Download the book for free
Chapter 8
Author: MargaretzzzzPicture
Malapit na kami sa kotse niya.
Tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sakin. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Bakit ganun reaksyon nila? Bakit parang okay lang sakanila?" Tanong ko at tinuro ko pa yung gawi nila Ate kanina.
"Angela Ceren Martinez, they know that I love you Angela even your parents they know about it." He said a smile curved in his lips. Nagulat ako sa sinabi niya.
"How?" Naguguluhan na ako.
"Tss, hindi ka kasi pumupunta pag iniinvite ni mommy family mo," sabi niya. Ako pa sinisi. Napatulala ako sa sinabi niya.
"Tara na sa kotse doon na lang tayo magkwentuhan kakawa naman ang mga paa mo na maliit baka pagod na." 'yan na naman mga pang aasar niya. Hahampasin ko sana siya kaso nahawakan na niya agad ang mga kamay ko.
Pinagsalikop niya ang kamay namin at iginiya niya ako sa shotgun seat ng kotse niya. Habang sinusuot ko ang seat belt ay siya naman ay umikot para sumakay sa driver seat.
Curious talaga ako kung pano nalaman ng pamilya ko ang nararamdaman niya para sakin. Ibig sabihin matagal na siyang may gusto sakin? Pero ang alam ko trip lang nila 'yon. Inutusan lang siya ng barkada niya. 'Yon ang alam ko.
"Pano nga nangyari 'yon?" Tanong ko uli sakanya. Nasa daan na kami hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng isang 'to.
"Naka ilang tanong ka na niyan simula pa kanina bago tayo umalis sa parking," sabi niya.
"Curious lang kasi ako," sabi ko naman.
"Kung ngayon ako magkukwento baka hindi matapos sa haba."
"kanina pa nga tayo dito sa kalsada saan mo ba ako dadalhin ha?" Tanong ko sakanya. Ang sakit na kasi ng pwet ko kakaupo.
"You'll see," maikli niya na sabi.
"You'll see mo mukha mo." pabulong kong sabi hindi ko alam kung narinig niya tumingin nalang ako sa daan na tinatahak niya at nag cross arms nalang ako.
Patuloy kong iniisip kung paano nalaman ng pamilya ko yung nararamdaman sakin ni Jay. Inaamin ko na hindi ako umaattend sa mga family gatherings simula ng maging magkasintahan si Ate at Kuya Jaycee ay lagi nalang nagkakaroon ng family gathering isang beses sa isang taon minsan nga naging dalawa pa sa isang taon mahilig kasi magluto ang mommy nila kuya Jaycee. Isang beses palang ako nakakapunta sakanila 'yon ata yung first anniversary nila Ate. Hindi na ako sumama sa mga sumunod dahil pagtapon nun ay tumaas yung sugat ko sa dami ng nakain ko. Ang sarap kasi ng mga pagkain hindi ko mapigilan sarili ko. Hindi din naman ako pinigilan nila mana dahil minsan lang naman daw ako kumain ng madami.
Ngayon mag five years in a relationship sila ate madami-dami na din akong akong hindi napupuntahan na family gatherings kasama ang pamilya nila.
Rinig ko ang malakas na buntong hininga ng katabi ko. Napatingin ako sakanya at nakatingi din siya sakin huminto siya dahil sa star toll.
"Lalim ng iniisip mo a sana ako 'yun," nakangisi niyang sabi. Napairap na naman ako sa kakornihan niya.
"Asa ka! Wag mo nga ako kausapin hanggat hindi ka nagkukwento sakin," attitude na kung attitude sumasakit na ulo ko kakaisip e.
"Wait 'till there, baby." napatingin ako sakanya at nakangisi na naman siya.
Nagbayad na siya ng pay toll at umandar na naman kami.
Habang bumabiyahe kami ay kasabay ng paglubog ng araw ang ganda lang pagmasdan. Nakatutuk sa mukha ko ang sinag na papalubog na araw. Pinatong ko yung phone ko sa taas ng maliit na compartment pero natutumba siya.
Hininto ni Jay ang sasakyan sa may lay bay. Siguro napansin niya ang ginagawa ko.
"What are you doing?" Tanong niya.
"I want to take a picture. Picturan mo naman ako," nakanguso kong sabi sakanya at inaabot ko sakanya ang phone ko. Kinuha naman niya agad 'yon. Umayos ako ng upo nag post ako ng post. Nang makuntento ay kinuha ko na sakanya ang phone ko.
Siya naman ang kukunan ko ng litrato gamit ang phone ko.
"Wait there," sabi niya at inilabas niya ang phone niya. Nakangiti ako na nakaharap sakanya at nakatapat din sakanya ang phone ko.
"Hey wait put down your phone I'll take you a picture," I said.
Binaba niya at tumingin siya sa bintana na para bang nahihiya sa camera. Nang makuntento na ay tinignan ko na 'yong mga picture.
Pumili ako ng mga litrato na ieedit ko sa lightroom para mas maganda. Tinignan ko yung kinuha kong litrato ni Jay na hawak niya ang phone niya na sa tingin ko ay kinukuhaan niya din ako. We're so cute there.
I posted it on my IG account. With the caption "u cute?"
Napangiti nalang ako sa ginawa ko. Pati ang iba ko pang picture ay pinost ko na din.
"Malayo pa ba?" Tanong ko dahil inip na ako gutom na din. Kanina pa kasi kami bumibiyahe at wala pa kami sa pupuntahan namin.
"Malapit na," sabi niya. Buti naman ang ngawit na ngawit na pwet ko.
Nakita ko sa dinadaanan namin na sa Tagaytay kami hindi na ako nagtaka dahil kanina pa kami bumibiyahe. Ano naman kayang pakana ng isang 'to at naisipan dito mag dinner sa tagaytay.
Pumasok kami sa isang malaking gate at sa itaas nito ay may nakalagay na español na salita. Hindi ko agad nabasa iyon dahil nakapasok na kami sa loob.
Sa pagpasok ng aming sasakyan ay may sumalubong agad na lalaki para igiya sa garehe ang sasakyan.
Isang malaking mansyon ang pumukaw sa akin na tila ba hindi bago sa aking paningin ang mansyon. Hindi ko matandaan pero sa pagkakaalam ko nakapunta na ako dito.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Jay. Nakangiti siyang humarap kaya ginantihan ko siya ng matamis ba ngiti.
"This is our rest house here in Tagaytay, and also here we first met," he said. I knew it I already went here.
Dito nag first anniversarry sila Ate hindi ko lang matandaan dahil lagi akong tulog sa biyahe noon at walang pake sa mga bagay-bagay. I was in nine grade that time at busy ako sa school at pagod na pagod ako. Sinundo lang ako nila Mama sa school nun para makasama ako.
" I knew it. hindi ko na kasi matandaan," nakangiwi kong sabi sakanya.
"I know you seem sleepy when you arrived here that time and you eat like there's no tomorrow!" he chuckled. Yan na naman siya.
"Huwag mo na ipapaalala please ang dami ko ngang nakain nung gabing 'yon" tinankpan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay dahil sa kahihiyan. Gutom na gutom kasia ko nun.
"That's okay," He chuckled again at tinanggal niya ang mga kamay kong nakataklob sa mukha ko.
"Lets go." hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa bulwagan ng bahay.
Ang ganda pa din ng loob lalong gumanda. Ganto ang tipo ko ng bahay kahit na disenyong pang sinauna ay nahahaluan pa din kaunting moderno.
"Good evening Sir Jay at Mam Angela," nginitian ko lang ang mga bumabati na katulong hindi na ako nagtaka kung bakit nila ako kilala dahil nga minsan na akong napunta dito. Binati naman sila ni Jay.
"Pahanda na ako ng pagkain," sabi ni Jay sa mga kasambahay.
Dinala ako sa berenda ni Jay. Doon nakahain ang pagakain may pa bulaklak sa gitna ng lamesa may kandila pa naparabang romantic dinner ang dating.
Pinaghila ako ni Jay ng upuan. Umupo naman siya sa katapat na upuan. Tinignan ko ang labas at sobrang dilim na hindi na makita kung ano mang tanawin ang meron dito. Sa 'di kalayuan ay may makikitang mumunting ilaw galing siguro sa ibang gusali o kabahayan.
"Are we near in Taal Volcano?" Napatanong ko dahil nas tagaytay na din naman kami.
"Yep, pag maliwanag kita mo dito ang Taal Volcano. Hindi mo lang siya makikita ngayon dahil gabi."
"Ohh really?" Gulat kong sabi.
"Yes, why do you want to see it?" Tanong naman niya napatango ako matagal ko ng gustonf makita Ang Taal pero wala ako minsan time.
"But how? Uuwi rin naman tayo mamaya," napasimangot naman ako. Dumating na ang mga pagkain namin kaya inayos. Nilagyan ako ng konting-konting kanin ni Jay at madaming gulay.
"We can go home tomorrow morning," sabi niya habang nilalagyan ang plato niya ng pagkain.
"Papayag kaya si Ate?" Knowing Ate papayagan naman ako nun lalo na kasama ko si Jay.
"We'll call her later. Kumain na muna tayo."
Tahimik lang kaming kumain. Minsan ay nahuhuli ko siyang patingin-tingin sakin.
Naubos ko na ang pagkain sa plato ko pero kumuha pa din ako ng gulay lalo na't chapsuey ang luto paborito ko pa naman 'to. Tama lang ang luto ng carrots hindi lutong-luto at hindi din hilaw
tama lang. Pag lutong luto kasi sobrang lambot ayoko nun.
Puro gulay ang nakahanda ngayon sa hapag walang mga seafoods na nakahanda noon. Ang sarap naman ng luto.
"Bakit walang seafoods?" Tanong ko at napahinto naman siya sa pagkain. Pinangunutan niya ako ng noo.
"Really? Hinahanap mo yung bawal sayo?" Pagsusungit niya.
"Sungit," bulong ko at bumaling na uli ako sa kinakain ko.
"Alam na kasing bawal hahanapin pa," bulong niya pero dahil sa baritono niyang boses narinig ko.
"Namimiss ko lang naman kasi ang sarap kaya ng luto," I pouted. Tumigil ako sa pagkain at tinignan uli siya na nakatingin din sakin.
Napabuntong hininga naman siya.
"Hindi naman totally na bawal sakin 'yon dapat patikim-tikim lang." dagdag ko pa
"Alright, bukas papaluto ako," sabi niya. Nagdiwang naman. I'm just craving for those seafoods.
"Just make sure you will not eat a lot of it okay? It's bad for your health" tumango-tango naman ako na parang bata. Abot tenga ang ngiti hanggang matapos kumain.
Kinuha ko na ang phone ko para tawagan si Ate.
"Ohh? Nasaan na kayo?" Siya ang unang nagsalita.
"Ate nandito kami sa Tagaytay pwedeng dito na kami magpalipas ng gabi?" Tanong ko.
"Ay nandyan lang pala kayo sige asan ba si Jay kakausapin ng kuya niya." Sabi ni ate. Binigay ko naman ang phone ko sa katabi kong si Jay.
Hindi na ako nagtaka kung magkasam ang dalawa. Mahiral paghiwaliyin ang dalawang yan laging gusto kasama ang isa't isa.
"Kakausapin ka ng kuya mo," I mouthed to him. Tinanggap naman niya at lumayo siya ng bahagya sakin.
"Yeah. I know kuya. Yes yes. I will. Alright kuya." hindi ko rinig ang pinaguusapan nila dahil hindi naman naka loudspeaker.
Binalik ni Jay sakin ang phone at akala ko patay na ang tawag pero hindi pa pala.
"Hoy Angela Ceren umayos ka diyan ha sa kwarto ko ikaw matulog may damit din ako dun gamitin mo bayadan mo nalang pagbalik mo," sabi ni ate pati ba naman damit pinagdadamot.
"Ohh may kwarto ka dito? Sana oll pati damit pinapapabayadan mo e ako nga nagbabantay ng shop mo." sagot ko naman ano ka ngayon babawi ako sayo.
"Inggit ka naman wag kang magalala magkakaroon din diyan!" pang aasar ni Ate. Rinig ko ang tawa ni Kuya Jaycee nakaloudspeaker siguro sila.
"Tse. Ewan ko sayo Ate" pinatay ko na ang tawag alam kong aasarin lang nila ako.
Wala pang ilang minuto ay nakareceived naman ako ng text kay ate. Aba hindi pa ata tapos sa pang aasar.
Ate Shane:
Hoy luka, magpaalam ka kila Mama.
Shit! Muntik ko ng makalimutan tinext ko nalang din si Mama at pumayag naman agad ito. Parang hindi pa nga mag-aalala sa ikli ba naman ng sagot sakin.
"Okay." Yan lang ganon na ba talaga nila kilala si Jay at pinapayagan nila ako na makasama ang tukmol na 'to?
Hinatid na niya ako sa kwarto ni Ate. Hindi ko maipagkakaila na ang ganda ng disenyo ng kwarto mi Ate. Ganun na talaga kagusto ng mga Marquez si Ate pati kwarto dito sa rest house nila binigyan siya.
"If you need something my room is just two rooms away from here," sabi ni Jay. Nakaupo ako ngayon sa kama at tinatanggal ang sapatos ko.
Tumango naman ako at nginitian siya.
"Hmm, okay," sabi ko. Nginitian naman niya ako pabalik at lumabas na ng kwarto.
Nag half bath muna ako bago matulog. Mababa masyado ang temperatura ngayon dito sa Tagaytay buti nalang may hoodie si Ate dito. Nakatulog naman ako agas dahil sa sarap ng klima. Idagdag ang mga magagandang nangyari ngayon araw hindi naman naging perfect at least mas lamang ang positive vibes.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Ending Scene Epilogue
Epilogue Nakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok. Napayuko ako sa sakit. "Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag
Ending Scene Final Chapter
Final Chapter Pababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito. Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.
Ending Scene Chapter 35
Home Naiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok. Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?
Ending Scene Chapter 34
Endearment Kanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman. Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw. Lumayo kami sakani
Ending Scene Chapter 33
Answer He's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong. We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da
Ending Scene Chapter 32
Discount Nakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin. Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays. Binili
Ending Scene Chapter 31
Talk&n
Ending Scene Chapter 29
Disappoined
Ending Scene Chapter 28
Mrs. Marquez
