loading
Home/ All /Heiress for Hire (Filipino)/Kabanata 2

Kabanata 2

Author: Cheng Montevista
"publish date: " 2020-07-30 01:47:26

“Anak, magkape ka muna.” 

Naibaba ni Olivia ang diyaryong binabasa, partikular iyon sa classified adds. Minsan tumitingin rin siya sa mga job sites tulad ng indeed at job street pero 'di niya feel iyon. Pakiramdam niya ay puro scammer ang mga naroon. Tulad ng magulang niya, naiscam siya. Hindi naman na masama ang loob niya. Kaunti lang. Natanggap na niya ang paliwanag ng mga magulang pero may parte pa rin sa loob niya ang nanghihinayang. 

“Pakilapag na lang po, nay.” Aniya. Ibinalik niya ang tuon sa ginagawang pagbabasa. Ginuguhitan niya ang mga kompanyang hindi pasok sa qualifications niya. 

Inilapag naman ng kanyang inay ang tasa ng kape sa lamesang yari sa kahoy. Kumpara sa mga kagamitan nila, ito lang ang masasabi niyang maayos at matibay. Ang iba ay puro mga nabubulok na. Mukhang magagamit niya ang natitirang savings para pagandahin ang bahay kahit paano. 

“Anak, ano ba ang tinitingnan mo diyan sa diyaryo at kanina ka pa abalang abala?” kuryosong tanong ng inay niya. Hinila nito ang bakanteng upuan at saka umupo roon. Wala ang tatay niya kasama ng kanyang kuya na pumasada ng jeep. Iyon ag kinabubuhay ng kapatid niya. 

“Naghahanap ho ako ng trabaho nay. Kailangan po eh. Hindi naman ganoon kalakihan ang naipon ko. Mga ilang buwan lang, mauubos rin iyon. Plano ko, magapply sa ibang kumpanya kung saan magagamit ko na ang natapos ko.” 

Nagtapos siya sa kursong Business Administration sa isang pampublikong paaralan. Iskokar siya ng bayan. Ngunit nang makatapos ay mas pinili niyang magpakaalila sa dayuhang bansa dahil mas malaki ang kita. She choose to be practical. Mas gusto niya ang dolyares kaysa sa peso. Ang tawag nga sa kanya ng mga nakakakilaka sa kanya, mukhang pera. Kahit naman sino, kung nakaranas ng paghihikahos sa buhay ganun rin ang magiging pananaw. Walang bagay sa mundong ito ang hindi sasayaw sa bawat numero ng pera. 

“Matagal mong hindi nagamit ang kurso mo iha. Kakayanin mo ba?” 

“Opo naman nay! Iskolar ata ako dati! Wala akong hindi kayang gawin.” Confident niyang tugon, bagamat naiisip niyang may punto ang ina. Mas kabisado niya ang magluto, maglaba at magkuskos ng inidoro kaysa ang tinapos mismo. Palibhasa ay wala siyang masiyadong experience maliban sa on the job training niya noon. Lihim siyang napabuntong hininga. Bahala na si Batman. Susubukan niya lahat ng uri ng trabaho basta legal. 

ALA-singko pa lamang ay nakagayak na si Olivia upang umpisahan ang pag-aapply. She wears a corporate attire. Black stocking with two inches heels. Nakalugay ang kanyang pinagmamalaking itim na buhok. Silky iyon at shining. Mabuti at nasa  baul pa niya ang damit na ito at itinagong mabuti ng ina. Nailigtas sa nga dumaang pagbaha. Huling suot niya nito ay noong final thesis defense pa niya. Kasyang kasya pa rin sa kanya. Slim at petite lamang siya so she preferred high heels to add up her height. Hindi siya masiyadong nag-lagay ng make-up. Nude make up look was refreshing. Pero naglagay siya ng lipstick to emphasize her kissable lips. 

Nang pumatak ang ala-sais ay lulan na siya ng taxi. Sa Eastwood ang patungo niya. Wala siyang nakita kahapon sa diyaryo kung kaya nagtiyaga na lamang siya sa mga job sites. Naintriga siya sa isang post roon ng isang kilalang kumpanya. Malaki ang offer income nila para sa normal na empleyado. Mas malaki pa sa sweldo niya sa ibang bansa. Kahit highschool graduate pasok basta willing to do anything ayon sa job description ng naturang kumpanya. Kinain siya ng curiousity so she decided to send her resume right away. Luckily, she got a quick responsed at ngayon ang interview niya. Sana lang talaga, hindi iyon scam. 

Narating niya ang eksaktong lugar sapagkat walang masiyadong trapik. Sa labas palang ng matayog na kumpanya ay nalula na siya sa laki niyon. 

Mukhang hindi nga scam!  Piping sigaw ng isip niya. Nang makapasok sa loob ay agad niyang tinungo ang receptionist. “Miss, I'm Olivia Cosme. I have a job interview for today.” 

“Can you show me the email confirmation from our company Ma'am? No email, no interview po ang rules ng kompanya.” magiliw namang sabi sa kanya nito. 

Ipinakita niya rito ang buong teksto ng email ng kumpanya sa kanya. Natuwa siya ng paakyatin siya ng receptionist sa 16th floor. Ibig sabihin nasa list nga siya ng isa sa mga iinterviewhin. Pinagiwan rin siya ng identification sa front desk. Nagpasalamat siya rito at agad na pumasok sa elevator. 

Nagulat siya sa namataang pila ng mga kababaihan pagbukas ng elevator. Kapareha niya ay mga naka corporate attire rin ang mga ito. Ganito ba ka-indemand ang kompanyang ito at ang daming nag-aapply? Lahat ba ito ay prospect competitors niya sa posiyong aapplayan? Aba kung gano'n kailangan niya ng matinding strategy para matandaan ng panel at makamit ang inaasam na job offer. 

Tumikhim siya nang dumako ang mga mata sa kanya ng lahat. Naglakad siya sa pinakadulo ng pila. 

“Miss, ikaw na ba ng last sa pila?” agaw tanong niya sa babeng pinakahuli sa linya. Nagbabasa ito nang istorbohin niya. Tumango lamang ito at muli na namang nagbasa. 

“Mag-aapply ka rin ba Miss?” pangungulit niya ulit rito. “Sobrang daming aplikante noh. Matatanggap kaya tayo?” She was trying to have a conversation para naman hindi mapanis ang laway niya. Wala pa naman siyang almusal kaya kapag nagutom siya babaho ang bibig niya. 

“Obvious ba? Pwede bang wag mo ko istorbohin. Nakita mo namang nagbabasa iyong tao eh.” Mataray na asik nito sa kanya. 

Napanguso nalang siya at napipil ang bibig. Parang nagtatanong lang eh. Umayos siya ng tayo at palihim itong inungusan. Napansin niya ang isang vendo machine malapit sa kanya. Naisip niyang magkape muna para naman magkalaman ang sikmura niya. Naghulog siya roon ng limang piso at agad kinuha ang mainit init pa na kape sa styro cup. Umuusok na inihipan niya iyon at saka sumimsim.

Tumunog ang elevator na ikinalingon ng lahat. Lumabas ang grupo ng mga unipormadong lalaki. Sumibol ang bulungan nang magbigay daan ang mga ito sa lalaking naka three piece suit. Mas lumakas ang bulungan nang magsimulang maglakad ang lalaki. Majority noon ang mga nakapila sa bandang unahan. Tindig at tikas pa lamang kasi nito ay umaapaw na ang pagiging dominante. Iyong tipong hindi papahuli ng buhay. At kapag nagkamali ay hindi marunong magpatawad. Ganoon ang impresyon niya rito. 

Tinanggal nito ang suot na shades. Ikinalundag ng puso niya ang kulay ng mga mata nito. Kulay abo iyon, nababagay sa makapal nitong kilay. Masasabi niyang may lahi ang lalaki dahil ang feautures ng mukha nito ay natutulad sa mga banyaga ang dugo. Noong nasa ibang bansa pa siya ay paborito niyang panoorin ang mga turkish drama kaya masasabi niyang natutulad ang feautures nito sa mga aktor ng naturang drama. 

Nakatingin ito ngayon sa kahabaan ng pila. Inisa-isang tingnan lahat. He doesn't show any emotion. He's like a maniquin na nakadisplay sa department store. Hindi maaring hawakan bagamat pwedeng pagmasdan. Hanggang sa napako ang mata nito sa pinakadulo. 

Shit!  Saka niya napagtanto na siya pala ang pinakadulo sa pila. Para atang maiihi siya sa intense ng mga tingin nito. 

“Dianna...” kapagkuwan ay barotinong tawag nito sa pangalan at may sumulpot kaagad na isang babae na may hawak na ipad. 

Hindi  ito napansin ni Olivia dahil ang buong atensyon niya lang ay nasa lalaki. Kung paano ito kumurap at lumunok. 

“Yes sir,” Ani babae. Marahil ay sekretarya nito.

Swabeng bumulong ang lalaki sa tainga ng sekretarya bago naglakad papasok ng opisina. Naiwan sa labas ang mga bodyguard.  

Tumango-tango ang sekretarya bilang pag-sangayon. “Everyone listen. Magsisimula na ang interview. Pero gusto ni Mr. Del Fredo na sa huli magsimula ang unang iinterviehin. If you have any violent reaction, you are free to leave right now.” Anunsyo nito sa kanila bago nakangiting bumaling sa kanya. Ikinagulat niya iyon. “Follow me.” Utos nito at nauna ng maglakad. 

Halos mayupi niya ang styro cup na hawak sa sama ng tingin sa kanya ng mga kasamahan sa pila. She just shrugged and followed the secretary. Minsan talaga, kapag hindi mo inaasahan nangyayari. 

Bumukas ang pinto ng opisina at niluwa roon ang lalaking pinangalanan kanina ng sekretarya na Mr. Del Fredo. Nakaabang ito roon habang naiinip sa pagiintay. 

Ngunit bago pa siya makalapit sa pintuan ay may pumatid sa kanya. Nawalan siya ng balanse at nabitawan ang mainit init na  kape. Lumipad iyon sa ere. Tila tumigil ang oras nang makitang tumapon iyon sa lalaking naka three piece suit. Nagmantsa roon ang kulay ng kape. Napayuko siya. Parang gusto nalang niyang maglaho sa kawalan dahil ang sama ng titig nito sa kanya. Animoy papatay ng isang lampang tulad niya. 

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 37

SA tapat ng Pajanel Mansion hininto ni Gaurish ang kotse. Pinagpawisan ng malagkit sa noo si Olivia. “B-bakit dito mo ako dinala?” naguguluhang tanong niya kay Gaurish. Susugod sila ng walang kahit anong paghahanda? Para na rin silang sumugod sa gera ng walang armas. “Haharapin ko sila. I will prove to you that I can protect you from them, Olivia.” kinalas nito ang seatbelt bago binuksan ang pinto.Natuod si Olivia sa kinauupuan. Tama ba ang narinig niya? Haharapin nila ang matanda ng magkasama? Pumintig ng malakas ang puso niya. “Isa pa, ito naman ang dapat na ginawa ko simula pa lang. I'm the one who should be blame for all this mess. I will talk to Senyor Rodrigo. Pakikiusapan ko siyang i-atras ang kaso laban sayo.”“As if namang mababago mo ang isip ni lolo.” sarkastikong bara niya rito.“Trust me, I will.” Pinagbuksan siya ni Gaurish ng pinto dahilan upang mapilitan siya umah

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 36

BAGO pa lunurin si Olivia ng sariling damdamin ay buong lakas niyang tinulak si Gaurish. Bahagya lamang napaatras ang lalaki ngunit hindi natinag sa pagyakap sa kanya. Walang epekto ang pagtulak na ginawa niya. “Umalis ka na Gaurish,” halos pagal lamang iyon sa bibig ni Olivia. She really doesn't want him to go but it's needed. Masiyado ng magulo ang buong sitwasyon. Gusto siyang ipakulong ng mga Pajanel. Baka madamay pa ito kapag pumayag siyang magpatianod sa nararamdaman. Minsan, ang sariling damdamin ang mahigpit na kalaban ng tao. Dahil madalas na nagpapalamon sa bugso ng damdamin ang karamihan kaysa pairalin ang utak. “Pakiusap, payagan mo akong samahan ka. Dito lang ako sa tabi mo. Inaayos ko na ang lahat. Pananagutan ko ang kaguluhan na ito. Hindi ko hahayaang galawin ka nila.” Inilayo ni Gaurish mula sa kanya ang sarili upang tingnan siya ng marubdob. Nakahawak ang malambot nitong kamay sa dalawang pisngi niya. Puno ng pagsusumam

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 35

HUMIWALAY si Olivia sa yakap ni Heat nang marinig niya ang pag-ungol ng kanyang ama. Laking tuwa niya nang makitang may malay na ito. “Tay, tay, salamat sa Diyos at gising kana.” Lunapit siya rito. Panay ang usal niya ng pasasalamat habang hawak hawak ang mga kamay nito. “Thanks God, I will just call the doctor, Olivia,” ani Heat at saka lumabas upang tumawag ng doktor. Bagama't may malay na ang kanyang ama ay nananatili lamang itong nakadilat at hindi nagsasalita. Dumating ang doktor pagkalipas ng segundo. Magkatabi si Olivia at Heat habang pinanonood ang ginagawang pagsusuri ng doktor sa kanyang ama. She was praying quietly na maging ayos ang resulta. Ibinaba ng doktor ang esthetoscope pagkatapos ay lumapit sa kanya.“Your father is stable now. Makakahinga na kayo ng maluwag. One week from now, maari ng ma-discharge ang pasyente. Basta siguraduhin na tuloy tuloy ang p

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 34

HABOL ang hininga ni Olivia habang naglalakad sa pasilyo ng hospital. Nasa likuran niya si Heat na noo'y nakasunod sa kanya. Ayaw pa nga siya nitong pasunurin dito sa hospital ngunit nagpumilit siya. Sising-sisi siya sa mga nangyayari. Si Heat ang nagtanong sa nurse kung saang kwarto naka-confine ang kanyang ama. She was sweating so bad. Sinagot naman ng nurse kung saan iyon at agad iyong tinungo ni Olivia. Hindi na niya naantay si Heat. Ginalugad niya ang numero ng kwarto at agad iyong nahanap. Binuksan niya ang seradura at bumungad sa kanya ang kanyang ina at kapatid. Nakaratay naman sa kama ang kanyang ama. Nadurog ang puso niya sa nakita.“Olivia!” nagulat ang kanyang ina nang makita siya. “Nay!” Lumapit siya at niyakap ito. “B-bakit nandito ka anak? Hindi ba at nasa ibang bansa ka? Kailan ka pa nakauwi?” nagtatakang tanong ng kanyang ina nang mapaghiwalay sila. Nakagat n

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 34

SA isang matayog na condo unit dinala si Olivia ni Heat. Hindi niya alam sa sarili kung bakit siya nagpapatianod sa lalaki. Komportable siya rito. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa tabi ni Heat. Ang daming nangyari ngayong gabi. Gulong gulo ang kanyang utak. She didn't think straight. Pumasok sila ni Heat sa elevator. Iginiya siya nito sa isang condo unit at pinindot ang pin code roon at saka nagtuloy tuloy sa pagpasok. Sumalubong sa kanila ang dalawang lalaki na magkapareho ang mukha pati na ang tangkad. Parehong gwapo at matikas ang tindig. They're twins, she thought. "Heat, I just saw her on the news." Pagtukoy sa kanya ng isa sa kambal. Bahagya pa siyang itinuro. "Kalat na kalat sa balita ang gulo sa pamilya ng Pajanel."Lumala ang gulo sa utak ni Olivia. Mukhang nakarating na sa mga taong ito ang problemang pinasok niya. Gusto niyang mapaupo dahil nanghihina ang tuhod niya.

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 33

UNEDITED. This chapter is dedicated to Ma'am Hertan and to our all OFW's********MARAHAS na singhap ang namutawi sa bibig ni Olivia nang sabihin iyon ni Gaurish. Mainit iyon sa puso. Lihim siyang nangarap na sana ay nasa iba silang pagkakataon kung saan maari siya nitong mahalin. “Don't be scared, I'm just here. . .” muling bulong ni Gaurish sa kanya. Tinaasan siya ng balahibo sa tainga. Wala na sa kanila ang spotlight kundi sa mga nagsasayaw na sa gitna ng dance floor. The guest are minding their own business now. Ang matandang Pajanel ay nakikipagusap ngayon sa mga panyero nito. Hindi na rin mahagilap ni Olivia sa paligid si Nimfa at Tamara. Abala naman ang dalawa pa niyang pinsan na si Goldwyn at Kenneth sa pakikipagusap sa mga kababaihan. “Salamat, Gaurish.” She said to him. Nagagalak si Olivia dahil kahit paano, tunay nga naman na nasa tabi niya i

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 32

MARAHAS na singhap ang namutawi sa bibig ni Olivia nang sabihin iyon ni Gaurish. Mainit iyon sa puso. Lihim siyang nangarap na sana ay nasa iba silang pagkakataon kung saan maari siya nitong mahalin. &ldq

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 31

BURGUNDY ang kulay ng chiffon gown na suot ni Olivia. She looked stunning in front of the mirror. Maganda ang hulma ng kanyang katawan sa napakagandang gown. Saktong-sakto iyon sa kanya. Pino ang bawat sinulid at walang takas.

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 30

PAPASOK na sana si Olivia sa kanyang silid nang biglang may humablot sa kamay niya at malakas na ipiniid sa pader. Nasindak siya nang makitang si Nimfa iyon. Nanlilisik ang mata ni

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 29

NAGING mabilis ang paglipas ng mga araw at buwan. Olivia and Gaurish became strangers to each other. Tinotoo niya ang pagpatay ng nararamdaman para sa lalaki. Sapat na iyong ipahiya siya nito sa babaeng kasama nito sa opisina.

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy