loading
Home/ All /Heiress for Hire (Filipino)/Kabanata 1

Kabanata 1

Author: Cheng Montevista
"publish date: " 2020-07-30 01:45:55

“Dito nalang ho, manong driver.” Saad ni Olivia sa tsuper ng taksing sinasakyan niya. Agad naman nitong itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Eksayted siyang bumaba para kuhanin na ang mga bagahe at mga mamahaling pasalubong sa loob compartment ng taxi. It‘s been what? It‘s been three years ng umalis siya rito sa pinas. At ngayon muli na siyang nakatapak sa inang sinilangan.

Nang masaid niya lahat ng gamit at siguradong walang naiwan, binayaran na niya ang driver at may kasama pang tsokolate. Tip niya rito.

Itinaas niya ang aviator na kasalukuyang suot. Naramdaman niya kaagad ang init sa balat galing sa sikat ng araw. Tunay ngang nasa pinas na siya. Malayo sa Europa. Malayo sa laming ng makakapal na niyebe. 

Kinalat niya ang tingin sa palagid. Napakalaki ng pinagbago ng mga tirahan rito. Ang dating slum area, ngayo‘y may mga ikatlo at ikalawang palapag na ang mga bawat bahay. 

Kampante siyang naglakad papasok sa pathway bitbit ang mga gamit. May mga pares agad ng mga mata ang napabaling sa kanya. Nakakunot at nagtataka. Naninibago sa dayuhang mukha. 

Narinig niya  ang malalakas nilang mga alingasngas na abot hanggang kanto. A typical neighborhood. Hindi parin pala kasamang nagbago ang mga kapitbahay na chismosa. Mukhang kakailanganin niya ulit magadjust. Sa Europe kasi, walang pakialaman ang mga tao roon. Kahit magpakita ka ng kuyukot, makakatanggap ka ng sulyap oo, pero hindi rin naman tatagal ng ilang segundo.

“Miss!” 

Napalingon siya sa pagtawag ng lalaking may bilugang tiyan. May subo pa itong toothpick sa bibig. Sa harapan niya pa talaga nag tinga ang hudas barabas.

“Bakit?” tanong niya.

“Balik-bayan ka, Miss? Tulungan na kita sa gamit mo. Bente pesos lang.” 

“Oh, sure!” natuwa siya sa alok nito kahit na may presyo. Beside twenty pesos won‘t be hurt her savings. Mabilis niyang ibinigay rito ang mga gamit. Nakakangalay rin pala ang magbitbit ng mabibigat na bagahe.

“Saan ba tayo, Miss?”

Napaisip siya. Nasaan nga ba ang dati nilang tirahan rito? Sa ilang taong wala rito ay talagang makakalimutan niya ang lugar na kinalakihan. 

“Iyong pinakamagandang bahay rito, kuya. Doon mo ako ihatid.” Mataas ang ere niyang sabi. Bakit hindi? Three years siyang nagpakaalila sa ibang bansa upang makapagpatayo sila ng kanyang itay at inay ng magandang bahay. Ang sabi nila tapos na daw iyon. Kaya naman sobra ang  pananabik niyang makita ang bahay na pinagpaguran. Magugulat sila sa biglaan niyang paguwi. Hindi kasi  alam ng pamilya  niya na tapos na ang kontrara niya sa employer. Sinadya niya talaga iyon para mas masurpresa ang pamilya.

Napakamot ng ulo ang lalaki. “Eh miss, isa lang naman ang may magandang bahay rito e.“

“Halika. Doon tayo pumunta.” Nauna na siya sa paglalakad, dumaan sila sa makipot na daan. 

Ilang minuto lang ay huminto sila sa tapat ng isang may up and down na bahay. 

“Nandito na tayo Miss...” bigay imporma ng lalaki sa kanya.

“Ito na ba iyon?” nakangiwi niyang tanong. 

“Oo. Ito na nga ang sinasabi ko'ng nagiisang  maganda dito sa lugar namin.”

“Mansiyon na ba ito sayo?” hindi niya naiwasang itanong dahil malayo ang itsura ng bahay na senend sa kanya ng pamilya sa chat. 

“Ang sabi ko kanina Miss, magandang bahay. Hindi ko sinabing mansiyon.” Pamimilosopo na nito sa kanya. 

Inis niyang naipaypay ang palad sa mukha. Di ata't uminit bigla ang ulo niya. Kung nagkataon na maldita siya ay baka natakong na niya ang damuhong lalaki na ito. 

Inis niyang dinukot ang bente pesos sa bulsa at ibinigay sa lalaki. “Oh, bayad ko sayo!” 

Inilapag nito ang mga bagahe niya sa lapag. “Maraming salamat Miss. Kung may kailangan ka pa, nandiyan lang ako sa tabi tabi. Handang paglingkuran ka.” Anito at saka parang palos na nawala sa paningin niya. 

Tanaw tanaw na niya itong bumibili ng tinapay sa tindahan. Bahagya naman siyang nahabag. Dapat pala ay dinagdagan man lang niya ang perang binigay. 

Binalingan niyang muli ang bahay na nasa harapan niya. Napailing siya. Hindi talaga ito ang bahay na nasa larawan na ipinadala sa kanya ng kapatid niya. Marahil ay nagkamali lang ng pagbigay ng address ang inang niya at sa isang  subdivision dapat pala siya pumaroon. 

Agad niyang dinial ang numero ng ina upang makumpirma ang tamang address nang bigla nalang ay binangga siya ng kung sino. Dali dali niyang pinulot ang nalaglag na cellphone. 

“Olivia?” 

Natigil siya sa pagcheck up sa cellphone nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Sinulyapan niya ito. Walang iba kundi ang inang niya.

“Ikaw nga anak!” pagtititili nito habang masayang masayang makita siya. 

“Nay!” sinalubong niya ng yakap ang inang. “Kamusta na po kayo?” 

“Maayos naman ako.” Anito, hindi mapalis ang ngiti. “Ano ka ba namang bata ka. Bakit hindi na nagpasabi na uuwi ka na? Sana ay nasundo ka man lang namin sa airport.” 

“Balak ko kasing surpresahin kayo kaya nilihim ko ang paguwi, nay.” Aniya habang nakatingin sa mapuputing buhok ng inang. Tumanda ito ng ilang dekada sa paningin niya. Simpleng duster ang suot at de gomang tsinelas ang pansapin. 

Anong nangyari? Nagpapadala naman siya ng pera buwan buwan ah. Bakit ganito ang itsura ng inang? 

“Mabuti naman at hindi ka naligaw rito sa lugar natin. Ang ganda ganda mo na iha. Ang kinis kinis. Halika at tayo na sa bahay. Tiyak matutuwa ang tatay mo.” Hinila siya nito. Panadaliang nawala ang mga tanong sa isipan. 

Karay karay nila pareho ang mga bagahe. Sa wakas, makikita niya na rin ang pinaghirapan niya ng ilang taong pagkukumayod sa ibang bansa. Ang katas ng dugo, pawis at sakripisyo ay malalasap na niya. 

Subalit gayon na lamang ang paglalag ng panga niya sa nakita. Tagpi tagping gawa sa flywood ang bahay na ang nabungaran niya. May trapal pang nakasabit at mistulang alulod para ulan. Nabubulok na yero. Kung inaanay nga lamang ito ay baka may naninirahan na rin dito. 

Parang sumisikip ata ang dibdib niya ah. “N-nay...” sa wakas ay usal niya. “Anong nangyari sa bahay?”

“A-anak, pumasok ka muna. Doon natin pagusapan.” 

Nagpatianod siya sa loob kahit na parang maiiyak siya sa itsura noon. Mas malala pa ang loob niyon kaysa sa labas. Hindi tapos ang finishing ng pader. Lupa pa rin ang sahig. Butas butas ang bubong. Nadidismaya siya sa totoo lang. 

“Olivia, anak!”

Naroon ang ama niya sa kusina. Nagluluto ito ngunit nang makita siya ay tinigil nito ang ginagawa. 

“Kumusta na po kayo, tay.” Nagmano siya rito at niyakap pagkuwan.

“Kaawaan ka ng Diyos.” Ani ng tatay. “Ginulat mo naman ako anak. Uuwi ka pala pero hindi ka man lang nagpasabi.” 

“Surpresa po itay.” Matabang niyang sabi. 

“Ganoon ba? Magpahinga ka muna at siguradong pagod ka.” Ani tatay. 

“Tay, ano po ba ang nangyari sa bahay? Bakit ganito? Bakit walang nagbago?” hindi na niya natiis ang sarili at nagtanong muli sa pangalawang beses. Hindi niya nais magtunog na nanunumbat pero hindi niya maiwasang bahiran ang tinig. 

Bumuntong hininga ang itay niya. “Patawarin mo kami anak. Nagsinungaling kami. Ang totoo ay ginamit namin ang perang pinadadala mo pang-areglo sa taong nasagasaan ng kuya mo. Inipon namin iyon at ipinagbayad namin para hindi makulong ang kuya mo.” Paliwanag nito. 

Napapikit na lamang siya. Imbis na siya ang susurpresa sa pamilya niya ay siya pa ata itong nasurpresa. Hindi naman niya maaring tanungin ang magulang na prank ba ito? Dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng mga ito. At saka masiyado ng matatanda ang mga ito para magawa ang magbiro. Hindi niya magawang sumbatan ang mga ito. She will just keep the disapointment to herself. 

“Nasaan po ba ang higaan? Magpapahinga na po ako.” . 

Agad siyang nagtungo sa kwarto nang ituro iyon ng ina. Doon ay tahimik siyang umiyak. Akala niya,  konting kembot nalang sa trabaho ay makakaahon na sila. Pero mukhang magsisimula na naman ata siyang magkuskos ng inidoro. 

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 37

SA tapat ng Pajanel Mansion hininto ni Gaurish ang kotse. Pinagpawisan ng malagkit sa noo si Olivia. “B-bakit dito mo ako dinala?” naguguluhang tanong niya kay Gaurish. Susugod sila ng walang kahit anong paghahanda? Para na rin silang sumugod sa gera ng walang armas. “Haharapin ko sila. I will prove to you that I can protect you from them, Olivia.” kinalas nito ang seatbelt bago binuksan ang pinto.Natuod si Olivia sa kinauupuan. Tama ba ang narinig niya? Haharapin nila ang matanda ng magkasama? Pumintig ng malakas ang puso niya. “Isa pa, ito naman ang dapat na ginawa ko simula pa lang. I'm the one who should be blame for all this mess. I will talk to Senyor Rodrigo. Pakikiusapan ko siyang i-atras ang kaso laban sayo.”“As if namang mababago mo ang isip ni lolo.” sarkastikong bara niya rito.“Trust me, I will.” Pinagbuksan siya ni Gaurish ng pinto dahilan upang mapilitan siya umah

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 36

BAGO pa lunurin si Olivia ng sariling damdamin ay buong lakas niyang tinulak si Gaurish. Bahagya lamang napaatras ang lalaki ngunit hindi natinag sa pagyakap sa kanya. Walang epekto ang pagtulak na ginawa niya. “Umalis ka na Gaurish,” halos pagal lamang iyon sa bibig ni Olivia. She really doesn't want him to go but it's needed. Masiyado ng magulo ang buong sitwasyon. Gusto siyang ipakulong ng mga Pajanel. Baka madamay pa ito kapag pumayag siyang magpatianod sa nararamdaman. Minsan, ang sariling damdamin ang mahigpit na kalaban ng tao. Dahil madalas na nagpapalamon sa bugso ng damdamin ang karamihan kaysa pairalin ang utak. “Pakiusap, payagan mo akong samahan ka. Dito lang ako sa tabi mo. Inaayos ko na ang lahat. Pananagutan ko ang kaguluhan na ito. Hindi ko hahayaang galawin ka nila.” Inilayo ni Gaurish mula sa kanya ang sarili upang tingnan siya ng marubdob. Nakahawak ang malambot nitong kamay sa dalawang pisngi niya. Puno ng pagsusumam

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 35

HUMIWALAY si Olivia sa yakap ni Heat nang marinig niya ang pag-ungol ng kanyang ama. Laking tuwa niya nang makitang may malay na ito. “Tay, tay, salamat sa Diyos at gising kana.” Lunapit siya rito. Panay ang usal niya ng pasasalamat habang hawak hawak ang mga kamay nito. “Thanks God, I will just call the doctor, Olivia,” ani Heat at saka lumabas upang tumawag ng doktor. Bagama't may malay na ang kanyang ama ay nananatili lamang itong nakadilat at hindi nagsasalita. Dumating ang doktor pagkalipas ng segundo. Magkatabi si Olivia at Heat habang pinanonood ang ginagawang pagsusuri ng doktor sa kanyang ama. She was praying quietly na maging ayos ang resulta. Ibinaba ng doktor ang esthetoscope pagkatapos ay lumapit sa kanya.“Your father is stable now. Makakahinga na kayo ng maluwag. One week from now, maari ng ma-discharge ang pasyente. Basta siguraduhin na tuloy tuloy ang p

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 34

HABOL ang hininga ni Olivia habang naglalakad sa pasilyo ng hospital. Nasa likuran niya si Heat na noo'y nakasunod sa kanya. Ayaw pa nga siya nitong pasunurin dito sa hospital ngunit nagpumilit siya. Sising-sisi siya sa mga nangyayari. Si Heat ang nagtanong sa nurse kung saang kwarto naka-confine ang kanyang ama. She was sweating so bad. Sinagot naman ng nurse kung saan iyon at agad iyong tinungo ni Olivia. Hindi na niya naantay si Heat. Ginalugad niya ang numero ng kwarto at agad iyong nahanap. Binuksan niya ang seradura at bumungad sa kanya ang kanyang ina at kapatid. Nakaratay naman sa kama ang kanyang ama. Nadurog ang puso niya sa nakita.“Olivia!” nagulat ang kanyang ina nang makita siya. “Nay!” Lumapit siya at niyakap ito. “B-bakit nandito ka anak? Hindi ba at nasa ibang bansa ka? Kailan ka pa nakauwi?” nagtatakang tanong ng kanyang ina nang mapaghiwalay sila. Nakagat n

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 34

SA isang matayog na condo unit dinala si Olivia ni Heat. Hindi niya alam sa sarili kung bakit siya nagpapatianod sa lalaki. Komportable siya rito. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa tabi ni Heat. Ang daming nangyari ngayong gabi. Gulong gulo ang kanyang utak. She didn't think straight. Pumasok sila ni Heat sa elevator. Iginiya siya nito sa isang condo unit at pinindot ang pin code roon at saka nagtuloy tuloy sa pagpasok. Sumalubong sa kanila ang dalawang lalaki na magkapareho ang mukha pati na ang tangkad. Parehong gwapo at matikas ang tindig. They're twins, she thought. "Heat, I just saw her on the news." Pagtukoy sa kanya ng isa sa kambal. Bahagya pa siyang itinuro. "Kalat na kalat sa balita ang gulo sa pamilya ng Pajanel."Lumala ang gulo sa utak ni Olivia. Mukhang nakarating na sa mga taong ito ang problemang pinasok niya. Gusto niyang mapaupo dahil nanghihina ang tuhod niya.

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 33

UNEDITED. This chapter is dedicated to Ma'am Hertan and to our all OFW's********MARAHAS na singhap ang namutawi sa bibig ni Olivia nang sabihin iyon ni Gaurish. Mainit iyon sa puso. Lihim siyang nangarap na sana ay nasa iba silang pagkakataon kung saan maari siya nitong mahalin. “Don't be scared, I'm just here. . .” muling bulong ni Gaurish sa kanya. Tinaasan siya ng balahibo sa tainga. Wala na sa kanila ang spotlight kundi sa mga nagsasayaw na sa gitna ng dance floor. The guest are minding their own business now. Ang matandang Pajanel ay nakikipagusap ngayon sa mga panyero nito. Hindi na rin mahagilap ni Olivia sa paligid si Nimfa at Tamara. Abala naman ang dalawa pa niyang pinsan na si Goldwyn at Kenneth sa pakikipagusap sa mga kababaihan. “Salamat, Gaurish.” She said to him. Nagagalak si Olivia dahil kahit paano, tunay nga naman na nasa tabi niya i

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 20

NAPABALIKWAS ng bangon si Olivia nang magising. Kaagad sumipa ang hang-over nang maalala ang nangyari kinagabihan. At mas lalo siyang nahilo nang mapagtanto ang lugar na kinalalagian. She wasn't in her room. Batid niyang nasa kwarto siya ng isang lalaki. Kinapa niya ang sarili. May saplot pa rin

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 19

“ITAGAY natin 'yan!” Itinaas ni Olivia ang kamay habang hawak ang isang bote ng serbesa. Nasa loob sila ng isang KTV bar. Isang inuman na madalas sa kanto lamang nakikita. Nakailang bote na sila ni Goldwyn o mas magandan

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 18

LUPAYPAY ang buong katawan ni Olivia habang nakahiga sa kama. Parang nanibago ang katawan niya sa pagtatrabaho. Matagal din kasing hindi nakapaglinis ng ganon ka-todo kaya siguro madaling nabugbog ang katawan niya. Nakauwi na siya sa mansiyon. M

Heiress for Hire (Filipino)   Kabanata 17

“NAKAKAINIS!” Ibinato ni Olivia ang toilet brush sa sahig na yari sa tiles. She was so tired. Kanina pa siya kuskus ng kuskus sa toilet bowl. Hindi pa siya pinagbi-break time ng head ng u-department. Tapos ay naka-assign

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy