Download the book for free

Chapter 1
CARRYING my hand bag I made my way into the mansion's double door. I was just too tired today because my work is so demanding that I couldn't even eat a proper lunch because of too much paperworks.
Nagtaka ako ng maabutan ko ang sobrang tahimik naming bahay dahil sa mga ganitong oras usually nakauwi na ang parents ko galing sa trabaho.
"Manang Nieves bat parang walang tao dito? Pinag day off---"
Nabitin sa ere ang lahat ng sasabihin ko ng magtaas sya ng tingin. Hindi ko maiiwasang kabahan dahil mugtong-mugto ang mga mata nya na parang nanggaling sa matagal na pag-iyak.
Lumapit sa akin ang nasa mid-fifties na mayor doma.
"Praia... Ang daddy mo..."
Pumiyok pa sya sa pagsasalita habang papalapit sa akin.
"A-ano pong nangyari?"
I was literally trembling because I am scared of what she might tell me.
"N-naaksidente.... W-wala na sya. Patay na si sir Esteban"
Nablangko ang utak ko bigla na para bang sobra-sobra sa pandinig ko ang mga salitang iyon.
Wala kong masabi. Gusto kong magtanong pero walang lumalabas sa bibig ko kundi mga hikbi.
My tears are flowing like an endless waterfalls. My legs were shaking. And more than tiredness, I felt sorrow. I was like a ticking bomb that will explode anytime.
Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko na parang binibiyak ang buong pagkatao ko sa dalawa.
Namalayan ko na lang na yakap na ako ni manang habang patuloy akong humahagulgol at nakasalampak sa sahig.
Walang salita na makapagpapakalma sakin o makakapagpalubag ng loob ko. Kelangan kong makita si daddy--- at si mommy. Kung ganito ako ngayon, ano pa sya? I witnessed how much they love each other and I am a proud product of that love.
Dahan-dahan akong tumayo at hinarap si manang.
"A-asan po sila? I want to be there for mommy" mahina kong sambit.
"Sigurado ka ba? Baka dapat magpahinga ka muna--- O di kaya'y magpalit ng d-damit..."
Kitang kita ang pag-aalangan sa kanya. Sa halos labing dalawang taon nyang paninilbihan sa amin, para ko na rin syang pamilya kaya alam kong concern sya sa akin at ang kapakanan ko lang ang inaalala nya.
I silently nodded my head and checked my clothes.
I'm wearing a sleeveless white top na pinatungan ko ng itim na blazer and a black knee length skirt with about seven inch side slits. This is okay. Parang hindi ko na kayang magpalit ng damit habang si mommy ay nagdadalamhati doon.
Dear God please help me. Sana kayanin ko to.
PAPALAPIT pa lang ako sa kabaong ni daddy parang nanginginig na ako at parang gusto nang bumaha ng luha ko. Nasa tabi noon si mommy na yakap-yakap ni tita Mirasol. She's stiff.
Hindi ko na nabigyang pansin ang mga bumabati sa akin at nagpapahayag ng pakikiramay na ilang mga kakilala.
Humarap sa gawi ko si mommy at halos madurog ang puso ko sa nakita kong sakit at paghihirap sa mga mata nya.
Parang bibigay na ang tuhod ko habang naglalakad ako patungo sa kanya. Agad akong yumakap at umiyak ng umiyak sa balikat nya. Para akong bata na nawalan ng pinaka paboritong laruan.
My dad... He's gone. He was so healthy and strong so who would know that he will pass away this early? I don't even saw him to say a proper goodbye.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagluha.
Pagkaraan ng ilang saglit ay humupa na ang emosyon ko at tiningnan ang nakasarang kabaong ng daddy ko habang nakayakap pa rin kay mommy.
We can't open it dahil pagkatapos daw ng ambush, nahulog sa bangin ang kotseng sinasakyan at minamaheho nya. Seven gunshots found on his body, dead on the spot.
Kung panaginip ito sana magising na ako dahil ito ang pinakamasama sa lahat.
"ANAK you should rest, hindi matutuwa ang daddy mo na pinababayaan mo ang sarili mo" untag sakin ni mommy.
Tumabi sya sa inuupuan ko at hinaplos-haplos ang buhok ko na para bang sa pamamagitan nun ay pinipilit nyang pawiin ang lahat ng sakit.
"Ayos lang ako ma, I want to be with dad kahit ngayon lang. Tsaka two weeks po ang leave ko sa office kaya magpapahinga din ako pagkatapos nito" I smiled weakly "You too should rest mommy, ako na po ang bahala dito"
It's been five days. Five sleepless days. The day after tomorrow ililibing na si daddy.
Dagsa ang mga nakikiramay, karamihan ay mga kamag-anak, kaibigan, kakilala at empleyado namin. Mabuti na lang nandyan palagi si tita Sol para umalalay at umasikaso sa lahat.
Kahit si mommy ay alam kong nagpapakatatag lang sa harap naming lahat dahil mula ng dumating ako, hindi ko pa sya nakitang umiyak. Alam kong nasaktan sya pero ayaw nyang ipakita.
I can't sleep. I don't want to sleep because anxiety is attacking me every single time that I am alone kaya hanggang maaari ayokong umalis dito para matulog. Minsan nga dinadalhan lang ako ni manang Nieves ng pamalit na damit. I don't wanna leave dad's side.
I can't eat dahil nawawalan ako ng gana. Pinipilit ko. Pero sa tuwing gagawin ko yun parang ayaw kumilos ng katawan ko at nauuwi ako sa pagkatulala.
"Sige uuwi muna ako pero kumain ka ha, sabi ng tita mo hindi ka daw kumakain pag wala ako dito" she kissed my forehead "I love you..."
"Love you too mom..."
I watched her go away then fell into a strange silence again.
"MY dad maybe known as a ruthless tycoon on business world but he is different at home..." panimula ko
It's the last day and I'm giving my speech since my mom can't do that.
"H-he is the type of father who let me do what ever I want... Then at the end of the day, he will be there to give me the light and guide that I need. He is my saviour. Isang kaibigan na handang dumamay at makinig. Isang guro na handang magpasensya at magbahagi ng kaalaman. Isang ama na handang magmahal at sumuporta"
"Ladies and gentlemen, more than money, fame and all the riches he had, he is a good friend, boss, husband and father who has a heart full of love. I can say that I am lucky to be part of my father's legacy. He may not be with us forever, but I am sure that the name 'Esteban Del Hugo' will always mark at the soul of every single person who loves him"
Humarap ako sa kabaong at tipid na ngumiti.
"Bye dad. We will love you... Forever"
Nang matapos ang speech ko ay kitang-kita ko na halos lahat ng naroon ay nagpapahid ng luha.
Tumabi ako kay mommy habang pinapanood ang kabaong ni daddy na unti-unting ibinabaon sa lupa. Palayo ng palayo sa amin.
Hindi ko alam pero walang pumapatak na luha sa mga mata ko ngayon. Malungkot ako pero pagod ng umiyak ang mata ko. Sila na ang sumuko.
Si mommy naman ay blanko ang mukha kabaligtaran ng nakatatanda at nag-iisang kapatid ni daddy na si tita Sol na humahagulgol sa balikat ng anak nyang si Neli.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang ilang mga kasambahay at driver namin na pawang malulungkot din.
Sa dami ng nagmamahal sa kanya hindi ko maiwasang mapatanong kung bakit sya pa. Marami namang kriminal dyan at drug addict pero bakit sya pa?
PAGKAALIS ng mga tao ay nagpalipas muna kami ng ilang saglit bago umuwi. Tahimik lang kami ni mommy hanggang sa makarating ng bahay coz I know that we are both grieving silently.
Naupo ako sa sofa adjacent sa kinauupuan nya at pinagmasdan ang bahay. Our home will never be the same without its foundation but we have to continue because if he could only talk, I know that he will encourage us to do the same thing.
Hindi ko alam kung paano bubuksan ang topic tungkol sa pagkamatay ni daddy. Walang puso ang gumawa nun at magbabayad sya.
Tikom pa ang mga bibig namin tungkol doon dahil nag-iimbestiga pa ang mga awtoridad.
I was about to open my mouth when manang Nieves rushed to us with an anxious look.
"M-maam Pelinara may... m-may mga pulis pong naghahanap sa inyo" iminuwestra nya ang apat na unipormadong lalaki na papasok sa sala.
Tumayo si mommy at nakipagbatiaan sa mga kadarating kaya ganon din ang ginawa ko.
"Have a seat surgent, kamusta ang imbistegasyon sa kaso ng asawa ko?" ani mommy
Ang isa lang ang umupo, ang tinawag ni mommy na surgent at nanatiling nakaalerto ang iba habang nakatayo animoy may binabantayang leon para hindi makalabas sa kulungan.
"May lead na po kami sa nangyari sa kanya" magalang na sagot ni sarhento "Hindi iyon isang simpleng ambush dahil may hidden agenda kung sino man ang nagplano ng murder"
I knew it. Hindi yun malabo dahil business tycoon ang daddy ko, malamang na maraming naiinggit sa kanya.
"Kung ganon hanapin nyo na ang gumawa nun sa asawa ko" mariing tugon ni mommy sa madilim anyo
"Kaya nga po kami nandito, inaaresto po namin kayo sa salang pagpapapatay kay Esteban Del Hugo"
My jaw dropped.
"What? Are you insane?" I reacted quickly.
What the hell? Who is he to say that? Si Pelinara Del Hugo ang kaharap nya, ang mommy ko... Hindi nya yun magagawa.
"Ayon sa testimonya ng hired killer at sa mga ebidensya na nakalap namin, ang iyong ina ang aming primary suspect" paliwanag nya.
"That was ridiculous! Why the hell on earth my mom will kill her own husband?" I said almost shout even I'm trying to be calm.
Ramdam na ramdam ko ang mabilis kong paghinga dahil sa galit at unti-unting pagbangon ng pagtataka sa sistema ko.
"Huminahon kayo miss, kaya nga namin ide-detain pansamantala ang mommy mo para habang gumugulong ang mas malawak na imbistegasyon ay masagot ang mga tanong mo. Ayon sa mga ginawa naming research, planong makipag divorce ni Esteban sa iyong ina at hatiin ang lahat ng ipinundar nila sa dalawa. Ang makukuha ng daddy mo ay hahatiin sayo at sa isang babaeng nagngangalang Florence Monteclaro na hanggang ngayon ay hindi namin mahagilap. Magkasama sina mister Del Hugo at miss Monteclaro ng nangyari ang aksidente kaya malubha rin syang nasugatan pero wala po sya sa kahit saang hospital"
"I don't care about that slut surgent, ang kelangan kong maintindihan ay kung bakit si mommy ang pinagbibintangan nyo. It could be that home wrecker" maiiring giit ko.
"Positive na may ugnayan nga sina missis Del Hugo at ang hired killer na si Leonardo Dalikata ayon sa mga CCTV footage na nakuha namin sa ilang mga restaurant at parking lot. Galing din po sa kanya ang fifty million na naka-deposit sa bank account ni Leonardo. May mga naganap din pong palitan ng tawag sa kanila bago at pagkatapos ang insidente na pinatunayan ng cellphone na nakuha namin mula sa cellphone na pag-aari ni mister Dalikata" patuloy pa ng pulis.
My head is throbbing because of what I heard. Questions are running into my mind. I need an explanation for this all. A brief one. Very brief.
Thousand of whats, whys, hows, but it didn't come out on my mouth. All I can do is to listen to them and helplessly calm my self.
"Magaling ang researcher nyo pero sinasabi ko sa inyo ngayon, wala akong ipinapatay" yun lang ang sinabi ni mommy sa isang pormal na tono.
Kahit ang mga mata nya ay hindi kababakasan ng emosyon at blanko ang kanyang mukha. Gaya ng sa burol ni daddy.
"Sumama na lang po kayo ng maayos ma'am"
"Mommy ano to?" I asked when I finally did find my own voice.
"Kailangan na ang mommy mo sa presinto ngayon" sabat ng isang pulis at nilagyan ng posas si mommy.
May sinabi sya tungkol sa pananahimik at pagkuha ng abogado pero nakatutok lang kay mommy ang mata ko na hanggang sa kasalukuyan ay taas noo pa rin.
"Saglit lang po... Ma... A-anong sinasabi nila? Hindi ka kriminal di ba? At anong divorce? Sino si Florence?" I shouted as they pushed my mom into the police mobile.
"Saka na tayo mag-usap anak" she shouted back.
I know we are all grieving but with this kind of situation I think I can't do this all alone.
The last thing I know, tulirong-tuliro na ako habang tunatawagan si tita Sol para humingi ng tulong habang panaka-naka ay iniinom ang tubig na ibinigay ni manang Nieves.
What's happening to my fine life? First my dad and now my mom? Seriously?!
I WAS staring at the wall where our latest family picture was hanging, it was captured last Christmas with golden frame and almost same as my height.
Nakaupo si mommy sa isang Victorian chair habang nakasuot ng isang crimson red formal long sleeve dress. Sobrang elegante nyang tingnan sa larawang iyon kahit Ruby earings lang ang tanging alahas na suot niya and her fierce make up.
Nakatayo ako sa kanan nya at nakangiti suot ang isang maroon dress. Medyo naka side way ako kaya kita na backless ang damit na iyon.
Samantalang nasa kaliwa si daddy suot ang puti nyang tuxedo na nagpalitaw ng taglay nyang awtoridad at tikas.
We are a picture of a complete family.
They said I am like a mini version of my mom. Elegant, serious and dominating. Also, I get most of my features from her. Olive green eyes, fair skin and raven black hair. I wasn't that tall but I reached at least 5'7.
Suddenly, everything came back to me like a quick flash of memories. When I was a kid, my family was perfect in my eyes coz I can see how much my parents cared and loved each other. During my teenage life, I get more close to them as in very dependent, that's why up until now that I'm twenty four, I'm still living at their house even though I got a decent job. They don't mind it anyway.
Lately parang nagkakalabuan sila pero dahil abala ako sa trabaho akala ko simple lang yun. Isang away na dinaanan ng lahat ng mag-asawa. But I was wrong dahil kinumpirma sakin ni manang na madalas nga daw silang nagtatalo tungkol sa divorce at mga ari-arian.
Of course alam kong hindi papayag si mommy pero naniniwala ako na hindi nya magagawang ipapatay si dad dahil alam nyang masasaktan ako.
I made my decision. I need to talk to my mom.
NAKAUSAP ko na ang abogado ni mommy, he said they're working about the case.
While tita Sol assured me that he is one of the best and mastered criminal law very well. Siniguro nya rin na hindi magli-lick sa press na naka-detain si Pelinara Del Hugo, napakalaking balita nun dahil si mommy na ang presidente ng DH Enterprises.
"Mommy I never doubted you for even a split second but please answer my questions" panimula ko sa isang mababang tono.
She just stayed at this place overnight but she looked miserable. Her straight and formal face still screams authority and elegance but she looks pale without her make up. Dark circle are below her eyes.
I couldn't sleep properly while thinking a picture of my mom behind bars, trying to ignore those mosquito buzz.
Still wearing a straight face, she waited for my next sentence. Her pride is just too proud and high to admit that she is hurt, miserable and broken.
"Is that Florence girl dad's mistress?" mahinahon at mahina kong tanong sa takot na may makarinig sa amin.
My mother's presence here is enough to draw attention and I wont add fuel to that fire by being careless towards my actions.
Kumuyom ng bahagya ang kamay ni mommy kahit halatang nahulaan na nya na itatanong ko yun. I get the answer I need when she nod slightly.
"Gaano katagal nyo ng alam? Bakit di nyo sinabi sakin?"
"Six months.... But... It's for your own sake, I love you so much and I will never allow that divorce coz it will hurt you. I can't afford that. I love you and I will sacrifice everything for you" she answered sincerely.
Napakagat ako agad sa labi ko.
I was holding my emotions like it was some kind of dangerous nuclear weapon that will be a pain in the ass if exploded.
Her lips formed one thin line tanda na ganon din ang pagpipigil na ginagawa nya.
"Why is there phonecalls and meetings between you and that Leonardo?" patuloy kong tanong
"He was one of my suitors back then and now we became acquainted because he invested in our company. After the incident, he just called to say condolence. That's all"
"Do you have a document to prove that investment or someone to tell na dahil lang lahat ng yun sa trabaho?"
"Yeah. It's all in my office and yes, yung secretary ko alam nya nag mga appointment ko. Ginagawa na ni Sol ang lahat"
Natahimik kami pagkaraan ng ilang saglit.
I was looking at her and observing her reactions from time to time and I can see that she is telling the truth that only means one thing.
"I think this is a set up mommy, we should be careful dahil hindi natin kilala ang kalaban. We can't trust anyone"
"What's your plan?"
"Just stay safe mom. Keep yourself alive and I will do everything to get you out of this damn messy place" I said with finality in my voice
"PRAIA, iha hindi ka ba papasok sa trabaho?" tanong ni tita Sol na kapapasok lang sa fitness room kung saan ako nag e-exercise.
Umalis ako sa treadmill at kinuha ang towel ko para magpunas ng pawis.
"Hi tita" I kissed her cheek "Not yet, may five days pa kong leave sa office"
"Kagagaling ko lang sa mommy mo. She's not so fine but she said she can handle" she sigh then switched topic "Neli is getting married three months from now and you will be one of her brides maid"
I can see her real happiness for her daughter.
Sino ba ang hindi sasaya? Neli is a total black sheep in our whole clan, she's a party animal at lingo-lingo laman ng dyaryo ang mukha nya at ng mga kaibigan nya dahil sa iba't-ibang gulo. A total rebel.
"Wow that's fantastic" I sincerely said
Finally Neli find her place in the world. Kahit nagkanda-letche letche ang pamilya ko, syempre dapat suportahan ko pa rin sya dahil si tita Sol ang katuwang namin ni mommy sa lahat simula nung mawala si daddy.
Then she started talking about her daughter's wedding details while I was listening to her.
"Ikaw, when are you planning to settle down? You're not getting any younger" biglang baling nya sakin
Natigilan ako ng ilang saglit bago nakarecover.
"Family first tita, after ng gulong to I promise you, hahanap na ko ng boyfriend"
"Great... So anong plano mo ngayon? Wala na si Esteban at naka kulong si Pelinara, you want to handle DH Enterprises?"
Isa pa ang DHE... I graduated finance pero wala talaga akong interest sa pagma-manage ng business. I like being in a office with papers and other stuffs but leading is not my thing. I'm not like my dad of even my mom.
I'm working on a not so big company here in metro coz our business is too big for me and I dont like to be a CEO with trial and error strategy. Maraming buhay ang umaasa sa kompanya, I can't bring them all down.
"I'm glad you opened that topic, nagkausap na kami ni mommy at for the mean time ikaw muna ang maging acting CEO. Is that okay?"
"Sure. Sure Praia, anything for my beloved niece"
One problem done. Many more to go.
HINDI na ako nakatiis kaya pumunta na ako sa presinto kung saan nakakulong ang Leonardo Dalikata na yun. That freaking murderer.
I maintained my straight face as I saw him even I wanna rip that fucking grin on his face using my seven inch heels. I wanna kill him right here, right now pero hindi ko yun ipinahalata.
"Magandang araw binibini" cool na cool nyang bati na parang hindi apektado kahit nakakulong sya ngayon.
"Walang maganda sa araw" I answered coldly.
Mukhang nakilala nya na ko dahil kahawig ko nga ang mommy ko. Alam nya na kung bakit ako nandito sa harap nya.
"Kung may itatanong ka miss Praia, gawin mo na" nakangisi pa rin nyang sabi.
I made my eyes as cold as possible at hindi naman ako nahirapan dahil umaapaw ang galit sa sistema ko.
"Sino ang amo mo?" diretsa kong tanong sa wala pa ring emosyon na mukha.
"Amo? Naku nagkakamali ka yata ng kinausap dahil ang kaharap mo ay ang taong na kinakatakutan ni satanas" tumawa sya ng pagak.
Tipong halakhak ng mga baliw.
I smirked. Gusto nyang magalit ko, pero hindi ko yun ibibigay sa kanya. Kung baliw sya, kaya kong maging mas baliw pa sa kanya.
"Really? Kung talagang takot sayo pati si satanas, sana hindi ka sumusunod sa utos ng kahit na sino"
"Nag-utos? Sinagot ko na yan kanina, wala akong sinusunod"
"Wag mo kong i-trash talk, hayop ka. Bakit idinidiin mo ang mommy ko? Alam nating inosente sya" mariin kong tanong.
I'm pissed pero hindi ako bibigay. I won't give this asshole his happiness.
"Sa tingin mo aamin ako sayo? Isa ka lang bata na walang alam, mabuti pa umuwi ka na at ipagdasal ang nanay mo dahil isasama ko sya sa impyerno"
I stand up.
"Sabagay nga naman, ang mga taong kagaya mo ay ang mga tipo na hindi nag-iisip... Sige, magsama kayo ng kung sino mang siraulo mong amo. Siguro nga bata lang ako, pero sinisiguro ko sayo na ang batang kaharap mo ang magdadala sayo sa impyernong sinasabi mo. So long mister..."
TAMARA called via FaceTime kaya itinigil ko muna ang pag hahanap ko sa Google. I am looking for my dad's mistress' social media accounts and damn its too private. All I can see is one single picture during her elementary days.
"Busy ka?" bungad nya agad pagka on na pagka on ng camera
Mukha syang pagod, sabog ang buhok, swollen lips, I can even see bite marks on her neck. I think I know what's going on. She's with the guy she just meet. They probably just finish on fucking. Then she called me. Great.
Binitbit ko ang laptop ko sa kama at doon umupo habang nakasandal sa headboard.
"No, not really I'm just checking on something"
Nanlaki ang mata nya. And from what i see mukhang nabuhay ang papatulog nya nang diwa.
She doesn't care kung kita ko na nakasuot lang sya ng manipis na nighties at may lalaking nakahiga sa kama nya na hula ko ay kumot lang ang takip sa katawan.
She's my best friend kaya alam namin kahit ang pinakamadilim na sekreto ng isa't-isa.
I often tell her that she might get AIDS or other sexualy transmitted diseases but she just don't listen. She will got hooked with some guys, do one night stand and pretend like they did nothing the next day.
"A crush?" excited nyang tanong at medyo naging magulo ang background nya.
Umirap ako at hindi sumagot hanggang maging steady sya ulit.
Lumipat pala sya sa terrace. Siguro para hindi maiistorbo ang kasama nya.
"Comeon Tammy, I had bunch of problems to fix wala akong panahon sa mga ganyan kaliit na bagay"
"Oh... Sorry Praia" umayos sya ng upo "Sorry for your dad"
"Sira, hindi mo naman kasalan eh"
"Yeah... I wonder how can you joke like that but anyway baka uuwi ako bukas. I want to hug you so bad, I know you feel sick"
Nagliwanag ang mukha ko. Finally... After her two year 'soul searching' in Florida, she'll come back.
"That would be great... Sa wakas may makakausap na ko ng matino dito"
"Hindi ko alam kung hanggang kelan pero sana one week"
"I'll try to extend my leave"
We continued talking at ikinwento ko lahat sa kanya. Even that filthy Florence girl. At infairness na gumaan ang loob ko dahil dun.
Now I'm ready for war.
DINAMPOT ko agad ang cellphone kong patuloy sa pagri-ring at sinagot iyon.
"Miss Del Hugo?" tanong ng lalaki sa kabilang linya
"Yes this is Praia Del Hugo, kamusta yung pinapagawa ko?" tanong ko ng makita na ang kinuha kong private investigator ang tumawag.
"Ma'am confirmed na kilala nga po ng daddy nyo si Florence Monteclaro. Kinumpirma po ng mga tao sa restaurant na palagi nilang kinakainan"
Nag-init na naman ang ulo ko ng narinig ang impormasyong iyon. That girl caused too much pain towards my family.
"Sino ba tong Florence na to? Is she poor? Probably a gold digger..." utas kong bulong
"She's is like a ghost that is not existing kaya nahirapan kaming hanapin sya at ang nakakagulat maam, kasama sya sa ambush at siniguro ng mga rescuers na marami syang tama ng bala pero wala pa rin sya"
"What?!"
"She's missing. Buhay pa sya pero baka tinatago dahil may alam sya sa nangyari. Baka nakita nya ang killer"
Something is fishy here. Kelangan kong mahanap ang babaeng yun para malinis ang pangalan ng mommy ko.
"Any relatives of this girl?"
"She's related to the founder of Monteclaro Empire but we don't get much information about her coz it's so private"
"Okay. Thank you ituloy nyo lang ang imbistegasyon sa kaso ng daddy ko"
Napahilot ako sa sentido ko sa sobrang frustration. Now I am curious.
I need a fucking plan.
WITH a serious face I walked towards Tammy's direction. Kauuwi nya lang pero imbis na matulog sa hotel, makipagkita sya akin sa coffee shop na ito.
"Uyy nabasa ko yung email mo kahapon, at alam ko ang solusyon sa problema" mukha pa syang excited.
The email she's talking about is the one I sent out of frustration dahil hindi ko mahagilap ang Florence na yun at kung gaano ka komplikadong pumasok sa Monteclaro Empire.
"Anong solusyon ba yan?" tanong ko pagkaupong-pagkaupo ko pa lang.
She ordered for us already. Mukhang kanina pa sya.
"Eto.." naglabas sya ng dyaryo mula sa dala nyang shoulder bag.
"Dyaryo?! Seryoso ka?" I asked in a straight face.
She rolled her eyes.
"Gaga basahin mo to"
Itunuro nya ang classified ads.
'Monteclaro Empire is hiring employees blah... blah... blah...'
Wala ng ibang pumasok sa utak ko kundi ang salitang hiring. Eto na nga ang solusyon sa problema ko.
"You're such a genius Tammy"
She flipped her almost white blonde hair.
"I know right"
An evil smile flashed out of my face. This is exactly what I need.
"MAAM Praia nandito na po ang mga dokumentong pinadala ni ma'am Tamara" anang isang kasambahay at inabot sakin ang isang brown envelope.
Sinilip ko iyon at napangiti sa nakita. Fake documents about me... Praia Marceliana. Looks like my best friend used her connections for this very well.
Fake birth certificate, fake IDs, fake driver's license, fake school documents, fake diploma and even the police clearance. Everything looks so authentic and with this face... No can ever doubt my identity.
"Thanks" sagot ko at hinayaan syang bumalik sa trabaho nya.
I reached for my phone and dialed Tammy's number.
"Nakuha mo na?" tanong nya agad
"Oo, thank you"
"Ikaw pa, syempre ayos lang yun. Anyway babalik na ko sa Florida"
Kahapon, we spend the whole day shopping kahit kadarating nya lang at ngayon aalis na naman sya.
"Kelan?"
"Three hours from now"
"Talaga Tamara? Mabuti naman at naalala mong magpaalam sa best friend mo" I said sarcastically.
"Sorry na... Emergency eh, may problema ang boutique"
But she didn't sound sorry.
"Fine. Last mo na yan, kapag umalis ka ulit ng hindi man lang nagpapaalam makakatikim ka na sakin"
"Nagpapaalam na nga ako ngayon "
I can see her pouting her lips from here. I could only imagine how she flips her hair and roll her eyes by now.
"Shut up"
She laughed.
"Love you Praia"
That's what she always say to calm me down.
"Pasalamat ka humingi ako ng pabor sayo, kung hindi pupunta ako dyan sa airport para lang batukan ka. Ingat ka"
I turned my phone off.
Now I'm on my way to that damn Monteclaro Empire. I'll just have to talk to my mom.
NAGMAMADALI akong lumabas sa elevator dahil late na ko sa trabahong pag a-aplly-an ko. Nakapasa ako sa unang interview kaya kelangan ko na lang makausap ng personal ang CEO dahil hands on daw ito sa pagpili ng empleyado.
"I'm here for the job interview" marahan kong sambit sa babaeng nasa desk na tingin ko ay secretary ng CEO.
Parang nagdalawang isip pa sya pero agad din akong nginitian.
"A-ah... Sige, this way miss" aniya at itinuro ang office na may sign na Vice President.
Sya pa ang nagbukas nun para sakin at umalis na ng makapasok ako.
Sabi nung taga HR lima lang ang napili kaya baka tapos na ang apat na nauna sakin. Sana available pa ang slot.
Inilibot ko ang tingin ko sa opisina. Gray at white ang dominant color kaya malamang lalaki ang may-ari nito.
"Hi sir I'm here..." nabitin sa ere ang lahat ng sasabihin ko ng biglang humarap ang swivel chair na kanina ay nakatalikod sa gawi ko.
The man's eyes were light brown with a tint of yellow and black. Yun agad ang una kong napansin dahil na high light yun ng ash gray nyang buhok. Naka suot sya ng powder blue na long sleeve na nakatupi hanggang sa siko nya. Samantalang nasa likod ng swivel chair ang coat nya. Every inch of him shouts authority and power.
Tumikhim ako para makapagsalita ng tumaas ang kilay nya para kwestyunin ang pagtitig na ginagawa ko.
"I want to apply for the job"
I tried my best para hindi ipahalata sa kanya na kinakabahan ako. I even smiled casually to let him know na ang ginawa ko ay initial reaction lamang dahil unang beses ko syang nakita.
Ibinaling nya ang tingin sa intercom at nagsalita doon.
"Bridgette bakit may aplikante pa rin dito?"
His voice was masculine and serious. Just exactly what I am expecting from him.
Sumulyap ako sa table nya at napangisi.
'Zurich Monteclaro- Vice President'
I should really start from him.
"Sir akala ko po kasi yung para kay Sydney" parang nanginginig pa ang boses ng kausap nya.
Bridgette was probably the woman outside. Mali ba na dito ako pinapasok? Ang sabi ng receptionist dito daw sa floor na ito. Pero asan ang CEO?
"Okay thank you" bumaling sya sakin "Have a seat"
Tahimik lang akong umupo at hindi inalis ang mata sa kanya.
I shouldn't let him see that I am affected of his presence.
"Actually the job interview you are up to just finished minutes ago, see that girl outside this office? She's my new secretary"
Tumaas agad ang kilay ko. Nakapili na? Hindi pwede... How can I get close to Florence now? Paano na ang mommy ko? This can't be happening.
"What?! But sir the newspaper said---"
"Oh no... We cancelled the hiring today because unfortunately my brother Kiev Monteclaro has something important to do with his wife"
Ngumisi sya na parang sinasabi sakin na you should leave now miss, that would be easier for the both of us.
By hook or by crook I will get this job. Para saan pa at may best friend akong expert sa ganito, during college days paborito nyang ikwento sakin kung paano nya inaakit ang mga naging boyfriend nya.
I may not have that experience pero matalas ang memorya ko kaya ang kelangan lang, mawala ang hiya at konsensya ko.
"Sir kasi kelangang kelangan ko po ng trabaho. I get fired from my job and my mother is sick... Please sir i badly needed a job"
I bit my lower lips ng mahuling nakatitig sya roon. Thanks God it was brick red, it looks more seductive that way. Now that i know your weaknesses, I should use it as my strength.
"Why don't you enter modeling? I'm sure papasa ka dun, mukhang mamahalin naman ang mga alahas at damit mo pwede mong ibenta yan for your mom's sake" he said in a straight face habang iniiwas ang tingin sa labi ko.
Now I regretted wearing this diamond stud earing. How stupid of me to go here wearing a Balmain dress. Damn. I must get that job.
I smiled sweetly and the seriousness on his eyes turned into a stare full of hunger and desire.
Gumagana ang plano ko.
"Sige na sir, kahit yaya o bodyguard o cook... Hindi po ako namimili ng trabaho"
Now I can see amusement in his eyes.
"Your words are opposite to what I see from you. You look elegant, mahusay kang magdala ng damit, hindi ka nadapa sa mataas mong heels, magaling kang magsalita na para bang isa kang executive" he said while still avoiding to glance at my lips.
Wrong move for him coz it just landed on my cleavage. It is not that big but I can say it is just right for me. Litaw yun dahil malalim ang neckline ng dress na suot ko. Ngayon lang ako magpapasalamat na dahil sa pagmamadali kanina, nakalimutan ko ang blazer sa kotse ko.
"Hindi po sir, bago kasi ako mag shift sa finance, nag take muna ako ng tourism" I used my hoarse voice.
Ganito ako ka-desperada dahil para to sa mommy ko. I don't lie in some details like my courses during college which is tourism and finance.
Saka na ako mahihiya, ang kelangan ko munang isipin ay ang trabahong ito.
"Hmm... Interesting. Tutor ang kelangan ko hindi finance officer"
"Pwede po akong tutor sir. Nag-aalaga po ako ng mga bata kong pinsan at pamangkin dati"
Another lie. Halos kaedad ko ang mga pinsan ko at hindi kami close. Isa pa mayayaman din sila, they can all hire bunches of nannies without exerting any effort.
Only child ako kaya anong alam ko sa bata? Bahala na...
"Okay. Now tell me about yourself"
He looked at the wall and gulped. He is tempted. Nakakuyom ang mga palad nya sa I ibabaw ng lamesa at balisa na ang kilos nya.
"I am Praia Marceliana. My mother tounge is Filipino, my second language is English. Marunong po ako mag French, Italian, German at Japanese. May konti rin po akong alam sa Mandarin pero mas fluent po ako sa Spanish. Kahit anong topic sa biology, chemistry, physics o earth science pwede ko pong pag-aralan. Kakayanin ko rin po ang algebra, trigonometry, pre calculus, basic calculus o kahit mismong calculus. Sir please kunin nyo na po ako..."
That's true, wala naman akong ibang sasabihin kundi yan. During summer vacation, my mom is enrolling me into a language class. Kaya mukha akong nag-aral ng linguistics.
He looked stunned dahil matagal bago sya nagsalita. Did I talk too much?
"Follow me" tumayo sya at pumunta sa isang pinto na hula ko ay adjacent sa isa pang opisina o kwarto.
Pangisi-ngisi akong sumunod sa kanya pero nawala yun ng makita ko kung ano ang nasa loob.
Like his office, the dominant color is gray and white but there is a large bed where a little girl was lying. Nakatalikod sya samin kaya hindi ko makita ang mukha nya.
"That is my daughter Sydney at ayaw nyang kumain dahil may sakit sya. Pag nagawa mong ipaubos sa kanya ang laman ng mangkok na yun kukunin kita bilang personal yaya at tutor nya"
Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"Right away sir"
Pumasok ako sa loob at marahang naglakad palapit sa kama dahil mukhang natutulog yung bata.
Ng lingunin ko sya at naglalakad na sya pabalik sa table nya pero hinayaan na bukas ang pinto. Plano nya atang panoorin ang gagawin ko kaya umupo sya at iniharap sa gawi ko ang swivel chair.
Nag iwas ako ng tingin at tuluyang lumapit sa bata. Gumagalaw sya pero hindi yun halata dahil natatabunan ng makapal na kumot ang kalahati ng katawan nya.
"Hi little girl" I used my sweet and low voice para makuha ang atensyon nya.
Nagawa ko naman, kaya lang masama ang tingin nya ng bumaling sakin.
She looked like just a small version of her dad. Ano kayang itsura ng mommy nito?
"Wag mo kong tawaging little girl, malaki na ko at Sydney ang pangalan ko"
'She's just a kid, Praia calm down. You need to feed her the soup so you'll get the job. For your mother remember?' paalala ko sa sarili ko.
Bumuntong hininga ako at ibinalik na muli ang ngiti ko.
"Okay, hi Sydney"
"Sinong may sabi sayong Sydney ang itawag mo sakin? We're not close enough miss" mataray nyang giit.
Natahimik ako at napasulyap sa lalaking pangisi-ngisi habang nanunuod. He's watching my reaction huh?!
"I bet pinadala ka ni daddy dito para pakainin ako"
Okay. He got one hella maldita kid. Kanino kaya nag mana to? Pero ang mas malaking tanong, paano ko mapapakain ang masungit na batang to?
If I am not mistaken she was just about four or five years old but the way she talks made me think that she's an eighteen year old bitch trapped in a body of a kid.
I succeed seducing her dad but how about her? How would I know if all my life I never ever experienced socializing with kids?
"Ganon na nga... Halika kain ka" marahan kong sagot at sinubukan syang hawakan.
She's hot. Not the hot looks, but literally hot all over. She's burning with high fever for who ever's sake.
"Don't bother miss, I'm not hungry yet" she answered in the same bitchy tone
"Pero kelangan mo to para lumakas ka. Sabi ng daddy mo may sakit ka daw" I tried to be patient
"Wala ka ng pakialam dun, hindi ka naman doktor"
Because of what she said, I suddenly heard the famous line of Tammy when she's annoyed.
'If you can't beat them, join them'
I'm tired of this kid. She must know how to respect people who's older that her. Praia Del Hugo is about to teach her that damn lesson.
"Dahil hindi ako doktor wala na akong pakialam? Sabi mo malaki ka na pero sa inaasta mo ngayon, para kang bata. A little cute brat" I raised my eyebrow on her to give her the impression na hindi ako magpapatalo sa kanya.
If she's a brat, then I can be a total brat like her. A wise one. Bring it on kid.
"Wag mo kong tawaging cute at lalong hindi ako brat"
"Owss... Then eat this, prove to me that you're not a brat"
"I don't have to prove you anything"
"See? You really are a brat"
Marahas syang bumangon mula sa pagkakahiga at tiningnan ako ng masama.
"Fine. Akin na yan, kakain ako mag-isa. I don't need your help. No one needs you here"
I smiled wickedly. This is a victory.
"DONE sir. This means I get the job right?" nakangiti kong bungad sa kanya
Ibinaba ko ang mangkok sa harap nya mismo.
"Not yet miss Marceliana, ang usapan natin ipapaubos mo sa kanya. Kaso kalahati lang ang kinain nya"
He smirked while starring at my lips. This time wala na yata syang pakealam kahit kitang-kita ko yun. He don't even bother to hide it from me.
"What the..." I bit my lower lip so hard to prevent myself from saying unpleasant words "Sir may sakit yung bata at malamang wala syang panlasa kaya given na hindi nya mauubos ang soup sa malaking mangkok na yan"
He grinned.
"A deal is a deal. We'll just call you when you get the job"
That's it. Damn this guy. Zurich Monteclaro... Argh...
"Listen. She's sick and yet you let her stay in that room in your office? You're one stupid father. You know what? You should bring her to the hospital kasi mister, inaapoy na ng lagnat ang anak nyo"
I stormed out of that room and never look back again.
That jerk... Call nya mukha nya, pagkatapos akong pagtarayan ng anak nya? Magsama silang mag-ama.
Hahanap na lang ako ng ibang paraan para mahagilap ang Florence na yun.
I FACE timed Tammy to tell her what have I just done and she was stunned. Every detail sinabi ko. Wala akong itinago.
"So may anak na si Zurich? At maldita? Sabi mo hot yung tatay diba? Oh my gosh I wanna meet him. I can imagine his eyes covered with lust"
Nagtitili sya kaya biglang napabangon ang lalaking nakahiga sa kama nya.
Another different guy. And now she's talking about Zurich while the man beside her is just wearing nothing but a boxer shorts.
Iba ang inaasahan kong reaksyon mula sa kanya.
'Ano bang iniisip mo Praia, bakit mo nilandi ang Zurich na yun? Hindi ka ganon at makakapatay ang mommy mo pag malamang nagpakahirap kang gawin lahat ng yun pagkatapos ay 'we'll just call you' ang natanggap mo?'
Napailing-iling na lang ako ng magpaalam yung lalaki bigla. Sino ba naman ang matutuwa na after having sex, magigising ka na ang partner mong naka robe lang ay nakaharap sa laptop at kausap ang best friend nya?
Worst, tili nya ang bubungad sayo. Take note na dahil yun sa isang hot na lalaki na nakilala nya lang mula sa description at kwento.
Baka mahimatay na si Tammy sa kilig kung sya ang nagpa-interview.
"Tamara maghunos dili ka nga, may asawa na yung tao" saway ko dahil hindi sya mapakali sa kilig.
"So pag walang asawa okay lang? Tss.. uso na ang divorce ngayon, wag ka ngang old school" taas kilay nyang saad.
I rolled my eyes at her.
"Pilipinas to, ipinapaalala ko lang na hindi kasing liberated ng mga tao---"
Pinutol nya ang mahaba kong lecture tungkol sa pagkakaiba ng Florida at ng Pilipinas.
"Yes. Yes of course I know... Ang akin lang may annulment naman dyan. Malay mo ma-seduce mo pa, jackpot yun girl..."
There is this weird playful smile on her lips.
"Itigil mo yan Tammy ha..." banta ko kahit napapangiti ako sa sinabi nya.
"Bakit gagawin mo ba? Don't worry susuportahan kita in case na itakwil ka ni tita Pelinara" humalakhak sya "Anyway anong feeling na tinitigan nya ang labi mo?"
I growled.
"Stop it. Sabi ko nga kanina, ginawa ko lang yun dahil akala ko madadala ko sa ganon" katwiran ko
"Pero hindi mo nabanggit kung anong feeling" giit nya.
"Damn Tammy, matulog ka na"
I was about to end the call when she interrupted.
"No Praia, don't press that button... You have to tell me first"
"No way"
She pouted like some bitchy school girl. Pwede ng sabitan ng hanger ang nguso nya sa sobrang haba nun. Like that Sydney brat.
"Fine. Nakakailang at nakakalunod okay? Parang may kung ano sa titig nya na... Basta... Kasi malakas ang appeal nya kaya... Ewan. Oh ano happy?"
Nag mukha na naman syang ewan ng magtatalak sa kama habang kinikilig.
Crazy.
Latest chapter
Fire of Seduction KABANATA 4
THE next day went like a flash because it is Sunday. Sydney and I played the whole morning and after dinner we watched cartoons--- a yellow sponge with square pants and long nose with his pink starfish, grumpy octupos and red crab friends. She stayed with me because her grandparents is on a trip abroad.We both laughed in unison in a funny scene then stopped because somebody interrupted us."Yow guys... Can we join you?" bati ni LA at umupo sa tabi ko.Kasunod nya si Cairo na may bitbit na dalawang bucket na popcorn at isang plastic bag na punong-puno ng chips at kung anu-ano pa."Tito were watching SpongeBob SquarePants. What was that?" ani Sydney na agad na nakiusyoso sa dala ng mga bagong dating."Finger foods" sagot ni Cairo habang inaayos sa mesa ang mga dala.Umayos ako ng upo nang maalala ko na nasa office nga lang pala nya si Zurich. "Asan a
Last Updated : 2020-11-05
Fire of Seduction KABANATA 3
I WAKE up early with a light feeling in my head. Sinilip ko muna kung natutulog pa si Sydney sa kwarto nya bago ako pumunta sa kusina at naghanda ng breakfast, baka sakaling maisip ni Zurich na sumabay samin kaya dinamihan ko na ang luto. Besides natutuwa ako na kompleto ang kitchen utensils at grocery nya.I was humming a nursery rhyme as I pick up the last batch of sausages on the pan when Sydney suddenly puffed at the kitchen."Good morning" I cheerfully greeted her."Morning" tamad na tamad nyang bati rin sakin habang nagkukusot ng mata nya.She was still wearing her bunny printed pajamas and barefoot while walking towards what I cooked."I cooked breakfast, tulungan mo kong i-set ang dining..."She shrugged and get the forks and spoons while I carry the plates and glasses.Pinagtulungan namin na i-set ng dining saka kami umupo ng mag kahar
Last Updated : 2020-09-15
Fire of Seduction KABANATA 2
HATING gabi na ng matapos ang pag uusap namin ni Tammy dahil nagkwento pa sya tungkol sa isang dati nyang naka one night stand na nag i-insist na magpakasal sila.She is very annoyed kaya wala akong ginawa the whole time kundi tumawa ng tumawa. She hates commitment pero parang nakahanap na sya ng lalaking ayaw sa 'no strings attached policy' nya.Kakahiga ko pa lang ng mag ring ang phone ko.It was an unregistered number kaya nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba pero sa huli ay naisip kong baka importante kaya sinagot ko rin."Hello Praia speaking, may I know who's this?" agad kong tanong na para bang call center agent."Darn. Even your voice sounds good over the phone" malambing na sagot ng lalaking nasa kabilang linya.Nangunot agad ang noo ko."What? Sino ka ba?" Binago ko ang tono ng boses ko at pinataray iyon para ipaal
Last Updated : 2020-09-15
Fire of Seduction KABANATA 1
CARRYING my hand bag I made my way into the mansion's double door. I was just too tired today because my work is so demanding that I couldn't even eat a proper lunch because of too much paperworks.Nagtaka ako ng maabutan ko ang sobrang tahimik naming bahay dahil sa mga ganitong oras usually nakauwi na ang parents ko galing sa trabaho."Manang Nieves bat parang walang tao dito? Pinag day off---"Nabitin sa ere ang lahat ng sasabihin ko ng magtaas sya ng tingin. Hindi ko maiiwasang kabahan dahil mugtong-mugto ang mga mata nya na parang nanggaling sa matagal na pag-iyak.Lumapit sa akin ang nasa mid-fifties na mayor doma."Praia... Ang daddy mo..." Pumiyok pa sya sa pagsasalita habang papalapit sa akin."A-ano pong nangyari?" I was literally trembling because I am scared of what she might tell me. "N-naaks
Last Updated : 2020-09-14
Reviews

Chapters
Read
Download
To Readers
Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2 FEI
