Download the book for free
Kabanata 4
Author: Cheng MontevistaPAWISAN ang noo ni Olivia habang nakatago sa likod ng menu ang mukha niya. Nasa loob siya ng isang coffee shop kung saan naka-disguised siya upang hindi makilala ni Mr. Del Fredo. Kasalukuyan itong nakikipag meeting sa isang business man. Ilang araw na niyang ini-stalk ang masungit na lalaki upang abangan at makausap. Ginawa niyang lahat upang makabalik sa Del Fredo Group of Company ngunit pinagtatabuyan lamang siya ng sekretarya nito hanggang sa na banned na nga siya ng tuluyan sa kompanya nito.
Ibinaba niya ng dahan dahan ang menu at sumilip roon. Inayos niya ang makapal na salamin upang mas malinawan ang bulto ni Mr. Del fredo. Nangangarap niya itong pinagmasdan. He looked so elegant in his formal suit. Nakakaakit ang paraan ng pagsasalita nito sa harapan ng kausap, napakaseryoso at alam na alam ang dapat ikilos. Bagama't hindi ngumigiti ay puno pa rin ito ng karisma. Napakakinis ng mukha at walang kagalos galos. Kahit ang pores nito ay mahihiyang magsilabasan. Sa edad na bente sais ay bihira lamang siyang humanga sa purong pinoy dahil ang mga tipo niya talaga ay iyong katulad ni Mr. Del Fredo. Asian mixed. Kakaiba kasi ang obra kapag pinagsama ang genes ng dalawang magkaibang lahi. Naalala pa niya, pangarap niya dati ang mabuntisan ng isang foreigner kahit hindi na panagutan basta sa kanya ang bata ay ayos lang. Kung si Mr. Del Fredo ang mapapangasawa niya ay araw araw siyang luluhod sa Baclaran ng pabaliktad bilang pasasalamat.
"Ang gwapo talaga ni Mr. Del Fredo," mahina niyang sambit sa buong pangalan ng lalaki. "Kaya lang ay pinaglihi ata sa sama ng loob." Bulong niya sa kanyang sarili at saka sumimsim ng inorder niyang ice tea. Muntikan na siyang mapaubo nang sumulyap si Mr. Del Fredo sa direksyon niya. Mabilis niyang itinago ang mukha sa hawak na menu. Kinabahan siya. Nakilala ba siya nito? Imposible. Sa ayos at porma niya ngayon, pihadong walang makakakilala sa kanya.
Upang makasigurado ay muli niyang inalis ang menu sa mukha at laking gulat niya nang makitang wala na si Mr. Del Fredo sa kinauupuan nito. Tanging kausap na lamang nito ang naroon at mukhang paalis na rin.
Naalarma siya. Nasaan na si Mr. Del Fredo? Agad siyang tumayo at naghanap sa paligid. Nang hindi ito makita ay nagbayad siya sa cashier pagkatapos ay nagtungo sa parking lot. Tiyak na naroon ang lalaki at hindi pa nakakaalis.
Hinihingal na tinakbo niya ang lugar. Namataan niya ang kotse ni Mr. Del Fredo na animo'y aandar na. Dahil na rin sa pagbuntot niya rito ng hindi nito naalalaman ay nakabisado na niya ang itsura at plate number ng sasakyan nito. Dinaig pa niya ang isang obsessed girlfriend sa kakahabol.
Hindi niya papayagan na makaalis si Mr. Del Fredo ng hindi niya nakakausap. She needed the job. She would do everything just to get that fucking job kahit hindi siya sure kung anong klaseng trabaho ba iyon. Ang mahalaga, well compensated. Kung hindi makukuha sa taimtim na dasal, dadanan niya sa marahas na paraan. Kaya bago pa siya malagpasan nito ay lakas loob siyang humarang sa humaharurot na sasakyan. Napapikit siya sa ginawa. Halos mawalan siya ng ulirat nang makita sa harapan ang kotse. Akala niya ay mamamatay na siya.
Mula sa loob ay niluwa roon ang driver ni Mr. Del Freso. Umakto siyang napaupo at nasaktan. Huwag sana siyang biguin ng naiisip niya.
"Aray!" she cried dramatically. Hinaplos haplos niya katawan na parang nananakit sa pagkabangga.
Natatarantang lumapit sa kanya ang driver. "Santisima! Ayos ka lang ba ineng?" nag-aalalang dinaluhan siya nito. Akmang hahawakan siya nito ngunit nagpanggap siyang nasasaktan.
“Aray ko po mama!” Ngawa niya. Mas nilakasan pa niya para mas convincing.
“Kaya mo bang tumayo?”
“Hindi po. Sobrang sakit po ng katawan ko.”
“Sandali! Kakausapin ko lang ang amo ko at dadalhin ka namin sa ospital Miss!” Ani driver.
Bingo! Iyon mismo ang agenda niya. Ang makasama ang amo nito at mabigyan ng pagkakataong makausap.
“What's happeing to her Mang Austin?” mula sa likod ng driver ay sumulpot na si Mr. Del Fredo na nakapamulsa. Sumama ang mukha nito nang makilala siya. “It's you again. Sinusudan mo talaga ako? I thougt I have already escaped from you but here you are again, doing something stupid.”
Aww! Stupid agad? Medyo na-hurt siya sa sinaad nito pero kailangan pangatawanan ang pagpapanggap. Magaling siya sa mga ganito, ang umakting. Whe she was in college, she was a former member of a theater group. Bukod sa mabuntisan ng AFAM at yumaman ay pangarap rin niyang maging sikat na aktres. Now it's time to show her real talent. Hiling niya ay hindi pa iyon kinakalawang.
“S-Sir... nasagasaan ko po ata siya... dalhin po natin siya sa ospital dahil mukhag nasaktan siya.” Suhestiyon ng driver nito.
Upang segundahan ang inaakala ng driver ay pumalahaw siya ng iyak sa parking lot. Nakatawag iyon ng pansin sa gwardiya. “Ang sakit ng ulo ko! Ang sakit ng tuhod ko! Ang sakit ng bewang ko!”
“Sir, isugod na po natin siya sa pinakamalapit na ospital. Ayoko pang makulong.” Kunsumidong saad ng driver ulit sa amo nito.
“Don't mind her, Mang Austin. Umaacting lang 'yan. Wag kang papaloko diyan. Ni walang galos ang katawan niya.” Hatol ni Mr. Del Fredo. Tila scanner ang mata nitong sumusuri sa kanya.
“Anong walang galos? Ako na nga itong nabunggo, ako pa ang nanloloko? Hit and run ang gagawin mo kapag iniwan niyo ako rito!”I shouted at him at the top of my lungs. “Idedemanda ko kayo!”
Walang konsiderasyon siyang tinaasan ng labi nito. “Hindi ka namin sinagasaan. Ikaw ang sumagasa sa sasakyan ko. I should be the one who file a case against you.”
Hindi siya nakaimik. Nabaliktad nito ang pangyayari ng hindi kumukurap. Nginisihan siya nito at saka pinagsiklop ang mga braso. “Let's go Mang Austin.”
“Pero sir, kawawa naman siya...”
“Mas kawawa ang kotse kapag nasakyan niya. Wala tayong pang disinfect sa mga katulad niya.” Anito at saka siya tinalikuran. Napipilitan namang sumunod ang driver nito.
Nagngingitngit ang loob ni Olivia. Ang sakit talaga magsalita ni Mr. Del Fredo. Walang preno. Hindi nagiisip kung may masasaktan sa mga sinasabi nito. Sa sobrang gigil niya ay kinuha niya ang suot niyang sapatos at saka binato ang ulo ni Mr. Del Fredo. Ito lang ang naisip niyang gawin maibsan lamang ang inis.
Narinig niya ang maingay na pagmumura nito pagkatapos ay marahas siyang tiningnan at nilapitan. Nahintakutan siya ng daklutin nito ang braso niya.
“Why did you do that? Hindi mo ba alam ang kaya kung gawin sayo? Kayang kaya kitang ipatapon sa labas ng Pilipinas.” He gritted his teeth. Nangigitim ang abuhin nitong mata.
Inaamin niyang tumatalab sa kanya ang sinabi nito. Ngunit hindi siya padadaig rito. Pinantayan niya ang tingin nito at saka malakas na sinipa ang tuhod nito dahilan upang mabitawan siya nito.
“Shit!” impit nitong daing.
Agad siyang tumakbo ng mabilis paalis ng parking lot. Narinig niya ang pagsigaw nito sa buong pangalan niya kaya mas lalo niyang binilisan ang takbo. Nang makalayo ay saka lang niya narealized ang nagawang katagahan. Nasapo niya ang noo. Sa yaman ni Mr. Del Fredo ay baka ipatapon nga siya nito o kaya ay ipa-salvage.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 37
SA tapat ng Pajanel Mansion hininto ni Gaurish ang kotse. Pinagpawisan ng malagkit sa noo si Olivia. “B-bakit dito mo ako dinala?” naguguluhang tanong niya kay Gaurish. Susugod sila ng walang kahit anong paghahanda? Para na rin silang sumugod sa gera ng walang armas. “Haharapin ko sila. I will prove to you that I can protect you from them, Olivia.” kinalas nito ang seatbelt bago binuksan ang pinto.Natuod si Olivia sa kinauupuan. Tama ba ang narinig niya? Haharapin nila ang matanda ng magkasama? Pumintig ng malakas ang puso niya. “Isa pa, ito naman ang dapat na ginawa ko simula pa lang. I'm the one who should be blame for all this mess. I will talk to Senyor Rodrigo. Pakikiusapan ko siyang i-atras ang kaso laban sayo.”“As if namang mababago mo ang isip ni lolo.” sarkastikong bara niya rito.“Trust me, I will.” Pinagbuksan siya ni Gaurish ng pinto dahilan upang mapilitan siya umah
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 36
BAGO pa lunurin si Olivia ng sariling damdamin ay buong lakas niyang tinulak si Gaurish. Bahagya lamang napaatras ang lalaki ngunit hindi natinag sa pagyakap sa kanya. Walang epekto ang pagtulak na ginawa niya. “Umalis ka na Gaurish,” halos pagal lamang iyon sa bibig ni Olivia. She really doesn't want him to go but it's needed. Masiyado ng magulo ang buong sitwasyon. Gusto siyang ipakulong ng mga Pajanel. Baka madamay pa ito kapag pumayag siyang magpatianod sa nararamdaman. Minsan, ang sariling damdamin ang mahigpit na kalaban ng tao. Dahil madalas na nagpapalamon sa bugso ng damdamin ang karamihan kaysa pairalin ang utak. “Pakiusap, payagan mo akong samahan ka. Dito lang ako sa tabi mo. Inaayos ko na ang lahat. Pananagutan ko ang kaguluhan na ito. Hindi ko hahayaang galawin ka nila.” Inilayo ni Gaurish mula sa kanya ang sarili upang tingnan siya ng marubdob. Nakahawak ang malambot nitong kamay sa dalawang pisngi niya. Puno ng pagsusumam
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 35
HUMIWALAY si Olivia sa yakap ni Heat nang marinig niya ang pag-ungol ng kanyang ama. Laking tuwa niya nang makitang may malay na ito. “Tay, tay, salamat sa Diyos at gising kana.” Lunapit siya rito. Panay ang usal niya ng pasasalamat habang hawak hawak ang mga kamay nito. “Thanks God, I will just call the doctor, Olivia,” ani Heat at saka lumabas upang tumawag ng doktor. Bagama't may malay na ang kanyang ama ay nananatili lamang itong nakadilat at hindi nagsasalita. Dumating ang doktor pagkalipas ng segundo. Magkatabi si Olivia at Heat habang pinanonood ang ginagawang pagsusuri ng doktor sa kanyang ama. She was praying quietly na maging ayos ang resulta. Ibinaba ng doktor ang esthetoscope pagkatapos ay lumapit sa kanya.“Your father is stable now. Makakahinga na kayo ng maluwag. One week from now, maari ng ma-discharge ang pasyente. Basta siguraduhin na tuloy tuloy ang p
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 34
HABOL ang hininga ni Olivia habang naglalakad sa pasilyo ng hospital. Nasa likuran niya si Heat na noo'y nakasunod sa kanya. Ayaw pa nga siya nitong pasunurin dito sa hospital ngunit nagpumilit siya. Sising-sisi siya sa mga nangyayari. Si Heat ang nagtanong sa nurse kung saang kwarto naka-confine ang kanyang ama. She was sweating so bad. Sinagot naman ng nurse kung saan iyon at agad iyong tinungo ni Olivia. Hindi na niya naantay si Heat. Ginalugad niya ang numero ng kwarto at agad iyong nahanap. Binuksan niya ang seradura at bumungad sa kanya ang kanyang ina at kapatid. Nakaratay naman sa kama ang kanyang ama. Nadurog ang puso niya sa nakita.“Olivia!” nagulat ang kanyang ina nang makita siya. “Nay!” Lumapit siya at niyakap ito. “B-bakit nandito ka anak? Hindi ba at nasa ibang bansa ka? Kailan ka pa nakauwi?” nagtatakang tanong ng kanyang ina nang mapaghiwalay sila. Nakagat n
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 34
SA isang matayog na condo unit dinala si Olivia ni Heat. Hindi niya alam sa sarili kung bakit siya nagpapatianod sa lalaki. Komportable siya rito. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa tabi ni Heat. Ang daming nangyari ngayong gabi. Gulong gulo ang kanyang utak. She didn't think straight. Pumasok sila ni Heat sa elevator. Iginiya siya nito sa isang condo unit at pinindot ang pin code roon at saka nagtuloy tuloy sa pagpasok. Sumalubong sa kanila ang dalawang lalaki na magkapareho ang mukha pati na ang tangkad. Parehong gwapo at matikas ang tindig. They're twins, she thought. "Heat, I just saw her on the news." Pagtukoy sa kanya ng isa sa kambal. Bahagya pa siyang itinuro. "Kalat na kalat sa balita ang gulo sa pamilya ng Pajanel."Lumala ang gulo sa utak ni Olivia. Mukhang nakarating na sa mga taong ito ang problemang pinasok niya. Gusto niyang mapaupo dahil nanghihina ang tuhod niya.
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 33
UNEDITED. This chapter is dedicated to Ma'am Hertan and to our all OFW's********MARAHAS na singhap ang namutawi sa bibig ni Olivia nang sabihin iyon ni Gaurish. Mainit iyon sa puso. Lihim siyang nangarap na sana ay nasa iba silang pagkakataon kung saan maari siya nitong mahalin. “Don't be scared, I'm just here. . .” muling bulong ni Gaurish sa kanya. Tinaasan siya ng balahibo sa tainga. Wala na sa kanila ang spotlight kundi sa mga nagsasayaw na sa gitna ng dance floor. The guest are minding their own business now. Ang matandang Pajanel ay nakikipagusap ngayon sa mga panyero nito. Hindi na rin mahagilap ni Olivia sa paligid si Nimfa at Tamara. Abala naman ang dalawa pa niyang pinsan na si Goldwyn at Kenneth sa pakikipagusap sa mga kababaihan. “Salamat, Gaurish.” She said to him. Nagagalak si Olivia dahil kahit paano, tunay nga naman na nasa tabi niya i
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 12
“DON'T be nervous. They're not gonna eat you. Unless they'll know who you truly are.” Batid ni Olivia na si sinusubukan lamang siyang pakalmahin ni Gau
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 11
“ANO ayos ka na ba kuya? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?” Naghihiwa si Olivia ng mansanas at ibinigay sa kapatid niyang si Brando ang mga natapos na niyang balatan. Kinain naman iyon ng kapatid bago suma
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 10
“ACHUU!” suminghot singhot si Olivia pagkatapos mabahing. Pinunasan niya ang ilong habang masama ang tingin niya kay Mr. Del Fredo. Dahil dito ay mukhang magkakasakit pa ata siya sa pagkabasa sa tubig.
Heiress for Hire (Filipino) Kabanata 9
MATAYOG na penthouse ang nabungaran ni Olivia. Tulad ng sinabi ng sekretarya ni Mr. Del Fredo na si Dianna ay maaga pa lamang ay narito na siya kung saan nakatira ang magiging amo niya. Kahit nasa labas pa lamang siya ay na pa-wow na siya sa napakagandang disenyo ng
