Cargando
Inicio/ Todos /Fire of Seduction/KABANATA 2

KABANATA 2

Autor: Kate Monteclaro
"Fecha de publicación: " 2020-09-15 10:23:00

HATING gabi na ng matapos ang pag uusap namin ni Tammy dahil nagkwento pa sya tungkol sa isang dati nyang naka one night stand na nag i-insist na magpakasal sila.

She is very annoyed kaya wala akong ginawa the whole time kundi tumawa ng tumawa. She hates commitment pero parang nakahanap na sya ng lalaking ayaw sa 'no strings attached policy' nya.

Kakahiga ko pa lang ng mag ring ang phone ko.

It was an unregistered number kaya nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba pero sa huli ay naisip kong baka importante kaya sinagot ko rin.

"Hello Praia speaking, may I know who's this?" agad kong tanong na para bang call center agent.

"Darn. Even your voice sounds good over the phone" malambing na sagot ng lalaking nasa kabilang linya.

Nangunot agad ang noo ko.

"What? Sino ka ba?" 

Binago ko ang tono ng boses ko at pinataray iyon para ipaalam sa kausap ko na naiirita ako sa kanya.

In the middle of the night? Talagang naisip nyang mambulabog? Tss...

"Ang bilis mo namang nakalimot. Di ba sabi ko, we'll call you?"

"I had enough for this nonsense--- Wait... Zurich? I mean..." napasinghap ako at agad na kumurap-kurap "Good evening mister Monteclaro"

Mariin kong kinagat ang labi ko ta nagdasal na sana hindi nya napansin na mataray ang tono ko kanina.

"You remembered... Coz you're hired and I'll just send the details"

The phone call ended.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa shock. Hindi agad nag sink in sa utak ko ang sinabi nya... I get the freaking job.

My phone beeped and the same unregistered number flashed on the screen. I read the details pero walang nagregister sa utak ko kundi ang...

'Ipapasundo kita sa condo mo bukas, eight sharp. Save my number for future reference'

I face timed Tammy again and this time naka office attire na sya, mukhang magtatrabaho.

"Tammy may good news ako at bad news..." bungad ko sa kanya.

Itinigil nya ang pagbo-blower ng buhok at excited na humarap sakin.

"Good news first..."

"I get the job. And ipapasundo nya ko bukas, which means kelangan kong mag stay sa condo mo over night para hindi sya maghinala dahil yun ang address sa resume ko"

Ngising aso sya ng marinig ang sinabi ko.

"Hay... Ang swerte mo naman... Kinikilig ako para sa future ng love life mo" she said in a day dreaming voice.

Nakalimutan nya na ata ang gagawin nya dahil narinig na naman nya ang hint na Zurich.

"Tammy hindi ka ba nakikinig?  Yung condo mo, tutulugan ko" I snapped.

"Oh... Bakit? Pinapalinisan ko yun palagi tsaka alam mo naman ang code nun kaya keri mo na yun. Feel at home ka lang kasi dati ka namang natutulog dun. Kahit di ka magpaalam actually, kasi kilala ka naman ng guard"

I rolled my eyes

"Stay in ba?" tanong nya

I don't know if she's interested with the details or she just want to apply too.

"Oo"

"Malaki ang sweldo nyan, for sure"

"Dapat lang noh, kasi masama ang ugali ng anak nya"

"Hayaan mo na yung bata, ang mahalaga kaakit-akit at pinagpala ang ama"

Natampal ko ang noo ko at umirap sa monitor.

Hay naku...

IN the middle of the night para akong siraulo na nagpa-pack ng mga gamit habang nagpapatugtog ng loud rock music para lang paglabanan ang antok ko.

He said that his villa is on a resort kaya pinili ko ang pinaka simple kong mga pambahay at beach dresses. Wala na akong time para mag shopping at siguradong mapapansin nya ang mga branded clothes ko.

I can't bring my bags and shoes too dahil siguradong nagtataka na ang Zurich na yun sa address na ibinigay ko. High end condo yun para sa mga elite na tao dahil hindi naman basta-basta si Tammy. Idadahilan ko na lang na nakikitira ako dun dahil nasa ibang bansa ang may-ari.

Natagalan pa nga ako sa paghahanap ng maleta na pwede kong lagyan ng mga gamit ko at sa huli, isang old edition ng Louis Vuitton luggage ang dinala ko along with a backpack and a Prada sling bag. Pag nagtanong, sasabihin ko na lang na nabili ko ng second hand.

I was so exhausted pero nagawa ko pang gisingin si manang Nieves para magpaalam. Ang sinabi ko lang, may gagawin ako na medyo matatagalan. Ibinilin ko rin si mommy at nagawa ko pang tawagan si tita Sol para maayos ang lahat bago ako umalis.

Nagpahatid ako sa driver bandang alas kwatro ng madaling araw at kaagad ding bumagsak sa kama dahil sa pagod.

Nag alarm ako ng seven a.m. May tatlong oras pa ako para matulog.

NAGISING ako dahil sa ring mula sa cellphone ko. Tamad ko yung dinampot at sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang caller dahil si Tammy lang naman ang alam kong pwedeng tumawag sakin.

"Hmm..."

I didn't mean it to sound like a moan but it came out like that because I'm so tired and I wanna sleep more.

"I bet kagigising mo lang"

Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtanto kung sino ang caller. Tiningnan ko ang screen ng cellphone ko para makasiguro.

Zurich Monteclaro.

"Sir..." 

I glanced at the wall clock. Damn. Seven thirty.

"Kindly open this door because I'm standing outside for like ten minutes"

"Yes sir. Saglit lang po" mabilis kong sagot.

I ended the call.

Tumakbo ako agad palabas ng kwarto at pumunta sa pinto. Binuksan ko yun at natigilan ng makita syang nakatayo sa tapat ng pinto habang nakapameywang. He looks bored and pissed.

"Ah... Sorry sir nakatulog kasi ako pero bibilisan ko na lang po ang paghahanda. Promise we'll make it before eight" sabi ko sa kabadong tono.

Hinagod nya ko ng tingin. Saka ko lang napagtanto na kagigising ko nga lang pala kaya baka mukha akong bruha. 

My hair was all over the place dahil hindi ko man lang yun nasuklay, also my spaghetti strapped pajama top and cotton short shorts was a so crumpled at hindi ko man lang napatungan ng bathrobe dahil sa pagmamadali. 

Good thing na pagod ako kaninang madaling araw kaya hindi ko na natanggal ang bra ko. Kung hindi mas nakakahiya na humarap ako sa kanya ng wala yun.

"Hindi mo ba ko papapasukin?" taas kilay pero kaswal nyang tanong.

"Come in sir" nilakihan ko ang bukas ng pinto at hinarap sya ng maisara yun "Feel at home sir, maghahanda lang po ako"

I know it is rude lalo na at boss ko sya pero halos takbuhin ko na ang kwartong ginagamit ko para lang makalayo sa kanya.

I'm so reckless...

AFTER a few minutes, tapos na ako sa lahat kaya lumabas na ako sa kwarto bitbit ang mga gamit na dadalhin ko.

"Sir I'm done sorry to keep you..."

Nabitin ang iba ko pang sasabihin ng hagurin nya ako ng tingin mula ulo pababa. Hindi pa sya nakontento dahil sinulyapan nya pang muli ang labi ko.

Why the hell his stares affect me that much? Dapat sanay na ko dun dahil hindi naman may iilang beses na may lalaking natulala at tumitig sakin.

Ayokong mailang pero... Tama ba ang ginagawa nya? Sobrang bulgar. Tsaka may asawa at anak na sya. Can't he just hide his desire and lust for me?

Well Praia, you seduced him first. Ikaw ang nagpakita ng motibo sa kanya.

"Sorry to keep you waiting. Shall we sir?" untag ko sa kanya

"Sayo ba ang condo na to?"

Kahit napaghandaan ko na, syempre kinabahan pa rin ako. Hindi ako sanay magsinungaling pero mukhang dahil dito matuto akong i-master yun.

"Sa kaibigan ko to, nasa Florida sya ngayon kaya solo ko ang bahay"

"Nasan ang nanay mo"

"Nasa kulungan--- I mean nasa Davao"

Davao? I never been to that place before. Shit sana hindi na sya magtanong.

"Nakakulong ang nanay mo?" kunot-noo nyang tanong.

"Sa banig ng karamdaman" mabilis kong sagot

"Ang lalim ah..." he chuckled.

I laughed nervously.

"May tanong pa po ba kayo sir? Kasi kung wala na po baka pwede na po tayong umalis"

Tinulungan nya ako sa bitbit kong maleta at hinayaan ko lang sya na gawin iyon. A little help from him won't hurt my pride that much, after all.

Tahimik lang kaming umalis ng unit at sa baba ay nakaparada ang isang itim na limousine. Kinuha ng unipormadong driver ang ang gamit ko. Ibinigay ko naman yun sa kanya maliban sa sling bag dahil maliit lang naman yun.

Si Zurich ang nagbukas ng pinto para sakin dahil ibinigay nya rin sa driver ang maleta ko.

"Thank you" I said trying not to be awkward.

I think I don't tried that much because the awkwardness still filled the air while we were riding his luxurious car.

Inihatid kami sa entrance ng Monteclaro building kung saan naghihintay si Sydney kasama ang apat na bodyguards.

Cute sana sya sa suot nyang baby pink mini dress kaya lang nakataas ang kilay nya. Take note that she was eyeing directly on me. What's with this kid and her father at trip na trip nila akong tingnan from head to foot?

Wala na bang lagnat ang batang to?

Suot ko ang isang plain coffee brown long sleeved off shoulder crop top at high waist cream shorts na basta ko na lang kinuha sa maleta. Wala na akong oras na pumili, aarte pa ba ko?

Wala nga akong kahit anong alahas na suot tanging lip balm at press powder lang ang kolorete ko sa mukha. Yung buhok ko nga naka messy bun kahit basa pa dahil hindi ko ma-blow dry.

"Bakit ngayon lang kayo dad? Kanina pa ko dito" tanong nya na nakatingin pa rin sakin.

Mukhang alam nya na sakin nagkaroon ng aberya kaya natagalan kami.

"Sorry Syd, it's my fault dahil hating gabi ko na ipinaalam sa kanya na magtatrabaho sya ngayon" pag ako ni Zurich sa kasalanan.

"What? She'll be my tutor?" pinanliitan nya ko ng mata "Miss ayokong maging tutor ka, tsaka mukha kang hindi yaya"

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Bakit may face requirements ba sa pagiging yaya? Sorry hindi ko alam yun and don't worry, kasama sa ituturo ko sayo ang tamang manners" 

Naputol ng halakhak ni Zurich ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Girls... Stop it, kanina pa naghihintay si Denver satin"

The Denver he is talking about is the handsome guy who looks just like him--- only had a dimple on his right cheek, waiting at the helipad. He said he'll be the pilot of the private helicopter.

Nahuli ako sa mag-ama dahil kinausap ako ni Denver saglit. Nagtanong sya tungkol sa pagiging yaya at tutor ko. Like Zurich and Sydney, direkta nyang sinabi sakin na mag model na lang ako.

Inalalayan nya din ako pasakay pero nagsisi agad ako na sumagot pa ko sa mga tanong nya dahil wala akong ibang uupuan. 

It's either tatabi ako sa malditang si Sydney o sa tatay nyang playboy.

Tiningnan ako ni Sydney ng masama na para bang nagbabanta para hindi ko sya makatabi.

Zurich glaced at me and tapped the seat beside him. Hindi na ako nagdalawang isip pa dahil baka ihulog lang ako ng anak nya kapag dun ako tumabi.

I sit awkwardly trying not to make too much movement because my shorts were not contented on their position, the were raising up exposing too much skin on my legs.

Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana para ipagwalang bahala ang sulyap sakin ng katabi ko. The helicopter was ready for take off when he approached me.

"Is it your first time?" he whispered near my ear.

Inisip ko na lang na ayaw nyang sumigaw kaya lumapit sya at bumulong.

"N-no"

I've been to so many countries before. Private jets, helicopter, airplane, hot air balloon. Name it...

"Why you looked so tensed? Are you afraid of me?" he asked in a playful tone

Hindi ko sya nilingon dahil baka sa sobrang lapit nya ay mahalikan ko sya kapag ginawa ko yun. I won't kiss a married man. I won't be a homewrecker. Kahit sabihin na maliit na bagay yun. It would be a form of adultery for me.

"I wanna sleep" yun lang ang isinagot ko at humilig sa upuan.

Still facing the window, I closed my eyes tight shut. Naramdaman ko na lang na nilalagyan nya ko ng headphones para siguro mabawasan ang ingay mula sa helicopter.

Unti-unti, hinala ako ng antok.

NAGISING na lang dahil sa kalabit ng kung sino. I was about to go back to sleep ng maalala ko kung nasaan ako.

Iminulat ko agad ang mata ako at bumungad agad sakin ang nakangising si Zurich.

I was leaning on his broad shoulders na hindi ko alam kung paano nangyari habang nakaakbay naman sa balikat ko ang isang kamay nya like we are like some sort of sweet newly wed couple. 

Bigla akong lumayo sa kanya na mas ikinalawak pa ng ngisi nya at lumingon-lingon sa paligid. Pababa na ng sasakyan si Sydney na parang walang pakealam kaya alam kong nandito na kami. 

Kinalma ko muna ang sarili ko bago sumunod kay Zurich na kabababa lang din. Agad syang naglahad ng kamay sakin pero sa sobrang kaba ko ay hindi ko na nagawang kunin yun bagkus ay tumalon ako pababa ng mag-isa.

Naka flat shoes naman ako so I safely landed on the ground.

Hindi ko pinansin ang pagsimangot nya dahil na amaze na ko sa pure green Bermuda field na nilapagan ng helicopter. Nakapalibot doon ang mayayabong na mga punong kahoy. It was like a lovely meadow in the middle of the woods.

Wala kaming imikan ng pumasok kami sa gray  shuttle na sumundo sa amin. Nauna si Sydney sa back seat habang nasa front seat naman si Zurich. Umupo ako sa isang vacant seat sa tabi ng bintana. The whole shuttle is too big for us all kaya malaya akong busugin ang sarili ko sa magagandang tanawin.

This was certainly an island in a province because all I see was green trees, white sand bars, clear ocean blue sea. On our whole journey, I don't see any house so I hypothesized that this is a private island.

But then we entered in a big resort full of guests so I blow that thought away. The gate signage said 'Coast Line'--- which I think was the resort's name--- then under it was something like 'Sta. Barbara Dela Costa' if I'm not mistaken.

Lumagpas kami sa hotel at ang pang apat na villa mula doon ay ang pinasukan at hinintuan namin.

Bumaba ako agad at tiningnan ang paligid. 

It was huge like what I expected. There's a fountain, a long drive way, a garage with different brands and color of cars, a garden and it was all surrounded by a tall wall.

If I could just bring my camera here... 

MAY anim na kwarto sa villa ni Zurich, dalawa sa baba at apat sa taas. May library at playroom din. Pinatuloy nya ko sa isang guest room katapat ng kwarto nya at katabi ng kay Sydney.

Hinayaan nila akong pumasok sa kwarto at mag-ayos ng gamit ko sa human sized giant cabinet doon.

Nakatulog na ko sa helicopter kanina pero ng makita ko ang puti at malambot na kama bigla ulit akong inantok. Siguro tama si Tammy na lately sunod-sunod ang problema ko kaya kahit sa pagtulog balisa ako.

This whole new environment might have a good effect on me. Dahil imbis na manibago, parang pakiramdam ko mas gumaan ang pakiramdam ko. 

Hinayaan kong bukas ang bintana para pumasok ang hangin bago ako nahiga sa kama.

MALAMIG na ang simoy ng panggabing hangin ng magising ako. Bukod sa konting hilo dahil yata sa sobrang tulog, kumakalam na din ang sikmura ko.

I went to the bathroom and checked my face before going out. Inayos ko lang ang buhok ko ng konti at lumabas sa kwarto

The house was so silent kaya para tuloy nangangapa ako. If this place wasn't breath taking, iisipin ko na may multo dito.

Hindi naman ako nahirapang hanapin ang kusina kaya mabilis akong nakarating doon. I saw a note at the refrigerator na para bang alam ng sumulat na pupunta ako dun at mababasa ko yun.

'Sydney was with my parents. May gagawin lang akong mahalaga, sorry kung nag-iisa ka but rest assured na safe ang buong resort. Feel free to use my kitchen utensils. Kung ayaw mong magluto pumunta ka na lang sa C&M, ipagtanong mo na lang kasi ibinilin kita sa mga crew don. Call me if there's any problem. Bukas na lang tayo mag-usap tungkol sa job description mo.

-Z'

Mabuti na lang pala marunong ako ng konti sa kusina dahil minsan nanunuod at tumutulong ako kay manang Nieves. Bilang lang ang lutong ulam na kaya ko dahil hindi talaga ako mahilig sa kusina, I prefer to eat than to cook so what can I say?

Habang nagluluto ako ng adobong manok, bilang pumasok sa isip ko ang nanay ni Sydney. 

Asan kaya sya? Hindi sya sumalubong ng dumating kami kanina. Ano kayang itsura nya? For Zurich's taste, she must be beautiful.

I know I shouldn't feel this but I don't know why I felt thousand of tiny needles stabbing my chest.

Pinaalis ko ang topic na yun sa utak ko at pilit na idinivert ang isip ko sa plano kong hanapin si Florence. Ang kelangan ko lang malaman, kung kapatid nga ba sya ni Zurich ng sa ganon mapag-isipan ko kung paano ko sya makakausap.

A part of me is praying that she don't end up like my dad, kahit galit ako sa pagsira nya sa pamilya ko gusto kong umasa na okay sya dahil sya lang ang susi para malinis ko ang pangalan ng mommy ko.

Nagluto lang ako ng sapat sakin kaya pagkatapos kong kumain ay naghugas lang ako ng plato at umakyat na ulit sa kwartong tinutuluyan ko para mag shower.

Kahit gusto kong maglakad sa tabing dapat, hindi ko muna ginawa. I need to familiarize this place first.

THE next day I woke up, I felt so refreshed. The scent of flowers and fresh air filled my lungs. Bumangon agad ako at naligo ng maalala na unlike sa mansion namin, hindi ako senyorita dito. Ayokong bigyan ng dahilan si Zurich para mapagalitan ako.

I choose to wear a sleeveless cotton shirt and a medium length walking shorts. I should not flirt with him anymore dahil may asawa na syang tao.

The 'I. Should. Not. Seduce. Zurich. Monteclaro.' note is flashed in my mind clearly before I went downstairs.

Dumiretso ako sa dining at naabutan na may nakahain nang pagkain doon.

Zurich was with his straight face while reading a newspaper and sipping his black coffee. I remember my dad on him.

"Good morning sir" I greeted him casually.

I don't know what should I do dahil hindi nya pa naman ibinibigay ang job description ko. Kung para sa kanya trabaho ang ipinunta ko dito, then I should serve him not the other way around.

"Morning. Have a seat" sagot nya ng hindi tumitingin sakin.

Mukhang pareho kami ng iniisip.

Siguro he is with his wife last night and maybe he realized that he should be distant with me. That's what best for the both of us, I think. 

Ibinaba nya ang dyaryo at sumulyap sakin. Because I'm sitting on a chair opposite to him, I have no choice but to look at him also.

"Sydney is still in my parent's house so you have to eat breakfast for the meantime, then when she came back, you can start your job"

We ate in awkward silence and after we eat, pinagtulungan namin na ilagay sa sink ang mga hugasin. I was about to wash the dishes when he speak.

"May pupunta dito mamaya para ayusin yan, sumunod ka sa office ko para dun natin pag-usapan ang trabahong gagawin mo"

Wala akong nagawa ng mauna syang maglakad papunta sa isang kwarto sa second floor kaya tahimik lang akong sumunod. 

Sa loob ng pintong pinasukan namin ay ang isang library na may halos twelve feet na mga bookshelf at isang desk na may mga papel at isang picture frame ni Sydney.

Iminuwestra nya ang isang upuan kaya doon ako umupo habang sya ay sa swivel chair.

May inilabas syang puting folder mula sa tambak na mga papel sa desk at inabot yun sa akin.

"That would be the contract and if you have questions, feel free to ask me"

I read each word carefully trying not to mind his strong and tempting presence in front of me. 

My job is to take care of Sydney, to feed her on the right time, to make sure she drinks her vitamins well and to make her sleep during bedtime. As a tutor, a textbook will be my guide for teaching her the lesson. My schedule with her was one to three p.m. Siguro naman kakayanin ko ang three hours. Kompleto sa benefits at iba pa.

After I signed it, inabot ko yun sa kanya.

"Off mo ang Sunday kaya pwede kang umuwi sa Manila, kung available ang chopper pwedeng yun ang gamitin mo at kung hindi naman, pwede kang magpahatid sa port gamit ang sasakyan ng resort dahil may mga bangka dun na maghahatid sayo sa Sta. Elena. From there you can ride a bus to Manila but anyway, kung hindi ka uuwi pwede ka namang magpahinga dito sa bahay o mamasyal sa resort. Si Sydney ay nasa parents ko ng ganoong araw pero kung ayaw mong mag-isa pwede ka din sa bahay nila"

"May tanong ka ba?" tanong nya

My eyes landed on his natural pinkish lips that looked even more kissable with every single move.

"Syempre marami--- I mean wala na sir"

I bit my lower lips. Jusko ang careless ko... We are not that close to ask about Florence and it would be awkward if I asked about Sydney's mom. How stupid of me.

Kumunot ang noo nya bigla kaya ibinaling ko ang mata ko sa mga libro. I can't stand looking at his luscious lips, I am tempted.

"A-ah... Sir l-lalabas na po ako, hihintayin ko na l-lang s-si Sydney sa labas" kandautal-utal kong paalam.

Damn. I should be the one tempting him but here was I, sitting in front front him looking like a total idiot while staring at those thick old books and cannot even look at him, stammering  just to say goodbye.

"Why you looked so tensed? Are you afraid of me?" 

Dahil iniiwasan ko nga na mapatingin sa kanya, hindi ko na namalayang nasa tabi ko na pala sya.

"H-ha?"

My voice were trembling and it came out like  a whisper so bit my lower lips once more for me to control my emotions.

He was too close and because of that, I was so tempted to break my promise that I wouldn't kiss him.

Parang magdudugo na ang labi ko sa tindi ng pagkakakagat ko doon. The pain from it is the only way to keep my self sane.

"You will call me Zurich and I will call you Praia, is that okay?"

I nodded my head unconsciously because I can't think straight when he's this close.

"Good... Now look at me"

That alerted my senses.

Umiling ako ng marahan kaya sya na mismo ang gumawa nun. Using his palm, he carefully touched my face and tilted it so that I can face him.

"Don't bite your lips... It is turning me insane"

Na-estatwa ako sa kinauupuan ko nang maging magkapantay ang mga mukha namin.

I can smell mint from his mouth. And that is not good. I must push him.

Unti-unti nyang inilapit ang mukha sakin at pakiramdam ko na trap ako bigla.

I can do nothing but to close my eyes the moment his lips touched mine. It started as a gentle smack then his tender kiss went wild seeking for entrance. I unconsciously give him the access he needed.

A soft moan escape between our kisses when he sucked my tounge. He teached me the rhythm and suddenly I found myself answering his kisses with the same, intense and burning passion.

He gripped my hair and angled my head so that he could kiss me deeper. While I put my arms on his nape to push him closer.

His kisses made me dizzy and I can't even think straight. Good thing I was sitting because if not, I would be lying on the floor coz my legs were like a big block of jelly ace.

He helped me stand up while his hand is supporting my back and his other hand who's gripping my hair was now making its way inside my top.

The room was air-conditioned but I felt so hot all over. His every touch made my body flicker and the electrifying sensation is like a wild fire that flows into my veins quickly.

He cupped my breast and played with it while his tounge slides from my mouth into my neck planting small kisses. I bit my lower lips because I felt too much pleasure and I might explode anytime.

I frozed when I heard soft knocks from the door. Mukhang hindi nya yun napapansin dahil abala pa rin sya sa ginagawa nya sakin.

"Zurich..." I intended it to sound like a wake up call but it came out as a moan.

The knocks continued kaya itinulak ko sya gamit ang natitira kong lakas.

He looked frustrated when he looked at me so I pointed the door. Doon lang mukhang nag sink in sa kanya na may tao sa labas.

Inayos ko ang buhok ko at bahagyang lumayo sa kanya, sakto namang pumasok si Sydney.

Mukhang nagulat sya na nandon ako pero hindi sya nagpahalata.

"Dad, hinatid lang ako ni tito LA hindi na sya tumuloy kasi may gagawin daw sya" she said then glanced at me.

My face turned red. Why do I have this feeling na parang hinuhusgahan ako ng batang to?

"Ahm... B-babalik muna ako sa kwarto ko, m-maiwan ko na kayo" paalam ko sa nanginginig na boses.

Hindi na ako sumulyap sa kahit na sino sa kanila dahil alam kong hindi ko kaya.

I locked the door and go to the bathroom without further thinking.

I need a cold shower not just because I felt so sticky down there but I wanna wake my self up.

I just wish a cold shower was enough.

MATAGAL na akong tapos mag-ayos pero wala akong mahanap na lakas ng loob para lumabas. My guilt and shame is hunting me as hell.

Kabadong kabado ako habang naglalakad palayo sa kwarto ko. I am shaking so bad at pakiramdam ko pwede akong mag pass out anytime, that would be a lot better para magkaroon ako ng dahilan na wag silang sabayan sa lunch.

Ready na ang dining table pagkarating ko doon at mukhang ako na lang ang hinihintay nila. The rectangular glass table was full of seafoods kaya nakayuko akong umupo. Katapat ko si Sydney at nasa kabisera naman si Zurich.

The whole time, I was literally not looking to any of them because I was so embarrassed. Kung hindi dumating si Sydney, baka may nangyari na samin ni Zurich kanina. That was so stupid of me.

And just because of that thought, I was red as the shrimp I am eating. Gosh... Why can't I just forget that? Right. Kalimutan ko na dapat ang bagay na yun.

Nauna akong matapos sa kanila dahil hindi ko talaga kayang i-enjoy ang pagkain pagkatapos ng mga nangyari pero nanatili ako dun para hintayin na matapos sila. I don't wanna be rude.

I was about to pick up dishes when they finish eating but Zurich stopped me.

"It's not your job. Let me put this into the sink and I'll call someone to wash this. Samahan mo na lang si Sydney sa kwarto nya para makainom na sya ng vitamins" 

I glanced at him. He was looking intently at me kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Nauna namang tumalikod at maglakad sakin si Sydney kaya sumunod ako sa kanya. We went to her room.

Pagkapasok namin, umupo sya sa kama at niyakap ang isang brown stuff toy.

Her room was so simple. It was pink themed and there was some baby pictures hanging on the wall. Her room was so neat like it was owned by a teenager. Yung stuff toy lang na hawak nya ang nakita kong laruan sa loob. She's really matured and quite advance for her age.

When I was a kid, I remember that my room was princess themed and there are toys everywhere. It was pink all over and my bed was like one's I've always seen in Disney movies.

"My dad told you to give me my yucky vitamins not to stare at my room" untag sakin ni Sydney.

Ginising ko muna ang sarili ko at hinanap ang mga vitamins. Hindi naman ako nahirapan dahil nakapatong lang yun sa gilid ng isang table. May label na 'Sydney's Vitamins, after lunch'.

Ngumiwi sya ng makitang bitbit ko yun palapit sa kanya.

Umupo ako sa kama paharap sa kanya at dahan-dahang nilagyan ng vitamins ang kutsara.

It was like honey but it smells awful. Now I know why her face was like that.

"Isa lang to, inumin mo ha..." marahan kong sabi at inilapit ang kutsara sa kanya.

"I don't wanna drink that, it's disgusting" then she made face.

I chuckled.

"I hate to admit but it looks sour, masama ba ang lasa?" 

"Yeah... It was like mixture of honey, banana and sour tamarind. I don't want that" she agreed like she's convincing me to throw it all away.

"But Syd, this is good for you... Para hindi ka na lagnatin ulit"

"What did you call me?" taas kilay nyang tanong at ngumiwi ng maisubo ang kutsara na may vitamins.

"Syd..." 

"You're just like her, sabi ko na eh" she answered in a cold voice

"Just like who?" I asked curiously

"Quit it, don't be nosy about my life coz someday iiwan mo rin naman ako" yun lang ang sinabi nya at bigla syang lumabas sa kwarto.

Matagal bago ko na realize ang nangyari. She did just walk out.

NANG malapit ng mag ala una, bigla akong nakonsensya dahil feeling ko ako ang dahilan kung bakit nag walk out si Sydney. Hinanap ko muna sya sa buong bahay at ng hindi ko sya nakita ay nag decide akong hanapin sya sa labas.

Nang makalabas ako sa gate ng villa ay tinahak ko ang daan papunta sa may pool. Hindi ko alam eksakto kung saan sya sisimulang hanapin pero alam kong hindi ako mapapakali kung tutunganga lang ako sa isang tabi. 

Wala din si Zurich sa bahay nya kaya hindi ako makahingi ng tulong. Isa pa sobrang hiyang hiya ako sa inasta ko sa kanya. Baka iniisip nya na napaka easy kong babae dahil bumigay ako agad sa kanya.

I sigh. 

I'm so affected by that incident dahil naalala ko ang mommy ko sa misis nya. He is cheating.

Naglibot muna ako sa buong pool area at hindi ko man lang nagawang pansinin ang ganda ng resort dahil abala ako sa paghahanap kay Sydney.

Sunod akong pumunta sa beach side na may mga sun lounger, cottage at kainan. Nang i-check ko ang bulsa ng suot kong beach shorts ay saka ko lang nalaman na wala akong dalang cellphone.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong naglilibot pero hindi ko makita ang daan pabalik sa hanay ng mga villa dahil sobrang laki ng resort. Napadpad na ako sa tapat ng isang coffee shop ng mag decide akong magtanong na para makauwi na ko sa bahay ni Zurich.

Ilang saglit akong nagpalinga-linga ng may lumapit sa aking lalaki. 

He was taller than me, maybe as tall as Zurich. His eyes was quite familiar like I saw it somewhere.

"Miss kanina pa kita napapansin, may problema ba?" tanong nya agad pagkalapit sakin.

I hesitated because I am not familiar with this place. Pero hindi naman syang mukhang gagawa ng masama kaya nagpasya akong magpatulong.

"Ah... K-kasi... Ganito mister. Nawawala kasi ako, I can't find my way back to the villa"

I smiled awkwardly dahil hinagod nya ko ng tingin. 

Tumaas ang kilay nya.

"Kaninong villa ka pupunta?" 

"Kay Zurich..."

"Are you his girlfriend?"

"No. Tutor ako ng anak nya"

Parang nakahinga sya ng maluwag dahil sa hindi ko malamang dahilan.

"Ah... You're the one Sydney is talking about. Im LA Monteclaro by the way"

Naglahad sya ng kamay na agad kong tinanggap. 

"Praia"

"Nice name" komento nya.

"Thank you" I flashed a wry smile.

"Halika ihahatid na kita sa villa ni Zurich"

Magkasabay kaming naglakad habang sya ang nagtuturo ng daan.

"Gago talaga yun, bakit ka nya pinayagan na umalis mag-isa? Alam nya namang hindi mo kabisado ang lugar na to"

"Kasalanan ko naman eh, nahihiya akong magtanong. Tapos kanina hindi ko natandaan ang dinaanan ko kasi hinahanap ko si Sydney"

Because I'm busy talking to him, hindi ko agad napansin na nasa tapat na pala kami ng villa ni Zurich.

"We're here" nakangiti nyang saad.

"Thank you sa paghatid" I said sincerely.

"Your welcome" 

"Nice to meet you by the way"

"Same. Okay, I have to go"

Hinintay ko muna syang makalayo bago ako pumasok. Natigilan ako sa pag hakbang dahil nasa sala si Zurich.

He was sitting a the chair with this arrogant look. Umiigting ang panga nya at magkasalubong ang halos magkadikit ng kilay.

Mukha syang galit kaya hindi ko alam kung lalagpasan ko ba sya o itatanong kung nakauwi na si Sydney.

Sa huli, minabuti ko na lang na iiwas ang tingin at umakyat sa kwarto. Nakakailang hakbang pa lang ako ng tawagin nya nag pangalan ko.

Automatic akong pumihit paharap sa kanya but this time, I can't look at him because I'm so nervous.

"Where have you been? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" he asked in a low and dangerous tone.

"A-ah... K-kasi hinanap ko si Sydney kanina kaso naligaw a-ako"

Halos sampalin ko na ang sarili ko. I did just stammer in front of him. The hell...

"And why would you do that? Sydney grows up in this place, our family owns this kaya walang mangyayaring masama sa kanya dito sa loob ng resort"

I bit my lower lips and glued my eyes on the floor.

What can I say? Tama naman sya. Baka nag-over react lang ako kanina dahil na guilty ako ng mag walk out si Sydney.

"O baka naman hindi yun ang dahilan"

Bigla akong nag-angat ng tingin dahil sa sinabi nya.

"Hindi kita maintindihan" 

He smirked.

"Hindi? Talaga?" his eyes full of sarcasm turned into blank "Akala mo ba hindi ko nakita kanina? Kasama mo ang kapatid ko. Ano nag date ba kayo? Masaya ba na kasama mo sya habang halos mamatay na ako sa kakaisip kung nasaan ka?"

I panicked.

Ano bang iniisip ng lalaking to?

"T-teka... Kung si LA ang tinutukoy mo, hindi kami nag date. Nag magandang loob lang sya na ihatid ako dito kasi hindi ko maalala ang daan pabalik"

"Sa kanya pa talaga?" he asked in a mocking tone

Tumawa pa sya na parang sinasabing 'hindi ako naniniwala sayo Praia'

"Kapatid mo sya, hindi ba dapat matuwa ka na inihatid nya ko dito?"

"Why don't you call me para masundo kita?"

"Nakalimutan ko ang phone ko kanina"

Naningkit ang mga mata nya.

"Bullshit. Why can't he just fucking tell you the direction instead of bringing you infront of my damn house?"

Natigilan ako dahil sa pagmumura na at sa reaksyon nya na para bang malapit ng sumabog na bulkan.

Kinalma ko ang sarili ko at inalala kung paano i-handle ni mommy ang ganitong sitwasyon.

"Ask him" I cooly answered.

A long moment of silence filled into the air of the living room. Sa sobrang tahimik parang naririnig ko na ang hampas ng alon sa dalampasigan kahit hindi ko alam kung malapit ba yun dito.

He still looks pissed pero mukhang kumalma na sya ng konti. I'm not sure if I got it right pero natigilan sya sa sagot ko. Baka hindi nya inaasahan na magiging ganon ang respond ko sa kanya.

"Sorry hindi na to mauulit. Wag kang mag alala kahit hindi mo isama sa sweldo ko ang para sa araw na to kasi hindi ko naturuan si Sydney" I sigh "May sasabihin ka pa ba?"

"Hindi na ako magpapadala ng pagkain dito. Sa restaurant tayo kakain. Palitan mo ang damit ni Sydney at pagkatapos mag ayos ka na rin"

HINDI ko alam kung paano mag a-approach kay Sydney dahil hindi ko alam kung galit sya o ano.

Habang nandito ako, gagawin ko na ng maayos ang trabaho ko dito kahit clueless ako sa tamang pakikisama sa isang bata.

"Hi... Pwede ba kong pumasok?" tanong ko habang nakadungaw sa pinto.

Humarap sya sakin at tumango-tango kaya nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok doon.

Umupo ako sa kama at tiningnan ang iPod na pinagkakaabalahan nya.

I cleared my throat.

"Sorry nga pala kasi hindi ako nakabalik on time para turuan ka"

"Ayos lang..." tipid nyang sagot at sinulyapan lang ako saka nagbalik ng tingin sa iPod.

"Busy ka ba? Sabi kasi ng daddy mo kakain daw tayo sa labas kaya papalitan ko muna ang damit mo"

"Okay. Nasa drawer ang mga damit ko"

"May specific ka ba na gustong isuot?" tanong ko habang binubuksan ang drawer.

"Wala ikaw na lang ang pumili"

I smiled while looking at the dresses inside the drawer. I remembered how much my mom loves to dress me up like a barbie girl when I was young.

Sinulyapan ko sya at muling ibinalik sa mga damit ang tingin. I pull out a sunday dress and go near her.

"Eto... This would fit very well" 

Excited ako habang isinusuot ang damit sa kanya. Wala naman akong narinig na complain sa kanya kaya inayos ko pati ang buhok nya. Ako rin ang hinayaan nyang pumili ng sapatos.

"Tada..." I exclaimed.

Sobrang lawak ng ngiti ko habang pinagmamasdan ang itsura nya. She's so adorable with that yellow orange sunday dress na umabot sa tuhod nya. Naka French braid ang jet black nyang buhok at suot nya ang puting flat shoes na pinili ko.

"Ano tapos na ba?" inip na inip nyang tanong.

Hindi ako nagsalita. Binuhat ko lang sya at itinayo sa harap ng salamin.

"Ako ba to?" she asked while staring at her reflection.

Isa lang ang naalala ko sa kanya. Si Florence. Kamukhang kamukha nya yun dun sa grade school picture na nakita ko sa internet.

"Ewan ko, Sydney ba ang pangalan mo?" I joked.

Hindi nya ko pinansin at tinitigan lang nya ang salamin na parang unang beses nyang makita ang sarili nyang repleksyon.

"Sige magpapalit na din ako" paalam ko ng maalala na malapit ng mag dinner.

"Wait..."

Napatigil ako sa pag hawak sa door knob dahil akala ko nag ha-hallucinate lang ako.

"Thank you" walang kaemo-emosyon nyang sabi.

Napailing-iling na lang ako habang papasok sa kwarto ko.

Bipolar kid. Parang tatay nya.

HINDI na ako masyadong nag effort na mag ayos dahil dinner lang naman yun. Pinili ko ang damit na comfortable pero presentable kahit paano, a fitted statement shirt and denim shorts, sandals na lang rin ang sinuot dahil sa pagkakatanda sa ko kanina, nasa may beach side ang mga kainan.

Nagsusuklay ako ng buhok nang makarinig ako ng katok sa pinto. Binuksan ko yun at nabungaran ang nakangusong si Sydney.

"Tapos ka na ba?" she asked in a flat tone.

Pambihirang bata talaga. Inayusan ko, nagpasalamat nga mukha namang labas sa ilong, tatawagin ako, mukha namang nagde-demand.

"Oo, teka ibabalik ko lang ang suklay"

Ginawa ko ang sinabi ko at sumunod sa kanya pababa ng hagdan.

Tumayo agad si Zurich ng makita kami at nag decide syang lakarin na lang namin ang restaurant.

Nauuna sila ni Sydney sakin habang tahimik kaming naglalakad.

Hindi naman malayo ang restaurant, ng malagpasan namin ang mga villa ay konti lang ang nilakad namin para makarating sa C&M Restobar.

It was a huge place with the romantic and modern ambience. It was covered with glass at tama nga ako, malapit sya sa dagat kaya kitang-kita namin ang paglubog ng araw at ang kulay kahel na langit. May maliit na stage kung saan may lalaking nagpe-perform.

Zurich pick a table near the glass wall where we can see a better view of the sea. Magkatabi kami ni Sydney at nasa harap nya si Zurich.

"What do you wanna eat?" 

Nagkatinginan kami ni Sydney at bigla nyang inabot sakin yung menu. I scanned it and picked lobsters, pineapple juice and a strange food called fish mushroom soup with something I don't know.

"Yun din ang akin dad" segunda ni Sydney ng masabi ko kung ano ang order ko.

He looked at us like we are some weird creatures from Mars before giving our orders to the waiter he called Chuckie.

We were so silent kaya ibinaling ko ang mata ko sa dagat dahil ako ang nakaupo sa side na yun.

May mga iilang guest na nag na-night swimming, yung iba nasa buhangin at yung iba nasa lounger. Ang papasikat na buwan at mga nakahanay na torch ang nagbibigay ng liwanag sa kanila.

Napabalik lang ang atensyon ko sa mesa ng dumating ang order namin at nagsimula na kaming kumain.

Natigilan ako ng makitang nahihirapan si Sydney sa pagkain ng lobsters dahil masyadong malaki yun para sa maliit nyang kamay. Bigla akong nakonsensya dahil nung ako ang nasa edad nya, may mommy ako para magtanggal ng shell para sakin.

Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at kinalabit sya. 

"Tulungan kita, gusto mo?"

She glanced at her father first before shyly nodded on me. Sumulyap din ako kay Zurich na natigil sa pagkain. Parang gusto ko syang irapan. Hindi nya ba napapansin na nahihirapan yung bata? Tss... What a father?!

Iniwasan kong sumulyap ulit sa kanya sa buong panahon na kumakain kami dahil pakiramdam ko palagi syang nakatingin sakin.

"Are we heading home o may iba pa kayong gustong gawin?" Zurich asked habang palabas kami.

"I'm tired dad. How about you?" 

Nagulat ako ng bigla nyang hingin ang opinyon ko.

"Ah... Uwi na tayo kung pagod ka na"

DUMIRETSO kami ni Sydney sa kwarto nya para makapag half bath sya at makatulog. Samantalang nagpaalam si Zurich na may gagawin daw sa office nya.

"May pamilya ka ba?" tanong bigla ni Sydney habang sinusuklay ko ang buhok nya na medyo nakulot dahil sa braid.

"Oo, mabait ang parents ko" nakangiti kong sagot.

Suddenly, I missed my parents. If my mom was here, matutuwa syang damitan ang malditang bata na to na mukhang barbie.

"Siguro only child ka noh?" patuloy nyang pag-uusisa.

"Pano mo nalaman?"

"Simple lang, mukhang alagang-alaga ka sa inyo"

"Owss..."

"Kahapon ko pa tinitingnan ang legs mo, milky white tsaka walang gasgas. Mayaman ba kayo? Bakit sabi ni daddy, may sakit ang mommy mo at kelangan mo ng pera para sa kanya? Nandito ka ba talaga para mag yaya at tutor sakin o para makuha ang loob ng daddy ko?"

Napatawa ako sa tanong nya at tinapos ang pagsusuklay sa kanya bago sya hinarap.

"Alam mo? Kahit maldita ka at masungit sakin, feeling ko lalaki kang genius kasi ang mga bagay na alam mo ay hindi bagay sa edad mo" 

Tumaas ang kilay nya.

"Gaya ng paghawak ng baril? Pagtawid sa real life laser traps? Pangha-hack ng wifi ng mga tito ko? Pagtalon mula sa second floor papunta sa mga dwarf santan ni lola? Normal lang yun, Monteclaro ako eh"

I shook my head in disbelief. Kakaiba talaga...

"Halika na nga, matulog ka na. At bukas ituturo ko sayo ang dapat gawin ng isang batang four years old"

Humiga sya sa kama at kinuha ang isang libro mula sa mga nakalagay sa night stand.

"Magbabasa ka?" curious kong tanong.

"Oo. Ginagawa ko to bago ako matulog"

"Hindi ka ba binabasahan ng daddy mo o ng mommy mo?"

"Busy si daddy sa trabaho, naiintindihan ko yun dahil para naman yun sa future ko. Wag ka ng magtanong tungkol sa mommy ko" sinulyapan nya ko "Ayoko syang pag-usapan"

May kung anong mainit na humaplos bigla sa puso ko at nakalimutan ko na ang pangit na impression ko sa kanya. Ang gusto ko lang ay gawing saya ang nababanaag kong lungkot sa mga mata nya.

Tumabi ako paupo sa kama nya at niyakap sya.

She frozed dahil mukhang hindi nya inaasahan ang ginagawa ko.

"From now on, ako ang magbabasa ng bed time story mo hanggang sa makatulog ka... Ayos ba?"

"Really? Let's start then" excited nyang inabot sakin ang story book na Cinderella at umayos ng higa sa kama.

Binasa ko yun habang hinahaplos-haplos ang buhok nya kaya mahimbing syang nakatulog kalagitnaan pa lang ng kwento.

Pinagmasdan ko muna sya ng ilang saglit bago ko inayos ang kumot nya at binuhay ang lampshade.

I guess this kid was just a brat seeking for attention and love.

NAGHAHANDA pa lang ako para matulog ng makarinig ako ng tatlong mahihina at sunod-sunod na katok.

Inayos ko ang bathrobe ko bago ko yun binuksan dahil alam ko na kung sino yun, tatlo lang naman kami dito sa bahay.

"May kailangan ka?" tanong ko kahit ang totoo'y tumatambol na ang dibdib ko sa kaba.

"Wala. Gusto lang kitang pasalamatan dahil sa pag-aalaga mo sa anak ko"

"Trabaho ko naman yun eh"

He sigh.

"Pasensya na kung medyo na-spoil ko sya, hindi lang halata pero mahal na mahal ko ang anak ko. Sana pag tyagaan mo sya dahil walang tumatagal na yaya sa kanya"

"Kulang lang si Sydney sa pagmamahal ng nanay"

Natigilan sya bigla kaya agad kong binawi ang sinabi ko.

"Sorry, I mean... Ikaw lang kasi ang kasama nya dito kaya naa-adopt nya ang manly attitude mo" agad kong bawi.

He smirked.

"Good night Praia"

"Good night"

Damn. Ano bang sinabi ko? Mukhang hindi maganda ang relasyon ni Zurich at ng asawa nya. Curious tuloy ako kung anong pangalan ng mommy ni Sydney.

Teka ano bang pakialam ko eh buhay at problema nila yun? May sarili akong problema na dapat kong pagtuunan ng pansin. 

Want to know what happens next?
Continuar Leyendo
Capítulo anterior
Capítulo siguiente

Compartir el libro a

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Último capítulo

Fire of Seduction   KABANATA 4

THE next day went like a flash because it is Sunday. Sydney and I played the whole morning and after dinner we watched cartoons--- a yellow sponge with square pants and long nose with his pink starfish, grumpy octupos and red crab friends. She stayed with me because her grandparents is on a trip abroad.We both laughed in unison in a funny scene then stopped because somebody interrupted us."Yow guys... Can we join you?" bati ni LA at umupo sa tabi ko.Kasunod nya si Cairo na may bitbit na dalawang bucket na popcorn at isang plastic bag na punong-puno ng chips at kung anu-ano pa."Tito were watching SpongeBob SquarePants. What was that?" ani Sydney na agad na nakiusyoso sa dala ng mga bagong dating."Finger foods" sagot ni Cairo habang inaayos sa mesa ang mga dala.Umayos ako ng upo nang maalala ko na nasa office nga lang pala nya si Zurich. "Asan a

Fire of Seduction   KABANATA 3

I WAKE up early with a light feeling in my head. Sinilip ko muna kung natutulog pa si Sydney sa kwarto nya bago ako pumunta sa kusina at naghanda ng breakfast, baka sakaling maisip ni Zurich na sumabay samin kaya dinamihan ko na ang luto. Besides natutuwa ako na kompleto ang kitchen utensils at grocery nya.I was humming a nursery rhyme as I pick up the last batch of sausages on the pan when Sydney suddenly puffed at the kitchen."Good morning" I cheerfully greeted her."Morning" tamad na tamad nyang bati rin sakin habang nagkukusot ng mata nya.She was still wearing her bunny printed pajamas and barefoot while walking towards what I cooked."I cooked breakfast, tulungan mo kong i-set ang dining..."She shrugged and get the forks and spoons while I carry the plates and glasses.Pinagtulungan namin na i-set ng dining saka kami umupo ng mag kahar

Fire of Seduction   KABANATA 2

HATING gabi na ng matapos ang pag uusap namin ni Tammy dahil nagkwento pa sya tungkol sa isang dati nyang naka one night stand na nag i-insist na magpakasal sila.She is very annoyed kaya wala akong ginawa the whole time kundi tumawa ng tumawa. She hates commitment pero parang nakahanap na sya ng lalaking ayaw sa 'no strings attached policy' nya.Kakahiga ko pa lang ng mag ring ang phone ko.It was an unregistered number kaya nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba pero sa huli ay naisip kong baka importante kaya sinagot ko rin."Hello Praia speaking, may I know who's this?" agad kong tanong na para bang call center agent."Darn. Even your voice sounds good over the phone" malambing na sagot ng lalaking nasa kabilang linya.Nangunot agad ang noo ko."What? Sino ka ba?" Binago ko ang tono ng boses ko at pinataray iyon para ipaal

Fire of Seduction   KABANATA 1

CARRYING my hand bag I made my way into the mansion's double door. I was just too tired today because my work is so demanding that I couldn't even eat a proper lunch because of too much paperworks.Nagtaka ako ng maabutan ko ang sobrang tahimik naming bahay dahil sa mga ganitong oras usually nakauwi na ang parents ko galing sa trabaho."Manang Nieves bat parang walang tao dito? Pinag day off---"Nabitin sa ere ang lahat ng sasabihin ko ng magtaas sya ng tingin. Hindi ko maiiwasang kabahan dahil mugtong-mugto ang mga mata nya na parang nanggaling sa matagal na pag-iyak.Lumapit sa akin ang nasa mid-fifties na mayor doma."Praia... Ang daddy mo..." Pumiyok pa sya sa pagsasalita habang papalapit sa akin."A-ano pong nangyari?" I was literally trembling because I am scared of what she might tell me. "N-naaks

Más capítulos
Descargar el libro
GoodNovel

Descarga el libro gratis

Descargar
Buscar lo que desee
Biblioteca
Explorar
RomancexiyuHistoriaUrbanHombre loboMafiaSistemaFantasiaLGBTQ+ArnolDMM Romancegenre22- 西语genre26-Españolgenre27-请勿使用Españolgenre28-Español
Cuentos cortos
CieloMisterio y suspensoCiudad modernaSupervivencia apocalípticaPelícula de acciónPelícula de ciencia ficciónPelícula románticaViolencia sangrientaRomanceVida Escolar/CampusMisterio/SuspensoFantasíaReencarnaciónDrama RealistaHombres LoboesperanzasueñofelicidadPazAmistadInteligenteFelizViolentoDulcePoderoso红安Masacre sangrientaAsesinatoGuerra históricaAventura fantásticaCiencia ficciónEstación de tren
Géneros populares
RomancexiyuHistoriaUrbanHombre loboMafiaSistema
Contáctanos
Acerca de nosotrosAyuda y sugerenciasNegocios
Recursos
Descargar appsBeneficios para escritorPolítica de contenidoPalabras claveBúsquedas PopularesReseña de libroFicción de fansFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Comunidad
Facebook Group
Síganos
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Condiciones de uso|Privacidad