loading
Home/ All /Heiress for Hire (Filipino)/Kabanata 6

Kabanata 6

Author: Cheng Montevista
"publish date: " 2020-07-30 02:01:10

NAGISING si Olivia mula sa kawalang-malay. Kaagad niyang inilibot ang mata sa lugar. Nasa loob siya ng opisina. Marangya, mabango at malaki. Sinubukan niyang kumilos ngunit ang kamay niya ay nakagapos gano'n rin ang kanyang mga paa. Nakalotus posisyon siya ngayon sa isang mahabang sofa. May busal ang bibig habang impit na umuungol. 

“Glad you're awake.” 

Isang barotinong boses ang pumasok mula sa pinto pagkatapos ay iniluwa roon ang isang lalaking abuhin ang mata. Nanlaki ang mata ni Olivia nang makilala ito—si Mr. Gaurish Del Fredo. Ito ang kumuha sa kanya sa bodega. Lumakas ang ungol niya. Nagmistulan siyang uod sa kagustuhan niyang makakilos. 

“Stop moving Miss Cosme, mapapagod ka lang.” Naglakad ito palapit sa kanya at inalis ang busal niya sa bibig. 

“Pakawalan mo ko, Mr. Del Fredo! Mahirap lang ang pamilya ko kaya wala silang ipangraransom sa akin!” Singasing niya kaagad  rito. Alam niyang galit ito sa kanya sapagkat binato niya ito at sinipa sa tuhod. Ngunit hindi niya naisip na hahantong sa sukdulat na ipapakidnap pa siya nito. Mas lalong nagulo ang isip niya. Baka totohanin nito na ipatapon siya sa labas ng Pilipinas. 

“You're right Miss Cosme. Wala nga namang pera ang mga magulang mo para piyansahan ka. Pero ako, marami. At kayang kaya kitang ipatapon sa dead sea at ipakain sa mga pating.” Ani Mr. Del Fredo sa malalim na boses.  

Lumaki ang butas ng ilong ni Olivia. Pati na rin ata ang tumbong niya ay nakijoin force. “Maawa ka! Gusto ko pa mapaayos ang bahay namin Mr. Del Fredo! Gusto ko pang makapag-asawa ng AFAM at mabuntisan! Ayokong mamatay na virgin!”

Pagkasabi noon ay pumasok ang lalaking naka-cardigan na parang tulad sa isang detective. Nakagat ni Olivia ang labi. Bahagya siyang nahiya sa isinigaw niya. 

“Finally you're here, detective.” Ani Mr. Del Fredo na hindi man lang tinablan sa pakiusap niya. Acting like heartless billionaire ang peg nito. 

“Mr. Del Fredo, ito na ang mga kontratang pinadadala niyo sa akin. At ang mga nalikom kong detalye tungkol sa nagngangalang Olivia Cosme.” Anang bagong dating na detective. Inabot nito ang folder kay Mr. Del Fredo na tinanggap naman ng huli. 

“Ako yun ah! Ako si Olivia Cosme! Bakit mo ko pinaimbestigahan Mr. Del Fredo? Wala akong kaso! I'm clean. Malinis ang record ko! I-check mo pa sa National Bureau of Investigation!” nakakabinging sigaw ni Olivia sa mga ito. 

Napatakip naman ng tainga ang Detective at tumikhim. Tila naiirita sa pagsisigaw niya. 

“Will you please shut your mouth o tutuluyan na talaga kitang ipakain sa mga pating?” asik  ni Mr. Del Fredo kay Olivia. Nadepina tuloy ng husto ang hugis ng jawline nito. 

Naitikom ni Olivia ang bibig hindi dahil sa takot kundi dala ng kagwapuhan nito. Imbis na matakot ay tila hinahangaan pa niya pa ang pagka-dominante ng binata. “Gwapo ka sana kaso kidnaper naman.” Nagmamarkulyong bulong ni Olivia sa sarili. 

“So detective, anong masasabi mo sa kanya? Did she look like a Pajanel?” tanong ni Mr. Del Fredo sa detective. 

“Kamukha nga siya ng matandang Pajanel. Magagamit mo siya sa mga pinaplano mo Mr. Del Fredo. Sayang lamang at hindi siya ang totoong nawawalang apo. Kung nagkataon, hindi ka na mahihirapan pa.”  Anang detective. 

Samantala, wala namang pakialam si Olivia sa pinaguusapan ng dalawa dahil nakaramdam siya ng pagkagutom. Hindi pa nga pala siya nagmemeryenda bago siya kidnapin ng damuhong Mr. Del Fredo na ito. Nananakit na ang kalamnan niya sa pagkakahiga. She wanted to sit but she cannot move properly. 

“Good. At least, I have found the perfect one. At first, I didn't noticed her resemblance to the old Pajanel. But looking at her now, nakikita ko ang pagkakahawig nilang dalawa.” Ani Mr. Del Fredo sa detective habang matamang nakatingin sa kanya. Inirapan ito ni Olivia. 

“Tama ka, Mr. Del Fredo. Ang problema nalang ay kung paano mo mapapapayag ang babaeng  ito na magpanggap.” 

“I have my ways.” Tipid lamang na sagot ni Mr. Del Fredo. 

“Okay then, iwan ko na kayong dalawa. May aasikasuhin pa ako. Goodbye Mr. Del Fredo.” Paalam ng detective. 

Tumango lamang si Mr. Del Fredo bilang pagsangayon. He did not even smile to the detective. Walang ka-manner manner. Bagsak siguro ito sa values education noong nag-aaral ito. Iyon ang mga tumatakbo sa isip ni Olivia at hindi niya namalayang nasa harapan na niya si Mr. Del fredo. Hindi lamang basta nasa harapan, kundi hibla lamang ang layo nito sa mukha niya. Nahugot tuloy niya ang hininga. 

Jusko! Gutom ako baka maamoy niya ang ulam na kinain ko kagabi kapag huminga ako!  Piping sabi ng isip niya. 

“Listen, pakakawalan kita mula sa pagkakatali sayo basta makikinig at papayag ka sa mga sasabihin ko sayo.” 

Tumango na lamang siya rito. She doesn't want to speak. Baka maamoy nito ang ginamos na ulam niya kagabi. 

“Good,” anito.

Muntikan na siyang maihi nang ngumiti ang lalaking mailap sa emosyon. That was a rare smile. And a genuine one. 

Kinalag nito ang mga gapos niya at laking ginhawa niya ng makaupo siya ng maayos sa sofa. 

“Paano mo ako nadala dito? Nasa bodega ako kaya paano mo ako nailabas sa mall?” gagad niyang tanong rito. 

“Hindi kita nailabas. Narito ka pa rin sa establisyemento ko. Iyon nga lang, narito ka sa aking opisina. And yes, isa sa mga pagmamay-ari ko ang mall na pinagtatrabahuan mo.”

Namangha siya sa narinig. Wala siyang kamalay malay na ang pinapasukan niyang mall  ay isa lang sa pagmamayari ni Mr. Del Fredo. He was filthy rich. She cannot deny that. 

“P-pero bakit mo ba ako dinala rito?” Aniya. 

“Nakalimutan mo na ba ang atraso mo? You kicked my knee and I got hospitalized because  of that. Be thankful that I didn't file a case. For now.” 

For now? Ibig sabihin may chance? 

Alanganin ang ngiti ni Olivia sa lalaki. “Patawarin mo na ako Mr. Del Fredo, alam mo kasi minsan talaga sadista ako. Kapag inaatake ako ng nerbyos, hindi ko mapigilan ang sarili ko manakit.” Palusot niya. Hindi talaga siya ganoon. Napilitan lamang siyan gawin iyon upang makatakas. 

“Don't worry, i will forgive you once you agreed to my proposal.” 

Proposal? As in magpopropose ito sa kanya? Teka, hindi pa nga ito nanliligaw ay magpapakasal na agad sila? Ang bilis naman ata nito kumambyo. Hindi porket sinabi niyang virgin siya ay desperada na siyang maikasal. 

Napahawak siya sa kanyang dibdib na parang pinoprotektahan ang dangal. “Wag po koya, wag po...marupok ako...” aniya na parang linya sa isang eksena. 

Napakunot noo naman ito sa kanya. “What are you saying?” nagugulumihanang wika nito. 

“Hindi pa ako handang maikasal Mr. Del Fredo. I'm sorry but I'm declining your proposal. Humanap ka nalang ng babaeng mamahalin ka.” 

Napangiwi ito sa kanya at naiiling na tiningnan siya. “I'm sorry to burst your bubble Miss Cosme but I'm not planning to marry you. Ang proposal na sinasabi ko ay ang magpanggap ka bilang tagapagmana.” 

Siya naman ngayon ang nagulumihanan sa sinabi nito. Magpapanggap na ano? “Pakilinaw nga please.” 

Tumayo ito at malatoreng tumunghay sa kanya. “You need a job right? In fact, sa sobrang kailangan mo nga ng trabaho you even stalked me anywhere. Nagawa mo'ng ipasagasa ang sarili mo para lang makausap ako na tanggapin ka sa trabaho. Am I right?” 

Tumango siya ng sunod sunod. Wala talagang maililihim kahit naliit na sekreto mula rito.

“Deretsuhin mo na ako.” 

“I'm giving you a chance Miss Cosme. Na maaring makapagpabago ng buhay mo. One hundred million pesos, kapalit ng pagpapanggap mo. Plus, hindi na kita idedemanda sa pananakit mo sakin.” 

Tila nalula si Olivia sa lahat ng pinagsasabi ni Mr. Del Fredo. Hindi maarok ng mga tiny brain cells niya ang lahat. Willing itong bayaran siya ng isang daang milyon para lang pumayag na magpanggap. Ano namang klaseng pagpapangap ang kailangan niyang gawin at ganoon na lamang ito magwaldas ng pera. 

“Anong klaseng trabaho ba talaga ang gagawin ko?” nagawa niyang itanong sa wakas. Bagamat may ideya na siya base na rin sa narinig niyang paguusap nito at ng detective ay kailangan pa rin niya ng kumpirmasyon.

Ngumisi ito. Isang nakakatakot na ngisi na nakapagpataas ng balahibo niya. “I am finally hiring you to be the fake heiress of Pajanel clan.”

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 37

SA tapat ng Pajanel Mansion hininto ni Gaurish ang kotse. Pinagpawisan ng malagkit sa noo si Olivia. “B-bakit dito mo ako dinala?” naguguluhang tanong niya kay Gaurish. Susugod sila ng walang kahit anong paghahanda? Para na rin silang sumugod sa gera ng walang armas. “Haharapin ko sila. I will prove to you that I can protect you from them, Olivia.” kinalas nito ang seatbelt bago binuksan ang pinto.Natuod si Olivia sa kinauupuan. Tama ba ang narinig niya? Haharapin nila ang matanda ng magkasama? Pumintig ng malakas ang puso niya. “Isa pa, ito naman ang dapat na ginawa ko simula pa lang. I'm the one who should be blame for all this mess. I will talk to Senyor Rodrigo. Pakikiusapan ko siyang i-atras ang kaso laban sayo.”“As if namang mababago mo ang isip ni lolo.” sarkastikong bara niya rito.“Trust me, I will.” Pinagbuksan siya ni Gaurish ng pinto dahilan upang mapilitan siya umah

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 36

BAGO pa lunurin si Olivia ng sariling damdamin ay buong lakas niyang tinulak si Gaurish. Bahagya lamang napaatras ang lalaki ngunit hindi natinag sa pagyakap sa kanya. Walang epekto ang pagtulak na ginawa niya. “Umalis ka na Gaurish,” halos pagal lamang iyon sa bibig ni Olivia. She really doesn't want him to go but it's needed. Masiyado ng magulo ang buong sitwasyon. Gusto siyang ipakulong ng mga Pajanel. Baka madamay pa ito kapag pumayag siyang magpatianod sa nararamdaman. Minsan, ang sariling damdamin ang mahigpit na kalaban ng tao. Dahil madalas na nagpapalamon sa bugso ng damdamin ang karamihan kaysa pairalin ang utak. “Pakiusap, payagan mo akong samahan ka. Dito lang ako sa tabi mo. Inaayos ko na ang lahat. Pananagutan ko ang kaguluhan na ito. Hindi ko hahayaang galawin ka nila.” Inilayo ni Gaurish mula sa kanya ang sarili upang tingnan siya ng marubdob. Nakahawak ang malambot nitong kamay sa dalawang pisngi niya. Puno ng pagsusumam

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 35

HUMIWALAY si Olivia sa yakap ni Heat nang marinig niya ang pag-ungol ng kanyang ama. Laking tuwa niya nang makitang may malay na ito. “Tay, tay, salamat sa Diyos at gising kana.” Lunapit siya rito. Panay ang usal niya ng pasasalamat habang hawak hawak ang mga kamay nito. “Thanks God, I will just call the doctor, Olivia,” ani Heat at saka lumabas upang tumawag ng doktor. Bagama't may malay na ang kanyang ama ay nananatili lamang itong nakadilat at hindi nagsasalita. Dumating ang doktor pagkalipas ng segundo. Magkatabi si Olivia at Heat habang pinanonood ang ginagawang pagsusuri ng doktor sa kanyang ama. She was praying quietly na maging ayos ang resulta. Ibinaba ng doktor ang esthetoscope pagkatapos ay lumapit sa kanya.“Your father is stable now. Makakahinga na kayo ng maluwag. One week from now, maari ng ma-discharge ang pasyente. Basta siguraduhin na tuloy tuloy ang p

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 34

HABOL ang hininga ni Olivia habang naglalakad sa pasilyo ng hospital. Nasa likuran niya si Heat na noo'y nakasunod sa kanya. Ayaw pa nga siya nitong pasunurin dito sa hospital ngunit nagpumilit siya. Sising-sisi siya sa mga nangyayari. Si Heat ang nagtanong sa nurse kung saang kwarto naka-confine ang kanyang ama. She was sweating so bad. Sinagot naman ng nurse kung saan iyon at agad iyong tinungo ni Olivia. Hindi na niya naantay si Heat. Ginalugad niya ang numero ng kwarto at agad iyong nahanap. Binuksan niya ang seradura at bumungad sa kanya ang kanyang ina at kapatid. Nakaratay naman sa kama ang kanyang ama. Nadurog ang puso niya sa nakita.“Olivia!” nagulat ang kanyang ina nang makita siya. “Nay!” Lumapit siya at niyakap ito. “B-bakit nandito ka anak? Hindi ba at nasa ibang bansa ka? Kailan ka pa nakauwi?” nagtatakang tanong ng kanyang ina nang mapaghiwalay sila. Nakagat n

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 34

SA isang matayog na condo unit dinala si Olivia ni Heat. Hindi niya alam sa sarili kung bakit siya nagpapatianod sa lalaki. Komportable siya rito. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa tabi ni Heat. Ang daming nangyari ngayong gabi. Gulong gulo ang kanyang utak. She didn't think straight. Pumasok sila ni Heat sa elevator. Iginiya siya nito sa isang condo unit at pinindot ang pin code roon at saka nagtuloy tuloy sa pagpasok. Sumalubong sa kanila ang dalawang lalaki na magkapareho ang mukha pati na ang tangkad. Parehong gwapo at matikas ang tindig. They're twins, she thought. "Heat, I just saw her on the news." Pagtukoy sa kanya ng isa sa kambal. Bahagya pa siyang itinuro. "Kalat na kalat sa balita ang gulo sa pamilya ng Pajanel."Lumala ang gulo sa utak ni Olivia. Mukhang nakarating na sa mga taong ito ang problemang pinasok niya. Gusto niyang mapaupo dahil nanghihina ang tuhod niya.

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 33

UNEDITED. This chapter is dedicated to Ma'am Hertan and to our all OFW's********MARAHAS na singhap ang namutawi sa bibig ni Olivia nang sabihin iyon ni Gaurish. Mainit iyon sa puso. Lihim siyang nangarap na sana ay nasa iba silang pagkakataon kung saan maari siya nitong mahalin. “Don't be scared, I'm just here. . .” muling bulong ni Gaurish sa kanya. Tinaasan siya ng balahibo sa tainga. Wala na sa kanila ang spotlight kundi sa mga nagsasayaw na sa gitna ng dance floor. The guest are minding their own business now. Ang matandang Pajanel ay nakikipagusap ngayon sa mga panyero nito. Hindi na rin mahagilap ni Olivia sa paligid si Nimfa at Tamara. Abala naman ang dalawa pa niyang pinsan na si Goldwyn at Kenneth sa pakikipagusap sa mga kababaihan. “Salamat, Gaurish.” She said to him. Nagagalak si Olivia dahil kahit paano, tunay nga naman na nasa tabi niya i

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 16

“APO, simula ngayon ay hatid sundo ka na ng personal driver mo. Kahit saan ka pumunta ay dapat magsabi ka kay Andoy. Maliwanag ba?” Suot ang magarang damit na pinabili ng matandang pajanel ay tumango si Olivia sa turan n

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 15

"SO cousin, share mo naman kung anong klaseng buhay ang mayroon ka noong hindi mo pa alam na ikaw ang nawawalang apo ni lolo?" Muntik nang mabilaukan si Olivia. Umiinom siya ng tubig nang magtanong ang pinsan na si Tamara. Katabi it

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 14

NAGISING si Olivia sa pamamagitan ng pagdila ng kung anong klaseng bagay sa kanyang mukha. Pagdilat niya ay isang malaking aso ang nakapatong sa katawan niya at malayang sinusubasub ang mukha pababa sa leeg. Agad siyang napabalikwas ng ba

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 13

“AS in dito talaga ako matutulog sa bahay niyo?” Awkward ang pakiramdam ni Olivia. Ngayon lang napiga sa utak niya na sa bahay siya ni Gaurish matutulog. Papasok na sila ngayon sa penthouse nito.

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy