. Kailangan pa niyang lutuin ang mga ito para may matikman na libre ang mamimili.
“Ang mahal naman. Lakas makatubong lugaw.” Reklamo nito.
“Bibili ho ba kayo madam? Kasi kung hindi malaya kayong umalis.” Pagtataray niya.
“Hmp! Ang sungit naman ng tindera na 'to. Akala mo naman kung sinong kagandahan.” Anang babae sa kanya at saka umalis na sa harapan niya.
Mabuti na lamang ay aircon ang mall at nabawasan ang pagkairita niya. Simple lang naman, kung ayaw bumili edi umalis. Hindi naman niya pinipilit. Ang lagay, siya pa ang kailangan mag-adjust. At saka kasalanan ba niyang mahal magpresyo ang intsik na may ari ng paninda niya.
Nagsimula muli siyang magsalita sa lapel na nakadikit malapit sa bibig niya. Lahat ng mabulaklak na salita ay sinabi na niya para lang mabentahan. Pero litian! Hindi pa niya naabot ang kota. May krisis ba ngayon ang pinas? Mukhang ang komisyon niya ay magiging konsumisyon ata.
“Bumili na kayo! Murang mura lang! Free taste before you buy! Swak na swak sa panlasa!” animo'y naglalako sa palengkeng tinda niya.
Pero dedma pa rin ang mga tao. Namataan niya ang tsekwang may-ari ng tinitinda niya papunta sa pwesto niya. Maagap niyang inayos ang mga kalat. Napatingin siya sa orasang pambisig, alas-kwatro na pala ng hapon at ganitong oras mismo ito nag-iikot sa bawat stall na pagmamayari nito.
“Ako inspeksyon kaya ako dito. Ikaw Olivia kamusta benta?” anang intsik nang makalapit sa kanya.
“Ako may benta pero 'di abot kota.” Aniya na napapagaya na rin dito.
“Ako inis na sayo. Ilang araw ikaw 'di abot kota. Kapag ito tuloy tuloy walang kota ikaw tanggal ko na." anang amo niya.
“Bawas ikaw presyo iyong tinda para tao bili.” Palusot pa niya.
“Hindi pwede! Ako lugi kapag bawas presyo! Ikaw ayos tinda para tao bili!”
Napasimangot siya. Mukhang kailangan talaga niya ng pasensya pa para makabenta. “Bwisit na tsekwa 'to. Ayaw magpalamang.” bulong niya sa sarili.
“Ano sabi mo?” tanong nito na mukhang narinig ang sinabi niya.
“Sabi ko. Chitae ganda lalaki.”
“Sino Chitae?”
“Ikaw ay este iyong bodegero sa warehouse.” Pinilpil niya ang bibig. Gusto niyang matawa pero pinigil niya ang sarili. “Boss, ikaw bantay muna tinda. Ako punta bodega kuha supply.” Utos niya rito. Kailangan niya kumuha ng iba pang supply para pang display sa estante.
“Sige. Basta ikaw balik agad.” Pagpayag nito.
Kaagad na nagtungo si Olivia sa warehouse partikular sa freezing area. Naroon si Heat—ang tinutukoy niyang bodegero, na noo'y nakapatong sa mga karton at nagpapahinga. Naglulugaw na naman ang loko. Hindi sila close nito dahil malakas ang hangin sa katawan nito porket maitsura. Signal number 1 palang ay pakiramdam niya, liliparin na siya. Kaibigan ito ng kuya Brandon niya. Hindi niya alam na magkikita sila rito hanggang sa nakita na lang niya ito noong nagsimula siya sa trabaho. Nagbubuhat ito ng mga delivery galing sa mga supplier ng araw na iyon.
Nilapitan ni Olivia si Heat at tiningnan. Topless at labas ang mga pandesal sa tiyan ng lalaki. Parang puwet ng sanggol na pinagpatong patong. Tumaas ang tingin niya sa mukha nitong mahiming na natutulog. Gwapo pala talaga ang loko sa malapitan. Hindi na siya magtataka kung bakit matunog ang pangalan nito sa lugar nila. Heat the sexy as fuck ang tawag dito ng mga tao. Mayroon itong katawan na tipong nirarampa sa catwalk.
Kung tutuusin, hindi ito mukhang bodegero lang. Kutis mayaman bagama't moreno. Wala siyang alam sa lalaki maliban sa kaibigan ito ng kuya Brando niya at bagong dayo lang sa lugar nila. Sa totoo lang, may kahawig ito na hindi niya masabi kung sino.
Biglang may sumagi sa isip ni Olivia na kapilyahan. Nilabas niya ang pentel pen sa bulsa at nagsimulang drawingan ang mukha ni Heat. Nakailang doodle siya roon bago ito nagising at gulat ng makita siya. Mabilis niyang itinago ang pentel pen sa likod niya.
“What are doing here?” pupungas pungas itong tumayo.
Lihim na nagbunyi ang loob ni Olivia dahil wala itong kaalam alam na may drawing ang mukha nito. Ang isa pang rason kung bakit nayayabangan siya rito ay ang pagiingles nito ng wala sa lugar. Dakilang bodegero lang naman pero kung umasta akala mo tagapagmana ng mga Quangco. Ganunpaman, bagay rito ang pagiging conyo nito at tila ba sanay na sa paggamit ng lengguaheng banyaga.
“Kukuha ako ng supply masama ba?” pagsusungit ni Olivia at saka muling sumulyap sa abs nito bago ito makapagsuot ng saplot.
“No. There's nothing wrong with that but the wrong is, you keep staring to my naked body while I'm sleeping.”
Umawang ang bibig niya. “H-hoy! Ang kapal mo naman mister! H-hindi ko tinitingnan 'yang katawan mo noh. Marami niyan sa Europe pero mga humble. Hindi kagaya mo, assuming. Sukat ba namang isipin na tinitingnan ko ang katawan mo. The nerve!” naipaypay niya ang palad sa mukha at nagiwas ng tingin. Nakita kaya nito ang pagtitig niya sa mga tinapay nito?
“E 'di hindi kung hindi. Dami mo'ng sinabi. You're so defensive. Napaghahalataan ka tuloy.” Ani Heat at saka tumayo. “Tabi, may trabaho pa ako.” Akmang lalagpasan siya nito pero pinigilan niya.
“T-teka, aalis ka na?”
“Why?”
“Pwede patulong namang buhatin iyong mga produkto ko. Mabigat kasi eh.” Pakiusap niya.
“No. Trabaho mo 'yan kaya gawin mo.” anito, hindi man lang naawa sa pakiusap niya. Ang yabang talaga! Samatalang natutulog lang naman sa oras ng trabaho. Eh kung isumbong kaya niya ito sa supervisor.
“Sige na please. Pumayag ka na at hinihintay na ako ng amo ko sa labas.” Huling hirit niya.
Naitikom niya ang bibig ng ilapit nito ang mukha sa kanya. “Ang tinutulungan ko lang ay iyong mga magaganda. Bakit maganda ka ba?”
Aba bastos to ah! Sasapukin niya sana ito subalit mabilis itong tumalikod at walang lingong naglakad palayo. Itinaas lang nito ang kamay bilang pamamaalam.
Napapadyak si Olivia sa sobrang inis. Sinipa niya ang karton na malapit sa kanya. Natigilan siya nang may marinig siya sa may pinakamadilim na parte ng bodega. Parang may kumakaluskos. Naglakad siya palapit roon. Mas lumakas ang kaluskos. Kinabahan na siya kaya naisip niyang umalis nalang pero may kung sino ang nagtakip ng panyo sa ilong niya. May naamoy siyang kemikal roon kaya tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 37
SA tapat ng Pajanel Mansion hininto ni Gaurish ang kotse. Pinagpawisan ng malagkit sa noo si Olivia. “B-bakit dito mo ako dinala?” naguguluhang tanong niya kay Gaurish. Susugod sila ng walang kahit anong paghahanda? Para na rin silang sumugod sa gera ng walang armas. “Haharapin ko sila. I will prove to you that I can protect you from them, Olivia.” kinalas nito ang seatbelt bago binuksan ang pinto.Natuod si Olivia sa kinauupuan. Tama ba ang narinig niya? Haharapin nila ang matanda ng magkasama? Pumintig ng malakas ang puso niya. “Isa pa, ito naman ang dapat na ginawa ko simula pa lang. I'm the one who should be blame for all this mess. I will talk to Senyor Rodrigo. Pakikiusapan ko siyang i-atras ang kaso laban sayo.”“As if namang mababago mo ang isip ni lolo.” sarkastikong bara niya rito.“Trust me, I will.” Pinagbuksan siya ni Gaurish ng pinto dahilan upang mapilitan siya umah
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 36
BAGO pa lunurin si Olivia ng sariling damdamin ay buong lakas niyang tinulak si Gaurish. Bahagya lamang napaatras ang lalaki ngunit hindi natinag sa pagyakap sa kanya. Walang epekto ang pagtulak na ginawa niya. “Umalis ka na Gaurish,” halos pagal lamang iyon sa bibig ni Olivia. She really doesn't want him to go but it's needed. Masiyado ng magulo ang buong sitwasyon. Gusto siyang ipakulong ng mga Pajanel. Baka madamay pa ito kapag pumayag siyang magpatianod sa nararamdaman. Minsan, ang sariling damdamin ang mahigpit na kalaban ng tao. Dahil madalas na nagpapalamon sa bugso ng damdamin ang karamihan kaysa pairalin ang utak. “Pakiusap, payagan mo akong samahan ka. Dito lang ako sa tabi mo. Inaayos ko na ang lahat. Pananagutan ko ang kaguluhan na ito. Hindi ko hahayaang galawin ka nila.” Inilayo ni Gaurish mula sa kanya ang sarili upang tingnan siya ng marubdob. Nakahawak ang malambot nitong kamay sa dalawang pisngi niya. Puno ng pagsusumam
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 35
HUMIWALAY si Olivia sa yakap ni Heat nang marinig niya ang pag-ungol ng kanyang ama. Laking tuwa niya nang makitang may malay na ito. “Tay, tay, salamat sa Diyos at gising kana.” Lunapit siya rito. Panay ang usal niya ng pasasalamat habang hawak hawak ang mga kamay nito. “Thanks God, I will just call the doctor, Olivia,” ani Heat at saka lumabas upang tumawag ng doktor. Bagama't may malay na ang kanyang ama ay nananatili lamang itong nakadilat at hindi nagsasalita. Dumating ang doktor pagkalipas ng segundo. Magkatabi si Olivia at Heat habang pinanonood ang ginagawang pagsusuri ng doktor sa kanyang ama. She was praying quietly na maging ayos ang resulta. Ibinaba ng doktor ang esthetoscope pagkatapos ay lumapit sa kanya.“Your father is stable now. Makakahinga na kayo ng maluwag. One week from now, maari ng ma-discharge ang pasyente. Basta siguraduhin na tuloy tuloy ang p
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 34
HABOL ang hininga ni Olivia habang naglalakad sa pasilyo ng hospital. Nasa likuran niya si Heat na noo'y nakasunod sa kanya. Ayaw pa nga siya nitong pasunurin dito sa hospital ngunit nagpumilit siya. Sising-sisi siya sa mga nangyayari. Si Heat ang nagtanong sa nurse kung saang kwarto naka-confine ang kanyang ama. She was sweating so bad. Sinagot naman ng nurse kung saan iyon at agad iyong tinungo ni Olivia. Hindi na niya naantay si Heat. Ginalugad niya ang numero ng kwarto at agad iyong nahanap. Binuksan niya ang seradura at bumungad sa kanya ang kanyang ina at kapatid. Nakaratay naman sa kama ang kanyang ama. Nadurog ang puso niya sa nakita.“Olivia!” nagulat ang kanyang ina nang makita siya. “Nay!” Lumapit siya at niyakap ito. “B-bakit nandito ka anak? Hindi ba at nasa ibang bansa ka? Kailan ka pa nakauwi?” nagtatakang tanong ng kanyang ina nang mapaghiwalay sila. Nakagat n
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 34
SA isang matayog na condo unit dinala si Olivia ni Heat. Hindi niya alam sa sarili kung bakit siya nagpapatianod sa lalaki. Komportable siya rito. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa tabi ni Heat. Ang daming nangyari ngayong gabi. Gulong gulo ang kanyang utak. She didn't think straight. Pumasok sila ni Heat sa elevator. Iginiya siya nito sa isang condo unit at pinindot ang pin code roon at saka nagtuloy tuloy sa pagpasok. Sumalubong sa kanila ang dalawang lalaki na magkapareho ang mukha pati na ang tangkad. Parehong gwapo at matikas ang tindig. They're twins, she thought. "Heat, I just saw her on the news." Pagtukoy sa kanya ng isa sa kambal. Bahagya pa siyang itinuro. "Kalat na kalat sa balita ang gulo sa pamilya ng Pajanel."Lumala ang gulo sa utak ni Olivia. Mukhang nakarating na sa mga taong ito ang problemang pinasok niya. Gusto niyang mapaupo dahil nanghihina ang tuhod niya.
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 33
UNEDITED. This chapter is dedicated to Ma'am Hertan and to our all OFW's********MARAHAS na singhap ang namutawi sa bibig ni Olivia nang sabihin iyon ni Gaurish. Mainit iyon sa puso. Lihim siyang nangarap na sana ay nasa iba silang pagkakataon kung saan maari siya nitong mahalin. “Don't be scared, I'm just here. . .” muling bulong ni Gaurish sa kanya. Tinaasan siya ng balahibo sa tainga. Wala na sa kanila ang spotlight kundi sa mga nagsasayaw na sa gitna ng dance floor. The guest are minding their own business now. Ang matandang Pajanel ay nakikipagusap ngayon sa mga panyero nito. Hindi na rin mahagilap ni Olivia sa paligid si Nimfa at Tamara. Abala naman ang dalawa pa niyang pinsan na si Goldwyn at Kenneth sa pakikipagusap sa mga kababaihan. “Salamat, Gaurish.” She said to him. Nagagalak si Olivia dahil kahit paano, tunay nga naman na nasa tabi niya i
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 30
PAPASOK na sana si Olivia sa kanyang silid nang biglang may humablot sa kamay niya at malakas na ipiniid sa pader. Nasindak siya nang makitang si Nimfa iyon. Nanlilisik ang mata ni
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 29
NAGING mabilis ang paglipas ng mga araw at buwan. Olivia and Gaurish became strangers to each other. Tinotoo niya ang pagpatay ng nararamdaman para sa lalaki. Sapat na iyong ipahiya siya nito sa babaeng kasama nito sa opisina.
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 28
“CRUSH lang naman kita ah! Bakit kung magsalita ka parang mahal na kita? Sinabi ko ba'ng i-crush back mo ko? H'wag ka'ng assuming, hindi kita mahal noh!” muntikan ng pumiyok ang tinig niya sa huling linya. Kahit buo ang loob niya ay ramdam niya ang pangingilid ng luha. nag-iinit ang p
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 27
BUONG akala ni Olivia, pagkatapos nilang masukatan sa botique shop ay deretso uwi na sila mansiyon. Ngunit ang magaling na si Tamara, humirit pa'ng dumaan muna sa mall upang mag-ayang kumain sa paborito nitong restaurant. Pumayag na rin Gaurish sa gusto ni Tamara dahil nakaramdam na rin siguro it
